This is it! The day has finally come! Graduation na! Ito na ang araw na pinakahihintay ko. Tapos na ang maliligayang araw ko sa elementary level dahil high school na ako sa pasukan. Yehey!
Pero nakakangawit palang maghintay sa labas ng gate para sa pagmartsa papasok ng school, hinintay pa kasi ang super late na guest speeker. Nakakaantok rin ang makinig sa mga English nilang speech na sobrang haba, grabe talaga ang pigil ko para hindi ako mapikit sa sobrang antok. Nakakakaba rin ang maghintay ng pagtawag ng pangalan ko para umakyat ng stage at kumuha ng diploma, hindi pala, coupon pala na nirolyo. Pero ang mas nakakatawa ang nagsiksikan at nagtutulakan kami sa ibabaw ng stage habang kumakanta ng graduation song.“Hoy ! Ikaw ha! Kahit sa Marquez high ka na mag-aaral, huwag mo kaming makakalimutan. Kapag ginawa mo yon babatukan kita ng paulit-ulit hanggang sa matandaan mo ang pangalan namin ni Isming.” Naiiyak na natatawa na bilin sa akin ni Rayray kaya hindi ko rin maiwasan na gayahin ang ekpresyon niya ngayon. Bakit ba nagdadrama ang babaeng ito ngayon gayong alam naman niyang marupok ang luha ko kapag may iyakang nagaganap e. Hu! Hu! Hu! “Syempre naman! Bestfriend forever tayo, di ba?” Niyakap ko si Rayray at niyakap nya rin kami ni Isming kaya group hug ang kinalabasan ng drama namin. “I love you, guys,” Kumalas na kami sa yakap at pinunasan ko ang luha ko gamit ang panyo na baon ko. Sinabihan kasi ako ni tatay kanina na magbaon ng panyo dahil may iyakan na mangyayari, hindi ko sya maintindihan pero sinunod ko sya at ito pala ang ibig niyang sabihin. Buti na lang maaasahan si tatay sa mga ganito,expert e.“Regalo ko, Reme.” Inilahad ni Isming ang kamay niya sa harap ko. “Panira ka naman, Isming e,” reklamo ni Rayray na panay pa rin ang punas sa natirang luha sa pisngi niya. Pagkatapos e nameywang siya sa harap ni Isming at akmang papagalitan ito.“Ikaw rin, regalo ko,” singil ni Isming kay Rayray. “Huwag mong sabihin na wala kang inihandang regalo.”Haay! Mamimiss ko talaga ang bangayan ng dalawang ito. Hinalungkat ko na ang supot na pinaglagyan ko ng mga regalo para sa kanila at isa-isa itong inabot sa dalawa.“Para sa inyo,” presenta ko.“Wow! May regalo talaga si Reme. Akala ko sasabihin mo utang muna dahil wala kang pera,” tukso ni Rayray. Grabe talaga ang tabas ng dila nito, ang sarap putulin at prituhin saka isawsaw sa suka. “Sa bahay ko na lang ito bubuksan,” sabi naman ni Isming at itinago na sa bag niyang dala ang regalong ibinigay ko. Pero may hinugot rin siya na dalawang regalo at ibinigay sa amin ni Rayray. “Para sa inyo. Congrats sa atin.”“Thanks,” aniko ng matanggap ang regalo ni Isming. “Congrats sa atin,” masaya kong sabi.“Sayo, Ray? Nasaan ang regalo mo para sa amin?” paniningil ni Isming sa kaibigan namin.“Regalo ko, Rayray,” panggagatong ko sa sinabi ni Isming.“Naiwan ko sa bahay e. Ihahatid ko na lang sa bahay nyo.”“Ang sabihin mo nakalimutan mo lang kaming bilhan ng regalo,” asik ni Isming.“Hindi ah! Iniwan ko talaga dahil mabigat at mahihirapan akong magbitbit.”“Palusot!” tukso ko naman sa kanya.“Oy! Totoo ang sinsabi ko.”Masaya ako dahil naging parte sila ng buhay ko at silang dalawa ang naging kaibigan ko. Magkahiwalay man kami hinding-hindi ko sila makakalimutan. Kasama ko sila sa mga kalokohan at sila ang parati kong nilalapitan kapag may problema ako. Mamimis ko talaga ang dalawang ito nang sobra-sobra.“Congrats sa inyong tatlo.” Napalingon kaming tatlo sa bumati sa amin. Bakit nandito si Pepe? “Oh! Regalo ko.” Inabot niya sa amin isa-isa ang regalo niya. Syempre, nagpasalamat naman kami sa binigay niya.“Bakit ka nandito?” usisa ko. Nakakapagtaka kasi e, wala naman siyang kamag-anak o kaibigang kabatch namin.“Syempre! Magpapahuli ba naman ako e gagradwayt ang asawa ko.” Ginulo pa niya ang buhok ko.Kinuha ko ang kamay niyang panay sira sa hairstyle ko. Ang lakas ng loob niyang sirain ang ayos ng buhok ko e nahirapan ako sa pagtirintas nito. “Ano ba?” inis kong reklamo. Pero tinawanan nya lang ang pamamaktol ko.“Picture tayo,” pag-aya niya at ipinakita sa amin ang dala niyang camera. “Kayo munang tatlo ang pipiktsuran ko.” Pumuwesto na kaming tatlo at kinuhanan kami ni Pepe. “Ayos! Pwedi bang kami rin ni Reme ang kuhaan nyo?”“Sure,” si Rayray ang sumagot at kinikilig pa habang nakathumbs-up pa. Ipinaliwanag ni Pepe kung ano ang dapat pindutin ni Rayray sa camera.“Ready ka na, My Loves?” Haay! Si Pepe ay si Pepe talaga, walang pinagbago. Wala talagang oras na magkasama kami na hindi niya ako inaasar. Iiling-iling na lang ako sa naiisip ko, wala ng pag-asang magbago ang ungas na ito. Inakbayan nya ako at hinila papalapit sa kanya. “Sa camera ang tingin, Remelia, huwag sa gwapo kong mukha.”Tsk! “Kapal mo naman!”“Okay!” agaw pansin ni Rayray. “One… Two… Three… say cheese…”Click!“Isa pa!” Hirit naman ng katabi ko. Pinasadahan nya ako ng tingin na para ba akong sinururi. “Smile ka naman, Reme.” Napatingin naman ako sa kanya pero hindi ko akalain na ang lapit pala ng muka niya sa mukha ko. Pero huli na para umiwas ako, hindi ako magpapaapekto sa kanya.“Nagsmile naman ako ah.” Ano pa bang smile ang gusto nya?“Smile na yon?” Ano bang problema sa smile ko? Kung ayaw nya sa smile ko, humanap na lang siya ng makakasama na magandang magsmile.Click!Pareho kaming napatingin sa gawi ni Rayray na panay ang hagikhik.“Sorry! Napindot ko… Sige na umayos na kayo.” Tumingin naman ako sa gawi ni Rayray para tumingin sa camera. Pero hindi ko inaasahan ng may mainit na malambot na bagay na dumampi sa pisngi ko.Click!“Kyaaa!” tili ni Rayray. Nabato lang ako sa kinatatayuan ko at hindi nakakilos. Anong nangyari? Hinalikan ba ako ni Pepe sa pisngi? “Nakuhaan ko yon! Kyaa! Ang galing ko! Oh my gosh! May first kiss na si Reme.” Panay tili pa rin ni Rayray.“Talaga? Ako ang first kiss ng asawa ko, ang swert---.” Hindi ko na pinatapos ang panunukso ni Pepe dahil nagpupuyos na ako sa galit. Ang sama-sama nya, kinuha nya ang first kiss ko. “Aray ko! Tama na!” sumamo niya pero nandidilim talaga ang paningin ko. Sabunot. Sipa. Suntok. Iyon ang mga natikman nya sa akin dahil sa ginawa niya. Ang lakas ng loob niya. Papatayin ko ang lalaking ito! Graaa!********
“Sa wakas! Nakauwi rin!” Grabe, nakakapagod pala ang batiin isa-isa ang mga classmate ko. 42 ba naman kami lahat. Pero mamimis ko talaga ang mga classmate ko lalo pa na sa private school ako mag-aaral.Pumasok ako sa may kusina at inilapag muna ang mga regalong natanggap ko ngayon. Binalikan ko rin si tatay na kakapasok pa lang ng bahay at maraming dala. Kinuha ko ang iba niyang bitbit at sabay kaming pumasok sa kusina.“Kain muna tayo. Alam kong gutom ka na,” suhestiyon ni tatay. Inilapag niya ang mga pinamili niya sa lamesa at ganoon din ang ginawa ko.“Ayiee! Kilala mo talaga ako, tay.” “Haha!” proud na tawa ni tatay. “Alangan! Kanino ka pa ba magmamana e di sa akin. Gutom na rin kasi ako e.”Natawa naman ako sa sinabi ni tatay. Pambihira naman itong si tatay, parang sinasabi nyang parehong- pareho kami kahit saang anggulo tingnan.“Teka lang isasalin ko lang itong pinamili natin.”Kumuha ako ng plato at mangkok at inisa-isang salin ang bawat putahe. Bago kasi kami umuwi, pumunta muna kami ni tatay sa bayan pa bumili ng makakain pagka- uwi. Para hindi na raw kami mahirapan sa pagluluto ng ihahanda ngayon e bibili na lang kami tutal dalawa lang naman kami ang kakain.“Spaghetti! Paborito ko ‘to,” bulalas ko nang maisalin ito sa mangkok. Buti naalala ni tatay na bilhan ako ng spaghetti, alam talaga niya ang mga paborito ko. Mabibili ang spaghetti na ito sa halagang 30 pesos ang dalawang order. O, di ba? Ang mura.“Uy! Chicken joy!” Isinalin ko rin ang apat na pisaro ng piniritong manok na binili rin namin pero may free ketchup ito, huwag ka.“Ice cream! Ang dami pang flavors.” Kinuha ko ang takip ng kalahating litro ng ice cream. Ang binili ni tatay ay iyong 3 in 1 plus one para maraming flavor at marami ring pagpipilian. Inayos ko isa-isa ang mga pagkain sa munti naming lamesa at pinakatitigan ang mga iyon.“Wow! Ang dami kong handa!” Natatawa lang si tatay habang nakikinig sa mga pinagsasabi ko habang isinasalin ang mga pagkaing pinamili namin. “Salamat, tay!” Niyakap ko sya ng mahigpit at ganoon din ang ginawa niya pabalik. “Love na love talaga kita.” At naramdaman kong mas humigpit pa ang yakap niya sa akin.“Mas love na love na love ka ni tatay, anak,” bulong nya sa akin at hinalikan ako sa noo.Ang saya-saya ko ngayon. Kahit na kapos kami e masaya ako. Kahit na dalawa lang kami ang nandito sa bahay e masaya ako. Masaya ako kasi kasama ko si tatay at kontento na ako sa bagay na iyon. Kahit na maraming kulang sa buhay ko e masaya ako dahil kontento na ako sa kung anong meron kami ngayon. Pero gusto kong matupad ang pangarap kong buhay para sa aming dalawa ni tatay.“Kapag yumaman ako, tay, bibilhan kita ng malaking bahay pero huwag kang mag-alala sa mga gawaing bahay dahil magkakaroon na tayo ng katulong. Pagkatapos araw-araw na masasarap ang pagkain natin.” Iyon ang gusto kong ibigay kay tatay para mabayaran ko naman ang paghihirap nya para sa akin. Alam kong pagod na sya sa pagtatrabaho pero wala siyang ibang pagpipilian kundi ang magpatuloy sa paggawa. Kaya gusto kong makapagtapos kaagad para makapagpahinga naman si tatay.“Pero sa ngayon e mag-aral ka muna ng mabuti para makakapagtapos ka ng pag-aaral at makahanap na rin ng magandang trabaho.”“Oo naman! Malapit na kaya akong makapagtapos, ano. High school na kaya ako kaya malapit na akong makatapos ng pag-aaral.”Tumawa naman si tatay dahil sa sinabi ko at napatawa na rin ako.“Kain na tayo,” yaya niya sa akin. Nagsimula na kaming kumain. Grabe, gutom na gutom talaga kaming dalawa dahil naubos talaga namin kahit ang ice cream na kalahating litro.“Ayyy!” umunat–unat pa ako para maibsan ang pananakit ng tiyan ko dahil sa kabusugan. “Grabe! Nabusog talaga ako!” Hinimas-himas ko pa ang tiyan ko.“Busog ka na? Meron pa nga e.”“Talaga?”“Teka lang kukunin ko.” Tumayo naman si tatay at lumabas ng kusina. Syempre, basta pagkain ang pag-uusapan e lahat gusto kong matikman. Sana masarap itong kukunin ni tatay. “Oh!”Inilapag niya ang ang isang box na kulay orange at may rebbon na nakatali.“Cake!” sigaw ko. “Ang sosyalin tay ha? Baka mahal to?” Oo nga’t paborito ko ang cake pero kung ubos naman ang pera mo bago ka makabili nito e kapag yumaman na lang ako doon na lang ako kakain ng cake.“Regalo to sayo kasama na ito.” At inabot ni tatay ang dalawang paper bag.“Talaga? Kanito ba ito galing. Mukhang mayaman ah. Ito ba ang regalo ni Señorito?”“Buksan mo na ang cake, gusto ko ng kumain,” utos ni tatay.“Okay!” kinalas ko ang ribbon at binuksan ang box. Wow! Isang chocolate cake at may nakaslice pa na strawberry sa taas ng vanilla na icing. “Mukhang masarap.” Naglalaway na ako sa itsura pa lang at ang bango pa, amoy na amoy ang chocolate. “Basahin mo ang nakasulat?” utos ni tatay. Bakit napakaseryoso naman ng mukha ni tatay?Ibinaba ko ang pansin sa cake at binasa ang nakasulat. “Congratulation, anak. From: nanay.” Tama ba ang nabasa ko? “Tay, baka mali ang cake na nakuha mo. Wala naman dito si nanay di ba kaya paanong sa kanya galing to?” Sana namali lang si tatay ng kuha ng cake.“Sa nanay mo talaga galing iyan. Pumunta sya kanina pero hindi sya lumapit sa iyo,” kwento ni tatay. Bakit ganyan ang reaksyon niya? Bakit parang wala lang sa kanya na nakita at nakausap niya si nanay?“Hindi ka galit sa kanya?” usisa ko.Hindi siya sumagot at nag-iwas na lang ng tingin. Hindi ko maintindihan? Galit sya pero bakit nya tinanggap ang mga ito?“Bakit po?”Gusto kong magtanong sa kanya tungkol kay nanay pero hindi ko alam kung paano ko sisimulang magtanong o kung ano ba ang gusto ko talagang malaman tungkol sa kanila. “Bakit pa sya pumunta?”Iiling na natatawa si tatay. Alam kong nasasaktan siya. “Bakit nga ba? Hindi ko rin alam e. Pero isa lang ang alam ko…” tiningnan nya ako ng masinsinan. “Na isa syang nanay na nangulila sa anak niya.” Hindi ko alam pero sumikit ang dibdib ko at nahirapan akong huminga. Nag-iinit rin ang gilid ng mga mata ko. “Alam kong ganoon ka rin sa kanya. Alam kong gusto mo ring makita ang nanay mo.”“T-Tay.” Nahihikbi na ako. Alam nya. Alam nya na gusto kong malaman kung sino ba talaga ang nanay ko at kung ano ba ang naging kasalanan namin ni tatay para iwan nya kami. “S-Sorry po.” Pero ayaw ko ring ipaalala kay tatay ang masasakit na alaala ng dulot ng pang-iiwan ni nanay.“Shh..” pang-aalo niya sa akin at pinunasan niya ang mga luha ko. “Alam ko naman…” niyakap nya ako at hinagod ang likod ko. “Alam kong mahal mo ako, anak, at ayaw mo akong masaktan. Pero lagi mo tandaan na mas mahal kita, kaya kong magtiis maging masaya ka lang…. Hindi ako nagkukwento tungkol sa kanya dahil ang bata mo pa noong una mong tanong sa akin. Ngayong malaki ka na gusto kong ikaw mismo ang magbukas ng pagkakataong magkwento ako pero mukha inaalala mo rin ako.” Iyak ng iyak lang ako habang yakap ni tatay. “Salamat dahil hindi ka nagalit kay tatay dahil pinagkaitan kitang makilala ang nanay mo.”Umiling-uling lang ako habang nasa bisig niya. “Ikaw lang ang gusto ko, tatay.” Kahit wala akong nanay o kahit na hindi ko man sya makilala ay ayos lang basta’t kasama ko si tatay. Kahit si tatay lang ang nasa tabi ko kontento na ako.“Huwag kang magalit sa nanay mo. Hindi mo pa alam kung ano ba talaga ang nangyari sa amin. At isa pa, sa amin lang ng nanay mo iyon hindi ka na kasali. Pero, alam mo, hindi ko pinagsisihan na nakilala ko ang nanay mo.”Kumalas ako sa yakap niya at tiningnan siya sa mga mata niya. Hindi nga siya nagsisinungaling. “Talaga?” komperma ko.Tumango siya at tiningnan rin ako sa mga mata bago nagsalita, “Kung hindi dahil sa nanay mo hindi ako magkakaroon ang mabait na anak na kagaya mo, Reme. Iyon ang ipinagpasalamat ko sa pagdating ng nanay mo sa buhay ko… dahil ibinigay ka nya sa akin.”Napayakap na lang uli ako sa kanya dahil sa pinagsasabi niya at hindi ko maiwasang ngumawa pero masaya ako sa naging sagot niya.“Kainin na natin ang cake, kulang pa ang kinain ko,” sabi ni tatay kaya kumalas uli ako sa yakap nya at tiningnan ko ang mukha niya kung seryoso ba sya sa sinasabi niya. “Bakit?” nagtataka sya sa paraan ng tingin ko sa kanya.“Kakain ka talaga ng cake na galing kay nanay?” di ko makapaniwalang tanong.“Bakit? Pagkain yan, Reme. Hindi dapat tinatanggihan ang grasya.”“Kahit kay nanay galing?”Pinakatitigan nya akong maigi, malamang na nag-iisip pa ito ng isasagot sa akin. “Ikaw? Kakainin mo ba ang cake na bigay ng nanay mo?”“Oo naman po.”“Bakit?”“Dahil mukhang masarap.”Ngumiti si tatay sa naging sagot ko, “Iyon rin ang dahilan ko kaya ako kakain ng cake na to.” Napakamot na lang ako sa batok ko. Haay! Magtatay ng kami. “Bibigyan mo naman ako di ba?”“Oo naman. Tinatanong pa ba yan.” Hinati na namin ang cake at nilantakan. Grabe! Sa sobrang sarap hindi namin naubos ang kalahati. Joke lang! Masarap talaga ang cake, sadyang busog na kaming dalawa ni tatay kaya hindi namin naubos. Kaya, isinilid ko na lang sa baunan ang natira para hindi pag-fiestahan ng mga langgam saka itinago.Chapter 10 Naikuwento na ni tatay ang nangyari sa pagitan nila ni nanay. Habang kumakain kami ng cake e sinabi nya sa akin lahat. Sinabi niya mula sa unang pagkikita nila, paano sila naging malapit sa isa’t-isa at kung anong nangyari bakit wala rito si nanay na kasama namin. Ngayon, magkukwento ako sa naging sad story nina nanay at tatay, sad ang story nila dahil hindi happy ending ang naging resulta. You know, ang kabaliktaran ng happy ay sad. Joke! Okay, seryoso na talaga! Una, nagkita sina nanay at tatay sa bayan na ito. Dito mismo sa bayan ng Buenafortuna. Kinupkop nila si nanay dahil wala itong mauwian, buhay pa noon sina lolo at lola ko. Dito mismo sa bahay na ito tumira si nanay ng halos tatlong taon at sa loob ng mahabang panahon na iyon ay nagkagustuhan sila ni tatay. Handa na silang bumuo ng sariling pamilya. Pero, dumating ang asawa ni nanay. Oo, may a
Chapter 11 Tok! Tok! Tok! Kumatok ako sa pinto ng kwarto niya. “Señorito,” tawag ko. “Go away! I don’t want to see anyone right now,” malamig nyang pagtaboy sa akin. Ang sungit na naman nya. “Gusto lang naman kitang makausap e.” mayroon lang kasi akong gustong sabihin at siya ang gusto kong makaalam nito. “Kahit dito lang ako sa labas basta mag-usap lang tayo.” Hindi siya sumagot. Papayag na ba sya na mag-usap kami? Hmm… Bahala sya dyan basta naniniwala ako sa kasabihang silent means yes. “Gusto ko lang… kasi… n-na… na ano…” Huhu! Mukhang hindi ko kayang sabihin, kinakabahan ako sa magiging reaksyon niya. “Just say it already! Your wasting my time.” Bakit ganyan sya ka sungit ngayon? Hindi ko gusto ang ganitong ugali nya. Naiinis ako. Parang umakyat lahat ng inis ko sa ulo ko att sumabog na. “If don’t have anything to say just go.” “Bakit ka ba nagkakaganyan? An
Chapter 12 Kring! Kring! Ano ba yan? Ang ingay naman! Natutulog yong tao e. Bakit kailangan nilang mang-istorbo ng tulog ng tao? “Patayin mo nga yan! Ang ingay e.” utos ko sa kung sinuman ang nagpapatugtog. Kring! Kring! “Tama na! Gusto ko pang matulog!” Panay ang reklamo ko pero walang nakikinig at panay pa rin ang tunog ng maingay na kung anuman yon. Kinuha ko ang unan ko para itabon sa tainga ko. Gusto ko ng katahimikan. Please, pagbigyan nyo naman ako. Kring! Kring! “Aurgh!” Napilitan akong bumangon ng wala sa oras. Idinilat ko ang mahahapdi kong mga mata dahil kulang pa ang tulog ko at inis kong hinanap ang bagay na maingay. Anong karapatan nya para bulabugin ang panaginip ko? Mapapatay ko to! Grrr! Roar! Kring! Kring! Inis kong binalingan ang tumunog na bagay. Nakita ko sa may ulunan ng higaan ko ang cellphone na ibinigay ni Señorito na nagliwanag. Hindi ko na pala papatayin ang maingay baka
Chapter 13 “Tao po!” tawag ko mula sa labas ng bahay nina lolo Berto. “Lolo! Lola! May tao po ba?” “Sandali lang!” Ayos! Nandyan si lola sa loob. Baka naistorbo namin sya sa ginagawa nya? Okay lang yan, si lolo naman ang pinunta namin dito e. Nilingon ko ang dalawa kong kasama. “Sigurado ka ba talaga dito, Reme?” usisa ni Kuya Martin. Siya ang kasama ni Señorito Adolfo ngayon. Buti nga e at pinayagan si Señorito Adolfo na pumunta dito ng lolo at lola niya pero sa isang kondisyon nga lang, iyon ay sasamahan siya ni Kuya Martin at tuwing linggo lang siya pweding pumunta dahil may klase sila ng tutor niiya. Alam kong ayaw ni Señorito na nandito na kasama namin si Kuya pero wala siyang magawa. Halata kasi sa mukha niya ang pagkadisgusto sa desisyon ng lolo at lola niya. Napakamot ako sa batok ko bago sinagot si kuya, “Hindi nga e. Pero baka may maitulong siya kay Señorito Adolfo.” “Baka mas
Chapter 14 Haay! Limang araw na pala ang nakalipas pero parang kahapon lang nangyari yon. Sa linggo, sasamahan ko ulit sina Señorito kina lolo. Nag-uusap pa rin kami tuwing gabi at lagi niyang sinasabi na marami siyang natutuhan sa kanyang tutor. Buti pa siya may natutuhan ngayong bakasyon e ako naman ay purong lang laro at lakwatsa. Pero engjoy naman ako. Minsan lang naman akong maggagala e dahil parati akong trabaho noon kapag bakasyon. Sa araw na ito, may importante akong dapat gawin. Napakaimportante ng araw na ito dahil para it okay tatay. Magugulat lang siya mamaya pag-uwi niya dahil may surpresa ako para sa kanya. “Nagdala ka ba ng lalagyan?” tanong sa akin ni Tintin. Kapitbahay namin pero mas matanda sa akin ng isang taon. Siya ang nag-aya sa akin na sumama sa kanila ngayon. Buti nga niyaya nya ako e kaya may pagkakataon ako ngayong surpresahin si tatay. “Syepre naman. Hindi pweding kalimutan yon,” sagot ko
Hello, everyone! This is my original story at kahit hindi man kagandahan ang plot nito, kagaya ng ibang story na nabasa ninyo na may theme about CEO or warewolf or vampire, pero isa lang ang masasabi ko na ipapasyal ko kayo sa lugar ko. Ano ang inspirasyon ko sa story na to? Well, gusto ko lang na magflashback sa mga kalokohan ko, I mean, childhood memories ko. So, ayon nga… Pero hindi na kasali lovelife cause cause balungos na mas hamak na maganda ang lovelife ng bida sa kwento na to. Sana suportahan nyo itong story ni Reme. Welcome sa probinsya, Readers and enjoy reading! Love lots! Muah! EllyKim P.S.Team Señorito o Team Pepe?
Chapter 15Itinaas ko na lang ang kaliwa kong paa at hindi na iniapak sa putik. Hindi ko masyadong mabalanse ang katawan ko gamit ang isang paa kaya inalalayan ako ni Tonton. Kinuha niya ang kanan kong kamay at ipinatong sa balikat niya para doon ako kumuha ng suporta. Nagpasalamat ako dahil sa ginawa niya.Pero marami ng dugo ang nakahalo sa putik, panay pa rin kasi ang agos mula sa sugat ko. Ngayon lang ako nakakita ng ganito karaming dugo sa mga naging sugat ko. Nanindihan ang mga balahibo ko at parang gumaan ang ulo ko na parang lilipad ako na gaya ng lobo. Ayaw ko ng ganitong pakiramdam.“Ayos ka lang, Reme?” tanong ni Tonton. Pero hindi ako nakasagot at tanging pagtango lang ang nagawa ko. Hindi naman ako takot sa dugo pero hindi ko maiwasang manghina.“Anong nangyari?” tanong ng mga dumating. Isa lang naman ang nagtanong pero hindi ko kasi nalam kung sino ang nagsalita dahil na
Chapter 16“Reme!... Reme!... Oy! Gising!”Hmmm… Inaantok pa ako e. Sino ba itong istorbo sa tulog ko? Mamaya mo na ako gisingin. Ang sarap pa ng tulog ko e.“Reme, gising!”“Ugh! Ayaw ko, inaantok pa ako.” Huwag mong uga-ugain ang higaan, sumasakit ang ulo ko. Kainis naman e!“Nandito na tayo sa bahay nyo…” Ano bang bahay ang sinasabi mo e nasa bahay naman talaga ako natutulog. Saan pa ba ako matutulog? “Gumising ka na!” Aurg! Bakit ba kailangan pang uga-ugain ang tinutulugan ko? Naman e. Hindi ko maiwasang mapakamot sa ulo ko dahil sa inis. Masisipa ko talaga ang anira ng tulog na ito, makikita nya.“Ayaw nga, kulit! Kurutin kita dyan e.” Panay na ang reklamo ko pero tinawanan lang ako ng kung sino ito. “Mamaya na lang kasi e inaantok pa ako.”“Pero nangangawit na ang kamay at likod ko kakakarga sa iyo. Sobrang bigat
Chapter 19 Tapos na si Nurse Christian sa paggamot ng paa ko at pati na rin sa pagtukso sa akin. Nagsanib pwersa pa sila ni Tita Thalia sa pag-away sa akin. Kagigil! Ang buong pangalan pala ng papa ni Pepe ay Christian Aguire at talagang namana ni Pepe ang ugali na pagiging bully sa tatay niya. Bakit ba ako ang napagdidiskitahan ng mag-ama na ito?Naglalakad na kami ni Tita Thalia palabas ng hospital, pupunta pa kasi kami sa eskwelahan ko para malaman kung enrolled na talaga ako saka kukuha ng listahan ng mga kakailanganin.“How’s your foot?” tanong ni Tita Thalia na nasa daan pa rin ang pansin pero minsan ay napapasulyap sa akin. Napansin ko rin na maingat syang maglakad, siguro para hindi siya matapilok sa taas ng taking niya.“Hindi na po masakit,” sagot ko. Totoo naman kasi. Pinainum ako kanina ni Nurse Christian ng gamot na request ni Tita Thalia. Painkiller yata ang tawag ni tita sa gamot na yon. A basta! Yong gamot para hindi ko maramdaman ang
Chapter 18Namiss ko na talagang bumalik at magtrabaho sa mansion. Gusto ko na ulit na makakwentuhan ang mga nagtatrabaho doon at… mayroon din akong gustong makita. Gusto ko na syang makita uli. Bakit ba ang tagal ng mga araw at bakit ang tagal gumaling ng sugat ko? Kainis! Namiss ko na si Señorito kahit sabihin pa nating tuwing gabi tinatawagan nya ako at nag-uusap kami pero iba pa rin kasi kapag kaharap at nakakasama ko sya.Oo, nag-uusap pa rin kami ni Señorito Adolfo tuwing gabi at alam naman iyon ni tatay tsaka okay lang sa kanya. Hindi ko nga maintindihan na hindi kami nauubusan ng maikukwento sa isa’t isa tuwing gabi, para bang hindi kami nagsasawa na makipag-usap sa isa’t isa. Sa totoo lang, simula ng malaman ni Señorito Adolfo na nagkasugat ako may nagbago sa paraan ng pag-uusap naming dalawa. Nagkabaliktad na kami ng posisyon dahil ako na ang nauunang magkwento ngayon. Oo, pinapauna nya akong mag
Chapter 17 Limang araw na akong nasa bahay lang ng dahil sa sugat kong ito. Hindi na nga ako nakasama kay Señorito Adolfo sa pagpunta kay lolo Berto. Namiss ko ng lumabas at mamasyal sa paligid kasama si Señorito. Parati naman kaming nag-uusap sa tawag pero iba pa rin kasi kapag kaharap ko sya at nakikita ko. Sana gumaling na ang sugat ko. Hindi ako makapunta at makapaglakad sa labas dahil hindi ako makasuot ng tsinelas. Minsan kasi ng binalak kong bumili ng tinapay sa tindahan, hindi pa nga ako nakakaabot sa gate namin na kawayan ay tumama ang dulo ng tsinelas ko sa sakong na may sugat. Kahit anong tingkayad ng isa kong paa na hindi mapisikan ng tsinelas ay wala pa ring nagawa. Nilagnat talaga ako simula ng araw na iyon kaya hindi na ako pinapaalis ni tatay at hindi na rin ako sinusuotan ng tsinelas ang paa kong may sugat. Simula rin ng magkasugat ako ay nandito lang si tatay na nagbabantay at nag-aasikaso sa bahay. Wala raw kasi siyang trabah