Chapter 7
Bank account. Magkakaroon na ako ng bank account! Hooray! Ang saya ko! Gusto kong magtatalon sa sobrang saya.
Tuturuan daw ako ni Ma’am Marta kung paano magdeposit ng pera at kung paano rin ito i-withdraw. Ang saya ko dahil ang sosyalin ng pagtataguan ng pera ko--- nakabangko ang pera ko. O di ba? Feeling ko ang yaman ko na dahil nasa bangko nakatago ang pera ko.
“La… la… la… la…” Napapakanta na lang ako sa sobrang saya. Walang mapaglagyan ang kasayahan ko ngayon.
“I can say that you’re happy,” sabi naman ng kasama ko ngayong naglalakad. Nilingon ko sya at nasa harap lang ang pansin niya habang ginagalaw pakaliwa’t pakanan ang baston na hawak niya. Si Señorito itong kasama ko. Nagpaalam kasi siya kanina, nang matapos na kaming mag-usap ni Señora, na gusto niyang mamasyal sa paligid. Kaya heto kami, naglalakad ng magkasabay habang may nakataling ribbon sa isa niyang kamay na nakakonekta naman sa isa ko ring kamay. Bawal daw siyang hawakan e kaya ito na lang ang ginawa ko para maalalayan sya.
“Wag ka ngang puro English. Haluan mo naman ng Tagalog,” reklamo ko sa kanya at ibinalik na ang pansin sa nilalakaran namin.
“Oh! I’m sorry. I forgot!...” nakangiti pa siya habang nagsasalita. Malamang na pinagtatawanan ako nito sa isip niya dahil ang hina ko sa English. Hindi naman sa hindi ako makaintindi at hindi ako marunong magsalita, sadyang nauubusan ako ng sasabihin kapag English na ang gagamitin kong lingwahe. “Shaya ka ngayon.”
“Pfft!” Hindi dapat ako matawa pero hindi ko maiwasan. Nakakatawa kasi siyang magTagalog e. “MagtaTagalog ka na, ang cute mong mag-Tagalog e.” Pareho lang pala kaming dalawa; ako ay magaling mag-Tagalog pero mahina sa English samantalang siya naman ay magaling sa English pero baruk naman mag-Tagalog.
“Thalaga? Shige. Perow, ikaw kashi tawa naman kapag nagsabi akow ng Tagalog.”
“Bwahahaha!” Hindi ko na mapigilan ang tawa ko. Suskolord! Patawarin mo po ako! Bakit ang cute ni Señorito kapag nag-Tagalog.
“It’s not funny!” Ops! Naiinis na sya, ramdam ko na ang itim na aura na nakapalibot sa kanya. Okay, stop na ako sa pagtawa. “I can’t speak Tagalog fluently, but you see I tried hard,” iwas tingin niyang sabi. Eee… nahihiya ba siya sa akin? Nakanguso pa kasi siya habang nagsasalita. Kahit hindi ko maintindihan ang mga sinabi niya ay alam kong naiinis siya at bilang nahiya. Ang dali lang basahin ng reaksyon ng mukha nya e.
“Gusto mo turuan kitang mag-Tagalog?” presenta ko.
“Really?” Tumigil siya sa paglalakad at tumingin sya sa gawi ko kaya nakita ko ang magaganda niyang mga mata. Ang ganda talagang tingnan ang kulay green niyang mga mata. Kainis! “Sure!” Masaya siyang umang-ayon sa sinabi ko. Ipinagpatuloy namin ang paglalakad ng walang patunguhan, basta naglalakad lang.
“Sige.” Excited na ako! Ano kaya ang ituturo ko sa kanya? Hmmm… Hindi naman naman siguro mahirap turuan si Señorito dahil, napansin ko na, marami na rin siyang alam na salitang Tagalog. Hindi nya lang alam kung paano pagdugtung-dugtungin ang bawat salita. Puro rin root word ang gamit nya at hindi niya alam ang mga panlapi na dapat gamitin. Shocks! Pwedi na ba ako magFilipino major sa education? Hindi ah, sadyang paborito ko lang ang subject na Filipino kahit na mababa magbigay ng grade si Ma’am.
Kaya habang naglalakad kami e tinuturuan ko sya at ipinagsasalita ko rin siya para malaman ko kung tama ba ang pagdugtong-dugtong nya ng mga salita. Hanggang sa siya na ang sumuko.
“Can we continue it some other time. I… My brain can’t process all of it,” reklamo niya at napasabunot sa buhot niya. Masakit ba ang ulo niya? Naku po! Naulit mna naman ba ang kagaya ng dati? Nandito pa naman kami uli sa fountain kung saan kami unang nagkita. Nakaupo kami dito habang nag-uusap.
“Okay ko lang?” Baka masama ang pakiramdam nya at kung mapano na naman siya.
Umayos siya ng upo at nasa malayo pa rin ang tingin. “I’m fine.”
Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa sinabi niya. “Señorito, alam mo… Ilang araw na tayong magkasama… At … alam mo… medyo close na rin tayo…”
“So, what do you want?”
“Kasi hindi ko pa alam ang pangalan mo.” Di ba? Ilang beses na kaming magkasama at magkakausap pero hindi ko pa talaga kilala kung ano ba ang pangalan niya.
“Adolfo.”
“Adolfo?” kumpirma ko. “Iyon lang? Buong pangalan ang gusto kong malaman.”
“Adolfo Meyer Marquez, III (the third).”
“Bakit may the third pa?”
“Because I’m the third one whose name is Adolfo Marquez.”
“Ha?” Hindi ko masyadong maintindihan. “Paki ulit, please! At itagalog mo na rin, please.”
Ngumiti lang siya dahil sa naging request ko. “Tatlo kasi kaming may pangalang Adolfo Marquez sa family namin. First, si lolo; then, si Papa; lastly, ako.”
“Ayst!”Iyon ba ang dahilan kung bakit sya tinatawag ni Señora na Tres? “Wala na ba silang maisip na ipangalan sa iyo? Bakit kailangang isunod sa lolo mo kung pwedi naman na magkaroon ka ng sariling pangalan. Hayst! Ikaw ha! Kapag nagkaanak ka huwag mo ng e the fourth!”
Tumawa lang sya ng malakas dahil sa pinagsasabi ko. Aba! Lakas na ng loob nyang tawanan ako e seryoso ako sa sinasabi ko.
“Hoy! Hindi ako nagbibiro. Adolfo Marquez, III!”
Tumigil sya sa pagtawa nya at tumingin na naman sa akin. Bakit ba kasi ang ganda ng mata nya?
“Aye! Aye! Ma’am. I get it!” Sumaludo rin sya habang nagsasalita.
“Bakit hindi ka na nagsasalita ng Tagalog e tinuruan na kita ngayon lang? Magtagalog ka! Nasayang laway ko kung hindi mo gagamitin ngayon ang itinuro ko sa iyo.”
“I can’t speak fully Tagalog,”pag-amin niya.
“Edi mag-Taglish ka.”
“Huh? What’s that?”
“Taglish ay Tagalog na may English na halo.”
“Ow! Okay! That’s what I will do na lang.”
Pambihira naman, oo! Hindi ko maiwasang mapakamot sa batok ko. “Ang sabi ko Tagalog na may halong English, hindi English na may Tagalog. E ‘na lang’ lang ang Tagalog sa sinabi mo e.”
Pero itong lalaking ito tinawanan na lang uli ako. Ayos talaga tong lalaking ito e, ano? Batukan ko kaya para seryosohin nya naman ako kahit papaano. Pero, huwag na lang, baka mawalan pa ako ng trabaho.
“You sounds cute!” sabi niya na natatawa pa rin. Pero, ano ito? Nang-iinit ang pisngi ko sa sinabi niya. Naiinis ba ako? Pero hindi naman. Sumeryoso naman siyang nakatingin sa akin. “I want to see you, Reme. Gusto kita makita.”
Gulp! Kinabahan ako sa mga pinagsasabi ng lalaking ito pero may kaunting saya ako nadarama. Gusto nya makakita dahil gusto nya akong makita. Nang dahil sa akin.
“Papalita mo ang mga mata mo para makakita ka na. Pwedi naman iyon di ba? Papalita mo para makita mo na ang kagandahan ko.”
“I know…” nakangiti niyang sabi.
Pero anong pinagsasabi niya? “Anong ‘I know’?”
“Na maganda ka.”
“Bolero! Hindi mo pa nga ako nakikita e.”
“You says na maganda ka.”
“Syempre! Kailangan na ang number one fans ng kagandahan mo ay ang sarili mo.”
“Yeah! Right!”
Tumawa naman kaming pareho dahil sa pinag-uusapan namin. Sana parati na lang kaming ganito at wala ng magbago.
“Hawakan mo ako.”
Tama ba ang pagkakarinig ko, Gusto nyang hawakan ko sya? “Ha? Pwedi mo bang ulitin ang sinabi mo.”
“Hawakan mo ako.” Tama nga ang nadinig ko. “Dito,” sabi niya at inangat ang kamay niya. Gusto nyang hawakan ko sya sa kamay nya?
“Nagbibiro ka ba?” Hindi ba nya naiisip kung anong pweding mangyari sa kanya kapag ginawa nya yon.
“Nope! I’m serious about it. Please!” sumamo niya. Pero kasi e, last time na hinawakan ko sya hinimatay pa sya.
“Baka kasi kung anong mangyari sa iyo e. Natatakot ako… Natatakot ako para sayo.”
“Please! Gusto kong malabanan ang fear ko. Ayaw ko nang matakot. Tulungan mo ako, Reme.”
“Sige!” Baliw ka na Remilia Alvarez. Bakit ka pumayag? Pero gusto ko kasi siyang tulungan e. Gusto kong makatulong. “Sabihin mo lang kung masama ang pakiramdam mo ha.” Tumango lang siya bilang sagot. Inunti-unti ko ang paghawak sa kamay niya. Sinimulan ko sa mga daliri niya saka unti-unti kong pinagsiklop ang mga kamay naming may tali. “Ano? Kamusta ang pakiramdam mo? Ayos lang ba?”
“Rough! Your hand is rough.”
“Huh?”
“Gaspang ang kamay mo.”
“Ahh… Magaspang.”
“Okay! Magaspang it is.” Magaspang talaga ang mga kamay ko dahil puno ng kalyo. Mas magaspang pa sa papel de lija. Ang kamay nya nga e para cotton sa sobrang lambot.
“Syempre naman! Masipag ako e.” Ang dami ko kasing trabahong tinatapos bawat araw.
“Yeah! I know that.”
“Alam mo…” Tiningnan ko ang kamay naming nakasiklop. “Masaya ako ngayon,” pag-amin ko. Hindi ko rin alam kung bakit ako masaya basta masaya ako.
“Me too.” Nabaling ang pansin ko sa kanya. Nasa malayo lang ang tingin niya kaya kita ko ang porma ng matangos niyang ilong. “Masaya rin ako,” nakangiti niyang sabi.
Pero hindi ko inaasahan ng bigla siyang sumuray-surap na parang inaantok at namumuo na rin ang mga butyl ng pawis sa noo niya.
“S-Señorito? Ayos ka lang ba?” Kinakabahan na ako. Ano na naman ang nangyayari sa kanya. Hinawakan ko siya sa kanyang balikat pero kitang-kita ko na naghihina na sya at masusubsob. Mabuti na lamang at nasalo ko sya kaagad ang kaso naman ay nasubsob ang tuhod ko at bahagya itong kumirot. Nakaluhod ako sa lapag habang nasa bisig ko sya at nahihirapang huminga.
Naku! Tulong! Gusto kong mataranta pero hindi iyon makakatulong sa sitwasyon na ganito. Sinanay na ako si Ma’am Marta ng mga bagay kung ano ang gagawin kung sakaling mangyari uli ang ganito.
Huminga muna akong malalim para mapakalma ang sarili ko. Inayos ko ang posisyon ni Señorito at isinandal siya sa inuupuan namin kanina, nasa lapag kasi kami. “S-Señorito, s-sandali lang. T-Tatawag ako ng tulong.” Nanginginig ang mga kamay ko at naghaharumintado ang puso ko sa kaba pero kailangan kong maging mahinahon sa ganitong sitwasyon.
Ang radio. Oo, tama! Binigyan ako nito ni Ma’am para magamit sa mga ganitong sitwasyon.
“I-I can’t b-breath.” Nahihirapan na siyang magsalita at huminga.
“S-Sandali lang S-Señorito.” Kinuha ko ang radio sa bulsa ng uniform ko at humingi ng tulong. “Humingi na ako ng tulong. Darating na sila.”
*****************************
“Care to tell me what was really happened?” tanong ni Señor na nagpakaba pa ng husto sa akin. Ang seryoso ng mukha niya at mukha rin siyang galit. Sinong hindi magagalit kung maulit uli ang ganoon sa mahal mong apo? Matatanggal na ba talaga ako nito sa trabaho?
Nandito kami ngayon sa sala habang ang mag-asawang Marquez ay nakaupo sa sofa--- Si Señor sa single sofa at si Señora naman ang nakaupo sa mahabang upuan; at kami namang mga katulong ay nakatayo sa harap nila. Hindi! Ako lang pala ang nakatayo sa harap nila dahil ang iba ay nakahelira sa may gilid lang.
Kinakabahan ako, mapapagalitan na talaga ako nito!
“Uno naman. Tinatakot mo ang bata,” saway ni Señora.
“Nagtatanong lang naman ako, Honey,” paliwanag ni Señor sa asawa.
“Ako ang kakausap sa bata, okay! Huwag kang sasabat dahil baka matakot sya sayo.”
“Honey naman e.”
“Shh!” Nakayuko lang kasi ako kaya hindi ko makita kung anong ginagawa ng dalawa. Ayaw ko silang tingnan. Nahihiya ako dahil hindi ko magawa-gawa ang pinakasimpleng trabahong bantayan si Señorito at nauli pa ito ngayon. “Anong nangyari, Reme? Pwedi mo bang sabihin,” malumanay na tanong ni Señora. Bakit sila mabait pa rin sa akin? Hindi ba sila galit dahil nang dahil sa akin e nagkaganoon na naman si Señorito?
“Reme?” Hinawakan ni Señora ang balikat ko kaya napatingin ako sa kanya.
“S-Sorry po… Dahil n-nangyari na naman poi to. Hindi po sana ganito ang nangyari kung hindi ko pinayagan si Señorito na hawakan ako. Sorry po.”
“Sinabi ni Tres na hawakan mo sya?”
“Opo! Sinabi nya kasing gusto nyang malabanan ang takot niya kaya hinawakan ko sya. Gusto ko lang pong makatulong pero, mali po ako, mas napahamak pa po sya ng dahil sa akin. Kaya sorry po.”
“Sinabi nyang gusto nyang malabanan ang takot niya?”
Bakit ba parating inuulit ni Señora ang sinasabi ko? Hindi ba malinaw ang sinasabi ko? “Opo! Iyon po ang sinabi nya?”
Hindi na nagsalita pa ang mag-asawa at pinaalis na kami ng dumating na ang doctor.
Nag-aalala ako sa kalagayan ng Señorito. Paano kung lumala ang lagay nya? Ano na lang ang gagawin ko? Sana hindi ko na lang siya pinagbigyang hawakan ako edi hindi sana nangyari uli ang ganito.
“Hindi ko akalaing magpapahawak sayo ang Señorito,” basag ni Ate Linda sa pananahimik ko. Tahimik lang akong nagtatrabaho kasama siya at si Angkol Titoy. Pinuputol ni angkol ang mga sanga nito, si Ate Linda ang taga pulot at tagalagay ng sanga sa malaking basurahan at ako ang tagawalis ng mga dahon na nakakalat.
“Oo nga e. Kahit nga sa lolo at lola niya hindi sya nagpapahawak. Kaya nga nahihirapan kaming lahat rito sa pagbabantay sa kanya dahil ayaw nyang hinahawakan siya.” Agad na naagaw ang pansin ko sa mga sinabi ni angkol. Ano raw? Hindi nagpapahawak ang Señorito kahit sa Señor at sa Señora? Naalala ko ang layo nila sa isa’t isa habang nanonood ng TV, kaya ba ganoon?
“Baka gusto na nyang gumaling agad,” konklosyon ni Ate Linda. Nakikinig lang ako sa usapan ng dalawa.
“Malamang!”
“Sana nga maisipan rin ng Señorito na magpagamot para hindi na mahirapan ang dalawang matanda. Sobrang nag-aalala rin kasi sila para sa apo nila.”
“Syempre! Kahit nga tayo e nag-aalala sa kanya. Bakit ba kasi ayaw niyang ipagamot ang mga mata niya?”
Naalala ko ang pinag-usapan namin kanina. “Gusto nya talagang makakita.” Oo, iyon ang gusto niyang mangyari at gusto rin niyang gumaling.
“Sinabi nya yon?” sabay na tanong ng dalawa. Bakit? May nakakagulat ba sa tanong ko?
“Opo! Nag-usap kami kanina at iyon ang sinabi niya.”
“Siguradong masaya sina Señor at Señora dahil dito.” Masayang sabi ni ate
Chapter 8Hapon na nang magising si Señorito kaya naging panatag na ako. Hindi ko maiwasang mag-alala hanggat hindi ko nakokomperma na okay na talaga siya. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may masamang mangyari sa kanya. Hindi na ako makapaghintay pa na makita at masiguradong na maayos na sya.Tok! Tok! Tok!Pagkatok ko sa pintuan ng kwarto ng Señorito. Ipinatawag nya raw kasi ako pagkagising niya at pumunta rin ako rito dahil pinayagan rin naman ako si Señor at Señora na makita siya. Mayroon rin kasi akong gustong sabihin sa kanya kaya nandito ako ngayon.“Come in!” Narinig ko ang tawag niya mula sa loob kaya pumasok na ako. “Reme, is that you?” kaagad niyang tanong.Isinarado ko muna ang pintuan bago sumagot, “Opo, Señorito.” Lumapit ako sa kanya. Nakaupo siya sa gilid ng kanyang kama na
Chapter 9This is it! The day has finally come! Graduation na! Ito na ang araw na pinakahihintay ko. Tapos na ang maliligayang araw ko sa elementary level dahil high school na ako sa pasukan. Yehey!Pero nakakangawit palang maghintay sa labas ng gate para sa pagmartsa papasok ng school, hinintay pa kasi ang super late na guest speeker. Nakakaantok rin ang makinig sa mga English nilang speech na sobrang haba, grabe talaga ang pigil ko para hindi ako mapikit sa sobrang antok. Nakakakaba rin ang maghintay ng pagtawag ng pangalan ko para umakyat ng stage at kumuha ng diploma, hindi pala, coupon pala na nirolyo. Pero ang mas nakakatawa ang nagsiksikan at nagtutulakan kami sa ibabaw ng stage habang kumakanta ng graduation song.“Hoy ! Ikaw ha! Kahit sa Marquez high ka na mag-aaral, huwag mo kaming makakalimutan. Kapag ginawa mo yon babatukan kita ng paulit-ulit hanggang sa matandaan mo ang pangalan namin ni Isming.” Naii
Chapter 10 Naikuwento na ni tatay ang nangyari sa pagitan nila ni nanay. Habang kumakain kami ng cake e sinabi nya sa akin lahat. Sinabi niya mula sa unang pagkikita nila, paano sila naging malapit sa isa’t-isa at kung anong nangyari bakit wala rito si nanay na kasama namin. Ngayon, magkukwento ako sa naging sad story nina nanay at tatay, sad ang story nila dahil hindi happy ending ang naging resulta. You know, ang kabaliktaran ng happy ay sad. Joke! Okay, seryoso na talaga! Una, nagkita sina nanay at tatay sa bayan na ito. Dito mismo sa bayan ng Buenafortuna. Kinupkop nila si nanay dahil wala itong mauwian, buhay pa noon sina lolo at lola ko. Dito mismo sa bahay na ito tumira si nanay ng halos tatlong taon at sa loob ng mahabang panahon na iyon ay nagkagustuhan sila ni tatay. Handa na silang bumuo ng sariling pamilya. Pero, dumating ang asawa ni nanay. Oo, may a
Chapter 11 Tok! Tok! Tok! Kumatok ako sa pinto ng kwarto niya. “Señorito,” tawag ko. “Go away! I don’t want to see anyone right now,” malamig nyang pagtaboy sa akin. Ang sungit na naman nya. “Gusto lang naman kitang makausap e.” mayroon lang kasi akong gustong sabihin at siya ang gusto kong makaalam nito. “Kahit dito lang ako sa labas basta mag-usap lang tayo.” Hindi siya sumagot. Papayag na ba sya na mag-usap kami? Hmm… Bahala sya dyan basta naniniwala ako sa kasabihang silent means yes. “Gusto ko lang… kasi… n-na… na ano…” Huhu! Mukhang hindi ko kayang sabihin, kinakabahan ako sa magiging reaksyon niya. “Just say it already! Your wasting my time.” Bakit ganyan sya ka sungit ngayon? Hindi ko gusto ang ganitong ugali nya. Naiinis ako. Parang umakyat lahat ng inis ko sa ulo ko att sumabog na. “If don’t have anything to say just go.” “Bakit ka ba nagkakaganyan? An
Chapter 12 Kring! Kring! Ano ba yan? Ang ingay naman! Natutulog yong tao e. Bakit kailangan nilang mang-istorbo ng tulog ng tao? “Patayin mo nga yan! Ang ingay e.” utos ko sa kung sinuman ang nagpapatugtog. Kring! Kring! “Tama na! Gusto ko pang matulog!” Panay ang reklamo ko pero walang nakikinig at panay pa rin ang tunog ng maingay na kung anuman yon. Kinuha ko ang unan ko para itabon sa tainga ko. Gusto ko ng katahimikan. Please, pagbigyan nyo naman ako. Kring! Kring! “Aurgh!” Napilitan akong bumangon ng wala sa oras. Idinilat ko ang mahahapdi kong mga mata dahil kulang pa ang tulog ko at inis kong hinanap ang bagay na maingay. Anong karapatan nya para bulabugin ang panaginip ko? Mapapatay ko to! Grrr! Roar! Kring! Kring! Inis kong binalingan ang tumunog na bagay. Nakita ko sa may ulunan ng higaan ko ang cellphone na ibinigay ni Señorito na nagliwanag. Hindi ko na pala papatayin ang maingay baka
Chapter 13 “Tao po!” tawag ko mula sa labas ng bahay nina lolo Berto. “Lolo! Lola! May tao po ba?” “Sandali lang!” Ayos! Nandyan si lola sa loob. Baka naistorbo namin sya sa ginagawa nya? Okay lang yan, si lolo naman ang pinunta namin dito e. Nilingon ko ang dalawa kong kasama. “Sigurado ka ba talaga dito, Reme?” usisa ni Kuya Martin. Siya ang kasama ni Señorito Adolfo ngayon. Buti nga e at pinayagan si Señorito Adolfo na pumunta dito ng lolo at lola niya pero sa isang kondisyon nga lang, iyon ay sasamahan siya ni Kuya Martin at tuwing linggo lang siya pweding pumunta dahil may klase sila ng tutor niiya. Alam kong ayaw ni Señorito na nandito na kasama namin si Kuya pero wala siyang magawa. Halata kasi sa mukha niya ang pagkadisgusto sa desisyon ng lolo at lola niya. Napakamot ako sa batok ko bago sinagot si kuya, “Hindi nga e. Pero baka may maitulong siya kay Señorito Adolfo.” “Baka mas
Chapter 14 Haay! Limang araw na pala ang nakalipas pero parang kahapon lang nangyari yon. Sa linggo, sasamahan ko ulit sina Señorito kina lolo. Nag-uusap pa rin kami tuwing gabi at lagi niyang sinasabi na marami siyang natutuhan sa kanyang tutor. Buti pa siya may natutuhan ngayong bakasyon e ako naman ay purong lang laro at lakwatsa. Pero engjoy naman ako. Minsan lang naman akong maggagala e dahil parati akong trabaho noon kapag bakasyon. Sa araw na ito, may importante akong dapat gawin. Napakaimportante ng araw na ito dahil para it okay tatay. Magugulat lang siya mamaya pag-uwi niya dahil may surpresa ako para sa kanya. “Nagdala ka ba ng lalagyan?” tanong sa akin ni Tintin. Kapitbahay namin pero mas matanda sa akin ng isang taon. Siya ang nag-aya sa akin na sumama sa kanila ngayon. Buti nga niyaya nya ako e kaya may pagkakataon ako ngayong surpresahin si tatay. “Syepre naman. Hindi pweding kalimutan yon,” sagot ko
Hello, everyone! This is my original story at kahit hindi man kagandahan ang plot nito, kagaya ng ibang story na nabasa ninyo na may theme about CEO or warewolf or vampire, pero isa lang ang masasabi ko na ipapasyal ko kayo sa lugar ko. Ano ang inspirasyon ko sa story na to? Well, gusto ko lang na magflashback sa mga kalokohan ko, I mean, childhood memories ko. So, ayon nga… Pero hindi na kasali lovelife cause cause balungos na mas hamak na maganda ang lovelife ng bida sa kwento na to. Sana suportahan nyo itong story ni Reme. Welcome sa probinsya, Readers and enjoy reading! Love lots! Muah! EllyKim P.S.Team Señorito o Team Pepe?
Chapter 19 Tapos na si Nurse Christian sa paggamot ng paa ko at pati na rin sa pagtukso sa akin. Nagsanib pwersa pa sila ni Tita Thalia sa pag-away sa akin. Kagigil! Ang buong pangalan pala ng papa ni Pepe ay Christian Aguire at talagang namana ni Pepe ang ugali na pagiging bully sa tatay niya. Bakit ba ako ang napagdidiskitahan ng mag-ama na ito?Naglalakad na kami ni Tita Thalia palabas ng hospital, pupunta pa kasi kami sa eskwelahan ko para malaman kung enrolled na talaga ako saka kukuha ng listahan ng mga kakailanganin.“How’s your foot?” tanong ni Tita Thalia na nasa daan pa rin ang pansin pero minsan ay napapasulyap sa akin. Napansin ko rin na maingat syang maglakad, siguro para hindi siya matapilok sa taas ng taking niya.“Hindi na po masakit,” sagot ko. Totoo naman kasi. Pinainum ako kanina ni Nurse Christian ng gamot na request ni Tita Thalia. Painkiller yata ang tawag ni tita sa gamot na yon. A basta! Yong gamot para hindi ko maramdaman ang
Chapter 18Namiss ko na talagang bumalik at magtrabaho sa mansion. Gusto ko na ulit na makakwentuhan ang mga nagtatrabaho doon at… mayroon din akong gustong makita. Gusto ko na syang makita uli. Bakit ba ang tagal ng mga araw at bakit ang tagal gumaling ng sugat ko? Kainis! Namiss ko na si Señorito kahit sabihin pa nating tuwing gabi tinatawagan nya ako at nag-uusap kami pero iba pa rin kasi kapag kaharap at nakakasama ko sya.Oo, nag-uusap pa rin kami ni Señorito Adolfo tuwing gabi at alam naman iyon ni tatay tsaka okay lang sa kanya. Hindi ko nga maintindihan na hindi kami nauubusan ng maikukwento sa isa’t isa tuwing gabi, para bang hindi kami nagsasawa na makipag-usap sa isa’t isa. Sa totoo lang, simula ng malaman ni Señorito Adolfo na nagkasugat ako may nagbago sa paraan ng pag-uusap naming dalawa. Nagkabaliktad na kami ng posisyon dahil ako na ang nauunang magkwento ngayon. Oo, pinapauna nya akong mag
Chapter 17 Limang araw na akong nasa bahay lang ng dahil sa sugat kong ito. Hindi na nga ako nakasama kay Señorito Adolfo sa pagpunta kay lolo Berto. Namiss ko ng lumabas at mamasyal sa paligid kasama si Señorito. Parati naman kaming nag-uusap sa tawag pero iba pa rin kasi kapag kaharap ko sya at nakikita ko. Sana gumaling na ang sugat ko. Hindi ako makapunta at makapaglakad sa labas dahil hindi ako makasuot ng tsinelas. Minsan kasi ng binalak kong bumili ng tinapay sa tindahan, hindi pa nga ako nakakaabot sa gate namin na kawayan ay tumama ang dulo ng tsinelas ko sa sakong na may sugat. Kahit anong tingkayad ng isa kong paa na hindi mapisikan ng tsinelas ay wala pa ring nagawa. Nilagnat talaga ako simula ng araw na iyon kaya hindi na ako pinapaalis ni tatay at hindi na rin ako sinusuotan ng tsinelas ang paa kong may sugat. Simula rin ng magkasugat ako ay nandito lang si tatay na nagbabantay at nag-aasikaso sa bahay. Wala raw kasi siyang trabah
Chapter 16“Reme!... Reme!... Oy! Gising!”Hmmm… Inaantok pa ako e. Sino ba itong istorbo sa tulog ko? Mamaya mo na ako gisingin. Ang sarap pa ng tulog ko e.“Reme, gising!”“Ugh! Ayaw ko, inaantok pa ako.” Huwag mong uga-ugain ang higaan, sumasakit ang ulo ko. Kainis naman e!“Nandito na tayo sa bahay nyo…” Ano bang bahay ang sinasabi mo e nasa bahay naman talaga ako natutulog. Saan pa ba ako matutulog? “Gumising ka na!” Aurg! Bakit ba kailangan pang uga-ugain ang tinutulugan ko? Naman e. Hindi ko maiwasang mapakamot sa ulo ko dahil sa inis. Masisipa ko talaga ang anira ng tulog na ito, makikita nya.“Ayaw nga, kulit! Kurutin kita dyan e.” Panay na ang reklamo ko pero tinawanan lang ako ng kung sino ito. “Mamaya na lang kasi e inaantok pa ako.”“Pero nangangawit na ang kamay at likod ko kakakarga sa iyo. Sobrang bigat
Chapter 15Itinaas ko na lang ang kaliwa kong paa at hindi na iniapak sa putik. Hindi ko masyadong mabalanse ang katawan ko gamit ang isang paa kaya inalalayan ako ni Tonton. Kinuha niya ang kanan kong kamay at ipinatong sa balikat niya para doon ako kumuha ng suporta. Nagpasalamat ako dahil sa ginawa niya.Pero marami ng dugo ang nakahalo sa putik, panay pa rin kasi ang agos mula sa sugat ko. Ngayon lang ako nakakita ng ganito karaming dugo sa mga naging sugat ko. Nanindihan ang mga balahibo ko at parang gumaan ang ulo ko na parang lilipad ako na gaya ng lobo. Ayaw ko ng ganitong pakiramdam.“Ayos ka lang, Reme?” tanong ni Tonton. Pero hindi ako nakasagot at tanging pagtango lang ang nagawa ko. Hindi naman ako takot sa dugo pero hindi ko maiwasang manghina.“Anong nangyari?” tanong ng mga dumating. Isa lang naman ang nagtanong pero hindi ko kasi nalam kung sino ang nagsalita dahil na
Hello, everyone! This is my original story at kahit hindi man kagandahan ang plot nito, kagaya ng ibang story na nabasa ninyo na may theme about CEO or warewolf or vampire, pero isa lang ang masasabi ko na ipapasyal ko kayo sa lugar ko. Ano ang inspirasyon ko sa story na to? Well, gusto ko lang na magflashback sa mga kalokohan ko, I mean, childhood memories ko. So, ayon nga… Pero hindi na kasali lovelife cause cause balungos na mas hamak na maganda ang lovelife ng bida sa kwento na to. Sana suportahan nyo itong story ni Reme. Welcome sa probinsya, Readers and enjoy reading! Love lots! Muah! EllyKim P.S.Team Señorito o Team Pepe?
Chapter 14 Haay! Limang araw na pala ang nakalipas pero parang kahapon lang nangyari yon. Sa linggo, sasamahan ko ulit sina Señorito kina lolo. Nag-uusap pa rin kami tuwing gabi at lagi niyang sinasabi na marami siyang natutuhan sa kanyang tutor. Buti pa siya may natutuhan ngayong bakasyon e ako naman ay purong lang laro at lakwatsa. Pero engjoy naman ako. Minsan lang naman akong maggagala e dahil parati akong trabaho noon kapag bakasyon. Sa araw na ito, may importante akong dapat gawin. Napakaimportante ng araw na ito dahil para it okay tatay. Magugulat lang siya mamaya pag-uwi niya dahil may surpresa ako para sa kanya. “Nagdala ka ba ng lalagyan?” tanong sa akin ni Tintin. Kapitbahay namin pero mas matanda sa akin ng isang taon. Siya ang nag-aya sa akin na sumama sa kanila ngayon. Buti nga niyaya nya ako e kaya may pagkakataon ako ngayong surpresahin si tatay. “Syepre naman. Hindi pweding kalimutan yon,” sagot ko
Chapter 13 “Tao po!” tawag ko mula sa labas ng bahay nina lolo Berto. “Lolo! Lola! May tao po ba?” “Sandali lang!” Ayos! Nandyan si lola sa loob. Baka naistorbo namin sya sa ginagawa nya? Okay lang yan, si lolo naman ang pinunta namin dito e. Nilingon ko ang dalawa kong kasama. “Sigurado ka ba talaga dito, Reme?” usisa ni Kuya Martin. Siya ang kasama ni Señorito Adolfo ngayon. Buti nga e at pinayagan si Señorito Adolfo na pumunta dito ng lolo at lola niya pero sa isang kondisyon nga lang, iyon ay sasamahan siya ni Kuya Martin at tuwing linggo lang siya pweding pumunta dahil may klase sila ng tutor niiya. Alam kong ayaw ni Señorito na nandito na kasama namin si Kuya pero wala siyang magawa. Halata kasi sa mukha niya ang pagkadisgusto sa desisyon ng lolo at lola niya. Napakamot ako sa batok ko bago sinagot si kuya, “Hindi nga e. Pero baka may maitulong siya kay Señorito Adolfo.” “Baka mas
Chapter 12 Kring! Kring! Ano ba yan? Ang ingay naman! Natutulog yong tao e. Bakit kailangan nilang mang-istorbo ng tulog ng tao? “Patayin mo nga yan! Ang ingay e.” utos ko sa kung sinuman ang nagpapatugtog. Kring! Kring! “Tama na! Gusto ko pang matulog!” Panay ang reklamo ko pero walang nakikinig at panay pa rin ang tunog ng maingay na kung anuman yon. Kinuha ko ang unan ko para itabon sa tainga ko. Gusto ko ng katahimikan. Please, pagbigyan nyo naman ako. Kring! Kring! “Aurgh!” Napilitan akong bumangon ng wala sa oras. Idinilat ko ang mahahapdi kong mga mata dahil kulang pa ang tulog ko at inis kong hinanap ang bagay na maingay. Anong karapatan nya para bulabugin ang panaginip ko? Mapapatay ko to! Grrr! Roar! Kring! Kring! Inis kong binalingan ang tumunog na bagay. Nakita ko sa may ulunan ng higaan ko ang cellphone na ibinigay ni Señorito na nagliwanag. Hindi ko na pala papatayin ang maingay baka