AN: Hello po sa inyong lahat at sa lahat ng mga magbabasa nito maraming salamat po.
----------
7 years later....
"Nako wala na ho dito sila sir at Ma'am Melinda nasa states na po sila simula ng mamayapa ang asawa ni Ma'am Melinda."
"Babalik pa po ba sila? Kailangan ko makita ang anak ko." Naiiyak na wika ko sa guard pero umiling lang ito.
"Carmela, hoy!"
"Ha? B-Bakit?" Nagulantang na sagot ko at takang-takang napatingin kay Joselyn.
"Bakit? Eh kanina ka pa tulala diyan eh. Huwag mo sabihin na iniisip mo na naman si Gregory?" Nakataas ang kilay na wika ni, Joselyn.
"H-Hindi, ang anak ko ang naalala ko. Kaarawana niya ngayon at malaki na siya dahil pitong taon na simula magkahiwalay kami. Ganon ko na rin katagal na hindi nakikita ang anak ko, hanggang ngayon ay hindi pa rin matanggap ng puso ko ang mga nangyari." Naiiyak na sabi ko dahil walang araw o gabi na hindi ko naiisip ang anak ko.
"Alam ko naman eh, pero wala ka namang magagawa dahil sabi mo nga mayaman sila at kahit ipagpilit mo pa wala ring mangyayari dahil sila pa rin ang mananalo."
"Pero sana gumawa ako ng paraan, ang problema ko ng mga araw na 'yon wala rin akong malapitan at wala akong pera. Hindi ko alam kung sino ang tutulong sa akin o kung kanino ako lalapit." Malungkot na sagot ko.
"Bakit kasi hindi ka magmahal ng iba para sa ganon ay magkaanak ka, hindi ka na bata nasa trenta ka na hindi ba? Si Michael, hindi mo ba siya talaga magugustuhan?"
Napailing ako sa sinabi ni Joselyn doon sa manliligaw ko na manager namin dito sa isang shop. Magkasama kami sa trabaho ni Joselyn, cashier kami pareho.
"Hindi ko alam pero talagang hindi ko siya magawang magustuhan kahit pa alam ko naman na pursigido naman siya sa panliligaw sa akin. Pero talagang..."
"Dahil si Gregory pa rin? Sabi mo nga diba hindi ka niya pinakinggan at dahil sa ganon bagay ay biglang naglaho ang pagmamahal niya sa'yo." Naiinis na wika ni Joselyn.
"Huwag mo naman masiyadong laksan nakakahiya, pero nasaktan ko siya at kahit sino siguro hindi matatanggap ang nakita niya kahit pa hindi naman 'yon totoo." Malungkot na sabi ko at naalala ang nangyari na habang inaayusan ako ay may pinainom na tubig sa akin at yon na ang huling tanda ko dahil nawalan na ako ng malay, nagising na lang ako dahil nagkakagulo na.
Hindi ko na halos makain ang pagkain ko nawalan ako ng gana bigla dahil sa mga naiisip ko.
"Pero nasaan na kaya sila? Nasa ibang bansa pa rin kaya sila?" Tanong ni Joselyn habang kumakain.
"Hindi ko alam dahil huling punta ko sa dating bahay nila binenta na raw 'yon. Wala na talagang pag-asa na makita ko ang anak ko, kahit ang anak ko na lang ipakita naman nila sa akin. At ang masakit hindi na ako kilala ng anak ko dahil baby pa siya no'n ng mawala na ako sa tabi niya"
"Hay nako friend, tigilan na nga natin 'yan. Malay mo dumating ang araw na magkikita kayong muli at sa araw na 'yon maaari mo ipaliwanag sa kaniya na demonyita talaga ang lola niya." Natatawang sabi ni Joselyn dahil naikuwento ko sa kaniya ang ugali ng mama ni Gregory.
Alam ko na simula ng malaman nila na magkasintahan kami ay ramdam ko na hindi ako gusto ng mama niya. Alam ko rin naman na isang malaking pagkakamali ang makilala ko si Gregory Alarcon, pero isa siya sa napakagandang nangyari sa buhay ko kahit talaga namang langit at lupa ang agwat naming dalawa.
Sabay na pumasok na kami ni Joselyn after ng breaktime namin at nagsimula na kaming mag-trabaho na dalawa.
-------
"Ang sakit ng likod ko iba na talaga kapag nagkakaedad na dati disi-otso lang ako ngayon trentay dos na."
Napangiti ako kay Josely habang palabas na kami ng shop, matanda siya sa akin ng dalawang taon. Pero super close naming dalawa. Alas nuebe na ng gabi at wala ng gaanong tao sa labas. Pero naagaw ng atensyon ko ang batang nakaupo sa may gilid dito sa store.
"Sandali lang." Wika ko at nilapitan ko ang bata na nakayuko. "Gabi na bakit nasa labas ka pa?" Nakangiting sabi ko at umangat ang mukha nito, medyo marusing na ang pisngi nito at sa tingin ko halos magkasing edad lang sila ng anak ko.
"Carmela, sino ba yan?"
Nilingon ko si Joselyn na papalapit na sa akin, binaling ko ulit ang atensyon ko dito sa batang babae.
"Wala na po akong mama at papa." Malungkot na sagot nito.
Naawa naman ako dahil sa sinagot niya at nagkatinginan kaming dalawa ni Joselyn.
"Bakit nasaan na?" Curious na tanong ko at napansin ko na kumikibot-kibot ang labi nito kaya napangiti ako dahil sa nunal nito sa malapit sa nguso.
"Kinulong si papa si mama naman sumama sa ibang lalaki, sabi ng kapitbahay namin makati raw si mama. Ano po ibig sabihin no'n?"
Napatawa naman si Joselyn at nginitian ko siya.
"Bata ka pa huwag mo ng alamin 'yon, may kapatid ka ba?" Umiling ito kaya naman nalungkot ako sa bata na 'to dahil parang ako wala na ring mga magulang.
"Kumain ka na ba?" Muling tanong ko at mabilis na umiling siya. "Kung ganon halika pakakainin ka namin ni Ate Joselyn mo." Nakangiting wika ko sa kaniya. "Ako naman si Ate Carmela mo." Masayang sabi ko at inayos ko ang bangs na humaharang sa mata niya at napansin ko na magandang bata siya.
"Talaga po? Ate Carmela, Ate Joselyn? Yeheey! Salamat po, birthday ko po ngayon." Napatayong sabi niya na masaya.
"Talaga? Birthday mo ngayon?" Hindi makapaniwalang sabi ko at nagkatinginan kami ni, Joselyn.
"Hndi po ba kayo naniniwala sa akin?" Malungkot na sabi niya at muling naupo sa semento.
"Hindi naman halika na." Aya ko sa kanya at nilahad ko ang kamay ko na nakangiti.
----------
"Carmela, sigurado ka ba diyan sa balak mo? Baka mamaya masamang bata 'yan." Mahinang bulong ni Joselyn.
Sinabi ko kasi sa kaniya na gusto ko ampunin ito.
"Ano ka ba mukha naman siyang mabait na bata at isa pa baka siya na ang magpapasaya sa akin." Masayang sagot ko habang nakatingin dito sa batang babae na sarap na sarap sa pagkain ng spaghetti.
"Ano ba ang pangalan mo?" Maya'y tanong ko dahil nakalimutan ko itanong kanina.
"Jenny po ang pangalan ko, bagay po ba sa akin?" Nakangiting sagot niya na nagkalat sa gilid ng bibig ang sauce ng spaghetti.
Natawa naman kami ni Joselyn sa itsura niya.
"Bagay sa'yo ang Jenny. Sige na kumain ka na, gusto mo ba sa akin ka na lang?" Seryosong tanong ko sa kanya.
"Talaga po?" Nanlalaki ang itim na bilugan na mata nito.
"Oo naman kung gusto mo." Masayang sabi ko at biglang nangilid ang luha sa mga mata niya.
"Oh, huwag ka umiyak papanget ka." Natatawang sabi ni Joselyn. "Mabait yan si Ate Carmela mo lalo na ako." Sabi pa ni Joselyn.
"Masayaa lang po." Sagot niya at nagpahid ng luha gamit ang likod ng palad nito.
"Puwede po ba na mama na lang kita?"
Nagkatinginan naman kami ni Joselyn dahil sa sinabi ni Jenny.
"Mukhang ito na ang sagot, instant mama ka na agad ngayon. Baka dahil sa bata na yan mabawasan ang pangungulila mo sa anak mo." Wika ni Joselyn.
"May anak po kayo? Baka awayin niya ako." Mabilis na sabi ni Jenny.
"Wala ang anak ko sa akin saka ko na ikukuwento 'yon sa'yo masiyado ka pang bata. Sa ngayon, sige payag na ako na ako na ang mama mo." Nakangiting sabi ko na kinalawak ng ngiti niya, lumabas ang pantay-pantay na ipin nito.
"Salamat po, sobrang salamat po." Masayang sabi nito at uminom ng coke.
"Mukhang magiging masyaa na ang araw mo, pero paano pala sino magbabantay sa kanya kapag papasok ka?" Tanong no Joselyn.
"Ako na bahala diyan sa ngayon mag-leave mo na ako sa trabaho para maasikaso ko siya at para mabilhan ko siya ng mga damit niya." Sagot ko at masayang pinagmamasdan si Jenny..
"Sige, basta if you need help. Nandito lang ako friend. Pero mabuti na lang rin at kinuha mo siya dahil baka mamaya mapaano pa 'yan marami pa namang masasama ang loob na nagkalat dito."
Napatingin ako kay Joselyn at isa yon sa dahilan kung bakit sinama ko ang bata na 'to dahil baka kung anong mangyari sa kaniya. Baka mapagsamantalahan pa siya ng mga tarantado dito.
"Salamat, Joselyn." Sabi ko at hinawakan siya sa braso, tumango siya sa akin.
Matapos namin kumain 'ay sabay-sabay na kaming umuwi. Magkasama kami ni Joselyn sa bahay at ngayon 'ay tatlo na kami ngayon dito.
--------
"Happy birthday to you."
"Happy birthday to you."
"Happy birthday to you."
"Happy birthday Gabriel." Malakas na sabay-sabay na bati ng mga batang imbitado sa kaarawan ng nag-iisang anak ng Alarcon at apo ng mga Alarcon.
Masayang hinipan ng batang si Gabriel ang animation na cake at masayang nagpalakpakan ang lahat, lahat ay mga nakangiti.
"Happy birthday sa gwapong-gwapo ko na apo."
"Salamat po lola." Masayang sagot niya at hinagkan ang kaniyang lola sa pisngi.
"Where's papa?" Tanong ni Gabriel sa lola niya at hinanap sa paligid ang ama niya.
"Apo, huwag mo na hanapin ang papa mo magpakasaya ka ngayon birthday mo." Nakangiting hinimas ng lola niya ang buhok niya.
"Birthday ko po ngayon wala si papa sana nandito si mama." Malungkot na sabi niya.
"Apo, sinabi ko naman sa'yo huwag na huwag mo na babangitin ang mama mo dahil wala siyang kuwenta iniwan ka niya kasama ang ibang lalaki, iniwan niya ang papa mo. Stop na ok, just enjoy your day, come on. Makipaglaro ka sa mga kaibigan mo."
Malungkot na tumango lang si Gabriel at nakayukong naglakad papunta sa mga batang naglalaro.
"Gab, happy birthday."
Napaangat ang mukha niya at makita ang isang box na nakabalot ng pang regalo.
"Oh, bakit ka nakasimangot? Sige papanget ka. Buksan mo na regalo ko sa'yo."
"Salamat, Trixie." Mahinang sagot niya at kinuha ang regalo sa kaniya at naupo sa mga upuan na semento dito sa malawak na garden nila dito sa mansiyon ng mga Alarcon.
"Wala siguro ang papa mo noh? Kahit naman sa akin lagi rin wala si papa kasi nga busy raw sa trabaho. Kaya si mama na lang lagi ko kasama."
"Mabuti ka pa may mama, pero sabi ni lola bad raw si mama kasi iniwan niya ako kami ni papa." Malungkot na nakayukong wika niya.
Hindi naman nakapagsalita ang kaibigan niyang si Trixie at nakatingin lang kay Gabriel na parang iiyak na.
"Tara maglaro na tayo." Masayang wika ni Trixie at tumayo na, nilahad ang kamay para ayain si Gabriel.
Matapos ang selebrasyon ay nasa silid na si Gabriel, kakatapos lang niya maglinis ng katawan at inayos na sa ibabaw ng higaan niya ang susuotin niya na pantulog.
"Yaya Mercy, dumating na po ba si papa?"
"Ang papa mo oo dumating na siya pero umakyat agad sa kuwarto niya mukhang pagod sa trabaho." Sagot nito at napatingin sa alaga niya na biglang sumigla.
"May pasalubong po ba siya sa akin? Regalo may binigay po ba siya?" Masyaang tanong niya sa Yaya niya.
Nalungkot naman ang mukha ng Yaya niya dahil sa tanong nito.
"Walang dala ang papa mo pero huwag ka mag-alala baka bukas pa 'yon bumili. Ang mabuti pa matulog ka na para maaga magising, malay mo may surprise sayo ang papa mo."
Malungkot na humiga na si Gabriel at kinumutan na siya ng Yaya niya, tumalikod siya.
"Hindi na po ako aasa Yaya Mercy." Garalgal ang boses na sabi niya at nagtalukbong siya ng kumot.
Lumabas na ang Yaya niya at pinatay na ang ilaw. Habang wala naman tigil sa pagpatak ng luha ng batang si Gabriel.
AN: Salamat po sa mga nagbabasa nito alam ko na magugustuhan at paiiyakin ko kayo sa story na 'to. At magmamahal kayong muliπ-----------11 years later...."Anak pasensya ka na ah kung kinakailangan nating lumipat agad-agad, pati school na papasukan mo 'ay bago ulit.""Ma, ok lang sa akin. Saka wala naman pong problema ang dali lang maghanap ng bagong University. Maghahanap rin po ako ng bagong scholar ship na rin para makapagpatuloy sa pag-aaral." Nakangiting sabi ko kay mama at niyakap niya ako."Salamat anak, hayaan mo tutulungan kita sa lahat.""Naglalambingan na naman kayo diyan sama naman ako."Tumawa kami ni mama pagpasok ni Tita Joselyn at sumama na yumakap sa amin ni mama. Sobrang saya ko dahil sa kanila nagkaroon ako ng totoong pamilya, kahit pa alam ko naman na hindi ako tunay na anak ni Mam
AN: Salamat po sa mga nagbabasa nito sana'y hanggang sa dulo ay nandiyan kayo. Love you all guys! π-------------Gutom na gutom ako pagtapos ng klase dahil sa kakahanap sa unang subject ko at room. Nakakahiya pa ang nangyari kanina dahil nagkamali ako ng pinuntahan. Napabuntong hininga ako habang kinakain ang sundwich na ginagawa ni mama para sana almusal ko pero binaon ko na lang dahil gusto kong pumasok ng maaga.Naubos ko na ang pagkain ko at uminom na ako ng tubig na binili ko lang dito dahil sa nakalimutan ko magdala. Kinuha ko ang libro ko sa mga pagluluto dahil paborito ko talaga ito basahin para dagdag kaalaman sa pagluluto. Pangarap ko kasi maging magaling na chef kahit na hindi sa buong mundo.Napangiti ako sa naisip ko kaya HRM ang kurso ko at major ko 'ay foodtech. Tahimik na nagbabasa ako ng mapansin ko sa gilid ng mata ko ang paparating na grupo.
"Gabriel, nag-away ba kayo ni Trixie?"Napaangat ang mukha ko dahil sa tanong ni lola, kasalukuyang kumakain ako ng breakfast. Binaba ko ang hawak ko na tinidor at tiningnan si Lola."Hindi kami nag-away ni Trixie, misunderstanding lang po. But don't worry, aayusin ko po ito." Sagot ko at sinabayan ko ng pagtayo dahil nawalan ako ng ganang kumain."Tama lang 'yang gagawin mo, Gabriel. Alam mo naman kung gaano ka niya kamahal at kilala mo na siya dahil sabay kayong lumaki simula bata pa. Siya lang ang babae na gusto ko para sa'yo."Hindi na ako sumagot sa sinabi ni Lola nagpatuloy na ako palabas ng pinto papunta sa parking area. Alam ko naman 'yon simula nagkaisip ako na si Trixie lang ang para sa akin at 'yon ang ilalagay ko sa isip ko lagi, kailangan kong alisin sa isip ko ang babae na 'yun.Seryosong nagmamaneho ako at malapit na rin ako makarating sa University.
AN: Salamat po sa mga nagbabasa nito sana'y masiyahan kayo sa bawat chapter na mababasa niyo.----------"OH MY GOSH! I CAN'T BELIEVE THIS!""Alam mo masiyado kang over reacting, Janine.""Why? You see, alam mo 'yung kung sino pa 'yung kinaiinisan mo at pinagseselosa--""Can you please shut your mouth!?" Inis na sambit ko dahil sa nakakairitang mga sinasabi nila. Natahimik naman sila bigla dahil sa matalim na tingin ko sa kanilang dalawa."Sorry na, Trixie. Kasi naman eh, i feel you lang. Bakit kasi siya pa ang napunta sa section natin? Mas lalong masisira ang araw mo sa kaniya." Wika ni, Janine."Yeah, you're right Janine. And i feel something sa babae na 'yon." Nakasimangot na sabi ni, Diana.Tahimik na malalim na napapaisip ako habang narito kami sa cafe, dahil mamaya pa ang next clas
AN: Salamat po sa mga nag-aabang nito sanay huwag kayong magsawa. π love you all guys! π----------"Bakit ba kahit saan ako magpunta nakikita kita?" Seryoso na tanong ko habang nakatingin sa kanya na parang naiilang na tingnan ako. Dahil hangga dito sa coffee shop ni Gerson 'ay makikita ko siya."Sa-Saan ba ang c.r dito?"Napatingin lang ako sa kanya pagtayo niya at sumenyas si Gerson kung saan banda. Agad na tumayo ito, naiwan kaming dalawa."Is it called, Tadhana?"Napatingin ako kay Gerson na nakangiti ng nakakaloko."Well, sa tingin ko naman hindi dahil may Trixie ka na." Sambit pa niya na natatawa."Bakit kaya hindi mo na lang ako ikuha ng maiinom ko rin?" Sabi ko dahil hindi ko gusto ang maloko niyang ngiti."Yeah, sure. Ikaw pa ba?" Halaklak na sagot nito at tinawag ang
AN: Salamat po ulit sa mga nagbabasa nito sanay dumami pa ang mga magbabasa nito dahil itong story na ito ay paborito ko ngayon. βΊ i want to feel in love more π------------"Gab, we need to talk later. I'll come to your place, after this." Kaswal na sabi ko ng makitang tumayo na siya dahil kakatapos lang klase at kami na lang ang naiwan dito."Ok. Mauna na ako sa inyo." Paalam nito at lumabas na."Oh my gosh, so what now? Trixie Fontanilla?" Nakaangat ang kilay na sabi ni, Janine."Huwag mong sasabihin wala kang gagawin? Hindi ganyan ang pagkakakilala namin sa'yo." Wika naman ni, Diana."Gabriel is only mine, put in you're mine. For that girl, sisiguraduhin kong aalis siya dito." Seryosong sabi ko at nagkatinginan silang dalawa."But i think, may maganda akong naisip." Nakangiting sabi ni, Diana.
AN: Tingnan natin kung hanggang saan ang ka-malditihan ni Trixie. βΊ salamat pala sa mga nagbabasa nito at sanay mabasa ng iba. π---------Marahas na sinalya ko si Trixie sa sopa matapos ko siyang hatakin papunta dito sa pribadong lugar ko. Tinitigan ko siya na hindi makapaniwala sa kaniyang ginawa."So, what now? Nagagalit ka sa akin? Tell me, Gab." Wika nito.Nakatingin lang ako sa kanya at hindi ko alam kung anong mga salita ang dapat kong bitiwan."Tell me, Gabriel. Huwag mo sabihin na nagagalit ka sa ginawa ko kanina? But you see. Dahil sa babae na 'yon nadadamay ka sa mga ginagawa ni, Jacob.""No, but is it really you. Trixie?" Mahinang wika ko at tiningnan ko siya ng puno ng dissappointment."What? So, are you hate me? How dare you? I'm your girlfriend--""But it doesn't mean na kailangan
AN: Salamat po pala sa mga nag-aabang ng update ko sana'y nagustuhan niyo ito. Comment lang po kayo para mas lalo akong ganahan mag-update. βΊ----------Hindi ako mapakali dahil hindi ko pa rin nakikita si Gabriel at para na akong nababaliw sa kakaisip sa kanya.No, Gabriel. Don't do this to me! What hell are you now!? Sigaw ng isipan ko at nakita ko si Arthur kasama si Akihiro, masayang nag-uusap sila habang naglalakad at alam ko namang puro kalokohan lang ang pinag-uusapan nila. Huminto ako sa harapan nila na kinatigil nila at napatingin sa akin."Ikaw pala, Trixie." Nakangiting bati ni, Arthur."Where's Gabriel?" Tanong ko sa kanila at nagkatinginan sila."Akala ko magkasama kayo at--""Don't you think, itatanong ko ba kung kasama ko siya? Stupid!" Inis na sabi ko at napakamot sa ulo
Ayoko mang isipin pero nalulungkot ako na hindi ko nakita si Jenny, tahimik na nakaupo habang tahimik rin si mama sa tabi ko. Naalala ko naman bigla ang number ni Jenny, agad na kinuntak ko ang number niya. Napalingon si mama sa akin."Naiwan ni Jenny ang cellphone niya."Nanghihinang binaba ko ang phone ko at napatingin ako sa labas ng bintana. Naramdaman ko ang paghawak ni mama sa kamay ko."Alam kong tulad mo 'ay nag-aalala rin ako kay Jenny, para ko na rin siyang anak. Pitong taon pa lang si Jenny ng mapunta siya sa akin."Nakatingin ako kay mama at tahimik na nakikinig sa kanya."Si Jenny ang naging dahilan kung bakit kahit paano napawi ang pangungulila ko sa'yo anak. Kaya hindi rin ako mapalagay na hindi ko alam kung nasaan na siya."Inakbayan ko si mama at nilapit ng husto sa akin, damang-dama ko ang pagmamahal niya kay Jenny."Kanino ba tayo maaaring magtanong para mahanap natin siya?"
AN: Pasensya na po at natagalan ang pag-update. Nagpapasalamat po ako sa lahat ng mga sumusuporta sa akin. Love you all guys! β€---------Masaya ako habang pabalik na ng mansiyon sakay ng kotse ni papa. Pinilit ko na ilabas na ako ngayon mismo sa hospital dahil naiinip na ako at gusto ko ng makita si mama ngayon pati na si, Jenny."Sigurado ka ba Gabriel maayos na ang pakiramdam mo?"Napalingon ako kay papa at nakangiting tumango."Huwag na sana ulit 'yon gagawin." Seryoso na wika ni papa."Oo pa, pasensiya na." Sagot ko at muling natahimik na kami ni papa habang tinatahak niya ang daan papunta kung saan nakatira si mama at Jenny.Paghinto pa lang ng kotse ay agad na bumaba na ako at halos takbuhin ko ang daanan upang makarating agad sa bahay nila. Naabutan ko na bukas ang pinto kaya pumasok na agad ako,
AN: Pasensya na po at natagalan may mga inaasikaso po ako for personal reason. Sana'y maunawaan niyo ako, ngunit salamat sa mga naghihintay pa rin. -----------"Madam, nakausap ko na po ang taong pinahahanap niyo at tinapalan ko na siya ng pera para gawin ang pinagagawa ko. Tinanggap naman agad ng babae."Napangiti ako dahil sa sinabi ng inutusan ko at talaga namang hindi na ako makapaghintay."Bueno, ito ang bayad mo. Siguraduhin mo na walang bulilyaso 'yan kung hindi malilintikan ka sa akin." Nakataas ang kilay na wika ko sa kanya."Oo naman madam, sige ho salamat at tawagan niyo na lang ako kung may kailangan pa kayo." Sabi nito at tuluyan ng lumabas.Ngayon mapaghihiwalay ko na kayo Gabriel at Jenny. Isusunod ko ang Carmela na 'yan dahil alam kong sa mga oras na ito alam na ni Gabriel na ang tunay na mama niya 'ay si Car
AN: Isang malamig na panahon sa ating lahat. Sa inyo rin ba malamig? Pati tubig? Yung tipong kailangan mo mag-init ng tubig? π Good day guys! Miss you all! π-------------Paikot-ikot ako dito sa labas ng emergency room at hindi ko alam kung tatayo ba ako o uupo dahil sa sobrang pag-aalala sa anak.GabrielNapapikit ako ng mariin at sinubukan na huminahon. Matapos umalis nila Gabriel kasama ang mga kaibigan niya sa mansyon hindi ko inaasahan ang biglang pagtawag ni Gerson ang inaanak ko sa nangyari sa anak ko. Tahimik na nakayuko ako habang ang cellphone ng tumunog ito. Pangalan ni mama ang nasa screen, sinagot ko ito ngunit hindi ako nagsalita."Greg, nasaan na ang apo. Ano ang nangyari? Sabihin mo sa akin madali ka.""This is what you want ma? Ang mangyari ito sa kaisa-isa mo na apo? Alam ko may pagkululang rin ako s
AN: Pasensya na po na busy si author. Merry christmas pala and happy new year na rin po sa inyong lahat. Keep safe everytime. ππ-----------"Sa tingin mo ba iyang ginagawa mo ay pagbibigyan kita sa gusto mo? Never, Gabriel. Kung gusto mo mamatay sa gutom then die, huwag mo ako takutin.""Ayos lang sa inyo na mamatay ako sa ganitong paraan?" May pagdaramdam na sagot ko sa kanya at bahagyang natigilan siya.Tatlong araw na akong hindi kumakain at kahit gutom na gutom na ako hindi ko kinain ang mga pagkain na dinadala sa akin. Dahil hindi ko maunawaan kung bakit ginagawa ito sa akin ng sarili kong lola na halos naging ina sa akin sa maraming taon."You know what? I don't understand you. I love Jenny, what is the reason that you hate her? Wala siyang ginagawang masama." Sagot ko pa at tumayo siya mula sa pagkakaupo dito sa higaan ko.
AN: Here's my another update enjoy reading guys kahit naiinis kayo sa eksena na ito.-----------Tulala ako at hindi makagalaw tinanggal niya na rin ang maskara niya at umingay lalo dito. Hindi ako nagkamali na siya si, Trixie."This hairbond, is fake!"Nanlaki ang mata ko ng hablutin niya ang suot ko na hairband kaya lumaylay ang ilang hibla ng buhok ko. Pigil ang luha ko dahil ayokong umiyak sa harapan nilang lahat."Oh my gosh! Is it really you, Jenny. Napakaambisyosa mo talaga, inagaw mo na nga sa kanya si Gabriel pati ba naman ang gown ni, Trixie? My god!"Napailing ako sa sinabi ng kaibigan ni Trixie sa akin, gusto kong ipagtanggol ang sarili ko pero hindi ko alam kung paano. At hindi ko na napigilan pa ang mga sumunod na ginawa ni Trixie, pinaghahablot niya ang mga design sa suot ko."This!? Huh! All of th
AN: So, pasensya na mahabang paghihintay po. π sanay nakakapaghintay pa rin kayo at salamat po sa inyong lahat. ----------"Oh, anak. Bakit parang ang lalim ata ng iniisip mo diyan?"Napalingon ako kay mama na umupo sa tabi ko, nakaupo kasi ako dito sa may kusina at nakapangalumbaba habang hawak ang inbetasyon para sa magaganap na masquerade party."Ano ba 'yang hawak mo at para kang problemado diyan?" Nakangiting sabi pa ni mama dahil hindi ako nagsasalita."Ma, kailangan ba talaga pumunta ako sa ganito?" Malungkot na tanong ko kay mama at pinakita sa kanya ang imbetasyon."Ano ba ito? Aa... Party pala ito sa school niyo, bakit hindi ka pumunta? Magandang maranasan mo ang ganyan dahil kasama sa ating buhay." Nakangiting sabi ni mama."Pero ma kasi, basta parang kasi hindi ako bagay sa mga ganon at para bang hi
AN: Salamat po pala sa mga nag-aabang sa story na ito at sa mga comments niyo. Love you all guys! π------------Habang nakahiga hindi pa rin mawala ang ngiti sa labi ko dahil para sa akin ito ang pinakamasayang birthday na nangyari. Nakangiti lang ako habang yakap ang maliit na unan at nakatingin sa kisame."Bakit hindi ka pa natutulog? Maaga pasok mo bukas, sandali bakit parang ang saya mo ata?" Mapanuksong sabi ni mama Carmela na hinawi ng kaunti ang kurtina na nagsisilbing takip dito sa pinto ko sa kuwarto.Napabangon ako at hiyang-hiya dahil sa nakita ni mama na nakangiti ako na parang timang."Hindi lang po ako makatulog agad, kasi..." Bitin ko sa sasabihin ko dahil hindi ko rin alam kung dahil saan at hindi pa ako makatulog."Si, Gabriel ba?"Namilog ang mata ko at paiwas na yumuko ako dahil naginit ang m
AN: Pasensya na po sa matagal na paghihintay, dahil na rin sa tao na 'yon nakapag-update ako. Salamat po alam mo kung sino ka. π Ginawa ko na po dalawa update ko. -----------Tahimik na nakaupo ako dito sa loob ng kusina habang nakasilip si Jocelyn sa labas doon sa mga bisita ni Jenny."Napakagwapo na bata noh? Ang tangkad pa, bagay na bagay sila ni Jenny."Natigilan naman si Jocelyn ng makita ako na tahimik lang dahil malalim talaga ang iniisip ko ngayon. Simula marinig ko ang pangalan na Gabriel may kung ano akong naramdaman, lalo na ng masilayan ko ang mukha nito. Pakiramdam ko muli kong nakita ang kabataan ni Gregory kay Gabriel."Hindi ko alam kung tama ba ang hinala ko, pero sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Sinasabi ng puso't isipan ko siya 'yon." Mangiyak-ngiyak na sabi ko na pinagtaka ni, Jocelyn."Anong sinasabi mo?"