Nagising ako ng maaga at naghanda para sa trabaho. Ilang araw na rin akong hindi nakakapasok kaya marami akong dapat na ayusin sa opisina. Hindi rin daw kasi nakahanap ng kapalit ko si Ergie dahil mahirap daw makahanap ng kagaya ko. "Ma'am Dawn may naghahanap sa iyo," tawag sa akin ni Dahlia na secretary ni Ergie. Tinaguan ko siya kahit nagtataka dahil wala naman akong alam na pwedeng maghanap sa akin maliban kay Petrus. Kung sa bagay sa tagal ko ng nagtatrabaho sa kompanyang ito ay hindi pa ako nasundo ni Petrus. Kaya walang sino man ang nakakakilala sa kaniya maliban kay Ergie. "Lalaki ba?" tanong ko kay Dahlia. "Oo, at saka ang pogi," sagot nito sa akin at parang kinikilig. "Siya ba 'yong boyfriend mo?" mangha niyang tanong sa akin. Tumango ako at niligpit ang mga papeles sa mesa at nilagay lahat sa draweer. Ngumiti ako. "Sige, salamat Dahlia, puntahan ko muna siya baka importante," paalam
Last Updated : 2021-07-02 Read more