Share

Chapter 3

Author: Elly Kim
last update Last Updated: 2021-06-30 16:47:23

Chapter 3

Dalawa na lang kami ang naiwan sa kwarto. Naku! Ano na ang gagawin ko? Inglisero pa naman ang isang ito. Naku naman, oo!

Pero ang gwapo nya talaga Kahit na namamaga pa ang mga mata nya, malamang na kakagising nya lang. Ang magulo nya ring buhok na ang lambot tingnan, ang sarap sigurong hawak-hawakan nyan kasi alaga sa shampoo. Hindi kagaya ng buhok ko na twice a week lang malatikim ng shampoo, mumurahin pa na nabibili sa tindahan. Haay! Well, ano naman ngayon e basta may buhok kesa sa iba dyan na hindi na talaga tinutubuan ng buhok.

 Okay! Tama na munang kwento tungkol sa buhok, balik tayo kay Señorito na nakatulala pa rin habang nakaupo sa malapad niyang kama. Gusto kong makita ang kulay green nyang mga mata, wala kasing ganito sa amin e.

Naglakad ako papunta sa may dulo ng kama at tumayo kaharap niya. Nakatayo lang ako rito sa harap niya habang siya naman ay nakaupo sa malapad na kama. Hindi nya naman ako nakikita e kaya okay lang na titigan ko sya ng ganito.

“Marta said you bring breakfast?”

Susko naman! Napatakip ako sa bunganga ko ng wala sa oras. Buti hindi ako napasigaw sa gulat, bigla-bigla ba naman kasing magsalita. Dapat nagsign muna sya na magsasalita, ‘Day, ready ka na ba? Magsasalita na ako ha’. Feeling ko talaga magkakasakit ako ng sakit sa puso sa gulat e. 

Pero, wait lang? Kinausap nya ako? “Ha!Ha!Ha! Kinausap nya ako! Wow! Ang galing! Nagsalita sya at kinausap ako!” Ang saya ko talaga kaya napapalakpak pa ako at napatalon ng kaunti. Pero napatigil naman ako ng may maalala. Anong sinabi nya? Wala akong maintindihan. “You… you…ulit uli your sabi.” Sabi ko na nahihirapan dahil hindi ako masyadong magaling sa English. Huhu! Ano pang silbi ng 89 na grade ko e hindi naman ako magaling magsalita ng English. 

“What?” nakakunot noo nyang tanong. 

“Hindi nya ba naintindihan ang sinabi ko? Ano ba naman yan? Kailangan ba talagang puro English ang sasabihin ko? Sasabog utak ko nito!” reklamo ko habang ginugulo ang buhok ko. Tulong po! “Haay! Okay!...,” huminga muna akong malalim bago nagsalita, “Ahmm… Rewind you said, please.” Ayos! Straight English yun! Proud si tatay nito.

Pero di ko inaasahan ang ginawa nya, tinakpan niya ang bibig niya at yumuko saka tumaas-baba ang balikat. Wait lang? Ayos lang ba sya?

“Pfft!” pinigilan niyang may lumabas na tunog sa bibig niya.

Ano ba talagang nangyayari sa kanya? “Señorito, okay ba you?” tanong ko pero mas lumala pa ang pagtaas-baba ng balikat niya. Baka hinihika na naman sya. Pumunta ako sa may gild nya sabay sigaw ng “Hoy!”, buti naman at tumigil ang pagtaas-baba ng balikat nya. “Ayos ka na ba? Nahihirapan ka naman bang huminga? Gusto mong tawagin ko si Ma’am?” sunod-sunod kong tanong dahil kinakabahan talaga ako ng husto sa ginawa nya. Natatakot akong maulit uli ang nangyari kahapon.

“Ahem!” huminga muna syang malalim bago nagsalita, “No, I’m okay.” Pwew! Buti naman. “I’m just hungry.” Dugtong pa niya.

Ano raw? “Ha? Angry? Bakit ka angry?”

Napalingon sya sa akin at ngumiti, “I’m hungry.” Ulit niya sa sinabi. “I want to eat.” Unti-unti niyang paliwanag at hinilot-hilot pa ang tiyan niya.

“Ah… Gutom ka! Akala ko angry ka na sa akin e, may kasalanan pa ako sayo e.” Kinuha ko ang tray na ipinatong ni Ma’am Marta sa isang lamesa na nasa gilid ng kama. Inilapag ko ito sa harap ng Señorito, tutal parang maliit na lamesa naman ang design nito.

“Thanks!” 

“Teka lang? Paano ka naman makakakain nito?” napaisip ako ng malalim dahil sa tanong ko. Ano bang gagawin ko? Hmmm… Isip Reme. “AH! Want me to subo you?”

“What?” 

Di ba nya gets ang sinabi ko? ‘Subo’ lang naman ang hindi English don e. Haay naku! Mukhang ako ang mapapasubo nito. “Ganito kasi…,” panimula ko. Okay! Kaya mo ito, Reme! “I… Hold the spoon…with food…. You open mouth… like this… ahh…” Unti-unti kong sabi at ipinakita pa sa kanya kung paano ibika ang bunganga nya. “Tangik lang e! Di mo naman pala makita ang ginagawa ko.” Napakamot na lang ako sa batok ko. “You understand?” 

Pero mukhang ang labo ng sinabi ko dahil nangunot lalo ang noo niya. “No,” maikli niyang sagot.

Naku naman! Ano bang dapat kong sabihin para maintindihan nya? “I say ‘ahh’… and you open mouth. Okay?”

Ngumiti muna siya at tumango bago nagsabing, “Okay”.

Ang sarap naman ang agahan nya, inggit ako, paano ba naman e puting spaghetti ang pagkain nya. Amoy at hitsura palang matatakam ka na. Sinimulan ko nang ipaikot sa tinidor ang puting spaghetti

“Ahh…,” sabi ko sa kanya saka niya ibinuka ang bibig niya. Sinubuan ko naman siya pagkatapos. Nakakainggit naman, mukhang masarap talaga ang kinakain nya dahil nakangit pa talaga sya habang ngumunguya. “Masarap ba talaga?” Di ko na mapigilan ang sarili kong mapatanong, “Anong lasa?” 

Nilunok nya muna ang kinakain bago nagsalita, “It’s delicious… Ahh…” Sya naman ngayon ang nagsabi ng ‘ahh’ habang itinuturo ang bunganga niyang nakanganga.

“Sabi ko na e,” panimula ko at sinimulan uling kumuha ng spaghetti sa plato saka sinubuan siya. Pagkatapos nagsimula na akong magsalita, “masarap talaga ‘tong puting spaghetti. Hitsura at amoy pa lang alam ko na. The best kayang magluto si Sir Pat!” Si Sir pat kasi ang head chief ng mansion at sya talaga ang nagluluto ng kinakain nila dito. “Balang araw makakatikim rin ako ng puting spaghetti.” Pangako ko sa sarili ko. Kapag may handaan lang kasi ako makakatikim ng spaghetti at ang kulay pula pa ang sauce.

“Why wait? You can eat some, we could share.” 

“Ha?” Nagloading pa ang utak ko sa sinabi nya. Bakit kapag sa school ang galing ko sa English pero kapag kaharap ko na ang nagsasalita ng English nabablanko ang utak ko.

“Eat.. That… now.” Unti-unting sabi ni Señorito kaya naintindihan ko na.

“Talaga?” kuminang naman ang mga mata ko sa sinabi nya. Pwedi ba talaga kaming magsalo? Pero wait lang! “Hindi pwedi e.”

“Why is that?”

“Iisa lang ang tinidor at ginamit mo na. Hindi tayo pweding magshare ng iisang tinidor, no, indirect kiss kaya yun.” Paliwanag ko.

“Huh? It’s not an actual kiss anyway.”

“Nabasa yun ni Rayray sa E-book at kahit anong sabihin mo kiss pa rin yun.”

“What’s the problem with that?”

Di rin nya ba gets ang sinabi ko? “Indirect kiss yun! Indirect kiss! Gets mo? Hindi ko pweding ibigay kung kani-kanino ang kiss ko kahit indirect kiss pa yon.” Mapwersa kong paliwanag.

Itinaas nya ang dalawa ngyang kamay tanda na sumusuko na sya, “Okay! Alright! Just calm down! I won’t force you if you don’t want to eat with me.”

“Hindi ko maintindihan.” Pag-aamin ko at napakamot na rin sya sa batok nya. Marahil na nahihirapan rin syang ipaintindi sa akin ang sinasabi nya.

“I get it.” Maikli nyang sabi.

Napangiti naman ako dahil sa sagot niya. “Good!” puri ko. “Ahh…” at sinubuan ko uli sya. “Pero gusto ko talagang makatikim ng puting spaghetti.” Gusto ko talagang malaman kung anong lasa.

“Next time, bring extra utensils so you can eat with me.”

“Slowly, please,” pakiusap ko.

“Bring … a fork… for you.. to use…” unti-unti nya uling sabi kaya napangiti ako. Hindi man lang sya nainis dahil ang hina ko sa English.

“Sige! Sige! Pero wag mo akong isumbong kay Ma’am na tumutulong ako sa pagkain ng pagkain mo, ha?”

“Ofcourse!” Nakangiti rin nya sang-ayon.

“Oh! Huling subo mo na. Ahh…” at naubos na nga nya ang kinakain niya.

“Water,” Aniya at inilahad ang kamay niya sa harap ko. Kinuha ko ang basong may lamang tubig at ipinatong sa kamay niya. Hinawakan nya naman itong maigi at uminom. Pagkatapos ay ibinalik nya ito sa akin. Pagkatapos kong maipatong ang baso sa tray ay kinuha ko na ito at muling ipinatong sa dati nitong pinaglagyan. 

“So, ano ng gagawin natin?” Tanong ko ng muling makabalik sa pagkakaupo sa gilid ng kama.

“I don’t know.” Kibitbalikat niyang sagot.

Hmm? Ano kayang magandang gawin? Maganda sana kung lalabas kami at maglakad-lakad. Pero baka maulit uli ang nangyari kahapon. Ayaw ko nang mangyari yun.

“Yung kahapon!” bulalas ko na dapat ay nasa isip ko lang. Ops! “Ah, may itatanong lang ako, Señorito.” Paalam ko. Syempre kailangan munang humingi ng permiso baka mamaya ayaw nya palang tinatanong sya, di ba?

“Go on.” Anong ibig sabihin nun?

“Pumapayag ka?”

“Yes!”

“Yung tungkol kahapon, bakit bigla na lang kayo nagkaganoon? May nagawa ba akong mali?” Nasagot na rin ni Ma’am kung ano ba talaga ang dahilan pero hindi ko pa rin alam kung anong dapat kong gawin.

Iniyuko nya ang ulo nya at pinagmasdan ang mga kamay niya na nakakuyom. Bakit ganyan ang reaksyon nya? Nag-aalangan ba syang sabihin sa akin? Mahirap ba talagang sagutin ang tanong ko?

“Okay lang kung ayaw mong sagutin.”

Mukhang nakahinga sya ng maluwag dahil sa sinabi ko. “I’m sorry. I just don’t want to talk about it.” Mahirap nga siguro sa part niya ang magkwento.

“Anong gagawin ko? Baka kasi maulit uli yung kagaya kahapon. Takot na akong maulit pa yun.”

“Just don’t touch me.” Diretsa nyang sagot.

“Sobra naman yun. Paano kita maaalalayan nun?”

“You can hold on, here, to the hem of my shirt or in my sleeves.” Aniya at itinuro naman ang laylayan ng damit nya at ang manggas ng suot nyang manipis na jacket. Sa damit na lang ako hahawak.

“Okay! Yung na lang ang gagawin ko.” Ngayon alam ko na ang dapat kong gawin.

“Pero, teka lang,” may isa pa akong napansin sa pag-uusap naming ngayon. “Hindi na ako nagsasalita ng English, di ba?” Tanong ko sa sarili ko. “Paano mo nasasagot ang mga tanong ko? Nakakaintindi ka ng Tagalog?”

************************************

“Oh! Bakit bumaba ka na kaagad?” tanong sa akin ni Ate Rosa nang makita nya akong papasok sa kusina dala-dala ang tray na may nakapatong na platong walang laman at basong may kauting tubig. Si Ate lang ang nandito sa kusina malamang na sya ang nakaatas na maglinis ng kusina.

Naglakad ako papalapit kay ate na nakatayo pa rin sa harap ng malinis na lababo. “Inihatid ko lang po ito,” sabi ko at iaangat sana ang tray para maipatong sa lababo pero kinuha kaagad ito ni ate at sya na ang nagpatong. “Salamat po!” Hindi ko maintindihan pero matamlay ako ngayon dahil sa nalaman ko.

“Anong problema?” Malamang na nahalata rin ni Ate Rosa ang pagiging matamlay ko.

“Niloko nya ako, Ate Rosa,”sumbong ko na parang isang batang naghahanap ng kakampi. “Nahirapan na ako’t lahat-lahat, iyon pala….” Naiintindihan nya rin pala ang sinasabi ko. Hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil hindi ko kaya. “Nasayang lang ang effort ko.” Effort ko sa pagsasalita ng English para mas maintindihan nya lang ako.

TInawanan lang ni Ate Rosa ang pamamaktol ko sa Señorito. 

“Ate naman e,” saway ko.

“Sorry na! Sorry na!” pero tawa pa rin ng tawa. “Pfft! Para ka kasing manliligaw na hindi sinagot----.” 

“Ate!” pamamaktol ko. Hindi ko na pinatapos ang sinabi nya dahil baka kung ano pang sabihin nya.

“Okay! Stop na si Ate. Wag nang magtampo ang cute na Reme namin, okay,” pang-aalo ni Ate Rosa kaso pinangigilan nya naman ang pisngi ko. Pero mas lalo pang nangasim ang mukha ko na ikinatawa naman niya.

“Reme, are you there?” Narinig kong tawag ni Señorito na papasok pa lang sa kusina.

Napatigil naman si Ate sa panggigigil sa pisngi ko at parehong nabaling ang pansin namin sa bukana ng kusina.

“Sinusundo ka na ng boyfriend mo,” tukso ni Ate Rosa at nagkatinginan kaming dalawa. Binitawan nya na rin ang pisngi ko.

“Hindi ko boyfriend si Señorito. Hindi kami pweding magboyfriend dahil sa sya ang Señorito,” pamamaktol ko pero di ko maiwasang mag-init ang pisngi ko, siguro dahil sa inis.

Itinaas naman ni Ate Rosa ang dalawa niyang kamay na para bang sumusuko na sa laban. “Sige! Sige!” pagsuko ni ate pero binigyan nya naman ako ng kakaibang ngisi. Ngisi na para bang nagsasabing may sasabihin itong di maganda. “Pero crush mo sya, di ba?”

Mas umusok pa ang pisngi ko sa sobrang init. “Ate Rosa!” saway ko pero mas lumakas lang ang tawa ni ate. Naman e!

“Reme!” tawag ng Señorito na ngayon ay nakapasok na ng kusina habang nangangapa at dala niya ang baston na ginagamit ng mga bulag. Hindi ko alam ang tawag don e. “Reme?” muli niyang tawag.

“She’s here,” anunsyo ni Ate Rosa kaya tiningnan ko sya ng masama. Pero kinindatan nya lang ako at ginulo ang buhok ko. “Mag-usap kayo. Huwag laging LQ. Hindi yun maganda sa relasyon.” 

“Ano bang pinagsasabi mo ate?” inis kong sabi at inalis ang kamay nya na panay pa rin ang gulo sa buhok ko. Padabog akong naglakad sa harap ng Señorito at nameywang na parang nanay na nahuling nagbubulakbol ang anak. “Sinabi ko na sayong di tayo bati, di ba?” inis kong sabi.

“I’m sorry. I didn’t mean it. At first, I still don’t know you so I’m a little bit wary around you. Until I totally forgot to tell you,” paliwanag niya sa akin. Para sya ngayong batang nagpapaliwanag dahil nawala niya ang 20 pesos na pambili ng suka sa tindahan. Sa medaling salita, nagpapaawa para makalusot sa kasalanan.

“Huwag mo kong ini-English dahil di kita maintindihan,” inis kong sabi. Naiinis talaga ako kanina nang malaman kong nakakaintindi pala siya ng Tagalog at nakakapagsalita rin kahit papaano.

“Sorry. I really am. Please! Forgive me, please!”

“Hindi nga ako makaintindi ng English e. Ang kulit mo rin!” Napapahilot na lang ako sa sintido ko dahil sa katigasan ng ulo nya. English sya ng English e hindi ko nga sya maintindihan. Humakbang siya papalapit sa akin at ginalaw pakaliwa’t pakanan ang basting hawak hanggang sa tumama na ang dulo nito sa dulo ng paa ko. “Naiinis ako sayo,” pag-aamin ko.

“I won’t do it again, I promise,” sabi niya at nagpromise sign pa na nakaangat ang isa niyang palad katulad ng nanunumpa. Hindi ako sumagot at nakatingin lang sa kulay green nyang mga mata. “Promise!” dagdag pa niya.

“Hindi mo na uulitin na lokohin ako,” paninigurado ko.

“Yes, never gonna happened again.” May palingo-lingo pa niyang sabi na sinasabi na hindi na talaga mangyayari ang ganoong bagay. Siguradong-siguradong talaga siya.

“Promise?”

“I promise!”nakangiti pa siya habang nagsasalita.

“Okay! Pinatawad na kita. Pero kaunti lang, konti lang ang nabawas sa inis ko sayo.” 

“What should I do for you to forgive me completely?”

“Magtagalog ka nga, marunong ka naman e. Alam mo nang hindi ako masyadong makaintindi ng English e.”

“Okay. I try to speak Tagalog if you forgive me, completely.”

Ang tigas talaga ng bagol ng isang ito, e, ano? Ilang beses ko nang sinabing hindi ako makaintindi ng English, konti lang.

“Wala akong maintindihan. Magsalita ka nga kasi ng Tagalog.” 

“Sige. Salita ako Tagalog basta hindi ka sakin galit.” Nahihirapan niyang sabi.

“Nagtagalog sya? Nagtagalog sya! Ang galing!” naibulalas ko sa tuwa kaya napatakip ako ng bibig. “Ahem!... Sige! Bati na talaga tayo.” Sabi ko na parang walang nangyari.

“Really?” Masaya nyang sabi at humakbang uli paabanti.

“Hep!” saway ko sa kanya at nagstop sign pa sa harap niya kahit hindi nya ako nakikita, buti na lamang at huminto sya. “Bati na tayo basta magtagalog ka na simula ngayon.” Patawarin mo ako, Señorito, kailangan kong maisalba ang utak ko. Gusto ko pang mabuhay ng matagal, sana maintindihan mo.

Related chapters

  • Pangarap na Kasama Ka   Chapter 4

    Chapter 4Araw ng Sabado at ngayon ang araw na iyon, nandito pa rin ako sa bahay. Sa totoo lang, sa bahay lang naman talaga ako kapag Sabado. Ito ang araw na pinili ko para makasama ang bahay namin. Bonding time naming ng bahay. Sa araw na ito ibubuhos ko ang lahat ng lakas ko para gumawa ng mga gawaing bahay. Yup! Gawaing bahay ang ginagawa ko kapag Sabado. Wala kasing ibang maasahan sa bahay dahil nagtatrabaho pa rin si tatay kapag ganitong araw kaya ako na lang ang maiiwan sa bahay.Nagluluto ako ngayon ng agahan namin tutal ako ang naunang magising sa aming dalawa ngayong araw.“Wow! Nagluto ang prinsesa ko. Ano kayang menu namin ngayong umaga?” bungad ni tatay nang makapasok siya ng kusina.“Kanin at nilagang itlog,” sagot ko sa tanong niya habang nasa pinapatay na apoy pa rin ang pansin. Inin na lang kasi ang kaning niluluto ko.“Saan mo nilaga ang itlog?” Nagtataka siguro si tatay ng makitang

    Last Updated : 2021-07-08
  • Pangarap na Kasama Ka   Chapter 5

    Chapter 5 Alas tres na ng hapon ng matapos ko ang labahan ko. Grabeng kuskusan at kusutan ang ginawa ko para lang matapos ang lahat ng lalabhan ko. Peew! Kapagod, pero ayos lang! May mga kasama rin kasi ako sa paglalaba kaya hindi rin boring. At isa pa, nagpaunahan kami sa paglalaba na kung mahuli ay talo. Hindi man ako ang nauna pero hindi rin naman ay ang nahuli. Haha! Safe! Pagkatapos maglaba, nagkayayaan na maligo sa batis kaya hindi na ako humindi dahil basa na rin naman ako. Saka naghanap kami ng kagang sa likod ng mga malaking bato. Alam nyo ban a ang dami kong nahuli. Ang galing ko! Ulam na kayo mamaya sa akin. Hehe! Para sa kaalaman ng lahat ang kagang ay isang maliit na parang alimango na nabubuhay sa tubig tabang at nagtatago sa mga bato. Ngayong pauwi na kami, pakanta-kanta pa ako habang naglalakad. Ang saya ko dahil libre na ang ulam naming mamaya. Ano kayang magandang menu sa mga kagang na to? Ginataan? Pakulua

    Last Updated : 2021-07-10
  • Pangarap na Kasama Ka   Chapter 6

    Chapter 6 Hagis. Kuha ng bato. Tuldok. Tuldok. Salo. Hagis. Kuha ng bato. Tuldok. Tuldok. Salo. Dalawang linggo na lang, graduation na namin! Excited na ako! Pero ngayong papalapit na ang pikahihintay naming okasyon e super busy kami lalo pa sa pagmemorize ng graduation song at tamang pagkuha ng diploma. Paulit-ulit na nga e at nakakasawa na. Kanina nga ilang beses kaming paulit-ulit na kumanta at nagpraktis din kami kung paano umakyat ng stage para kukunin ang diploma saka bababa. Namamaos na nga ako kakakanta at nangangawit na kakatayo sa taas ng stage. Saka paulit-ulit pa kaming akyat-baba ng stage para sa pagkuha ng diploma. Anong akala nila sa amin, ulyanin na madaling makalimot? Ngayon nga lang kami ipinagpahinga ni Ma’am dahil recess at may pasok kami kay Sir Sungit pagkatapos. Hindi naman talaga Sungit ang pangalan ni Sir pero sadyang masungit lang ang ugali niya kaya tinatawag namin siyang Sir Sungit kapag wala siya sa ha

    Last Updated : 2021-07-17
  • Pangarap na Kasama Ka   Chapter 7

    Chapter 7 Bank account. Magkakaroon na ako ng bank account! Hooray! Ang saya ko! Gusto kong magtatalon sa sobrang saya. Tuturuan daw ako ni Ma’am Marta kung paano magdeposit ng pera at kung paano rin ito i-withdraw. Ang saya ko dahil ang sosyalin ng pagtataguan ng pera ko--- nakabangko ang pera ko. O di ba? Feeling ko ang yaman ko na dahil nasa bangko nakatago ang pera ko. “La… la… la… la…” Napapakanta na lang ako sa sobrang saya. Walang mapaglagyan ang kasayahan ko ngayon. “I can say that you’re happy,” sabi naman ng kasama ko ngayong naglalakad. Nilingon ko sya at nasa harap lang ang pansin niya habang ginagalaw pakaliwa’t pakanan ang baston na hawak niya. Si Señorito itong kasama ko. Nagpaalam kasi siya kanina, nang matapos na kaming mag-usap ni Señora, na gusto niyang mamasyal sa paligid. Kaya heto kami, naglalakad ng magkasabay habang may nakataling ribbon sa isa niyang kamay na nakakonekta

    Last Updated : 2021-07-17
  • Pangarap na Kasama Ka   Chapter 8

    Chapter 8Hapon na nang magising si Señorito kaya naging panatag na ako. Hindi ko maiwasang mag-alala hanggat hindi ko nakokomperma na okay na talaga siya. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may masamang mangyari sa kanya. Hindi na ako makapaghintay pa na makita at masiguradong na maayos na sya.Tok! Tok! Tok!Pagkatok ko sa pintuan ng kwarto ng Señorito. Ipinatawag nya raw kasi ako pagkagising niya at pumunta rin ako rito dahil pinayagan rin naman ako si Señor at Señora na makita siya. Mayroon rin kasi akong gustong sabihin sa kanya kaya nandito ako ngayon.“Come in!” Narinig ko ang tawag niya mula sa loob kaya pumasok na ako. “Reme, is that you?” kaagad niyang tanong.Isinarado ko muna ang pintuan bago sumagot, “Opo, Señorito.” Lumapit ako sa kanya. Nakaupo siya sa gilid ng kanyang kama na

    Last Updated : 2021-07-18
  • Pangarap na Kasama Ka   Chapter 9

    Chapter 9This is it! The day has finally come! Graduation na! Ito na ang araw na pinakahihintay ko. Tapos na ang maliligayang araw ko sa elementary level dahil high school na ako sa pasukan. Yehey!Pero nakakangawit palang maghintay sa labas ng gate para sa pagmartsa papasok ng school, hinintay pa kasi ang super late na guest speeker. Nakakaantok rin ang makinig sa mga English nilang speech na sobrang haba, grabe talaga ang pigil ko para hindi ako mapikit sa sobrang antok. Nakakakaba rin ang maghintay ng pagtawag ng pangalan ko para umakyat ng stage at kumuha ng diploma, hindi pala, coupon pala na nirolyo. Pero ang mas nakakatawa ang nagsiksikan at nagtutulakan kami sa ibabaw ng stage habang kumakanta ng graduation song.“Hoy ! Ikaw ha! Kahit sa Marquez high ka na mag-aaral, huwag mo kaming makakalimutan. Kapag ginawa mo yon babatukan kita ng paulit-ulit hanggang sa matandaan mo ang pangalan namin ni Isming.” Naii

    Last Updated : 2021-07-19
  • Pangarap na Kasama Ka   Chapter 10

    Chapter 10 Naikuwento na ni tatay ang nangyari sa pagitan nila ni nanay. Habang kumakain kami ng cake e sinabi nya sa akin lahat. Sinabi niya mula sa unang pagkikita nila, paano sila naging malapit sa isa’t-isa at kung anong nangyari bakit wala rito si nanay na kasama namin. Ngayon, magkukwento ako sa naging sad story nina nanay at tatay, sad ang story nila dahil hindi happy ending ang naging resulta. You know, ang kabaliktaran ng happy ay sad. Joke! Okay, seryoso na talaga! Una, nagkita sina nanay at tatay sa bayan na ito. Dito mismo sa bayan ng Buenafortuna. Kinupkop nila si nanay dahil wala itong mauwian, buhay pa noon sina lolo at lola ko. Dito mismo sa bahay na ito tumira si nanay ng halos tatlong taon at sa loob ng mahabang panahon na iyon ay nagkagustuhan sila ni tatay. Handa na silang bumuo ng sariling pamilya. Pero, dumating ang asawa ni nanay. Oo, may a

    Last Updated : 2021-07-24
  • Pangarap na Kasama Ka   Chapter 11

    Chapter 11 Tok! Tok! Tok! Kumatok ako sa pinto ng kwarto niya. “Señorito,” tawag ko. “Go away! I don’t want to see anyone right now,” malamig nyang pagtaboy sa akin. Ang sungit na naman nya. “Gusto lang naman kitang makausap e.” mayroon lang kasi akong gustong sabihin at siya ang gusto kong makaalam nito. “Kahit dito lang ako sa labas basta mag-usap lang tayo.” Hindi siya sumagot. Papayag na ba sya na mag-usap kami? Hmm… Bahala sya dyan basta naniniwala ako sa kasabihang silent means yes. “Gusto ko lang… kasi… n-na… na ano…” Huhu! Mukhang hindi ko kayang sabihin, kinakabahan ako sa magiging reaksyon niya. “Just say it already! Your wasting my time.” Bakit ganyan sya ka sungit ngayon? Hindi ko gusto ang ganitong ugali nya. Naiinis ako. Parang umakyat lahat ng inis ko sa ulo ko att sumabog na. “If don’t have anything to say just go.” “Bakit ka ba nagkakaganyan? An

    Last Updated : 2021-07-24

Latest chapter

  • Pangarap na Kasama Ka   Chapter 19

    Chapter 19 Tapos na si Nurse Christian sa paggamot ng paa ko at pati na rin sa pagtukso sa akin. Nagsanib pwersa pa sila ni Tita Thalia sa pag-away sa akin. Kagigil! Ang buong pangalan pala ng papa ni Pepe ay Christian Aguire at talagang namana ni Pepe ang ugali na pagiging bully sa tatay niya. Bakit ba ako ang napagdidiskitahan ng mag-ama na ito?Naglalakad na kami ni Tita Thalia palabas ng hospital, pupunta pa kasi kami sa eskwelahan ko para malaman kung enrolled na talaga ako saka kukuha ng listahan ng mga kakailanganin.“How’s your foot?” tanong ni Tita Thalia na nasa daan pa rin ang pansin pero minsan ay napapasulyap sa akin. Napansin ko rin na maingat syang maglakad, siguro para hindi siya matapilok sa taas ng taking niya.“Hindi na po masakit,” sagot ko. Totoo naman kasi. Pinainum ako kanina ni Nurse Christian ng gamot na request ni Tita Thalia. Painkiller yata ang tawag ni tita sa gamot na yon. A basta! Yong gamot para hindi ko maramdaman ang

  • Pangarap na Kasama Ka   Chapter 18

    Chapter 18Namiss ko na talagang bumalik at magtrabaho sa mansion. Gusto ko na ulit na makakwentuhan ang mga nagtatrabaho doon at… mayroon din akong gustong makita. Gusto ko na syang makita uli. Bakit ba ang tagal ng mga araw at bakit ang tagal gumaling ng sugat ko? Kainis! Namiss ko na si Señorito kahit sabihin pa nating tuwing gabi tinatawagan nya ako at nag-uusap kami pero iba pa rin kasi kapag kaharap at nakakasama ko sya.Oo, nag-uusap pa rin kami ni Señorito Adolfo tuwing gabi at alam naman iyon ni tatay tsaka okay lang sa kanya. Hindi ko nga maintindihan na hindi kami nauubusan ng maikukwento sa isa’t isa tuwing gabi, para bang hindi kami nagsasawa na makipag-usap sa isa’t isa. Sa totoo lang, simula ng malaman ni Señorito Adolfo na nagkasugat ako may nagbago sa paraan ng pag-uusap naming dalawa. Nagkabaliktad na kami ng posisyon dahil ako na ang nauunang magkwento ngayon. Oo, pinapauna nya akong mag

  • Pangarap na Kasama Ka   Chapter 17

    Chapter 17 Limang araw na akong nasa bahay lang ng dahil sa sugat kong ito. Hindi na nga ako nakasama kay Señorito Adolfo sa pagpunta kay lolo Berto. Namiss ko ng lumabas at mamasyal sa paligid kasama si Señorito. Parati naman kaming nag-uusap sa tawag pero iba pa rin kasi kapag kaharap ko sya at nakikita ko. Sana gumaling na ang sugat ko. Hindi ako makapunta at makapaglakad sa labas dahil hindi ako makasuot ng tsinelas. Minsan kasi ng binalak kong bumili ng tinapay sa tindahan, hindi pa nga ako nakakaabot sa gate namin na kawayan ay tumama ang dulo ng tsinelas ko sa sakong na may sugat. Kahit anong tingkayad ng isa kong paa na hindi mapisikan ng tsinelas ay wala pa ring nagawa. Nilagnat talaga ako simula ng araw na iyon kaya hindi na ako pinapaalis ni tatay at hindi na rin ako sinusuotan ng tsinelas ang paa kong may sugat. Simula rin ng magkasugat ako ay nandito lang si tatay na nagbabantay at nag-aasikaso sa bahay. Wala raw kasi siyang trabah

  • Pangarap na Kasama Ka   Chapter 16

    Chapter 16“Reme!... Reme!... Oy! Gising!”Hmmm… Inaantok pa ako e. Sino ba itong istorbo sa tulog ko? Mamaya mo na ako gisingin. Ang sarap pa ng tulog ko e.“Reme, gising!”“Ugh! Ayaw ko, inaantok pa ako.” Huwag mong uga-ugain ang higaan, sumasakit ang ulo ko. Kainis naman e!“Nandito na tayo sa bahay nyo…” Ano bang bahay ang sinasabi mo e nasa bahay naman talaga ako natutulog. Saan pa ba ako matutulog? “Gumising ka na!” Aurg! Bakit ba kailangan pang uga-ugain ang tinutulugan ko? Naman e. Hindi ko maiwasang mapakamot sa ulo ko dahil sa inis. Masisipa ko talaga ang anira ng tulog na ito, makikita nya.“Ayaw nga, kulit! Kurutin kita dyan e.” Panay na ang reklamo ko pero tinawanan lang ako ng kung sino ito. “Mamaya na lang kasi e inaantok pa ako.”“Pero nangangawit na ang kamay at likod ko kakakarga sa iyo. Sobrang bigat

  • Pangarap na Kasama Ka   Chapter 15

    Chapter 15Itinaas ko na lang ang kaliwa kong paa at hindi na iniapak sa putik. Hindi ko masyadong mabalanse ang katawan ko gamit ang isang paa kaya inalalayan ako ni Tonton. Kinuha niya ang kanan kong kamay at ipinatong sa balikat niya para doon ako kumuha ng suporta. Nagpasalamat ako dahil sa ginawa niya.Pero marami ng dugo ang nakahalo sa putik, panay pa rin kasi ang agos mula sa sugat ko. Ngayon lang ako nakakita ng ganito karaming dugo sa mga naging sugat ko. Nanindihan ang mga balahibo ko at parang gumaan ang ulo ko na parang lilipad ako na gaya ng lobo. Ayaw ko ng ganitong pakiramdam.“Ayos ka lang, Reme?” tanong ni Tonton. Pero hindi ako nakasagot at tanging pagtango lang ang nagawa ko. Hindi naman ako takot sa dugo pero hindi ko maiwasang manghina.“Anong nangyari?” tanong ng mga dumating. Isa lang naman ang nagtanong pero hindi ko kasi nalam kung sino ang nagsalita dahil na

  • Pangarap na Kasama Ka   Author’s Note 

    Hello, everyone! This is my original story at kahit hindi man kagandahan ang plot nito, kagaya ng ibang story na nabasa ninyo na may theme about CEO or warewolf or vampire, pero isa lang ang masasabi ko na ipapasyal ko kayo sa lugar ko. Ano ang inspirasyon ko sa story na to? Well, gusto ko lang na magflashback sa mga kalokohan ko, I mean, childhood memories ko. So, ayon nga… Pero hindi na kasali lovelife cause cause balungos na mas hamak na maganda ang lovelife ng bida sa kwento na to. Sana suportahan nyo itong story ni Reme. Welcome sa probinsya, Readers and enjoy reading! Love lots! Muah! EllyKim P.S.Team Señorito o Team Pepe?

  • Pangarap na Kasama Ka   Chapter 14

    Chapter 14 Haay! Limang araw na pala ang nakalipas pero parang kahapon lang nangyari yon. Sa linggo, sasamahan ko ulit sina Señorito kina lolo. Nag-uusap pa rin kami tuwing gabi at lagi niyang sinasabi na marami siyang natutuhan sa kanyang tutor. Buti pa siya may natutuhan ngayong bakasyon e ako naman ay purong lang laro at lakwatsa. Pero engjoy naman ako. Minsan lang naman akong maggagala e dahil parati akong trabaho noon kapag bakasyon. Sa araw na ito, may importante akong dapat gawin. Napakaimportante ng araw na ito dahil para it okay tatay. Magugulat lang siya mamaya pag-uwi niya dahil may surpresa ako para sa kanya. “Nagdala ka ba ng lalagyan?” tanong sa akin ni Tintin. Kapitbahay namin pero mas matanda sa akin ng isang taon. Siya ang nag-aya sa akin na sumama sa kanila ngayon. Buti nga niyaya nya ako e kaya may pagkakataon ako ngayong surpresahin si tatay. “Syepre naman. Hindi pweding kalimutan yon,” sagot ko

  • Pangarap na Kasama Ka   Chapter 13

    Chapter 13 “Tao po!” tawag ko mula sa labas ng bahay nina lolo Berto. “Lolo! Lola! May tao po ba?” “Sandali lang!” Ayos! Nandyan si lola sa loob. Baka naistorbo namin sya sa ginagawa nya? Okay lang yan, si lolo naman ang pinunta namin dito e. Nilingon ko ang dalawa kong kasama. “Sigurado ka ba talaga dito, Reme?” usisa ni Kuya Martin. Siya ang kasama ni Señorito Adolfo ngayon. Buti nga e at pinayagan si Señorito Adolfo na pumunta dito ng lolo at lola niya pero sa isang kondisyon nga lang, iyon ay sasamahan siya ni Kuya Martin at tuwing linggo lang siya pweding pumunta dahil may klase sila ng tutor niiya. Alam kong ayaw ni Señorito na nandito na kasama namin si Kuya pero wala siyang magawa. Halata kasi sa mukha niya ang pagkadisgusto sa desisyon ng lolo at lola niya. Napakamot ako sa batok ko bago sinagot si kuya, “Hindi nga e. Pero baka may maitulong siya kay Señorito Adolfo.” “Baka mas

  • Pangarap na Kasama Ka   Chapter 12

    Chapter 12 Kring! Kring! Ano ba yan? Ang ingay naman! Natutulog yong tao e. Bakit kailangan nilang mang-istorbo ng tulog ng tao? “Patayin mo nga yan! Ang ingay e.” utos ko sa kung sinuman ang nagpapatugtog. Kring! Kring! “Tama na! Gusto ko pang matulog!” Panay ang reklamo ko pero walang nakikinig at panay pa rin ang tunog ng maingay na kung anuman yon. Kinuha ko ang unan ko para itabon sa tainga ko. Gusto ko ng katahimikan. Please, pagbigyan nyo naman ako. Kring! Kring! “Aurgh!” Napilitan akong bumangon ng wala sa oras. Idinilat ko ang mahahapdi kong mga mata dahil kulang pa ang tulog ko at inis kong hinanap ang bagay na maingay. Anong karapatan nya para bulabugin ang panaginip ko? Mapapatay ko to! Grrr! Roar! Kring! Kring! Inis kong binalingan ang tumunog na bagay. Nakita ko sa may ulunan ng higaan ko ang cellphone na ibinigay ni Señorito na nagliwanag. Hindi ko na pala papatayin ang maingay baka

DMCA.com Protection Status