Share

Chapter 12

Author: Ronx
last update Huling Na-update: 2021-07-17 18:17:31

February’s POV

Saka lang ako natauhan ng mapatingin ulit ako sa kanyang katawan at nakita kong may mga gasgas iyon na mukhang nakuha niya sa pag-akyat sa puno. Nako naman. Baka mamaya ay bigla kaming sugurin ni Donya Emilya dahil nasugatan ang apo niya.

Magsusuot na sana siya ng t-shirt ngunit agad ko ‘yon hinila para tignan ng mabuti ang gasgas.

“Hoy, ang wild, ah,” natatawa niyang biro sa akin.

“Hoy, Febilyn, mahiya ka naman sa Lolo’t Lola mo, maghunos dili ka, Hija.” Humagalpak ng tawa si Isaac. Sinamaan ko silang dalawa ng tingin dahil dito.

“Ang dami mong sugat, Sapphire!” hindi ko mapigilang sambitin sa kanya.

“It’s normal, I think,” sabi niya na nginitian pa ako. Tinignan ko naman siya ng masama. Nakita ko pa ang kamay nitong dumudugo.

“Tiyansing ka lang ata, Febi,” sabi sa akin ni Isaac. Hindi ko na lang pinansin ang pang-aasar nito. Agad kong hinila si Sapphire at pinaupo sa gilid. Nagtungo naman ako sa bahay nina Aling Tessy.

“Aling Tessy...” tawag ko dito.

“Oh, Febi? Tapos na kayo?” nakangiti nitong tanong.

“Pupwede po ba akong manghiram ng alcohol at bulak niyo?” tanong ko sa kanya.

“Bakit? Anong nangyari?” natataranta nitong tanong.

“Galos lang naman ho,” sabi ko at ngumiti na lang ng tipid para panatagin ito. Tumango naman siya at inabutan ako ng first aid kit.

“Thank you po,” sabi ko at ngumiti. Bumalik naman ako kina Isaac at Sapphire, mukhang seryoso ang usapan ng mga ito dahil parehong seryoso ang mukha. Parehas na natahimik nang makitang pabalik na ako. Pinanliitan ko naman sila ng mga mata.

“Ano? Binaback stab niyo ako no?” tanong ko ngunit napailing lang ang mga ito saka tumawa.

“Anong pinag-uusapan niyo?” tanong ko pa ngunit parehas lang silang umiling sa akin.

“Kinukwento ko lang kung gaano ka katanga noong unang beses kang umakyat diyan,” natatawang saad ni Isaac. Binantaan ko naman ito ng tingin.

Mayamaya ay umakyat na ulit siya kaya naiwan kaming dalawa ni Sapphire. Nilagyan ko naman ng alcohol ang sugat nito. Parang wala lang naman ‘yon sa kaniya dahil nakatitig lang siya sa akin. Napakurap tuloy ako bago nag-iwas ng tingin.

“What? Ganda ko ba?” natatawa tanong ko para mawala ang awkwardness na namamagitan sa aming dalawa.

“Kung maganda ka, ano pang ibig sabihin ng ganda?” natatawa niyang tanong kaya walang pag-aalinlangan kong diniinan ang bulak ngunit imbis na masaktan ay natawa lang siya sa akin.

Mayamaya ay dumating na si Aling Tessy na may dala dalang meryenda para sa amin.

“Isaac, kain muna kayo,” sabi ni Aling Tessy sa kabababang si Isaac.

“Salamat po, Aling Tessy,” sabi ni Isaac sa kanya at malapad na ngumiti.

“Sige, kain lang kayo,” sabi naman ng matanda at ngumiti ng malapad.

Natapos ko naman ng gamutin ang sugat ni Sapphire kaya nagitak ako ng buko. Pipigilan pa sana ako nito ngunit si Isaac naman ang nagsalita.

“Nako, Pre, hayaan mo ‘yan, kayang kaya na niya ‘yan,” sabi nito at napakibit ng balikat. Nakatingin lang naman sa akin si Sapphire, nginitian ko lang siya at napagtuloy na sa pagbuklat ng buko.

Kumuha naman ako ng dahon ng buko at gumawa ng straw saka ko ‘yon inabot kay Sapphire.

“Ako rin, Febi!” sabi ni Isaac na lumalamon na sa isang tabi.

Wala naman akong nagawa kung hindi ipagbalat din ito. Inabot ko ‘yon sa kanya.

“Thanks!” nakangiti niyang sambit. Inirapan ko lang siya.

“It taste good,” sabi ni Sapphire at ngumiti. Hindi ko mapigilang mapatulala kapag ngumingiti ito.

“Febi! Nandito ka pala!” Naputol naman ang tingin ko kay Sapphire nang marinig na may tumatawag sa akin.

“’Yan na ang dakilang manliligaw,” natatawang saad ni Isaac. Hindi naman nanliligaw sa akin si Noel.

“Ngayon na lang ulit kita nakita, may pasalubong nga pala ako sa’yo,” sabi niya sa akin at ngumiti ng malapad. Nag-aalinlangan naman akong ngumiti sa kanya.

“Hindi na kailangan, Noel,” sambit ko sa kanya ngunit nginitian niya lang ako ng malapad.

“Pasensiya ka na, napatagal kasi ang bakasiyon namin. Mabuti nga’t minadali ko ang Mama ko na umuwi na,” sabi niya na nakangiti lang sa akin.

“Sana hindi ka na umuwi,” bulong ko sa sarili na narinig ni Sapphire at Isaac. Parehas silang natawang dalawa. Napatikhim tuloy ako dahil doon.

“Namiss mo ba ako, Febi?” nakangiti niya pang tanong sa akin. Nakangiwing ngumiti naman ako sa kaniya.

“Namiss mo ako no?” natatawa niya pang tanong.

“Ayos lang ‘yan, nandito naman na ako ngayon,” sabi niya pa sa akin. Parang gusto ko na lang umalis dito.

“Nga pala, bakit hindi mo sinasagot ang mga text ko sayo?” tanong niya sa akin.

“Wala akong load,” sabi ko na lang.

“Pinaload-an kita pero pinasaload mo naman sa akin,” sabi niya pa.

“Ah, oo. Huwag kang magsayang ng pera para sa akin, Noel,” sabi ko na lang sa kanya.

“Huh? Hayaan mo lang akong magsayang ng pera para sayo, Febi,” nakangiti nitong sambit.

“Pero tinagawan kita ng ilang beses, ha? Bakit hindi mo sinagot?” tanong niya pa at napanguso. Huwag kang ngumuso, Noel, mukha kang bibe. Nakangiwing ngumiti na lang ako sa kaniya.

“Busy ako, Noel. Maraming pinagkakaabalahan sa bukid,” sabi ko na lang sa kaniya. Pero ang totoo? Kahit hindi ako busy ay hindi ko magawang sagutin ang tawag nito saka hindi lang ‘yon isang beses, halos oras-oras ata itong tumatawag. Hindi ko alam kung wala lang siyang magawa sa buhay o ano.

Hindi ko ito magawang tanggihan dahil pinakiusapan ako ng Mama niya. Madali lang kasing masaktan itong si Noel at kung ano-anong pinaggagawa kapag nagalit. Sinasaktan niya ang kaniyang sarili.

“Ganoon ba? Wala ka man lang bang oras para sa akin?” tanong niya pa. Nakangiwing ngumiti naman ako sa kanyang tanong. Humawak pa ito sa kamay ko, pilit ko naman ‘yon na inaalis. Tatayo na sana si Isaac ngunit naunahan na siya ni Sapphire.

“Why don’t you just get lost, Man?Mukhang ayaw naman sa’yong makipag-usap ng tao,” sabi ni Sapphire na siyang nakatingin lang sa amin. Seryoso ang mukha habang nakatingin kay Noel.

Napatingin naman sa kaniya si Noel at mukhang nagalit ito bigla. Napapito lang si Isaac sa isang tabi tila ayaw makisawsaw sa gulo.

“Sino ka naman para paalisin ako? Nakikita mo namang nag-uusap pa kami, ‘di ba?” mayabang na tanong ni Noel kay Sapphire. Napangisi naman si Sapphire ngunit ng tignan si Noel ay biglang nagseryoso ang mukha.

“Nag-uusap? Mukha ngang ikaw lang itong nagsasalita sa inyong dalawa,” sambit ni Sapphire na napapailing pa. Mukha na rin itong naiinis ngayon.

“Mabuti pa nga’t umuwi ka na Noel,”s abi ko at maayos itong pinapaalis baka mamaya ay magwala pa siya, ang magulang niya ang mamomroblema kung sakali.

“Bakit mo ako pinapauwi, February? Huwag mong sabihing kinakampihan mo ‘yang gagong ‘yan?” galit niyang tanong sa akin na tinuro pa si Sapphire. Napatikhim naman ako dahil dito. Mukhang naiinis na rin si Sapphire sa kanya.

“Tol, kalma ka lang,” sabi ni Isaac na tumayo na rin.

“Ano? Kinakampihan mo ‘yan, Febi?” galit na tanong niya sa akin na mukhang kaunti na lang ay tuluyan ng magwawala. Nagulat naman ako nang bigla niyang suntukin si Sapphire.

Agad akong humarang nang makita kong babawi na ‘tong si Sapphire. Mukhang tuluyan ng nairita. Pinigilan ko naman ang kamao niya na tumama kay Noel. Si Aling Teresa kasi ang mamomroblema kapag nagdala ng gulo ang anak kahit na nagdala na nga talaga siya. Pwedeng pwede siyang sampahan ng kaso ni Sapphire at pwedeng pwede ring magulo ang buhay nila dahil dito.

“Halika na, Noel, ihahatid na kita,” sabi ko at ngumiti sa kanya. Kita ko namang kumalma siya ng ngitian ko siya.

“Ihahatid ko na,” sambit ko kay Isaac. Sinenyasan ko namang pakalmahin si Sapphire na masama pa rin ang tingin. Mukhang inis pa rin ito, agad akong napaiwas ng tingin nang makitang nakatingin siya ng masama sa akin.

“Ano? Sasama ako,” sabi ni Sapphire na tutungo na sana patungo sa amin ngunit agad siyang nahila ni Isaac. May binulong naman ito at hindi ko na alam kung ano dahil medyo nakalayo na rin kami.

“Pasensiya ka na, Febi, uminit lang talaga ang ulo ko, ang yabang kasi no’n e. Sino ba ‘yon?” tanong sa akin ni Noel. Hindi ata siya aware na mainitin talaga ang ulo niya.

“Huwag kong sabihing manliligaw mo?” tanong niya pa sa akin na tila galit. Napangiwi naman ako dahil dito. Kung makaasta kasi ito’y para bang may namamagitan sa aming dalawa.

“Ah, hindi, si Sapphire bago naming kapit bahay,” sabi ko na lang sa kaniya.

Nang makarating naman na kami sa bahay nila ay tuluyan na siyang kumalma. Mabait naman kasi talaga si Noel ngunit hindi lang nilulugar ang galit niya.

Nagpaalam naman na ako ngunit humabol pa siya para ibigay ang pasalubong niya daw sa akin.

“Hindi na kailangan, Noel, hindi ko rin ‘yan magagamit,” sabi ko na hindi tinatanggap ang bigay niya sa akin.

“Ibigay mo na lang sa kamag-anak mo,” sabi ko at ngumiti pa. Hindi ko na siya hinayaan pang magsalita at nauna ng maglakad paalis. Napabuntong hininga na lang ako habang naglalakad paalis.

“Boo!” Nagulat naman ako ng biglang may bumulaga sa akin. Nakita ko naman sina Isaac at Sapphire na nakasunod kanina pa. Alam kong nakasunod sila kaya kampante rin naman ako.

Nakasimangot pa rin si Sapphire habang naglalakad kami. Hindi ko maiwasang mapanguso nang makitang mayroong sugat ang labi niya. Hahawakan ko na sana ngunit agad kong binaba ang kamay nang makitang nagpupuyos ito sa inis.

Hindi ko alam kung dahil ba hindi siya nakaganti o ano. Hanggang sa makasakay kami sa bike ay nakasimangot pa rin ito. Mukhang ayaw din akong kausapin. Napabuntong hininga na lang ako dahil dito. Halos magkadikit na kami ngunit wala lang ‘yon sa kanya at nasa kabilang dako lang ng daan ang tingin.

Napatingin naman ako kay Isaac na tumatawa lang sa gilid ngunit nang tignan ko siya ay papito pito lang siya na tila nakafocus lang ang tingin sa daan. Napairap na lang ako sa kanya.

“Uyy...” tawag ko kay Sapphire. Akala ko’y hindi ako nito papansinin ngunit nagsalita rin naman.

“What?” kunot noong tanong niya.

“Pasensiya ka na kay Noel…” sambit ko sa kanya ngunit mas lalo lang itong narita sa akin.

“Bakit ikaw ang humihingi ng tawad? Ikaw ba ang sumuntok?” inis na saad niya. Mas lalo pa atang nainis. Napatikhim na lang ako at napanguso.

Nang makarating kami sa tapat ng bahay nila ay bahagya kaming nagulat nang makitang may pa boodle fight dito.

“Apo!” nakangiting sambit ni Donya Emilya nang makita si Sapphire.

“Hija, Hijo, baba muna kayo rito na mananghalian,” sabi niya sa akin ni Isaac. Masaya namang tumango si Isaac dahil dito.

“Good noon, Lola.” Walang kangiti-ngiti ang mukha nitong binati ang Lola niya. Napanguso naman ako, hindi maiwasang maisip na may parteng ako ang may kasalanan. Pero bakit naman ako?

“Anong nangyari riyan?” tanong pa ng Lola niya nang makita na may sugat ang labi nito.

“Nadapa lang po, Lola,” sabi naman ni Sapphire na nakasimangot pa rin. Mukhang hindi naman naniniwala ang Lola niya at tumingin sa akin.

“Ano talaga ang nangyari dito, Hija?” tanong niya sa akin. Hindi ko naman alam ang isasagot ko.

“Nadapa nga lang po, La…” seryosong saad ni Sapphire. Napa-buntonghininga naman si Donya Emilya tila alam na hindi magsasabi ng totoo ang apo.

“O siya, sige na’t magsikain na kayo,” sabi niya na nagbigay ng plastic gloves.

Napa-buntonghininga na lang ako habang tinitignan si Sapphire na wala sa mood kahit binabati na ng mga tao. Mukhang galit nga na hindi nakabawi kay Noel pero kasi naman hindi niya naman na kailangan patulan ‘yon dahil merong sira ng kaunti. Saka ayaw ko lang naman siyang mapaaway pa, ah?

Napaiwas na lang ako ng tingin dahil dito. Si Isaac naman ay pinapagalitan na ng Mama niya dahil nga sa paggamit ng bike. Hindi ko naman magawang matawa dahil kay Sapphire na pumasok na sa loob ng bahay niya na hindi man lang kumakain.

“What really happenned, Hija?” tanong ni Donya Emilya. Hindi ko naman magawang sumagot dahil baka mamaya sa galit nito’y may mawalan ng tirahan. Kayang-kayang gawin ‘yon ng mga mayayaman na katulad niya. Isang mali, tapos na agad ang lahat.

“If you can’t answer it, can you just give it to him?” tanong niya sa akin na binigay ang pagkain na para kay Sapphire. Tumango na lang ako at pumasok sa loob ng bahay niya.

“Hey...”

Kaugnay na kabanata

  • When The Rain Poured   Chapter 13

    February’s POVNadatnan ko siyang nakapikit lang sa isang tabi habang may suot-suot na headset, mukhang pinapakalma ang sarili. Napatitig naman ako sa nakakunot noong lalaking ito.Nang imulagat niya ang kanyang mga mata ay nakita niya na ako. Hindi ko alam kung matatawa ako sa pag-irap nito o ano. Inalis niya naman ang headset at seryosong nilingon ako“What?” tanong niya.“You should eat,” sambit ko. Tinignan niya lang naman ako.“Hindi ka kakain? No matter how annoyed you are, hindi naman pwedeng hindi ka kumain,” seryosong saad ko sa kanya.Hindi naman siya nakipagtalo at kinuha ang pagkain na dala ko. Hindi pa rin naman ako umalis dahil hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya.“Why? Don’t tell me you also want to watch me eat?” tanong niya na wala man lang kangiti ngiti.

    Huling Na-update : 2021-07-17
  • When The Rain Poured   Chapter 14

    February’s POV“Anong meron?” tanong ko na napasilip pa sa kabilang parte ng bukid dahil ang daming tao sa court na ginawa nila.Tinignan naman ako ni Nora na tila sinasabing ‘close tayo?’Hindi ko alam kung matatawa ba ako doon o ano. Sinagot niya rin naman ang tanong ko.“Naglalaro si Zeal doon,” sabi niya na napakibit ng balikat. Natawa na lang ako sa aking sarili nang makita ko sina Grace at Ana Marie na nag-aayos ng kilay. Mukhang manonood din.“Hoy, Tara, nood.” Napatingin naman ako nang makita si Isaac na nakaakbay na sa akin ngayon. Kaya naman pala hindi nakikisali si Nora dahil hindi naglalaro si Isaac.Inalis ko naman ang pagkakaakbay nito, hindi rin naman niya binalik. Maglalakad na sana kami patungo sa bukid ngunit biglang nagsalita si Nora.“Isaac, manonood kayo? Pup

    Huling Na-update : 2021-07-18
  • When The Rain Poured   Chapter 15

    February’s POV“Good morning, Febi!” Halos mapatalon ako sa gulat nang may sumigaw sa tenga ko.Hindi ko naman maiwasang matawa nang makita ko si Sapphire na nakabike na rin ngayon.“Good morning,” bati ko rin sa kanya at ngumiti.“Mamamalengke ka? Ang dami-dami mong stock, hindi ba?” tanong ko sa kaniya na nakakunot ang noo.“Yeah, but you promise to teach me what to buy,” sabi niya at ngumiti ng malapad. If I know gusto lang talaga nitong mamasyal. Ikaw ba naman kasing nakatengga lang buong araw.Sa bayan kami ngayon mamamalengkeng dalawa dahil parehas naman kaming may bike.“Let’s go,” sabi niya na malapad pa rin ang ngiti. Hindi ko tuloy mapigilang mahawa sa ngiti nito. Habang nagbabike ay binabati kami ng mga kapit bahay. Binabati lang din naman namin ito pabalik

    Huling Na-update : 2021-07-18
  • When The Rain Poured   Chapter 16

    February’s POV“Kuya Zeal, galingan mo!” nakangiting sambit ni Cali kay Sapphire na siyang susubok sa palosebo.Pista ng baryo namin ngayon kaya naman may mga palaro ang punong baranggay dito mismo sa lugar namin dahil nga malawak din ang bukirin.“Aba, Cali, paano naman ako?” natatawang tanong ni Kaloy na siyang maglalaro rin.“Oo nga, akala ko ba close tayo, Cali?” tanong naman sa kaniya ni Peter na siya namang nasa isang bamboo.Napanguso lang si Cali dahil dito at hindi alam ang sasabihin sa mga ito na pinagkakaguluhan ang suporta niya. Napatawa na lang ako ng mahina at ginulo ang buhok ni Cali.“Are you sure you can do it?” tanong ko kay Sapphire.“I think so? I don’t know. I’ll try...” sabi niya na nginitian ako. Paano ba naman kasi ay pinilit lang siya ng

    Huling Na-update : 2021-07-18
  • When The Rain Poured   Chapter 17

    February’s POV“Where are you going?” tanong ni Sapphire nang makita akong naglalakad patungo sa daan.“Mag-eenroll,” sagot ko naman sa kanya. Aayusin ko na lang naman iyon, dito lang din kasi ako sa amin magcocollege. Hindi pa naman kasi kaya sa mga mamahaling school sa manila saka kahit maging scholar pa ako ay ayaw ko rin naman na mahiwalay kina Lola at Lolo. Atleast dito, makakatulong pa ako kahit paano.“Let’s go, samahan na kita, I wanted to buy siopao. Kanina pa ako nakakakain,” sabi niya sa akin. Pinanliitan ko naman siya ng mga mata. Kung alam ko lang ay gusto lang talaga nitong sumama. Napakibit na lang ako ng balikat at sumunod sa kanya.Nandito ngayon ang kotse niya, galing ata ito sa Manila. Mukhang pinauwi ata siya ng magulang niya. Malapit na rin naman siyang umalis dito sa amin dahil malapit na ang pasukan nila.Medy

    Huling Na-update : 2021-07-18
  • When The Rain Poured   Chapter 18

    February’s POV“Aba, ako ba ang makikipagdate? I’m asking you,” natatawa kong sambit sa kanya pagkatpos ng mahabang katahimikan naming dalawa.“Nah... ayaw,” sabi niya at napanguso.“Yeah, it’s okay, hindi naman kita pipilitin, alam ko naman na ‘yan din ang isasagot mo,” natatawa kong saad at napailing pa. Tinignan niya lang naman ako. Nginitian ko na lang siya.Parehas naman kaming dalawa na naglalakad lang dito sa likuran nila. Mukhang nahihiya rin naman silang kausapin si Sapphire dahil kapag sumasagot ito sa kanila ay tila gusto na agad na tapusin ang usapan.“Pre, napanood ko ‘yong laro niyo noong nakaraan, ang galing mo!” sabi ni Kian sa kaniya.“Oh… thanks.” Parang wala itong kagana ganang sumagot sa kanila kaya siniko ko siya. Kinunutan niya naman ako ng n

    Huling Na-update : 2021-07-18
  • When The Rain Poured   Chapter 19

    February’s POV“Boo!” Panggugulat ko kay Sapphire na nagdidilig sa mga halaman niya ngayon. Ni hindi man siya nagulat tila alam niya na nasa likod niya ako ngayon.“Wow, grabe, nagulat ako,” sarkastikong sambit niya. Napatawa na lang ako ng mahina at naupo na sa upuan niya.“Inaalagaan mo pa, iiwan mo rin naman,” natatawa kong sambit sa kanya. Tinignan niya naman ako at pinagtaasan ng kilay. Natatawa lang naman akong umiling sa kanya.Aalis na rin ito ngayon. Mamayang hapon. Pinagpapabukas pa nga ng mga kapitbahay namin kaya lang ay bukas na ang klase nito. Napalapit na rin siya sa mga kapitbahay namin kaya mahirap hirap ding bitawan.Namitas naman siya sa mga tanim niya ng pipino. Halos araw-araw na niya itong kinakain at mukhang hindi pa rin nagsasawa ang mokong.“Balutin mo na lang kaya at dalhin sa manila,&r

    Huling Na-update : 2021-07-18
  • When The Rain Poured   Chapter 20

    February’s POV“Hoy!” Nagulat ako nang bigla na lang sumigaw sa may tenga ko si Isaac. Agad ko naman siyang binatukan ng dahil dito.“Epal ka,” inis kong sambit sa kanya. Tinawanan lang ako nito at napasilip pa sa tinitipa ko. Inilayo ko naman ‘yon sa kaniya at pinatay na ang phone nang maisend ko ang text kay Sapphire.“Hina mo naman, text lang sainyo? Tinatawagan pa ako niyan,” sabi niya pa sa akin. Napairap naman ako sa kanya.“Pakihanap paki ko?” nakataas ang kilay na sambit ko sa kanya. Tinawanan niya lang ako.“Akala ko ba ayaw mo ng textmate dahil sayang ang oras, ha?” tanong niya pa sa akin habang kumukuha sa fries na binili ko.Hindi naman ako nagsalita nang makitang may text na na galing kay Sapphire.Sapphire:I’m done with my cla

    Huling Na-update : 2021-07-18

Pinakabagong kabanata

  • When The Rain Poured   Epilogue

    Sapphire’s POV“Tangina, Pre, hindi ka ba nagsasawa diyan sa gawain mo? Halos araw-araw alak,” sambit sa akin ng mga kaibigan ko. Wala akong pinansin isa sa kanila.Patuloy lang ako sa pagtungga, I drink until I passed out.“Uminom ka na naman!” galit na galit na saad ng Daddy ko na siyang nalinis na ang pangalan pero wala pa rin akong lakas ng loob na balikan si Febi lalo na’t baka galit pa rin siya.“Ano bang pakialam mo? Kung hindi dahil sa’yo, kami pa sana ni Febi, nasa akin pa rin sana siya…” Panduduro ko pa habang lasing na lasing, hindi na alam ang gagawin. Nakaramdam naman ako ng suntok galing sa kaniya ngunit hindi ko ‘yon ininda. Walang-wala ang sakit na ‘yon sa nararamdaman ng puso ko.“Ano, Zeal? Wala ka na bang gustong gawin kung hindi ang mag-inom?” tanong sa akin ni Lola at nakatan

  • When The Rain Poured   Chapter 71

    February’s POV“Wews, nandito nanaman si Febi, bantay sarado na naman si Zeal,” sambit ni Isaac kaya naman sinamaan ko siya ng tingin. Tinawanan niya lang naman ako.“Huwag kang kakain, ah?” sabi ko dahil may dala-dala akong lunch para sa mga trabahador para dito sa bahay na pinapagawa namin.“Joke lang naman, hindi ka naman mabiro,” natatawa niyang saad sa akin at aakbay pa sana kaya lang bago niya pa ‘yon magawa may bumangga na sa kaniyang braso.“Pucha, damot,” natatawang sambit ni Isaac kay Sapphire. Napailing na lang ako sa kaniya.“Anong ginagawa mo rito? Akala ko ba nasa site ka nina Mayor?” tanong ko sa kaniya.“I’m done with my works there,” sabi niya naman.“Tapos ka na rin naman dito?” tanong namam ni Isaac. Sabatero talaga kah

  • When The Rain Poured   Chapter 70

    February’s POV“Araw-araw ata talagang may party kina Donya Ligaya,” natatawang saad ni Isaac habang nagmamaneho. Patungo kami sa bahay nina Donya Ligaya dahil may party ata na gaganapin para kina Denis at ng girlfriend nito.Imbitado kami as always. Nang makarating kami do’n ay binati agad kami ng ilang mga kaibigan.Ayaw ko sanang pumunta dahil sa nangyari noong nakaraan kaya lang baka may masabi ulit si Donya Ligaya kaya nagtungo na lang ako. Tahimik lang naman ako habang nandito sa party. Lumapit sa akin si Jigs at ngumiti.Hindi ko siya magawang ngitian lalo na’t hindi pa kami nakakapag-usap simula no’ng magtalo kami noong nakaraan.“Kumain ka na, Febi?” tanong niya sa akin.“Busog pa ako,” sambit ko naman sa kaniya.“Oh… Do you want anything?” tanong niya

  • When The Rain Poured   Chapter 69

    February’s POVPagkalabas ko sa cr ay agad kong nakita si Sapphire na nasa tapat ng pinto. He’s looking at me. Hindi ko alam kung narinig niya ba ang usapan namin sa likod.“Well, I did slap here,” sambit ko dahil sa tingin nitong tila’y namimintang dahil rinig na rinig mula dito sa labas ang lakas ng iyak ni Fiona.“You didn’t give me away, did you?” tanong niya na para bang kayang kaya ko ‘yong gawin. Well, kung ang batang February siguro’y mauuto pa ng mga salita ngunit nadala na ako sa lahat ng pinagdaanan ko. Hindi niya siguro maiwasang maalala si Ate Reena at ang pagrereto ko sa kanya noon.“Of course not,”vsambit ko kahit na ang totoo’y sinabi kong kapag pinananatili siya ni Sapphire nang kahit isang beses ay irereject ko ito. Sa totoo lang hindi talaga ako sigurado roon at hindi ko rin alam kung sinabi niyang &lsquo

  • When The Rain Poured   Chapter 68

    February’s POVNangatal ang mga labi ko sa ginaw pagkaahon ko sa tubig dito sa swimming pool. Gabing-gabi na’t wala pa rin silang kasawa-sawang nagbabad.Kusa na lang na kumibot ang ngiti sa aking mga labi nang ipatong sa akin ni Sapphire ang tuwalyang kakakuha niya lang ata sa taas.“Want to take a walk?” sabi ko at nginitian siya. Tinignan niya muna ako na nangangatal pa rin ang mga labi sa sobrang lamig.“Huwag na, masiyadong malamig sa dalampasigan,” sambit niya. Hinila ko lang siya. Nakapaa lang kaming dalawa habang naglalalad dito. Hindi ko maiwasang matuwa habang pinagmamasdan ang karagatan ngayong gabi. Tanginang ang buwan lang ang nagsisilbing ilaw.Hindi ko pa maiwasang mapangiti habang nakatingin sa katabi kong inabot pa ang extra’ng tuwalya sa akin at pinatong pa ulit.“I’m fine, bagong ahon la

  • When The Rain Poured   Chapter 67

    February’s POVHanggang sa maggabi ay iniisip ko pa rin ang sinabi ni Sapphire sa akin.Nandito na kami ngayon sa tapat ng bofire at halos lahat kami’y abala sa pakikipagkwentuhan, hindi ko naman tinitignan si Sapphire dahil ayaw kong lingunin ito.Tahimik lang ako, nandito pa rin si Fiona at katabi nanaman ni Sapphire.“Marshmallow,” sambit ni Sapphire sa akin at inabutan ako ng stick.“Thanks...” mahina kong sambit. Tumango lang naman siya. Nasa kabilang parte naman ang mga bata, naglalaro ng sungka. Kahit na matanda na sina Aya at Cali, hindi pa rin nawawala sa kanila ang paglalaro niyon. Naging libangan na kasi talaga.Habang kami naman dito ay nag-iinuman. Halos lasing na nga ang iba naming kasamahan. Maski ako’y nakailang shots na rin.“Let’s play a game!” masaya nilang sam

  • When The Rain Poured   Chapter 66

    February’s POV“Oh... you’re here na pala talaga...” sabi niya sa akin na nakataas pa ang kilay. She’s still pretty, mas lalo nga lang gumanda ngayon, mas lalo pang humaba ang kanyang buhok at mas lalo pang pumuti.Napangisi naman ako habang pinagmamasdan siya. Hanggang ngayon pala ay nakabuntot pa rin ito kay Sapphire, maraming bali-balita ang tungkol sa kanila lalo na’t artista si Fiona kaya lang ay huminto rin ito ilang taon ang nakalipas.Nakita ko naman kung paano ang pag-alis ni Sapphire sa pagkakahawak ni Fiona sa kanya. Nakangiti ako ngunit nakataas ang kilay ngayon. Hindi ko naman mapigilang mapangiti sa kanya nang lumapit sa akin si Sapphire.“Is it really true that you’re courting that girl?!” malakas na sigaw niya kay Sapphire. Medyo nagulat naman ako roon kung sabagay kalat nga sa buong probinsiya namin na nililigawan ako nitong Sapph

  • When The Rain Poured   Chapter 65

    February’s POV“Don’t forget to bring my gift,” natatawa pang saad ni Isaac mula sa kabilang linya. Hindi ko na lang pinansin pa ang sinasabi nito at tinulungan na lang sina Aya at Cali na buhatin ang mga gamit na dadalhin namin para sa birthday ni Isaac.May pa-outing kasi ang Lolo mo. Oh ‘di ba? Ang yaman na? Samantalang noon ay ni singkong duling ay ayaw akong pahiramin.Wala naman kaming masasakyan dito kaya dadalhin ko ang kotse ko para makapunta sa pagkikitaan namin.Napatingin naman ako kay Sapphire na kasama rin sa outing. Sobrang tagal din naman kasi nilang magkasama ni Isaac. Mas pagkakamalan ko pa nga na sila ang magbestfriend. Paano naman kasi lahat ata ng projects nila ay sila itong tandem.“Let me carry that, Febi,” sabi niya na kinuha sa akin ang bag na hawak. Napatango naman ako. Nakasunod lang naman kaming dalawa ni Aya.

  • When The Rain Poured   Chapter 64

    February’s POV“Anong ginagawa mo rito?” tanong ko kay Sapphire.Napatingin tuloy sa amin ang ibang tao dito sa clinic.“Oh, mukhang hindi sasabay sa atin si Febi, tara na’t lumayas,” natatawang sambit nila sa akin. Napakunot naman ang noo ko habang nakatingin kay Sapphire.May dala kasi itong lunch box, iniwanan naman kami nina Paula.“Sobra ba ang lunch niyo? Pinapaabot ni Mayor?” tanong ko pa. Napakunot naman ang noo niya sa akin dahil dito.“No, of course not. I cooked that,” sambit niya.“Anong meron?” hindi ko maiwasang itanong.“Don’t forget to eat,” sambit niya na iniabot pa ang lunch sa akin. Napaawang naman ang labi ko dahil sa kanya. Agad din naman siyang umalis sa tapat ko.Hindi ko pa rin maiwasa

DMCA.com Protection Status