Prologue “Alam mo Stella, ang gwapo naman nung Emman ah, bakit hindi mo patawarin?” sabi ko kay Stella pagkarating namin sa condo niya.“Hindi ganoon kadali ‘yon,” aniya. “Hindi sa kagwapuhan nasusukat ang pagpapatawad Cassandra, nasa taong patatawarin ‘yon, kung deserve niyang mapatawad, mapapatawad mo. Pero kung hindi, kahit gusto mo man siyang patawarin at bigyan uli ng pangalawamg pagkakataon hindi mo maibibigay.” Dagdag niya.Ngumiwi ako. “Eh, patatawarin mo lang naman, kalilimutan mo lang naman yung mga ginawa niya sayo. Mahirap na ba ‘yon?”Tinitigan niya ako. “Para sayo madali lang kasi hindi ikaw ang nakaranas. Pero para sakin, kahit pilit ko mang kalimutan ang ginawa niya, talagang hindi ko magawa. Nangingibabaw parin ang galit sa puso ko.” She said with sincerity.“Anyway, tama. Sabi ko nga ‘wag mo na patawin,” ngiwi at irap nala
Last Updated : 2024-10-29 Read more