February's POV "Magandang umaga, Donya Ligaya, nabisita ho ata kayo?" tanong ni Lola na siyang nakikichismisan lang kina Aling Juana kanina. "Ah, magandang umaga rin, Carla. Binibisita lang namin ang apo nitong si Emilya," sabi ni Donya Ligaya na nagpapaypay pa gamit ang malaki niyang pamaypay. "Magandang umaga, Carla," bati nitong si Donya Emilya kay Lola. "Kumusta ka na?" tanong pa nito at ngumiti. Kumpara kay Donya Ligaya, mas palakaibigan namang tignan itong si Donya Emilya. "Mabuti naman, Donya Emilya," sabi ni Lola sa kanya. "Emilya na lang, Carla, para namang hindi tayo naging magkaibigan noon," sabi nito kay Lola. Ngumiti na lang si Lola, base sa ngiti nito, mukhang hindi nga sila naging magkaibigan. "Ito nga pala ang apo ko, si Zeal. Baka naman pupwede kong ibilin sa'yo. Gusto kasi nitong
Last Updated : 2021-07-13 Read more