Chapter Three: Simula
His brows up. “Bakit? May dumi ba ako sa mukha?” Aniya ipinakita sakin ang magkabila niyang pisngi.
“W-Wala naman.” Kinakabahang usal ko at nag-iwas ng tingin.
Dahan-dahan siyang tumango na para bang meron siyang nararamdaman pero hindi siya nagpahalata. Mas lalo naman akong kinabahan dahil do’n.
“Pagkatapos natin dito, ihahatid na kita,” aniya.
“Okay,” yun lang ang sinabi ko at hindi na nasundan pa hanggang sa matapos kaming kumain.
Sinunod naman niya ang sinabi niya. Tahimik kaming bumiyahe hanggang sa makarating kami sa building kung saan niya ako sinundo kanina.
Ipinagbuksan niya ako ng pinto at inilalayan pababa sa kanyang Lamborghini. “Salamat,”
“Dito ba ang condo mo?” aniya, tumingala at tinignan ang buong building.
Nangapa ako ng sagot. Nung wala siyang nakuhang sagot mula sa’kin ay kunot noo siyang tumingin sa’kin.
“Oo,” ngumiti ako. Hindi nagpahalatang nag dalawang isip ako sa pagsagot.
Seryoso siyang tumango at ngumiti. “Okay then. See you tomorrow? Susunduin kita rito.”
“Okay,” ayun ang huli kong sinabi bago siya magpaalam. Kumaway pa siya sa’kin bago siya pumasok sa Lamborghini niya, kumaway rin naman ako pabalik para hindi siya mapahiya.
Tinignan ko munang makalayo ang Lamborghini niya bago ako magpasyang maglakad papunta sa kabilang building.
Bahala siya sa buhay niya. Sunduin niya ang susunduin niya sa building nayo’n. Basta ako, wala akong pake elam. Maghintay siya wala.
Pagkabukas ko palang sa pinto ng suite ko ay agad tumawag si Ms. Q.
“Yes po,” inipit ko ang cellphone ko sa gitna ng aking balikat at tenga para mailock ko ang pintuan.
“Cancelled ang interview ni Stella bukas, ang gawin niyo, sumama kayo sa amin ni Jelcie kina Mr. Manzano bukas para makumbinsi natin siyang mag invest sa atin.” Aniya.
“Opo, sige po. Sasabihin kopo kay Stella, pupunta napo ako ngayon doon.” Paalam ko kay Ms. Q.
Habang naghihintay ako ng taxi sa tapat ng building ay ni text ko na si Stella na pupunta ako sa condo niya at sinabi ko rin ang sinabi ni Ms. Q, kanina.
Agad nag reply si Stella kaya binasa ko iyon.
Stella:
“Ayoko. Sabihin mo kay Ms. Q, kayo nalang. Ayokong makita si Emman.”
Hay, ‘tong kaibigan ko talaga.
Mag titipa na sana ako para repla-yan si Stella pero huminto na ang grab na kanina kopa hinihintay.
Pumasok ako roon at sinabi ang address kung saan ang condo ni Stella.
Naramdaman kong nag vibrate ang phone ko sa bulsa kaya kinuha ko iyon. Nag text si Steff.
Steff:
“Did you enjoy our dinner? “
Agad akong nag tipa ang sagot.
Ako:
“Oo naman. Salamat nga pala roon.”
Wala pang isang minuto ay nag reply uli siya.
Steff:
“No problem.” Ayun ang huli niyang sinabi at hindi na ako nag reply.
Pagkarating ko sa condo ni Stella ay nakita ko siyang nag yo-yoga.
“O, gabi na ngayon ka lang mag yo-yoga?” tanong ko at umupo sa malapit na upuan.
“Hindi ako makatulog e,” kinuha niya ang kaliwang paa niya at itinaas yun papunta sa kanyang ulo.
Grabe, hindi ko kaya ‘yon,
Bilib na bilib talaga ako kapag pinapanood siyang nag yo-yoga.
Ang hirap talagang maging model. Bukod sa kailangang alagaan ang mukha, ay dapat rin alaga ka sa katawan mo para ma maintain mo ang hugis ng katawan ng isang model.
Tumayo siya at kinuha ang malapit na towel sa kanyang gilid ‘tyaka nagpunas sa namamawis niyang katawan.
“Hindi ba masama sa’yo ‘yan? Gabi kana nag e-exercise.” Tanong ko.
Lumapit siya sakin at umupo sa tabi ko. Inabutan ko naman siya ng tubig na nasa tabi ko rin lang.
“Thank you,” aniya at uminom doon. “Hindi naman, actually mas gusto ko kasing mag exercise ‘pag gabi. Mas mapayapa, mas nakaka relaxed.” Aniya. Tumango ako.
“Siya nga pala.” Tumingin siya sakin at ngumisi. “Lumabas ba kayo ni Steff?”
Nag iwas ako ng tingin. “Oo,”
“Ayaw mo pala sa kanya ah…” Ngisi niya.
Namula naman ako. “A-Ano ba, dinner lang ‘yon. ‘Tyaka ‘wag mo nga pake elamanan ang buhay namin. Buhay niyo ni Emman ang paka elamanan mo.”
“Sungit,” aniya.
Ilang minutong katahimikan ang namutawi sa pagitan namin kaya humanap ako ng topic para mabasag iyon.
“Stella, ‘wag kang magagalit ah,” sabi ko. Kinakabahan sa napiling topic.
Curious talaga ako kung ano ba ang nangyari sa kanilang dalawa ni Emman, at bakit ayaw niyang patawarin si Emman kahit kitang-kita na sa mukha niya ang pagsisisi.
“Sabagay past naman na. Gusto ko lang itanong,”
Ngumiti siya. “Ano yun?”
“Ano ba ang nangyari sa inyo ni Emman, pwede malaman?”
Hindi siya umimik matapos kong magtanong ngunit ilang saglit pa ay napaisip siya at huminga ng malalim.
“Ako naman talaga ang may kasalanan do’n. Kasalanan ko na ang bilis-bilis kong magmahal. Akala ko nahanap kona ang lalaking para sa’kin. Hindi pala.” Panimula niya.
Oras ang nagdaan matapos ilahad ni Stella ang lahat ng pinagdaanan niya kay Emman, lubos kong inuunawa si Stella ngunit meron paring natitirang awa para sa’kin si Emman.
Naiintindihan ko na hindi magawang mapatawad ni Stella at maging bato kay Emman. Pero ang hindi ko maunawaan ay kung bakit minamahal parin ni Stella si Emman sa kabila ng pananakit nito. Pinipilit niyang ipakitang wala na siyang pagtingin kay Emman, ngunit hindi siya nagtatagumpay. Ang impostor niyang puso ay umiiyak sa t’wing naaalala nito ang nagpatibok sa kanya ng lubos.
Gano’n ba talaga kasakit ang umibig? Na kahit na nasasaktan kana, ay nagagawa mo paring magtiis? Na kahit pinipilit mong iwasan ay patuloy parin itong nagwawagi?
Lumabas ako sa shower room matapos kong makuntento sa aking ginawang paglilinis sa sarili. Napagpasyahan kong matulog sa isang guest room para makapagpahinga si Stella ng lubos sa kanyang kuwarto.
Hindi parin mawala sa isip ko ang nangyari sa kanilang dalawa. Hindi ko lubos maisip na magagawa iyong gawin ni Emmam kay Stella. Hindi madali ang pinagdaanan ng kaibigan ko kaya gano’n nalang namutawi ang galit sa kanyang puso. Gutom na gutom para maghiganti, uhaw na uhaw sa matinik na pag-ibig.
Kung sa akin nangyari ‘yon ay baka hindi kona kayanin. Ang gawing laruan at iparamdam na wala kang kwenta ay masakit na para sa akin.
Napaisip ako kung anong klaseng pag-ibig ang ibibigay ng tadhana para sakin. Magiging isang masakit ba o isang masarap at masayang pag-ibig.
Hindi pa ako umi-ibig kailanman. Ngunit sisiguraduhin ko na ang taong mamahalin ko balang araw ay hindi ako magagawang saktan. At kung dumating man siya, mamahalin ko siya sa abot ng aking makakaya.
Sa kalagitnaan ng aking pag-iisip ay hindi ko inaasahan na papasok sa utak ko ang nakita ko kahapon sa fitting room.
Ang lalaking ‘yon! I can’t believe it!
Isang lalaking matikas ang katawan, gwapo, matangkad, mabango; halos lahat na ata ng magandang katangian ay meron siya! Isa siyang kapuri-puring nilalang na nagtatago sa kanyang katauhan.
Hindi ko masisisi ang babaeng kasiping niya dahil talagang ka baliw-baliw ang anyo ng lalaking ‘yon, na tila isang haplos lang sa iyong tiyan ay manginginig na ang tuhod mo sa pagmamakaawang makipagtalik sa kanya. As I’ve said He’s good and handsome. Rarely handsome.
Sa sobrang pag-iisip ay hindi ko inakalang sumilip na pala si haring araw sa aking bintana. Pumasok ako sa banyo at kinuha ang toothbrush na ginamit ko rin kagabi. Matapos kong maglinis at magligo ay bumaba ako. Nakita kong wala pang tao sa terrace kaya napagpasyahan kong puntahan ang kuwarto ni Stella. Swerte namang nakabukas iyon kaya pumasok ako.
Sa pagkakataong ‘yon ay nakita ko ulit si Stella na naka dungaw sa naglalakihang buildings sa labas. Lumapit ako sa kanya at hinaplos ang likod niya.
“Ayos ka lang?” tanong ko.
“Alam mo napa isip ako,” aniya dumudungaw parin sa naglalakihang buildings. “Siguro kung hindi lang ako naging marupok noon, siguro hindi ako nasaktan. Sana hindi ko pinakinggan ang puso ko, sana pina iral ko ang utak ko.” Yumuko siya at umiling-iling. Doon ko nalaman na tumulo na pala ang luha niya. “Ang hirap pala kung palaging si puso ang pinagbibigyan. Masarap nga, masaya nga, pero iba yung sakit na dulot pag nawasak ito. Sakit na napakahirap pawiin, sakit na ang hirap gamutin, sakit na ang hirap limutin.”
Niyakap ko siya patalikod. “Hindi mo kailangang damdamin ang sakit sa bawat pagtibok ng puso mo. Randamin mo ang nasa loob niyan at sino ang isinisigaw, dahil baka ayun ang lunas sa matagal mo ng paghihirap.”
Dinamayan ko si Stella habang nalulungkot siya. At ipinaghanda ko rin siya ng kanyang makakain para maka punta na kami sa RPLM.
“Kailangan ba talaga tayo ro’n?” aniya isinubo ang hotdog nang sabihin kong pinapasama kami ni Ms Q sa kanya.
“Oo raw,”
“Sabagay wala nga naman silang alam.” Nalulungkot niyang wika.
Pagkatapos naming kumain ay nag text ako kay Ms Q, ang sabi niya ay susunduin kami ng private car niya.
Lumipas ang ilang saglit ay hindi naman kami binigo ni Ms Q dahil sinundo nga kami ng isang tinted private car.
Pagkapasok namin sa loob ay wala sila Ms Q, ani driver ay nasa isang building daw at doon kami magkikita.
Mabilis ang patakbo ng driver kaya ilang minuto palang ay nadala na kami nito sa building na sinasabi niya. Pumasok kami roon at nakita si Ms Q na kausap si Emman.
“Stella, Dito kana sumakay kay Mr Rowver dahil puno na kami sa sasakyan,” ani Ms Q.
Gulantang na napatitig si Stella kay Ms Q. “Ano?! Ipapasakay niyo ako sa sasakyan niyan?!” turo niya kay Emman.
Ngumisi ako. Mukhang sinadya ito.
Huminga ng malalim si Ms Q at namaywang kay Stella. “May problema ba tayo Stella?” Tinaasan pa nito ng kilay si Stella.
Napapahiyang nagbaba ng tingin si Stella na tila wala ng magagawa dahil ang kanyang manager mismo ang nagsabi no’n.
Umaliwalas ang mukua ni Ms Q. “Good. Dahil kung mag proprotesta kapa ay magsasayang kalang ng laway dahil sasakay kasa sasakyan ni Mr Rowver whether you like it or not.”
Sa huli, doon nga sumakay si Stella kay Emman dahil wala na itong nagawa. Maganda rin iyon para mapag-usapan nila ang mga bagay-bagay na sila lamang ang nakaka-alam at makaka-ayos no’n. Sumakay kami nila Jelcie ang second manager ni Stella tapos ay si Ms Q at ang kanyang secretary sa private car na pinagsakyan namin ni Stella rito kanina.
Medyo matagal ang naging biyahe namin bago marating ang RPLM. Pagkarating namin doon ay wala pa sila Emman at Stella. Sa una nag alala si Ms Q dahil baka nawala sila o may nangyaring masama, pero patuloy naman sa pangungumbinsi si Jelcie na ayos lang ang dalawa at kasama naman ni Stella si Emman kaya kung may masamang mangyari man ay may magtatanggol dito.
“Good afternoon Mr Manzano,” magiliw na bati ni Ms Q pagkapasok namin sa opisina ng manager.
“Good afternoon, maupo kayo,” tumayo ito ay isinenyas na maupo kami sa dalawang magkabilang sofa roon.
“Cr lang po ako.” Nakangiti kong paalam kay Mr Manzano.
Tumango ito at itinuro ang cr. “Doon ang cr hija.”
Yumuko ako bilang paalam sa kanila bago tumahak papuntang cr.
Chapter Four: Hate “Asan na kaya yung mga ‘yon? Kahapon pa sila wala, hanggang ngayon wala parin sila!” Kabado nang sabi ni Ms Q kinaumagahan. Mag-iisang araw na kasing wala sina Stella at Emman, si Ms Q naman ay hindi na mapakali dahil baka kung ano na raw ang nangyari sa dalawa. “Ms Q kumalma ka lang darating rin ‘yong mga ‘yon.” Pampakalmang hagod naman ni Jelcie sa likod ng halos atakihin na sa pusong si Ms Q. “Diyos'ko, hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may mangyari mang masama sa kanila! Sana pala hindi ko nalang sila pinag-isa!” dagdag pa ni Ms Q. Humakbang ako papalapit sa kanya. “Ms Q, alam kong ginawa mo iyon para sa ikaaayos nila, wala ka pong kasalanan at kung pwe-pwede lang po ay iwas-iwasan niyo ang pag-iisip ng hindi maganda dahil makakasama iyon sa kalusugan niyo,” concern kong sabi para mapatahan ang hindi na mapakaling si Ms Q. “Oo nga Ms Q, mas magandang magpahinga ka nalang muna at kung sakaling dumating na sila
Chapter Five: Crazy Buwan ang lumipas at puro kaliwa’t kanan ang mga interviews ni Stella. Naging sobrang busy rin ako sa pag aayos ng mga kailangan niya. At ng sa wakas ay naging libre si Stella, ay pinaunlakan kami ni Ms Q na magbakasyon. Napili naman ni Stella na magbakasyos sa kanilang probinsya. Libre ako ngayon kaya ng makita kong paubos na ang stock ng mga make-up ko ay magpasya akong lumabas at bumili. Sa isang sikat na brand ako pumunta para mamili. Namili ako ng napakaraming make-up at sandamakmak na lipsticks sa isang sikat na brand. Pumila ako sa counter pagkatapos. “₱15,499 po lahat ma’am,” nakangiting saad ng cashier. Tumango ako at nag kalkal sa aking sling bag. Kumunot ang noo ko ng mapagtantong wala rito ang pitaka ko. “Saglit lang miss ah,” pasensiya ko kay ate at sinubukang ulit kalkalin ang buong bag. Mula sa malaking bulsa hanggang sa pinakamaliit na bulsa. Nanlumo ako ng walang nakitang pitaka. Malas naman, ano na
Chapter Six: Jealous Ganoon nga ang ginawa niya, umalis kami roon at namili ng mga appliances para sa bagong condo unit ko. Hindi ko alam kung paano ko siya pasasalamatan dahil sa sobrang dami nito. Nag-aayos na kami ng gamit ngayon, marami kami, kasama ang mga iilang staff ng building. Pinasok nila ang mga package at idinala sa unit ko. Napatingin ako kay Steff na ang u-unbox ng aircon. Mukha siyang busy at seryoso sa ginagawa. Aaminin ko, mas gwapo siya sa kanyang aura lalo pa’t nakikita ko ang mas maamo nitong mukha sa pagkukumpuni ng bagay. Tumikhin ako. Napatingin siya sa gawi ko. “Uh, thank you ah,” wala sa sarili kong sambit. Ngumiti siya at nakita ko ang kasiyahan sa kanyang mga mata. “No problem.” Aniya at itinuloy ang ginagawa. Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil sa pang umagang sikat ng araw. Napatingin ako roon. Dito ako natulog sa unit na ibinigay ni Steff. Gabi na kami natapos sa pag-aayos, ng matapos kami ay agad n
Chapter Seven: Ungol “So, tell me. Your jealous,” kulit niya. Wala siyang makuhang sagot sa’kin kundi ‘hindi’ hindi rin naman ako nagsasawang itanggi iyon, at wala rin naman akong balak aminin iyon. Pinaandar niya ang Range Rover at iniwan ang kawawang babae na naghihintay ng masasakyan sa labas. Tinanaw ko siya sa side mirror. Niyakap ang sarili, nilalamig. “Buti nga sayo.” Bulong ko. Hindi na ako kinulit ni Steff dahil siguro nagsawa narin sa pa ulit-ulit kong sagot. Tahimik kami buong biyahe. Huminto ang kotse niya sa tapat ng building kung nasaan ang condo ko. Binuksan ko ang pinto ngunit naka lock parin iyon. Napatingin ako sa kanya. Seryoso niya naman akong tinitigan pabalik. “I know your jealous,” nag taas siya ng kilay. “Hindi ako nagseselos.” Sabi ko. “Buksan mo na at ng maka uwi na ako.” Umiling siya. “Uh-uh. Hindi ko ‘yan bubuksan hangga’t hindi ka umaamin sa akin.” Napataas ang kilay ko. “Edi
Chapter Eight: Towel Kumain kami ng tahimik sa kitchen. Masarap ang luto niya, hindi nga lang ako pamilyar doon. “Uh, sorry pala kanina. Hindi ko gustong maalala mo-“ “It’s okay Cass,” he said. Tapos na kaming kumain. Nakaupo ako ngayon sa high chair at pinapanood siyang magligpit ng mga pinagkainan namin. Tumayo ako at inagaw ang mga pinggan sa kaniya. “Ako na, magpahinga ka muna, kanina kapa galaw ng galaw.” Agaw ko sa mga pinggan. Ibinaba ko iyon sa sink at pinunsan ang mga kalat sa lamesa. “You sure?” Nagugulat namang aniya. Tumango ako. “Ako ang babae rito. Ako dapat ang gumagawa ng mga ito.” Ngumiti ako. Isinuot ko ang apron at sinimulan ng maghugas ng pinggan. “I’ve always love your smile,” hindi ko inaasahan na yayakapin niya ako patalikod. “Ano ba Steff, bitawan mo ako.” Ibinaba na naman niya ang baba sa aking balikat. He always doing that, he knows how to provoke me. Iyon na ata ang kah
Chapter Nine: Prank Agad kong naimulat ang mga mata ko nang makarinig nang tunog ng kursara at pinggan. Tinignan ko si Steff na maingat na inaayos ang mga pagkain sa side table. "Good Morning," he greeted when he feel my eyes on him. "Ano yan?" Mataray kong pinasadahan ng tingin ang itlog, bacon, at yogurt sa side table. "Breakfast," he raised a brow. Kumunot ang noo ko. "Bakit mo ginagawa 'to?" He smiled and shook he's head. "Nothing. Kailangan pa bang lagyan lahat ng meaning? It's what we called service." He smirked. I rolled my eyes on him. "Service-servive ka pang nalalaman..." Bulong ko. "Okay, thanks then," "Always," he smiled and walk away. Hinintay ko pa siyang makalabas ng kwarto bago ko tikman ang mga luto niya. He's good. Halos lahat nalang nasa kanya na. Gwapo, mayama
Chapter Ten: Sorry Months pass by, mas naging busy kami sa kanya-kayang buhay resulting that we don't have time to see each other. May mi-minsan namang bumibisita siya sa condo ko pero hindi rin nagtatagal dahil mayroon pang trabaho. Same as me, I also visiting his suit even when he's not around. Pag naroon ay nagluluto siya ng kung ano-ano para sa akin. Hindi ko alam kung gaano na ba katagal kaming magka close sa isa't-isa. Nagulat nalang ako isang araw, we are now comfortable. Gusto kona siyang kasama. At masaya ako 'pag nariyan siya. Until now, I'm trying to understand myself, my inner self kung ano nga ba ang totoong nangyayari sa akin. Dalawang bagay lang ang nakita ko. One is that I'm starting to like him, and I don't like that. The other one is scared because I know I'm falling inlove to a man who is not serious in loyalty. Gusto ko siyang iwasan pero sa t'wing ma-iisip kong hindi ko siya makikita ay parang
Chapter Eleven: Kiss Mugtong mga mata ang bumalot sa akin pagkadating sa condo ko. Ibinagsak ko ang sarili sa sofa at nanghihinang umiyak doon. Una palang ay ayaw ko na sa kanya. Bakit ba naman kasi hinayaan ko ang sarili kong mahulog ng tuluyan sa kanya? Bakit hinayaan ko ang sarili kong magpaloko sa kanya? Tawag ni Helena ang gumising sa akin kinabukasan, kinamusta ako. Nagpasensya naman ako sa kanya dahil hindi ko na nagawang magpaalam kagabi dahil sa nangyari. “Ano ka ba okay lang. Siya nga pala, sama ka ba mamaya?” “Oo naman. Bakit naman hindi?” “Good. Maganda iyan ng ma lossen up mo naman ang sarili mo. Mukha kang broken hearted kagabi girl. Yung totoo, sino yung lalaking tinitignan mo kagabi? Boyfriend mo? Nambababae?” Bigla akong natawa sa mga paratang niya. Kalaunan ay sinagot ko naman. “Hindi. Kakikilala lang,” pal
Chapter Twenty-six: Never"Hoy Cassandra!" Kalabit sa akin ni Stella matapos umalis ni Steff. "Ano 'yon ha? Bakit kayo magkasama ni Steff?" Sunod-sunod na tanong niya."Coincidence lang. Wala 'yon." Sabi ko at pumasok sa booth para tignan si Steffan habang si Stella naman ay kataka-taka parin akong sinundan."Anong coincidence?" Kunot-noong sumunod sa akin si Stella papasok sa booth. "May pa thanks thanks ka pang nalalaman ah, sobra ka namang nanlamig kanina." Ngisi niya.May sasabihin pa sana si Stella kaso ay hindi na niya naituloy dahil nakita na ako ni Steffan."Mommy! Where did you go?" Lapit sa akin ng anak ko."Nilandi ang tatay mo," rinig kong bulong ni Stella sa tabi ko. Agad ko siyang siniko at todo naman ang tawa niya."There." Turo ko sa malayo. "Nag-grocery. Anyway, did you enjoy shopping?" I asked him and he nodded."Sus nag-grocery raw. Lumandi kamo..." bulong na naman ni Stella sa gilid ko. Sinamaan ko nalang siya ng tingin at pinabayaan na.Matapos no'n ay umuwi na ka
Chapter Twenty-five: Mastermind"Mommy look at this!" Tumatakbo papalapit sa akin si Steffan at sa likod naman niya ay si Emman na hawak ang mga gamit niya sa school. Niyakap ko siya at taas noo naman niyang ipinakita ang perfect score niya sa exam. Nanlambot ang puso ko at naging masaya para sa anak, "wow Steffan, pinapaiyak mo naman si mommy eh..." sabi ko. Niyakap ko siya ulit dahil hindi ko lubos akalain na sobra-sobra na ang naibibigay niya sa akin."Oh Steffan, losyang na ang mommy mo gusto mo pa rin ba siya?" natatawang biro ni Stella sa gilid namin dahil sa pangingilid ng luha ko.Kumalas si Steffan at tumingin sa tita niya, "of course tita. She's my mommy and I love her so much," sagot naman ng anak ko.Napangisi tuloy ako at inismiran si Stella. Akala mo ah.Mas lalong tumawa si Stella sa naging reaksyon ko. Lumapit naman sa kanya si Emman at pinulupot ang braso sa baywang niya.Ngumuwi ako sa harap nila. "Oy may bata. Tuturuan niyo pa ang anak ko mga hayop kayo."Tumawa si
Chapter Twenty-four: FiancèePaulit-ulit kong hinahaplos ang malambot na buhok si Steffan habang natutulog. Hindi ako makatulog dahil sa mga naiiisip. Humalik ako sa noo niya at ngumiti."'Yung papa mo anak. Sinasaktan ako," parang batang sumbong ko sa kanya. "Tama ba ang mga desisyon ko noon? Tama bang inilayo kita sa kanya? Paano kung hindi ko iyon ginawa? Masaya na kaya tayong tatlo ngayon?"Puro pagsisisi at sakit ang nararamdaman ko matapos mangyari ang lahat. Kung sana lang ay maaari kong maibalik ang nakaraan at kalimutan ang mga nasayang. Sana ay maaari ko pang ibalik ang gabing iyon. Ang gabi kung kailan kami naging masaya. At ang gabi kung kailan ako nadurog nang sobra.Ilang linggo ang lumipas at ganoon pa rin ang nangyayari. Sa trabaho ay seryoso ako at ganoon rin si Steff sa akin ngunit sa pag-uwi ay hindi siya pumapalyang ihatid ako kahit pa hindi ko gusto. Maayos rin ang naging trabaho ko at naging successful ang report ko kanina kaya nag-celebrate ang buong financial
Chapter Twenty-three: KeyPaulit-ulit kong binasa ang huling text niya at prinoseso pa ng utak ko kung ano iyon. Gusto niya akong pakasalan? He's joking right? Kahit pa affected sa nabasang text ay nagpatuloy ako sa paglalakad papuntang parking. Pinipilit kong alisin sa isip ko iyon ngunit nang makita ko na siya na nakasandal sa isang BMW ay bigla ko ulit naalala kasama ang pagbilis ng tibok ng puso ko.Gumalaw siya nang masulyapan ako at hindi pa man ako nakakalapit ay pinagbuksan na niya agad ako ng pinto. "Salamat," sabi ko at sumakay na agad sa front seat. Siya naman ay umikot na sa driver seat."Saan ka ba maghahanap ng apartment?" tanong niya nang tuluyan nang umandar ang BMW niya."Uh... sa malapit lang. 'Yung walking distance lang sana...""Emman told me that you are living with them. Bakit ka pa maghahanap ng apartment? Malapit lang naman ang mansion nila dito ahh.""Gusto ko sanang maging independent. Ayokong palaging umasa sa kanila lalo pa't ngayong may trabaho na ako."
Chapter Twenty-Two: Sir "Thank you..." sabi ko nang sa wakas ay huminto na ang sasakyan niya sa gate ng mansion nila Stella. Hindi kona hinintay pang pagbuksan niya ako ng pinto dahil pagkahintong-pagkahinto niya ay mabilis kong kinalas ang lock at binuksan ang pintuan. Mabilis rin naman niyang pinaandar ang sasakyan at umalis. Naka hugot ako ng malaking hininga nang sa wakas ay nawala na ang BMW niya sa paningin ko. Hindi ko alam pero tagaktak ang pawis ko kahit pa man air-conditioned ang BMW niya. Siguro dahil narin sa presensiya niya at sa pag-uusap namin. Pagkapasok ay agad na tumakbo si Steffan sa akin para yumakap at magiliw ko naman siyang niyakap pabalik. "How's your day Mommy?" naka ngiting tanong niya. Napa ngiti naman ako sa tanong niyang iyon. He was just like his father. He aslo asked me with that question. "It was fine Steff. How about you?" Lumapad ang ngiti niya at agad tumakbo kay Stella. May kinuha siyang supot doon at tumakbo ulit papalapit sa akin. "Mom, lo
Chapter Twenty-one: StoplightCome back? Sino ‘yun? Bakit niya alam ang numero ko?Ilang sandali akong napaisip hindi dahil sa tawag kung hindi dahil sa nag text gamit ang hindi ko kilalang numero. Napaisip ako kung sino-sino ang mga taong nakagawa sa akin ng masama at kung sino-sino ang may mga posibilidad na taong mag se-send no’n sa akin.May isa akong taong naiisip ngunit hindi naman siguro siya iyon. Bakit niya gagawin iyon? Mula nga noong nagkita kami ay nag aapoy ang mata niya at tila galit pa sa akin. Malabo nga. Malabong si Steff iyon. Huwag mo nalang pansinin Cass, baka na wrong send lang iyon. Tama! Wrong send lang ang message na iyon. Wala lang kaya huwag mo ng isipin pa.Sa kabilang dako naman ay naghalo-halo ang emosyon ko. Saya, gulat, at pagkalito mula sa anunsyo na nakuha ko. Hindi ba ayaw nila sa akin? Ang Senign Enterprises lang ang kaisa-isang tumanggap sa akin so far sa lahat ng in-applyan ko pero nabigo rin ako sa huli. A
Chapter Twenty: Number ANO?! Siya ang may ari ng kompanya? Naghahabol ako ng hininga nang makaalis roon. Hindi ako makapaniwala. Si Steff? Sa pagkaraming kompanya pa naman na pwedeng pag applyan ay 'yung kompanya pa talaga niya? At siya ang nag utos? Tanggap na ako ah. Bakit niya binago? Halo-halo ang emosyon ko nang umuwi ako sa mansion nila Stella. Alalang napagawi sa akin si Stella nang makita ako. "Anong nangyari? Nakahanap kaba?" Alalang sambit ni Stella. Napapailing naman ako at napahawak nalang sa sentido dahil sa mga nangyari ngayon. I can't believe it. Siya ang may ari ng kompanya. He really changed a lot. He was rich before but became more reacher than now. Hindi ko lubos akalain na siya pa pala ang may ari ng kompanyang pagtratrabahuan ko sana. Should I be thankful or what? I maybe thinking of that in to the positive side. Siguro nga hindi ako para roon at ginawa lang ng HR o ni Steff ang mabusising pagpipili sa mga applikante at alam ko rin namang may mas magaling
Chapter Nineteen: LeaveMaaga akong tumahak para maghanap ng trabaho. Humalik muna ako sa noo ni Steffan bago siya iniwan.Madilim palang pero mas pinili ko ng mas maagang tumahak kaysa umaraw na. Mas magandang mas maaga para mas marami akong mapuntahan.Una kong pinuntahan ay ang isang convenience store pero nabigo lang ako. Pangalawa ay sa isang supermarket pero nabigo lang din ako. Tanghali na at tagaktak na rin ang pawis ko habang naglalakad sa kahabaan ng kalsada. Pinunasan ko muna ang pawis ko at tumingin ako ng mapagkakainan.Habang nag o-order ay biglang tumunog ang cellphone ko. Akala ko tinawagan na ako ng isang kompanyang inaplayan ko pero nung nakita kong si Daryl 'yon ay sinagot ko nalang."Cass," tawag niya."Napatawag ka?""Kumusta?""Ayos lang. Medyo nahihirapan lang maghanap ng trabaho." Pag aamin ko."You know what? May kakilala akong company na naghi-hire ng financial assistant. You should try there. Kilala ko ang HR."Lumiwanag ang mukha ko nang marinig iyon. Bigla
Chapter Eighteen: Carbon Copy"Manang padala na rin ito," turo ko sa isang maleta.Gabi na at gabi lang ang na i-book kong flight namin kaya naman hindi na nagising si Steffan at kinarga ko nalang.Habang karga-karga si Steffan ay na kay manang naman ang mga maleta namin kasama na rin ang kanya. Magkasama kami sa flight papuntang Manila pero siya ay lilipad ulit ng isa pa papunta naman sa Cebu. Sinabi ko sa kanya na huwag na niya kaming samahan sa Manila at dimiretso nalang sa Cebu pero ayaw niya. Gusto niya daw sulitin ang iilang sandali kasama si Steffan. Hindi ko rin siya masisisi dahil siya ang nag alaga sa anak ko ng mga ilang taon.Matapos naming mag ayos at maghanda ay dumiretso na kami sa airport. Tinawagan ko si Stella pagkatapos para ipaalam sa kanya ang arrival namin. Sinabi ko rin sa kanya na roon muna kami tutuloy dahil wala pa akong nahahanap na apartment. Ayaw ko rin namang tumul