Chapter 5
Alas tres na ng hapon ng matapos ko ang labahan ko. Grabeng kuskusan at kusutan ang ginawa ko para lang matapos ang lahat ng lalabhan ko. Peew! Kapagod, pero ayos lang! May mga kasama rin kasi ako sa paglalaba kaya hindi rin boring. At isa pa, nagpaunahan kami sa paglalaba na kung mahuli ay talo. Hindi man ako ang nauna pero hindi rin naman ay ang nahuli. Haha! Safe!
Pagkatapos maglaba, nagkayayaan na maligo sa batis kaya hindi na ako humindi dahil basa na rin naman ako. Saka naghanap kami ng kagang sa likod ng mga malaking bato. Alam nyo ban a ang dami kong nahuli. Ang galing ko! Ulam na kayo mamaya sa akin. Hehe!
Para sa kaalaman ng lahat ang kagang ay isang maliit na parang alimango na nabubuhay sa tubig tabang at nagtatago sa mga bato.
Ngayong pauwi na kami, pakanta-kanta pa ako habang naglalakad. Ang saya ko dahil libre na ang ulam naming mamaya. Ano kayang magandang menu sa mga kagang na to? Ginataan? Pakuluan lang sa tubig na may asin? O pwedi ring ipatong na lang sa nakaining kanin? Ang dami kong naiisip pero pwedi ko namang gawin lahat, di ba?
“Ang saya mo yata ah,” sita ng lalaking kasabay ko ngayon sa paglalakad pauwi. “Dahill ba sa binalikan kita?”
Aba! Ang feelingero naman nito. “Tumigil ka, Pepe, baka ipakagat kong ilong mo sa kagang.” Tama po kayo! Si Pepe po ang kasabay ko ngayon pauwi ngayon dahil tinotoo nya talaga ang sinabi niya na babalikan nya ako para ihatid pauwi. Siya rin ang nagdala lahat ng mga dalahin ko at iyon ang gusto kong ipagpasalamat sa kanya. Hindi ko nga lang masabi ng harapan.
“Okay! Okay! Shut up na po ako, asawa ko,” pagsuko niya.
Pinukulan ko siya ng masamang tingin dahil tinawag nya na naman akong asawa ko. Pero nagtatakang tingin na para bang nagtatanong kung mayroon ba siyang nagawang ikinainis ko. Meron, Doy! Sarap mong piktusan para maalala mo. Pero hindi ko muna sya bubugbugin ngayon dahil tinulungan nya ako sa pagdadala ng labahan ko, utang ko sa kanya ngayon kung bakit buhay pa ako.
Huminga na lang akong malalim at ibinalik ang pansin sa supot na dala ko kung saan nakalagay ang mga kagang na nahuli ko. Naiimagine ko na na kinakain ko sila at ang sasarap nila habang nginunguya ko. Yum! “Ulam na kayo mamaya,” sabi ko sa mga ito.
“Pfft!” pigil tawa ng kasama ko. Ano na namang problema nito?
“Bakit? Anong tinatawa-tawa mo?” May halong pagbabanta kong tanong.
Pero panay pa rin ang hagik-hik niya. “Ang cute mo kasi.”
Huh? Yun lang? “Ayst! Alam ko na yan, wala na bang iba?” Parati ko kasi yang naririnig sa mga kakilala ko lalo pa kay tatay, sa mga tao sa mansion at kahit nga sina Señor at Señora e sinasabing cute ako.
Pero natawa na lang uli siya. “Meron pa,” sumeryoso ang mukha niya habang sinasabi ang mga salitang iyon. Okay na sana e pero dinagdagan nya pa kasi. “Pakiss!” dagdag niya at ngumuso.
“Gusto mo to?” Sabay pakita ng kamao ko.
“Joke lang! Ikaw naman hindi mabiro.”
“Pasalamat ka…” tinulungan mo ako ngayon, kung hindi baka balda-bari ang abot mo sa akin. Okay hindi ko kayang ituloy ang gusto kong sabihin.
Pero siya naman ang dumugtong, “Mahal mo ko?” at ngumiti ng kay tamis. Kita mo tong lalaking to, ang daming kalokohang nalalaman. Hindi, kailangan kong kontrolin ang sarili ko. Huwag kang sasabog, Reme. Kapag binugbog mo sya at baka layasan ka at ikaw ang magdala ng mabigat na nalabhang damit.
Hindi ko na lang pinansin ang sinabi nya at ibinalik na lang ang pansin sa daan. Tumahimik naman kaming dalawa. Mukhang may dumaang anghel sa pagitan namin. Ha! Okay nga yun e, tahimik na paligid. Tahimik nga pero hindi ko matiis ang iwas tingin nitong si Pepe. Panay ang sulyap niya sa akin pagkatapos iiwas rin kapag titingin ako sa kanya.
“Sabihin mo na kung may gusto kang sabihin,” aniko na nasa kanya pa rin nakatingin. Umiwas siya ng tingin sa akin at namumula ang tainga niya pababa sa leeg sa hindi ko malamang dahilan. Anong nangyayari sa lalaking ito? Nakagat ba sya ng bubuyog sa leeg?
“K-Kasi… Reme.. Ah… Ano kasi…” nag-aalangan niyang sabi.
“Bakit? Ano ba yon? Sabihin mo na.”
Napahinto muna siya sa paglalakad kaya pati rin ako ay napahinto. Pinakatitigan nya ang mukha ko at ganoon din ako sa kanya. Ano bang problema ng lalaking to? Okay inulit ko na naman to. Kasi naman e ano ba talaga ang problema nya?
“K-Kasi…” Iyan na naman siya sa pautal-utal niya.
“Natatae ka ba?” Baka nahihiya lang syang magpaalam sa akin e.
Pero umiling lang siya habang sinasabing ‘hindi’.
“Oh, e anong sasabihin mo bakit kailangan pang mamula yang tainga at leeg mo?” Pipilitin ko syang umamin. Hindi sya makatagal ng titig sa mga mata ko at bumaba ang tingin nya pababa pero mas namula ang mukha nya at iniwas sa gilid ang tingin. “Pepe!” tawag ko sa kanya.
“H-Ha?” Lutang niyang sabi.
“Gusto mong kumain ng kagang?” Huhulaan ko na lang ang iniisip niya. Ayaw nya rin kasing sabihin sa akin ng diretsahan e.
“May allergy ako sa seafoods,” pag-amin niya. Talaga?
“Pero hindi naman galing to sa sea.” Sa tubig tabang naman ito kinuha.
“Ang ibig kong sabihin, may disipula ako,” paliwanag niya at nagsimula uling maglakad.
“Kaya ba namumula ka kasi may disipula ka?” tanong ko pa habang sinusundan siya.
Napahinto siya sa paglalakad at hinarap uli ako. “H-Hindi yun don! Iba yon!” Naiinis na niyiang paliwanag. Hehe. Ang sarap rin palang asarin nitong si Pepe.
“Alam ko. Jinojoketime lang naman kita,” natatawa ako sa reaksiyon niya. Feeling ko nakaganti na ako sa mga pang-aasar niya. “Sabihin mo na.” Balik ko sa usapan namin.
“Nang ano?” Nakalimutan na ba niya ang pinag-usapan namin?
“May gusto kang sabihin, di ba?”
“Ah!” sabi niya nang matandaan ang nauna naming pinag-usapan. “Bakit hindi ka nagdala ng towel kung maliligo ka pala.”
Ha! Di ako makapaniwala. “Pagdadala lang ban g towel ang gusto mong sabihin na parang matatae ka?” inis kong usisa. Ayos yun ah!
“Hindi lang yun basta don. Dalagita ka na, Reme… kaya… K-Kailangan mong mag-ingat.” Hindi ko talaga maintindihan kung ano ang gusto niyang sabihin. Pakipaliwanag ng maayos, please!
Napakamot naman ako s ulo ko at nalilitong umamin, “Hindi ko maintindihan, anong connect nun sa pagdadala ng towel?”
Inilapag muna niya ang lalagyan ng labahan at kinuha ang labador na nakatalukbong sa ulo niya bago ako hinarap uli.
“Dahil…” panimula niya pero napatigil rin nang nadako ang pansin niya sa bandang dibdib ko. Pero agad siyang umiling saka umiling-iling at tiningnan ako sa mata. Seryoso na sya ngayon. “Dahil bakat ang…” naiinis niyang sabi habang tinatampal ng palad niya ang kanyang dibdib. “Bakat ang…” ulit niyang sabi kaso mukhang wala siyang balak dugtungan dahil nakatingin lang siya sa dibdib ko.
Ano bang meron sa dibdib ko? Tiningnan ko rin ang tinitingnan niya. Manipis na T-shirt na kulay yellow ang suot ko at dahil naligo ako sa batis bakat ang katawan ko. Ito ba ang sinasabi niyang bakat?
“Bakat ang damit ko?” dugtong kong tanong sa sasabihin niya dapat. Umiwas siya ng tingin bago nagsalita, “Oo, b-bakat ang damit mo k-kaya kita ang dibdib mo.” Nauutal niyang sabi habang pasulyap-sulyap ang mga mata nya sa akin at namumula na ang buo niyang mukha.
“E ano naman? Bakat lang naman to, hindi naman ako naghubad. Si tatay nga naghuhubad ng damit kapag naiinitan e.” Ano namang problema kung bakat ang damit ko?
Pero mas ikinainis niya ang naging sagot ko at napasabunot siya sa sarili niyang buhok. “Lalaki ang tatay mo kaya okay lang na maghubad sya ng damit. Pero ikaw kasi…”sikmat niya habang tinuturo ako. Ano ba talagang problema ng isang ito? Mas lalo pang nangasim ang mukha niya nang mapansin ang naguguluhan kong mukha. “Babae ka, Reme, at dalagita ka na.” Halata na ang inis sa tono ng boses nya. Wala pa rin akong maintindihan sa gusto niyang sabihin. Napasabunot na lang siya sa kanyang buhok dahil sa inis. Anong ikinakainis ng isang ito?
“Ewan ko sayo.” Nasabi ko na lang. “Hindi ko maintindihan kung bakit ka naiinis. Kung dahil ba sa towel o dahil sa bakat kong damit o sa babae ako o… ewan. Hindi kita magets!”
Napahilamos na lang siya gamit ang mga palad niya at nagpabalik-balik ng lakad na parang nag-iisip ng magandang dapat gawin. Mga ilang sandali pa ay napatigil siya sa pabalikbalik ng lakad at hinarap ako.
“May nilabhan ka ba ritong tuwalya?” tanong niya at tango lang ang naging sagot ko sa kanya. Sinimulan na niyang halungkayin ang nalabhan at nakita na nga niya ang towel. Iniladlad nya ito saka isinampay sa balikat ko kaya natabunan nito ang likod ko at pati na sa harap. “Hawakan mo ito.” Ipinakita niya sa akin ang magkabilang dulo ng tuwalya. “Huwag mong bibitawan, naiintindihan mo ba?”
Anon a naman bang drama ng lalaking ito? Kahit gusto kong magprotesta e hindi ko magawa dahil seryoso talaga siya sa ginagawa at sinasabi niya. Okay! Susundin ko sya kahit ngayon lang.
“Basa naman to at kakalaba ko lang nito e.” Ang hirap kayang maglaba ng tuwalya dahil ang bigat pigain.
“Huwag ka ng magreklamo. Para rin naman sayo ittong ginagawa ko.” Nang masigurado na niyang hinawakan kong maigi ang tuwalya ay binuhat nya uli ang mga dalahin niya. “Tara na!” aniya saka nagsimulang maglakad.
“Sa palagay nyo po, bakit kaya siya nagkaganoon?” tanong k okay Ate Rosa at Ate Linda. Nandito kami sa kusina ng mansion habang nagkakape at nagmemeryenda.
Kasama kasi ni Señorito ang lolo at lola niya sa labas kaya sinabihan ako ni Ma’am Marta na magmeryeda na muna. Nakasama ko itong dalawa kong ate dahil nagmemeryeda rin sila kaya habang nagkakape ay naikwento ko sa kanila ang ginawa ni Pepe nang pauwi na kami kahapon.
“Concern lang sya sayo,” sagot ni Ate Linda at sumubo ng biscuit.
Kinilig naman si Ate Rosa habang sinasabi, “Ang haba naman ng hair ng Reme natin, ambata pa e may humaharot na.” May pahampas-hampas pa siya sa braso ni Ate Linda Samantalang ang isa naman ay naiinis dahil hindi siya makainum ng kapae.
“Ano pong concern?” usisa ko at si Ate Rosa ang sumagot.
“Nag-aalala sya sayo dahil gusto ka niya,” aniya at sabay tili. “Sana may ganyan rin sa life ko. Kapag nanligaw yan sayo, Reme, sagutin mo agad.” Dahil sa sinabi ni Ate Rosa nakatikim siya ng batok mula kay Ate Linda. “Aray ko naman,” reklamo niya.
“Tumahimik ka nga! Kung ano-ano ang tinuturo mo sa bata.”
“Paanong nag-aalala ‘yon e parati nga nya akong inaasar e.” Ang lalaking iyon, mag-aaalala sa akin? Never!
Pero di ko inaasahanng tumili si Ate Rosa at humampas-hampas pa sa mesa. “Anong sabi nya?” Interesadong usisa ni ate Rosa habang iiling-iling lang si Ate Linda sa ikinikilos ni Ate Rosa.
“Lagi nya akong inaasar at tinatawag na asawa,” sumbong ko pero mas lumakas pa ang tili ni Ate.
“Hoy!” Binatukan na naman siya ni Ate Linda.
“Nakakadalawa ka na ah!” reklamo nito.
“Madadagdagan pa yan kapag nag-ingay ka pa uli. Ang ingay mo, baka isipin ng makarinig na kinakatay na namin dito.”
“Kasi naman e, si Reme, pweding pang pocketbook ang story nila.”
“Ano pong pocketbook?”
“Wala!” sagot ni Ate Linda sa usisa ko. “Huwag mo ng pansinin ang Ate Rosa mo. Pero, Reme, tama naman kasi ang sinabi ng kaibigan mong si Pepe.”
“Asawa nya iyong Pepe,” sabat ni Ate Rosa kaya sumalungat naman ako.
“Hindi ko asawa ang lalaking iyon!”
“Tumahimik ka nga!” saway uli ni Ate Linda kay Ate Rosa.
“Okay! Okay!” pagsuko ni Ate Rosa pero malapad pa rin ang mga ngiti.
“Sige!” Pumalakpak pa si Ate Linda para makuha ang atensyon namin na nandoon. “Ganito na lang ang gawin mo Reme.” Makikinig akong mabuti sa bawat sasabihin ni Ate Linda. “Bibili tayo ng bra.”
Ano? “Bra? Pero mga matatanda lang ang nagsusuot nun.”
“Sobra ka naman, Reme.” Saway ni Ate Rosa sa sinabi ko. “Kapag malaki nang dede mo, bra na ang susuotin mo pero kapag maliit pa lang kagaya ng sayo e baby bra palang ang pwedi sayo.”
“Baby bra?” Tumango lang silang dalawa. “Kailangan ba talagang may ganoon?”
“Oo, kailangan iyon nating mga babae para itago ang private parts natin.” Paliwanag ni Ate Linda pero hindi ko pa rin maintindihan.
Dumugtong rin si Ate Rosa, “parang ganito kasi yan, partner ang panty at si bra. Kung hindi ka nagsuot ng bra parang wala ka na rin panty.”
“Bakit po kailangan pang magsuot nyon?” Hindi ko talaga maintindihan e.
“Dahil lumalaki ang dibdib natin.” Saka hinawakan ni Ate Rosa ang dalawang maumbok niyang dibdib. “Para magandang tingnan kailangan nating magsuot ng bra.”
“Kung anong kalokohan ang itinuturo mo kay Reme.”
“Ipinapakita ko lang sa kanya ang pweding mangyari rin sa dibdib nya.”
Tinginan ko ang dibdib ko at hinawakan, medyo maumbok nga kaso maliit hindi kagaya ng kina Ate Rosa at Ate Linda na halata ang umbok. Magiging malaki rin ba yung dibdib ko kagaya nila?
“Masakit ba kapag lumakali ang dibdib?” Baka lalagnatin ako at maospital pa nga dahil sa paglaki ng dibdib, ano na lang ang gagawin ko? Pero tinawanan ng ng dalawa ng tanong ko.
“Huwag kang mag-alala, Reme. Tutubo lang yan ng hindi mo namamalayan. Parang buhok lang na hahaba ng hindi mo namamalayan.” Paliwanag ni Ate Linda.
“Pero huwag mong pahahawakan sa mga lalaki ang dibdib mo dahil lalaki yan ng sobra.” Paalala naman ni Ate Rosa pero nakatikim na naman sya ng batok mula kay Ate Linda. “bakit na naman?”
“Saan mo naman yan nasagap? At huwag mo ngang turuan ng kalokohan si Reme.”
“Hindi ko naman sya tinuturuan ng kalokohan, pinapaalalahanan ko lang siya.”
“Hindi naman siguro mahal yun, di ba?” Meron naman sigurong mabibiling ganoon sa mga ukay-ukay sa bayan. Iniisip ko palang na kailangan kong bumili parang hindi na ako makahinga. Ayaw kong magbawas ng pera.
“Don’t worry, Reme. Ibibigay ko sayo ang mga napaglumaan kong damit.” Presenta ni Ate Rosa.
“Talaga?” Di ako makapaniwala sa sinabi ni Ate.
“Kahit luma mong bra tinatago mo pa?” Hindi makapaniwalang tanong ni Ate Linda.
“Bakit? Ano namang masama doon? Sa halip na itapon ko na lang e masmabuti pang ipamigay ko na lang. Makakaulong pa ako.”
“Maraming salamat, Ate Rosa.” Sobrang saya ko dahil hindi ko na kailangan pang gumastos.
“Hehe.” Parang nagyayabang na tawa ni Ate. “Not a problem, Reme. You’re always welcome. Pero iupdate mo na lang ako tungkol sa inyo ni Pepe.”
“Anong po ang update?”
“Wala!” Dissapointed na sabi ni Ate. “Kumain ka lang ng marami para madali kang lumaki at mabigyan mo na ako ng pamangkin.”
Pero dahil sa sinabi ni Ate binatukan na naman siya ni Ate Linda. “Kung ano-anong sinasabi mo sa bata.”
“Sorry na!”
“Nadito ka lang pala,” rinig naming sabi ng lalaking kakapasok pa lang ng kusina kaya nabaling doon ang pansin namin. “Reme, tawag ka ni Ma’am--- Uy! Biscuit!” Hindi na natapos ni Kuya Martin ang sasabihin nya dahil nagsimula na siyang lumamon.
Dahil sa kaunting sinabi ni Kuya Marin naintindihan ko naman na pinapatawag ako ni Ma’am Marta.
“Alis po muna ako.” Paalam ko sa kanila habang pinapagalitan ng dalawang babae siKuya Martin dahil inubos nito ang biscuit na para sa amin. Baka babalik na sa kwarto nito si Señorito kaya ako ipinapatawag ni Ma’am, malamang na ganoon nga.
Pumunta ako sa garden kung nasaan ko sila iniwan kanina. Nandoon pa nga si Ma’am Marta at mag-asawang Marquez pero wala na doon ang Señorito. Nasaan na kaya yun? Akala ko ihahatid ko sya sa kwarto nya?
“Ma’am Marta, ipinapatawag nyo raw po ako?”
“Oh! Reme! Halika! Gusto kang makausap ni Señor at ni Señora.” Iginiya naman ako ni Ma’am papunta kina Señor at ni Señora na nakaupo sa silyang bakal na kulay puti at may kapareho pang mesang hugis bilog. “Nandito na po si Reme.”
“Magandang hapon po,” bati ko.
“Halika, Reme.”Itinuro ni Señora ang bakanting upuan na nasa tabi niya na parang sinasabing umupo ako roon at iyon nga ang ginawa ko. “Kamusta ang pagbabantay mo sa apo namin?”
Kinakabahan ako kapag kaharap ko silang dalawa. Siguro dahil sila ang amok o at natatakot akong magkamali sa harap nila.
“A-Ayos lang naman po. M-Magkasundo naman po kami ng Señorito.” Nauutal kong sabi habang nakayuko. Nahihiya ako, ang yagit kong tingnan kumpara sa kanila.
“Good! I’m happy to hear that. Sana pagtyagaan mo ang ugali ng apo namin.”
“H-Hindi naman po sya ganoon kahirap pakisamahan.” Totoo naman kasi na mabait ang Señorito. Ang akala ko nga e kagaya sya ng ibang anak mayaman na mga matapobre at mapang-api pero mukhang nagmana sya ng kabaitan sa lolo at lola niya. Inangat ko ang tingin ko at tiningnan ang mag-asawa, nakangiti sila habang nakatingin sa akin. Iyong ngiti na kontento sila sa narinig.
“Saan ka maghahigh school?” Si Señor ang nagtanong.
“Sa Buenafortuna high po.” Publick school lang naman ang afford namin e saka doon rin naman kasi mag-aaral sina Rayray at Isming.
“Pero kung pagbibigyan ka ng pagkakataon na mag-aral sa Marquez Academy, will you grab that opportunity?”
“Po?” Namali lang ba ako ng narinig?
“Pag-aaralin ka namin sa Senor Marquez Academy at wala ka ng dapat bayaran pa.”
“T-Talaga po.” Totoo ba to o panaginip lang?
Chapter 6 Hagis. Kuha ng bato. Tuldok. Tuldok. Salo. Hagis. Kuha ng bato. Tuldok. Tuldok. Salo. Dalawang linggo na lang, graduation na namin! Excited na ako! Pero ngayong papalapit na ang pikahihintay naming okasyon e super busy kami lalo pa sa pagmemorize ng graduation song at tamang pagkuha ng diploma. Paulit-ulit na nga e at nakakasawa na. Kanina nga ilang beses kaming paulit-ulit na kumanta at nagpraktis din kami kung paano umakyat ng stage para kukunin ang diploma saka bababa. Namamaos na nga ako kakakanta at nangangawit na kakatayo sa taas ng stage. Saka paulit-ulit pa kaming akyat-baba ng stage para sa pagkuha ng diploma. Anong akala nila sa amin, ulyanin na madaling makalimot? Ngayon nga lang kami ipinagpahinga ni Ma’am dahil recess at may pasok kami kay Sir Sungit pagkatapos. Hindi naman talaga Sungit ang pangalan ni Sir pero sadyang masungit lang ang ugali niya kaya tinatawag namin siyang Sir Sungit kapag wala siya sa ha
Chapter 7 Bank account. Magkakaroon na ako ng bank account! Hooray! Ang saya ko! Gusto kong magtatalon sa sobrang saya. Tuturuan daw ako ni Ma’am Marta kung paano magdeposit ng pera at kung paano rin ito i-withdraw. Ang saya ko dahil ang sosyalin ng pagtataguan ng pera ko--- nakabangko ang pera ko. O di ba? Feeling ko ang yaman ko na dahil nasa bangko nakatago ang pera ko. “La… la… la… la…” Napapakanta na lang ako sa sobrang saya. Walang mapaglagyan ang kasayahan ko ngayon. “I can say that you’re happy,” sabi naman ng kasama ko ngayong naglalakad. Nilingon ko sya at nasa harap lang ang pansin niya habang ginagalaw pakaliwa’t pakanan ang baston na hawak niya. Si Señorito itong kasama ko. Nagpaalam kasi siya kanina, nang matapos na kaming mag-usap ni Señora, na gusto niyang mamasyal sa paligid. Kaya heto kami, naglalakad ng magkasabay habang may nakataling ribbon sa isa niyang kamay na nakakonekta
Chapter 8Hapon na nang magising si Señorito kaya naging panatag na ako. Hindi ko maiwasang mag-alala hanggat hindi ko nakokomperma na okay na talaga siya. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may masamang mangyari sa kanya. Hindi na ako makapaghintay pa na makita at masiguradong na maayos na sya.Tok! Tok! Tok!Pagkatok ko sa pintuan ng kwarto ng Señorito. Ipinatawag nya raw kasi ako pagkagising niya at pumunta rin ako rito dahil pinayagan rin naman ako si Señor at Señora na makita siya. Mayroon rin kasi akong gustong sabihin sa kanya kaya nandito ako ngayon.“Come in!” Narinig ko ang tawag niya mula sa loob kaya pumasok na ako. “Reme, is that you?” kaagad niyang tanong.Isinarado ko muna ang pintuan bago sumagot, “Opo, Señorito.” Lumapit ako sa kanya. Nakaupo siya sa gilid ng kanyang kama na
Chapter 9This is it! The day has finally come! Graduation na! Ito na ang araw na pinakahihintay ko. Tapos na ang maliligayang araw ko sa elementary level dahil high school na ako sa pasukan. Yehey!Pero nakakangawit palang maghintay sa labas ng gate para sa pagmartsa papasok ng school, hinintay pa kasi ang super late na guest speeker. Nakakaantok rin ang makinig sa mga English nilang speech na sobrang haba, grabe talaga ang pigil ko para hindi ako mapikit sa sobrang antok. Nakakakaba rin ang maghintay ng pagtawag ng pangalan ko para umakyat ng stage at kumuha ng diploma, hindi pala, coupon pala na nirolyo. Pero ang mas nakakatawa ang nagsiksikan at nagtutulakan kami sa ibabaw ng stage habang kumakanta ng graduation song.“Hoy ! Ikaw ha! Kahit sa Marquez high ka na mag-aaral, huwag mo kaming makakalimutan. Kapag ginawa mo yon babatukan kita ng paulit-ulit hanggang sa matandaan mo ang pangalan namin ni Isming.” Naii
Chapter 10 Naikuwento na ni tatay ang nangyari sa pagitan nila ni nanay. Habang kumakain kami ng cake e sinabi nya sa akin lahat. Sinabi niya mula sa unang pagkikita nila, paano sila naging malapit sa isa’t-isa at kung anong nangyari bakit wala rito si nanay na kasama namin. Ngayon, magkukwento ako sa naging sad story nina nanay at tatay, sad ang story nila dahil hindi happy ending ang naging resulta. You know, ang kabaliktaran ng happy ay sad. Joke! Okay, seryoso na talaga! Una, nagkita sina nanay at tatay sa bayan na ito. Dito mismo sa bayan ng Buenafortuna. Kinupkop nila si nanay dahil wala itong mauwian, buhay pa noon sina lolo at lola ko. Dito mismo sa bahay na ito tumira si nanay ng halos tatlong taon at sa loob ng mahabang panahon na iyon ay nagkagustuhan sila ni tatay. Handa na silang bumuo ng sariling pamilya. Pero, dumating ang asawa ni nanay. Oo, may a
Chapter 11 Tok! Tok! Tok! Kumatok ako sa pinto ng kwarto niya. “Señorito,” tawag ko. “Go away! I don’t want to see anyone right now,” malamig nyang pagtaboy sa akin. Ang sungit na naman nya. “Gusto lang naman kitang makausap e.” mayroon lang kasi akong gustong sabihin at siya ang gusto kong makaalam nito. “Kahit dito lang ako sa labas basta mag-usap lang tayo.” Hindi siya sumagot. Papayag na ba sya na mag-usap kami? Hmm… Bahala sya dyan basta naniniwala ako sa kasabihang silent means yes. “Gusto ko lang… kasi… n-na… na ano…” Huhu! Mukhang hindi ko kayang sabihin, kinakabahan ako sa magiging reaksyon niya. “Just say it already! Your wasting my time.” Bakit ganyan sya ka sungit ngayon? Hindi ko gusto ang ganitong ugali nya. Naiinis ako. Parang umakyat lahat ng inis ko sa ulo ko att sumabog na. “If don’t have anything to say just go.” “Bakit ka ba nagkakaganyan? An
Chapter 12 Kring! Kring! Ano ba yan? Ang ingay naman! Natutulog yong tao e. Bakit kailangan nilang mang-istorbo ng tulog ng tao? “Patayin mo nga yan! Ang ingay e.” utos ko sa kung sinuman ang nagpapatugtog. Kring! Kring! “Tama na! Gusto ko pang matulog!” Panay ang reklamo ko pero walang nakikinig at panay pa rin ang tunog ng maingay na kung anuman yon. Kinuha ko ang unan ko para itabon sa tainga ko. Gusto ko ng katahimikan. Please, pagbigyan nyo naman ako. Kring! Kring! “Aurgh!” Napilitan akong bumangon ng wala sa oras. Idinilat ko ang mahahapdi kong mga mata dahil kulang pa ang tulog ko at inis kong hinanap ang bagay na maingay. Anong karapatan nya para bulabugin ang panaginip ko? Mapapatay ko to! Grrr! Roar! Kring! Kring! Inis kong binalingan ang tumunog na bagay. Nakita ko sa may ulunan ng higaan ko ang cellphone na ibinigay ni Señorito na nagliwanag. Hindi ko na pala papatayin ang maingay baka
Chapter 13 “Tao po!” tawag ko mula sa labas ng bahay nina lolo Berto. “Lolo! Lola! May tao po ba?” “Sandali lang!” Ayos! Nandyan si lola sa loob. Baka naistorbo namin sya sa ginagawa nya? Okay lang yan, si lolo naman ang pinunta namin dito e. Nilingon ko ang dalawa kong kasama. “Sigurado ka ba talaga dito, Reme?” usisa ni Kuya Martin. Siya ang kasama ni Señorito Adolfo ngayon. Buti nga e at pinayagan si Señorito Adolfo na pumunta dito ng lolo at lola niya pero sa isang kondisyon nga lang, iyon ay sasamahan siya ni Kuya Martin at tuwing linggo lang siya pweding pumunta dahil may klase sila ng tutor niiya. Alam kong ayaw ni Señorito na nandito na kasama namin si Kuya pero wala siyang magawa. Halata kasi sa mukha niya ang pagkadisgusto sa desisyon ng lolo at lola niya. Napakamot ako sa batok ko bago sinagot si kuya, “Hindi nga e. Pero baka may maitulong siya kay Señorito Adolfo.” “Baka mas
Chapter 19 Tapos na si Nurse Christian sa paggamot ng paa ko at pati na rin sa pagtukso sa akin. Nagsanib pwersa pa sila ni Tita Thalia sa pag-away sa akin. Kagigil! Ang buong pangalan pala ng papa ni Pepe ay Christian Aguire at talagang namana ni Pepe ang ugali na pagiging bully sa tatay niya. Bakit ba ako ang napagdidiskitahan ng mag-ama na ito?Naglalakad na kami ni Tita Thalia palabas ng hospital, pupunta pa kasi kami sa eskwelahan ko para malaman kung enrolled na talaga ako saka kukuha ng listahan ng mga kakailanganin.“How’s your foot?” tanong ni Tita Thalia na nasa daan pa rin ang pansin pero minsan ay napapasulyap sa akin. Napansin ko rin na maingat syang maglakad, siguro para hindi siya matapilok sa taas ng taking niya.“Hindi na po masakit,” sagot ko. Totoo naman kasi. Pinainum ako kanina ni Nurse Christian ng gamot na request ni Tita Thalia. Painkiller yata ang tawag ni tita sa gamot na yon. A basta! Yong gamot para hindi ko maramdaman ang
Chapter 18Namiss ko na talagang bumalik at magtrabaho sa mansion. Gusto ko na ulit na makakwentuhan ang mga nagtatrabaho doon at… mayroon din akong gustong makita. Gusto ko na syang makita uli. Bakit ba ang tagal ng mga araw at bakit ang tagal gumaling ng sugat ko? Kainis! Namiss ko na si Señorito kahit sabihin pa nating tuwing gabi tinatawagan nya ako at nag-uusap kami pero iba pa rin kasi kapag kaharap at nakakasama ko sya.Oo, nag-uusap pa rin kami ni Señorito Adolfo tuwing gabi at alam naman iyon ni tatay tsaka okay lang sa kanya. Hindi ko nga maintindihan na hindi kami nauubusan ng maikukwento sa isa’t isa tuwing gabi, para bang hindi kami nagsasawa na makipag-usap sa isa’t isa. Sa totoo lang, simula ng malaman ni Señorito Adolfo na nagkasugat ako may nagbago sa paraan ng pag-uusap naming dalawa. Nagkabaliktad na kami ng posisyon dahil ako na ang nauunang magkwento ngayon. Oo, pinapauna nya akong mag
Chapter 17 Limang araw na akong nasa bahay lang ng dahil sa sugat kong ito. Hindi na nga ako nakasama kay Señorito Adolfo sa pagpunta kay lolo Berto. Namiss ko ng lumabas at mamasyal sa paligid kasama si Señorito. Parati naman kaming nag-uusap sa tawag pero iba pa rin kasi kapag kaharap ko sya at nakikita ko. Sana gumaling na ang sugat ko. Hindi ako makapunta at makapaglakad sa labas dahil hindi ako makasuot ng tsinelas. Minsan kasi ng binalak kong bumili ng tinapay sa tindahan, hindi pa nga ako nakakaabot sa gate namin na kawayan ay tumama ang dulo ng tsinelas ko sa sakong na may sugat. Kahit anong tingkayad ng isa kong paa na hindi mapisikan ng tsinelas ay wala pa ring nagawa. Nilagnat talaga ako simula ng araw na iyon kaya hindi na ako pinapaalis ni tatay at hindi na rin ako sinusuotan ng tsinelas ang paa kong may sugat. Simula rin ng magkasugat ako ay nandito lang si tatay na nagbabantay at nag-aasikaso sa bahay. Wala raw kasi siyang trabah
Chapter 16“Reme!... Reme!... Oy! Gising!”Hmmm… Inaantok pa ako e. Sino ba itong istorbo sa tulog ko? Mamaya mo na ako gisingin. Ang sarap pa ng tulog ko e.“Reme, gising!”“Ugh! Ayaw ko, inaantok pa ako.” Huwag mong uga-ugain ang higaan, sumasakit ang ulo ko. Kainis naman e!“Nandito na tayo sa bahay nyo…” Ano bang bahay ang sinasabi mo e nasa bahay naman talaga ako natutulog. Saan pa ba ako matutulog? “Gumising ka na!” Aurg! Bakit ba kailangan pang uga-ugain ang tinutulugan ko? Naman e. Hindi ko maiwasang mapakamot sa ulo ko dahil sa inis. Masisipa ko talaga ang anira ng tulog na ito, makikita nya.“Ayaw nga, kulit! Kurutin kita dyan e.” Panay na ang reklamo ko pero tinawanan lang ako ng kung sino ito. “Mamaya na lang kasi e inaantok pa ako.”“Pero nangangawit na ang kamay at likod ko kakakarga sa iyo. Sobrang bigat
Chapter 15Itinaas ko na lang ang kaliwa kong paa at hindi na iniapak sa putik. Hindi ko masyadong mabalanse ang katawan ko gamit ang isang paa kaya inalalayan ako ni Tonton. Kinuha niya ang kanan kong kamay at ipinatong sa balikat niya para doon ako kumuha ng suporta. Nagpasalamat ako dahil sa ginawa niya.Pero marami ng dugo ang nakahalo sa putik, panay pa rin kasi ang agos mula sa sugat ko. Ngayon lang ako nakakita ng ganito karaming dugo sa mga naging sugat ko. Nanindihan ang mga balahibo ko at parang gumaan ang ulo ko na parang lilipad ako na gaya ng lobo. Ayaw ko ng ganitong pakiramdam.“Ayos ka lang, Reme?” tanong ni Tonton. Pero hindi ako nakasagot at tanging pagtango lang ang nagawa ko. Hindi naman ako takot sa dugo pero hindi ko maiwasang manghina.“Anong nangyari?” tanong ng mga dumating. Isa lang naman ang nagtanong pero hindi ko kasi nalam kung sino ang nagsalita dahil na
Hello, everyone! This is my original story at kahit hindi man kagandahan ang plot nito, kagaya ng ibang story na nabasa ninyo na may theme about CEO or warewolf or vampire, pero isa lang ang masasabi ko na ipapasyal ko kayo sa lugar ko. Ano ang inspirasyon ko sa story na to? Well, gusto ko lang na magflashback sa mga kalokohan ko, I mean, childhood memories ko. So, ayon nga… Pero hindi na kasali lovelife cause cause balungos na mas hamak na maganda ang lovelife ng bida sa kwento na to. Sana suportahan nyo itong story ni Reme. Welcome sa probinsya, Readers and enjoy reading! Love lots! Muah! EllyKim P.S.Team Señorito o Team Pepe?
Chapter 14 Haay! Limang araw na pala ang nakalipas pero parang kahapon lang nangyari yon. Sa linggo, sasamahan ko ulit sina Señorito kina lolo. Nag-uusap pa rin kami tuwing gabi at lagi niyang sinasabi na marami siyang natutuhan sa kanyang tutor. Buti pa siya may natutuhan ngayong bakasyon e ako naman ay purong lang laro at lakwatsa. Pero engjoy naman ako. Minsan lang naman akong maggagala e dahil parati akong trabaho noon kapag bakasyon. Sa araw na ito, may importante akong dapat gawin. Napakaimportante ng araw na ito dahil para it okay tatay. Magugulat lang siya mamaya pag-uwi niya dahil may surpresa ako para sa kanya. “Nagdala ka ba ng lalagyan?” tanong sa akin ni Tintin. Kapitbahay namin pero mas matanda sa akin ng isang taon. Siya ang nag-aya sa akin na sumama sa kanila ngayon. Buti nga niyaya nya ako e kaya may pagkakataon ako ngayong surpresahin si tatay. “Syepre naman. Hindi pweding kalimutan yon,” sagot ko
Chapter 13 “Tao po!” tawag ko mula sa labas ng bahay nina lolo Berto. “Lolo! Lola! May tao po ba?” “Sandali lang!” Ayos! Nandyan si lola sa loob. Baka naistorbo namin sya sa ginagawa nya? Okay lang yan, si lolo naman ang pinunta namin dito e. Nilingon ko ang dalawa kong kasama. “Sigurado ka ba talaga dito, Reme?” usisa ni Kuya Martin. Siya ang kasama ni Señorito Adolfo ngayon. Buti nga e at pinayagan si Señorito Adolfo na pumunta dito ng lolo at lola niya pero sa isang kondisyon nga lang, iyon ay sasamahan siya ni Kuya Martin at tuwing linggo lang siya pweding pumunta dahil may klase sila ng tutor niiya. Alam kong ayaw ni Señorito na nandito na kasama namin si Kuya pero wala siyang magawa. Halata kasi sa mukha niya ang pagkadisgusto sa desisyon ng lolo at lola niya. Napakamot ako sa batok ko bago sinagot si kuya, “Hindi nga e. Pero baka may maitulong siya kay Señorito Adolfo.” “Baka mas
Chapter 12 Kring! Kring! Ano ba yan? Ang ingay naman! Natutulog yong tao e. Bakit kailangan nilang mang-istorbo ng tulog ng tao? “Patayin mo nga yan! Ang ingay e.” utos ko sa kung sinuman ang nagpapatugtog. Kring! Kring! “Tama na! Gusto ko pang matulog!” Panay ang reklamo ko pero walang nakikinig at panay pa rin ang tunog ng maingay na kung anuman yon. Kinuha ko ang unan ko para itabon sa tainga ko. Gusto ko ng katahimikan. Please, pagbigyan nyo naman ako. Kring! Kring! “Aurgh!” Napilitan akong bumangon ng wala sa oras. Idinilat ko ang mahahapdi kong mga mata dahil kulang pa ang tulog ko at inis kong hinanap ang bagay na maingay. Anong karapatan nya para bulabugin ang panaginip ko? Mapapatay ko to! Grrr! Roar! Kring! Kring! Inis kong binalingan ang tumunog na bagay. Nakita ko sa may ulunan ng higaan ko ang cellphone na ibinigay ni Señorito na nagliwanag. Hindi ko na pala papatayin ang maingay baka