Ayoko mang isipin pero nalulungkot ako na hindi ko nakita si Jenny, tahimik na nakaupo habang tahimik rin si mama sa tabi ko. Naalala ko naman bigla ang number ni Jenny, agad na kinuntak ko ang number niya. Napalingon si mama sa akin. "Naiwan ni Jenny ang cellphone niya." Nanghihinang binaba ko ang phone ko at napatingin ako sa labas ng bintana. Naramdaman ko ang paghawak ni mama sa kamay ko. "Alam kong tulad mo 'ay nag-aalala rin ako kay Jenny, para ko na rin siyang anak. Pitong taon pa lang si Jenny ng mapunta siya sa akin." Nakatingin ako kay mama at tahimik na nakikinig sa kanya."Si Jenny ang naging dahilan kung bakit kahit paano napawi ang pangungulila ko sa'yo anak. Kaya hindi rin ako mapalagay na hindi ko alam kung nasaan na siya." Inakbayan ko si mama at nilapit ng husto sa akin, damang-dama ko ang pagmamahal niya kay Jenny. "Kanino ba tayo maaaring magtanong para mahanap natin siya?"
Magbasa pa