Share

Chapter 3

Author: Ronx
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

February’s POV 

“I’m just kidding,” humahagalpak ng tawa niyang saad. Kinagat ko naman ang ibabang labi ko para pigilan ang magsalita. 

“Let’s go, ihahatid kita," sabi niya at ngumiti pa sa akin. 

“Ibigay mo na lang ang bike ko ng makauwi na ako," inis kong saad sa kanya. Tumango naman siya sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin dahil mukhang wala talaga itong balak na ibalik ang bike ko sa akin. 

Wala naman akong nagawa kung hindi ang sumunod na sa kanya. Tumapad naman kami sa kotse niya. Nakalagay sa likod ang bike ko. 

“Tara na, mukhang matagal pang titila ang ulan,” sabi niya sa akin at sumakay na sa kotse niya. Kukunin ko na sana ang bike ko kaya lang ay nakatali pa sa likod kaya nahila niya na ako bago ko pa maalis. 

“Alam mo ba ang daan?” tanong ko sa kanya. 

“Hindi," aniya. Mas lalo naman akong nainis sa kupal na ito. Sinamaan ko pa siya ng tingin ngunit tinawanan lang ako. Tinuro ko lang sa kanya ang daan patungo sa bahay hanggang sa makarating na kami dito. Dadaan pa sa pilapil kaya bumaba na ako sa daan. 

“Dito na ako," sabi ko sa kanya. 

“Saan ang bahay niyo? Wala namang mga bahay dito, ah?” tanong niya sa akin na nakakunot ang noo. 

“Doon pa. Pwede mo naman akong ihatid kung willing kang idaan ang kotse mo diyan sa putikan," natatawa kong saad dahil wala ng daan dito para sa mga sasakyan, depende na lang sa bike. 

Tumulong din siya sa pag-alis ng tali ng bike. Aangal pa sana ito at sasabihin nanaman na ihahatid ako sa mismong bahay ngunit pinigilan ko na siya. 

Naglakad na ako sa pilapil at nagpaalam na lang dito. Hindi naman siya umalis sa pagkakatayo niya. Habang nasa kalagitnaan na, hindi ko maiwasang mapatingin, nakita ko namang nakatingin pa rin siya sa akin. Hindi pa rin umaalis sa tapat. Tinitignan lang ako. Napa-buntonghininga ako at nagtuloy tuloy ng maglakad. Nang makarating sa bahay ay hindi ko naman na makita ang daan kaya inisip ko na lang na nakaalis na siya. 

“Boo!” Panggugulat ni Isaac. Nasampal ko naman siya dahil sa gulat. 

“Nagpaulan ka nanaman, lagot ka sa Lola mo,” natatawa niyang saad ay sumunod pa sa akin pagpasok sa bahay. 

“Saan galing ‘yang jacket mo, ha? Kay Piolo ba? Aba, aba, mamaya pagbintangan ka pa ni Donya Ligaya na nagnakaw sa apo niya," sabi niya sa akin kaya nailing na lang ako. 

“Ah, Hindi," sabi ko at inalis na ang jacket. Nakalimutan ko na pala itong alisin. Napatakbo naman ako sa labas. Tinignan kung nandoon pa si Sapphire ngunit wala na ito. 

“Lola! Nagpaulan si Febi!” sigaw ni Isaac mula sa loob. Sinamaan ko siya ng tingin at nauna ng pumasok sa loob dahil kapag siya ang nauna paniguradong gagatungan niya nanaman sina Lola. 

“Ano, Febi? Nagpaulan ka nanamang bata ka?” sabi ni Lola na sinalubong ako. May dala dala na itong tuwalya. 

“Aba, hindi ka na talaga nadadala. Gusto mo ata talagang makurot sa singit," sabi pa niya sa akin at sinamaan ako ng tingin. 

“Hala, Lola, hindi naman po. Nabasa lang po,” sabi ko kahit mukha na akong naligo dahil sa ulan. 

“May nabasa bang ganyan buong katawan ang basa, Febi?” tanong ni Isaac kaya sinamaan ko siya ng tingin. Tinawanan niya naman ako dahil dito. 

“Mayroon!” sabi ko at inirapan siya. 

“Nag-aaway nanaman kayong dalawa. Magbihis ka na nga, Febi, at baka magkasakit ka pa,” sabi ni Lola na tinitignan pa rin ako ng masama. Natatawa naman si Isaac na pumasok lang din sa loob. 

Sina Aya at Cali ay pasimple lang na nakalahad ang kamay sa ulanan at tuwang tuwa ang mga ito. Mukhang kakatapos lang din nilang maligo dahil basa pa ang buhok. 

“Hoy, hoy, kayong dalawa diyan, magsipasok na nga kayo. Alam ko na ‘yang style niyong ‘yan, nagawa ko na ‘yan," natatawa kong saad sa kanila. Parehas naman nila akong nilingon. 

“Ate!” Sabay pa ang mga ito at ngumiti ng malapad. 

“Dito lang kami, Ate, hindi kami magpapaulan, promise,” sabi pa ni Aya. Tinignan ko naman silang dalawa ng tingin na hindi naniniwala. Napatawa tuloy sila sa akin. Binantaan ko lang sila ng tingin bago ako pumasok sa loob. 

Naligo naman na ako. Mabuti na lang din ay may tubig na sa kubeta. Saka ko lang naman naramdaman ang lamig ng makalabas na ako ng Cr. 

“’Yan, saka ka giniginaw ngayon,” sabi ni Lola at napailing pa sa akin. Maski si Lolo na nasa tabi niya ay napapailing na lang sa akin. 

“Napakapasaway mo talagang bata ka, saka magtext ka kay Isaac o kahit sinong kapitbahay natin kapag malelate kang uuwi,” sabi ni Lolo sa akin. 

“Opo, Tang,” sabi ko at ngumiti na lang. Parehas silang nagkakape habang nakatingin lang sa ulanan. Nakikisama rin naman si Isaac na siyang nakikipagkwentuhan din kina Lolo at Lola. 

Nagtungo naman ako sa kusina para magtimpla ng kape. Sumunod naman si Isaac sa akin. 

“Timplahan mo rin ako." Akala mo katulong niya ako kung makapag-utos. 

“Tigil-tigilan mo nga ako at magtimpla ka para sa sarili mo,” sabi ko at inirapan siya. Tinawanan niya lang ako at siya na mismo ang nagtimpla ng sa kanya dahil magkaiba naman kami ng panlasang dalawa. 

Binuksan ko ang bintanang kahoy. Nilagay ko naman sa bintana  ang kape ko at tumakbo sa kwarto para kunin ang kumot. Bumalik naman ako doon. Nakaupo na sa gilid si Isaac. Umakyat naman ako sa mismong bintana at doon naupo. Binalot ang sarili sa kumot na kinuha ko. 

“Nilalamig ka na’t lahat-lahat gustong-gusto mo pa rin diyan,” naiiling na saad sa akin ni Isaac at sumimsim sa kape niya. Hindi ko naman pinansin ang sinabi nito at nanatili lang ang tingin sa labas. 

Makikita dito ang buong imahe ng bukid na pinagtataniman ni Lolo, ang dahon ng narra na siyang sumasabay sa ihip ng hangin, ang mga tanim na sumasayaw sa tutugin ng ulan. 

Kahit ilang beses ko na atang nakikita ang paulit ulit na senaryo na ito, hindi ko pa rin maiwasang mamangha habang nakatingin sa labas. Hindi na namamalayan ang sariling napapangiti na pala. 

“Gustong-gusto mo talaga ang ulan 'no?” tanong niya sa akin. 

“Oo naman, ang tunog nito’y tila hinehele ka at hindi ata ako magsasawa habang pinagmamasdan ang pagbagsak nito mula sa kalangitan,” sabi ko at inilahad pa ang kamay sa labas. Kusa na lang akong napangiti nang makitang bumagsak ang tubig sa palad na nakalahad. 

Hindi naman siya nagsalita kaya agad ko siyang tinignan. 

“Ikaw lang naman ata itong ayaw na ayaw kapag umuulan," sabi ko sa kanya. Maaaring marami ring hindi gusto ito. 

“Alam mo naman ang dahilan,” mahinang saad niya. 

“Alam ko. Pero hindi ba ganoon naman talaga?” tanong ko at binalik ang tingin sa labas. 

“Gagawa kayo ng mga alaala,  gustong maulit muli subalit kapag nagtagal na? Makakalimutan at makakalimutan mo rin ito," sabi ko at napangiti na lang ng mapait habang nakatingin sa ulan na tila naiintindihan ang emosiyong mayroon ka. 

Parehas naman kaming natahimik ni Isaac. Sumimsim naman ako sa kape ko. Ang maririnig lang ay ang tunog ng hangin, kulog at ulan. 

“Ikaw, ah! Kanino ang jacket na suot mo kanina?” Pambabasag niya sa katahimikan naming dalawa. 

“Saka ano ‘yong sinasabi ni Ate Daisy na kasama mo raw?” tanong niya pa. Kahit kailan talaga ay chismoso ang mokong. 

“Ah, si Sapphire," sabi ko sa kanya. 

“Aba, aba, sino ‘yan?” tanong niya at umiral nanaman ang pagkapakialamero. 

“Hindi ko rin alam, ngayon ko lang ‘yon nakita sa hacienda nina Donya Ligaya,” sabi ko naman. 

“Baka anak sa labas ni Don Lucano?” tanong niya at natawa pa ng mahina. Tinuktukan ko naman siya dahil dito. Kahit kailan talaga ay umiiral ang pagkachismoso nito. 

“What? Hinuha ko lang naman,” natatawa niyang saad kaya mas lalo pa akong napailing sa kanya. 

“Magtigil ka nga at mamaya may makarinig pa sayo. Alam mo namang madaming mata si Donya Ligaya, baka mamaya hindi na pautangin ang Mama mo,” sabi ko sa kanya. Napakibit naman siya ng balikat dahil dito. 

Agad naman akong napatingin sa labas nang makitang tuluyan ng naligo sa ulan sina Aya at Cali. Kaliligo lang ng mga ito at naliligo nanaman ngayon. 

“Hoy!” malakas kong sigaw at binaba ang kape maski ang kumot ay ibinigay ko kay Isaac. 

“Aya Liana! Cali!” malakas kong sigaw at napatakbo mula sa labas. Tumakbo lang ang mga ito na tila hindi ako naririnig. Ang mga batang ‘to talaga. 

“Nanang! Tang! Naligo nanaman sa ulan sina Aya at Cali," sabi ko at napakamot sa ulo. 

“Oo nga, pinayagan nanaman ng Tatang mo dahil paiyak nanaman," sabi ni Lola. Napakamot naman ako sa ulo dahil doon. 

“Bakit niyo naman po pinayagan, Nang? Style lang nila ‘yon," sabi ko pa. 

“’Yan, alam na alam ang style mo, ha?” sabi ni Lola at napatawa sa akin ng mahina. Natawa lang din si Lolo at sumimsim ng kape habang nakatingin sa malakas na ulan. 

Ganoon kasi nakukuha sina Lola at Lolo, kapag umiiyak na, wala na silang magagawa kung hindi payagan ang mga ito. 

Napa-buntonghininga na lang ulit ako at pumasok na ulit sa loob ng bahay. Bago pa ako makapasok ay dumating na ang Mama ni Isaac, may dala itong sopas para sa malamig na panahon. 

“Nandiyan po ba si Isaac, La?” tanong nito habang inaabot ang sopas kay Lola. 

“Salamat, Sally. Hindi ko lang napansin,” sabi ni Lola na pinagtatakpan nanaman si Isaac. Tumakas nanaman ito sa bahay nila panigurado. 

“Nakita mo ba si Isaac, Febi?” tanong ni Aling Sally sa akin. 

“Opo, nasa loob po ng bahay,” natatawa kong saad. Aba, laglagan kami. 

“Hoy, Isaac! Lumabas ka riyan, kanina pa kita hinahanap na bata ka, kung saan-saan ka nagpupunta!” sabi ni Aling Sally. 

“Sunduin ko na po sa loob,” nakangiti ko pang saad habang papasok sa loob. 

Natawa naman ako nang makita ko si Isaac na nakatago na sa gilid. 

“Hoy! Hinahanap ka na ng Mama mo!” sabi ko sa kanya at humagalpak ng tawa. Sinamaan niya naman ako ng tingin. 

“Alam mo ikaw, hindi ka talaga maasahan. Humanda ka talaga sa akin,” banta niya pa kaya natawa lang ako sa kanya. 

“Lumabas ka na, mas lalo mo lang iniinis ng Mama mo,” natatawa kong saad. 

“Kakapahinga ko lang kaya," sabi niya. 

“Saka kakaligo ko lang. Pinagsisibak na ako ni Mama ng kahoy," sabi pa niya. Hindi naman ako naawa sa kanya kaya tinulak ko pa ito para tuluyan ng makalabas ng bahay.

“Aling Sally! Ito na po siya!” natatawa kong saad at tinulak pa si Isaac. 

“Ikaw na bata ka, ang sabi ko magsibak ka na,” sabi ni Aling Sally at pipingutin pa sana si Isaac kaya lang ay agad itong napigilan ni Lola. 

“Nako, Sally, masiyadong maulan, mababasa lang ang kahoy at si Isaac,” sabi ni Lola dito. Napanguso naman ang ina ni Isaac. Kita ko naman ang pagngisi ng loko. Hindi ko alam kung natatawa ba ako dito o ano. Napailing na lang ako sa kanya. 

“Oo nga naman kasi, Ma! Kita mo nga ang buhos ng ulan saka ang fresh fresh ko ngayon,” sabi pa niya kaya napahagalpak ako ng tawa. 

“Samahan mo na lang ang Mama mo sa bahay, Isaac, paniguradong namimiss ka lang,” biro pa ni Lolo sa kanya. 

“Opo, Lo," sagot ni Isaac, sa lolo ko lang ata talaga ito sumusunod. 

“Halika na," sabi ni Tita at kinuha na ang mangkok na pinagsalinan. Umuwi naman na rin silang dalawa. 

Nang matapos ng maligo sina Aya at Cali. Parehas ko silang sinesermonan habang pinupunasan ang ulo. 

“Kayo talaga napakapasaway niyo, mamaya magkasakit pa kayo, mag-aalala si Lola at Lolo," sabi ko sa kanila. 

Katulad ko parehas din silang iniwan ng mga magulang nila dito. Ang sabi ni Tita ay mag-aabroad daw siya dahil nga iniwan na rin ng tatay nina Aya ngunit hanggang ngayon, wala pa ring balita dito. Hindi ko alam kung tuluyan ng kinalimutan ang mga anak o ano. 

Napapaisip tuloy ako kung bakit may mga taong ang dali-dali na lang kalimutan ang kanilang mga anak. Nakakatulog kaya sila ng maayos?  Siguro naman hindi. 

Related chapters

  • When The Rain Poured   Chapter 4

    February’s POVI wake up early in the morning, hindi katulad kahapon na maulan, papasikat naman na ang araw ng buksan ko ang bintana.Kusa na lang kumibot ang mga labi at napangiti habang pinagmamasdan ang payapang paligid. Nanatili lang ang mga mata ko doon hanggang sa mapagpasiyahan ng magluto ng almusal.Nagluto naman na ako ng binating itlog at nagsangag na rin ng kanin. Pakanta kanta pa ako habang nagluluto, sinasabayan ang awitin sa radyo.Nagtimpla na muna ako ng kape bago ako tuluyang lumabas ng bahay.“Tang, mag-almusal ho muna kayo," sabi ko kay Lolo habang nilalapag ang pagkain sa lamesa dito sa kubo.“Aya, Cali, kain na!” sigaw ko kina Aya at Cali na siyang nakatingin lang kay Lolo na siyang pinapastol na ang kanyang kalabaw.Pakusot-kusot pa ng mga matang lumap

  • When The Rain Poured   Chapter 5

    February's POV"Magandang umaga, Donya Ligaya, nabisita ho ata kayo?" tanong ni Lola na siyang nakikichismisan lang kina Aling Juana kanina."Ah, magandang umaga rin, Carla. Binibisita lang namin ang apo nitong si Emilya," sabi ni Donya Ligaya na nagpapaypay pa gamit ang malaki niyang pamaypay."Magandang umaga, Carla," bati nitong si Donya Emilya kay Lola."Kumusta ka na?" tanong pa nito at ngumiti. Kumpara kay Donya Ligaya, mas palakaibigan namang tignan itong si Donya Emilya."Mabuti naman, Donya Emilya," sabi ni Lola sa kanya."Emilya na lang, Carla, para namang hindi tayo naging magkaibigan noon," sabi nito kay Lola. Ngumiti na lang si Lola, base sa ngiti nito, mukhang hindi nga sila naging magkaibigan."Ito nga pala ang apo ko, si Zeal. Baka naman pupwede kong ibilin sa'yo. Gusto kasi nitong

  • When The Rain Poured   Chapter 6

    February’s POV“Fuck!” Nagulat naman ako nang makitang may nakatayo sa harapan.“Pwede bang magsalita ka naman, Isaac, kapag nandito ka, ha?” tanong ko at tumayo sa pagkakaupo ngunit agad na nagulat nang makitang hindi pala si Isaac ito.“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko kay Sapphire at nakakunot ang noo habang tinitignan siya.Nginiwian niya naman ako at ginulo pa ang gulo-gulo niyang buhok. Mukhang kagigising lang nito kahit anong oras naman na. Ang dami-dami ko ng nagawa ngunit mukhang marami na rin siyang nagawa sa panaginip.“Oh... Good morning, Mr. Prinsepe," natatawang biro ko dahil mukha pa rin itong inaantok kahit na may mug ng hawak. Parang hindi pa rin naman gumagana ang utak nito, nakatayo lang habang nakatingin sa akin ng walang emosiyon.“Anong problema mo, Boi?”

  • When The Rain Poured   Chapter 7

    February’s POV“Good morning!” Halos masemplang naman ako sa bike nang may bumati sa akin.“Shit..." bulong ko nang magpagewang gewang ako, mabuti na lang ay nahawakan nitong si Sapphire.“Anong ginagawa mo rito?” tanong ko sa kanya.“Jogging?” nakangiti niyang tanong.“Your grandma said you’ll go to the market today," sabi nito at ngumiti.“Kakapalengke mo lang kahapon," sabi ko sa kaniya na pinangkitan pa siya ng mga mata.“Yeah, but I forgot something,” sabi niya at ngumiti.“Sa dami ng pinamili mo, may nakalimutan ka pa?” tanong ko sa kanya na naiiling.Napakibit naman siya ng balikat at sumabay sa pagbabike ko. Ni hindi naman jogging ang ginagawa nito

  • When The Rain Poured   Chapter 8

    February’s POV“Ang weak mo naman," natatawa kong sambit kay Sapphire na nandito sa tapat ng bahay namin at nakikilaro kina Aya at Cali. Naglalaro sila ngayon ng sipa. Mukhang wala nanamang magawa si Sapphire. Sarap talaga ng buhay ng mokong.Sabagay, hapon naman na kasi at maski kami ay wala ng ginagawa.“Ate Febi, ang galing kaya ni Kuya Zeal!” Pagtatanggol ni Aya kay Sapphire.“Mas magaling kaya si Ate!” sabi ni Cali.“Hindi ba, Ate Febi?” tanong ni Cali at nginitian ako. Natatawa ko namang ginulo ang buhok nito.“Kampihan oh, kampi ko si Kuya Zeal!” sabi ni Aya. Tinignan ko naman siya na kunwari ay nagtatampo ngunit iniwas niya ang tingin sa akin.“Magaling din si Ate Febi pero magaling si Kuya Zeal," pambawi niya. Hindi ko alam

  • When The Rain Poured   Chapter 9

    February’s POV“Ano ‘tong nabalitaan kong nakipag-away ka daw kay Ruby, Febi?” tanong ni Lolo sa akin. Napakagat naman ako sa ibabang labi ko nang mapagtantong alam na pala agad nina Lolo at Lola.“Pasensiya na po, Tang...” guilty’ng saad ko. Tahimim lang naman si Sapphire habang pinaghahain ni Lola ng pagkain.“Huwag kang humingi ng pasensiya, Febi, hindi mo naman kasalanan,”csabi ni Lola sa akin.“’Yan, kinukunsinti mo kasi ang batang ‘yan, Carla," sabi ni Lolo kay Lola at napailing pa.“Hindi naman sa ganoon pero alam mo naman ang ugali no’ng Ruby na ‘yon, siguradong may sinabi nanamang kung ano," sabi ni Lola na napangiwi pa dahil dito.“’Yon na nga ang punto, Carla, alam na ang ugali no’ng si Ruby pero pinatulan

  • When The Rain Poured   Chapter 10

    February’s POV“Hoy, saan ka pupunta at bihis na bihis ka?” tanong ni Isaac na pinanliliitan ako ng mga mata.Napatikhim naman ako at sinamaan siya ng mga mata dahil halatang ipapahamak nanaman ako nito.“Magsisimba,” sabi ko at napaiwas ng tingin.“Bihis na bihis?” tanong niya na akala mo detective na kailangan alam ang lahat.“At akala ko ba ang kasama mo ay ang Lola mo?” tanong pa niya sa akin na tila hindi naniniwala.“Magsisimba ako sa bayan!” sabi ko na tinulak siya sa dibdib. Natatawa lang naman siyang nailing sa akin.“Oh? Kasama mo si Sapphire?” tanong niya sa akin. Itatanggi ko pa sana kaya lang ay mukhang si Sapphire ang tinitignan niya ngayon.“Good morning...” bati nito

  • When The Rain Poured   Chapter 11

    February’s POV“Febi, pakibigay mo nga ito sa mga kapitbahay,” sabi ni Lola na inabot ang ilang bunga ng santol na nasungkit nina Lolo kanina.“Opo, Nang,” sambit ko at naglakad na patungo sa kina Isaac.“Aling Sally!” sigaw ko at kumatok sa pintuan nila. Si Isaac naman ang lumabas habang may hawak-hawak na mga damo. Hindi ko alam kung dapat ba akong matawa sa itsura nito o ano.“Uyy, salamat!” nakangiti niyang sambit na inagaw na agad sa akin ang santol.“Hoy, halika’t samahan mo akong kumuha ng buko kina Aling Tessy,” sabi niya sa akin.“Pag-iisipan ko,” natatawa kong saad ko kahit na balak ko naman na talagang sumama sa kanya.“Dami mong alam, bilisan mo na lang,” sabi niya na pumasok na sa loob ng bahay nila.“Nat

Latest chapter

  • When The Rain Poured   Epilogue

    Sapphire’s POV“Tangina, Pre, hindi ka ba nagsasawa diyan sa gawain mo? Halos araw-araw alak,” sambit sa akin ng mga kaibigan ko. Wala akong pinansin isa sa kanila.Patuloy lang ako sa pagtungga, I drink until I passed out.“Uminom ka na naman!” galit na galit na saad ng Daddy ko na siyang nalinis na ang pangalan pero wala pa rin akong lakas ng loob na balikan si Febi lalo na’t baka galit pa rin siya.“Ano bang pakialam mo? Kung hindi dahil sa’yo, kami pa sana ni Febi, nasa akin pa rin sana siya…” Panduduro ko pa habang lasing na lasing, hindi na alam ang gagawin. Nakaramdam naman ako ng suntok galing sa kaniya ngunit hindi ko ‘yon ininda. Walang-wala ang sakit na ‘yon sa nararamdaman ng puso ko.“Ano, Zeal? Wala ka na bang gustong gawin kung hindi ang mag-inom?” tanong sa akin ni Lola at nakatan

  • When The Rain Poured   Chapter 71

    February’s POV“Wews, nandito nanaman si Febi, bantay sarado na naman si Zeal,” sambit ni Isaac kaya naman sinamaan ko siya ng tingin. Tinawanan niya lang naman ako.“Huwag kang kakain, ah?” sabi ko dahil may dala-dala akong lunch para sa mga trabahador para dito sa bahay na pinapagawa namin.“Joke lang naman, hindi ka naman mabiro,” natatawa niyang saad sa akin at aakbay pa sana kaya lang bago niya pa ‘yon magawa may bumangga na sa kaniyang braso.“Pucha, damot,” natatawang sambit ni Isaac kay Sapphire. Napailing na lang ako sa kaniya.“Anong ginagawa mo rito? Akala ko ba nasa site ka nina Mayor?” tanong ko sa kaniya.“I’m done with my works there,” sabi niya naman.“Tapos ka na rin naman dito?” tanong namam ni Isaac. Sabatero talaga kah

  • When The Rain Poured   Chapter 70

    February’s POV“Araw-araw ata talagang may party kina Donya Ligaya,” natatawang saad ni Isaac habang nagmamaneho. Patungo kami sa bahay nina Donya Ligaya dahil may party ata na gaganapin para kina Denis at ng girlfriend nito.Imbitado kami as always. Nang makarating kami do’n ay binati agad kami ng ilang mga kaibigan.Ayaw ko sanang pumunta dahil sa nangyari noong nakaraan kaya lang baka may masabi ulit si Donya Ligaya kaya nagtungo na lang ako. Tahimik lang naman ako habang nandito sa party. Lumapit sa akin si Jigs at ngumiti.Hindi ko siya magawang ngitian lalo na’t hindi pa kami nakakapag-usap simula no’ng magtalo kami noong nakaraan.“Kumain ka na, Febi?” tanong niya sa akin.“Busog pa ako,” sambit ko naman sa kaniya.“Oh… Do you want anything?” tanong niya

  • When The Rain Poured   Chapter 69

    February’s POVPagkalabas ko sa cr ay agad kong nakita si Sapphire na nasa tapat ng pinto. He’s looking at me. Hindi ko alam kung narinig niya ba ang usapan namin sa likod.“Well, I did slap here,” sambit ko dahil sa tingin nitong tila’y namimintang dahil rinig na rinig mula dito sa labas ang lakas ng iyak ni Fiona.“You didn’t give me away, did you?” tanong niya na para bang kayang kaya ko ‘yong gawin. Well, kung ang batang February siguro’y mauuto pa ng mga salita ngunit nadala na ako sa lahat ng pinagdaanan ko. Hindi niya siguro maiwasang maalala si Ate Reena at ang pagrereto ko sa kanya noon.“Of course not,”vsambit ko kahit na ang totoo’y sinabi kong kapag pinananatili siya ni Sapphire nang kahit isang beses ay irereject ko ito. Sa totoo lang hindi talaga ako sigurado roon at hindi ko rin alam kung sinabi niyang &lsquo

  • When The Rain Poured   Chapter 68

    February’s POVNangatal ang mga labi ko sa ginaw pagkaahon ko sa tubig dito sa swimming pool. Gabing-gabi na’t wala pa rin silang kasawa-sawang nagbabad.Kusa na lang na kumibot ang ngiti sa aking mga labi nang ipatong sa akin ni Sapphire ang tuwalyang kakakuha niya lang ata sa taas.“Want to take a walk?” sabi ko at nginitian siya. Tinignan niya muna ako na nangangatal pa rin ang mga labi sa sobrang lamig.“Huwag na, masiyadong malamig sa dalampasigan,” sambit niya. Hinila ko lang siya. Nakapaa lang kaming dalawa habang naglalalad dito. Hindi ko maiwasang matuwa habang pinagmamasdan ang karagatan ngayong gabi. Tanginang ang buwan lang ang nagsisilbing ilaw.Hindi ko pa maiwasang mapangiti habang nakatingin sa katabi kong inabot pa ang extra’ng tuwalya sa akin at pinatong pa ulit.“I’m fine, bagong ahon la

  • When The Rain Poured   Chapter 67

    February’s POVHanggang sa maggabi ay iniisip ko pa rin ang sinabi ni Sapphire sa akin.Nandito na kami ngayon sa tapat ng bofire at halos lahat kami’y abala sa pakikipagkwentuhan, hindi ko naman tinitignan si Sapphire dahil ayaw kong lingunin ito.Tahimik lang ako, nandito pa rin si Fiona at katabi nanaman ni Sapphire.“Marshmallow,” sambit ni Sapphire sa akin at inabutan ako ng stick.“Thanks...” mahina kong sambit. Tumango lang naman siya. Nasa kabilang parte naman ang mga bata, naglalaro ng sungka. Kahit na matanda na sina Aya at Cali, hindi pa rin nawawala sa kanila ang paglalaro niyon. Naging libangan na kasi talaga.Habang kami naman dito ay nag-iinuman. Halos lasing na nga ang iba naming kasamahan. Maski ako’y nakailang shots na rin.“Let’s play a game!” masaya nilang sam

  • When The Rain Poured   Chapter 66

    February’s POV“Oh... you’re here na pala talaga...” sabi niya sa akin na nakataas pa ang kilay. She’s still pretty, mas lalo nga lang gumanda ngayon, mas lalo pang humaba ang kanyang buhok at mas lalo pang pumuti.Napangisi naman ako habang pinagmamasdan siya. Hanggang ngayon pala ay nakabuntot pa rin ito kay Sapphire, maraming bali-balita ang tungkol sa kanila lalo na’t artista si Fiona kaya lang ay huminto rin ito ilang taon ang nakalipas.Nakita ko naman kung paano ang pag-alis ni Sapphire sa pagkakahawak ni Fiona sa kanya. Nakangiti ako ngunit nakataas ang kilay ngayon. Hindi ko naman mapigilang mapangiti sa kanya nang lumapit sa akin si Sapphire.“Is it really true that you’re courting that girl?!” malakas na sigaw niya kay Sapphire. Medyo nagulat naman ako roon kung sabagay kalat nga sa buong probinsiya namin na nililigawan ako nitong Sapph

  • When The Rain Poured   Chapter 65

    February’s POV“Don’t forget to bring my gift,” natatawa pang saad ni Isaac mula sa kabilang linya. Hindi ko na lang pinansin pa ang sinasabi nito at tinulungan na lang sina Aya at Cali na buhatin ang mga gamit na dadalhin namin para sa birthday ni Isaac.May pa-outing kasi ang Lolo mo. Oh ‘di ba? Ang yaman na? Samantalang noon ay ni singkong duling ay ayaw akong pahiramin.Wala naman kaming masasakyan dito kaya dadalhin ko ang kotse ko para makapunta sa pagkikitaan namin.Napatingin naman ako kay Sapphire na kasama rin sa outing. Sobrang tagal din naman kasi nilang magkasama ni Isaac. Mas pagkakamalan ko pa nga na sila ang magbestfriend. Paano naman kasi lahat ata ng projects nila ay sila itong tandem.“Let me carry that, Febi,” sabi niya na kinuha sa akin ang bag na hawak. Napatango naman ako. Nakasunod lang naman kaming dalawa ni Aya.

  • When The Rain Poured   Chapter 64

    February’s POV“Anong ginagawa mo rito?” tanong ko kay Sapphire.Napatingin tuloy sa amin ang ibang tao dito sa clinic.“Oh, mukhang hindi sasabay sa atin si Febi, tara na’t lumayas,” natatawang sambit nila sa akin. Napakunot naman ang noo ko habang nakatingin kay Sapphire.May dala kasi itong lunch box, iniwanan naman kami nina Paula.“Sobra ba ang lunch niyo? Pinapaabot ni Mayor?” tanong ko pa. Napakunot naman ang noo niya sa akin dahil dito.“No, of course not. I cooked that,” sambit niya.“Anong meron?” hindi ko maiwasang itanong.“Don’t forget to eat,” sambit niya na iniabot pa ang lunch sa akin. Napaawang naman ang labi ko dahil sa kanya. Agad din naman siyang umalis sa tapat ko.Hindi ko pa rin maiwasa

DMCA.com Protection Status