Chapter: Chapter 19 Chapter 19 Tapos na si Nurse Christian sa paggamot ng paa ko at pati na rin sa pagtukso sa akin. Nagsanib pwersa pa sila ni Tita Thalia sa pag-away sa akin. Kagigil! Ang buong pangalan pala ng papa ni Pepe ay Christian Aguire at talagang namana ni Pepe ang ugali na pagiging bully sa tatay niya. Bakit ba ako ang napagdidiskitahan ng mag-ama na ito?Naglalakad na kami ni Tita Thalia palabas ng hospital, pupunta pa kasi kami sa eskwelahan ko para malaman kung enrolled na talaga ako saka kukuha ng listahan ng mga kakailanganin.“How’s your foot?” tanong ni Tita Thalia na nasa daan pa rin ang pansin pero minsan ay napapasulyap sa akin. Napansin ko rin na maingat syang maglakad, siguro para hindi siya matapilok sa taas ng taking niya.“Hindi na po masakit,” sagot ko. Totoo naman kasi. Pinainum ako kanina ni Nurse Christian ng gamot na request ni Tita Thalia. Painkiller yata ang tawag ni tita sa gamot na yon. A basta! Yong gamot para hindi ko maramdaman ang
Last Updated: 2021-08-24
Chapter: Chapter 18Chapter 18Namiss ko na talagang bumalik at magtrabaho sa mansion. Gusto ko na ulit na makakwentuhan ang mga nagtatrabaho doon at… mayroon din akong gustong makita. Gusto ko na syang makita uli. Bakit ba ang tagal ng mga araw at bakit ang tagal gumaling ng sugat ko? Kainis! Namiss ko na si Señorito kahit sabihin pa nating tuwing gabi tinatawagan nya ako at nag-uusap kami pero iba pa rin kasi kapag kaharap at nakakasama ko sya.Oo, nag-uusap pa rin kami ni Señorito Adolfo tuwing gabi at alam naman iyon ni tatay tsaka okay lang sa kanya. Hindi ko nga maintindihan na hindi kami nauubusan ng maikukwento sa isa’t isa tuwing gabi, para bang hindi kami nagsasawa na makipag-usap sa isa’t isa. Sa totoo lang, simula ng malaman ni Señorito Adolfo na nagkasugat ako may nagbago sa paraan ng pag-uusap naming dalawa. Nagkabaliktad na kami ng posisyon dahil ako na ang nauunang magkwento ngayon. Oo, pinapauna nya akong mag
Last Updated: 2021-08-23
Chapter: Chapter 17Chapter 17 Limang araw na akong nasa bahay lang ng dahil sa sugat kong ito. Hindi na nga ako nakasama kay Señorito Adolfo sa pagpunta kay lolo Berto. Namiss ko ng lumabas at mamasyal sa paligid kasama si Señorito. Parati naman kaming nag-uusap sa tawag pero iba pa rin kasi kapag kaharap ko sya at nakikita ko. Sana gumaling na ang sugat ko. Hindi ako makapunta at makapaglakad sa labas dahil hindi ako makasuot ng tsinelas. Minsan kasi ng binalak kong bumili ng tinapay sa tindahan, hindi pa nga ako nakakaabot sa gate namin na kawayan ay tumama ang dulo ng tsinelas ko sa sakong na may sugat. Kahit anong tingkayad ng isa kong paa na hindi mapisikan ng tsinelas ay wala pa ring nagawa. Nilagnat talaga ako simula ng araw na iyon kaya hindi na ako pinapaalis ni tatay at hindi na rin ako sinusuotan ng tsinelas ang paa kong may sugat. Simula rin ng magkasugat ako ay nandito lang si tatay na nagbabantay at nag-aasikaso sa bahay. Wala raw kasi siyang trabah
Last Updated: 2021-08-15
Chapter: Chapter 16Chapter 16“Reme!... Reme!... Oy! Gising!”Hmmm… Inaantok pa ako e. Sino ba itong istorbo sa tulog ko? Mamaya mo na ako gisingin. Ang sarap pa ng tulog ko e.“Reme, gising!”“Ugh! Ayaw ko, inaantok pa ako.” Huwag mong uga-ugain ang higaan, sumasakit ang ulo ko. Kainis naman e!“Nandito na tayo sa bahay nyo…” Ano bang bahay ang sinasabi mo e nasa bahay naman talaga ako natutulog. Saan pa ba ako matutulog? “Gumising ka na!” Aurg! Bakit ba kailangan pang uga-ugain ang tinutulugan ko? Naman e. Hindi ko maiwasang mapakamot sa ulo ko dahil sa inis. Masisipa ko talaga ang anira ng tulog na ito, makikita nya.“Ayaw nga, kulit! Kurutin kita dyan e.” Panay na ang reklamo ko pero tinawanan lang ako ng kung sino ito. “Mamaya na lang kasi e inaantok pa ako.”“Pero nangangawit na ang kamay at likod ko kakakarga sa iyo. Sobrang bigat
Last Updated: 2021-08-14
Chapter: Chapter 15Chapter 15Itinaas ko na lang ang kaliwa kong paa at hindi na iniapak sa putik. Hindi ko masyadong mabalanse ang katawan ko gamit ang isang paa kaya inalalayan ako ni Tonton. Kinuha niya ang kanan kong kamay at ipinatong sa balikat niya para doon ako kumuha ng suporta. Nagpasalamat ako dahil sa ginawa niya.Pero marami ng dugo ang nakahalo sa putik, panay pa rin kasi ang agos mula sa sugat ko. Ngayon lang ako nakakita ng ganito karaming dugo sa mga naging sugat ko. Nanindihan ang mga balahibo ko at parang gumaan ang ulo ko na parang lilipad ako na gaya ng lobo. Ayaw ko ng ganitong pakiramdam.“Ayos ka lang, Reme?” tanong ni Tonton. Pero hindi ako nakasagot at tanging pagtango lang ang nagawa ko. Hindi naman ako takot sa dugo pero hindi ko maiwasang manghina.“Anong nangyari?” tanong ng mga dumating. Isa lang naman ang nagtanong pero hindi ko kasi nalam kung sino ang nagsalita dahil na
Last Updated: 2021-08-14
Chapter: Author’s Note Hello, everyone! This is my original story at kahit hindi man kagandahan ang plot nito, kagaya ng ibang story na nabasa ninyo na may theme about CEO or warewolf or vampire, pero isa lang ang masasabi ko na ipapasyal ko kayo sa lugar ko. Ano ang inspirasyon ko sa story na to? Well, gusto ko lang na magflashback sa mga kalokohan ko, I mean, childhood memories ko. So, ayon nga… Pero hindi na kasali lovelife cause cause balungos na mas hamak na maganda ang lovelife ng bida sa kwento na to. Sana suportahan nyo itong story ni Reme. Welcome sa probinsya, Readers and enjoy reading! Love lots! Muah! EllyKim P.S.Team Señorito o Team Pepe?
Last Updated: 2021-08-14