“JAKE, do you like Maliyah?” diretsong tanong ni Rezel kay Jake na dahilan para maibuga ni Maliyah ang lemonade na iniinom. Matapos nilang kumain ay kanya-kanya silang linis ng mga katawan at nagdesisyon na magtipon-tipon sa sala. “I don’t hate her,” simpleng sagot ni Jake at inubo siya nang mahina. Tiningnan niya si Jake na mismong sa harapan lang niya nakaupo. “You do,” aniya. Umiling ang lalaki. “Nagalit ako sa `yo noon, oo. Ang insensitive mo, mataray ka na para bang ipinanganak kang may galit sa mundo at… prinsesa ka. No one wants a princess in their lives, Maliyah. People want someone who can understand and help them,” paliwanag nito. “So, you like her?” tanong ni
Huling Na-update : 2021-07-23 Magbasa pa