Chapter Five: Crazy
Buwan ang lumipas at puro kaliwa’t kanan ang mga interviews ni Stella. Naging sobrang busy rin ako sa pag aayos ng mga kailangan niya. At ng sa wakas ay naging libre si Stella, ay pinaunlakan kami ni Ms Q na magbakasyon. Napili naman ni Stella na magbakasyos sa kanilang probinsya.
Libre ako ngayon kaya ng makita kong paubos na ang stock ng mga make-up ko ay magpasya akong lumabas at bumili. Sa isang sikat na brand ako pumunta para mamili.
Namili ako ng napakaraming make-up at sandamakmak na lipsticks sa isang sikat na brand. Pumila ako sa counter pagkatapos.
“₱15,499 po lahat ma’am,” nakangiting saad ng cashier.
Tumango ako at nag kalkal sa aking sling bag. Kumunot ang noo ko ng mapagtantong wala rito ang pitaka ko.
“Saglit lang miss ah,” pasensiya ko kay ate at sinubukang ulit kalkalin ang buong bag. Mula sa malaking bulsa hanggang sa pinakamaliit na bulsa. Nanlumo ako ng walang nakitang pitaka. Malas naman, ano nang gagawin ko nito? Ibabalik koba ang mga pinamili ko? Pero nakakahiya naman kay ate, pumila na ako tapos aatras pa. Kung kailan naman kasi kailangan doon pa nawala! Pesteng pitaka yan! Pag nakita mamaya kakalbuhin kita!
Ngumiti ako ng friendly kay ate, ngumiti rin siya pabalik. “A-Ah ano po k-kasi e…” Napakamot ako sa batok. Palpak ka talaga Cassandra!
Hindi sumagot si ate, naka ngiti lang ito at naghihintay.
“A-Ah, miss, pwede ko bang iwan muna ito at balikan nalang mamaya?” Napapahiyang sabi ko naman.
Naka ngiti parin si ate. “Bakit naman po?”
“N-Naiwan ko kasi yung pitaka ko…” Sabay kamot sa batok.
“Ako na ang magbabayad.”
Nagulantang ako nang marinig iyon. Napatingin ako sa likod ko at nakita ang lalaking nakapamulsa at diretsong nakatingin sa akin.
Lumapit siya. Nagsitilian naman ang mga babaeng nalalagpasan niya. Ngumisi siya sakin at inilapag ang kanyang credit card.
Mag proprotesta pa sana ako ngunit kinuha na iyon agad ng babae. Ending, napairap nalang ako sa kawalan.
“Wait a minute sir,” sabi ng cashier at kinuha ang card. Ilang sandali ay ibinalik niya ito kay Steff.
“₱15,499 po lahat sir,” aniya at iniabot ang card.
“Thank you,” aniya at kinindatan ang cashier. Namula naman iyon at inayos ang hibla ng buhok sa tainga.
Humarap siya sakin at itinaas ang kilay. “Wala ba akong ‘thank you’ riyan?” Aniya, nagmamayabang.
Pilit naman akong ngumiti at kinuha ang paper bag na pinamili ko. “Thank you,” syempre nag himig sweet ako para naman ma appreciate na ang pagka-sincere ko.
“You’re welcome,” ngiti niya sa akin sabay kuha sa mga dala ko.
“You know what. You don’t need to buy all of this just to impress me.” Aniya habang papalapit kami sa kotse niya.
Kumunot ang noo ko. “Anong pinagsasabi mo?”
Suminghap siya. Hinarap ako at pinagpantay ang mga mata namin. “Alam ko namang nagpapaganda ka para lang akitin ako-“
“What?!” Putol ko sa kaniya.
“You don’t need to do that. Dahil una palang sayong-sayo na ako.” Aniya at ngumisi. Kumindat pa ang loko!
Umirap ako sa sinabi niya. “You know what. Sumosobra narin ang kakapalan ng mukha mo ‘no? Anong akala mo sakin, babae mo na magkakandarapa para lang makuha ang atensiyon mo? Excuse me, ibahin mo ako.”
Humalakhak siya. “Pardon me, Iba ka pala sa kanila dahil hinding-hindi kita gagawing babae ko lang, kayang-kaya pa kitang gawing asawa ko.”
Uminit ang pisngi ko sa hindi malamang dahilan, binawi ko iyon. “Alam mo ang corny mo. Kung sa palagay mo ay makukuha mo ako sa mga matatamis na salita mo, nagkakamali ka. Dahil unang-una palang ay ayaw kona sayo at kahit kailan hindi na magbabago ‘yon.”
Nagkibit balikat siya. “Well let’s see. Wala pang nakakatayo sa kamao ko, dahil lahat sila, ay napapadapa ko.”
Hindi ko alam kung curse ba iyon o ano. Parang bang naapektuhan ako sa mga salitang lumalabas sa bibig niya, feeling ko bawat salitang lumalabas doon ay totoo.
Tinalikuran ko siya at naglakad papunta sa kotse niya. Sumunod din siya sa akin ng naka ngisi.
“Bukas,” sabi ko sa front seat.
“Yes honey,” aniya at naka ngising binuksan ang front seat.
Padabog naman akong naupo roon at sumimangot. Naiinis ako sa sarili ko, naiinis ako dahil umeepekto na siya sa sistema ko. Alam na alam niya talaga kung paano kunin ang loob ng isang babae, konting salita niya lang ay nakakapanlambot na. Konting galaw niya lang ay nakakahumaling na. Damn this devil master!
Umikot siya sa driver seat at inilagay ang mga plastic bag sa likod.
Nang makapasok sa mamahalin niyang sasakyan ay ngumuso ako. Nakita ko siyang minsan na tumi-tingin sa akin ng naka ngiti. Inirapan ko naman siya at siya'y humagikgik.
Ilang sandali pa ay pinagbuksan niya ako at lumabas parin ako ng naka nguso.
“Salamat,” walang ganang sagot ko. Kinuha ko naman ang mga pinamiling paper bag sa likod ngunit hindi ko pa nailalabas ang karamihan doon ay pumunta na siya sa akin para tulungan ako.
“Ako na,” protesta ko ngunit nanlaki ang mata ko nang pag angat ko ay siya rin namang pag angat niya. Sa sandaling iyon ay muntikan ng magtama ang aming mga labi, mabuti nalang at naka iwas ako. Uminit ang pisngi ko dahil doon.
“No. Ako na. Ako ang lalaki rito kaya ako dapat ang magbuhat hindi ikaw. At isa pa, ayokong pinapagod mo ang sarili mo.” Aniya at kinuha lahat ng paper bag sa loob, kabilang na ang hawak ko.
Sa halo-halong nararamdaman at sa sobrang pagka inis ko sa kanya at isama mo pa ang nangyari kanina ay padabog ko iyong ibinigay. “Edi ikaw na!” Sabi ko at naglakad papa alis doon. “Masyadong pasikat hindi naman kagwapuhan.” Bulong ko at inirapan siya patalikod.
Nakakainis! Bakit ba ako naapektuhan sa kanya ni wala nga siyang ginagawa e!
“Oh, akala ko dito ang condo mo?” Aniya napahinto ako sa paglalakad. Oo nga pala, nagsinungaling ako sa kanya!
Humarap ako. “ A-Ah hindi na diyan, lumipat na ako nung nakaraang buwan masyadong kasing mahal hindi keri ng budget ko.” Palusot ko. Tinitigan niya naman ako ng seryoso.
“Mahal?” Tumingin siya sa building. “ Ako na ang magbabayad.” Matigas na aniya.
Nagulat ako roon. Kaya pala gustong-gusto ng mga babae sa kaniya, higit sa gwapo na nga, mayaman pa.
Tumawa ako. “Ano kaba, you don’t need to do that-“
“I need to do that, gusto kong nasa maayos kang kalagayan ayoko ng maya-maya ay makikita kitang natutulog sa lansangan.”
Nanlaki ang mata ko. “ANO?! AKO? Psh, ano ang tingin mo sakin pulube?” Sabi ko, hinawakan ko ang dibdib ko.
Nagkibit-balikat siya at wala ng sinabi. Bigla-bigla ay pumasok siya sa building nayo’n at dumiretso sa front desk.
OMG, nababaliw na ata ang lalaking ito. “H-Hey! Steff!” Tawag ko ngunit hindi niya ako narinig. Talaga bang seryoso siya sa sinasabi niya? OMG!
Tumakbo ako at hinabol siya para sana pigilan ngunit ang loko andoon na sa front desk at ibinigay na ang card niya sa babae. Nasapo ko ang noo ko.
Hinagkan ko ang braso niya pagkalapit ko sa kanya, napatingin siya roon kaya agad ko namang tinanggal iyon.
“Steff, ‘wag ka ng mag abala pa, ayos lang naman ako.” Suyo ko sa kanya ngunit hindi siya natinag.
“I want you to be safe Cass, hindi ko alam ang gagawin ko ‘pag nakita kang nakahandusay nalang sa kal-“
“Ano kaba! Napaka OA mo! Para namang may magkaka-interest sakin ‘no.” Umirap ako sa kanya.
Tinagilid niya ang ulo niya. “Meron. Ako.” Aniya at ngumisi.
Sinimangutan ko siya at hahambalusin sana ngunit naagaw ng babae ang atensyon ko.
“Fifteen floor, room 148 sir,” anito habang nakatingin parin sa computer niya. “Ayos napo sir, na settle kona po. ₱1,480,000 po ang na charge sa card niyo. “ Napanganga ako.
“₱1,480,000?!” Tinignan ko si Steff. “Steff naman! Ang mahal!” Sabi ko pinakiusapang bawiin ang binili niya ngunit umiling lang ito.
“Mahal naman kita,” bulong niya pero narinig ko. “Ayos nayan para hindi kana mamroblema sa condo mo at least you have yours,” kinindatan niya ako. “That’s my first gift for you,” sinabi niya iyon sa kanyang maninipis na labi.
Uminit ang pisngi ko. Totoong naghihirap ako. Pinagkakasya ko lang ang sahod ko para sa pagkain, kuryente at pati narin ang hulog ko para sa condo ko pero parang sobra naman ata ito. ₱1,480,000 ibibigay niya sa’kin ng gano’ng-ganoon nalang? That’s unfair! At isa pa, hindi ko naman hiniling iyon! Baka isipin ng pamilya niyang mukhang pera ako, baka isipin nilang pineperahan ko lang siya!
Nagtalo kami roon. Hinigit niya ako papunta sa suite. Wala akong nagawa kundi ang magpatainod sa kalakasan niya. Napanganga ako ng makita ko ang loob ng unit.
Sobrang laki nito! Maganda ang design dahil minimalist ang kulay, tanging itim at puti lamang ang makikita mo sa bawat sulok nito, meron din itong chandelier at may grand stairs papuntang second floor! Oo may second floor ang unit na ito! Napaharap ako sa kanya.
“Steff, hindi ko matatanggap ito pasensya na.” Sabi ko at aalis na sana ngunit hinigit niya ako.
“Oh, come on Cass. Kahit ito lang, tanggapin mo naman, please?” Aniya may pagsusumamo ang kanyang mga mata. Umiling parin ako.
“Bakit moba ginagawa ito?” Kunot-noong tanong ko.
“Simple lang,” ngumisi siya. “Gusto kita. Just that.”
Gusto? “Nahihibang kana ba Steff? Ha?” Biglang tumaas ang boses ko. “Gagastos ka ng ganoong kalaking pera para lang sa gusto mo? Nagiisip kapa ba?” Medyo galit ng utas ko.
“Oo. Baliw na sayo,” ngumisi pa ang loko!
Napasabunot ako sa sarili ko. “Damn!” Umiling ako. “Sinasayang mo lang ang oras mo! Hindi kita gusto!” Sabi ko at tinulak siya. Hinawakan niya ang kamay ko.
“Pero gusto kita.” Aniya hinawakan na ngayon pati ang isa ko pang braso. “Kung ayaw mong tanggapin ang pagmamahal ko, pakiusap sana naman tanggapin mo ang regalo ko para sa iyo. Don’t worry, wala lang ito. Barya ko lang iyan at walang pake ang pamilya ko sa kung ano man ang gusto kong gawin sa pera ko.” Aniya sa seryosong tono. Napalunok ako.
“O-Okay,” ayun lang ang nasabi ko. Hindi ko alam kung bakit nahihirapan akong tanggihan siya ngayon. Siguro dahil sa seryosong mga mata niya at sa nakakabaliw nitong amoy na hindi ko gustong maalis sa ilong ko. Nanigas ako dahil mas tumalim ang titig niya sa akin.
“You really made me crazy,” aniya ng naka ngisi. Tinitigan niya ang labi ko. Pinagdikit ko naman iyon at marahan siyang itinutulak.
Kinalas niya ang pagkakahawak sa akin. Tumingin siya sa paligid. “Maybe I need to buy some appliances for you,” napanganga ako.
Tinignan niya ako. “Last na ito Cass, I promise.” Aniya at ngumiti. Wala akong nagawa kundi ang tumango nalang sa kanyang sinabi.
Chapter Six: Jealous Ganoon nga ang ginawa niya, umalis kami roon at namili ng mga appliances para sa bagong condo unit ko. Hindi ko alam kung paano ko siya pasasalamatan dahil sa sobrang dami nito. Nag-aayos na kami ng gamit ngayon, marami kami, kasama ang mga iilang staff ng building. Pinasok nila ang mga package at idinala sa unit ko. Napatingin ako kay Steff na ang u-unbox ng aircon. Mukha siyang busy at seryoso sa ginagawa. Aaminin ko, mas gwapo siya sa kanyang aura lalo pa’t nakikita ko ang mas maamo nitong mukha sa pagkukumpuni ng bagay. Tumikhin ako. Napatingin siya sa gawi ko. “Uh, thank you ah,” wala sa sarili kong sambit. Ngumiti siya at nakita ko ang kasiyahan sa kanyang mga mata. “No problem.” Aniya at itinuloy ang ginagawa. Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil sa pang umagang sikat ng araw. Napatingin ako roon. Dito ako natulog sa unit na ibinigay ni Steff. Gabi na kami natapos sa pag-aayos, ng matapos kami ay agad n
Chapter Seven: Ungol “So, tell me. Your jealous,” kulit niya. Wala siyang makuhang sagot sa’kin kundi ‘hindi’ hindi rin naman ako nagsasawang itanggi iyon, at wala rin naman akong balak aminin iyon. Pinaandar niya ang Range Rover at iniwan ang kawawang babae na naghihintay ng masasakyan sa labas. Tinanaw ko siya sa side mirror. Niyakap ang sarili, nilalamig. “Buti nga sayo.” Bulong ko. Hindi na ako kinulit ni Steff dahil siguro nagsawa narin sa pa ulit-ulit kong sagot. Tahimik kami buong biyahe. Huminto ang kotse niya sa tapat ng building kung nasaan ang condo ko. Binuksan ko ang pinto ngunit naka lock parin iyon. Napatingin ako sa kanya. Seryoso niya naman akong tinitigan pabalik. “I know your jealous,” nag taas siya ng kilay. “Hindi ako nagseselos.” Sabi ko. “Buksan mo na at ng maka uwi na ako.” Umiling siya. “Uh-uh. Hindi ko ‘yan bubuksan hangga’t hindi ka umaamin sa akin.” Napataas ang kilay ko. “Edi
Chapter Eight: Towel Kumain kami ng tahimik sa kitchen. Masarap ang luto niya, hindi nga lang ako pamilyar doon. “Uh, sorry pala kanina. Hindi ko gustong maalala mo-“ “It’s okay Cass,” he said. Tapos na kaming kumain. Nakaupo ako ngayon sa high chair at pinapanood siyang magligpit ng mga pinagkainan namin. Tumayo ako at inagaw ang mga pinggan sa kaniya. “Ako na, magpahinga ka muna, kanina kapa galaw ng galaw.” Agaw ko sa mga pinggan. Ibinaba ko iyon sa sink at pinunsan ang mga kalat sa lamesa. “You sure?” Nagugulat namang aniya. Tumango ako. “Ako ang babae rito. Ako dapat ang gumagawa ng mga ito.” Ngumiti ako. Isinuot ko ang apron at sinimulan ng maghugas ng pinggan. “I’ve always love your smile,” hindi ko inaasahan na yayakapin niya ako patalikod. “Ano ba Steff, bitawan mo ako.” Ibinaba na naman niya ang baba sa aking balikat. He always doing that, he knows how to provoke me. Iyon na ata ang kah
Chapter Nine: Prank Agad kong naimulat ang mga mata ko nang makarinig nang tunog ng kursara at pinggan. Tinignan ko si Steff na maingat na inaayos ang mga pagkain sa side table. "Good Morning," he greeted when he feel my eyes on him. "Ano yan?" Mataray kong pinasadahan ng tingin ang itlog, bacon, at yogurt sa side table. "Breakfast," he raised a brow. Kumunot ang noo ko. "Bakit mo ginagawa 'to?" He smiled and shook he's head. "Nothing. Kailangan pa bang lagyan lahat ng meaning? It's what we called service." He smirked. I rolled my eyes on him. "Service-servive ka pang nalalaman..." Bulong ko. "Okay, thanks then," "Always," he smiled and walk away. Hinintay ko pa siyang makalabas ng kwarto bago ko tikman ang mga luto niya. He's good. Halos lahat nalang nasa kanya na. Gwapo, mayama
Chapter Ten: Sorry Months pass by, mas naging busy kami sa kanya-kayang buhay resulting that we don't have time to see each other. May mi-minsan namang bumibisita siya sa condo ko pero hindi rin nagtatagal dahil mayroon pang trabaho. Same as me, I also visiting his suit even when he's not around. Pag naroon ay nagluluto siya ng kung ano-ano para sa akin. Hindi ko alam kung gaano na ba katagal kaming magka close sa isa't-isa. Nagulat nalang ako isang araw, we are now comfortable. Gusto kona siyang kasama. At masaya ako 'pag nariyan siya. Until now, I'm trying to understand myself, my inner self kung ano nga ba ang totoong nangyayari sa akin. Dalawang bagay lang ang nakita ko. One is that I'm starting to like him, and I don't like that. The other one is scared because I know I'm falling inlove to a man who is not serious in loyalty. Gusto ko siyang iwasan pero sa t'wing ma-iisip kong hindi ko siya makikita ay parang
Chapter Eleven: Kiss Mugtong mga mata ang bumalot sa akin pagkadating sa condo ko. Ibinagsak ko ang sarili sa sofa at nanghihinang umiyak doon. Una palang ay ayaw ko na sa kanya. Bakit ba naman kasi hinayaan ko ang sarili kong mahulog ng tuluyan sa kanya? Bakit hinayaan ko ang sarili kong magpaloko sa kanya? Tawag ni Helena ang gumising sa akin kinabukasan, kinamusta ako. Nagpasensya naman ako sa kanya dahil hindi ko na nagawang magpaalam kagabi dahil sa nangyari. “Ano ka ba okay lang. Siya nga pala, sama ka ba mamaya?” “Oo naman. Bakit naman hindi?” “Good. Maganda iyan ng ma lossen up mo naman ang sarili mo. Mukha kang broken hearted kagabi girl. Yung totoo, sino yung lalaking tinitignan mo kagabi? Boyfriend mo? Nambababae?” Bigla akong natawa sa mga paratang niya. Kalaunan ay sinagot ko naman. “Hindi. Kakikilala lang,” pal
Chapter Twelve: The Night"Really Stella? Ano naman ang gagawin mo dito?" tanong ko kay Stella dahil bigla nalang napatawag sa kalagitnaan ng gabi at nag ayang pumunta sa bar! Patulog na nga ako napapunta pa sa bar 'di oras."Siguro mamamalengke? Ano ka ba Cass, ano pa bang ginawa sa bar kundi iminom?" supladang aniya."Ito naman, nakakainis ka!" Inirapan ko siya. "Ano bang problema mo at naisipan mong uminom? Eh hindi ka naman talaga umiinom ah."Bumuntong hininga siya at nag taas ng kamay. Maya maya pa ay may lumapit na waiter at pinakinggan kung ano ang mga sinabi ni Stella. Yumuko ang waiter at paatras na umalis sa amin nang magawa niyang makuha ang order namin.Tunapunan ko siya ng tingin. "So? Anong ganap at may pa party ka ngayon?" panguusisa ko.Yumuko siya at umiling. Sa puntong iyon nalaman ko na agad kung bakit niya ako niyaya rito.Linapit ko ang upuan ko sa kanya at hinimas himas ang likod niya. Na
Chapter Thirteen: Threat I woke up with a breakfast in my bed. Wala na si Steff at mataas na ang sikat ng araw. Tumayo ako at ininda ko ka agad ang sakit ng ulo ko at hapdi sa gitna ng hita ko. Nangyari na. We're done. I already gave myself to him. We already made love in this hotel. I woke up thinking of the day I met him. Anong nangyari Cass? Did you find yourself to him? Lasing ako, lasing rin siya pero hindi ko maipagkakaila na ginusto naming dalawa iyon at ginusto ko rin naman iyon. Gusto ko sanang sisihin ang sarili ko pero hindi ko magawa dahil ang totoo, patay na patay na ako sa kanya. Patay na patay na ako sa pagmamahal ko para sa kanya. I lose myself over him. Sana lang ay hindi ako talo sa larong pinasukan ko. Sana lang ay makalabas ako sa pasilyong tinahak ko. Linggo ang lumipas at madalas siyang nag te-text o kaya naman ay tumatawag. Nag uusap kamo sa mg
Chapter Twenty-six: Never"Hoy Cassandra!" Kalabit sa akin ni Stella matapos umalis ni Steff. "Ano 'yon ha? Bakit kayo magkasama ni Steff?" Sunod-sunod na tanong niya."Coincidence lang. Wala 'yon." Sabi ko at pumasok sa booth para tignan si Steffan habang si Stella naman ay kataka-taka parin akong sinundan."Anong coincidence?" Kunot-noong sumunod sa akin si Stella papasok sa booth. "May pa thanks thanks ka pang nalalaman ah, sobra ka namang nanlamig kanina." Ngisi niya.May sasabihin pa sana si Stella kaso ay hindi na niya naituloy dahil nakita na ako ni Steffan."Mommy! Where did you go?" Lapit sa akin ng anak ko."Nilandi ang tatay mo," rinig kong bulong ni Stella sa tabi ko. Agad ko siyang siniko at todo naman ang tawa niya."There." Turo ko sa malayo. "Nag-grocery. Anyway, did you enjoy shopping?" I asked him and he nodded."Sus nag-grocery raw. Lumandi kamo..." bulong na naman ni Stella sa gilid ko. Sinamaan ko nalang siya ng tingin at pinabayaan na.Matapos no'n ay umuwi na ka
Chapter Twenty-five: Mastermind"Mommy look at this!" Tumatakbo papalapit sa akin si Steffan at sa likod naman niya ay si Emman na hawak ang mga gamit niya sa school. Niyakap ko siya at taas noo naman niyang ipinakita ang perfect score niya sa exam. Nanlambot ang puso ko at naging masaya para sa anak, "wow Steffan, pinapaiyak mo naman si mommy eh..." sabi ko. Niyakap ko siya ulit dahil hindi ko lubos akalain na sobra-sobra na ang naibibigay niya sa akin."Oh Steffan, losyang na ang mommy mo gusto mo pa rin ba siya?" natatawang biro ni Stella sa gilid namin dahil sa pangingilid ng luha ko.Kumalas si Steffan at tumingin sa tita niya, "of course tita. She's my mommy and I love her so much," sagot naman ng anak ko.Napangisi tuloy ako at inismiran si Stella. Akala mo ah.Mas lalong tumawa si Stella sa naging reaksyon ko. Lumapit naman sa kanya si Emman at pinulupot ang braso sa baywang niya.Ngumuwi ako sa harap nila. "Oy may bata. Tuturuan niyo pa ang anak ko mga hayop kayo."Tumawa si
Chapter Twenty-four: FiancèePaulit-ulit kong hinahaplos ang malambot na buhok si Steffan habang natutulog. Hindi ako makatulog dahil sa mga naiiisip. Humalik ako sa noo niya at ngumiti."'Yung papa mo anak. Sinasaktan ako," parang batang sumbong ko sa kanya. "Tama ba ang mga desisyon ko noon? Tama bang inilayo kita sa kanya? Paano kung hindi ko iyon ginawa? Masaya na kaya tayong tatlo ngayon?"Puro pagsisisi at sakit ang nararamdaman ko matapos mangyari ang lahat. Kung sana lang ay maaari kong maibalik ang nakaraan at kalimutan ang mga nasayang. Sana ay maaari ko pang ibalik ang gabing iyon. Ang gabi kung kailan kami naging masaya. At ang gabi kung kailan ako nadurog nang sobra.Ilang linggo ang lumipas at ganoon pa rin ang nangyayari. Sa trabaho ay seryoso ako at ganoon rin si Steff sa akin ngunit sa pag-uwi ay hindi siya pumapalyang ihatid ako kahit pa hindi ko gusto. Maayos rin ang naging trabaho ko at naging successful ang report ko kanina kaya nag-celebrate ang buong financial
Chapter Twenty-three: KeyPaulit-ulit kong binasa ang huling text niya at prinoseso pa ng utak ko kung ano iyon. Gusto niya akong pakasalan? He's joking right? Kahit pa affected sa nabasang text ay nagpatuloy ako sa paglalakad papuntang parking. Pinipilit kong alisin sa isip ko iyon ngunit nang makita ko na siya na nakasandal sa isang BMW ay bigla ko ulit naalala kasama ang pagbilis ng tibok ng puso ko.Gumalaw siya nang masulyapan ako at hindi pa man ako nakakalapit ay pinagbuksan na niya agad ako ng pinto. "Salamat," sabi ko at sumakay na agad sa front seat. Siya naman ay umikot na sa driver seat."Saan ka ba maghahanap ng apartment?" tanong niya nang tuluyan nang umandar ang BMW niya."Uh... sa malapit lang. 'Yung walking distance lang sana...""Emman told me that you are living with them. Bakit ka pa maghahanap ng apartment? Malapit lang naman ang mansion nila dito ahh.""Gusto ko sanang maging independent. Ayokong palaging umasa sa kanila lalo pa't ngayong may trabaho na ako."
Chapter Twenty-Two: Sir "Thank you..." sabi ko nang sa wakas ay huminto na ang sasakyan niya sa gate ng mansion nila Stella. Hindi kona hinintay pang pagbuksan niya ako ng pinto dahil pagkahintong-pagkahinto niya ay mabilis kong kinalas ang lock at binuksan ang pintuan. Mabilis rin naman niyang pinaandar ang sasakyan at umalis. Naka hugot ako ng malaking hininga nang sa wakas ay nawala na ang BMW niya sa paningin ko. Hindi ko alam pero tagaktak ang pawis ko kahit pa man air-conditioned ang BMW niya. Siguro dahil narin sa presensiya niya at sa pag-uusap namin. Pagkapasok ay agad na tumakbo si Steffan sa akin para yumakap at magiliw ko naman siyang niyakap pabalik. "How's your day Mommy?" naka ngiting tanong niya. Napa ngiti naman ako sa tanong niyang iyon. He was just like his father. He aslo asked me with that question. "It was fine Steff. How about you?" Lumapad ang ngiti niya at agad tumakbo kay Stella. May kinuha siyang supot doon at tumakbo ulit papalapit sa akin. "Mom, lo
Chapter Twenty-one: StoplightCome back? Sino ‘yun? Bakit niya alam ang numero ko?Ilang sandali akong napaisip hindi dahil sa tawag kung hindi dahil sa nag text gamit ang hindi ko kilalang numero. Napaisip ako kung sino-sino ang mga taong nakagawa sa akin ng masama at kung sino-sino ang may mga posibilidad na taong mag se-send no’n sa akin.May isa akong taong naiisip ngunit hindi naman siguro siya iyon. Bakit niya gagawin iyon? Mula nga noong nagkita kami ay nag aapoy ang mata niya at tila galit pa sa akin. Malabo nga. Malabong si Steff iyon. Huwag mo nalang pansinin Cass, baka na wrong send lang iyon. Tama! Wrong send lang ang message na iyon. Wala lang kaya huwag mo ng isipin pa.Sa kabilang dako naman ay naghalo-halo ang emosyon ko. Saya, gulat, at pagkalito mula sa anunsyo na nakuha ko. Hindi ba ayaw nila sa akin? Ang Senign Enterprises lang ang kaisa-isang tumanggap sa akin so far sa lahat ng in-applyan ko pero nabigo rin ako sa huli. A
Chapter Twenty: Number ANO?! Siya ang may ari ng kompanya? Naghahabol ako ng hininga nang makaalis roon. Hindi ako makapaniwala. Si Steff? Sa pagkaraming kompanya pa naman na pwedeng pag applyan ay 'yung kompanya pa talaga niya? At siya ang nag utos? Tanggap na ako ah. Bakit niya binago? Halo-halo ang emosyon ko nang umuwi ako sa mansion nila Stella. Alalang napagawi sa akin si Stella nang makita ako. "Anong nangyari? Nakahanap kaba?" Alalang sambit ni Stella. Napapailing naman ako at napahawak nalang sa sentido dahil sa mga nangyari ngayon. I can't believe it. Siya ang may ari ng kompanya. He really changed a lot. He was rich before but became more reacher than now. Hindi ko lubos akalain na siya pa pala ang may ari ng kompanyang pagtratrabahuan ko sana. Should I be thankful or what? I maybe thinking of that in to the positive side. Siguro nga hindi ako para roon at ginawa lang ng HR o ni Steff ang mabusising pagpipili sa mga applikante at alam ko rin namang may mas magaling
Chapter Nineteen: LeaveMaaga akong tumahak para maghanap ng trabaho. Humalik muna ako sa noo ni Steffan bago siya iniwan.Madilim palang pero mas pinili ko ng mas maagang tumahak kaysa umaraw na. Mas magandang mas maaga para mas marami akong mapuntahan.Una kong pinuntahan ay ang isang convenience store pero nabigo lang ako. Pangalawa ay sa isang supermarket pero nabigo lang din ako. Tanghali na at tagaktak na rin ang pawis ko habang naglalakad sa kahabaan ng kalsada. Pinunasan ko muna ang pawis ko at tumingin ako ng mapagkakainan.Habang nag o-order ay biglang tumunog ang cellphone ko. Akala ko tinawagan na ako ng isang kompanyang inaplayan ko pero nung nakita kong si Daryl 'yon ay sinagot ko nalang."Cass," tawag niya."Napatawag ka?""Kumusta?""Ayos lang. Medyo nahihirapan lang maghanap ng trabaho." Pag aamin ko."You know what? May kakilala akong company na naghi-hire ng financial assistant. You should try there. Kilala ko ang HR."Lumiwanag ang mukha ko nang marinig iyon. Bigla
Chapter Eighteen: Carbon Copy"Manang padala na rin ito," turo ko sa isang maleta.Gabi na at gabi lang ang na i-book kong flight namin kaya naman hindi na nagising si Steffan at kinarga ko nalang.Habang karga-karga si Steffan ay na kay manang naman ang mga maleta namin kasama na rin ang kanya. Magkasama kami sa flight papuntang Manila pero siya ay lilipad ulit ng isa pa papunta naman sa Cebu. Sinabi ko sa kanya na huwag na niya kaming samahan sa Manila at dimiretso nalang sa Cebu pero ayaw niya. Gusto niya daw sulitin ang iilang sandali kasama si Steffan. Hindi ko rin siya masisisi dahil siya ang nag alaga sa anak ko ng mga ilang taon.Matapos naming mag ayos at maghanda ay dumiretso na kami sa airport. Tinawagan ko si Stella pagkatapos para ipaalam sa kanya ang arrival namin. Sinabi ko rin sa kanya na roon muna kami tutuloy dahil wala pa akong nahahanap na apartment. Ayaw ko rin namang tumul