NASA kalagitnaan ako ng meeting nang bigla na lang akong istorbohin ni Beberly."Sir, may bisita ka. Ang kulit eh. Ayaw papigil." Bulong pa nito sa'kin. "Sino?""Basta! Re-schedule mo na lang ulit ang meeting. Medyo hindi ko kasi gusto ang eksena niya sa office mo." Dagdag pa ni Beberly, dahilan upang mapilitan akong magpaalam sa mga investor.Nagmamadaling lumabas ako ng conference room, kasunod si Beberly. "Sino ba kasi ang bisita ko?" Pangungulit ko pa sa kanya."Sino nga ba ang inaasahan mo'ng dadalaw sa'yo?" Balik tanong nito sa'kin."Tsk...kaya nga ako nagtatanong sa'yo dahil wala akong ideya." Puno ng iritasyon ang aking tinig."Malamang si Juliet!"Halatang nanggigigil ito.Bahagya pa akong natawa, matapos kong masulyapan ang kanyang mukha. "Oh, bakit ganyan ang hitsura mo, akala ko ba kaibigan mo si Juliet?""Duh! Hindi!" Giit niya
Last Updated : 2021-09-11 Read more