Home / All / Her Regrets / Chapter 51 - Chapter 60

All Chapters of Her Regrets : Chapter 51 - Chapter 60

66 Chapters

Chapter 51

"I'm sorry," umiiyak na sabi ni Ergie.    Halatang nagsisisi ito dahil sa pagmamatigas niya kanina. Kung nakinig lang sana ito ay wala sanang mangyayaring gulo. Ngunit huli na ang lahat para magsisihan dahil ang importante ay ligtas kaming dalawa.    "It's okay, huwag ka nang umiyak," pang-aalo ko sa kaibigan.    Ilang beses itong humingi ng tawad at bago sumakay sa kotse niya ay tinawagan ni Trolem ang magulang ni Ergie. Ayaw sana ni Ergie ngunit nahihiya itong tumanggi sa naging mungkahi ni Trolem. Napaaway ito dahil sa pagmamatigas niya.    Magbo-book sana ako ng grab ngunit hindi pumayag si Trolem. Masyado siyang mapilit at ang hirap niyang tanggihan   "Trolem, thank you," sinsero kong sabi ng makapag-park siya sa harap ng condo building. "Fortunately, you are there. Ergie was right to take you with us. I don’t know what I would do without you. I'm sure we
last updateLast Updated : 2021-07-07
Read more

Chapter 52

"Bakit mukhang hindi ka pa natutulog?" nag-aalalang tanong ni Petrus sa akin ng mapansin niya akong nakaupo sa tabi niya. Kagabi ko pa siya binabantayan dahil inaapoy ito ng lagnat. Buong gabi ko siyang pinapahiran ng basang bimpo para kahit papaano ay bumaba ang kaniyang init. Nag-aalala na ako at ilang beses ko na siyang ginigising ngunit parang wala siyang naririnig. "Bakit namamaga ang mata mo, umiiyak ka ba?" nagtataka nitong sabi at balak sana niyang tumayo ngunit biglang sumakit ang ulo niya. "Okay ka lang?" Umiiyak kong tanong. Nagmamadali akong lumabas at kumuha ng isang basong tubig sa kusina. Dinala ko iyon sa kwarto kasama ang isang tableta na iinumin niya para sa kaniyang lagnat. "Inumin mo 'to!" Utos ko sa kaniya at binigyan siya ng tubig. Kumuha ako ng mga damit niya at pinasok sa isang malaking handbag. Nilagay ko ang lahat ng mga kailangan namin at nagmamadaling pinatay ang lahat ng mga sw
last updateLast Updated : 2021-07-09
Read more

Chapter 53

"Okay ka lang?" nag-aalala kong tanong at hindi makampanti. Ngumiti siya at tumango sa akin. "Oo naman," mabilis niyang sagot at mukha naman siyang normal tingnan."Hindi ka ba papasok ngayon kasi tatlong araw ka ng hindi pumapasok. Baka magalit na sa iyo si Ergie niyan?" nagtataka niyang tanong sa akin at niyakap ako sa likod. "Hindi ka pa okay kaya hindi kita pwedeng iwan na lang dito ng walang kasama. At kung gusto niya ako sisantihin walang problema dahil panahon na siguro para tulungan ko si Daddy sa negosyo," sagot ko habang hinuhugasan ang mga pinggan sa lababo. "Maayos naman na ako kaya 'wag mo na akong alalahanin," malungkot niyang tugon at mukhang nawala na naman siya sa mood. Nang makita ko siyang malungkot ay hindi ko maiwasang mag-isip kung bakit ayaw niya akong magtrabaho sa kompanya namin. Gusto ko siyang tanungin ngunit hindi ko alam kung paano ko sisimulan ng hindi niya mamasamain. 
last updateLast Updated : 2021-07-11
Read more

Chapter 54

"Let's eat," tawag sa akin ni Trolem para yayain akong kumain. "Sige lang you can go, marami pa akong gagawin," kinompas ko ang kamay ko para umalis na siya pero hindi siya kumilos. Tinitigan ko siyang mabuti habang naglalakad palapit sa akin. Tinaasan ko rin siya ng kilay at nagtataka kong ano ang ginagawa niya. "Sir, what are you doing?" tanong ko kaagad sa kaniya nang bigla niyang tinabi ang mga papales na nakalagay sa mesa. "Hindi magandang magtrabaho kung nagpapalipas ka ng gutom, makakapaghintay ang mga 'yan," seryoso niyang sabi. "At sinabi ko kanina lang na Teolem na lang," patuloy nitong sabi at nginitian ako.  "Sir hindi po tamang tawagin lang kita sa pangalan mo."  "It's my order!" pinal nitong sabi.  "Sir, diretsuhin mo nga ako. Ano ba talaga ang sadya mo? Pwede ka namang magyaya ng iba r'yan, sigurado akong maraming papayag," naiinis kong sabi at hinila ang mga gamit ko na tinabi niya. 
last updateLast Updated : 2021-07-17
Read more

Chapter 55

Habang yakap ko nang mahigpit si Trolem isang malakas na kamay ang humila sa akin papalayo sa kaibigan."Petrus...bakit ka nandito? 'Di ba may trabaho ka?" nagtataka kong tanong sa kan'ya."Ano 'yang ginagawa ninyo? Ano' yan?" galit niyang sabi ni Petrus at inis na inis akong hinarap."Petrus, magpapaliwanag ako. Mali ang pagkakaintindi mo," mahinanahon kong sabi ngunit halatang dismayado siya.Hinatak niya ako palabas ng restaurant pero bago ako makaladkad ay pinigilian na si ni Trolem."Petrus, nasasaktan si Neneth," matigas na sabi ni Trolem dahilan kung bakit kumunot ang noo ni Petrus. "Neneth?" tanong niya sa binata at binalingan ako nang tingin. "Hindi ko alam na masyado na pala kayong close para tawagin siyang Neneth?" tiim bagang nitong patuloy na tanong. "Petrus, let me explain, makinig ka nga muna sa akin!" asik ko sa kaniya dahil sa katigasan ng ulo niya. "Nakakahiya pinagtitinginan na tayo ng mga tao," mahina k
last updateLast Updated : 2021-07-21
Read more

Chapter 56

Matapos ang nangyari sa amin ni Petrus ay hindi ko na siya makausap nang maayos. Nasasaktan ako sa tuwing binabaliwala niya ako. At nararamdaman ko rin na hindi siya sa mga nangyayari sa amin. Palagi akong umiiyak paggising ko sa umaga dahil hindi ko na siya nakikita. Kapag gabi naman ay nakakatulog na ako sa pagod ng hindi siya nahihintay. Ang sakit lang sa puso dahil nangyayari 'to sa amin. Kung nakakalimutan lang ang mukha ng tao ay siguro ay nakalimutan ko na siya dahil halos isang lingho na kaming hindi nagkakausap at nagkikita kahit nasa isang bubong lang naman kami. Nagtatrabaho ako sa opisina na parang wala sa aking sarili. Ayaw ko ring um-absent dahil mas lalo lang akong mabuboryo kung mananatili ako sa loob ng bahay.  "Neneth, are you okay?" nagtatakang tanong ni Trolem sa akin.  Nahuli niya akong malungkot at malalim ang iniisip kaya nag-alala ito sa akin nang lubos. 
last updateLast Updated : 2021-07-24
Read more

Chapter 57

 Umuwi si Petrus na lasing na lasing at hindi ko ito nakausap nang maayos. Palaging mainitin ang kan'yang ulo at ayaw akong harapin. Mula nang araw na 'yon ay parang hindi ko na siya kilala. Ibang-iba na siya sa Petrus na nakilala ko pero hinayaan ko siya at binigyan ng space para makapag-isip nang maayos.  Alam kong huhupa rin ang galit niya sa akin dahil matagal ko na siyang kilala. Ngunit lumipas ang ilang linggo pero hindi niya pa rin ako kinakausap. Lagi niya akong iniiwasan at mas naging malala oa ang tampo niya sa akin.  "Bakit ngayon ka lang, ano'ng oras na?" nag-aalala kong tanong kay Petrus ng makitang pumasok siya sa kwarto.  Tumayo ako kaagad at inalalayan siya nang mapansin kong lasing na lasing na ito. Ngunit hinawi niya ang kamay ko at inis akong tiningnan mula ulo hanggang paa.  "Petrus, huwag ka namang ganiyan. Ano ba kasing problema mo?" nag-aalala k
last updateLast Updated : 2021-07-24
Read more

Chapter 58

"Dawn, nasa labas si Petrus, gusto ka raw kausapin. Papapasukin ko ba?" nag-aalala nitong tanong pero umiling ako. Sinilip ko ito sa bintana at nakita kong nakatayo lang ito sa labas ng gate dahil mahigpit kong binilin sa lahat na hindi ito papatuluyin. Nararamdaman kong naaawa ang mga ito pero sinadya kong tigasan ang aking puso. Dahil kung patatawarin ko siya kaagad ay hindi ito madadala at babalik pa rin sa ugali niya na parang isang bata. "Ate, pakisabi po na umuwi na siya dahil nagsasayang lang siya ng oras dahil hindi ko po siya kakausapin kahit magmakaawa pa siya sa akin!" matigas kong sabi. Walang nagawa ang kasambahay sa naging pasya ko dahil alam niyang hindi na magbabago ang desisyon ko. Masakit mang makita siyang ganoon ka miserable pero gusto ko ring pahalagahan ang sarili ko dahil mula ng magsama kami sa iisang bahay ay napapabayaan ko na ang aking sarili. Panahon na siguro para isipin
last updateLast Updated : 2021-07-30
Read more

Chapter 59

"Good morning po Tita Anne, kumusta po kayo?" alanganin kong ngiti sa mama ni Petrus."Halika Dawn, pasok ka," tigon ni tita sa akin at pinatuloy ako sa loob ng bahay nila.Nilibot ko ng tingin ang buong bahay nila at napakalaki na ng mga pinagbago. Mas lalo itong gumanda at masasabing naging maayos na ang buhay nila. Ngumiti ako ng tipid dahil nahihiya akong magpakita sa kanila pagkatapos akong awayin ni Tantan dahil sa nangyari sa kapatid niya.Labis daw itong nasaktan at hindi ko alam kung ano ang mga pinagdaanan niya. Dumaan pala ito sa matinding depresyon dahil sa paghihiwalay namin at kinailangan niya pang magpagamot para makausad sa buhay. Pabalik-balik ako sa kanila kahit wala na si Petrus at hindi ko na nakikita. Alam kong alam nila kung nasaan si Petrus pero wala sa kanila ang gustong magsalita dahil nirerespito raw nila ang desisyon ni Petrus. Dumating na ako sa puntong nagmamakaawa ako sa kanila at halos lumuhod
last updateLast Updated : 2021-07-30
Read more

Chapter 60

Nagmukmok ako pagdating ko sa bahay at para akong pinapatay sa sobrang sakit. Galit na galit ako sa aking sarili dahil napakayabang ko. Akala ko ay kaya ko pero hindi pala dahil hanggang salita lang naman pala ako. Napakayabang ko dahil ang totoo ay mahina ako pagdating sa kaniya. "Ano'ng iniiyak-iyak mo ngayon?" naiinis na tanong ko sa aking sarili at wala akong ibang gusto kundi saktan ang sarili ko. Ang sakit-sakit sa pakiramdam habang nakikita ko siyang tinatalikuran kami kamina para magpaalam na kasama ang bago nitong nobya. Hindi ko kayang tanggapin ang sakit at ngayon ay napagtanto ko kung gaano kalaki ang pagkakamali ko.    Maling-mali ako kung bakit ko siya pinagtutulakang umalis. Hindi ako dapat nagpadala sa galit ko sa kaniya at dapat ay inintindi ko siya noon. Tama nga ang sinabi nila na nasa huli na ang pagsisisi.   Humahagolhol na ako nang iyak at wala na akong pakialam kung may makarinig man sa akin. Mabut
last updateLast Updated : 2021-09-11
Read more
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status