DAHAN-dahan kong iminulat ang aking mga mata, nang maulinigan kong may nagtatalo. Pinakinggan kong maigi 'yon at kahit hindi ko sila nakikita ay batid kong si Molly ang nagsasalita.Sinubukan kong bumangon, subalit, naramdaman kong muling kumirot ang aking sentido. Muli akong nahiga at mas minabuti ko na lang ang makinig sa pagtatalo nila. "Are you out of your mind? Bakit mo sinabi 'yon kay kuya?" "What do you want me to do? Magpakatanga? Hayaan siyang insultuhin ako? Huh?" Anang kausap ni Molly, na para ba'ng hawig ito sa boses ni Juliet. "Yeah, i admit it. Kasalanan ko dahil masyado akong madaldal at bastos sa kanya. Pero, minsan kasi ay hindi ko maiwasan ang mapikon sa nakakairita niyang trato sa'kin. I'm trying to be nice to him. But, look... he fired me without knowing that i am one of the famous chef in the country." Dagd
Last Updated : 2021-09-07 Read more