NAKANGITI AKONG INILAPAG ang order ng mag-asawang customer na nakangiti sa 'kin. Thursday na ngayon at sobrang pinagpapasalamat ko talagang dito ako nagtatrabaho. Wala pa 'kong na-encounter na mga irate customers. Hindi naman sa hinihiling ko na sana ay makatagpo ako. Natutuwa lang ako na talagang ginagalang nila kaming mga empleyado rito. "I am really happy every time you served us our orders. Your aura looks so relaxing," nakangiting sabi ng matandang babae.Nginitian ko siya. "Thank you, Ma'am.""Give the young lady a tip, honey," sabi naman ng asawa niya.Inabutan ako ng matandang babae ng lilibuhin. "Take it, dear. Thanks for serving us."Inabot ko na lang 'yon at hindi ko na binilang pa. "Salamat po
Last Updated : 2021-07-02 Read more