Share

Chapter 2

Author: Ronx
last update Huling Na-update: 2021-06-14 14:12:46

February’s POV

Sapphire. Nice name.

“Why did they name you, February? Are you born in Febrauary?” tanong niya at natawa pa sa akin. Umiling  naman ako sa kanya.

“Oh...” sabi niya at natango. Hindi naman na ako nagsalita at nanatili na lang ang tingin sa kalsada.

“I’ll call you Febi," nakangiti niyang saad sa akin. Hindi ko alam kung narinig niya lang sa tawag o gusto niya lang talaga akong tawaging Febi. Napakibit naman ako ng balikat. Ayos lang din naman sa akin ‘yon dahil sigurado akong hindi na kami magkikita pagkatapos ng araw na ito.

Well, baka magkikita pa rin pala. Para namang pinagsisihan kong nangutang ako dito. Hindi ko alam kung paano ako magbabayad pero mas mahirap namang galitin si Donya Ligaya, baka si Lola at Lolo pa ang pagdiskitahan nito.

“Akin na!” sambit ko at sinubukang kunin sa kanya ang itlog ngunit hindi niya ako pinansin at siya na itong naunang lumabas mula sa kotse niya pagkarating namin sa hacienda.

“Akin na...” bulong ko pa sa kanya ngunit nagpatuloy lang siya sa paglalakad.

“Febi! Bakit naman ang tagal mo! Kanina ko pa hinihintay ‘yang--“ Bago pa matuloy ni Ate Daisy ang sasabihin ay nahinto na siya nang makita si Sapphire na siyang may buhat ng itlog.

“Oh? Nandiyan na ba ‘yong apo ni Carla? Aba, ang tagal naman!” Manenermon na sana si Donya Ligaya habang palabas ng bahay. Nagpapaypay pa ito kahit na malamig naman na dahil sa ulan.

“Pasens—“ Bago ko pa natuloy ang sasbihin ko ay si Sapphire na ang nagsalita.

“Pasensiya na ho kayo, Donya Ligaya, nabasag po kasi ang nga itlog dahil sa akin. Hindi ko po nakita na may tatawid," sabi ni Sapphire at ngumiti pa kay Donya Ligaya.

Agad ko siyang tinignan. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa dito o dapat bang mairita dahil umamin na siyang kasalanan talaga niya ang pangyayari.

“Ganoon ba, hijo? Halika’t uminom ka muna ng kape at mukhang giniginaw ka na,” sabi pa ng Donya kay Sapphire. Lumabas naman ang isa pang matandang babae mula sa loob ng bahay nito.

“Nandiyan ka na ba, Apo?” tanong nito.

“Nakapasiyal ka ba ng maayos?” tanong pa nito.

“Siguradong hindi, Emilya, bigla na lang umulan e," sabi ni Donya Ligaya.

“Ipasamahan na lang kita kay Denis sa susunod, hijo," sabi ng Donya na tinutukoy ang apo niyang lalaki na si Denis.

Hindi naman ako sanay na nakikitang mabait ito sa kanyang mga bisita. Madalas kasi ay siya ang pinupuri ng pinupuri ng mga ito. Napatingin naman ako kay Sapphire, mukhang mas makapangyarihan ito kaysa kina Donya Ligaya.

Napakibit na lang ako ng balikat at yumuko na lang hudyat ng pagpapaalam. Hindi rin naman nila ‘yon mapapansin dahil hindi rin naman nila kami binibigyan ng pansin ni Ate Daisy na nakatingin lang sa kanila.

Paalis na sana ako kaya lang ay agad akong hinila ni Sapphire sa palapulsuhan. Napatingin naman ako sa kanya at napakunot ang noo.

“If you don’t mind, we’ll just talk for a little bit. Excuse us," sabi ni Sapphire na yumuko sa dalawang matanda. Pinanonood lang naman kami ng mga ito.

Hinila naman ako ni Sapphire patungo sa maliit na silungan malayo sa mga matandang nakatingin sa amin.

“Bakit?” tanong ko sa kanya na nakakunot ang noo.

“Aba, tatakasan mo na lang ako pagkatapos mong mangutang?” Nakataas ang kilay na tanong niya sa akin.

“Huh? Hindi no,” sabi ko at naoanguso na lang.

“Then where are you going?” tanong niya.

“Kukunin ang bike ko?” tanong ko.

“Pagkatapos?” tanong niya pa ulit.

“Uuwi na," natatawa kong saad.

“Don’t get me wrong! Babayaran naman kita pero pwede bang hulugan na lang?” tanong ko at alanganing ngumiti pa dito.

“Well, may alam akong paraan para mabayaran mo ako agad," sabi niya at ngumisi. Agad akong napaatras at napayakap sa sarili ko dahil dito.

“What? Do you really think I’m pervert?” natatawa niyang tanong sa akin.

“That’s not what I’m talking about," sabi niya at napailing pa sa akin.

“I want you to tour me here," sabi niya sa akin at ngumiti.

“Seryoso ba?” tanong ko. Kung ipapasiyal ko lang pala ito parang win win situation na rin sa akin ‘yon.

“Ayaw mo ba?” tanong niya pa sa akin.

“Gusto!” mabilis kong sagot at baka mamaya ay bawiin niya pa ito. Napatawa lang siya ng mahina sa akin at hinila ako patungo sa loob ng bahay nina Donya Ligaya. Nanlaban naman ako sa kanya. Kung makaasta akala mo bahay niya. Tinikom ko na lang ang bibig bago pa may masabi.

“Uuwi na ako, hinahanap na ako sa amin,” sabi ko sa kanya na napakamot pa sa ulo.

“Alright," sabi niya ngunit hinila pa rin ako patungo sa loob.

“Lola, can I make some coffee? We’ll going to stay there," sabi ni Sapphire at tinuro ang preskong kubo mula sa labas. Pinagkunutan ko naman siya ng noo.

“Yeah, you can ask the maid, hijo,” sabi ni Donya Ligaya.

Bumaba naman ang apo nitong si Piolo mula sa kwarto niya. Ang lamig lamig na nga ay nakahubad pa ito. Kumpara sa kapatid nitong si Denis na spoiled brat, mas mabait si Piolo.

“Hey, Bro,” bati niya kay Sapphire. Lalagpas na sana kaya lang ay agad niya akong nakita.

“Febi! Sabi ko na nga ba, tama ang hinuha ko!” tuwang tuwa nitong saad at kumaway pa sa akin. Batchmates kami at mabait naman ito kaya magkasundo rin kami.

“Nagpaulan ka? Nako, lagot ka sa Lola mo," natatawa niyang saad at inakbayan ako. Palihim ko namang inaalis ang akbay nito kahit sanay na sa ugali nitong ganito.

Napapatingin sa amin ang Lola ni Sapphire. Samantalang sanay naman na si Donya Ligaya sa apo dahil marami talagang dinadalang babae ang binata dito sa hacienda. Well, gwapo naman kasi si Piolo kaya marami ring nabibingwit na mga dalaga.

“Kumain ka na? Tara sa kusina. Nagluluto sina Ate Daisy,” sabi niya at ngumiti sa akin.

“La, sa kusina lang kami!” Paalam pa nito sa Donya na tumango lang sa kanya.

Inaalis ko naman ang pagkakaakbay nito ngunit ang bigat bigat talaga ng kamay. Napatingin naman ako sa kamay na nag-alis no’n at nauna ng pumasok sa kusina.

“Kakain ka rin, Bro?” nakangiting tanong ni Piolo kay Sapphire.

“Bawal?” tanong ni Sapphire sa kanya.

“No, of course not, I’m just asking, Bro," nakangiti nitong sambit ngunit mukhang hindi nagustuhan ang asta ni Sapphire.

Napatingin naman ako kay Piolo nang makitang kinakausap niya pa rin si Sapphire kahit na mukhang walang balak na makipag-usap ito. Mukhang mas maimpluwensiya nga talaga ang pamilya ni Sapphire dahil sa bayan na ito, mas gugustuhin ng lahat na mapunta sa side ng mga De Castro. Sa bayan na ito, sila ang tinitingala ng lahat kaya hindi nila kailangan magpakumbaba sa iba.

Kaya sobrang yabang ng apo ni Donya Ligaya na si Denis e.

“Ate Daisy, pakidagdag po ng bacon akin!” sabi ni Piolo kay Ate Daisy. Si Piolo lang ata ang mapagkumbaba sa mga apo ni Donya Ligaya.

“Kayo po, Sir?” tanong ni Ate kay Sapphire na tahimik lang sa isang tabi.

“Just coffee, Ate," aniya.

“Nako, Febi, hinahanap ka na ng Lola mo, tumatawag na sa akin si Isaac,” sabi ni Ate Daisy na pinakita  ang number ni Isaac na tumatawag sa kanya.

“Nako, Ate, paniguradong wala lang ‘yan magawa at may free load nanaman kay Danielo,” naiiling kong saad. Hindi ako ang tatawagan nito dahil papatayan ko lang siya.

“Oh, ikaw na ang sumagot,” natatawang saad ni Ate.

“Ano?” bungad ko agad sa kanya. Tumalikod naman at tumayo na ako dahil pinapanood nila ang galaw ko.

“Bakit ikaw ang sumagot? Gusto kong kausapin si Ate Daisy," sabi niya at napatawa pa.

“Huwag mo nga akong pinagloloko, Isaac. Ano? Hinahanap na ba ako sa amin?” tanong ko sa kanya.

“Ah, Hindi. Hindi ka nila lab," natatawa niya pang saad.

“Punyeta ka, nagsasayang ka nanaman ng load. Ipasa mo na lang sa akin ‘yan," sabi ko na napairap pa dito. Tinawanan niya lang ako mula sa kabilang linya.

“Pero pinauuwi ka na nga. Akala ata ng Tatang mo nakikipagdate ka pa,” sabi niya sa akin. Hindi ko alam kung nagbibiro ba ito o ano.

“Oo, uuwi na,” sabi ko naman.

“Bakit? Ano bang ginagawa mo diyan? Nakikikain? Sana sinama mo ako." Pinatayan ko na siya dahil kung ano ano lang ang sasabihin nito.

“Halos pati pagtulog kasama mo na ‘yong si Isaac pero mukhang namimiss ka na agad,: naiiling na saad ni Piolo sa akin.

“Ah, Hindi. May load lang kaya nangungulit kay Ate Daisy," natatawa kong saad at napailing na lang.

“Nga pala, Febi, anong balak mo ngayong bakasiyon? Baka gusto mong pumasok dito sa hacienda, naghahanap ng trahabador si Lola," sabi nito sa akin.

“Hindi na siguro muna, Piolo," sabi ko sa kanya.

“Kapag nagbago isip mo, tawagan mo lang ako,” sabi niya sabay turo sa phone ko.

“Oo sige,” natatawa kong saad.

“Hindi mo pa ba papalitan ‘yang cellphone mo? Ang tagal na niyan, ah?” tanong pa niya.

“Gumagana pa naman saka hindi ko naman kailangan niyang ganyang mamahalin niyong cellphone, sa bukid lang naman ako," natatawa kong saad. Kami na nga lang ata ni Isaac ang walang touch screen na cellphone dahil parehas kaming nalilibang lang din naman sa bukid. Hindi nanamin kailangan pang bumili, sayang din ang ipon kung sakali. Ilang libo rin kasi ‘yon.

“Ikaw naman kasi, binibigay ko na sayo ang luma kong cellphone, ayaw mo pang tanggapin,” sabi pa niya sa akin.

“Nako, Piolo, hindi ko rin ‘yon magagamit,” natatawa kong saad at napailing na lang.

Napasulyap naman ako kay Sapphire na tahimik lang sa isang tabi. Ni hindi mo mabasa ang iniisip nito. Hinahalo halo niya lang ang kape.

Nagsimula naman na kaming kumain, lagay naman ng lagay ng pagkain sa pinggan ko si Piolo.

“Hoy, ano ‘yan? Sa akin mo binibigay ang tira-tira mo, ah?” biro ko sa kanya.

“Hindi no," natawa na lang siya sa akin at nilagay pa ulit ang iba. Nailing na lang ako at nagpatuloy kumain. Kumakain na rin naman sina Ate Daisy kaya hindi rin nakakahiya saka normal na lang ito sa hacienda nina Donya Ligaya.

“Uuwi ka na niyan?” tanong ni Piolo sa akin. Tinanguan ko naman siya.

“Hatid na kita!” sabi niya sa akin at ngumiti.

“Nandiyan ang bike ko," sabi ko na lang dahil nakakahiya naman na magpahatid pa ako dito pagkatapos kong kumain.

“Umuulan pa! Hatid na kita," sabi niya pa ulit.

“May iniuutos sayo ang Lola mo, Piolo," seryosong saad naman ni Sapphire na ngayon lang ulit nagsalita. Napatingin naman si Piolo sa kanya. Sinukuan niya na kasi ang pakikipag-usap dito kanina dahil panay tango lang ang mga sagot nito.

Aangal pa sana siya ngunit agad na lang na napatango.

“Ah, oo," aniya at wala ng nagawa pa.

Nagpahinga lang kami sandali bago nagsitayo na. Inayos ko naman na ang pinagkainan namin at sinubukan ng hugasan ngunit inagawan na ako ni Ate Daisy. Palabas na sana ako dahil nakapagpaalam na sa mga katulong at kay Piolo. Sa likod na sana dadaan kaya lang ay agad kong nakita si Sapphire na nakadantay sa may pintuan.

Nilahad niya ang cellphone niya sa akin kaya nagtataka ko naman ‘yon na tinitignan.

“Hindi ko na kailangan pa ng ganiyan kamamahaling phone," sabi ko sa kanya.

“I’m not giving it you,” natatawa niyang saad sa akin.

“I’m just asking you to type down your number," sabi niya pa at halos humagalpak na ng tawa sa akin. Agad ko siyang sinamaan ng tingin kahit pinamumulhan na ako ng mukha.

“Siguraduhin mo lang na tama ‘yan, ha?” sabi niya pa sa akin.

“Oo, hindi ko naman tatakasan ang utang ko no!” Kahit ano talagang pagpapakalma ko sa sarili, kapag siya na itong nagsasalita parang kusa na lang kumukulo ang dugo ko kahit na mukha naman siyang mabait. Alam kong may koneksiyon ito kina Donya Ligaya at isang pitik lang nito ay pwede na niyang mapatumba ang pamilya namin kaya lang ay nakakainis talaga ang ngisi sa mga labi niya na tila ginawa para lang inisin ako.

Nilagpasan ko na siya pagkatapos kong ilagay ang number ko. Hinanap ko naman ang bike ko ngunit hindi ko makita.

Wala akong nagawa kung hindi balikan si Sapphire na nakadantay pa rin sa pintuan.

“Nasaan ang bike ko?” inis kong sambit sa kanya.

“Nasa junk shop," nakangisi niyang saad.

Kaugnay na kabanata

  • When The Rain Poured   Chapter 3

    February’s POV“I’m just kidding,” humahagalpak ng tawa niyang saad. Kinagat ko naman ang ibabang labi ko para pigilan ang magsalita.“Let’s go, ihahatid kita," sabi niya at ngumiti pa sa akin.“Ibigay mo na lang ang bike ko ng makauwi na ako," inis kong saad sa kanya. Tumango naman siya sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin dahil mukhang wala talaga itong balak na ibalik ang bike ko sa akin.Wala naman akong nagawa kung hindi ang sumunod na sa kanya. Tumapad naman kami sa kotse niya. Nakalagay sa likod ang bike ko.“Tara na, mukhang matagal pang titila ang ulan,” sabi niya sa akin at sumakay na sa kotse niya. Kukunin ko na sana ang bike ko kaya lang ay nakatali pa sa likod kaya nahila niya na ako bago ko pa maalis.“Alam mo ba ang daan?” tanong ko sa kanya.&nb

    Huling Na-update : 2021-07-11
  • When The Rain Poured   Chapter 4

    February’s POVI wake up early in the morning, hindi katulad kahapon na maulan, papasikat naman na ang araw ng buksan ko ang bintana.Kusa na lang kumibot ang mga labi at napangiti habang pinagmamasdan ang payapang paligid. Nanatili lang ang mga mata ko doon hanggang sa mapagpasiyahan ng magluto ng almusal.Nagluto naman na ako ng binating itlog at nagsangag na rin ng kanin. Pakanta kanta pa ako habang nagluluto, sinasabayan ang awitin sa radyo.Nagtimpla na muna ako ng kape bago ako tuluyang lumabas ng bahay.“Tang, mag-almusal ho muna kayo," sabi ko kay Lolo habang nilalapag ang pagkain sa lamesa dito sa kubo.“Aya, Cali, kain na!” sigaw ko kina Aya at Cali na siyang nakatingin lang kay Lolo na siyang pinapastol na ang kanyang kalabaw.Pakusot-kusot pa ng mga matang lumap

    Huling Na-update : 2021-07-12
  • When The Rain Poured   Chapter 5

    February's POV"Magandang umaga, Donya Ligaya, nabisita ho ata kayo?" tanong ni Lola na siyang nakikichismisan lang kina Aling Juana kanina."Ah, magandang umaga rin, Carla. Binibisita lang namin ang apo nitong si Emilya," sabi ni Donya Ligaya na nagpapaypay pa gamit ang malaki niyang pamaypay."Magandang umaga, Carla," bati nitong si Donya Emilya kay Lola."Kumusta ka na?" tanong pa nito at ngumiti. Kumpara kay Donya Ligaya, mas palakaibigan namang tignan itong si Donya Emilya."Mabuti naman, Donya Emilya," sabi ni Lola sa kanya."Emilya na lang, Carla, para namang hindi tayo naging magkaibigan noon," sabi nito kay Lola. Ngumiti na lang si Lola, base sa ngiti nito, mukhang hindi nga sila naging magkaibigan."Ito nga pala ang apo ko, si Zeal. Baka naman pupwede kong ibilin sa'yo. Gusto kasi nitong

    Huling Na-update : 2021-07-13
  • When The Rain Poured   Chapter 6

    February’s POV“Fuck!” Nagulat naman ako nang makitang may nakatayo sa harapan.“Pwede bang magsalita ka naman, Isaac, kapag nandito ka, ha?” tanong ko at tumayo sa pagkakaupo ngunit agad na nagulat nang makitang hindi pala si Isaac ito.“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko kay Sapphire at nakakunot ang noo habang tinitignan siya.Nginiwian niya naman ako at ginulo pa ang gulo-gulo niyang buhok. Mukhang kagigising lang nito kahit anong oras naman na. Ang dami-dami ko ng nagawa ngunit mukhang marami na rin siyang nagawa sa panaginip.“Oh... Good morning, Mr. Prinsepe," natatawang biro ko dahil mukha pa rin itong inaantok kahit na may mug ng hawak. Parang hindi pa rin naman gumagana ang utak nito, nakatayo lang habang nakatingin sa akin ng walang emosiyon.“Anong problema mo, Boi?”

    Huling Na-update : 2021-07-15
  • When The Rain Poured   Chapter 7

    February’s POV“Good morning!” Halos masemplang naman ako sa bike nang may bumati sa akin.“Shit..." bulong ko nang magpagewang gewang ako, mabuti na lang ay nahawakan nitong si Sapphire.“Anong ginagawa mo rito?” tanong ko sa kanya.“Jogging?” nakangiti niyang tanong.“Your grandma said you’ll go to the market today," sabi nito at ngumiti.“Kakapalengke mo lang kahapon," sabi ko sa kaniya na pinangkitan pa siya ng mga mata.“Yeah, but I forgot something,” sabi niya at ngumiti.“Sa dami ng pinamili mo, may nakalimutan ka pa?” tanong ko sa kanya na naiiling.Napakibit naman siya ng balikat at sumabay sa pagbabike ko. Ni hindi naman jogging ang ginagawa nito

    Huling Na-update : 2021-07-15
  • When The Rain Poured   Chapter 8

    February’s POV“Ang weak mo naman," natatawa kong sambit kay Sapphire na nandito sa tapat ng bahay namin at nakikilaro kina Aya at Cali. Naglalaro sila ngayon ng sipa. Mukhang wala nanamang magawa si Sapphire. Sarap talaga ng buhay ng mokong.Sabagay, hapon naman na kasi at maski kami ay wala ng ginagawa.“Ate Febi, ang galing kaya ni Kuya Zeal!” Pagtatanggol ni Aya kay Sapphire.“Mas magaling kaya si Ate!” sabi ni Cali.“Hindi ba, Ate Febi?” tanong ni Cali at nginitian ako. Natatawa ko namang ginulo ang buhok nito.“Kampihan oh, kampi ko si Kuya Zeal!” sabi ni Aya. Tinignan ko naman siya na kunwari ay nagtatampo ngunit iniwas niya ang tingin sa akin.“Magaling din si Ate Febi pero magaling si Kuya Zeal," pambawi niya. Hindi ko alam

    Huling Na-update : 2021-07-15
  • When The Rain Poured   Chapter 9

    February’s POV“Ano ‘tong nabalitaan kong nakipag-away ka daw kay Ruby, Febi?” tanong ni Lolo sa akin. Napakagat naman ako sa ibabang labi ko nang mapagtantong alam na pala agad nina Lolo at Lola.“Pasensiya na po, Tang...” guilty’ng saad ko. Tahimim lang naman si Sapphire habang pinaghahain ni Lola ng pagkain.“Huwag kang humingi ng pasensiya, Febi, hindi mo naman kasalanan,”csabi ni Lola sa akin.“’Yan, kinukunsinti mo kasi ang batang ‘yan, Carla," sabi ni Lolo kay Lola at napailing pa.“Hindi naman sa ganoon pero alam mo naman ang ugali no’ng Ruby na ‘yon, siguradong may sinabi nanamang kung ano," sabi ni Lola na napangiwi pa dahil dito.“’Yon na nga ang punto, Carla, alam na ang ugali no’ng si Ruby pero pinatulan

    Huling Na-update : 2021-07-16
  • When The Rain Poured   Chapter 10

    February’s POV“Hoy, saan ka pupunta at bihis na bihis ka?” tanong ni Isaac na pinanliliitan ako ng mga mata.Napatikhim naman ako at sinamaan siya ng mga mata dahil halatang ipapahamak nanaman ako nito.“Magsisimba,” sabi ko at napaiwas ng tingin.“Bihis na bihis?” tanong niya na akala mo detective na kailangan alam ang lahat.“At akala ko ba ang kasama mo ay ang Lola mo?” tanong pa niya sa akin na tila hindi naniniwala.“Magsisimba ako sa bayan!” sabi ko na tinulak siya sa dibdib. Natatawa lang naman siyang nailing sa akin.“Oh? Kasama mo si Sapphire?” tanong niya sa akin. Itatanggi ko pa sana kaya lang ay mukhang si Sapphire ang tinitignan niya ngayon.“Good morning...” bati nito

    Huling Na-update : 2021-07-16

Pinakabagong kabanata

  • When The Rain Poured   Epilogue

    Sapphire’s POV“Tangina, Pre, hindi ka ba nagsasawa diyan sa gawain mo? Halos araw-araw alak,” sambit sa akin ng mga kaibigan ko. Wala akong pinansin isa sa kanila.Patuloy lang ako sa pagtungga, I drink until I passed out.“Uminom ka na naman!” galit na galit na saad ng Daddy ko na siyang nalinis na ang pangalan pero wala pa rin akong lakas ng loob na balikan si Febi lalo na’t baka galit pa rin siya.“Ano bang pakialam mo? Kung hindi dahil sa’yo, kami pa sana ni Febi, nasa akin pa rin sana siya…” Panduduro ko pa habang lasing na lasing, hindi na alam ang gagawin. Nakaramdam naman ako ng suntok galing sa kaniya ngunit hindi ko ‘yon ininda. Walang-wala ang sakit na ‘yon sa nararamdaman ng puso ko.“Ano, Zeal? Wala ka na bang gustong gawin kung hindi ang mag-inom?” tanong sa akin ni Lola at nakatan

  • When The Rain Poured   Chapter 71

    February’s POV“Wews, nandito nanaman si Febi, bantay sarado na naman si Zeal,” sambit ni Isaac kaya naman sinamaan ko siya ng tingin. Tinawanan niya lang naman ako.“Huwag kang kakain, ah?” sabi ko dahil may dala-dala akong lunch para sa mga trabahador para dito sa bahay na pinapagawa namin.“Joke lang naman, hindi ka naman mabiro,” natatawa niyang saad sa akin at aakbay pa sana kaya lang bago niya pa ‘yon magawa may bumangga na sa kaniyang braso.“Pucha, damot,” natatawang sambit ni Isaac kay Sapphire. Napailing na lang ako sa kaniya.“Anong ginagawa mo rito? Akala ko ba nasa site ka nina Mayor?” tanong ko sa kaniya.“I’m done with my works there,” sabi niya naman.“Tapos ka na rin naman dito?” tanong namam ni Isaac. Sabatero talaga kah

  • When The Rain Poured   Chapter 70

    February’s POV“Araw-araw ata talagang may party kina Donya Ligaya,” natatawang saad ni Isaac habang nagmamaneho. Patungo kami sa bahay nina Donya Ligaya dahil may party ata na gaganapin para kina Denis at ng girlfriend nito.Imbitado kami as always. Nang makarating kami do’n ay binati agad kami ng ilang mga kaibigan.Ayaw ko sanang pumunta dahil sa nangyari noong nakaraan kaya lang baka may masabi ulit si Donya Ligaya kaya nagtungo na lang ako. Tahimik lang naman ako habang nandito sa party. Lumapit sa akin si Jigs at ngumiti.Hindi ko siya magawang ngitian lalo na’t hindi pa kami nakakapag-usap simula no’ng magtalo kami noong nakaraan.“Kumain ka na, Febi?” tanong niya sa akin.“Busog pa ako,” sambit ko naman sa kaniya.“Oh… Do you want anything?” tanong niya

  • When The Rain Poured   Chapter 69

    February’s POVPagkalabas ko sa cr ay agad kong nakita si Sapphire na nasa tapat ng pinto. He’s looking at me. Hindi ko alam kung narinig niya ba ang usapan namin sa likod.“Well, I did slap here,” sambit ko dahil sa tingin nitong tila’y namimintang dahil rinig na rinig mula dito sa labas ang lakas ng iyak ni Fiona.“You didn’t give me away, did you?” tanong niya na para bang kayang kaya ko ‘yong gawin. Well, kung ang batang February siguro’y mauuto pa ng mga salita ngunit nadala na ako sa lahat ng pinagdaanan ko. Hindi niya siguro maiwasang maalala si Ate Reena at ang pagrereto ko sa kanya noon.“Of course not,”vsambit ko kahit na ang totoo’y sinabi kong kapag pinananatili siya ni Sapphire nang kahit isang beses ay irereject ko ito. Sa totoo lang hindi talaga ako sigurado roon at hindi ko rin alam kung sinabi niyang &lsquo

  • When The Rain Poured   Chapter 68

    February’s POVNangatal ang mga labi ko sa ginaw pagkaahon ko sa tubig dito sa swimming pool. Gabing-gabi na’t wala pa rin silang kasawa-sawang nagbabad.Kusa na lang na kumibot ang ngiti sa aking mga labi nang ipatong sa akin ni Sapphire ang tuwalyang kakakuha niya lang ata sa taas.“Want to take a walk?” sabi ko at nginitian siya. Tinignan niya muna ako na nangangatal pa rin ang mga labi sa sobrang lamig.“Huwag na, masiyadong malamig sa dalampasigan,” sambit niya. Hinila ko lang siya. Nakapaa lang kaming dalawa habang naglalalad dito. Hindi ko maiwasang matuwa habang pinagmamasdan ang karagatan ngayong gabi. Tanginang ang buwan lang ang nagsisilbing ilaw.Hindi ko pa maiwasang mapangiti habang nakatingin sa katabi kong inabot pa ang extra’ng tuwalya sa akin at pinatong pa ulit.“I’m fine, bagong ahon la

  • When The Rain Poured   Chapter 67

    February’s POVHanggang sa maggabi ay iniisip ko pa rin ang sinabi ni Sapphire sa akin.Nandito na kami ngayon sa tapat ng bofire at halos lahat kami’y abala sa pakikipagkwentuhan, hindi ko naman tinitignan si Sapphire dahil ayaw kong lingunin ito.Tahimik lang ako, nandito pa rin si Fiona at katabi nanaman ni Sapphire.“Marshmallow,” sambit ni Sapphire sa akin at inabutan ako ng stick.“Thanks...” mahina kong sambit. Tumango lang naman siya. Nasa kabilang parte naman ang mga bata, naglalaro ng sungka. Kahit na matanda na sina Aya at Cali, hindi pa rin nawawala sa kanila ang paglalaro niyon. Naging libangan na kasi talaga.Habang kami naman dito ay nag-iinuman. Halos lasing na nga ang iba naming kasamahan. Maski ako’y nakailang shots na rin.“Let’s play a game!” masaya nilang sam

  • When The Rain Poured   Chapter 66

    February’s POV“Oh... you’re here na pala talaga...” sabi niya sa akin na nakataas pa ang kilay. She’s still pretty, mas lalo nga lang gumanda ngayon, mas lalo pang humaba ang kanyang buhok at mas lalo pang pumuti.Napangisi naman ako habang pinagmamasdan siya. Hanggang ngayon pala ay nakabuntot pa rin ito kay Sapphire, maraming bali-balita ang tungkol sa kanila lalo na’t artista si Fiona kaya lang ay huminto rin ito ilang taon ang nakalipas.Nakita ko naman kung paano ang pag-alis ni Sapphire sa pagkakahawak ni Fiona sa kanya. Nakangiti ako ngunit nakataas ang kilay ngayon. Hindi ko naman mapigilang mapangiti sa kanya nang lumapit sa akin si Sapphire.“Is it really true that you’re courting that girl?!” malakas na sigaw niya kay Sapphire. Medyo nagulat naman ako roon kung sabagay kalat nga sa buong probinsiya namin na nililigawan ako nitong Sapph

  • When The Rain Poured   Chapter 65

    February’s POV“Don’t forget to bring my gift,” natatawa pang saad ni Isaac mula sa kabilang linya. Hindi ko na lang pinansin pa ang sinasabi nito at tinulungan na lang sina Aya at Cali na buhatin ang mga gamit na dadalhin namin para sa birthday ni Isaac.May pa-outing kasi ang Lolo mo. Oh ‘di ba? Ang yaman na? Samantalang noon ay ni singkong duling ay ayaw akong pahiramin.Wala naman kaming masasakyan dito kaya dadalhin ko ang kotse ko para makapunta sa pagkikitaan namin.Napatingin naman ako kay Sapphire na kasama rin sa outing. Sobrang tagal din naman kasi nilang magkasama ni Isaac. Mas pagkakamalan ko pa nga na sila ang magbestfriend. Paano naman kasi lahat ata ng projects nila ay sila itong tandem.“Let me carry that, Febi,” sabi niya na kinuha sa akin ang bag na hawak. Napatango naman ako. Nakasunod lang naman kaming dalawa ni Aya.

  • When The Rain Poured   Chapter 64

    February’s POV“Anong ginagawa mo rito?” tanong ko kay Sapphire.Napatingin tuloy sa amin ang ibang tao dito sa clinic.“Oh, mukhang hindi sasabay sa atin si Febi, tara na’t lumayas,” natatawang sambit nila sa akin. Napakunot naman ang noo ko habang nakatingin kay Sapphire.May dala kasi itong lunch box, iniwanan naman kami nina Paula.“Sobra ba ang lunch niyo? Pinapaabot ni Mayor?” tanong ko pa. Napakunot naman ang noo niya sa akin dahil dito.“No, of course not. I cooked that,” sambit niya.“Anong meron?” hindi ko maiwasang itanong.“Don’t forget to eat,” sambit niya na iniabot pa ang lunch sa akin. Napaawang naman ang labi ko dahil sa kanya. Agad din naman siyang umalis sa tapat ko.Hindi ko pa rin maiwasa

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status