Share

Chapter 10

Author: Ronx
last update Huling Na-update: 2021-07-16 09:23:46

February’s POV 

“Hoy, saan ka pupunta at bihis na bihis ka?” tanong ni Isaac na pinanliliitan ako ng mga mata. 

Napatikhim naman ako at sinamaan siya ng mga mata dahil halatang ipapahamak nanaman ako nito. 

“Magsisimba,” sabi ko at napaiwas ng tingin. 

“Bihis na bihis?” tanong niya na akala mo detective na kailangan alam ang lahat. 

“At akala ko ba ang kasama mo ay ang Lola mo?” tanong pa niya sa akin na tila hindi naniniwala. 

“Magsisimba ako sa bayan!” sabi ko na tinulak siya sa dibdib. Natatawa lang naman siyang nailing sa akin. 

“Oh? Kasama mo si Sapphire?” tanong niya sa akin. Itatanggi ko pa sana kaya lang ay mukhang si Sapphire ang tinitignan niya ngayon. 

“Good morning...” bati nito sa amin. 

“Maganda umaga, Lods, ingat sa date niyo,” sabi pa niya kaya agad ko siyang kinurot sa tagiliran. 

“Magtigil ka nga, Isaac," bulong ko sa kanya kaya tinawanan ako ng kupal. 

Napailing na lang ako at nagsimula ng maglakad paalis. Inirapan ko muna siya. 

Totoong magsisimba talaga kami ni Sapphire at ngayon ko rin siya ipapasiyal tulad ng usapan naming dalawa. Nagpaalam naman ako kina Lola, pumayag naman ang mga ito kaya ayos lang. 

Napasulyap naman ako kay Sapphire, kahit ano atang suot nito’y talaga namang bumabagay sa kanya. Napansin niya naman ang titig ko kaya nag-iwas na lang ako ng tingin. 

Mayamaya ay dumating na ang kotse niya. Nadala na ata noong nakaraan kaya pinauwi na ito. 

“Thank you, Kuya," sabi niya sa driver at ibinigay sa kanya ang kotse. 

“Thanks,” sambit ko nang pagbuksan niya ako ng pinto. Ngumiti lang ito sa akin. Hindi ko naman maipagkakaila na gwapo talaga ito kapag nakangiti. 

“Alam mo ba, we used to climb that tree noong bata kami tapos nalaglag si Isaac kaya ang ending pare-parehas kaming napagalitan. Isang linggo ata akong hindi pinalaro ni Tatang noon," natatawa kong kwento sa kanya na tinuro ang isang puno. 

Kinagat ko naman agad ang daliri ko na pinanturo dahil baka manuno. 

“Knowing you? You probably throw tantrums that time," natatawa niyang sambit na nakikinig sa mga kwento ko. 

“Medyo, syempre sino bang hindi mainggit lalo na’t nakikita mong naglalaro ang mga kalaro mo? Isang linggo rin kaming hindi bati ni Isaac no’n," sabi ko pa na nakangiti habang kinukwento ‘yon. Tinignan ko naman siya nang hindi siya nagsalita. Wala na ang ngiti mula sa mga labi nito ngunit nang makitang nakatingin ako sa kaniya ay nginitian niya ako. 

“You know what? Sa lahat ata ng kwento mo, hindi pwedeng hindi kasama si Isaac,” natatawang saad niya sa akin. Napaisip naman tuloy ako sa sinabi niya. Well, sa lahat ata ng event sa buhay ko, kasama ko si Isaac. Nginitian ko na lang si Sapphire. 

Mayamaya lang ay nakarating na rin naman kasi sa simbahan. Katulad ng nakasanayan niya, pinagbuksan ulit ako nito ng pinto, gentleman talaga. 

Parang gusto ko naman biglang magtago nang makita ko kung sino ang sasalubong sa amin. Humakbang ako paatras at nagkunwaring hindi ko kasama si Sapphire. 

“Good morning po, La...” bati ni Sapphire sa Donyang nasa tapat namin ngayon. Dahil nahiya naman ako na hindi ito batiin, binati ko na rin ito at ngumiti na lang. 

“Magandang umaga ho,” sambit ko sa kanilang dalawa ni Donya Ligaya at nag-iwas ng tingin. 

“Magandang umaga rin, Hija,” bati nito sa akin. 

Nakita ko naman ang pagtaas ng kilay ni Donya Ligaya sa akin. Pakiramdam ko tuloy ay hinuhusgahan na ako nito. 

“Febi!” nakangiting tawag ni Piolo. 

“Hey.” Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa na nakita ko ang mga ito dito o ano. 

“Halina kayo’t pumasok na tayo sa loob, magsisimula na ang misa," sabi ni Donya Emilya. Hindi naman ako gumalaw sa kinatatayuan ko dahil pakiramdam ko hindi ako makakapagsimba ng maayos kung sasama ako sa mga ito. 

Maski rin naman si Sapphire ay nanatili lang sa tabi ko. 

“Apo, tumabi na kayo sa amin," sabi ni Donya Emilya at ngumiti pa sa kanyang apo. 

“Hindi na po, Lola,” sabi ni Sapphire sa Donya. Nakita ko naman ang dismaya sa mukha nito kaya kinalabit ko si Sapphire na tumabi na lang sa kanila. 

“But you looked uncomfortable...” bulong niya sa akin. 

“Ayos lang ‘yon," sabi ko at ngumiti sa kanya. 

“Fine...” bulong niya at tumango sa akin. 

Nang makapasok kami ay hindi pa naman nagsisimula ang misa. Pumwesto sila sa unahan, binati naman agad ang mga ito ng makakapangyarihan sa lugar na ito. Laking pasasalamat ko naman nang makitang wala ng pwesto sa harap kaya umupo na lang kami sa pangalawang row. 

Parehas lang kaming tahimik ni Sapphire habang ang matatanda sa harap namin ay nagbabatian pa. Patango-tango lang si Sapphire kapag pinapakilala siya sa mga ito. 

“Oh, February, nandito ka pala," nakangiting sambit no’ng anak ni Mayor na si Felix. Nginitian ko lang ito. Nakita ko naman ang pagtingin sa amin ni Donya Ligaya at Donya Emilya. Bumulong pa si Donya Ligaya dito na hindi ko rin naman narinig. 

Hindi ko na lang ‘yon pinansin at nanahimik na lang dito sa pwesto. Hindi naman nagtagal ay nagsimula rin ang misa. Parehas lang kaming tahimik ni Sapphire hanggang sa matapos ito. 

“Mauna na po kami, Lola...” sabi ni Sapphire nang makalabas na kami ng simbahan. 

“Ganoon ba, Hijo? Baka gusto niyo muna pumunta sa hacienda?” tanong ni Donya Emilya, nilingon pa ako nito. Hindi ko naman alam ang dapat na gawin kaya nanatili lang akong tahimik sa isang tabi. 

“Hindi na po, Lola, may lakad din po kasi kami." Nginitian pa ni Sapphire ang matanda. 

“Sinasabi ko na sa'yo, Emilya, ingatan mo ang apo mo sa mga makakamandag na ahas sa tabi,” nakangising saad ni Donya Ligaya. Hindi ba dapat si Donya Emilya ang mag-ingat? Napangisi naman ako sa naiisip. Agad ko ‘yong inalis sa aking isipan. 

Napakunot naman ang noo ni Donya Emilya at ni Sapphire samantalang malademonyong ngumisi naman si Donya Ligaya. 

"Ano pong ibig niyong sabihin?" tanong ni Sapphire na nakasimangot na. 

"Wala naman, Hijo." Sinamahan niya pa 'yon ng tawa.

“Aalis na po kami," seryoso na saad ni Sapphire ngayon. 

“Sige, Apo, mag-iingat kayo,” nakangiting sambit ni Donya Emilya. 

“Mag-ingat ka, Zeal,” sabi naman ni Donya Ligaya na tila ba may pinapahiwatig. Napatikhim naman ako dahil doon. Napailing na lang si Sapphire at hinila na ako paalis dito. 

“Should we eat first?” tanong niya sa akin. Pinakita ko naman ang dala kong bag sa kanya. May sarili akong pagkain, baka mamaya kasi ay magyaya ito bigla, madagdagan pa ang utang ko sa kanya. 

“May baon ako,” natatawa kong saad sa kanya. 

“Huwag kang mag-alala, mayroon din namang para sa'yo,” natatawa kong saad. 

“Ano ‘yan picnic?” naiiling niyang tanong at napatawa pa nang makitang may lunch box akong dala. 

“Kaya pala ang laki-laki niyang bag mo,” natatawa niyang saad sa akin. 

“May alam akong lugar na pwede nating pagkainan!”vnakangiti kong saad sa kanya. Tinuro ko naman ang way patungo roon. 

“I-park mo diyan, aakyat tayo,” sabi ko dahil bundok ang sinasabi kong ito. 

Hindi naman siya nag-alinlangan na sundin ako. Hinila ko naman na siya ng makababa kami. Mabuti na lang talaga ay hindi ako nagbestida kung hindi ay nilipad na ito sa sobrang hangin. 

“Bago pa ata tayo makadating ay gutom na gutom na tayo," sabi niya sa akin habang patuloy lang din sa paglalakad. 

“Malay mo binubudol lang pala kita," natatawa kong saad habang patuloy lang sa pag-akyat. Imbis na ako ang alalayan nito ay ako mismo ang umaalalay sa kanya. 

“May nambubudol bang nagsasabi?” tanong niya. 

“Hindi mo sinabing hiking pala ‘to edi sana nagrubber ako," reklamo niya dahil ang tagal naming naglalakad. Inirapan ko lang siya at nagpatuloy pa rin sa paglalakad. 

Mayamaya, nakarating kami sa dulo kung saan makikita ang magandang view mula sa baba. Mabuti na lang ay mahangin at hindi naman gaanong mainit. 

Makikita ang berdeng kapaligiran, maririnig ang huni ng nga ibon habang ang ulap ay siyang nagpapaganda sa tanawin. Asul na asul. 

Nilapag ko ang mga pagkain na dala ko. Umupo naman sa tabi ko si Sapphire. Nagkwentuhan lang kami habang pinakapikita ko ang lugar sa kaniya. 

Madalas akong nandito kapag pinanghihinaan na ng loob sa mga bagay bagay. Para bang nahihikayat ako nitong magpatuloy. I always admire how beautiful the place is. 

“I used to go here when I’m feeling down but ended up going here when there’s something to celebrate. Now, I’m here to let you see my paradise,” nakangiti kong saad sa kanya. Napatingin naman siya sa akin dahil dito. 

“Siguro sa iba, normal lang na tanawin ito but for me? This place always calm me,” sabi ko habang nakangiti. 

“Does Isaac know this place?” tanong ni Sapphire sa akin. Umiling naman ako. Ang chismosong ‘yon paniguradong magdadala ng mga kaklase namin dito. 

“Then why did you bring me here?” tanong niya sa akin. 

“Well, ang sabi mo dalhin kita sa mga magagandang lugar dito, hindi ba?” nakangiti kong tanong sa kaniya. 

“I already know this place though...” natatawa niyang saad. Napakunot naman ako ng noo at tinignan siya. Nagkibit lang naman siya ng balikat at ngumiti sa akin. 

Nabago naman ang usapan nakin ngunit nanatili pa rin kami dito, dinadama ang paligid. Nagpapahinga na kami ngayon. Ibabalik ko na sana ang lunch box sa bag ngunit agad akong natigilan nang makita ang speaker ko. 

“Let’s play some music,” sabi niya na kinuha ang speaker sa akin. 

“You know what? The first time I came here, I saw someone dancing.” Halos mabilaukan naman ako sa sariling laway dahil dito. 

“And this speaker looks familiar," mahinang bulong niya pa. Para naman akong nawalan ng dugo sa mukha dahil sa kanya. 

“Huwag mong sabihing ikaw ‘yon?” May naglalarong ngisi mula sa mga labi nito na tila ba alam niyang ako talaga iyon. Napatikhim naman ako at nag-iwas ng tingin sa kanya dahil dito. 

“Can you dance for me?” tanong niya na tila alam na marunong akong sumaway. Hindi naman ako nahihiya sa talento ko ngunit nakakahiya naman kung napanood pala ako nitong sumayaw noon. 

“Stalker!” sabi ko sa kanya at nginiwian siya. 

“I’m not! I just accidently saw you dancing that time. You’re amazing that’s why I kept on watching," natatawa niyang saad. Pinamulahan naman ako ng mukha dahil doon. 

Sinimulan niya namang magpatugtog, hindi ko mapigilang igalaw ang paa ko at sumabay sa beat ng kanta. 

“Come on, dance for me, Febi," natatawa niyang saad. Napakagat naman ako sa ibabang labi nang kaunti na lang ay mapipilit na ako nito. Mayamaya ay tuluyan na akong naakit ng musika at sumayaw sa gitna ng arawan. Sanay na sanay lang ako na ang mga ibon ang tagapanood ko, but now, someone is watching me. 

He looked amaze habang nakatingin sa akin. Napapalakpak pa siya ng matapos ang kanta. Nagulat naman ako nang sumayaw din siya, hindi ko mapigilang mamangha habang pinagmamasdan siya. 

“Woah...” bulong ko sa sarili. Inaya niya naman akong sumayaw ulit kaya ‘yon ang ginawa ko. Napangiti na lang ako nang makarami ata kaming kanta at sayaw lang kami ng sayaw na dalawa. 

“That was amazing!” natatawa niyang saad at nakipag-up here pa sa akin. 

Napangiti naman ako habang nakatingin sa kaniya. Parehas naman kaming hinihingal na dalawa. Inabutan niya ako ng tubig at iniabot pa ang panyo niya sa akin. 

“Thanks!” sambit ko na tinaggap ito. Nginitian niya lang ako at uminom din sa pinag-inuman ko. 

Parehas naman kaming napatingin sa speaker nang ang kaninang masiglang awitin ay napalitan ng romantic song. 

Napatingin naman ako kay Sapphire nang maglahad siya ng kamay sa akin. 

“May I have this dance, Miss?” nakangiti niyang sambit sa akin. 

“Nababaliw ka na ba, Sapphire?” natatawa kong tanong na hindi tinatanggap ang kamay nito. 

“Come on, Febi, dance with me," nakangiti niyang saad na hindi pa rin inaalis ang kamay sa tapat ko. Napatikhim naman ako dahil dito. Tinitigan ko muna ang kamay niya bago nag-aalinlangan na tinggap iyon. 

Nakangiti lang siya sa akin, hindi ko maiwasang mapatitig sa esmeraldang mga mata nito na nakatingin sa kulay kayumangging mga mata ko. 

Hinapit niya naman ang baywang ko habang sumasabay sa ritmo ng musika. Nagsayaw lang kami habang ang background namin ay ang mga punong nasa paligid, ang maulap na kalangitan habang pinapanood ng mga ibong nagliliparan sa himpapawid. 

Kaugnay na kabanata

  • When The Rain Poured   Chapter 11

    February’s POV“Febi, pakibigay mo nga ito sa mga kapitbahay,” sabi ni Lola na inabot ang ilang bunga ng santol na nasungkit nina Lolo kanina.“Opo, Nang,” sambit ko at naglakad na patungo sa kina Isaac.“Aling Sally!” sigaw ko at kumatok sa pintuan nila. Si Isaac naman ang lumabas habang may hawak-hawak na mga damo. Hindi ko alam kung dapat ba akong matawa sa itsura nito o ano.“Uyy, salamat!” nakangiti niyang sambit na inagaw na agad sa akin ang santol.“Hoy, halika’t samahan mo akong kumuha ng buko kina Aling Tessy,” sabi niya sa akin.“Pag-iisipan ko,” natatawa kong saad ko kahit na balak ko naman na talagang sumama sa kanya.“Dami mong alam, bilisan mo na lang,” sabi niya na pumasok na sa loob ng bahay nila.“Nat

    Huling Na-update : 2021-07-16
  • When The Rain Poured   Chapter 12

    February’s POVSaka lang ako natauhan ng mapatingin ulit ako sa kanyang katawan at nakita kong may mga gasgas iyon na mukhang nakuha niya sa pag-akyat sa puno. Nako naman. Baka mamaya ay bigla kaming sugurin ni Donya Emilya dahil nasugatan ang apo niya.Magsusuot na sana siya ng t-shirt ngunit agad ko ‘yon hinila para tignan ng mabuti ang gasgas.“Hoy, ang wild, ah,” natatawa niyang biro sa akin.“Hoy, Febilyn, mahiya ka naman sa Lolo’t Lola mo, maghunos dili ka, Hija.” Humagalpak ng tawa si Isaac. Sinamaan ko silang dalawa ng tingin dahil dito.“Ang dami mong sugat, Sapphire!” hindi ko mapigilang sambitin sa kanya.“It’s normal, I think,” sabi niya na nginitian pa ako. Tinignan ko naman siya ng masama. Nakita ko pa ang kamay nitong dumudugo.“Tiyansing ka lang

    Huling Na-update : 2021-07-17
  • When The Rain Poured   Chapter 13

    February’s POVNadatnan ko siyang nakapikit lang sa isang tabi habang may suot-suot na headset, mukhang pinapakalma ang sarili. Napatitig naman ako sa nakakunot noong lalaking ito.Nang imulagat niya ang kanyang mga mata ay nakita niya na ako. Hindi ko alam kung matatawa ako sa pag-irap nito o ano. Inalis niya naman ang headset at seryosong nilingon ako“What?” tanong niya.“You should eat,” sambit ko. Tinignan niya lang naman ako.“Hindi ka kakain? No matter how annoyed you are, hindi naman pwedeng hindi ka kumain,” seryosong saad ko sa kanya.Hindi naman siya nakipagtalo at kinuha ang pagkain na dala ko. Hindi pa rin naman ako umalis dahil hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya.“Why? Don’t tell me you also want to watch me eat?” tanong niya na wala man lang kangiti ngiti.

    Huling Na-update : 2021-07-17
  • When The Rain Poured   Chapter 14

    February’s POV“Anong meron?” tanong ko na napasilip pa sa kabilang parte ng bukid dahil ang daming tao sa court na ginawa nila.Tinignan naman ako ni Nora na tila sinasabing ‘close tayo?’Hindi ko alam kung matatawa ba ako doon o ano. Sinagot niya rin naman ang tanong ko.“Naglalaro si Zeal doon,” sabi niya na napakibit ng balikat. Natawa na lang ako sa aking sarili nang makita ko sina Grace at Ana Marie na nag-aayos ng kilay. Mukhang manonood din.“Hoy, Tara, nood.” Napatingin naman ako nang makita si Isaac na nakaakbay na sa akin ngayon. Kaya naman pala hindi nakikisali si Nora dahil hindi naglalaro si Isaac.Inalis ko naman ang pagkakaakbay nito, hindi rin naman niya binalik. Maglalakad na sana kami patungo sa bukid ngunit biglang nagsalita si Nora.“Isaac, manonood kayo? Pup

    Huling Na-update : 2021-07-18
  • When The Rain Poured   Chapter 15

    February’s POV“Good morning, Febi!” Halos mapatalon ako sa gulat nang may sumigaw sa tenga ko.Hindi ko naman maiwasang matawa nang makita ko si Sapphire na nakabike na rin ngayon.“Good morning,” bati ko rin sa kanya at ngumiti.“Mamamalengke ka? Ang dami-dami mong stock, hindi ba?” tanong ko sa kaniya na nakakunot ang noo.“Yeah, but you promise to teach me what to buy,” sabi niya at ngumiti ng malapad. If I know gusto lang talaga nitong mamasyal. Ikaw ba naman kasing nakatengga lang buong araw.Sa bayan kami ngayon mamamalengkeng dalawa dahil parehas naman kaming may bike.“Let’s go,” sabi niya na malapad pa rin ang ngiti. Hindi ko tuloy mapigilang mahawa sa ngiti nito. Habang nagbabike ay binabati kami ng mga kapit bahay. Binabati lang din naman namin ito pabalik

    Huling Na-update : 2021-07-18
  • When The Rain Poured   Chapter 16

    February’s POV“Kuya Zeal, galingan mo!” nakangiting sambit ni Cali kay Sapphire na siyang susubok sa palosebo.Pista ng baryo namin ngayon kaya naman may mga palaro ang punong baranggay dito mismo sa lugar namin dahil nga malawak din ang bukirin.“Aba, Cali, paano naman ako?” natatawang tanong ni Kaloy na siyang maglalaro rin.“Oo nga, akala ko ba close tayo, Cali?” tanong naman sa kaniya ni Peter na siya namang nasa isang bamboo.Napanguso lang si Cali dahil dito at hindi alam ang sasabihin sa mga ito na pinagkakaguluhan ang suporta niya. Napatawa na lang ako ng mahina at ginulo ang buhok ni Cali.“Are you sure you can do it?” tanong ko kay Sapphire.“I think so? I don’t know. I’ll try...” sabi niya na nginitian ako. Paano ba naman kasi ay pinilit lang siya ng

    Huling Na-update : 2021-07-18
  • When The Rain Poured   Chapter 17

    February’s POV“Where are you going?” tanong ni Sapphire nang makita akong naglalakad patungo sa daan.“Mag-eenroll,” sagot ko naman sa kanya. Aayusin ko na lang naman iyon, dito lang din kasi ako sa amin magcocollege. Hindi pa naman kasi kaya sa mga mamahaling school sa manila saka kahit maging scholar pa ako ay ayaw ko rin naman na mahiwalay kina Lola at Lolo. Atleast dito, makakatulong pa ako kahit paano.“Let’s go, samahan na kita, I wanted to buy siopao. Kanina pa ako nakakakain,” sabi niya sa akin. Pinanliitan ko naman siya ng mga mata. Kung alam ko lang ay gusto lang talaga nitong sumama. Napakibit na lang ako ng balikat at sumunod sa kanya.Nandito ngayon ang kotse niya, galing ata ito sa Manila. Mukhang pinauwi ata siya ng magulang niya. Malapit na rin naman siyang umalis dito sa amin dahil malapit na ang pasukan nila.Medy

    Huling Na-update : 2021-07-18
  • When The Rain Poured   Chapter 18

    February’s POV“Aba, ako ba ang makikipagdate? I’m asking you,” natatawa kong sambit sa kanya pagkatpos ng mahabang katahimikan naming dalawa.“Nah... ayaw,” sabi niya at napanguso.“Yeah, it’s okay, hindi naman kita pipilitin, alam ko naman na ‘yan din ang isasagot mo,” natatawa kong saad at napailing pa. Tinignan niya lang naman ako. Nginitian ko na lang siya.Parehas naman kaming dalawa na naglalakad lang dito sa likuran nila. Mukhang nahihiya rin naman silang kausapin si Sapphire dahil kapag sumasagot ito sa kanila ay tila gusto na agad na tapusin ang usapan.“Pre, napanood ko ‘yong laro niyo noong nakaraan, ang galing mo!” sabi ni Kian sa kaniya.“Oh… thanks.” Parang wala itong kagana ganang sumagot sa kanila kaya siniko ko siya. Kinunutan niya naman ako ng n

    Huling Na-update : 2021-07-18

Pinakabagong kabanata

  • When The Rain Poured   Epilogue

    Sapphire’s POV“Tangina, Pre, hindi ka ba nagsasawa diyan sa gawain mo? Halos araw-araw alak,” sambit sa akin ng mga kaibigan ko. Wala akong pinansin isa sa kanila.Patuloy lang ako sa pagtungga, I drink until I passed out.“Uminom ka na naman!” galit na galit na saad ng Daddy ko na siyang nalinis na ang pangalan pero wala pa rin akong lakas ng loob na balikan si Febi lalo na’t baka galit pa rin siya.“Ano bang pakialam mo? Kung hindi dahil sa’yo, kami pa sana ni Febi, nasa akin pa rin sana siya…” Panduduro ko pa habang lasing na lasing, hindi na alam ang gagawin. Nakaramdam naman ako ng suntok galing sa kaniya ngunit hindi ko ‘yon ininda. Walang-wala ang sakit na ‘yon sa nararamdaman ng puso ko.“Ano, Zeal? Wala ka na bang gustong gawin kung hindi ang mag-inom?” tanong sa akin ni Lola at nakatan

  • When The Rain Poured   Chapter 71

    February’s POV“Wews, nandito nanaman si Febi, bantay sarado na naman si Zeal,” sambit ni Isaac kaya naman sinamaan ko siya ng tingin. Tinawanan niya lang naman ako.“Huwag kang kakain, ah?” sabi ko dahil may dala-dala akong lunch para sa mga trabahador para dito sa bahay na pinapagawa namin.“Joke lang naman, hindi ka naman mabiro,” natatawa niyang saad sa akin at aakbay pa sana kaya lang bago niya pa ‘yon magawa may bumangga na sa kaniyang braso.“Pucha, damot,” natatawang sambit ni Isaac kay Sapphire. Napailing na lang ako sa kaniya.“Anong ginagawa mo rito? Akala ko ba nasa site ka nina Mayor?” tanong ko sa kaniya.“I’m done with my works there,” sabi niya naman.“Tapos ka na rin naman dito?” tanong namam ni Isaac. Sabatero talaga kah

  • When The Rain Poured   Chapter 70

    February’s POV“Araw-araw ata talagang may party kina Donya Ligaya,” natatawang saad ni Isaac habang nagmamaneho. Patungo kami sa bahay nina Donya Ligaya dahil may party ata na gaganapin para kina Denis at ng girlfriend nito.Imbitado kami as always. Nang makarating kami do’n ay binati agad kami ng ilang mga kaibigan.Ayaw ko sanang pumunta dahil sa nangyari noong nakaraan kaya lang baka may masabi ulit si Donya Ligaya kaya nagtungo na lang ako. Tahimik lang naman ako habang nandito sa party. Lumapit sa akin si Jigs at ngumiti.Hindi ko siya magawang ngitian lalo na’t hindi pa kami nakakapag-usap simula no’ng magtalo kami noong nakaraan.“Kumain ka na, Febi?” tanong niya sa akin.“Busog pa ako,” sambit ko naman sa kaniya.“Oh… Do you want anything?” tanong niya

  • When The Rain Poured   Chapter 69

    February’s POVPagkalabas ko sa cr ay agad kong nakita si Sapphire na nasa tapat ng pinto. He’s looking at me. Hindi ko alam kung narinig niya ba ang usapan namin sa likod.“Well, I did slap here,” sambit ko dahil sa tingin nitong tila’y namimintang dahil rinig na rinig mula dito sa labas ang lakas ng iyak ni Fiona.“You didn’t give me away, did you?” tanong niya na para bang kayang kaya ko ‘yong gawin. Well, kung ang batang February siguro’y mauuto pa ng mga salita ngunit nadala na ako sa lahat ng pinagdaanan ko. Hindi niya siguro maiwasang maalala si Ate Reena at ang pagrereto ko sa kanya noon.“Of course not,”vsambit ko kahit na ang totoo’y sinabi kong kapag pinananatili siya ni Sapphire nang kahit isang beses ay irereject ko ito. Sa totoo lang hindi talaga ako sigurado roon at hindi ko rin alam kung sinabi niyang &lsquo

  • When The Rain Poured   Chapter 68

    February’s POVNangatal ang mga labi ko sa ginaw pagkaahon ko sa tubig dito sa swimming pool. Gabing-gabi na’t wala pa rin silang kasawa-sawang nagbabad.Kusa na lang na kumibot ang ngiti sa aking mga labi nang ipatong sa akin ni Sapphire ang tuwalyang kakakuha niya lang ata sa taas.“Want to take a walk?” sabi ko at nginitian siya. Tinignan niya muna ako na nangangatal pa rin ang mga labi sa sobrang lamig.“Huwag na, masiyadong malamig sa dalampasigan,” sambit niya. Hinila ko lang siya. Nakapaa lang kaming dalawa habang naglalalad dito. Hindi ko maiwasang matuwa habang pinagmamasdan ang karagatan ngayong gabi. Tanginang ang buwan lang ang nagsisilbing ilaw.Hindi ko pa maiwasang mapangiti habang nakatingin sa katabi kong inabot pa ang extra’ng tuwalya sa akin at pinatong pa ulit.“I’m fine, bagong ahon la

  • When The Rain Poured   Chapter 67

    February’s POVHanggang sa maggabi ay iniisip ko pa rin ang sinabi ni Sapphire sa akin.Nandito na kami ngayon sa tapat ng bofire at halos lahat kami’y abala sa pakikipagkwentuhan, hindi ko naman tinitignan si Sapphire dahil ayaw kong lingunin ito.Tahimik lang ako, nandito pa rin si Fiona at katabi nanaman ni Sapphire.“Marshmallow,” sambit ni Sapphire sa akin at inabutan ako ng stick.“Thanks...” mahina kong sambit. Tumango lang naman siya. Nasa kabilang parte naman ang mga bata, naglalaro ng sungka. Kahit na matanda na sina Aya at Cali, hindi pa rin nawawala sa kanila ang paglalaro niyon. Naging libangan na kasi talaga.Habang kami naman dito ay nag-iinuman. Halos lasing na nga ang iba naming kasamahan. Maski ako’y nakailang shots na rin.“Let’s play a game!” masaya nilang sam

  • When The Rain Poured   Chapter 66

    February’s POV“Oh... you’re here na pala talaga...” sabi niya sa akin na nakataas pa ang kilay. She’s still pretty, mas lalo nga lang gumanda ngayon, mas lalo pang humaba ang kanyang buhok at mas lalo pang pumuti.Napangisi naman ako habang pinagmamasdan siya. Hanggang ngayon pala ay nakabuntot pa rin ito kay Sapphire, maraming bali-balita ang tungkol sa kanila lalo na’t artista si Fiona kaya lang ay huminto rin ito ilang taon ang nakalipas.Nakita ko naman kung paano ang pag-alis ni Sapphire sa pagkakahawak ni Fiona sa kanya. Nakangiti ako ngunit nakataas ang kilay ngayon. Hindi ko naman mapigilang mapangiti sa kanya nang lumapit sa akin si Sapphire.“Is it really true that you’re courting that girl?!” malakas na sigaw niya kay Sapphire. Medyo nagulat naman ako roon kung sabagay kalat nga sa buong probinsiya namin na nililigawan ako nitong Sapph

  • When The Rain Poured   Chapter 65

    February’s POV“Don’t forget to bring my gift,” natatawa pang saad ni Isaac mula sa kabilang linya. Hindi ko na lang pinansin pa ang sinasabi nito at tinulungan na lang sina Aya at Cali na buhatin ang mga gamit na dadalhin namin para sa birthday ni Isaac.May pa-outing kasi ang Lolo mo. Oh ‘di ba? Ang yaman na? Samantalang noon ay ni singkong duling ay ayaw akong pahiramin.Wala naman kaming masasakyan dito kaya dadalhin ko ang kotse ko para makapunta sa pagkikitaan namin.Napatingin naman ako kay Sapphire na kasama rin sa outing. Sobrang tagal din naman kasi nilang magkasama ni Isaac. Mas pagkakamalan ko pa nga na sila ang magbestfriend. Paano naman kasi lahat ata ng projects nila ay sila itong tandem.“Let me carry that, Febi,” sabi niya na kinuha sa akin ang bag na hawak. Napatango naman ako. Nakasunod lang naman kaming dalawa ni Aya.

  • When The Rain Poured   Chapter 64

    February’s POV“Anong ginagawa mo rito?” tanong ko kay Sapphire.Napatingin tuloy sa amin ang ibang tao dito sa clinic.“Oh, mukhang hindi sasabay sa atin si Febi, tara na’t lumayas,” natatawang sambit nila sa akin. Napakunot naman ang noo ko habang nakatingin kay Sapphire.May dala kasi itong lunch box, iniwanan naman kami nina Paula.“Sobra ba ang lunch niyo? Pinapaabot ni Mayor?” tanong ko pa. Napakunot naman ang noo niya sa akin dahil dito.“No, of course not. I cooked that,” sambit niya.“Anong meron?” hindi ko maiwasang itanong.“Don’t forget to eat,” sambit niya na iniabot pa ang lunch sa akin. Napaawang naman ang labi ko dahil sa kanya. Agad din naman siyang umalis sa tapat ko.Hindi ko pa rin maiwasa

DMCA.com Protection Status