Share

Remembering the Night
Remembering the Night
Author: Elle Thyssen/Chicllet

Prologue

last update Last Updated: 2021-06-09 18:44:03

Prologue

“Alam mo Stella, ang gwapo naman nung Emman ah, bakit hindi mo patawarin?” sabi ko kay Stella pagkarating namin sa condo niya.

“Hindi ganoon kadali ‘yon,” aniya. “Hindi sa kagwapuhan nasusukat ang pagpapatawad Cassandra, nasa taong patatawarin ‘yon, kung deserve niyang mapatawad, mapapatawad mo. Pero kung hindi, kahit gusto mo man siyang patawarin at bigyan uli ng pangalawamg pagkakataon hindi mo maibibigay.” Dagdag niya.

Ngumiwi ako. “Eh, patatawarin mo lang naman, kalilimutan mo lang naman yung mga ginawa niya sayo. Mahirap na ba ‘yon?”

Tinitigan niya ako. “Para sayo madali lang kasi hindi ikaw ang nakaranas. Pero para sakin, kahit pilit ko mang kalimutan ang ginawa niya, talagang hindi ko magawa. Nangingibabaw parin ang galit sa puso ko.” She said with sincerity.

“Anyway, tama. Sabi ko nga ‘wag mo na patawin,” ngiwi at irap nalang ang ginawa ko para matapos na ang usapan.

Biglang bumukas ang pinto kaya napalingon ako roon. “Hello, kamusta kayo rito?” Ani Ms. Q pagkapasok. Tumayo naman si Stella at dumiretso sa CR.

“Ayos naman po,” ako ang sumagot.

“Good. Saan pupunta ‘yun?” Ininguso niya si Stella.

“Mag C-CR po ata,”

Tumango siya. “Siya, tutal ikaw naman ang narito sabihin mo maghanda na siya para sa interview mamayang 6 pm okay?”

Ngumiti ako. “Okay po, Ms. Q,”

Ayun lang at umalis rin si Ms Q ako naman, sinimulan ko na ang pagliligpit ng mga gamit ni Stella sa kanyang condo. Nang matapos naman mag CR si Stella, sinabi ko na pumunta si Ms. Q kanina at ang pakay nito.

Alas tres palang ng hapon ay naghahanda na kami para sa kanyang interview. Ang sabi ni Ms. Q, mamayang alas sais pa raw pero sabi niya kailangan maaga raw kami makapunta para sa make-up ni Stella.

Pagkarating namin doon ay agad minake- upan si Stella ng staff ng show habang ang iba naman ay naghahanda para sa malapit-lapit na pagbubukas nito.

Habang naghahanda sila, ako naman ay naghahanap ng bakanteng upuan sa audience. Ang iba ay nagrereklamo dahil natatapakan ko ng dress ang nakikita nila, nagpapaumanhin naman ako tuwing nangyayari iyon pero bakas parin sa mukha nila ang pagka-inis. Nang makahanap ako ng upuan ay agad akong umupo roon, pinakiramdaman ko pa ang sarili ko kung komportable ba ako sa napili, at nung ayos naman ay doon na ako nag stay.

“Lights, camera, ACTION!” Anunsyo ng direktor at nagsimula na ang show.

“Good evening Ms. Stella Magday maraming salamat sa pagpapaunlak ng interview.” Pauna ng host.

Ngumiti naman si Stella. “Walang ano man,”

Inilipat ng host ang hawak na flashcard. “So, Ms. Stella, how’s your relationship? Are you a single or…?”

Tumawa naman ng manipis si Stella, “personal question?”

Tumawa at tumango ang host. “Yes,”

“Well, Im single,” ngumiti siya.

Habang nakikinig ako sa panayam ni Stella sa mga tanong ng host, napapansin kong medyo hindi ata komportable ang nasa kaliwa ko. Nararamdaman kong may iba siyang ginagawa pero hindi ako nagpapahalata.

Tinignan ko siya sa peripheral vision ko ngunit maayos siyang naka upo at nakikinig sa interview.

Medyo nakaramdam ako ng kaba ngunit binali wala ko nalang at tumutok uli sa interview.

“Ah, iba talaga ang destiny ano?” Ani ng host.

Tumango-tango si Stella, “It’s really po, kung para sayo, para sayo talaga. Hindi kana magpapakahirap para makuha siya kasi si destiny na ang bahala para magkatagpo kayo.” Aniya.

Napakunot ako ng noo dahil hindi kona masundan ang pinag uusapan! Pero kahit ganoon, pinilit ko paring makinig.

“Bro palit tayo, sige na please…” Bulong ng katabi ng nasa kaliwa ko.

Napakunot ang noo ko ngunit pinilit kong hindi pansinin iyon at magpatuloy ako sa pakikinig.

Ilang minuto pa ang lumipas nang gumalaw ang nasa kaliwang gilid ko. Napatingin ako. Mas lalong kinabahan.

Nagpalit ng upuan ang lalaking nasa kaliwa ko kanina na ngayon naman ay nasa pwesto ng lalaking nakikipagpalit kanina.

Gosh, akala ko kung ano na.

Inayos ko ang buhok ko, at mas nag focus nalang sa interview. Binaliwala ang kabang nadarama.

Tumikhim ang katabi ko. “Ang laki ng bola mo miss,” aniya at humalakhak.

Biglang nanlaki ang mata ko at napatingin sa aking dibdib.

“Walang hiya ka bastos!” Sigaw ko ng makita ang lumuluwa kong dibdib. Pinalo ko siya sa braso.

Narinig iyon ng mga katabi namin kaya napatingin sila sa gawi namin. Ngunit wala akong pake elam kung pagtinginan pa ako ng mga tao rito basta mapatay ko lang ‘tong hinayupak na bastos na’to!

“Ano ba’yan!?” Sigaw mula sa stage.

Napahinto ako sa paghahampas at napatingin sa pinanggalingan ng boses at doon ko nakita ang nakabaywang na beking direktor at itinuro ako.

“Punyeta kang babae ka! Panira ka! Kung gusto niyong magharutang dalawa doon kayo sa CR ‘wag dito!” Nanggagalaiting sigaw ng direktor.

Napayuko ako at dahan-dahang kumalma. Nang matauhan ay lumingon-lingon ako sa paligid at nakita kong ang mga tao ay nagpipigil ng tawa.

Doon ko lang narealize kung ano ang ginawa ko.

Gosh.

Napapikit ako dahil sa kahihiyan.

“Sinira mo ang set! Live show to gaga!” Ani ng direktor.

“S-Sorry direk,”

“Paalisin niyo nga yan, nakakahiya…” dagdag pa ng direktor.

“Ma’am tara na po,” kayig sakin ng isang guard.

Hindi ako nagdalawang isip na sumama sa guard at nung subukan kong tignan uli ang lalaking nambastos sakin ay nakita ko na siyang nakangisi at tinitignan ako.

Bwisit nakuha pang ngumisi ng loko!

Uminit pa lalo ang ulo ko kaya bago kopa masugod ang lalaki ay sumunod nalang ako sa guard.

“Walanghiya! Ang putanginang rapist nayon?! Bwisit, pinahiya ako!” Sigaw ko pagdating sa condo ni Stella. Katatapos lang ng interview niya, at syempre dahil sa kahihiyan na ginawa ko roon, biglang ki-nancel ang interview niya.

“Ano ba kasi ang nangyari? Sino ba kasi ‘yun?” Tanong ni Stella, at umupo sa sofa.

“Hindi ko alam! Basta nakikinig lang ako sa interview tapos sinabi ba namang ang laki daw ng bola ko?! Nakakaloka!?” Sabi ko at umupo rin sa sofa.

Humagalpak si Stella, “eh, bakit ba naman kasi ganyan ang suot mo? What’s with that outfit?” Kumunot ang noo niya at itinuro ang dress ko.

Ngumuso ako. “Simpleng dress lang naman to,” katwiran ko.

Pinandilatan niya ako mula ulo hanggang paa. “Wow, ganyan pala ang simple sayo? Kita kalahati ng dibdib mo?” Aniya at tumawa pa.

“Ano kasi… Fashion yan!”

Mas lalo siyang humagalpak. “Fashion tawag mo diyan?” Turo niya sa suot ko. “Malapit ng mapunta sa porn star!”

Umirap ako.”K, fine.” Sana pala hindi na ito ang isinuot ko.

Ilang nakakainsultong mga paratang pa ang binitawan ni Stella para asarin ako, at nung napuno na ako ay iniwan kona siya sa kanyang condo.

Pagkatapos magalit sakin ng direktor, ang akala ko hindi na ako pagagalitan pa, pero nagkamali ako dahil habang papalabas ako sa building kung saan ang condo ni Stella, puro sermon ang inabot ko sa manager niya.

“Ano ka ba Cassandra! Kahihiyan ang ginawa mo kanina!” Aniya. “Sana hindi ka nalang sumama! Diyos ko maapektohan pa ang kasikatan ni Stella ng dahil sayo!”

“Sorry po Ms. Q, hindi—”

“Sa susunod na gawin mopa iyon Cassandra, tatanggalin na kita! My god nakaka stress ka!” Ayun lang at pinutol na niya ang linya.

Dismiyado kong ibinalik ang phone ko at nagpatuloy pa paglalakad kahit pa naiiyak na.

Habang naghihintay naman ako ng taxi at nagmumuni-muni, bigla akong nagising nang may kumalabit sa akin.

“Ah, miss sayo ba ito?” Tinig ng kumalabit sa akin.

Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses, at biglang nanlaki ang mata nang mamukhaan ang lalaking nasa harap ko. Tila nagulat rin siya ng makita ang reaksyon ko ngunit napalitan agad iyon ng ngisi.

“Ikaw!” Turo ko sa kanya. “Ikaw ang nambastos sa akin kanina kaya napahiya ako!” Pinagpapalo ko agad siya ng bag ngunit nasasangga niya naman agad iyon gamit ang dalawa niyang kamay.

“T-Teka miss, easy lang…” Aniya umiilag parin sa pagpalo ko.

“Walanghiya ka! Bastos! Manyakis!” Nanggigigil pa akong pinaghahampas siya ngunit wala rin akong nagawa nang machambahan niya ang kamay kong nanghahapas sa braso niya dahilan para matigil iyon at mainis pa ako ng todo.

“Let go off me! Manyakis ka!” Palag ko dahil niyakap na niya ako mula sa likod at hawak parin ang kamay kong ipinatong niya sa aking dibdib para hindi ko siya mahampas.

“Miss, hindi lang ikaw ang mapapahiya rito pagnanlaban ka, tignan mo pinagtitinginan na tayo ng mga tao.” Bulong niya sa aking tainga kaya lumingon agad ako sa paligid.

May mga taong naglalakad pero yung ibang malapit sa amin ay nagbubulungan na! At yung iba pa pini-picturan pa kami!

Gosh!

Dali-dali kong inalis ang braso niyang ikinulong ako, hinayaan niya naman akong magtagumpay kaya agad akong dumistansya.

Inayos ko ang suot ko at tumingin sa kanya.

Pinagtaasan ko siya ng kilay. “Sinusundan mo ba ako?”

Tumawa siya at itinuro ang gym na katapat namin. “Actually dito ang punta ko kaso nakita kong nalaglag ang lipstick mo kaya nagmagandang loob akong isauli sayo.” Pakita niya sa lipstick na nasa kanyang kamay.

Bigla siyang ngumisi siya at dahan-dahang inilapit ang mukha sa aking tainga. “Hindi ko alam na filingera ka pala miss,” aniya at ‘tsaka humalaklak.

Bigla uminit ang ulo ko kaya imbes na patusin pa siya, kinuha ko nalang ang lipstick ko sa kanya at ‘tsaka siya tinalikuran.

“U-Uy teka lang miss!” Naghahabol na sigaw niya.

Binilisan kopa ang lakad ko para hindi na siya makahabol pa ngunit hindi ako nagtagumpay, sa pagkaliit-liit ba naman ng hakbang ko kumpara naman sa pagkalaki-laki ng hakbang niya, ay madali niya lang akong naabutan!

“Teka lang miss,” aniya ng maabutan ako. Pumiwesto siya sa harap ko at inilabas ang kanyang cellphone.

Kumunot ang noo ko nang makita ang ginawa niya.

“Sa wakas na nagkita na tayo susulitin kona ‘to.” Aniya. “Pwedeng mahingi number mo?” Nakangiting aniya at inilahad ang kanyang cellphone.

Tinitigan ko iyon at mataray na tumingin sa kanya.

“Ano yan?” Tinaasan ko siya ng kilay.

“Cellphone.”

Umirap ako. Pilosopo. “Ayoko,” sabi ko at ‘tsaka siya nilagpasan ngunit pinigilan niya ako sa pagtangka kong pag-alis.

Hinawakan niya ang braso ko, napatingin naman ako roon.

“Sige na naman oh,” ngumuso siya, inilalahad ang cellphone.

Tss, “Ayoko nga…” medyo naiiritang sabi ko at nilagpasan uli siya ngunit talagang makulit ang lalaking ito.

Huminto siya sa harap ko at Inilahad uli ang cellphone niya. “Sige na, ngayon lang ako mangungulit sa babaeng hindi ko kilala.” Aniya na parang aliw na aliw sakin.

Inilayo ko ang cellphone niya. “Pwede ba?! Tigilan mo na nga ako. Hindi kopa nakakalimutan ang ginawa mo sakin na pagpapahiya. Ano sa tingin mo, matapos mong gawin sakin ‘yon mahihingi mona agad-agad ang number ko?” Pagtataray ko para tantanan na niya ako.

Ibinaba niya ang cellphone at nagbuntong-hininga. “Okay, fine. Pero miss,” aniya, mas sumeryoso. “Gusto kong malaman mo na hindi ko sinasadya na pahiyain ka roon—”

“Oh, eh, ano yung iningi-ngisi mo kanina? Parang tawang-tawa kapa nga na napahiya ako on live show!”

“I’m sorry, hindi iyon ang gusto kong mangyari.” Aniya.

“Bakit, ano paba ang gusto mong mangyari? Hubaran ako?” Hindi kona napigilang ilabas ang pagka-inis ko.

Umiling-iling siya. “No, no, no. Actually, kaya ako nagpapalit ng upuan kanina kasi gusto ko makuha yung number mo.” Aniya sa seryosong tono.

Napaisip ako ng ilang saglit. “Bakit moba gustong makuha ang number ko, huh?” Masungit ko paring sabi sa kanya.

“Makikipagkaibigan lang miss,” taas noong nakangiting aniya.

“Pwes, ayokong makipagkaibigan sayo.” Aalis na sana ako ngunit hinarangan niya uli ako.

Hay, ang kulit talaga?!

“Ano na naman?! Sabi ko naman sayo ayaw ko diba?!” Nawawalang pasensiyang sabi ko.

“Ok, ok, easy lang miss.” Ngumisi siya. “Kung ayaw mong ibigay ang number mo at makipagkaibigan sakin, makikipagkilala nalang ako sayo.” Aniya.

Inilahad niya ang malaki niyang kamay. “Stefferson Clint.” Nakangiting pakilala niya sa sarili, tinanggap ko naman iyon ng walang pag aalinlangan para tantanan na niya ako sa pangungulit niya. Kaya matapos ang kamayan namin ay tagumpay na akong nakapaglakad at hindi na siya sumunod.

Related chapters

  • Remembering the Night   Chapter One

    Chapter One: Rebelasyon Nakauwi na ako. Matapos kong Makipagkulitan sa lalaking ‘yon ay Sumakay na ako sa taxi at dumiretso na sa aking suite. Hindi ako makapaniwala sa confidence ng lalaking ‘yon. Matapos ba naman akong pahiyain sa maraming tao e, nagawa ba namang hingan ako ng number! Gosh, that ashole! Ang kapal ng mukha! Nakakagigil! Sarap bugbugin! Bwiset! Alam ko may istura siya, hindi ko Maipagkakaila ‘yon. Matangkad, Matangos ang ilong, moreno, kissable lips, at perpektong panga! He’s a good example of perfectionist! Perpektong perpekto na tipong kahit saang angulo, gwapo! At Boses palang talagang bibigay kana! Kung hindi ngalang gano’n ang first Impression namin ay baka pinagpapantasyahan kona siya. Sa Gano’ng kagwapo, sigurado ako Habulin ng mga babae yun, at sa gano’ng features ng mukha hindi rin malabong maging isang fuck boy yun. Syempre, ginagamit niya ang kagwapuhan

    Last Updated : 2021-06-09
  • Remembering the Night   Chapter Two

    Chapter Two: Good and HandsomeMy god that asshole! I can’t believed it!Ako na nga ang nakahuli ako pa ang napahiya! Nakakainis!Sa sobrang gwapo, sumobra rin ata ang kompiyansa sa sarili ng lalaking yun! Sa sobrang dami niyang puring natatanggap ay lumalaki na ang ulo niya! At ang boba-boba naman ng babae dahil nagpagamit siya! Naku, I hate boys talaga lalong-lalo na ang lalaking ‘yon! He’s driving me crazy!Hindi kona ipinagpatuloy pang isukat ang mga natitirang pinamili kong dress sa fitting room na iyon. Binayaran ko nalang agad at umuwi na sa suite ko dahil hindi kona makakayapang magkita kaming muli at makipagsabwatan sa lalaking iyon!Nang maghapon ay tumawag si Ms Q, ipinaalala niya sa akin na mayrong photo shoot si Stella bukas. Isinulat ko iyon sa notepad ko at nagpaalam ng maayos kay Ms Q.Kinabukasan ay maaga akong naghanda para

    Last Updated : 2021-06-09
  • Remembering the Night   Chapter Three

    Chapter Three: Simula His brows up. “Bakit? May dumi ba ako sa mukha?” Aniya ipinakita sakin ang magkabila niyang pisngi. “W-Wala naman.” Kinakabahang usal ko at nag-iwas ng tingin. Dahan-dahan siyang tumango na para bang meron siyang nararamdaman pero hindi siya nagpahalata. Mas lalo naman akong kinabahan dahil do’n. “Pagkatapos natin dito, ihahatid na kita,” aniya. “Okay,” yun lang ang sinabi ko at hindi na nasundan pa hanggang sa matapos kaming kumain. Sinunod naman niya ang sinabi niya. Tahimik kaming bumiyahe hanggang sa makarating kami sa building kung saan niya ako sinundo kanina. Ipinagbuksan niya ako ng pinto at inilalayan pababa sa kanyang Lamborghini. “Salamat,” “Dito ba ang condo mo?” aniya, tumingala at tinignan ang buong building. Nangapa ako ng sagot. Nung wala siyang nakuhang sagot mula sa’kin ay kunot noo siyang tumingin sa’kin. “Oo,” ngumiti ako. Hindi nagpahalatang nag d

    Last Updated : 2021-07-10
  • Remembering the Night   Chapter Four

    Chapter Four: Hate “Asan na kaya yung mga ‘yon? Kahapon pa sila wala, hanggang ngayon wala parin sila!” Kabado nang sabi ni Ms Q kinaumagahan. Mag-iisang araw na kasing wala sina Stella at Emman, si Ms Q naman ay hindi na mapakali dahil baka kung ano na raw ang nangyari sa dalawa. “Ms Q kumalma ka lang darating rin ‘yong mga ‘yon.” Pampakalmang hagod naman ni Jelcie sa likod ng halos atakihin na sa pusong si Ms Q. “Diyos'ko, hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may mangyari mang masama sa kanila! Sana pala hindi ko nalang sila pinag-isa!” dagdag pa ni Ms Q. Humakbang ako papalapit sa kanya. “Ms Q, alam kong ginawa mo iyon para sa ikaaayos nila, wala ka pong kasalanan at kung pwe-pwede lang po ay iwas-iwasan niyo ang pag-iisip ng hindi maganda dahil makakasama iyon sa kalusugan niyo,” concern kong sabi para mapatahan ang hindi na mapakaling si Ms Q. “Oo nga Ms Q, mas magandang magpahinga ka nalang muna at kung sakaling dumating na sila

    Last Updated : 2021-07-13
  • Remembering the Night   Chapter Five

    Chapter Five: Crazy Buwan ang lumipas at puro kaliwa’t kanan ang mga interviews ni Stella. Naging sobrang busy rin ako sa pag aayos ng mga kailangan niya. At ng sa wakas ay naging libre si Stella, ay pinaunlakan kami ni Ms Q na magbakasyon. Napili naman ni Stella na magbakasyos sa kanilang probinsya. Libre ako ngayon kaya ng makita kong paubos na ang stock ng mga make-up ko ay magpasya akong lumabas at bumili. Sa isang sikat na brand ako pumunta para mamili. Namili ako ng napakaraming make-up at sandamakmak na lipsticks sa isang sikat na brand. Pumila ako sa counter pagkatapos. “₱15,499 po lahat ma’am,” nakangiting saad ng cashier. Tumango ako at nag kalkal sa aking sling bag. Kumunot ang noo ko ng mapagtantong wala rito ang pitaka ko. “Saglit lang miss ah,” pasensiya ko kay ate at sinubukang ulit kalkalin ang buong bag. Mula sa malaking bulsa hanggang sa pinakamaliit na bulsa. Nanlumo ako ng walang nakitang pitaka. Malas naman, ano na

    Last Updated : 2021-07-13
  • Remembering the Night   Chapter Six

    Chapter Six: Jealous Ganoon nga ang ginawa niya, umalis kami roon at namili ng mga appliances para sa bagong condo unit ko. Hindi ko alam kung paano ko siya pasasalamatan dahil sa sobrang dami nito. Nag-aayos na kami ng gamit ngayon, marami kami, kasama ang mga iilang staff ng building. Pinasok nila ang mga package at idinala sa unit ko. Napatingin ako kay Steff na ang u-unbox ng aircon. Mukha siyang busy at seryoso sa ginagawa. Aaminin ko, mas gwapo siya sa kanyang aura lalo pa’t nakikita ko ang mas maamo nitong mukha sa pagkukumpuni ng bagay. Tumikhin ako. Napatingin siya sa gawi ko. “Uh, thank you ah,” wala sa sarili kong sambit. Ngumiti siya at nakita ko ang kasiyahan sa kanyang mga mata. “No problem.” Aniya at itinuloy ang ginagawa. Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil sa pang umagang sikat ng araw. Napatingin ako roon. Dito ako natulog sa unit na ibinigay ni Steff. Gabi na kami natapos sa pag-aayos, ng matapos kami ay agad n

    Last Updated : 2021-07-19
  • Remembering the Night   Chapter Seven

    Chapter Seven: Ungol “So, tell me. Your jealous,” kulit niya. Wala siyang makuhang sagot sa’kin kundi ‘hindi’ hindi rin naman ako nagsasawang itanggi iyon, at wala rin naman akong balak aminin iyon. Pinaandar niya ang Range Rover at iniwan ang kawawang babae na naghihintay ng masasakyan sa labas. Tinanaw ko siya sa side mirror. Niyakap ang sarili, nilalamig. “Buti nga sayo.” Bulong ko. Hindi na ako kinulit ni Steff dahil siguro nagsawa narin sa pa ulit-ulit kong sagot. Tahimik kami buong biyahe. Huminto ang kotse niya sa tapat ng building kung nasaan ang condo ko. Binuksan ko ang pinto ngunit naka lock parin iyon. Napatingin ako sa kanya. Seryoso niya naman akong tinitigan pabalik. “I know your jealous,” nag taas siya ng kilay. “Hindi ako nagseselos.” Sabi ko. “Buksan mo na at ng maka uwi na ako.” Umiling siya. “Uh-uh. Hindi ko ‘yan bubuksan hangga’t hindi ka umaamin sa akin.” Napataas ang kilay ko. “Edi

    Last Updated : 2021-07-20
  • Remembering the Night   Chapter Eight

    Chapter Eight: Towel Kumain kami ng tahimik sa kitchen. Masarap ang luto niya, hindi nga lang ako pamilyar doon. “Uh, sorry pala kanina. Hindi ko gustong maalala mo-“ “It’s okay Cass,” he said. Tapos na kaming kumain. Nakaupo ako ngayon sa high chair at pinapanood siyang magligpit ng mga pinagkainan namin. Tumayo ako at inagaw ang mga pinggan sa kaniya. “Ako na, magpahinga ka muna, kanina kapa galaw ng galaw.” Agaw ko sa mga pinggan. Ibinaba ko iyon sa sink at pinunsan ang mga kalat sa lamesa. “You sure?” Nagugulat namang aniya. Tumango ako. “Ako ang babae rito. Ako dapat ang gumagawa ng mga ito.” Ngumiti ako. Isinuot ko ang apron at sinimulan ng maghugas ng pinggan. “I’ve always love your smile,” hindi ko inaasahan na yayakapin niya ako patalikod. “Ano ba Steff, bitawan mo ako.” Ibinaba na naman niya ang baba sa aking balikat. He always doing that, he knows how to provoke me. Iyon na ata ang kah

    Last Updated : 2021-07-21

Latest chapter

  • Remembering the Night   Chapter Twenty-six

    Chapter Twenty-six: Never"Hoy Cassandra!" Kalabit sa akin ni Stella matapos umalis ni Steff. "Ano 'yon ha? Bakit kayo magkasama ni Steff?" Sunod-sunod na tanong niya."Coincidence lang. Wala 'yon." Sabi ko at pumasok sa booth para tignan si Steffan habang si Stella naman ay kataka-taka parin akong sinundan."Anong coincidence?" Kunot-noong sumunod sa akin si Stella papasok sa booth. "May pa thanks thanks ka pang nalalaman ah, sobra ka namang nanlamig kanina." Ngisi niya.May sasabihin pa sana si Stella kaso ay hindi na niya naituloy dahil nakita na ako ni Steffan."Mommy! Where did you go?" Lapit sa akin ng anak ko."Nilandi ang tatay mo," rinig kong bulong ni Stella sa tabi ko. Agad ko siyang siniko at todo naman ang tawa niya."There." Turo ko sa malayo. "Nag-grocery. Anyway, did you enjoy shopping?" I asked him and he nodded."Sus nag-grocery raw. Lumandi kamo..." bulong na naman ni Stella sa gilid ko. Sinamaan ko nalang siya ng tingin at pinabayaan na.Matapos no'n ay umuwi na ka

  • Remembering the Night   Chapter Twenty-five

    Chapter Twenty-five: Mastermind"Mommy look at this!" Tumatakbo papalapit sa akin si Steffan at sa likod naman niya ay si Emman na hawak ang mga gamit niya sa school. Niyakap ko siya at taas noo naman niyang ipinakita ang perfect score niya sa exam. Nanlambot ang puso ko at naging masaya para sa anak, "wow Steffan, pinapaiyak mo naman si mommy eh..." sabi ko. Niyakap ko siya ulit dahil hindi ko lubos akalain na sobra-sobra na ang naibibigay niya sa akin."Oh Steffan, losyang na ang mommy mo gusto mo pa rin ba siya?" natatawang biro ni Stella sa gilid namin dahil sa pangingilid ng luha ko.Kumalas si Steffan at tumingin sa tita niya, "of course tita. She's my mommy and I love her so much," sagot naman ng anak ko.Napangisi tuloy ako at inismiran si Stella. Akala mo ah.Mas lalong tumawa si Stella sa naging reaksyon ko. Lumapit naman sa kanya si Emman at pinulupot ang braso sa baywang niya.Ngumuwi ako sa harap nila. "Oy may bata. Tuturuan niyo pa ang anak ko mga hayop kayo."Tumawa si

  • Remembering the Night   Chapter Twenty-four

    Chapter Twenty-four: FiancèePaulit-ulit kong hinahaplos ang malambot na buhok si Steffan habang natutulog. Hindi ako makatulog dahil sa mga naiiisip. Humalik ako sa noo niya at ngumiti."'Yung papa mo anak. Sinasaktan ako," parang batang sumbong ko sa kanya. "Tama ba ang mga desisyon ko noon? Tama bang inilayo kita sa kanya? Paano kung hindi ko iyon ginawa? Masaya na kaya tayong tatlo ngayon?"Puro pagsisisi at sakit ang nararamdaman ko matapos mangyari ang lahat. Kung sana lang ay maaari kong maibalik ang nakaraan at kalimutan ang mga nasayang. Sana ay maaari ko pang ibalik ang gabing iyon. Ang gabi kung kailan kami naging masaya. At ang gabi kung kailan ako nadurog nang sobra.Ilang linggo ang lumipas at ganoon pa rin ang nangyayari. Sa trabaho ay seryoso ako at ganoon rin si Steff sa akin ngunit sa pag-uwi ay hindi siya pumapalyang ihatid ako kahit pa hindi ko gusto. Maayos rin ang naging trabaho ko at naging successful ang report ko kanina kaya nag-celebrate ang buong financial

  • Remembering the Night   Chapter Twenty-three

    Chapter Twenty-three: KeyPaulit-ulit kong binasa ang huling text niya at prinoseso pa ng utak ko kung ano iyon. Gusto niya akong pakasalan? He's joking right? Kahit pa affected sa nabasang text ay nagpatuloy ako sa paglalakad papuntang parking. Pinipilit kong alisin sa isip ko iyon ngunit nang makita ko na siya na nakasandal sa isang BMW ay bigla ko ulit naalala kasama ang pagbilis ng tibok ng puso ko.Gumalaw siya nang masulyapan ako at hindi pa man ako nakakalapit ay pinagbuksan na niya agad ako ng pinto. "Salamat," sabi ko at sumakay na agad sa front seat. Siya naman ay umikot na sa driver seat."Saan ka ba maghahanap ng apartment?" tanong niya nang tuluyan nang umandar ang BMW niya."Uh... sa malapit lang. 'Yung walking distance lang sana...""Emman told me that you are living with them. Bakit ka pa maghahanap ng apartment? Malapit lang naman ang mansion nila dito ahh.""Gusto ko sanang maging independent. Ayokong palaging umasa sa kanila lalo pa't ngayong may trabaho na ako."

  • Remembering the Night   Chapter Twenty-two

    Chapter Twenty-Two: Sir "Thank you..." sabi ko nang sa wakas ay huminto na ang sasakyan niya sa gate ng mansion nila Stella. Hindi kona hinintay pang pagbuksan niya ako ng pinto dahil pagkahintong-pagkahinto niya ay mabilis kong kinalas ang lock at binuksan ang pintuan. Mabilis rin naman niyang pinaandar ang sasakyan at umalis. Naka hugot ako ng malaking hininga nang sa wakas ay nawala na ang BMW niya sa paningin ko. Hindi ko alam pero tagaktak ang pawis ko kahit pa man air-conditioned ang BMW niya. Siguro dahil narin sa presensiya niya at sa pag-uusap namin. Pagkapasok ay agad na tumakbo si Steffan sa akin para yumakap at magiliw ko naman siyang niyakap pabalik. "How's your day Mommy?" naka ngiting tanong niya. Napa ngiti naman ako sa tanong niyang iyon. He was just like his father. He aslo asked me with that question. "It was fine Steff. How about you?" Lumapad ang ngiti niya at agad tumakbo kay Stella. May kinuha siyang supot doon at tumakbo ulit papalapit sa akin. "Mom, lo

  • Remembering the Night   Chapter Twenty-one

    Chapter Twenty-one: StoplightCome back? Sino ‘yun? Bakit niya alam ang numero ko?Ilang sandali akong napaisip hindi dahil sa tawag kung hindi dahil sa nag text gamit ang hindi ko kilalang numero. Napaisip ako kung sino-sino ang mga taong nakagawa sa akin ng masama at kung sino-sino ang may mga posibilidad na taong mag se-send no’n sa akin.May isa akong taong naiisip ngunit hindi naman siguro siya iyon. Bakit niya gagawin iyon? Mula nga noong nagkita kami ay nag aapoy ang mata niya at tila galit pa sa akin. Malabo nga. Malabong si Steff iyon. Huwag mo nalang pansinin Cass, baka na wrong send lang iyon. Tama! Wrong send lang ang message na iyon. Wala lang kaya huwag mo ng isipin pa.Sa kabilang dako naman ay naghalo-halo ang emosyon ko. Saya, gulat, at pagkalito mula sa anunsyo na nakuha ko. Hindi ba ayaw nila sa akin? Ang Senign Enterprises lang ang kaisa-isang tumanggap sa akin so far sa lahat ng in-applyan ko pero nabigo rin ako sa huli. A

  • Remembering the Night   Chapter Twenty

    Chapter Twenty: Number ANO?! Siya ang may ari ng kompanya? Naghahabol ako ng hininga nang makaalis roon. Hindi ako makapaniwala. Si Steff? Sa pagkaraming kompanya pa naman na pwedeng pag applyan ay 'yung kompanya pa talaga niya? At siya ang nag utos? Tanggap na ako ah. Bakit niya binago? Halo-halo ang emosyon ko nang umuwi ako sa mansion nila Stella. Alalang napagawi sa akin si Stella nang makita ako. "Anong nangyari? Nakahanap kaba?" Alalang sambit ni Stella. Napapailing naman ako at napahawak nalang sa sentido dahil sa mga nangyari ngayon. I can't believe it. Siya ang may ari ng kompanya. He really changed a lot. He was rich before but became more reacher than now. Hindi ko lubos akalain na siya pa pala ang may ari ng kompanyang pagtratrabahuan ko sana. Should I be thankful or what? I maybe thinking of that in to the positive side. Siguro nga hindi ako para roon at ginawa lang ng HR o ni Steff ang mabusising pagpipili sa mga applikante at alam ko rin namang may mas magaling

  • Remembering the Night   Chapter Nineteen

    Chapter Nineteen: LeaveMaaga akong tumahak para maghanap ng trabaho. Humalik muna ako sa noo ni Steffan bago siya iniwan.Madilim palang pero mas pinili ko ng mas maagang tumahak kaysa umaraw na. Mas magandang mas maaga para mas marami akong mapuntahan.Una kong pinuntahan ay ang isang convenience store pero nabigo lang ako. Pangalawa ay sa isang supermarket pero nabigo lang din ako. Tanghali na at tagaktak na rin ang pawis ko habang naglalakad sa kahabaan ng kalsada. Pinunasan ko muna ang pawis ko at tumingin ako ng mapagkakainan.Habang nag o-order ay biglang tumunog ang cellphone ko. Akala ko tinawagan na ako ng isang kompanyang inaplayan ko pero nung nakita kong si Daryl 'yon ay sinagot ko nalang."Cass," tawag niya."Napatawag ka?""Kumusta?""Ayos lang. Medyo nahihirapan lang maghanap ng trabaho." Pag aamin ko."You know what? May kakilala akong company na naghi-hire ng financial assistant. You should try there. Kilala ko ang HR."Lumiwanag ang mukha ko nang marinig iyon. Bigla

  • Remembering the Night   Chapter Eighteen

    Chapter Eighteen: Carbon Copy"Manang padala na rin ito," turo ko sa isang maleta.Gabi na at gabi lang ang na i-book kong flight namin kaya naman hindi na nagising si Steffan at kinarga ko nalang.Habang karga-karga si Steffan ay na kay manang naman ang mga maleta namin kasama na rin ang kanya. Magkasama kami sa flight papuntang Manila pero siya ay lilipad ulit ng isa pa papunta naman sa Cebu. Sinabi ko sa kanya na huwag na niya kaming samahan sa Manila at dimiretso nalang sa Cebu pero ayaw niya. Gusto niya daw sulitin ang iilang sandali kasama si Steffan. Hindi ko rin siya masisisi dahil siya ang nag alaga sa anak ko ng mga ilang taon.Matapos naming mag ayos at maghanda ay dumiretso na kami sa airport. Tinawagan ko si Stella pagkatapos para ipaalam sa kanya ang arrival namin. Sinabi ko rin sa kanya na roon muna kami tutuloy dahil wala pa akong nahahanap na apartment. Ayaw ko rin namang tumul

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status