NAPATINGIN si Maliyah sa nagsalitang si Jake nang sabihin nitong maaari na siyang bumalik. Tila nag-iba yata ang ihip ng hangin sa pagitan nilang dalawa. Bakit naman nito gugustuhin na bumalik siya sa bahay kung saan sila unang nagkita at naging magkaaway? Kung sana ay nakita niya si Matt, mas makakatulong pa ito sa kanya. Kaya lang ay mukhang hindi na sila magkaibigan pa. “At ano`ng mapapala ko kung sakaling bumalik ako sa bahay na iyon?” tanong niya ng seryoso rito. Kahit pa sabihing wala na si Rezel sa bahay, parang ayaw niya na rin. Mismong ang matanda na ang nagsabing dapat siyang umalis. Hindi ba’t parang ang kapal naman ng mukha niyang bumalik pa kung sakali? Okay sana kung siya ang nag-inarte na umalis na lang basta.“Hindi ka na namin guguluhin. Walang kakausap sa iyo, pwede mong gawin ang mga gusto mo kahit na maingay&mda
Last Updated : 2022-01-11 Read more