Share

Chapter 11

Author: Ronx
last update Last Updated: 2021-07-16 09:24:40

February’s POV

“Febi, pakibigay mo nga ito sa mga kapitbahay,” sabi ni Lola na inabot ang ilang bunga ng santol na nasungkit nina Lolo kanina.

“Opo, Nang,” sambit ko at naglakad na patungo sa kina Isaac.

“Aling Sally!” sigaw ko at kumatok sa pintuan nila. Si Isaac naman ang lumabas habang may hawak-hawak na mga damo. Hindi ko alam kung dapat ba akong matawa sa itsura nito o ano.

“Uyy, salamat!” nakangiti niyang sambit na inagaw na agad sa akin ang santol.

“Hoy, halika’t samahan mo akong kumuha ng buko kina Aling Tessy,” sabi niya sa akin.

“Pag-iisipan ko,” natatawa kong saad ko kahit na balak ko naman na talagang sumama sa kanya.

“Dami mong alam, bilisan mo na lang,” sabi niya na pumasok na sa loob ng bahay nila.

“Natural, nag-aaral!” sigaw ko naman pabalik sa kanya at nginiwian ito. Nagmake face lang siya sa akin. Inirapan ko lang siya at umalis na sa tapat ng bahay nina.

Nagtungo naman ako papunta sa bahay ni Sapphire. Wala ring ginagawa ang kupal na ‘yon kung hindi ang pumunta sa kung saan. Nakita ko naman siyang nakikipagtitigan sa pipino niya na lumalaki na.

Marami na rin itong tanim dito katulad ng kalabasa, kamatis at sili.

“Pinabibigay ni Lola,” sabi ko na iniabot sa kanya iyon.

“Fuck.” Napahawak pa siya sa dibdib sa gulat sa akin.

“Ngayon alam mo na?” natatawa kong tanong dahil ganyan na ganyan din ito kapag nagtutungo sa bahay.

“Look mayroon ng bulaklak,” sabi niya na pinapakita ang pipino niya. Natawa naman ako sa reaksiyon nito. Ngiting-ngiti ito habang nakatingin lang sa kaniyang tanim. Naiintindihan ko naman siya dahil ito ata ang kauna-unahan niyang tanim.

Imbis na bumalik na tuloy ako kina Isaac ay nakipagkwentuhan pa ulit ako kay Sapphire.

“Hoy, Febilyn, kanina pa kita hinihintay sa bahay, nandito ka lang pala.” Sabay naman kaming napatingin kay Isaac na may hawak pang itak. Hindi ko alam kung dapat ba akong matakot dito o mairita.

“Dalian mo na at kanina pa naghihintay si Aling Tessy,” sabi niya sa akin.

“Oo, teka lang. Ito na,” sabi ko na tumayo na para sumunod na sa kaniya. Nakatingin lang naman sa aming dalawa si Sapphire kaya nginitian ko siya.

“Gusto mong sumama?” tanong ni Isaac sa kanya. Tinignan ko naman ito. Nagtataka niyang binalik ang tingin sa amin.

“Where are you going?” tanong ni Sapphire.

“Mananaga,” sabi ni Isaac kaya agad ko siyang binatukan.

“Umayos ka nga, Isaac,” sabi ko na sinamaan siya ng tingin.

“Aray...” reklamo niya na napahawak pa sa binatok ko sa kanya.

“Totoo naman ahh! Mananaga tayo ng buko!” Nginiwian pa ako nito habang patawa tawang nakatingin sa akin.

“Ano, Pre? Sama ka?” tanong niya kay Sapphire.

“Alright,” sagot naman nito, talagang sasama ito dahil wala naman itong ginagawa kung hindi ang magpakalat -kalat dito sa amin. Pero paminsan minsan naman ay nakikita ko siyang kumukuha ng litrato.

Napatingin naman si Sapphire nang makita kung anong sasakyan namin.

“Are you sure you can drive that?” tanong niya kay Isaac. 

“Oo naman, Pre, palagay mo sa akin?” natatawang tanong ni Isaac sa kanya.

Tribic kasi ng mama niya ito at hula ko nakita ni Sapphire na pinagalitan ito noong isang araw dahil hindi nagpaalam sa kaniyang ina.

“Sure ka na gagamitin mo ‘yan?” tanong ko kay Isaac.

“Oo naman, lakas ko lang kay Mama,” sabi niya na pinapamadali na kami sa pagsakay. Natawa na lang ako at sumakay na sa tribic.

Paalis pa lang kami ay nakita ko na agad si Aling Sally na sumisigaw mula sa bahay nila.

“Isaac! Walanghiya ka talagang bata ka!” malakas na sigaw nito. Nagflying kiss lang si Isaac sa kanya. Hindi ko alam kung matatawa ako dahil dito o matatakot dahil paniguradong mayayari kami mamaya.

“Walanghiya ka talaga, hinahigh blood mo ang Mama mo,” natatawa kong saad sa kanyam Tinawanan niya lang naman ako.

“Mas lalo ka pang mayayari kapag naflat ‘yan,” sabi ko sa kaniya dahil bako-bako ang dadaanan namin.

“Hindi ‘yan, lakas ko lang,” mayabang na saad nito kaya napailing na lang ako sa kanya at hinayaan na siya.

Magkatabi naman kami ni Sapphire. Pakiramdam ko talaga ay mapaflat ito dahil ang bigat-bigat naming tatlo. Halos dikit na dikit na rin kami ni Sapphire dahil maliit lang naman ang upuan dito.

Mabuti na lang ay matiwasay naman kaming nakarating sa bahay nina Aling Tessy.

“Aling Tessy!” tawag ni Isaac dito. May bukuhan kasi ang matandang babae at hindi naman niya mapaakyat ang mga anak kaya naghahanap pa sila ng mga pwedeng umakyat dito.

Kasama ko naman si Isaac sa mga ganitong bagay kaya madalas kami ang mga sinusuggest ng mga kapit bahay namin.

“Mabuti naman at nandito na kayo, Isaac,” sabi ni Aling Tessy.

“Mas maaga pa nga po sana kung hindi lang dahil sa isa riyan.” Pagpaparinig niya sa akin. Nagmake face lang naman ako sa kanya, ganoon din naman siya sa akin.

“Nako, kayo talagang dalawa, para talaga kayong aso’t pusa,” natatawang saad ni Aling Tessy sa amin.

“Oh? Sino ‘yang gwapong batang kasama mo, Febi?” tanong ni Aling Tessy sa akin.

“Ako ba ang tinutukoy mo, Aling Tessy?” natatawang tanong ni Isaac. Agad ko namang tinulak ang mukha nito palayo. Natawa tuloy sa amin si Aling Tessy.

“Si Sapphire po, Aling Tessy, kapit bahay namin,” sabi ko na tinuro si Sapphire. Ngumiti naman si Sapphire ng tipid dito. Nginitian na lang din siya ni Aling Tessy.

“Kumain na ba kayo? Baka gusto niyo munang magmeryenda sa loob.” Sasagot pa sana si Isaac ngunit hinarangan ko na siya dahil kapahamakan lang ang dala nito kapag ganitong nagsasalita siya.

“Hindi na po, malakas naman po ‘tong si Isaac,” sabi ko at ngumiti pang lumingon kay Isaac. Pinagkunutan niya naman ako ng noo.

“’Di ba? Lakas mo nga,” natatawa kong saad sa kanya. Dumila lang ito at inirapan ako.

“Tara, Sapphire,” sabi ko kay Sapphire na kanina pa tahimik sa tabi ko. Ngumiti lang siya at tumango. Nagsimula naman ng umakyat si Isaac sa puno ng buko. Sanay na sanay na ito.

Nakatingin lang naman si Sapphire doon. Ni hindi umaalis sa kinatatayuan niya. Hinila ko siya ng muntikan ng malaglagan ng buko, ako tuloy ang natamaan sa paa.

“Punyeta ka, Isaac! Mag-ingat ka naman!” malakas kong sigaw sa kanya.

“Sorry!” sabi niya na nagpeace sign pa mula sa taas. Sinamaan ko siya ng tingin at binantaan.

“Ikaw naman, para kang tanga no?” tanong ko kay Sapphire.

“You almost get hurt!” sermon ko sa kanya na tinignan pa ito kung may sugat. Nakatingin lang naman siya sa akin.

“You’re the one who got hurt because of me,” sabi niya na naupo pa sa tapat ko. Hinawakan niya naman ang daliri sa paa na siyang nabagsakan ng buko. Saka ko lang naman naramdaman ang sakit no’n.

“Hoy! Huwag kayong maglandian diyan! Hindi ko na kasalanan kapag nabagsakan kayo ng mga buko!” malakas na sigaw ni Isaac mula sa taas. Patawa-tawa pa ito habang tinitignan kami. Susumbong ko talaga ang isang ‘yan sa nanay niya.

Lumayo naman kami. Hagis lang kasi nang hagis ang kupal na ito.

“Ano? Masakit ba?” tanong ni Sapphire na nag-aalala sa akin. Hindi ko naman tuloy maiwasang titigan siya. Agad akong napailing dahil sa naisip.

“Oo naman! Daplis lang ‘yon ‘no!” natatawa kong saad na tinulak siya dahil sa nararamdaman. Tinignan niya tuloy ako sandali bago siya tumango.

Pinapanood lang namain si Isaac na nilalaglag ang mga buko sa baba. Bumaba na rin ito ng wala ng makuha.

Namulot naman kaming dalawa ni Sapphire. Habang namumulot ay ang dami dami nitong tanong. Sinasagot ko lang naman ang mga tanong niya.

“So, how much they going to sell this?” tanong niya sa akin. Sinagot ko naman ang tanong niya.

“What about you guys? Magkano naman ang ibabayad sa inyo?” tanong pa niya ulit.

“Ang dami-dami mong tanong, gusto mo bang magnegosiyo nito?” natatawang tanong ko sa kanya.

“I’m just asking, it’s not that bad to ask someone when you want to learn,” sabi niya na napanguso. Napangiti naman ako sa kaniya. He’s always curious. Madali lang din naman siyang natuto, minsan nga ay tignan niya pa lang ay tila alam niya na. Nagtatanong kapag hindi alam. Tama rin naman siya, walang masama sa pagtatanong lalo na kapag gusto mong matuto.

“’Yan, Febilyn, diyan ka magaling, sa pakikipagharutan,” natatawang saad sa akin ni Isaac. Binantaan ko naman siya na ihahagis ang buko sa kaniya.

“Teka, teka, malaki ‘yan, oyy!” malakas niyang sigaw na napalayo pa sa akin.

Natawa na lang ako na napailing sa kaibigang si Isaac.

“Did you ever like Isaac?” tanong ni Sapphire sa akin. Napakunot naman ako ng noo sa kanya.

“Oo naman, kahit gago ‘yan, best friend ko ‘yan,” natatawang sambit ko.

“I mean romantically?” tanong niya pa. Bakit ba ang inosente nitong tignan?

Natawa naman ako sa tanong niya. I never even thought about him as a man.

“Parang kapatid ko na ‘yan no!” naiiling kong saad sa kanya. Halos lahat ng baho niyan alam ko na.

“I never like him romantically, I mean he’s okay but nah… ang sabi nila hindi pwedeng maging magkaibigan ang isang babae at lalaki? But no, ‘yon ang akala nila,” natatawa ko pa ring saad dahil hindi ko maimagine ang sariling nagkakagusto kay Isaac at sigurado rin naman akong ganoon din siya sa akin.

Napatango na lang si Sapphire sa tabi ko. Nakita ko pang malalim ang iniisip niya bago ako nginitian.

“Oh, Febi, ikaw na ang aakyat?” tanong sa akin ni Isaac nang matapos naming pulutin ang iba. Naghanda naman na ako ngunit agad akong pinigilan ni Sapphire.

“I want to try it,” sabi niya sa akin.

“It’s not that easy,” sabi ko naman sa kanya. Baka mamaya kung ano pang mangyari dito at kami pa ang malalagot.

Si Isaac naman ay painom inom lang ng buko sa tabi. Pinapanood kaming dalawa ni Sapphire.

“Let me try,” sabi pa niya na naghahanda na. Inadvice-an naman siya ni Isaac, hindi ko naman akalaing makikinig ito sa kupal. Inalis niya naman ang t-shirt niya.

“Hoy, Febi, malusaw ‘yan,” natatawang saad ni Isaac dahil napatitig ako sa katawan nito. Looks like he’s also working out.

“Spg!” natatawang saad ni Isaac sa akin. Binato ko naman siya ng maliit na bato dito.

“Palibhasa kasi patpatin ka!” sambit ko sa kanya pero may abs din naman ito, mas lakas nga lang ang dating ni Sapphire para sa akin.

Bakit pati pag-akyat ay ang hot pa rin nitong tignan? Nakatitig lang tuloy ako sa kanya. Nagawa niya namang makaakyat hanggang sa taas kaya lang ay medyo nahihirapan sa pagkuha ng mga buko ngunit maya maya lang ay nagawa niya ng maayos iyon.

Nang bumaba siya ay halos mapaatras ako ng lumapit siya sa akin. Napakagat ako sa aking mga labi nang makita ko ang pawisan nitong katawan. Mas nakita ko pa tuloy ng malapitan ang abs niya. Napaiwas naman ako ng tingin ngunit kinausap niya ako kaya no choice akong lumingon sa kanya. No choice ba talaga, Febi?

“I thought it’s easy, I never thought it’s really tiring. It’s quite a work out,” sabi niya pa at ngumiti.

“Ah, oo...” sabi ko na nag-iwas ng tingin. Ramdam ko naman ang pamumula ng pisngi ko dahil dito.

“Why? What’s wrong?” tanong niya na lumapit pa ng kaunti. Susubukan niya pang kapain ang noo ko ngunit agad kong hinampas ang kamay nito.

“Huwag mong sabihing crush mo na ako. Nako, abs lang pala ang katapat mo,” natatawa niyang saad sa akin na nilapit pa ang mukha. Tinampal ko naman siya ngunit mas lalo pa siyang nang-asar.

“Be, tiyansing ka, Be,” natatawa niyang saad sa akin.

“Ang kapal ng mukha mo! Wala ka namang abs!” sambit ko sa kanya ng matauhan. Nagkukunwari namang niyayakap ni Sapphire ang sarili habang tinawanan ako.

Humahagalpak naman na ng tawa si Isaac sa isang tabi. Sinamaan ko siya ng tingin.

“Kaya pala kanina pa tumutulo ang laway mo riyan, Febi. Nako, Pre, magtago-tago ka na kay Febi, crush ka niyan,” sabi ni Isaac na nakipag-up here pa kay Sapphire.

Parehas naman nila akong inasar na dalawa at sabay pang humagalpak ng tawa. Ang mga epal na ito!

Related chapters

  • When The Rain Poured   Chapter 12

    February’s POVSaka lang ako natauhan ng mapatingin ulit ako sa kanyang katawan at nakita kong may mga gasgas iyon na mukhang nakuha niya sa pag-akyat sa puno. Nako naman. Baka mamaya ay bigla kaming sugurin ni Donya Emilya dahil nasugatan ang apo niya.Magsusuot na sana siya ng t-shirt ngunit agad ko ‘yon hinila para tignan ng mabuti ang gasgas.“Hoy, ang wild, ah,” natatawa niyang biro sa akin.“Hoy, Febilyn, mahiya ka naman sa Lolo’t Lola mo, maghunos dili ka, Hija.” Humagalpak ng tawa si Isaac. Sinamaan ko silang dalawa ng tingin dahil dito.“Ang dami mong sugat, Sapphire!” hindi ko mapigilang sambitin sa kanya.“It’s normal, I think,” sabi niya na nginitian pa ako. Tinignan ko naman siya ng masama. Nakita ko pa ang kamay nitong dumudugo.“Tiyansing ka lang

    Last Updated : 2021-07-17
  • When The Rain Poured   Chapter 13

    February’s POVNadatnan ko siyang nakapikit lang sa isang tabi habang may suot-suot na headset, mukhang pinapakalma ang sarili. Napatitig naman ako sa nakakunot noong lalaking ito.Nang imulagat niya ang kanyang mga mata ay nakita niya na ako. Hindi ko alam kung matatawa ako sa pag-irap nito o ano. Inalis niya naman ang headset at seryosong nilingon ako“What?” tanong niya.“You should eat,” sambit ko. Tinignan niya lang naman ako.“Hindi ka kakain? No matter how annoyed you are, hindi naman pwedeng hindi ka kumain,” seryosong saad ko sa kanya.Hindi naman siya nakipagtalo at kinuha ang pagkain na dala ko. Hindi pa rin naman ako umalis dahil hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya.“Why? Don’t tell me you also want to watch me eat?” tanong niya na wala man lang kangiti ngiti.

    Last Updated : 2021-07-17
  • When The Rain Poured   Chapter 14

    February’s POV“Anong meron?” tanong ko na napasilip pa sa kabilang parte ng bukid dahil ang daming tao sa court na ginawa nila.Tinignan naman ako ni Nora na tila sinasabing ‘close tayo?’Hindi ko alam kung matatawa ba ako doon o ano. Sinagot niya rin naman ang tanong ko.“Naglalaro si Zeal doon,” sabi niya na napakibit ng balikat. Natawa na lang ako sa aking sarili nang makita ko sina Grace at Ana Marie na nag-aayos ng kilay. Mukhang manonood din.“Hoy, Tara, nood.” Napatingin naman ako nang makita si Isaac na nakaakbay na sa akin ngayon. Kaya naman pala hindi nakikisali si Nora dahil hindi naglalaro si Isaac.Inalis ko naman ang pagkakaakbay nito, hindi rin naman niya binalik. Maglalakad na sana kami patungo sa bukid ngunit biglang nagsalita si Nora.“Isaac, manonood kayo? Pup

    Last Updated : 2021-07-18
  • When The Rain Poured   Chapter 15

    February’s POV“Good morning, Febi!” Halos mapatalon ako sa gulat nang may sumigaw sa tenga ko.Hindi ko naman maiwasang matawa nang makita ko si Sapphire na nakabike na rin ngayon.“Good morning,” bati ko rin sa kanya at ngumiti.“Mamamalengke ka? Ang dami-dami mong stock, hindi ba?” tanong ko sa kaniya na nakakunot ang noo.“Yeah, but you promise to teach me what to buy,” sabi niya at ngumiti ng malapad. If I know gusto lang talaga nitong mamasyal. Ikaw ba naman kasing nakatengga lang buong araw.Sa bayan kami ngayon mamamalengkeng dalawa dahil parehas naman kaming may bike.“Let’s go,” sabi niya na malapad pa rin ang ngiti. Hindi ko tuloy mapigilang mahawa sa ngiti nito. Habang nagbabike ay binabati kami ng mga kapit bahay. Binabati lang din naman namin ito pabalik

    Last Updated : 2021-07-18
  • When The Rain Poured   Chapter 16

    February’s POV“Kuya Zeal, galingan mo!” nakangiting sambit ni Cali kay Sapphire na siyang susubok sa palosebo.Pista ng baryo namin ngayon kaya naman may mga palaro ang punong baranggay dito mismo sa lugar namin dahil nga malawak din ang bukirin.“Aba, Cali, paano naman ako?” natatawang tanong ni Kaloy na siyang maglalaro rin.“Oo nga, akala ko ba close tayo, Cali?” tanong naman sa kaniya ni Peter na siya namang nasa isang bamboo.Napanguso lang si Cali dahil dito at hindi alam ang sasabihin sa mga ito na pinagkakaguluhan ang suporta niya. Napatawa na lang ako ng mahina at ginulo ang buhok ni Cali.“Are you sure you can do it?” tanong ko kay Sapphire.“I think so? I don’t know. I’ll try...” sabi niya na nginitian ako. Paano ba naman kasi ay pinilit lang siya ng

    Last Updated : 2021-07-18
  • When The Rain Poured   Chapter 17

    February’s POV“Where are you going?” tanong ni Sapphire nang makita akong naglalakad patungo sa daan.“Mag-eenroll,” sagot ko naman sa kanya. Aayusin ko na lang naman iyon, dito lang din kasi ako sa amin magcocollege. Hindi pa naman kasi kaya sa mga mamahaling school sa manila saka kahit maging scholar pa ako ay ayaw ko rin naman na mahiwalay kina Lola at Lolo. Atleast dito, makakatulong pa ako kahit paano.“Let’s go, samahan na kita, I wanted to buy siopao. Kanina pa ako nakakakain,” sabi niya sa akin. Pinanliitan ko naman siya ng mga mata. Kung alam ko lang ay gusto lang talaga nitong sumama. Napakibit na lang ako ng balikat at sumunod sa kanya.Nandito ngayon ang kotse niya, galing ata ito sa Manila. Mukhang pinauwi ata siya ng magulang niya. Malapit na rin naman siyang umalis dito sa amin dahil malapit na ang pasukan nila.Medy

    Last Updated : 2021-07-18
  • When The Rain Poured   Chapter 18

    February’s POV“Aba, ako ba ang makikipagdate? I’m asking you,” natatawa kong sambit sa kanya pagkatpos ng mahabang katahimikan naming dalawa.“Nah... ayaw,” sabi niya at napanguso.“Yeah, it’s okay, hindi naman kita pipilitin, alam ko naman na ‘yan din ang isasagot mo,” natatawa kong saad at napailing pa. Tinignan niya lang naman ako. Nginitian ko na lang siya.Parehas naman kaming dalawa na naglalakad lang dito sa likuran nila. Mukhang nahihiya rin naman silang kausapin si Sapphire dahil kapag sumasagot ito sa kanila ay tila gusto na agad na tapusin ang usapan.“Pre, napanood ko ‘yong laro niyo noong nakaraan, ang galing mo!” sabi ni Kian sa kaniya.“Oh… thanks.” Parang wala itong kagana ganang sumagot sa kanila kaya siniko ko siya. Kinunutan niya naman ako ng n

    Last Updated : 2021-07-18
  • When The Rain Poured   Chapter 19

    February’s POV“Boo!” Panggugulat ko kay Sapphire na nagdidilig sa mga halaman niya ngayon. Ni hindi man siya nagulat tila alam niya na nasa likod niya ako ngayon.“Wow, grabe, nagulat ako,” sarkastikong sambit niya. Napatawa na lang ako ng mahina at naupo na sa upuan niya.“Inaalagaan mo pa, iiwan mo rin naman,” natatawa kong sambit sa kanya. Tinignan niya naman ako at pinagtaasan ng kilay. Natatawa lang naman akong umiling sa kanya.Aalis na rin ito ngayon. Mamayang hapon. Pinagpapabukas pa nga ng mga kapitbahay namin kaya lang ay bukas na ang klase nito. Napalapit na rin siya sa mga kapitbahay namin kaya mahirap hirap ding bitawan.Namitas naman siya sa mga tanim niya ng pipino. Halos araw-araw na niya itong kinakain at mukhang hindi pa rin nagsasawa ang mokong.“Balutin mo na lang kaya at dalhin sa manila,&r

    Last Updated : 2021-07-18

Latest chapter

  • When The Rain Poured   Epilogue

    Sapphire’s POV“Tangina, Pre, hindi ka ba nagsasawa diyan sa gawain mo? Halos araw-araw alak,” sambit sa akin ng mga kaibigan ko. Wala akong pinansin isa sa kanila.Patuloy lang ako sa pagtungga, I drink until I passed out.“Uminom ka na naman!” galit na galit na saad ng Daddy ko na siyang nalinis na ang pangalan pero wala pa rin akong lakas ng loob na balikan si Febi lalo na’t baka galit pa rin siya.“Ano bang pakialam mo? Kung hindi dahil sa’yo, kami pa sana ni Febi, nasa akin pa rin sana siya…” Panduduro ko pa habang lasing na lasing, hindi na alam ang gagawin. Nakaramdam naman ako ng suntok galing sa kaniya ngunit hindi ko ‘yon ininda. Walang-wala ang sakit na ‘yon sa nararamdaman ng puso ko.“Ano, Zeal? Wala ka na bang gustong gawin kung hindi ang mag-inom?” tanong sa akin ni Lola at nakatan

  • When The Rain Poured   Chapter 71

    February’s POV“Wews, nandito nanaman si Febi, bantay sarado na naman si Zeal,” sambit ni Isaac kaya naman sinamaan ko siya ng tingin. Tinawanan niya lang naman ako.“Huwag kang kakain, ah?” sabi ko dahil may dala-dala akong lunch para sa mga trabahador para dito sa bahay na pinapagawa namin.“Joke lang naman, hindi ka naman mabiro,” natatawa niyang saad sa akin at aakbay pa sana kaya lang bago niya pa ‘yon magawa may bumangga na sa kaniyang braso.“Pucha, damot,” natatawang sambit ni Isaac kay Sapphire. Napailing na lang ako sa kaniya.“Anong ginagawa mo rito? Akala ko ba nasa site ka nina Mayor?” tanong ko sa kaniya.“I’m done with my works there,” sabi niya naman.“Tapos ka na rin naman dito?” tanong namam ni Isaac. Sabatero talaga kah

  • When The Rain Poured   Chapter 70

    February’s POV“Araw-araw ata talagang may party kina Donya Ligaya,” natatawang saad ni Isaac habang nagmamaneho. Patungo kami sa bahay nina Donya Ligaya dahil may party ata na gaganapin para kina Denis at ng girlfriend nito.Imbitado kami as always. Nang makarating kami do’n ay binati agad kami ng ilang mga kaibigan.Ayaw ko sanang pumunta dahil sa nangyari noong nakaraan kaya lang baka may masabi ulit si Donya Ligaya kaya nagtungo na lang ako. Tahimik lang naman ako habang nandito sa party. Lumapit sa akin si Jigs at ngumiti.Hindi ko siya magawang ngitian lalo na’t hindi pa kami nakakapag-usap simula no’ng magtalo kami noong nakaraan.“Kumain ka na, Febi?” tanong niya sa akin.“Busog pa ako,” sambit ko naman sa kaniya.“Oh… Do you want anything?” tanong niya

  • When The Rain Poured   Chapter 69

    February’s POVPagkalabas ko sa cr ay agad kong nakita si Sapphire na nasa tapat ng pinto. He’s looking at me. Hindi ko alam kung narinig niya ba ang usapan namin sa likod.“Well, I did slap here,” sambit ko dahil sa tingin nitong tila’y namimintang dahil rinig na rinig mula dito sa labas ang lakas ng iyak ni Fiona.“You didn’t give me away, did you?” tanong niya na para bang kayang kaya ko ‘yong gawin. Well, kung ang batang February siguro’y mauuto pa ng mga salita ngunit nadala na ako sa lahat ng pinagdaanan ko. Hindi niya siguro maiwasang maalala si Ate Reena at ang pagrereto ko sa kanya noon.“Of course not,”vsambit ko kahit na ang totoo’y sinabi kong kapag pinananatili siya ni Sapphire nang kahit isang beses ay irereject ko ito. Sa totoo lang hindi talaga ako sigurado roon at hindi ko rin alam kung sinabi niyang &lsquo

  • When The Rain Poured   Chapter 68

    February’s POVNangatal ang mga labi ko sa ginaw pagkaahon ko sa tubig dito sa swimming pool. Gabing-gabi na’t wala pa rin silang kasawa-sawang nagbabad.Kusa na lang na kumibot ang ngiti sa aking mga labi nang ipatong sa akin ni Sapphire ang tuwalyang kakakuha niya lang ata sa taas.“Want to take a walk?” sabi ko at nginitian siya. Tinignan niya muna ako na nangangatal pa rin ang mga labi sa sobrang lamig.“Huwag na, masiyadong malamig sa dalampasigan,” sambit niya. Hinila ko lang siya. Nakapaa lang kaming dalawa habang naglalalad dito. Hindi ko maiwasang matuwa habang pinagmamasdan ang karagatan ngayong gabi. Tanginang ang buwan lang ang nagsisilbing ilaw.Hindi ko pa maiwasang mapangiti habang nakatingin sa katabi kong inabot pa ang extra’ng tuwalya sa akin at pinatong pa ulit.“I’m fine, bagong ahon la

  • When The Rain Poured   Chapter 67

    February’s POVHanggang sa maggabi ay iniisip ko pa rin ang sinabi ni Sapphire sa akin.Nandito na kami ngayon sa tapat ng bofire at halos lahat kami’y abala sa pakikipagkwentuhan, hindi ko naman tinitignan si Sapphire dahil ayaw kong lingunin ito.Tahimik lang ako, nandito pa rin si Fiona at katabi nanaman ni Sapphire.“Marshmallow,” sambit ni Sapphire sa akin at inabutan ako ng stick.“Thanks...” mahina kong sambit. Tumango lang naman siya. Nasa kabilang parte naman ang mga bata, naglalaro ng sungka. Kahit na matanda na sina Aya at Cali, hindi pa rin nawawala sa kanila ang paglalaro niyon. Naging libangan na kasi talaga.Habang kami naman dito ay nag-iinuman. Halos lasing na nga ang iba naming kasamahan. Maski ako’y nakailang shots na rin.“Let’s play a game!” masaya nilang sam

  • When The Rain Poured   Chapter 66

    February’s POV“Oh... you’re here na pala talaga...” sabi niya sa akin na nakataas pa ang kilay. She’s still pretty, mas lalo nga lang gumanda ngayon, mas lalo pang humaba ang kanyang buhok at mas lalo pang pumuti.Napangisi naman ako habang pinagmamasdan siya. Hanggang ngayon pala ay nakabuntot pa rin ito kay Sapphire, maraming bali-balita ang tungkol sa kanila lalo na’t artista si Fiona kaya lang ay huminto rin ito ilang taon ang nakalipas.Nakita ko naman kung paano ang pag-alis ni Sapphire sa pagkakahawak ni Fiona sa kanya. Nakangiti ako ngunit nakataas ang kilay ngayon. Hindi ko naman mapigilang mapangiti sa kanya nang lumapit sa akin si Sapphire.“Is it really true that you’re courting that girl?!” malakas na sigaw niya kay Sapphire. Medyo nagulat naman ako roon kung sabagay kalat nga sa buong probinsiya namin na nililigawan ako nitong Sapph

  • When The Rain Poured   Chapter 65

    February’s POV“Don’t forget to bring my gift,” natatawa pang saad ni Isaac mula sa kabilang linya. Hindi ko na lang pinansin pa ang sinasabi nito at tinulungan na lang sina Aya at Cali na buhatin ang mga gamit na dadalhin namin para sa birthday ni Isaac.May pa-outing kasi ang Lolo mo. Oh ‘di ba? Ang yaman na? Samantalang noon ay ni singkong duling ay ayaw akong pahiramin.Wala naman kaming masasakyan dito kaya dadalhin ko ang kotse ko para makapunta sa pagkikitaan namin.Napatingin naman ako kay Sapphire na kasama rin sa outing. Sobrang tagal din naman kasi nilang magkasama ni Isaac. Mas pagkakamalan ko pa nga na sila ang magbestfriend. Paano naman kasi lahat ata ng projects nila ay sila itong tandem.“Let me carry that, Febi,” sabi niya na kinuha sa akin ang bag na hawak. Napatango naman ako. Nakasunod lang naman kaming dalawa ni Aya.

  • When The Rain Poured   Chapter 64

    February’s POV“Anong ginagawa mo rito?” tanong ko kay Sapphire.Napatingin tuloy sa amin ang ibang tao dito sa clinic.“Oh, mukhang hindi sasabay sa atin si Febi, tara na’t lumayas,” natatawang sambit nila sa akin. Napakunot naman ang noo ko habang nakatingin kay Sapphire.May dala kasi itong lunch box, iniwanan naman kami nina Paula.“Sobra ba ang lunch niyo? Pinapaabot ni Mayor?” tanong ko pa. Napakunot naman ang noo niya sa akin dahil dito.“No, of course not. I cooked that,” sambit niya.“Anong meron?” hindi ko maiwasang itanong.“Don’t forget to eat,” sambit niya na iniabot pa ang lunch sa akin. Napaawang naman ang labi ko dahil sa kanya. Agad din naman siyang umalis sa tapat ko.Hindi ko pa rin maiwasa

DMCA.com Protection Status