Share

CHAPTER 2

Author: BM_BLACK301
last update Last Updated: 2021-07-01 09:32:55

AN: Salamat po sa mga nagbabasa nito alam ko na magugustuhan at paiiyakin ko kayo sa story na 'to. At magmamahal kayong muli😍

-----------

11 years later....

"Anak pasensya ka na ah kung kinakailangan nating lumipat agad-agad, pati school na papasukan mo 'ay bago ulit."

"Ma, ok lang sa akin. Saka wala naman pong problema ang dali lang maghanap ng bagong University. Maghahanap rin po ako ng bagong scholar ship na rin para makapagpatuloy sa pag-aaral." Nakangiting sabi ko kay mama at niyakap niya ako.

"Salamat anak, hayaan mo tutulungan kita sa lahat."

"Naglalambingan na naman kayo diyan sama naman ako."

Tumawa kami ni mama pagpasok ni Tita Joselyn at sumama na yumakap sa amin ni mama. Sobrang saya ko dahil sa kanila nagkaroon ako ng totoong pamilya, kahit pa alam ko naman na hindi ako tunay na anak ni Mama Carmela ay pinaramdam niya sa akin na mahal niya ako bilang anak niya na.

"Alam mo Jenny, kailangan asikasuhin mo na agad ang pagpasok para naman hindi ka malate. At tungkol naman sa scholar ship mo huwag ka na mag-alala baby ko dahil may alam na si Tita mo."

Napabitaw ako kay mama dahil sa hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Tita Joselyn.

"T-Talaga po Tita?" Nanlalaki ang matang tanong ko at napatingin ako kay mama na nakangiti.

"Oo naman syempre hindi ata ako papayag na matagalan ka pa, kailangan makapag-transfer ka na ngayon. At alam mo ang good news? Ang University na ito ang isa sa mga sikat na University dito sa Manila. Kaya sigurado ako na magiging masaya at memorable ang bawat araw mo dito baby ko."

"Pero Tita, baka naman po hindi ako bagay diyan." Malungkot na sagot ko.

"Anong hindi bagay? Huwag mo isipin 'yon at isa pa matalino ka kaya deserve na dito ka mag-aral, basta siguraduhin mo lang na ma-maintain mo ang grades mo para hindi mawala ang scholar ship mo."

"Oo nga anak para naman ma-expirience mo rin na mag-aral sa ganyan. Basta narito kami ng Tita mo sa likod mo lang lagi, pagkakataon mo na ito anak."

Lumapit ako kay mama at Tita Joselyn sabay na niyakap ko sila pareho at naiiyak dahil napaka-swerte ko sa kanila.

"Oh, tama na ang drama dahil mamaya pupuntahan natin ang sinasabi ko. Kakilala ko kasi yung isa sa mga head na humahawak ng mga scholar kaya naman sabi ko baka puwede ka doon. Kaya pagbutihin mo ah?"

"Oo naman po Tita salamat po sa inyo ni mama, pero kinakabahan pa rin po ako. Ano nga pala ang name ng school na 'yon?" Curious na tanong ko.

"Monroie University." Nakangiting sagot ni Tita.

"Ah, Monroie University. Kakaiba ang pangalan at ngayon ko lang narinig, hindi kasi ako mahilig sa mga social media, 'yung f******k ko nga po tagal ko na hindi nabubuksan." Natatawang sabi ko at sabay na nagkatawanan silang dalawa.

"Anak, huwag kasi puro aral lang at pagsama sa amin sa palingke. Kaya wala kang alam kasi lagi kang sumama sa amin kapag wala kang pasok." Wika ni mama.

"Hindi kasi po kasi ako mahilig sa ganyan, siya nga po pala ngayon wala na tayong puwesto sa palingke. Ano po hanap buhay natin?" Tanong ko kay mama at parehong nakangiti sila.

"Hindi na ako magtitinda sa palingke anak, yung naipon ko na pera na dinagdagan ni Tita Joselyn mo. Nag-franchise kami ng sisigan at dito lang sa harap ng bahay natin 'yon naka-puwesto." Nakangiting wika ni mama.

"Talaga po? Excited na akong makita ang sisigan natin at para ma-try ko rin magtinda." Sagot ko at nagkatinginan silang dalawa.

"Ikaw talaga baby ko, huwag mo na muna isipin 'yang tinda-tinda ok? Isipin mo ang pag-aaral mo doon sa magandang school." Masayang sabi ni Tita Joselyn.

Napangiti na lang ako dahil parang sila pa ang excited na pumasok ako doon. Masayang nagtulong-tulong kami sa pag-aayos ng mga gamit namin dahil kakalipat lang namin dahil nga sa nagkagulo doon sa dati naming tinitirahan, pinaalis na ang lahat ng mga tao doon sa lugar kung saan ako nagkaisip at lumaki na rin syempre. Ayaw na ni mama sumali sa gulo kaya tinaggap nila ang pera na alok ng tunay na may-ari ng lupang tinitirikan ng mga bahay namin doon, kaya ako rin ito lilipat ng bagong school.

--------

"Ano excited ka na ba magpunta sa Monroie University?"

Napatingin naman ako tita dahil kakalabas lang namin sa opisina ng Fontanilla Corporation, binigay namin ang lahat ng mga requirementa na kailangan nila. Nagbibigay sila ng scholar ship para sa mga mag-aaral na hindi kayang tustusan ang mga gastusin tulad ng tuision fee. Lalo pa sa school na talaga namang hindi aford ng ibang mga studyante.

"Opo pero nandoon 'yung kaba kasi hindi po basta-basta ang University na papasukan ko. At hanggang ngayon hindi ako makapaniwala sa laki ng tuision fee doon. Two hundred eighty thousands pesos, grabe ang mahal per sem pa 'yon." Hindi makapaniwalang wika ko habang naglalakad kami ni Tita sa hallway.

"Alam mo ayos lang 'yan anak kasi nga sagot naman lahat 'yan ng Fontanilla Corporation. Basta kailangan huwag mo sila bibiguin at ipakita mo na karapat-dapat ka sa binigay na oportunidad nila." Nakangiting sabi ni Tita Joselyn.

"Salamat po Tita, dahil po sa inyo ni mama meron ako ng lahat na ito." Nakangiting wika ko kay Tita at inakbyan niya ako.

"Lahat 'yan ay ginawa namin para sa'yo bilang pangalawang magulang mo na."

Tumango ako at masayang lumabas na kami ng building upang makauwi na sa bahay.

-----------

"Good morning, Gabriel."

"Morning." Sagot ko ng maabutan sa dining si Lola Melinda na nag-aalmusal, pansin ko na may isang plato na mukhang kakatapos lang kumain.

"Maupo ka na apo at kumain bago ka pumasok, kakaalis lang rin ng papa mo."

Wika ni Lola at tumango lang ako dahil kahit na kailan hindi ko nakakasabay kumain si papa at sa loob ng maraming taon 'ay nasanay na ako at wala na akong pakialam sa kanya.

"Kamusta kayo ni, Trixie?"

Napaangat ako ng mukha sa tanong ni Lola dahil tahimik na kumakain ako, nakangiti siya.

"Still good." Maikling sagot ko lang at nagpatuloy sa pagkain, binilasan ko na ang pagkain ko para makaalis na agad.

"Mabuti naman, pero Gabriel. Hanggang doon lang muna dahil mga bata pa kayo."

"Yeah, i know." Sagot ko at humalik na ako sa pisngi niya para magpaalam.

"Mag-iingat at dahan-dahan sa pag-drive, Gabriel."

Narinig ko pa na paalala ni Lola, ito ang naging libangan ko ang mangolekta ng mga mamahalin na kotse na lahat naman 'ay binibigay ni Lola sa akin. Kahit anong hilingin ko 'ay agad niyang binibigay. Wala man akong matuturing na ina nandiyan siya na tumayong ina para sa akin, kahit minsan 'ay masiyado siyang matatakutin sa mga bagay na ayaw niya.

Paglabas ko 'ay agad akong nagtungo sa parking at kinuha ko agad ang kotse ko na Chevrolet Corvette Stingray, ito ang napili kong gamitin ngayon. Meron akong twelve na kotse katulad ng Ferrari, lemousine, jaguar, sports car. Marami pang iba, ito lang ang kasiyahan ko.

Paglabas ko ng gate 'ay kinabit ko na ang headset ko at nakinig ng mga kantang mga paborito ko. Hindi naman kalayuan ang University na pinapasukan ko at ilang minuto lang 'ay nakakarating na ako agad doon dahil sa mabilis na takbo ng kotse ko.

Pagdating sa University 'ay agad na binati ako ng mga guard, kilala nila ako kaya talagang gumagalang sila sa akin. Kilala nila na isa sa mga pinakayamang studyante na nag-aaral dito sa Monroie University, dahil kilala ang mga Alarcon kahit na saang lugar.

Pinark ko lang ang kotse ko at bumaba na, habang naglalakad ako ay inayos ko ang suot ko. Wala namang uniform dito dahil nakasibilyan lang ang lahat ng mga studyante rito at pabor naman sa akin dahil ayoko talagang naka-uniform kapag pumapasok.

"Good morning!"

Nagulat ako ng may biglang yumakap sa akin mula sa likod at umikot ito papunta sa harap ko, inalis ko ang isang earphone at nakangiting tiningnan ko ang magandang babae na isa sa nagpapasaya sa akin.

"Bakit nakangiti ka?" Nakaangat ang kilay na tanong nito.

"Nothing, nakita lang kita." Sagot ko na kinangiti niya at muli siyang yumakap sa akin na ginantihan ko naman.

"Tama na 'yan may klase pa tayo."

Napalingon ako sa likod ko sa nagsalita at walang iba kung hindi ang dalawang tropa kong mga gago. Si Arthur at Akihiro na may lahing hapon.

"Inggit lang kayo." Natatawang sabi ni Trixie.

Hinawakan ko naman ang kamay niya at inakay na maglakad.

"Huwag tayong makikipag-usap sa mga gago na 'yan." Nangingiting wika ko at natawa si, Trixie.

"Banatan ka namin, Gabriel Alarcon!"

Malakas na wika ni Arthur na iniwan namin, nangingiting nagpatuloy na lang kami sa paglalakad.

"Kumain ka ba bago ka umalis?" Maya'y tanong ni, Trixie.

"Yes." Sagot ko lang at tiningnan siya, marami ang napapatingin sa amin kapag magkasama kaming naglalakad ni Trixie.

"Mabuti naman at isa pa iwasan mo ang ma-late ah."

"Opo." Sagot ko at mas hinatak ko pa ang kamay niya para bumilis ang lakad namin.

"Teka Gab, dahan-dahan lang naka-heels ako." Reklamo niya.

Tumigil ako sa paglakad at binitawan ang kamay niya, ito ang ayaw ko talaga sa babae ang nakasuot ng ganito. Pero dahil sa girlfriend ko si Trixie 'ay binalewala ko na lang, ako ang nahihirapan kapag nakikitang naglalakad ito.

"Galit ka ba?"

Tinitigan ko naman ang maliit at magandang mukha ni Trixie, pinindot ko ang maliit na matangos na ilong nito at napangiti.

"Bakit naman ako magagalit sa'yo?" Wika ko at inakbayan siya. "Tara na pasok na tayo baka umuusok na naman ang ilong ni, Mrs. Pilar kapag na-late tayo." Nakangiting sabi ko.

"Ikaw lang naman lagi late eh, kaya ka pinag-initan no'n." Nakatawang sabi ni Trixie.

Tumawa lang ako at pumasok na nga kami sa building kung saan doon ang aming klase. Gamit ang elevator ay nagtungo kami sa 5th floor, ilan lang ang nakasakay dito dahil hindi rin ako sumasakay kapag sobrang dami ang kasabay. Naghihintay ako kung kailan konti lang ang nakasakay.

Pagdating sa mismong room ay pinauna ko ng pumasok si Trixie at kasunod ako.

"Mr. Alarcon, so glad na maaga kang pumasok." Nakangiting nakakainsulto na bati sa kanya ni, Mrs. Pilar.

"Good morning." Wika ko lang at nagtuloy-tuloy na ako habang tahimik ang mga kaklase ko dito. Naupo ako malapit sa tabi ni Trixie, kasunod naman na nagdatingan si Arthur at Akihiro.

"So, magkakasunod talaga kayong dumating?" Nakangiting nakakalokong wika pa ni Mrs. Pilar. Nagtawanan naman ng mahina ang ibang studyante.

"Good morning, Mrs. Pilay. Este! Pilar po. Sorry." Kamot sa ulong bati ni Arthur at nagtawanan ang mga kaklase namin dito.

Pigil rin ang tawa ko pati na rin si Trixie dahil ang sama ng tingin sa amin ni Mrs. Pilar.

"You may take your seat now!" Malakas ang boses na sabi nito at nagmamadali na pumasok ang dalawa, natahimik naman na kami.

Umayos naman ako ng upo dahil nagsimula na itong magbuklat ng attendance record. Isa-isa na nitong tinawag ang mga pangalan.

"Gabriel Alarcon."

Hindi ako nagtaas ng kamay dahil alam naman niyang nandito ako.

"Nakakatamad bang itaas ang kamay mo, Mr. Alarcon?" Nakataas ang kilay na tanong nito sa akin.

Balak ko sanag sumagot pero hindi ko na 'yon nagawa dahil sa babae na nasa pinto at patingin-tingin dito sa loob. Naagaw naman ni Mrs. Pilar ang atensyon ko at lumingon doon sa pinto, lumapit siya at pinuntahan ang babae.

"Yes?"

Umayos ako ng upo at nakinig sa usapan ng dalawa, pansin ko na mukhang bago lang siya dito dahil ngayon ko lang siya nakita.

"Transferee?" Wika ng iba habang nakatingin doon.

"Ah, ma'am. Excuse me lang po, ito na po ba ang AB-1?"

Nagulat ang mga studyante dahil sa tanong ng babae dahil hindi sila makapaniwala na nasa highest section ito.

"Oh my gosh, hindi halata sa kanya." Mahinang wika ni Stephanie na malapit sa akin.

"Are you a new student?" Tanong ni Mrs. Pilar. Tumango naman ang babae at halatang may kaba ito dahil sa itsura, sabagay kahit sino kakabahan kapag nagsasalita si Mrs. Pilar, pero hindi ako kabilang doon.

"Ok, dahil new student ka 'ay palalagpasin ko. Next time alamin mo ng mabuti kung saan ka talaga pupunta, dahil mali ang pinuntahan mo. AB-2 ito." Mataray na sagot ni, Mrs. Pilar. "Ayan ang hinahanap mo, tingin-tingin rin." Muling sabi ni, Mrs. Pilar.

"So-Sorry po." Nakayukong nauutal na sagot ng babae.

Umalis na ang babae pero hanggang ngayon ay nasa isipan ko pa rin ang simpleng itsura nito. Maganda rin naman siya ngunit napaka-simple lang niya at higit na nakaagaw ng pansin sa akin ay ang flat na sandals na suot nito. Ang hanggang balikat na buhok nito na mukhang natural lang na tuwid at ilong nito niya na hindi katangusan ngunit bumagay ito sa magandang hugis ng mukha nito.

Hindi rin mawaglit sa isip ko ang magandang pares ng mata niya, ang labi niya na manipis na hindi ganon kapula.

"Gab?"

"Gabriel? Are you ok?"

Napatingin ako kay Trixie na parang nagulat at napansin ko na kami na lang pala ang nandito. Tumayo ako bigla na pinagtaka ni, Trixie.

"Hey." Humarang si Trixie sa harapan ko at kinapa ang noo ko. "Ok ka naman pero bakit parang lutang ka, Gab?" Tanong nito.

"Nothing. Come on, nasaan na ang dalawa?" Hanap ko kila Arthur at Akihiro.

"Nauna na sila." Sagot lang ni Trixie.

Naglakad na kami at nakalimutan ko na hawakan ang kamay niya pero naramdaman ko ang kamay niya palad ko. Naglakad na kami na hanggang ngayon 'ay nasa isipan ko pa rin ang babae na 'yon.

----------------

Note: Lahat ng mga mababasa niyo dito ay pawang walang katotohanan, ito ay gawa-gawa ko lamang. All names, place, events are fiction.

Related chapters

  • Fight For Love (Gabriel & Jenny)Β Β Β CHAPTER 3

    AN: Salamat po sa mga nagbabasa nito sana'y hanggang sa dulo ay nandiyan kayo. Love you all guys! 😘-------------Gutom na gutom ako pagtapos ng klase dahil sa kakahanap sa unang subject ko at room. Nakakahiya pa ang nangyari kanina dahil nagkamali ako ng pinuntahan. Napabuntong hininga ako habang kinakain ang sundwich na ginagawa ni mama para sana almusal ko pero binaon ko na lang dahil gusto kong pumasok ng maaga.Naubos ko na ang pagkain ko at uminom na ako ng tubig na binili ko lang dito dahil sa nakalimutan ko magdala. Kinuha ko ang libro ko sa mga pagluluto dahil paborito ko talaga ito basahin para dagdag kaalaman sa pagluluto. Pangarap ko kasi maging magaling na chef kahit na hindi sa buong mundo.Napangiti ako sa naisip ko kaya HRM ang kurso ko at major ko 'ay foodtech. Tahimik na nagbabasa ako ng mapansin ko sa gilid ng mata ko ang paparating na grupo.

    Last Updated : 2021-07-01
  • Fight For Love (Gabriel & Jenny)Β Β Β CHAPTER 4

    "Gabriel, nag-away ba kayo ni Trixie?"Napaangat ang mukha ko dahil sa tanong ni lola, kasalukuyang kumakain ako ng breakfast. Binaba ko ang hawak ko na tinidor at tiningnan si Lola."Hindi kami nag-away ni Trixie, misunderstanding lang po. But don't worry, aayusin ko po ito." Sagot ko at sinabayan ko ng pagtayo dahil nawalan ako ng ganang kumain."Tama lang 'yang gagawin mo, Gabriel. Alam mo naman kung gaano ka niya kamahal at kilala mo na siya dahil sabay kayong lumaki simula bata pa. Siya lang ang babae na gusto ko para sa'yo."Hindi na ako sumagot sa sinabi ni Lola nagpatuloy na ako palabas ng pinto papunta sa parking area. Alam ko naman 'yon simula nagkaisip ako na si Trixie lang ang para sa akin at 'yon ang ilalagay ko sa isip ko lagi, kailangan kong alisin sa isip ko ang babae na 'yun.Seryosong nagmamaneho ako at malapit na rin ako makarating sa University.

    Last Updated : 2021-07-01
  • Fight For Love (Gabriel & Jenny)Β Β Β CHAPTER 5

    AN: Salamat po sa mga nagbabasa nito sana'y masiyahan kayo sa bawat chapter na mababasa niyo.----------"OH MY GOSH! I CAN'T BELIEVE THIS!""Alam mo masiyado kang over reacting, Janine.""Why? You see, alam mo 'yung kung sino pa 'yung kinaiinisan mo at pinagseselosa--""Can you please shut your mouth!?" Inis na sambit ko dahil sa nakakairitang mga sinasabi nila. Natahimik naman sila bigla dahil sa matalim na tingin ko sa kanilang dalawa."Sorry na, Trixie. Kasi naman eh, i feel you lang. Bakit kasi siya pa ang napunta sa section natin? Mas lalong masisira ang araw mo sa kaniya." Wika ni, Janine."Yeah, you're right Janine. And i feel something sa babae na 'yon." Nakasimangot na sabi ni, Diana.Tahimik na malalim na napapaisip ako habang narito kami sa cafe, dahil mamaya pa ang next clas

    Last Updated : 2021-07-06
  • Fight For Love (Gabriel & Jenny)Β Β Β CHAPTER 6

    AN: Salamat po sa mga nag-aabang nito sanay huwag kayong magsawa. πŸ‘Œ love you all guys! 😍----------"Bakit ba kahit saan ako magpunta nakikita kita?" Seryoso na tanong ko habang nakatingin sa kanya na parang naiilang na tingnan ako. Dahil hangga dito sa coffee shop ni Gerson 'ay makikita ko siya."Sa-Saan ba ang c.r dito?"Napatingin lang ako sa kanya pagtayo niya at sumenyas si Gerson kung saan banda. Agad na tumayo ito, naiwan kaming dalawa."Is it called, Tadhana?"Napatingin ako kay Gerson na nakangiti ng nakakaloko."Well, sa tingin ko naman hindi dahil may Trixie ka na." Sambit pa niya na natatawa."Bakit kaya hindi mo na lang ako ikuha ng maiinom ko rin?" Sabi ko dahil hindi ko gusto ang maloko niyang ngiti."Yeah, sure. Ikaw pa ba?" Halaklak na sagot nito at tinawag ang

    Last Updated : 2021-07-06
  • Fight For Love (Gabriel & Jenny)Β Β Β CHAPTER 7

    AN: Salamat po ulit sa mga nagbabasa nito sanay dumami pa ang mga magbabasa nito dahil itong story na ito ay paborito ko ngayon. ☺ i want to feel in love more 😍------------"Gab, we need to talk later. I'll come to your place, after this." Kaswal na sabi ko ng makitang tumayo na siya dahil kakatapos lang klase at kami na lang ang naiwan dito."Ok. Mauna na ako sa inyo." Paalam nito at lumabas na."Oh my gosh, so what now? Trixie Fontanilla?" Nakaangat ang kilay na sabi ni, Janine."Huwag mong sasabihin wala kang gagawin? Hindi ganyan ang pagkakakilala namin sa'yo." Wika naman ni, Diana."Gabriel is only mine, put in you're mine. For that girl, sisiguraduhin kong aalis siya dito." Seryosong sabi ko at nagkatinginan silang dalawa."But i think, may maganda akong naisip." Nakangiting sabi ni, Diana.

    Last Updated : 2021-07-16
  • Fight For Love (Gabriel & Jenny)Β Β Β CHAPTER 8

    AN: Tingnan natin kung hanggang saan ang ka-malditihan ni Trixie. ☺ salamat pala sa mga nagbabasa nito at sanay mabasa ng iba. πŸ‘Œ---------Marahas na sinalya ko si Trixie sa sopa matapos ko siyang hatakin papunta dito sa pribadong lugar ko. Tinitigan ko siya na hindi makapaniwala sa kaniyang ginawa."So, what now? Nagagalit ka sa akin? Tell me, Gab." Wika nito.Nakatingin lang ako sa kanya at hindi ko alam kung anong mga salita ang dapat kong bitiwan."Tell me, Gabriel. Huwag mo sabihin na nagagalit ka sa ginawa ko kanina? But you see. Dahil sa babae na 'yon nadadamay ka sa mga ginagawa ni, Jacob.""No, but is it really you. Trixie?" Mahinang wika ko at tiningnan ko siya ng puno ng dissappointment."What? So, are you hate me? How dare you? I'm your girlfriend--""But it doesn't mean na kailangan

    Last Updated : 2021-07-16
  • Fight For Love (Gabriel & Jenny)Β Β Β CHAPTER 9

    AN: Salamat po pala sa mga nag-aabang ng update ko sana'y nagustuhan niyo ito. Comment lang po kayo para mas lalo akong ganahan mag-update. ☺----------Hindi ako mapakali dahil hindi ko pa rin nakikita si Gabriel at para na akong nababaliw sa kakaisip sa kanya.No, Gabriel. Don't do this to me! What hell are you now!? Sigaw ng isipan ko at nakita ko si Arthur kasama si Akihiro, masayang nag-uusap sila habang naglalakad at alam ko namang puro kalokohan lang ang pinag-uusapan nila. Huminto ako sa harapan nila na kinatigil nila at napatingin sa akin."Ikaw pala, Trixie." Nakangiting bati ni, Arthur."Where's Gabriel?" Tanong ko sa kanila at nagkatinginan sila."Akala ko magkasama kayo at--""Don't you think, itatanong ko ba kung kasama ko siya? Stupid!" Inis na sabi ko at napakamot sa ulo

    Last Updated : 2021-07-16
  • Fight For Love (Gabriel & Jenny)Β Β Β CHAPTER 10

    AN: Salamat po sa ulit sa mga nagbabasa at nag aabang nito. Love you all guys! 😘----------"Ano 'tong nabalitaan ko na naghiwalay na kayo ni, Trixie?"Kunot noong tiningnan ko ang lola ko dahil sa sinabi niya at alam ko kung bakit niya ito nalaman dahil kay, Trixie."Siya ang nakipaghiwalay sa akin." Walang ganang sagot ko at napatayo ako."Pero sumangayon ka naman, nahihibang ka na ba? Iiwan mo na lang basta ang babaeng kasama mo simula bata ka pa lang? Dahil lang diyan sa walang kuwentang babae--""Tumigil na kayo!" Napalakas ang sagot ko dahil sa sinabi niya tungkol kay, Jenny."At marunong ka ng sumagot sa akin? Kung ano man kahibangan na 'yang nasa isip mo puputulin ko na 'yan. Uuwi ka ngayon 'din!" Mariin na wika niya."No." Sagot ko at nakipagtitigan ako sa kanya."What?

    Last Updated : 2021-07-16

Latest chapter

  • Fight For Love (Gabriel & Jenny)Β Β Β Chapter 21

    Ayoko mang isipin pero nalulungkot ako na hindi ko nakita si Jenny, tahimik na nakaupo habang tahimik rin si mama sa tabi ko. Naalala ko naman bigla ang number ni Jenny, agad na kinuntak ko ang number niya. Napalingon si mama sa akin."Naiwan ni Jenny ang cellphone niya."Nanghihinang binaba ko ang phone ko at napatingin ako sa labas ng bintana. Naramdaman ko ang paghawak ni mama sa kamay ko."Alam kong tulad mo 'ay nag-aalala rin ako kay Jenny, para ko na rin siyang anak. Pitong taon pa lang si Jenny ng mapunta siya sa akin."Nakatingin ako kay mama at tahimik na nakikinig sa kanya."Si Jenny ang naging dahilan kung bakit kahit paano napawi ang pangungulila ko sa'yo anak. Kaya hindi rin ako mapalagay na hindi ko alam kung nasaan na siya."Inakbayan ko si mama at nilapit ng husto sa akin, damang-dama ko ang pagmamahal niya kay Jenny."Kanino ba tayo maaaring magtanong para mahanap natin siya?"

  • Fight For Love (Gabriel & Jenny)Β Β Β Chapter 20

    AN: Pasensya na po at natagalan ang pag-update. Nagpapasalamat po ako sa lahat ng mga sumusuporta sa akin. Love you all guys! ❀---------Masaya ako habang pabalik na ng mansiyon sakay ng kotse ni papa. Pinilit ko na ilabas na ako ngayon mismo sa hospital dahil naiinip na ako at gusto ko ng makita si mama ngayon pati na si, Jenny."Sigurado ka ba Gabriel maayos na ang pakiramdam mo?"Napalingon ako kay papa at nakangiting tumango."Huwag na sana ulit 'yon gagawin." Seryoso na wika ni papa."Oo pa, pasensiya na." Sagot ko at muling natahimik na kami ni papa habang tinatahak niya ang daan papunta kung saan nakatira si mama at Jenny.Paghinto pa lang ng kotse ay agad na bumaba na ako at halos takbuhin ko ang daanan upang makarating agad sa bahay nila. Naabutan ko na bukas ang pinto kaya pumasok na agad ako,

  • Fight For Love (Gabriel & Jenny)Β Β Β CHAPTER 19

    AN: Pasensya na po at natagalan may mga inaasikaso po ako for personal reason. Sana'y maunawaan niyo ako, ngunit salamat sa mga naghihintay pa rin. -----------"Madam, nakausap ko na po ang taong pinahahanap niyo at tinapalan ko na siya ng pera para gawin ang pinagagawa ko. Tinanggap naman agad ng babae."Napangiti ako dahil sa sinabi ng inutusan ko at talaga namang hindi na ako makapaghintay."Bueno, ito ang bayad mo. Siguraduhin mo na walang bulilyaso 'yan kung hindi malilintikan ka sa akin." Nakataas ang kilay na wika ko sa kanya."Oo naman madam, sige ho salamat at tawagan niyo na lang ako kung may kailangan pa kayo." Sabi nito at tuluyan ng lumabas.Ngayon mapaghihiwalay ko na kayo Gabriel at Jenny. Isusunod ko ang Carmela na 'yan dahil alam kong sa mga oras na ito alam na ni Gabriel na ang tunay na mama niya 'ay si Car

  • Fight For Love (Gabriel & Jenny)Β Β Β CHAPTER 18

    AN: Isang malamig na panahon sa ating lahat. Sa inyo rin ba malamig? Pati tubig? Yung tipong kailangan mo mag-init ng tubig? πŸ˜‚ Good day guys! Miss you all! 😘-------------Paikot-ikot ako dito sa labas ng emergency room at hindi ko alam kung tatayo ba ako o uupo dahil sa sobrang pag-aalala sa anak.GabrielNapapikit ako ng mariin at sinubukan na huminahon. Matapos umalis nila Gabriel kasama ang mga kaibigan niya sa mansyon hindi ko inaasahan ang biglang pagtawag ni Gerson ang inaanak ko sa nangyari sa anak ko. Tahimik na nakayuko ako habang ang cellphone ng tumunog ito. Pangalan ni mama ang nasa screen, sinagot ko ito ngunit hindi ako nagsalita."Greg, nasaan na ang apo. Ano ang nangyari? Sabihin mo sa akin madali ka.""This is what you want ma? Ang mangyari ito sa kaisa-isa mo na apo? Alam ko may pagkululang rin ako s

  • Fight For Love (Gabriel & Jenny)Β Β Β CHAPTER 17

    AN: Pasensya na po na busy si author. Merry christmas pala and happy new year na rin po sa inyong lahat. Keep safe everytime. πŸ‘ŒπŸ˜˜-----------"Sa tingin mo ba iyang ginagawa mo ay pagbibigyan kita sa gusto mo? Never, Gabriel. Kung gusto mo mamatay sa gutom then die, huwag mo ako takutin.""Ayos lang sa inyo na mamatay ako sa ganitong paraan?" May pagdaramdam na sagot ko sa kanya at bahagyang natigilan siya.Tatlong araw na akong hindi kumakain at kahit gutom na gutom na ako hindi ko kinain ang mga pagkain na dinadala sa akin. Dahil hindi ko maunawaan kung bakit ginagawa ito sa akin ng sarili kong lola na halos naging ina sa akin sa maraming taon."You know what? I don't understand you. I love Jenny, what is the reason that you hate her? Wala siyang ginagawang masama." Sagot ko pa at tumayo siya mula sa pagkakaupo dito sa higaan ko.

  • Fight For Love (Gabriel & Jenny)Β Β Β CHAPTER 16

    AN: Here's my another update enjoy reading guys kahit naiinis kayo sa eksena na ito.-----------Tulala ako at hindi makagalaw tinanggal niya na rin ang maskara niya at umingay lalo dito. Hindi ako nagkamali na siya si, Trixie."This hairbond, is fake!"Nanlaki ang mata ko ng hablutin niya ang suot ko na hairband kaya lumaylay ang ilang hibla ng buhok ko. Pigil ang luha ko dahil ayokong umiyak sa harapan nilang lahat."Oh my gosh! Is it really you, Jenny. Napakaambisyosa mo talaga, inagaw mo na nga sa kanya si Gabriel pati ba naman ang gown ni, Trixie? My god!"Napailing ako sa sinabi ng kaibigan ni Trixie sa akin, gusto kong ipagtanggol ang sarili ko pero hindi ko alam kung paano. At hindi ko na napigilan pa ang mga sumunod na ginawa ni Trixie, pinaghahablot niya ang mga design sa suot ko."This!? Huh! All of th

  • Fight For Love (Gabriel & Jenny)Β Β Β CHAPTER 15

    AN: So, pasensya na mahabang paghihintay po. 😘 sanay nakakapaghintay pa rin kayo at salamat po sa inyong lahat. ----------"Oh, anak. Bakit parang ang lalim ata ng iniisip mo diyan?"Napalingon ako kay mama na umupo sa tabi ko, nakaupo kasi ako dito sa may kusina at nakapangalumbaba habang hawak ang inbetasyon para sa magaganap na masquerade party."Ano ba 'yang hawak mo at para kang problemado diyan?" Nakangiting sabi pa ni mama dahil hindi ako nagsasalita."Ma, kailangan ba talaga pumunta ako sa ganito?" Malungkot na tanong ko kay mama at pinakita sa kanya ang imbetasyon."Ano ba ito? Aa... Party pala ito sa school niyo, bakit hindi ka pumunta? Magandang maranasan mo ang ganyan dahil kasama sa ating buhay." Nakangiting sabi ni mama."Pero ma kasi, basta parang kasi hindi ako bagay sa mga ganon at para bang hi

  • Fight For Love (Gabriel & Jenny)Β Β Β CHAPTER 14

    AN: Salamat po pala sa mga nag-aabang sa story na ito at sa mga comments niyo. Love you all guys! 😘------------Habang nakahiga hindi pa rin mawala ang ngiti sa labi ko dahil para sa akin ito ang pinakamasayang birthday na nangyari. Nakangiti lang ako habang yakap ang maliit na unan at nakatingin sa kisame."Bakit hindi ka pa natutulog? Maaga pasok mo bukas, sandali bakit parang ang saya mo ata?" Mapanuksong sabi ni mama Carmela na hinawi ng kaunti ang kurtina na nagsisilbing takip dito sa pinto ko sa kuwarto.Napabangon ako at hiyang-hiya dahil sa nakita ni mama na nakangiti ako na parang timang."Hindi lang po ako makatulog agad, kasi..." Bitin ko sa sasabihin ko dahil hindi ko rin alam kung dahil saan at hindi pa ako makatulog."Si, Gabriel ba?"Namilog ang mata ko at paiwas na yumuko ako dahil naginit ang m

  • Fight For Love (Gabriel & Jenny)Β Β Β CHAPTER 13

    AN: Pasensya na po sa matagal na paghihintay, dahil na rin sa tao na 'yon nakapag-update ako. Salamat po alam mo kung sino ka. 😘 Ginawa ko na po dalawa update ko. -----------Tahimik na nakaupo ako dito sa loob ng kusina habang nakasilip si Jocelyn sa labas doon sa mga bisita ni Jenny."Napakagwapo na bata noh? Ang tangkad pa, bagay na bagay sila ni Jenny."Natigilan naman si Jocelyn ng makita ako na tahimik lang dahil malalim talaga ang iniisip ko ngayon. Simula marinig ko ang pangalan na Gabriel may kung ano akong naramdaman, lalo na ng masilayan ko ang mukha nito. Pakiramdam ko muli kong nakita ang kabataan ni Gregory kay Gabriel."Hindi ko alam kung tama ba ang hinala ko, pero sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Sinasabi ng puso't isipan ko siya 'yon." Mangiyak-ngiyak na sabi ko na pinagtaka ni, Jocelyn."Anong sinasabi mo?"

DMCA.com Protection Status