Share

Chapter 6

Author: Elly Kim
last update Last Updated: 2021-07-17 21:34:45

Chapter 6

Hagis. Kuha ng bato. Tuldok. Tuldok. Salo.

Hagis. Kuha ng bato. Tuldok. Tuldok. Salo.

Dalawang linggo na lang, graduation na namin! Excited na ako! Pero ngayong papalapit na ang pikahihintay naming okasyon e super busy kami lalo pa sa pagmemorize ng graduation song at tamang pagkuha ng diploma. Paulit-ulit na nga e at nakakasawa na. Kanina nga ilang beses kaming paulit-ulit na kumanta at nagpraktis din kami kung paano umakyat ng stage para kukunin ang diploma saka bababa. Namamaos na nga ako kakakanta at nangangawit na kakatayo sa taas ng stage. Saka paulit-ulit pa kaming akyat-baba ng stage para sa pagkuha ng diploma. Anong akala nila sa amin, ulyanin na madaling makalimot?

 Ngayon nga lang kami ipinagpahinga ni Ma’am dahil recess at may pasok kami kay Sir Sungit pagkatapos. Hindi naman talaga Sungit ang pangalan ni Sir pero sadyang masungit lang ang ugali niya kaya tinatawag namin siyang Sir Sungit kapag wala siya sa harap namin. Pero behave naman kami kapag kaharap namin siya.

Hagis. Kuha ng bato. Tuldok. Tuldok. Salo.

Hagis. Kuha ng bato. Tuldok. Tuldok. Salo.

“Magpatalo ka naman, Isming. Hindi pa kami nakakaumpisa ni Reme e parang matatapos mo na ang laro,” reklamo ni Rayray habang nakatingin ng husto sa ginagawa ni Isming. Malamang na hinahanapan niya ng mali ang paraan ng paglalaro ni Isming para matalo.

Samantalang ako naman ay nahihikab sa pagkainip. Naglalaro kasi kami ng jackstone ngayong recess at si Isming ang naunang naglaro na siya ring ayaw magpatalo. Kasunod dapat na maglalaro ay si Rayray at ako ang panghuli dahil ako ang natalo sa paibataya. Wala talaga ako sa wisyo na maglaro ngayon e dahil inaantok ako. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa kakaisip ng mga dapat isipin. Haay! Ang hirap magdesisyon lalo pa’t alam mong sa hihingin mo nakasalalay ang kinabukasan mo.

“Ha!” sigaw ni Rayray. “Dalawang tuldok dapat ang ginawa mo hindi isa e isa ang ginawa mo e.” 

Hindi pa pala ako nakakahanap ng isususot ko para sa graduation. Maghahanap na lang ako ng bestida sa mga ibinigay ni Ate Rosa. Ang dami nga nyang ibinigay sa akin e, nakakatuwa. Kapag yumaman ako hindi ko kakalimutan si Ate Rosa.

“Hindi ah! Dalawa kaya ang tuldok na ginawa ko.”

Napakamot na lang ako ng ulo ko. Sandals pala ang susuutin namin. Paano naman kaya ang sandals? Saan kaya ako makakahiram nun? Pwedi rin sigurong bibili na lang ako.

“Nakita ko no. Huwag ka ng magdahilan dahil binabantayan kita. Di ba, Reme?”

Hindi naman siguro mahal ang sandals. Baka hindi naman siguro aabot ng isang daan ang presyo nun. Sana may mura na binibintang sandals sa palengke. Magpapasama na lang ako kay tatay sa pagbili. Saka bibilhan ko rin ng regalo ang mga kaibigan ko.

“Hoy! Reme!”  

Pangalan ko ba ang narinig ko? “Ha?” Hehe! Sorry guys, hindi ako nakikinig sa pinag-usapan nyo e. 

“Ilang tuldok ang ginawa ni Isming kanina?” Anong tuldok ba ang pinag-aawayan ng dalawang ito? Wala akong ideya. Naku! Bahala na!

“Tatlo?” hindi ko siguradong sagot.

“Tatlo?” ulit ni Isming sa sinabi ko na para bang naninigurado na tama ang narinig niya.

“Ha! Ha!” Natawa na si Rayray sa sinabi ko. “Talo ka pa rin. Ako na.” Inayos ni Rayray ang mga maliliit na bato na ginamit namin sa paglalaro. Pero pinigilan siya ni Isming. Syempre ayaw patalo ng isang ito e.

Bahala kayo dyan. Hindi naman ako makakapaglaro dahil malapit ng magbell. Matatapos na ang oras para sa recess at klase na naman.

“Dalawa nga lang yon e.”

“Hindi! Nakita ni Reme e. Natalo ka! Ako na ang maglalaro.”

“Hahahaaay!” nahihikab ako sa antok. Hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa sanabi ni Señora noong linggo. Ano bang magandang hinging regalo?

“Anong isasagot nyo kung may magtanong sa inyo kung anong gusto mong regalo?” Bigla kong naitanong sa dalawang panay pa rin ang pagtatalo. Napatigil sila at ibinaling sa akin ang pansin.

“Autograp ni Ibarra,” sagot ni Rayray na kinikilig pa.

“Ako, gusto ko ng computer set,” sabi naman ni Isming.

Napaisip ako sa mga isinagot nila. Autograp? Aanihin ko naman iyon? I-display sa bahay? Hindi, gusto ko iyong mapapakinabangan ko sa huli at pwedi ko ring magamit ngayon. Computer set? Dagdag lang sa bayarin iyon sa kuryente. Saka hindi nga ako marunong gumamit ng cellphone,computer pa kaya. Hindi! Ayaw ko ng autograph at computer set. Iba na lang!

“Ano kayang pwedi kong isagot?” hindi ko talaga alam kung ano ba ang dapat kong isagot. Haay! 

“Ano nga ba?” Napaisip rin si Rayray sa tinanong ko.

“Kung ano talaga ang gusto mo at ang pinakakailangan mo.” Si Isming ang nagsuhestiyon. Oo nga, alam ko iyon, pero hindi ko alam kunf ano ba talaga ang pinakagusto at pinakakailangan ko.

“Pinag-iisipan mo pa? Akala ko pera ang isasagot mo. ‘Gusto ko ng isang milyon,’ akala ko ganoon ang sasabihin mo.” Sabat naman ni Rayray na sana ay hindi nya na lang sinabi. Ganoon na ba talaga kahalata na mukha akong pera?

“Pera?” Hmmm. Ayos lang ba kung pera ang hingin kong regalo? Baka sabihin lalo ng mag-asawang Marquez na ang kapal naman ng mukha ko para hingan sila ng pera. Pero totoo rin naman kasing mukha akong pera. Pero gusto ko kasing pinaghihirapan ko ang perang natatanggap ko. Pinalaki ako ni tatay na mulat kung gaano kahirap kumayod at maghanap ng pera kaya hindi ko ugaling manghingi na lang basta ng pera kung kanino.

“Kung alkansya na lang. Tutal mahilig ka namang mag-ipon,” suhestiyon ni Rayray. Sumang-ayon naman si Isming sa sinabi ng kaibigan namin.

Alkansya? Pero… “May bakante pa kasi akong alkansya sa bahay e.” May bago kasi akong bili na alkansya noong nakaraang buwan lang at hindi pa napupuno. Gusto ko kasing punuin muna bago bumili ng panibago. Pagkatapos, itatago ko na napuno kong alkansya. Gusto ko sana silang pag-isahin na lang ng pagtataguan kaso ang mahal ng malaking alkansya e. “Tama!”

“Huh?” nagtatakang ang dalawa dahil sa biglaan kong sigaw.

“Malaking alkansya na lang para doon ko ilalagay pati ang nauna ko nang tinipon at para sa iisang lagayan lang sila.” Tama iyon na lang. 

“Sigurado ka? As in na malaki talaga?” Naniniguradong sabi ni Rayray.

“Pwedi rin naman,” sumang-ayon naman si Isming.

“Oo, mas malaki mas masaya, maraming pera akong maitatago.” Sasabihin ko iyon kay Señora kapag pupunta ako ng mansion.

“Nandyan na si Sir….” anunsyo ng isa sa mga classmate namin at halatang hinihingal pa ito sa pagmamadali. Bakit nandito na kaagad siya e hindi pa naman nagbell?

Kanya-kanya kaming tayo para bumalik sa mga upuan namin at naupo ng maayos. Haay! Paanong hindi kami magtitino e takot lang naming mabugahan ng nag-aapoy na sermon galing kay Sir Sungit.

Mga ilang minute ang lumipas at pumasok si Sir sa classroom namin. Tahimik ang lahat kahit na ang mga yabag ni Sir ay di masyadong marinig. Paano kaya nagagawa ni Sir na maglakad ng walang tunog? 

Blaag! 

Parang lumusot ang puso ko sa utak ko. Paano ba naman e padabog na inilapag ni Sir ang dala niya sa teacher’s table. Buti hindi napasigaw ang mga nerbyosa kong classmate dahil sa gulat. Nakakatakot talaga tong si Sir. Hindi naman sya ganoon ka tanda para mangunsume at hindi rin siya pangit para magsungit ng ganito. Pero sadyang masungit lang talaga sya.

Ting! Ting! Ting! Ting!

At tumunog na ang bell hudyat para sabihing tapos na ang recess time. Ito naman ang mga classmate kong buyo sa laro ay kakapasok lang at amoy pawis pa. Ang ingay nila ng papasok pa lang ng classroom pero bigla silang natahimik ng makitang nandoon na si Sir sa gitna at winarningan sila ng tingin. 

Nang makaupo na ang mga nahuling dating namin na mga kaklase, inilibot niya ang pansin niya sa loob ng kwarto namin at ng makontento ay binuklat ang classrecord niya saka nagsimulang mag-attendance. Nang matapos na ang pagtatawag niya ng mga pangalan namin ay inilapag niya uli ang classrecord at muli kaming pinakatitigan.

“Malapit na ang graduation nyo, pero may natutuhan ba naman kayo? Kapag may itinanong ba ako sa inyo tungkol sa klase natin masasagot nyo kaya?” Kahit na patanong ang sinabi ni Sir walang sumagot sa kanya dahil ang sinumang sasagot malamang na tatanungin nya ito. “Huh! Tingnan nga natin. Get ¼ sheet of paper write your name and number it 1 up to 10.”

Dahil sa sinabi ni Sir para kaming uod na binuhusan ng asin kung makagalaw at makahanap ng papel. Ang iba ay nanghihingi pa sa iba.

“Pst! Rayray! May papel ka ba?” tawag ko kay Rayray na nasa likod ko. Wala na akong papel e.

“Oo, nakahingi ako kay Dustin ng one whole. Hatiin na lang natin,” aniya at ipinakita ang isang piraso ng one whole na hawak niya. Sinimulan na nya itong hatiin sa ½. 

“Sa akin rin ang kahati, Ray.” Sabi rin ni Isming na katabi ni Rayray.

“Okay!” Tinupi nya uli ang hinating papel sa dalawa at dinilaan ang tinupian saka dahan-dahang hinati. “Oh!” abot niya sa akin ang isang hati.

“Hindi naman pantay ang hati mo, Ray!” reklamo ko. Halata pa kasi ang nilawayan niya sa gilid e. Ang dami kasing laway ang ginamit dapat kaunti lang.

“Ako na lang nga ang hahati nito.” Presenta ni Isming at hinati ang isa pang ½ crosswise na natira. Pareho rin sa ginawa ni Rayray ang ginawa niya pero maganda ang pagkakahati niya.

“Palit na lang.” sabi ko at kinuha ang isang ¼ na hinati ni Isming. Haha! Ang galing maghati ni Isming. Hasler sa mga hatian ng papel.

“Ayos ah,” Iiling-iling na lang na sabi ni Rayray. Sorry Ray. Peace lang tayo.

Kinuha ko ang ballpen ko sa bag at nagsimulang magsulat ng pangalan. Shocks! Bakit ngayon pa nautra to? Isinulat ko uli sa likod ng notebook ko pero hindi pa rin gumagana. Nagsusulat sya pero paputol-putol.

“Number one,” sigaw ni Sir. Susko! Para akong mamamatay sa nerbyos kay Sir. 

Umangal naman kami at ang iba ay nagsabing,“Wait lang Sir!”. Masyado kasing nagmamadali si Sir e. 

“Isming may extra ballpen ka?” tanong ko sa kaibigan ko. Naghalungkat naman si Isming sa bag niya at buti naman dahil may isa pa siyang ballpen.

“Number one na! Bahala ang pabagal-bagal.” 

At sinimulan na ni Sir ang quiz namin hanggang sa number 10. Grabe si Sir ah!

“Marilyn, collect their paper,” utos ni Sir sa first honor namin. Tumayo naman si Marilyn at inumpisahang kunin ang mga papel namin. Kanya-kanya namang abot ang mga kaklase ko sa kay Marilyn ng papel nila.

Tiningnan ko ang papel ko. Naku po! Walang pangalan! Dali-dali kong sinulatan ng pangalan ang papel ko. Sa lahat ba naman na makakalimutan e pangalan pa talaga. Buti na lang at tiningnan ko muna bago ipasa. 

“Anong sagot mo sa number 5?” tanong ng katabi ko. Sinagot ko naman sya ng ‘a’. “’a’ rin ang sagot ko e. Pareho tayo! Siguradong tama yon, ‘a’ rin ang sagot ni Marilyn e.”

“Paano mo nalaman ang sagot ni Marilyn, tinanong mo?”

“Nakita ko kanina, kaya kinopya ko.”

****************************

Araw ng Biyernes, hindi ako pumasok dahil wala naman gaanong klase. Kaya nandito ako ngayon sa mansion ng mga Marquez. Ngayong araw ko sasabihin ang sagot ko sa tanong ni Señora. Tinanong kasi ako si Señora noong Linggo kung ano ba ang gusto kong regalo na matanggap sa kanya, wala akong naisagot. Pero ngayon alam ko na kung ano ang sasabihin ko.

Nasa sala ng mansion ang maglola habang nanonood sila ni Señorito ng TV. Si Señora lang pala ang nanonoood, nakikinig lang pala si Señorito. Pero napansin ko lang na ang layo naman ng agwat ng dalawa sa inuupuan nila.

“Good morning po, Señora,” bati ko saka yumuko. “Good morning Señorito.” Umayos na ako ng tayo at hinarap si Señora at nakangiting nakatingin rin sya sa akin pero ang Señorito ay hindi man lang ako nilingon kahit saglit. Baka hindi na naman niya nakilala ang boses ko. 

“Good morning rin, Reme,” bati pabalik ni Señora.

“Reme?” usal naman ni Señorito. Tsk! Hindi ba tama ako. Kung hindi pa sinabi ni Señora ang pangalan ko hindi pa nya ako makikilala.

Okay! Hindi ko muna iisipin ang bagay na hindi makilala ni Señorito ang boses ko. Sasabihin ko muna sa Señora ang dapat kong sabihin.

“G-Gusto ko po s-sana k-kayong makausap, S- Señora.” Nauutal ako sa kaba.

“Ano yon, hija?” nakangiting usisa ni Señora. “Ayos lang ba kung marinig ni Tres?” Tres kasi ang tawag ni Señora kay Señorito. Hindi ko nga lang alam kung bakit. 

“Opo! O-Okay lang po… Y-Yong sasabihin ko l-lang naman po ay yong tungkol po sa regalo.”

Ngumiti ng kay tamis si Señora bago nagtanong, “Ano ang gusto mong regalo? May naisip ka na ba?”

Huminga muna akong malalim para humugot ng lakas ng loob bago nagsalita, “Gusto ko po ng malaking alkansya.” Pwew! Ayos, hindi ako nautal. Nice one!

“Pfft!” pigil tawa ni Señorito at tinakpan pa ang bibig para hindi ko makitang pinagtatawanan nya ako. Humanda ka talaga sa akin mamaya. Pinagtawanan mo ako ha. Yari ka talaga sa akin nito!

Pero makikita naman sa mukha ni Señora ang pagtataka, “Bakit naman alkansya ang gusto mo?”

“Kasi po…” Ipaliwanag mo nang maayos, Reme. Kaya mo to! “Malaking alkasya po ang gusto ko para hindi po madaling mapuno at ipagsasama ko na lang lahat ng naipon ko sa iisang lalagyan.” Ayos na ba ang sinagot ko? 

“Nag-iipon ka? Ano naman ang pinag-iipunan mo?” Namamanghang tanong ni Señora. 

Nakakahiya namang sabihin. Pero sasabihin ko ba? “Ah…E… Ang totoo po…,” nahihiya ako. No! I cannot surrender, this is for the future! Ayos! English pa yon, nadagdagan ang lakas ng loob ko! At isa pa, bakit ako mahihiya e pangarap ko ang sasabihin ko. Kailangang ipinagmamalaki ang pangarap. “Pinag-iipunan ko po ang pangkolehiyo ko.”

“Pangkolehiyo? Hindi ngayong darating na pasukan?”

“Hindi po. Narinig ko po kasi na mahirap po ang mag-aral ng kolehiyo kung walang pera. Kaya pag-iipunan ko po ang pagkokolehiyo ko para hindi na ako mahirapan sa hinaharap kapag college na ako.”

Saglit na natigilan at natahimik si Señora saka siya natawa. Iyong tawa na para bang naginhawahan sa narinig niya.

“Sige! Pero kapag malaking alkansya ang ibibigay ko sayo mapupuno rin naman yon at bibili ka uli ng bago. Bibigyan na lang kita ng mas maganda pa kesa sa alkansya.”

“Talaga po? Ano po iyon?” Mas maganda pa sa alkansya? Wala akong maisip kung ano iyon pero kapag sinabi ni Señora na maganda alam kong maganda iyon.

“Bank account.”

Related chapters

  • Pangarap na Kasama Ka   Chapter 7

    Chapter 7 Bank account. Magkakaroon na ako ng bank account! Hooray! Ang saya ko! Gusto kong magtatalon sa sobrang saya. Tuturuan daw ako ni Ma’am Marta kung paano magdeposit ng pera at kung paano rin ito i-withdraw. Ang saya ko dahil ang sosyalin ng pagtataguan ng pera ko--- nakabangko ang pera ko. O di ba? Feeling ko ang yaman ko na dahil nasa bangko nakatago ang pera ko. “La… la… la… la…” Napapakanta na lang ako sa sobrang saya. Walang mapaglagyan ang kasayahan ko ngayon. “I can say that you’re happy,” sabi naman ng kasama ko ngayong naglalakad. Nilingon ko sya at nasa harap lang ang pansin niya habang ginagalaw pakaliwa’t pakanan ang baston na hawak niya. Si Señorito itong kasama ko. Nagpaalam kasi siya kanina, nang matapos na kaming mag-usap ni Señora, na gusto niyang mamasyal sa paligid. Kaya heto kami, naglalakad ng magkasabay habang may nakataling ribbon sa isa niyang kamay na nakakonekta

    Last Updated : 2021-07-17
  • Pangarap na Kasama Ka   Chapter 8

    Chapter 8Hapon na nang magising si Señorito kaya naging panatag na ako. Hindi ko maiwasang mag-alala hanggat hindi ko nakokomperma na okay na talaga siya. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may masamang mangyari sa kanya. Hindi na ako makapaghintay pa na makita at masiguradong na maayos na sya.Tok! Tok! Tok!Pagkatok ko sa pintuan ng kwarto ng Señorito. Ipinatawag nya raw kasi ako pagkagising niya at pumunta rin ako rito dahil pinayagan rin naman ako si Señor at Señora na makita siya. Mayroon rin kasi akong gustong sabihin sa kanya kaya nandito ako ngayon.“Come in!” Narinig ko ang tawag niya mula sa loob kaya pumasok na ako. “Reme, is that you?” kaagad niyang tanong.Isinarado ko muna ang pintuan bago sumagot, “Opo, Señorito.” Lumapit ako sa kanya. Nakaupo siya sa gilid ng kanyang kama na

    Last Updated : 2021-07-18
  • Pangarap na Kasama Ka   Chapter 9

    Chapter 9This is it! The day has finally come! Graduation na! Ito na ang araw na pinakahihintay ko. Tapos na ang maliligayang araw ko sa elementary level dahil high school na ako sa pasukan. Yehey!Pero nakakangawit palang maghintay sa labas ng gate para sa pagmartsa papasok ng school, hinintay pa kasi ang super late na guest speeker. Nakakaantok rin ang makinig sa mga English nilang speech na sobrang haba, grabe talaga ang pigil ko para hindi ako mapikit sa sobrang antok. Nakakakaba rin ang maghintay ng pagtawag ng pangalan ko para umakyat ng stage at kumuha ng diploma, hindi pala, coupon pala na nirolyo. Pero ang mas nakakatawa ang nagsiksikan at nagtutulakan kami sa ibabaw ng stage habang kumakanta ng graduation song.“Hoy ! Ikaw ha! Kahit sa Marquez high ka na mag-aaral, huwag mo kaming makakalimutan. Kapag ginawa mo yon babatukan kita ng paulit-ulit hanggang sa matandaan mo ang pangalan namin ni Isming.” Naii

    Last Updated : 2021-07-19
  • Pangarap na Kasama Ka   Chapter 10

    Chapter 10 Naikuwento na ni tatay ang nangyari sa pagitan nila ni nanay. Habang kumakain kami ng cake e sinabi nya sa akin lahat. Sinabi niya mula sa unang pagkikita nila, paano sila naging malapit sa isa’t-isa at kung anong nangyari bakit wala rito si nanay na kasama namin. Ngayon, magkukwento ako sa naging sad story nina nanay at tatay, sad ang story nila dahil hindi happy ending ang naging resulta. You know, ang kabaliktaran ng happy ay sad. Joke! Okay, seryoso na talaga! Una, nagkita sina nanay at tatay sa bayan na ito. Dito mismo sa bayan ng Buenafortuna. Kinupkop nila si nanay dahil wala itong mauwian, buhay pa noon sina lolo at lola ko. Dito mismo sa bahay na ito tumira si nanay ng halos tatlong taon at sa loob ng mahabang panahon na iyon ay nagkagustuhan sila ni tatay. Handa na silang bumuo ng sariling pamilya. Pero, dumating ang asawa ni nanay. Oo, may a

    Last Updated : 2021-07-24
  • Pangarap na Kasama Ka   Chapter 11

    Chapter 11 Tok! Tok! Tok! Kumatok ako sa pinto ng kwarto niya. “Señorito,” tawag ko. “Go away! I don’t want to see anyone right now,” malamig nyang pagtaboy sa akin. Ang sungit na naman nya. “Gusto lang naman kitang makausap e.” mayroon lang kasi akong gustong sabihin at siya ang gusto kong makaalam nito. “Kahit dito lang ako sa labas basta mag-usap lang tayo.” Hindi siya sumagot. Papayag na ba sya na mag-usap kami? Hmm… Bahala sya dyan basta naniniwala ako sa kasabihang silent means yes. “Gusto ko lang… kasi… n-na… na ano…” Huhu! Mukhang hindi ko kayang sabihin, kinakabahan ako sa magiging reaksyon niya. “Just say it already! Your wasting my time.” Bakit ganyan sya ka sungit ngayon? Hindi ko gusto ang ganitong ugali nya. Naiinis ako. Parang umakyat lahat ng inis ko sa ulo ko att sumabog na. “If don’t have anything to say just go.” “Bakit ka ba nagkakaganyan? An

    Last Updated : 2021-07-24
  • Pangarap na Kasama Ka   Chapter 12

    Chapter 12 Kring! Kring! Ano ba yan? Ang ingay naman! Natutulog yong tao e. Bakit kailangan nilang mang-istorbo ng tulog ng tao? “Patayin mo nga yan! Ang ingay e.” utos ko sa kung sinuman ang nagpapatugtog. Kring! Kring! “Tama na! Gusto ko pang matulog!” Panay ang reklamo ko pero walang nakikinig at panay pa rin ang tunog ng maingay na kung anuman yon. Kinuha ko ang unan ko para itabon sa tainga ko. Gusto ko ng katahimikan. Please, pagbigyan nyo naman ako. Kring! Kring! “Aurgh!” Napilitan akong bumangon ng wala sa oras. Idinilat ko ang mahahapdi kong mga mata dahil kulang pa ang tulog ko at inis kong hinanap ang bagay na maingay. Anong karapatan nya para bulabugin ang panaginip ko? Mapapatay ko to! Grrr! Roar! Kring! Kring! Inis kong binalingan ang tumunog na bagay. Nakita ko sa may ulunan ng higaan ko ang cellphone na ibinigay ni Señorito na nagliwanag. Hindi ko na pala papatayin ang maingay baka

    Last Updated : 2021-07-24
  • Pangarap na Kasama Ka   Chapter 13

    Chapter 13 “Tao po!” tawag ko mula sa labas ng bahay nina lolo Berto. “Lolo! Lola! May tao po ba?” “Sandali lang!” Ayos! Nandyan si lola sa loob. Baka naistorbo namin sya sa ginagawa nya? Okay lang yan, si lolo naman ang pinunta namin dito e. Nilingon ko ang dalawa kong kasama. “Sigurado ka ba talaga dito, Reme?” usisa ni Kuya Martin. Siya ang kasama ni Señorito Adolfo ngayon. Buti nga e at pinayagan si Señorito Adolfo na pumunta dito ng lolo at lola niya pero sa isang kondisyon nga lang, iyon ay sasamahan siya ni Kuya Martin at tuwing linggo lang siya pweding pumunta dahil may klase sila ng tutor niiya. Alam kong ayaw ni Señorito na nandito na kasama namin si Kuya pero wala siyang magawa. Halata kasi sa mukha niya ang pagkadisgusto sa desisyon ng lolo at lola niya. Napakamot ako sa batok ko bago sinagot si kuya, “Hindi nga e. Pero baka may maitulong siya kay Señorito Adolfo.” “Baka mas

    Last Updated : 2021-07-31
  • Pangarap na Kasama Ka   Chapter 14

    Chapter 14 Haay! Limang araw na pala ang nakalipas pero parang kahapon lang nangyari yon. Sa linggo, sasamahan ko ulit sina Señorito kina lolo. Nag-uusap pa rin kami tuwing gabi at lagi niyang sinasabi na marami siyang natutuhan sa kanyang tutor. Buti pa siya may natutuhan ngayong bakasyon e ako naman ay purong lang laro at lakwatsa. Pero engjoy naman ako. Minsan lang naman akong maggagala e dahil parati akong trabaho noon kapag bakasyon. Sa araw na ito, may importante akong dapat gawin. Napakaimportante ng araw na ito dahil para it okay tatay. Magugulat lang siya mamaya pag-uwi niya dahil may surpresa ako para sa kanya. “Nagdala ka ba ng lalagyan?” tanong sa akin ni Tintin. Kapitbahay namin pero mas matanda sa akin ng isang taon. Siya ang nag-aya sa akin na sumama sa kanila ngayon. Buti nga niyaya nya ako e kaya may pagkakataon ako ngayong surpresahin si tatay. “Syepre naman. Hindi pweding kalimutan yon,” sagot ko

    Last Updated : 2021-07-31

Latest chapter

  • Pangarap na Kasama Ka   Chapter 19

    Chapter 19 Tapos na si Nurse Christian sa paggamot ng paa ko at pati na rin sa pagtukso sa akin. Nagsanib pwersa pa sila ni Tita Thalia sa pag-away sa akin. Kagigil! Ang buong pangalan pala ng papa ni Pepe ay Christian Aguire at talagang namana ni Pepe ang ugali na pagiging bully sa tatay niya. Bakit ba ako ang napagdidiskitahan ng mag-ama na ito?Naglalakad na kami ni Tita Thalia palabas ng hospital, pupunta pa kasi kami sa eskwelahan ko para malaman kung enrolled na talaga ako saka kukuha ng listahan ng mga kakailanganin.“How’s your foot?” tanong ni Tita Thalia na nasa daan pa rin ang pansin pero minsan ay napapasulyap sa akin. Napansin ko rin na maingat syang maglakad, siguro para hindi siya matapilok sa taas ng taking niya.“Hindi na po masakit,” sagot ko. Totoo naman kasi. Pinainum ako kanina ni Nurse Christian ng gamot na request ni Tita Thalia. Painkiller yata ang tawag ni tita sa gamot na yon. A basta! Yong gamot para hindi ko maramdaman ang

  • Pangarap na Kasama Ka   Chapter 18

    Chapter 18Namiss ko na talagang bumalik at magtrabaho sa mansion. Gusto ko na ulit na makakwentuhan ang mga nagtatrabaho doon at… mayroon din akong gustong makita. Gusto ko na syang makita uli. Bakit ba ang tagal ng mga araw at bakit ang tagal gumaling ng sugat ko? Kainis! Namiss ko na si Señorito kahit sabihin pa nating tuwing gabi tinatawagan nya ako at nag-uusap kami pero iba pa rin kasi kapag kaharap at nakakasama ko sya.Oo, nag-uusap pa rin kami ni Señorito Adolfo tuwing gabi at alam naman iyon ni tatay tsaka okay lang sa kanya. Hindi ko nga maintindihan na hindi kami nauubusan ng maikukwento sa isa’t isa tuwing gabi, para bang hindi kami nagsasawa na makipag-usap sa isa’t isa. Sa totoo lang, simula ng malaman ni Señorito Adolfo na nagkasugat ako may nagbago sa paraan ng pag-uusap naming dalawa. Nagkabaliktad na kami ng posisyon dahil ako na ang nauunang magkwento ngayon. Oo, pinapauna nya akong mag

  • Pangarap na Kasama Ka   Chapter 17

    Chapter 17 Limang araw na akong nasa bahay lang ng dahil sa sugat kong ito. Hindi na nga ako nakasama kay Señorito Adolfo sa pagpunta kay lolo Berto. Namiss ko ng lumabas at mamasyal sa paligid kasama si Señorito. Parati naman kaming nag-uusap sa tawag pero iba pa rin kasi kapag kaharap ko sya at nakikita ko. Sana gumaling na ang sugat ko. Hindi ako makapunta at makapaglakad sa labas dahil hindi ako makasuot ng tsinelas. Minsan kasi ng binalak kong bumili ng tinapay sa tindahan, hindi pa nga ako nakakaabot sa gate namin na kawayan ay tumama ang dulo ng tsinelas ko sa sakong na may sugat. Kahit anong tingkayad ng isa kong paa na hindi mapisikan ng tsinelas ay wala pa ring nagawa. Nilagnat talaga ako simula ng araw na iyon kaya hindi na ako pinapaalis ni tatay at hindi na rin ako sinusuotan ng tsinelas ang paa kong may sugat. Simula rin ng magkasugat ako ay nandito lang si tatay na nagbabantay at nag-aasikaso sa bahay. Wala raw kasi siyang trabah

  • Pangarap na Kasama Ka   Chapter 16

    Chapter 16“Reme!... Reme!... Oy! Gising!”Hmmm… Inaantok pa ako e. Sino ba itong istorbo sa tulog ko? Mamaya mo na ako gisingin. Ang sarap pa ng tulog ko e.“Reme, gising!”“Ugh! Ayaw ko, inaantok pa ako.” Huwag mong uga-ugain ang higaan, sumasakit ang ulo ko. Kainis naman e!“Nandito na tayo sa bahay nyo…” Ano bang bahay ang sinasabi mo e nasa bahay naman talaga ako natutulog. Saan pa ba ako matutulog? “Gumising ka na!” Aurg! Bakit ba kailangan pang uga-ugain ang tinutulugan ko? Naman e. Hindi ko maiwasang mapakamot sa ulo ko dahil sa inis. Masisipa ko talaga ang anira ng tulog na ito, makikita nya.“Ayaw nga, kulit! Kurutin kita dyan e.” Panay na ang reklamo ko pero tinawanan lang ako ng kung sino ito. “Mamaya na lang kasi e inaantok pa ako.”“Pero nangangawit na ang kamay at likod ko kakakarga sa iyo. Sobrang bigat

  • Pangarap na Kasama Ka   Chapter 15

    Chapter 15Itinaas ko na lang ang kaliwa kong paa at hindi na iniapak sa putik. Hindi ko masyadong mabalanse ang katawan ko gamit ang isang paa kaya inalalayan ako ni Tonton. Kinuha niya ang kanan kong kamay at ipinatong sa balikat niya para doon ako kumuha ng suporta. Nagpasalamat ako dahil sa ginawa niya.Pero marami ng dugo ang nakahalo sa putik, panay pa rin kasi ang agos mula sa sugat ko. Ngayon lang ako nakakita ng ganito karaming dugo sa mga naging sugat ko. Nanindihan ang mga balahibo ko at parang gumaan ang ulo ko na parang lilipad ako na gaya ng lobo. Ayaw ko ng ganitong pakiramdam.“Ayos ka lang, Reme?” tanong ni Tonton. Pero hindi ako nakasagot at tanging pagtango lang ang nagawa ko. Hindi naman ako takot sa dugo pero hindi ko maiwasang manghina.“Anong nangyari?” tanong ng mga dumating. Isa lang naman ang nagtanong pero hindi ko kasi nalam kung sino ang nagsalita dahil na

  • Pangarap na Kasama Ka   Author’s Note 

    Hello, everyone! This is my original story at kahit hindi man kagandahan ang plot nito, kagaya ng ibang story na nabasa ninyo na may theme about CEO or warewolf or vampire, pero isa lang ang masasabi ko na ipapasyal ko kayo sa lugar ko. Ano ang inspirasyon ko sa story na to? Well, gusto ko lang na magflashback sa mga kalokohan ko, I mean, childhood memories ko. So, ayon nga… Pero hindi na kasali lovelife cause cause balungos na mas hamak na maganda ang lovelife ng bida sa kwento na to. Sana suportahan nyo itong story ni Reme. Welcome sa probinsya, Readers and enjoy reading! Love lots! Muah! EllyKim P.S.Team Señorito o Team Pepe?

  • Pangarap na Kasama Ka   Chapter 14

    Chapter 14 Haay! Limang araw na pala ang nakalipas pero parang kahapon lang nangyari yon. Sa linggo, sasamahan ko ulit sina Señorito kina lolo. Nag-uusap pa rin kami tuwing gabi at lagi niyang sinasabi na marami siyang natutuhan sa kanyang tutor. Buti pa siya may natutuhan ngayong bakasyon e ako naman ay purong lang laro at lakwatsa. Pero engjoy naman ako. Minsan lang naman akong maggagala e dahil parati akong trabaho noon kapag bakasyon. Sa araw na ito, may importante akong dapat gawin. Napakaimportante ng araw na ito dahil para it okay tatay. Magugulat lang siya mamaya pag-uwi niya dahil may surpresa ako para sa kanya. “Nagdala ka ba ng lalagyan?” tanong sa akin ni Tintin. Kapitbahay namin pero mas matanda sa akin ng isang taon. Siya ang nag-aya sa akin na sumama sa kanila ngayon. Buti nga niyaya nya ako e kaya may pagkakataon ako ngayong surpresahin si tatay. “Syepre naman. Hindi pweding kalimutan yon,” sagot ko

  • Pangarap na Kasama Ka   Chapter 13

    Chapter 13 “Tao po!” tawag ko mula sa labas ng bahay nina lolo Berto. “Lolo! Lola! May tao po ba?” “Sandali lang!” Ayos! Nandyan si lola sa loob. Baka naistorbo namin sya sa ginagawa nya? Okay lang yan, si lolo naman ang pinunta namin dito e. Nilingon ko ang dalawa kong kasama. “Sigurado ka ba talaga dito, Reme?” usisa ni Kuya Martin. Siya ang kasama ni Señorito Adolfo ngayon. Buti nga e at pinayagan si Señorito Adolfo na pumunta dito ng lolo at lola niya pero sa isang kondisyon nga lang, iyon ay sasamahan siya ni Kuya Martin at tuwing linggo lang siya pweding pumunta dahil may klase sila ng tutor niiya. Alam kong ayaw ni Señorito na nandito na kasama namin si Kuya pero wala siyang magawa. Halata kasi sa mukha niya ang pagkadisgusto sa desisyon ng lolo at lola niya. Napakamot ako sa batok ko bago sinagot si kuya, “Hindi nga e. Pero baka may maitulong siya kay Señorito Adolfo.” “Baka mas

  • Pangarap na Kasama Ka   Chapter 12

    Chapter 12 Kring! Kring! Ano ba yan? Ang ingay naman! Natutulog yong tao e. Bakit kailangan nilang mang-istorbo ng tulog ng tao? “Patayin mo nga yan! Ang ingay e.” utos ko sa kung sinuman ang nagpapatugtog. Kring! Kring! “Tama na! Gusto ko pang matulog!” Panay ang reklamo ko pero walang nakikinig at panay pa rin ang tunog ng maingay na kung anuman yon. Kinuha ko ang unan ko para itabon sa tainga ko. Gusto ko ng katahimikan. Please, pagbigyan nyo naman ako. Kring! Kring! “Aurgh!” Napilitan akong bumangon ng wala sa oras. Idinilat ko ang mahahapdi kong mga mata dahil kulang pa ang tulog ko at inis kong hinanap ang bagay na maingay. Anong karapatan nya para bulabugin ang panaginip ko? Mapapatay ko to! Grrr! Roar! Kring! Kring! Inis kong binalingan ang tumunog na bagay. Nakita ko sa may ulunan ng higaan ko ang cellphone na ibinigay ni Señorito na nagliwanag. Hindi ko na pala papatayin ang maingay baka

DMCA.com Protection Status