February’s POV
“Ang weak mo naman," natatawa kong sambit kay Sapphire na nandito sa tapat ng bahay namin at nakikilaro kina Aya at Cali. Naglalaro sila ngayon ng sipa. Mukhang wala nanamang magawa si Sapphire. Sarap talaga ng buhay ng mokong.
Sabagay, hapon naman na kasi at maski kami ay wala ng ginagawa.
“Ate Febi, ang galing kaya ni Kuya Zeal!” Pagtatanggol ni Aya kay Sapphire.
“Mas magaling kaya si Ate!” sabi ni Cali.
“Hindi ba, Ate Febi?” tanong ni Cali at nginitian ako. Natatawa ko namang ginulo ang buhok nito.
“Kampihan oh, kampi ko si Kuya Zeal!” sabi ni Aya. Tinignan ko naman siya na kunwari ay nagtatampo ngunit iniwas niya ang tingin sa akin.
“Magaling din si Ate Febi pero magaling si Kuya Zeal," pambawi niya. Hindi ko alam kung dapat ba akong matawa dito o ano.
“Sige ba!” sabi naman ni Cali na siyang na sa tabi ko na.
“Galingan natin, Ate ah?” tanong niya sa akin. Natatawa ko lang siyang tinanguan.
“Kung sinong matatalo, manlilibre," sabi ni Cali. Mukhang kampanteng-kampante ito ngayon. Aba, mamaya matalo kami, paggagastusin pa ako ng batang ito. Well, ‘yon ay kung matatalo.
“Sige ba, kung sinong matatalo manlilibre ng halo halo!” sabi pa ni Aya.
“Ang lakas ng loob niyo, may pera ba kayo, ha?” tanong ko ng natatawa sa kanilang dalawa.
“Mayroon, Ate! Nasa alkansiya!” sabi naman ni Aya. Napatawa na lang ako ng mahina at napatango sa kanila.
“Game,” sabi ko pa na iniabot pa sa kanila ang sipa.
“Ang Ate Febi mo pa talaga ang hinamon mo, Aya?” natatawang tanong ni Isaac na may dala-dalang halo-halong naupo sa tabi ko.
Sabay naman na nakalunok si Aya at Cali kaya natatawa na lang akong napapailing.
“Hinahanap ka nga pala ng manliligaw mo, Febi," sabi niya sa akin kaya pinagkunutan ko siya ng noo.
“Si Noel, tinawagan ako, hindi mo raw sinasagot ang cellphone mo,” natatawa niyang saad. Makikipagtalo pa sana ako sa kanya kaya lang ay nagsimula naman na si Aya. Nakatatlo naman ito. Nang natapos naman na ni Sapphire ay napapalakpak si Aya. Nakalabing lima rin kasi ito.
“Not bad," nakangisi kong saad.
Si Cali naman ang sumipa, nakalima ito. Kabadong-kabado naman si Aya sa tabi. Natawa na lang ako habang tinitignan siya.
“Woah!” bulong ni Cali nang matapos ako.
“22 lang, Febi? Dati umaabot ka pa ng 30 ah?” tanong ni Isaac na tila hindi pa nakuntento doon.
“Hindi ako tumatanggap ng opinyon ng dalawa lang e talo na agad,” natatawa kong saad sa kanya. Nagmake face lang siya sa akin.
Napatingin naman ako kay Aya na medyo nalungkot ngayon.
“Kunin ko na po alkansiya ko,” sabi nito at ngumuso. Magsasalita na sana ako ngunit si Cali na ang unang nagsalita.
“Huwag mo ng galawin ang iyo, Aya, ‘yong akin na lang,” sabi ni Cali. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil dito. Kuyang kuya talaga ang dating ng batang ito. Parehas ko naman silang nilapitan at ginulo ang buhok.
“Huwag niyo ng galawin ‘yon, may pera pa ang Ate,” sabi ko sa kanilang dalawa at parehas pang nginitian. Parehas naman silang nabuhayan at natuwa dahil dito.
“Tara lets!” sabi ko at nginitian sila.
“Tara, Sapphire." Yaya ko rin kay Sapphire na nakatingin lang sa amin.
“Ako, Febi? Hindi mo ba ililibre?” natatawang tanong ni Isaac sa akin. Inirapan ko lang siya at hindi pinansin. Hindi na rin naman ito sumunod. Sigurado naman akong nagpapahinga lang ‘to sandali at babalik na rin sa pagpapastol ng mga alaga niya.
Nang makarating kami sa bilihan ng halo-halo, si Aling Ruby ang bumungad sa amin.
“Ana! Ana! Lumabas ka diyan, dalian mo!” malakas na sigaw ni Aling Ruby nang makita ang kasama ko.
“Bakit ba, Ma?!” padabog pa na tanong ni Ana Marie ngunit nang makita si Sapphire ay agad itong nabuhayan at ngumiti ng malapad.
“Uyy, Zeal," nakangiti niyang bati dito at nagpabebe nanaman. Tinanguan lang siya ni Zeal dahil kinakausap nito ang mga kapatid kong sina Aya at Cali.
“Apat na large," sabi ni Sapphire na tinuro ang malalaking baso.
“Nah, make it 6," sabi niya pa ng mapaisip. Tinignan ko naman siya dahil dito. Aba, hindi siya ang magbabayad nito.
“Apat lang, Ana,” sabi ko kay Ana Marie na hindi naman pinansin ‘yon.
“Six ba, Zeal?” tanong pa ni Ana Marie na malanding hinawakan ang pangkayod ng yelo. Hindi ko alam kung dapat ba akong matawa sa itsura nito ngayon o ano. Paano ba naman ay ang sagwa ng itsura niya ngayon habang si Aling Ruby naman ay natutuwa pa sa anak.
Napailing na lang ako at nanatiling nakatayo rito sa pwesto ko.
“Ang init talaga ngayon no?” tanong ni Ana Marie na pinapakita ang collar bone at pinapangpaypay ang kamay. Pinipigilan ko namang matawa dahil sa itsura niya ngayon.
Hindi rin naman kasi siya pinapansin ni Sapphire. Para lang tuloy siyang tanga na kinakausap ang sarili.
“Oo nga, Anak, ang init nga ngayon,” sabi ni Aling Ruby na sinasalo ang anak sa kahihiyan. Sinamaan pa ako nito ng tingin nang makitang napapangisi ako. Well, sa lahat ng kapitbahay ko, si Aling Ruby lang talaga itong hindi ko magawang pakisamahan dahil kahit ano namang gawin mong mabuti rito ay hindi niya pa rin ‘yon napapansin at patuloy pa rin sisiraan sa ibang tao.
Madalas akong mainis sa kaniya dahil doon noon, lalo na’t naririnig ko pa siyang sinisiraan si Lola sa ibang tao kahit na ang bait ng pakikitungo sa kaniya nito. Bata pa lang ako ay kumukulo na ang dugo namin sa isa’t isa kaya pati si Ana Marie ay nahawaan na rin sa galit ng ina sa akin. Wala naman akong kaso kay Ana Marie dahil ako lang naman madalas ang siraan niya. Ayos lang ‘yon sa akin hangga’t hindi niya sinisira ang reputasiyon ng pamilya ko.
“Ito na, Zeal, oh...” nakangiting niyang saad habang inaabot isa isa ang halo halo.
“Ito ang iyo," sabi niya pa na malanding inaabot kay Zeal ang halo halo. Halos mapuno ito ng mga sangkap.
“Bakit naman ganiyan, Ana Marie?” mahinahon kong tanong nang makitang parang wala man lang sangkap ang halo-halo ng mga kapatid ko.
“Ano nanaman ang nirereklamo mo, February?”.tanong ni Aling Ruby na nakapamewang pa habang nakatingin sa akin. Nakataas na agad ang kilay nito na tila handa na agad akong insultuhin. Pinipigilan ko naman ang sarili kong magsalita at pinakalma na lang.
“Ano? Hindi ka makapagsalita ngayon? Ang galing-galing mong awayin si Ana, palibhasa mas maganda sayo,” sabi niya pa. Napangiwi naman ako dahil dito. Pakihanap paki ko?
Napa-buntonghininga pa ako at kinagat ang labi para hindi makapagsalita ng masama.
“Tama lang naman ‘yan sa inyo, ha? Palibhasa patay gutom,” natatawa niya pang saad kaya hindi ko na napigilang magsalita.
“Hindi mo ba ‘yan nakikita, Aling Ruby? Parang isang piraso nga lang ata ‘yang beans para sa mga kapatid ko. Hindi patay gutom ang tawag do’n, nagtatanong lang ho ako," sabi ko sa kanya na pinakita pa ang baso. Hinawakan naman ako sa braso ni Sapphire habang sina Aya at Cali naman ay humawak sa laylayan ng t-shirt ko.
“Aba, nagreklamo ka pa, February? Saka sinong kapatid? Hindi mo naman mga kapatid ‘yan!” natatawa niyang saad sa akin. Para namang kumulo ang dugo ko dahil doon. Kinuyom ko naman ang kamay at kaunti na lanv ay mabubulyawan ko na ito.
“Febi, ito na ang sa’yo," sabi ni Sapphire sa akin. Pinakita ang halo-halo na bigay sa kanya ni Ana. Nakita ko naman ang epekto nito sa mag-ina, parehas pa silang nainis.
“Hindi naman kasi ‘yon ang pinupunto ko rito. Ang pagiging bias niyang si Aling Ruby ang gusto kong maitama," abi ko pa.
“Aba, masama bang damihan ang para sa magiging future boyfriend ng anak ko?” tanong pa ni Aling Ruby. Natigilan din siya nang mapagtanto ang sinabi.
Nagtawanan naman ang ilang kapit bahay niyang nakarinig. Sinamaan tuloy ako nito ng tingin, hindi naman ako nagpatalo at ibinalik ko rin ‘yon sa kanya. Sino ba siya para sabihing hindi ko kapatid sina Aya at Cali?
Ilalapag ko na sana ang bayad ko para makaalis na ngunit si Sapphire na ang nagbayad.
“Let’s go,” sabi niya sa akin na hinila na ako habang sina Aya at Cali naman ay nakasunod lang sa aming dalawa.
Pinakalma ko naman ang sarili dahil sa iritasyon sa mag-ina na ‘yon. Hindi naman mainitin ang ulo ko kaya lang kapag si Aling Ruby na talaga ay kusa na lang akong hihigh blood-in.
“Cali, bigay mo kina Lola at Lolo mo,” sabi ni Sapphire na iniabot ang dalawang halo-halo kay Cali. Tumango naman si Cali dito.
“Ate? Ayos ka lang?” tanong ni Aya sa akin.
“Oo naman," sabi ko na lang at nginitian ito. Hindi naman nawawala ang tingin nila sa aking dalawa ni Sapphire. Inilingan ko na lang sila dahil napakalma ko naman na ang sarili kahit paano.
“Here,” Abot ko kay Sapphire kaya kinunutan niya ako ng noo.
“It’s my treat for Cali and Aya," sabi niya at nagkibit ng balikat.
“Tatlong beans naman na ang nakain ko, Ate. Hindi lang isa ang nilagay ni Ate Ana," sabi ni Aya. Hindi ko alam kung matatawa ba ako dito o ano. Ginulo ko naman ang buhok ni Aya.
“Thank you daw, Kuya,” sabi ni Cali nang makabalik na sa tabi namin.
“Ate, hayaan niyo na lang po si Ate Ana, ang sabi ni Inigo, inggit daw sa'yo ang Ate niya,”.sabi ni Cali sa akin. Ang dalawang ito, ang pagiging chismoso pa ata ni Isaac ang mamamana.
Madami silang kwento na talaga namang nagpakalma na sa akin ng tuluyan. Napapangiti na lang si Sapphire habang nakatingin sa dalawa.
Nang matapos kaming kumain ng halo-halo ay nagtungo na ako sa likod samantalang sina Cali at Aya ay sinundo na rin ng mga kalaro nila. Dahil wala namang magawa si Sapphire at ako lang ang kilala nito dito ay sumama siya sa akin.
Nanonood lang naman siya habang inaayos ko lang ang mga halaman. Kinukwentuhan ko lang siya ng kung anong tungkol sa akin habang nakikinig lang naman siya.
“So you really hate Aling Ruby?” tanong niya ng maikwento ko ang experience ko noong bata ako kay Aling Ruby.
“Hindi naman, hindi lang siguro talaga kami nagkakasundo. ‘Yong tipong kapag nakikita ko pa lang siya parang kumukulo na ang dugo ko, ganoon ba?” natatawa ko na lang na saad nang tuluyan na nga akong kumalma dahil sa alitan namin ni Aling Ruby kanina.
“Ganoon din naman siguro ‘yon sa akin," natatawa kong saad at napailing.
“Hindi naman sa sinisiraan ko ang magiging biyenan mo, ha?”.napatawa pa ako ng maalala ang sinabi ni Aling Ruby na future boyfriend daw ni Ana Marie si Sapphire. Napakunot siya sandali sa akin. Halos mabilaukan naman siya sa sarili niyang laway nang mapagtanto ang sinabi ko.
“Masiyado mo namang kinikilala ang biyenan mo.” Biro ko pa sa kanya kaya agad niya akong sinamaan ng tingin. Mas lalo pa akong natawa nang mas sumama pa ang tingin niya sa akin. Sabagay, halata naman sa mukha nitong mataas ang standard pagdating sa mga babae saka sa mga tipo niya? Mukhang kahit mga artista ay hahabol habulin siya.
Mas lalo ko pa siyang inasar habang nagtatanim ako. Halata namang napipikon siya sa akin dahil dito.
Lumipas ang ilang oras na nagkukwentuhan lang kami hanggang sa hindi ko na namamalayan na magtatakip silim na pala.
Hindi ko maiwasang mapangiti kahit na madalas ko naman talaga itong inaabangan. Para bang hindi ito nakakasawang pagmasdan.
“Ang ganda no?” tanong ko sa kanya. Tumango naman siya habang nakatingin din sa kalangitan.
Hindi na alis ang tingin namin dokn hanggang sa tuluyan ng kainin ng dilim ang kulay kahel na kalangitan. Tumayo naman na kami.
“Febi? Kakain na! Halika na dito!” sabi ni Lola na siyang pababa na.
“Oh, Hijo, nandito ka pala, halika na’t sumabay ka na rin sa amin sa pagkain,” nakangiting saad ni Lola sa kanya.
Tinignan ko naman si Sapphire na ngumiti at tumango rin kay Lola. Kusa na lang din akong napangiti dahil sa kanila.
February’s POV“Ano ‘tong nabalitaan kong nakipag-away ka daw kay Ruby, Febi?” tanong ni Lolo sa akin. Napakagat naman ako sa ibabang labi ko nang mapagtantong alam na pala agad nina Lolo at Lola.“Pasensiya na po, Tang...” guilty’ng saad ko. Tahimim lang naman si Sapphire habang pinaghahain ni Lola ng pagkain.“Huwag kang humingi ng pasensiya, Febi, hindi mo naman kasalanan,”csabi ni Lola sa akin.“’Yan, kinukunsinti mo kasi ang batang ‘yan, Carla," sabi ni Lolo kay Lola at napailing pa.“Hindi naman sa ganoon pero alam mo naman ang ugali no’ng Ruby na ‘yon, siguradong may sinabi nanamang kung ano," sabi ni Lola na napangiwi pa dahil dito.“’Yon na nga ang punto, Carla, alam na ang ugali no’ng si Ruby pero pinatulan
February’s POV“Hoy, saan ka pupunta at bihis na bihis ka?” tanong ni Isaac na pinanliliitan ako ng mga mata.Napatikhim naman ako at sinamaan siya ng mga mata dahil halatang ipapahamak nanaman ako nito.“Magsisimba,” sabi ko at napaiwas ng tingin.“Bihis na bihis?” tanong niya na akala mo detective na kailangan alam ang lahat.“At akala ko ba ang kasama mo ay ang Lola mo?” tanong pa niya sa akin na tila hindi naniniwala.“Magsisimba ako sa bayan!” sabi ko na tinulak siya sa dibdib. Natatawa lang naman siyang nailing sa akin.“Oh? Kasama mo si Sapphire?” tanong niya sa akin. Itatanggi ko pa sana kaya lang ay mukhang si Sapphire ang tinitignan niya ngayon.“Good morning...” bati nito
February’s POV“Febi, pakibigay mo nga ito sa mga kapitbahay,” sabi ni Lola na inabot ang ilang bunga ng santol na nasungkit nina Lolo kanina.“Opo, Nang,” sambit ko at naglakad na patungo sa kina Isaac.“Aling Sally!” sigaw ko at kumatok sa pintuan nila. Si Isaac naman ang lumabas habang may hawak-hawak na mga damo. Hindi ko alam kung dapat ba akong matawa sa itsura nito o ano.“Uyy, salamat!” nakangiti niyang sambit na inagaw na agad sa akin ang santol.“Hoy, halika’t samahan mo akong kumuha ng buko kina Aling Tessy,” sabi niya sa akin.“Pag-iisipan ko,” natatawa kong saad ko kahit na balak ko naman na talagang sumama sa kanya.“Dami mong alam, bilisan mo na lang,” sabi niya na pumasok na sa loob ng bahay nila.“Nat
February’s POVSaka lang ako natauhan ng mapatingin ulit ako sa kanyang katawan at nakita kong may mga gasgas iyon na mukhang nakuha niya sa pag-akyat sa puno. Nako naman. Baka mamaya ay bigla kaming sugurin ni Donya Emilya dahil nasugatan ang apo niya.Magsusuot na sana siya ng t-shirt ngunit agad ko ‘yon hinila para tignan ng mabuti ang gasgas.“Hoy, ang wild, ah,” natatawa niyang biro sa akin.“Hoy, Febilyn, mahiya ka naman sa Lolo’t Lola mo, maghunos dili ka, Hija.” Humagalpak ng tawa si Isaac. Sinamaan ko silang dalawa ng tingin dahil dito.“Ang dami mong sugat, Sapphire!” hindi ko mapigilang sambitin sa kanya.“It’s normal, I think,” sabi niya na nginitian pa ako. Tinignan ko naman siya ng masama. Nakita ko pa ang kamay nitong dumudugo.“Tiyansing ka lang
February’s POVNadatnan ko siyang nakapikit lang sa isang tabi habang may suot-suot na headset, mukhang pinapakalma ang sarili. Napatitig naman ako sa nakakunot noong lalaking ito.Nang imulagat niya ang kanyang mga mata ay nakita niya na ako. Hindi ko alam kung matatawa ako sa pag-irap nito o ano. Inalis niya naman ang headset at seryosong nilingon ako“What?” tanong niya.“You should eat,” sambit ko. Tinignan niya lang naman ako.“Hindi ka kakain? No matter how annoyed you are, hindi naman pwedeng hindi ka kumain,” seryosong saad ko sa kanya.Hindi naman siya nakipagtalo at kinuha ang pagkain na dala ko. Hindi pa rin naman ako umalis dahil hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya.“Why? Don’t tell me you also want to watch me eat?” tanong niya na wala man lang kangiti ngiti.
February’s POV“Anong meron?” tanong ko na napasilip pa sa kabilang parte ng bukid dahil ang daming tao sa court na ginawa nila.Tinignan naman ako ni Nora na tila sinasabing ‘close tayo?’Hindi ko alam kung matatawa ba ako doon o ano. Sinagot niya rin naman ang tanong ko.“Naglalaro si Zeal doon,” sabi niya na napakibit ng balikat. Natawa na lang ako sa aking sarili nang makita ko sina Grace at Ana Marie na nag-aayos ng kilay. Mukhang manonood din.“Hoy, Tara, nood.” Napatingin naman ako nang makita si Isaac na nakaakbay na sa akin ngayon. Kaya naman pala hindi nakikisali si Nora dahil hindi naglalaro si Isaac.Inalis ko naman ang pagkakaakbay nito, hindi rin naman niya binalik. Maglalakad na sana kami patungo sa bukid ngunit biglang nagsalita si Nora.“Isaac, manonood kayo? Pup
February’s POV“Good morning, Febi!” Halos mapatalon ako sa gulat nang may sumigaw sa tenga ko.Hindi ko naman maiwasang matawa nang makita ko si Sapphire na nakabike na rin ngayon.“Good morning,” bati ko rin sa kanya at ngumiti.“Mamamalengke ka? Ang dami-dami mong stock, hindi ba?” tanong ko sa kaniya na nakakunot ang noo.“Yeah, but you promise to teach me what to buy,” sabi niya at ngumiti ng malapad. If I know gusto lang talaga nitong mamasyal. Ikaw ba naman kasing nakatengga lang buong araw.Sa bayan kami ngayon mamamalengkeng dalawa dahil parehas naman kaming may bike.“Let’s go,” sabi niya na malapad pa rin ang ngiti. Hindi ko tuloy mapigilang mahawa sa ngiti nito. Habang nagbabike ay binabati kami ng mga kapit bahay. Binabati lang din naman namin ito pabalik
February’s POV“Kuya Zeal, galingan mo!” nakangiting sambit ni Cali kay Sapphire na siyang susubok sa palosebo.Pista ng baryo namin ngayon kaya naman may mga palaro ang punong baranggay dito mismo sa lugar namin dahil nga malawak din ang bukirin.“Aba, Cali, paano naman ako?” natatawang tanong ni Kaloy na siyang maglalaro rin.“Oo nga, akala ko ba close tayo, Cali?” tanong naman sa kaniya ni Peter na siya namang nasa isang bamboo.Napanguso lang si Cali dahil dito at hindi alam ang sasabihin sa mga ito na pinagkakaguluhan ang suporta niya. Napatawa na lang ako ng mahina at ginulo ang buhok ni Cali.“Are you sure you can do it?” tanong ko kay Sapphire.“I think so? I don’t know. I’ll try...” sabi niya na nginitian ako. Paano ba naman kasi ay pinilit lang siya ng
Sapphire’s POV“Tangina, Pre, hindi ka ba nagsasawa diyan sa gawain mo? Halos araw-araw alak,” sambit sa akin ng mga kaibigan ko. Wala akong pinansin isa sa kanila.Patuloy lang ako sa pagtungga, I drink until I passed out.“Uminom ka na naman!” galit na galit na saad ng Daddy ko na siyang nalinis na ang pangalan pero wala pa rin akong lakas ng loob na balikan si Febi lalo na’t baka galit pa rin siya.“Ano bang pakialam mo? Kung hindi dahil sa’yo, kami pa sana ni Febi, nasa akin pa rin sana siya…” Panduduro ko pa habang lasing na lasing, hindi na alam ang gagawin. Nakaramdam naman ako ng suntok galing sa kaniya ngunit hindi ko ‘yon ininda. Walang-wala ang sakit na ‘yon sa nararamdaman ng puso ko.“Ano, Zeal? Wala ka na bang gustong gawin kung hindi ang mag-inom?” tanong sa akin ni Lola at nakatan
February’s POV“Wews, nandito nanaman si Febi, bantay sarado na naman si Zeal,” sambit ni Isaac kaya naman sinamaan ko siya ng tingin. Tinawanan niya lang naman ako.“Huwag kang kakain, ah?” sabi ko dahil may dala-dala akong lunch para sa mga trabahador para dito sa bahay na pinapagawa namin.“Joke lang naman, hindi ka naman mabiro,” natatawa niyang saad sa akin at aakbay pa sana kaya lang bago niya pa ‘yon magawa may bumangga na sa kaniyang braso.“Pucha, damot,” natatawang sambit ni Isaac kay Sapphire. Napailing na lang ako sa kaniya.“Anong ginagawa mo rito? Akala ko ba nasa site ka nina Mayor?” tanong ko sa kaniya.“I’m done with my works there,” sabi niya naman.“Tapos ka na rin naman dito?” tanong namam ni Isaac. Sabatero talaga kah
February’s POV“Araw-araw ata talagang may party kina Donya Ligaya,” natatawang saad ni Isaac habang nagmamaneho. Patungo kami sa bahay nina Donya Ligaya dahil may party ata na gaganapin para kina Denis at ng girlfriend nito.Imbitado kami as always. Nang makarating kami do’n ay binati agad kami ng ilang mga kaibigan.Ayaw ko sanang pumunta dahil sa nangyari noong nakaraan kaya lang baka may masabi ulit si Donya Ligaya kaya nagtungo na lang ako. Tahimik lang naman ako habang nandito sa party. Lumapit sa akin si Jigs at ngumiti.Hindi ko siya magawang ngitian lalo na’t hindi pa kami nakakapag-usap simula no’ng magtalo kami noong nakaraan.“Kumain ka na, Febi?” tanong niya sa akin.“Busog pa ako,” sambit ko naman sa kaniya.“Oh… Do you want anything?” tanong niya
February’s POVPagkalabas ko sa cr ay agad kong nakita si Sapphire na nasa tapat ng pinto. He’s looking at me. Hindi ko alam kung narinig niya ba ang usapan namin sa likod.“Well, I did slap here,” sambit ko dahil sa tingin nitong tila’y namimintang dahil rinig na rinig mula dito sa labas ang lakas ng iyak ni Fiona.“You didn’t give me away, did you?” tanong niya na para bang kayang kaya ko ‘yong gawin. Well, kung ang batang February siguro’y mauuto pa ng mga salita ngunit nadala na ako sa lahat ng pinagdaanan ko. Hindi niya siguro maiwasang maalala si Ate Reena at ang pagrereto ko sa kanya noon.“Of course not,”vsambit ko kahit na ang totoo’y sinabi kong kapag pinananatili siya ni Sapphire nang kahit isang beses ay irereject ko ito. Sa totoo lang hindi talaga ako sigurado roon at hindi ko rin alam kung sinabi niyang &lsquo
February’s POVNangatal ang mga labi ko sa ginaw pagkaahon ko sa tubig dito sa swimming pool. Gabing-gabi na’t wala pa rin silang kasawa-sawang nagbabad.Kusa na lang na kumibot ang ngiti sa aking mga labi nang ipatong sa akin ni Sapphire ang tuwalyang kakakuha niya lang ata sa taas.“Want to take a walk?” sabi ko at nginitian siya. Tinignan niya muna ako na nangangatal pa rin ang mga labi sa sobrang lamig.“Huwag na, masiyadong malamig sa dalampasigan,” sambit niya. Hinila ko lang siya. Nakapaa lang kaming dalawa habang naglalalad dito. Hindi ko maiwasang matuwa habang pinagmamasdan ang karagatan ngayong gabi. Tanginang ang buwan lang ang nagsisilbing ilaw.Hindi ko pa maiwasang mapangiti habang nakatingin sa katabi kong inabot pa ang extra’ng tuwalya sa akin at pinatong pa ulit.“I’m fine, bagong ahon la
February’s POVHanggang sa maggabi ay iniisip ko pa rin ang sinabi ni Sapphire sa akin.Nandito na kami ngayon sa tapat ng bofire at halos lahat kami’y abala sa pakikipagkwentuhan, hindi ko naman tinitignan si Sapphire dahil ayaw kong lingunin ito.Tahimik lang ako, nandito pa rin si Fiona at katabi nanaman ni Sapphire.“Marshmallow,” sambit ni Sapphire sa akin at inabutan ako ng stick.“Thanks...” mahina kong sambit. Tumango lang naman siya. Nasa kabilang parte naman ang mga bata, naglalaro ng sungka. Kahit na matanda na sina Aya at Cali, hindi pa rin nawawala sa kanila ang paglalaro niyon. Naging libangan na kasi talaga.Habang kami naman dito ay nag-iinuman. Halos lasing na nga ang iba naming kasamahan. Maski ako’y nakailang shots na rin.“Let’s play a game!” masaya nilang sam
February’s POV“Oh... you’re here na pala talaga...” sabi niya sa akin na nakataas pa ang kilay. She’s still pretty, mas lalo nga lang gumanda ngayon, mas lalo pang humaba ang kanyang buhok at mas lalo pang pumuti.Napangisi naman ako habang pinagmamasdan siya. Hanggang ngayon pala ay nakabuntot pa rin ito kay Sapphire, maraming bali-balita ang tungkol sa kanila lalo na’t artista si Fiona kaya lang ay huminto rin ito ilang taon ang nakalipas.Nakita ko naman kung paano ang pag-alis ni Sapphire sa pagkakahawak ni Fiona sa kanya. Nakangiti ako ngunit nakataas ang kilay ngayon. Hindi ko naman mapigilang mapangiti sa kanya nang lumapit sa akin si Sapphire.“Is it really true that you’re courting that girl?!” malakas na sigaw niya kay Sapphire. Medyo nagulat naman ako roon kung sabagay kalat nga sa buong probinsiya namin na nililigawan ako nitong Sapph
February’s POV“Don’t forget to bring my gift,” natatawa pang saad ni Isaac mula sa kabilang linya. Hindi ko na lang pinansin pa ang sinasabi nito at tinulungan na lang sina Aya at Cali na buhatin ang mga gamit na dadalhin namin para sa birthday ni Isaac.May pa-outing kasi ang Lolo mo. Oh ‘di ba? Ang yaman na? Samantalang noon ay ni singkong duling ay ayaw akong pahiramin.Wala naman kaming masasakyan dito kaya dadalhin ko ang kotse ko para makapunta sa pagkikitaan namin.Napatingin naman ako kay Sapphire na kasama rin sa outing. Sobrang tagal din naman kasi nilang magkasama ni Isaac. Mas pagkakamalan ko pa nga na sila ang magbestfriend. Paano naman kasi lahat ata ng projects nila ay sila itong tandem.“Let me carry that, Febi,” sabi niya na kinuha sa akin ang bag na hawak. Napatango naman ako. Nakasunod lang naman kaming dalawa ni Aya.
February’s POV“Anong ginagawa mo rito?” tanong ko kay Sapphire.Napatingin tuloy sa amin ang ibang tao dito sa clinic.“Oh, mukhang hindi sasabay sa atin si Febi, tara na’t lumayas,” natatawang sambit nila sa akin. Napakunot naman ang noo ko habang nakatingin kay Sapphire.May dala kasi itong lunch box, iniwanan naman kami nina Paula.“Sobra ba ang lunch niyo? Pinapaabot ni Mayor?” tanong ko pa. Napakunot naman ang noo niya sa akin dahil dito.“No, of course not. I cooked that,” sambit niya.“Anong meron?” hindi ko maiwasang itanong.“Don’t forget to eat,” sambit niya na iniabot pa ang lunch sa akin. Napaawang naman ang labi ko dahil sa kanya. Agad din naman siyang umalis sa tapat ko.Hindi ko pa rin maiwasa