Home / All / Pangarap na Kasama Ka / Chapter 1 - Chapter 10

All Chapters of Pangarap na Kasama Ka: Chapter 1 - Chapter 10

21 Chapters

Prolouge

  Prologue    “Anong pangarap mo ‘pag laki mo?” tanong ko sa kanya habang nasa bughaw at maaliwalas na langit ang tingin ko. Nakaupo kaming dalawa ngayon sa damuhan at nakasilong sa lilim ng punong duhat sa tabi ng palayan.  “Hindi ko alam,” ‘yon lang ang sagot niya at nakatingin pa rin sa malapad na palayan.  “Wala ka ba talagang naiisip na gusto mong maging sa ‘pag laki mo? Ako kasi marami akong gustong matupad kaya nagsisikap talaga ako dahil gusto ko na lahat ng naiisip at pangarap ko ay matupad.” Sabi ko sa kanya at tiningnan siya. Oo, iyon talaga ang gusto ko at gagawin ko ang buo kong makakaya para lang sa mga pangarap ko.  “Pangarap na matupad…” bulong niya na para bang iniisip niyang maigi ang sinabi ko.  “Masaya kaya sa pakiramdam kapag natupad mo ang pangarap mo.”  “May natupad ka na ba?”  “Ah… Wala pa naman.”sagot ko sa tanong niya. Kasi nga di ba, kapag l
last updateLast Updated : 2021-06-27
Read more

Chapter 1

Chapter 1   “Hay naku!” bulalas ko saka tumayo ako at umunat-unat para maibsan ang pananakit ng batok ko. Sinuntok-suntok ko pa ang balikat ko para lang mabawasan ang pananakit. “Oh? May araw na pala.” Hindi ko man lang namalayan na maliwanag na ang sikat ng araw. Mukhang hindi ko namalayan dahil sa busy ako sa pagkopya ng aralin namin at pagsagot ng assignment. Inayos ko muna ang mga gamit ko sa eskwela at sinilid sa luma kong bag bago ko pinatay ang sinindihan at ginamit kong kandila. May kuryente naman kami kaso nga lang naisip ko na kandila na lamang ang gagamitin ko para makatipid sa bayarin at isa pa pinulot lang naman namin to sa sementeryo kapag pauwi na kami galing sa paaralan. Buti nga sinamahan ako nina Rayray at Isming sa pamumulot edi nakalibre. Walang gastos! Lumabas na ako ng kwarto at naglakad papuntang kusina para makapaghanda ng agahan pero hindi na pala kailangan dahil naghahain na si tatay sa hapagkainan. “Good morning, tay!”
last updateLast Updated : 2021-06-27
Read more

Chapter 2

    Chapter 2   Simula ng umalis si Ma’am Marta tumayo lang ako sa tabi ng Senorito na nasa fountain pa rin ang tingin. Bulag ba talaga ito e parang nakakakita naman sya at parang nag-eenjoy pa nga siya sa fountain e, wala sigurong fountain sa kanila. Wag syang mag-alala dahil hindi sya nag-iisa. Pero kasi e… Nababagot na ako! Kailan ba siya magsasawa kakatingin sa fountain? Kanina pa siya nakatayo dyan e hindi ba siya nangangalay? Ano ba ang dapat kong gawin? Sabi naman kasi ni Ma’am Marta na bantayan ko sya para walang masamang mangyari sa kanya. Ang kaso nababagot na talaga ako. Nabuburo na ang laway ko. Baka mapanis to at pagmulan pa ng airpollution saka ako pa sisihin ng atmosphere dahil nabutas na talaga sya. “Ahh… Señorito,”panimula ko. Hindi na talaga ako makatiis, kailangan kong magsalita. “Gusto nyo bang ipasyal ko kayo sa palibot?” Please, magsalita ka o kahit isang tango lang para malaman ko naman na
last updateLast Updated : 2021-06-27
Read more

Chapter 3

 Chapter 3 Dalawa na lang kami ang naiwan sa kwarto. Naku! Ano na ang gagawin ko? Inglisero pa naman ang isang ito. Naku naman, oo!Pero ang gwapo nya talaga Kahit na namamaga pa ang mga mata nya, malamang na kakagising nya lang. Ang magulo nya ring buhok na ang lambot tingnan, ang sarap sigurong hawak-hawakan nyan kasi alaga sa shampoo. Hindi kagaya ng buhok ko na twice a week lang malatikim ng shampoo, mumurahin pa na nabibili sa tindahan. Haay! Well, ano naman ngayon e basta may buhok kesa sa iba dyan na hindi na talaga tinutubuan ng buhok. Okay! Tama na munang kwento tungkol sa buhok, balik tayo kay Señorito na nakatulala pa rin habang nakaupo sa malapad niyang kama. Gusto kong makita ang kulay green nyang mga mata, wala kasing ganito sa amin e.Naglakad ako papunta sa may dulo ng kama at tumayo kaharap niya. Nakatayo lang ako rito sa harap niya habang siya naman ay nakaupo sa malapad na kama. Hindi nya naman ak
last updateLast Updated : 2021-06-30
Read more

Chapter 4

Chapter 4 Araw ng Sabado at ngayon ang araw na iyon, nandito pa rin ako sa bahay. Sa totoo lang, sa bahay lang naman talaga ako kapag Sabado. Ito ang araw na pinili ko para makasama ang bahay namin. Bonding time naming ng bahay. Sa araw na ito ibubuhos ko ang lahat ng lakas ko para gumawa ng mga gawaing bahay. Yup! Gawaing bahay ang ginagawa ko kapag Sabado. Wala kasing ibang maasahan sa bahay dahil nagtatrabaho pa rin si tatay kapag ganitong araw kaya ako na lang ang maiiwan sa bahay.Nagluluto ako ngayon ng agahan namin tutal ako ang naunang magising sa aming dalawa ngayong araw.“Wow! Nagluto ang prinsesa ko. Ano kayang menu namin ngayong umaga?” bungad ni tatay nang makapasok siya ng kusina.“Kanin at nilagang itlog,” sagot ko sa tanong niya habang nasa pinapatay na apoy pa rin ang pansin. Inin na lang kasi ang kaning niluluto ko.“Saan mo nilaga ang itlog?” Nagtataka siguro si tatay ng makitang
last updateLast Updated : 2021-07-08
Read more

Chapter 5

Chapter 5   Alas tres na ng hapon ng matapos ko ang labahan ko. Grabeng kuskusan at kusutan ang ginawa ko para lang matapos ang lahat ng lalabhan ko. Peew! Kapagod, pero ayos lang! May mga kasama rin kasi ako sa paglalaba kaya hindi rin boring. At isa pa, nagpaunahan kami sa paglalaba na kung mahuli ay talo. Hindi man ako ang nauna pero hindi rin naman ay ang nahuli. Haha! Safe!  Pagkatapos maglaba, nagkayayaan na maligo sa batis kaya hindi na ako humindi dahil basa na rin naman ako. Saka naghanap kami ng kagang sa likod ng mga malaking bato. Alam nyo ban a ang dami kong nahuli. Ang galing ko! Ulam na kayo mamaya sa akin. Hehe!  Para sa kaalaman ng lahat ang kagang ay isang maliit na parang alimango na nabubuhay sa tubig tabang at nagtatago sa mga bato. Ngayong pauwi na kami, pakanta-kanta pa ako habang naglalakad. Ang saya ko dahil libre na ang ulam naming mamaya. Ano kayang magandang menu sa mga kagang na to? Ginataan? Pakulua
last updateLast Updated : 2021-07-10
Read more

Chapter 6

  Chapter 6 Hagis. Kuha ng bato. Tuldok. Tuldok. Salo. Hagis. Kuha ng bato. Tuldok. Tuldok. Salo. Dalawang linggo na lang, graduation na namin! Excited na ako! Pero ngayong papalapit na ang pikahihintay naming okasyon e super busy kami lalo pa sa pagmemorize ng graduation song at tamang pagkuha ng diploma. Paulit-ulit na nga e at nakakasawa na. Kanina nga ilang beses kaming paulit-ulit na kumanta at nagpraktis din kami kung paano umakyat ng stage para kukunin ang diploma saka bababa. Namamaos na nga ako kakakanta at nangangawit na kakatayo sa taas ng stage. Saka paulit-ulit pa kaming akyat-baba ng stage para sa pagkuha ng diploma. Anong akala nila sa amin, ulyanin na madaling makalimot?  Ngayon nga lang kami ipinagpahinga ni Ma’am dahil recess at may pasok kami kay Sir Sungit pagkatapos. Hindi naman talaga Sungit ang pangalan ni Sir pero sadyang masungit lang ang ugali niya kaya tinatawag namin siyang Sir Sungit kapag wala siya sa ha
last updateLast Updated : 2021-07-17
Read more

Chapter 7

    Chapter 7   Bank account. Magkakaroon na ako ng bank account! Hooray! Ang saya ko! Gusto kong magtatalon sa sobrang saya.  Tuturuan daw ako ni Ma’am Marta kung paano magdeposit ng pera at kung paano rin ito i-withdraw. Ang saya ko dahil ang sosyalin ng pagtataguan ng pera ko--- nakabangko ang pera ko. O di ba? Feeling ko ang yaman ko na dahil nasa bangko nakatago ang pera ko.  “La… la… la… la…” Napapakanta na lang ako sa sobrang saya. Walang mapaglagyan ang kasayahan ko ngayon. “I can say that you’re happy,” sabi naman ng kasama ko ngayong naglalakad. Nilingon ko sya at nasa harap lang ang pansin niya habang ginagalaw pakaliwa’t pakanan ang baston na hawak niya. Si Señorito itong kasama ko. Nagpaalam kasi siya kanina, nang matapos na kaming mag-usap ni Señora, na gusto niyang mamasyal sa paligid. Kaya heto kami, naglalakad ng magkasabay habang may nakataling ribbon sa isa niyang kamay na nakakonekta
last updateLast Updated : 2021-07-17
Read more

Chapter 8

   Chapter 8  Hapon na nang magising si Señorito kaya naging panatag na ako. Hindi ko maiwasang mag-alala hanggat hindi ko nakokomperma na okay na talaga siya. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may masamang mangyari sa kanya. Hindi na ako makapaghintay pa na makita at masiguradong na maayos na sya.Tok! Tok! Tok! Pagkatok ko sa pintuan ng kwarto ng Señorito. Ipinatawag nya raw kasi ako pagkagising niya at pumunta rin ako rito dahil pinayagan rin naman ako si Señor at Señora na makita siya. Mayroon rin kasi akong gustong sabihin sa kanya kaya nandito ako ngayon.“Come in!” Narinig ko ang tawag niya mula sa loob kaya pumasok na ako. “Reme, is that you?” kaagad niyang tanong. Isinarado ko muna ang pintuan bago sumagot, “Opo, Señorito.” Lumapit ako sa kanya. Nakaupo siya sa gilid ng kanyang kama na
last updateLast Updated : 2021-07-18
Read more

Chapter 9

  Chapter 9This is it! The day has finally come! Graduation na! Ito na ang araw na pinakahihintay ko. Tapos na ang maliligayang araw ko sa elementary level dahil high school na ako sa pasukan. Yehey! Pero nakakangawit palang maghintay sa labas ng gate para sa pagmartsa papasok ng school, hinintay pa kasi ang super late na guest speeker. Nakakaantok rin ang makinig sa mga English nilang speech na sobrang haba, grabe talaga ang pigil ko para hindi ako mapikit sa sobrang antok. Nakakakaba rin ang maghintay ng pagtawag ng pangalan ko para umakyat ng stage at kumuha ng diploma, hindi pala, coupon pala na nirolyo. Pero ang mas nakakatawa ang nagsiksikan at nagtutulakan kami sa ibabaw ng stage habang kumakanta ng graduation song.“Hoy ! Ikaw ha! Kahit sa Marquez high ka na mag-aaral, huwag mo kaming makakalimutan. Kapag ginawa mo yon babatukan kita ng paulit-ulit hanggang sa matandaan mo ang pangalan namin ni Isming.” Naii
last updateLast Updated : 2021-07-19
Read more
PREV
123
DMCA.com Protection Status