Page 4 Eclair's P.O.V Mabilis lamang na natapos ang klase at dahil may vacant ang iba sa amin, lumabas ang iba sa mga blockmates ko samantalang nanatili naman ang iba, malamang may iba sa kanila ang naghihintay sa susunod nilang subject. Hindi naman kami pare-pareho ng schedule. "Tara! Labas na tayo, punta tayo sa bar ni Vince." Aya sa amin ni Arvin na ngayon ay nakapamulsa na naghihintay sa amin sa pintuan. Isinabit ko na sa magkabilaan kong balikat ang backpack ko. Ano tingin n’yo sa akin? Magsho-shoulder bag? Siyempre, hindi. “Talagang ikaw pa ‘yung nag-aya, eh ‘no?” si Richard. Bumungisngis si Arvin. “Gusto ko mag-isang shot.” Labas ngipin na sabi nito tsaka ako tiningnan. “Kapagka knockout ako, hatid mo ‘ko sa ‘min, Eclair.” Nilagpasan ko siya. “Neknek mo.” Lumabas
Last Updated : 2021-10-23 Read more