All Chapters of TEAM SAWI Series One: One Last Cry: Chapter 81 - Chapter 90

98 Chapters

Chapter Seventy Eight

                     NAKALABAS din kaagad ng hospital si Matthew. Kaya't habang nasa biyahe ay pareho kaming walang kibo ni Juliet. Marahil ay masama pa rin ang loob nito saakin. Aminado akong naging padalus-dalos ako sa aking mga sinabi ngunit hindi ko kayang pigilan ang aking sarili lalo pa't si Matthew ang pinag-uusapan dito.Nang makarating na kami sa condo ay  walang imik pa rin na binuhat nito ang aking anak. Nagpatiuna na lang ako sa paglalakad at ipinagbukas siya ng pintuan.Dumiretso siya sa aking silid na siyang ipinagtaka ko. Doon ay maingat niyang inilapag si Matthew habang mahimbing itong natutulog.Kapagkuwa'y iniwanan niya ito at nagmamadaling lumabas ng aking silid. Mariin kong hinablot ang kanyang braso at lakas loob ko siyang pinaharap saakin."Let's talk!"ma-awtoridad na sambit ko."Wala na tayong dapat na pag-usapan pa  Simoune. Malinaw na saakin ang lahat at sigur
last updateLast Updated : 2021-09-18
Read more

Chapter Seventy Nine

  Five years ago...                     "HAPPY 6TH BIRTHDAY Baby Matthew!" tumitiling sigaw ni Beberly at tumatakbo pa nitong nilapitan ang aking anak."Thank you po mommy ganda!" Ani Matthew na ngayon ay pinupog pa ng halik sa pisngi si Beberly at halatang miss na miss nga nila ang isa't-isa. Palibhasa ay napalapit na rin sa kanya si Matthew kaya kung iyong pagmamasdan ay parang mag-nanay sila habang naglalambingan.Kakarating lang kasi ni Beberly galing sa London. Pagkatapos kasi ng break-up nila ni Wesley ay nagpaalam siya sa'kin na aalis siya ng bansa para makapag-move on at para na rin matupad niya na ang kanyang pangarap na maging isang chef.Sa wakas, ay natupad niya nga 'yon at ngayon ay may sarili na rin siyang restaurant dito sa Pilipinas.Sumunod naman na nagsidatingan sina Aston at Iñigo. Kasa
last updateLast Updated : 2021-09-18
Read more

Chapter Eighty

                     KINABUKASAN ay parang binibiyak ang aking ulo dahil sa sobrang sakit. Palibhasa ay umaga na rin kami natapos sa pag-iinuman kaya't hindi pa ako gaanong nahimasmasan. Pakiramdam ko nga ay lasing pa ako eh.Tinatamad na bumangon ako matapos kong masulyapan ang wall clock. Patakbong tinungo ko ang banyo at dali-dali akong naligo.Naalala kong may meeting nga pala ako ng alas diyes kaya't kailangan kong makarating agad sa kompanya.Ni-hindi ko na nagawa pang mag-almusal. Hindi ko na rin sinilip si Matthew sa kanyang silid dahil alas nuwebe na at idagdag pa ang buhol-buhol na trapik mamaya.Pagkabihis ko ay dumiretso agad ako sa parking lot at  kaagad ko ng pinaharurot ang aking sasakyan.Late na ako ng fifteen minutes nang pumasok ako sa conference room. Mabuti na lang at matino naman ang nakuha kong sekretarya kaya't hindi ako gaanong nahirapan lalo na no'ng mangibang ban
last updateLast Updated : 2021-09-20
Read more

Chapter Eighty One

                           PAGDATING ko sa condo ay masiglang mukha ni Matthew ang agad na sumalubong sa'kin."Daddy! I miss you po!""I miss you too baby!""How's your school?""Syempre po, madami na naman akong stars na natanggap mula kay Teacher Tin!" Ipinakita pa nito ang magkabila niyang braso na may tig-tatlong stars."Wow! Ang galing naman ng baby ko! Manang-mana talaga sa daddy!" Nakangiting binuhat ko ito ngunit kaagad ko rin'g ibinaba."Ang bigat mo na! Big boy ka na talaga!" Ginulo ko na lang ang buhok nito at pagkatapos ay niyaya ko itong manood ng tv sa sala."Dad, ayoko po'ng manood ng pambata na movie. Gusto ko po 'yong action movie kasi po paglaki ko, magpupulis ako!" Gulat akong napatingin sa anak ko."Bakit naman pulis talaga ang napili mo?""Eh kasi daddy, gusto kong ikulong 'yong mga taong salbahe!""Wow! Good idea baby." Wal
last updateLast Updated : 2021-09-20
Read more

Chapter Eighty Two

                         HABANG lumilipas ang mga araw ay mas lalo akong kinakabahan sa posibleng gawin ni Juliet."Sir, wala pa rin po ang ibang investors." Ani Patricia isang umaga."Huh? Bakit?""Sir, tumawag po sina Miss Tyler, Miss Clavero at Mr. Crawford, hindi na raw po nila itutuloy ang proposal. the rest wala pa po'ng sinabi.""What?" Gulat na gulat kong tanong. "Pa'no nangyari 'yon? Final na ang usapan namin ng mga investors, pirma ko na lang ang kulang do'n eh!''"Hindi ko po alam sir eh.""Shit! Alamin niyo kung bakit gan'to ang nangyayari!""Y-yes sir!""Arggghhh! Marahil ay ito na nga ang sinasabi ni Juliet!" wala sa sariling naisatinig ko.Tinawagan ko si Molly para ipaalam dito ang nangyari."Bakit, kuya?""Molly, nasaan ka ba?""Huh? Nasa office. Bakit?""I think, si Juliet ang may kagagawan ng pag-alis ng mga in
last updateLast Updated : 2021-09-20
Read more

Chapter Eighty Three

                          HALOS sampung minuto na akong naghihintay sa isang restaurant. Nakadalawang balik na rin ang waitress ngunit hindi ko magawang um-order dahil hindi pa rin dumadating si Juliet."Hey! Sorry am late. Akala ko kasi ay gino-good time mo lang ako Simoune." Lihim akong napangiti dahil sa wakas ay dumating rin ito. Buong akala ko ay natunugan niya na kaagad ang aming plano."Salamat at dumating ka." Ipinaghila ko ito ng silya at tinawag kong muli ang waitress."So,what happen? Bakit nga ba gusto mo akong makausap?""Uhm...gusto ko lang humingi sa'yo ng paumanhin tungkol sa mga nasabi ko sa'yo these past few days.""Mmm...dapat ko na bang paniwalaan 'yan Simoune?" Nakataas pa ang kabilang kilay nito habang sumisimsim ng pomelo shake na inorder ko. ''By the way, thank you sa foods and drink huh! Infairness, nahulaan mo ang favorite drink ko." Nginitian ko lang ito.
last updateLast Updated : 2021-09-21
Read more

Chapter Eighty Four

                   KINABUKASAN ay pinuntahan ko si Molly. Kinausap ko siya tungkol sa resulta ng pakikipag-kita ko kay Juliet."So, how was it?" Kaagad na tanong sa'kin ni Molly matapos kong maupo sa katapat  niyang silya."Okay lang. Mukhang napaniwala ko naman siya.""Hmm...good to know that. So, kailangan mong sakyan ang magiging next move niya. Once na dinalaw ka niya sa office mo, ipakita mo na masaya ka'ng naroon siya.""Haist...ano pa nga ba!" Napipilitang saad ko. "How about the proposal nga pala? Tatanggapin ko ba 'yon?""Ofcourse yes! That is the next move na kailangan mong gawin para maging katotohanan ang lahat. Then be careful, gumawa ka ng paraan para magkaroon ka ng mata na talaga'ng sa kanya lang nakatutok para makakuha ka kaagad ng ebidensiya."''Okay. Got it!"maangas kong tugon. Tumayo na ako at balak ko sana'ng umalis na ngunit bigla kong naalala ang usapan namin ni Ju
last updateLast Updated : 2021-09-21
Read more

Chapter Eighty Five

                            LINGGO ngayon kaya't nagdadalawang isip ako kung dadalawin ko ba ang puntod ni Thana o hindi. Naisip ko kasi na baka kapag umalis kami ni Matthew ay bigla na lang dumating si Juliet.Ayoko na magduda siya lalo pa't nararamdaman kong malapit ko ng makamit ang sagot sa mga katanungan ko."Daddy! Ba't hindi pa po kayo nagbibihis?" Ani Matthew na talagang saulado niya ng tuwing linggo ay dadalawin namin ang kanyang ina. When Matthew learn on how to speak and no'ng time na nagsimula siyang magtanong tungkol sa kanyang ina, i decided na ipaalam agad sa kanya ang lahat habang bata pa siya."Uhm...baby, sa next sunday na lang natin dalawin si mommy. May importante kasi'ng gagawin si daddy ngayon eh." Palusot ko.Bigla itong naging malungkot."Baka magtampo si mommy kapag hindi ko siya dinalaw." Nakangusong saaad nito." 'Nak, maiintindihan
last updateLast Updated : 2021-09-21
Read more

Chapter Eighty Six

                        ABOT-tainga ang naging pag ngiti ni Juliet matapos kong tanggapin ang kanyang business proposal. Ang hindi niya alam ay nakausap ko na ang kanyang sekretarya para sa maitim niyang binabalak.Mabuti na lang at naki-cooperate naman si Celeste at hindi na ako nahirapan'g kausapin siya dahil matagal na rin pala itong nagbabalak na mag-resign.Nalulugi na raw kasi ang kompanya nina Juliet at ano ma'ng oras ay may posibilidad itong magsara kung hindi agad maa-agapan. Kaya siguro pursigido itong makapasok sa kompanya ko."Okay na?" Nakangiting tanong sa'kin ni Juliet."Yeah." Tipid kong tugon."Thank you. Halika, mag-lunch tayo, Simoune.""Sure."Magkapanabay kaming lumabas ng opisina ko kaya naman halos lahat ng mata ng mga empleyado ay nakamasid saamin. Binalewala ko na lang 'yon at ipinagpatuloy ko na lang ang paglalakad kasama si Juliet.Huminto kami sa is
last updateLast Updated : 2021-09-22
Read more

Chapter Eighty Seven

                  HALOS mapunit ang reseta ng doctor dahil sa mahigpit kong pagkakahawak dito."Sir, okay ka lang po?" Nababahalang tanong sa'kin ni Margaret.Nang mga sandaling 'yon ay bigla kong naalala si Justin at hindi ko namalayam'g tumutulo na pala ang aking luha."Sir, bakit po kayo umiiyak?" muling tanong ni Margaret.Mabilis kong pinunas ang aking mga luha. Kapagkuwa'y ibinalik ko kay Margaret ang reseta ng doctor."Puntahan mo na si Matthew. Alagaan mo siyang mabuti huh! Hindi baleng wala ka'ng ibang magawa dito sa loob ng bahay. Ang mahalaga ay maalagaan mo lang ng maayos  ang anak ko. Huwag mo rin'g kakaligtaan ang pagpapainom sa kanya ng mga gamot at vitamins na 'yan." Habilin ko kay Margaret."Sir, may sakit po ba si Matthew?" Patuloy na usisa nito kaya't napipilitan akong sagutin siya."Hindi normal ang blood cells ni Matthew. Mas mataas ang white blood cells niya kumpa
last updateLast Updated : 2021-09-22
Read more
PREV
1
...
5678910
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status