NANG sumunod na araw ay muli na naman akong dinalaw ng aking mga kaibigan. At sa pagkakataong 'yon ay hindi ko na tinigilan ang pangungulit sa kanila. Tila naririndi na sa'kin si Aston kaya't napilitan itong kausapin ako.
"Wesley and Iñigo, i-i t-think, mas mainam kung lalabas muna kayo. Ako na lang ang bahalang magkuwento kay Simoune." Suhestiyon ni Aston na ngayon ay hindi mapakali sa kanyang kinatatayuan.
"Pero bud, paano kung magalit si Molly?" Protesta ni Iñigo na kaagad ay naisip ang kanyang kasintahan.
"Don't worry, i can handle this." Ani Aston.
Nang tuluyan ng makaalis ang dalawa ay kaagad na akong nilapitan ni Aston. Naupo ito sa silyang nasa may gilid ko at isang malalim na buntong hininga ang agad na pinakawalan bago ito nagsalita.
"Bud, i know na hindi madali para sa'yo ang lahat. Gusto kong sabihin sa'yo an
KINABUKASAN ay naalimpungtan ako dahil sa malakas na pag-iyak ng sanggol. Nagpalinga-linga ako sa loob ng silid ngunit wala naman akong nakitang sanggol doon. Kaya't tinatamad na bumaba ako ng kama upang hanapin kung saan nagmumula ang ingay na 'yon.Nakalabas na ako ng silid ay wala pa rin akong makita ngunit nag patuloy pa rin ako sa paghahanap. Sunod kong pinuntahan ay ang guest room. At namilog ang aking mga mata matapos kong buksan ang pinto.Tama nga ako ng narinig, iyak nga ng sanggol 'yon. Dahan-dahan akong lumapit sa crib na naroon sa gilid ng kama. Laking gulat ko pa ng isang sanggol na lalaki pala ang naroon. Napakalusog nito, may matangos na ilong at may mapupungay na mga mata. Bigla itong tumigil sa pag-iyak ng maramdaman nito ang aking presensiya. Pinakatitigan ako nito at paulit-ulit nitong inaangat ang kanyang braso at likod na para ba'ng gusto
ALAS dose na ng bumalik ako sa condo. Naabutan kong nakatayo si Juliet sa may pintuan na para bang hinihintay talaga nito ang pag dating ko."Naku sir, mabuti naman at nariyan na kayo. Kanina ko pa kayong hinihintay eh. Nakapaghain na kasi ako ng tanghalian natin.""Hindi mo na sana ako hinintay pa at sana'y nauna ka ng kumain."Wala sa sariling naibulalas ko.''Sir naman! Ang harsh niyo. Halika na, ipinaghanda na rin kita ng t-shirt na pamalit dahil alam kong basa kayo ng pawis." Nakangiti pa rin nitong sambit.Hindi ko alam kung concern nga lang ba talaga ito saakin o sadyang may balak siyang akitin ako. Ngunit gayo'n pa man ay lihim rin akong napangiti. Naisip kong napakasuwerte naman ng lalaking mapapangasawa niya dahil masyado siyang maalalahanin at maasikaso."Salamat." Tipid kong tugon. Tinalikuran na ako nito at muli ng inasikaso ang mga pagkain sa mesa.
NAGISING ako'ng tagaktak ang pawis sa aking noo at habol ko ang aking hininga. Buong akala ko kasi ay hindi na magpapakita pa'ng muli ang babae sa aking panaginip. Subalit, muli na naman itong dumalaw. Sinabi nitong alagaan ko raw ang anak namin. At kapag hindi ko raw ginawa 'yon ay isasama niya na ako sa kabilang buhay, habang patuloy niya pa rin'g iginigiit na siya raw ang aking fiancee.Ilang minuto rin akong napatitig sa kawalan habang iniisip ang kanyang mga sinabi. Kung totoo nga na may anak kami, nasaan at sino ito?Naihilamos ko na lamang ang dalawa kong kamay dahil sa samu't-saring isipin na 'yon. Kailangan kong magmatyag sa nangyayari sa aking paligid lalo na sa mga ikinikilos ni Molly. Kung sana lang ay wala akong amnesia, eh 'di sana'y hindi ako nahihirapan ng gan'to. Alam kong may mali eh at alam kong may itinatago silang lahat saakin. Ayoko na rin naman'g umasa sa pangako ni Aston na sa
ALAS singko pa lang ng umaga ay bihis na bihis na ako kahit pa nga pakiramdam ko ay sobrang antok ko pa. Paulit-ulit ko rin'g sinulyapan ang aking wrist watch at kanina pa ay parang gusto ko ng pihitin ang mga kamay nito nang sa gayo'n ay sumapit na ang alas-siyete.Nagpasya na lng akong bumaba upang magtimpla ng kape para naman kahit pa'no ay mawala ang antok at pagkainip ko.Eksaktong pagkababa ko ng hagdan ay siya naman'g pagsulpot ni Juliet sa aking harapan.''Good morning Sir Simoune!" masiglang bati nito saakin."Ang aga mo naman yata'ng mangbuwisit!" singhal ko sa kanya, ngunit sa halip na masindak ay nginitian pa ako nito na siyang lalong nagpa-init sa ulo ko."Sir, mali na naman ang sagot mo! Dapat, "good morning din Juliet!" Pinagdiinan pa talaga nito ang kanyang sinabi.
PAGDILAT ng mga mata ko ay mukha agad ni Juliet ang aking nabungaran"Where the hell i am?" Kaagad na naibulalas ko."Sir, nasa hospital ka po." Malumanay na tugon ni Juliet."What?"muling naibulalas ko matapos kong magpalinga-linga sa paligid."Nawalan ka daw po kasi mg malay kanina kaya't isinugod ka kaagad ni Ma'am Molly dito sa hospital." Paliwanag pa nito."Tsk! Bakit hindi mo pa ako ilabas dito? Okay naman na ako eh. Walang sakit o kahit na anong klaseng physical injury ang makikita sa'kin." Pangangatwiran ko pa."Hindi puwede sir. Malalagot ako kay Ma'am Molly kapag sinunod kita.""That stubborn woman!" Naiinis na bulyaw ko. "By the way, where is my stupid sister?""Sir, sorry po, pero ako kasi ang inutusan ni Ma'am Molly na magbantay sa'yo."Bakit? Nasaan ba si Molly?""Uhm...may importante raw po siyang aasikasuhin.""How ab
DAHAN-dahan kong iminulat ang aking mga mata, nang maulinigan kong may nagtatalo. Pinakinggan kong maigi 'yon at kahit hindi ko sila nakikita ay batid kong si Molly ang nagsasalita.Sinubukan kong bumangon, subalit, naramdaman kong muling kumirot ang aking sentido. Muli akong nahiga at mas minabuti ko na lang ang makinig sa pagtatalo nila. "Are you out of your mind? Bakit mo sinabi 'yon kay kuya?""What do you want me to do? Magpakatanga? Hayaan siyang insultuhin ako? Huh?" Anang kausap ni Molly, na para ba'ng hawig ito sa boses ni Juliet."Yeah, i admit it. Kasalanan ko dahil masyado akong madaldal at bastos sa kanya. Pero, minsan kasi ay hindi ko maiwasan ang mapikon sa nakakairita niyang trato sa'kin. I'm trying to be nice to him. But, look... he fired me without knowing that i am one of the famous chef in the country." Dagd
KINABUKASAN ay hindi ako pumasok. Tinanghali na rin kasi ako ng gising at tila ba ayaw pa'ng bumangon ng katawan'g lupa ko. Sa totoo lang, hanggang ngayon ay hindi ko maiwasan'g sisihin ang sarili ko sa pagkawala ni Thana. Kung sana lang ay naging mabuti ako sa kanya, at kung naroon lang ako ng isinilang niya ang anak namin, marahil ay magkakasama pa kami ngayon.Napatingin na lamang ako sa kisame dahil sa mga isipin'g 'yon. Kung sana lang ay may time machine, ibabalik ko talaga ang araw kung kailan ako naging iresponsableng kasintahan nang sa gayo'n ay mapunan ko ang aking mga pagkukulang para sa babaeng minamahal ko.Muli kong ipinikit ang aking mga mata para sana bumalik na lang ako sa pagtulog Subalit kaagad rin akong dumilat nang maalala kong, may posibilidad na dalawin na naman ako ni Thana sa panaginip.Kaya't sa halip na matulog ay napagdesisyunan kong puntahan na lang si
ALAS tres na ng madaling araw ay hindi pa rin ako dalawin ng antok. Naubos ko na rin ang isang bote ng wine na naroon sa refrigerator, ngunit hindi man lang iyon tumalab saakin.Ilang beses na rin akong nagpalakad-lakad sa loob ng aking silid. Hanggang sa napagod na lang ako. Muli akong humiga at ipinikit ko ang aking mga mata. Kalahating oras na rin ang lumipas ngunit nanatiling gising pa rin ang aking diwa.Muli akong dumilat at mariin kong tinitigan ang kisame na para ba'ng sa gano'ng paraan ay aantukin ako. Ngunit pagkabigo lamang ang aking natamo.Naiinis na bumangon ako at kaagad kong dinampot ang aking cellphone. Wala sa sariling hinanap ko ang numero ni Juliet at dali-dali'ng tinawagan ko 'yon.Nagulat pa nga ako ng sagutin niya kaagad. "Yes, Mr. Buenaflor?" maangas na sambit nito sa kabilang linya."Uhm... Ju-juliet, so-sorry k
DAHAN-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Kapagkuwa'y nagpalinga-linga ako sa paligid. At nang mapagtanto kong nakahiga ako sa hospital bed ay pilit akong bumangon. Ngunit muli rin akong napahiga matapos kong maramdaman'g kumirot sa may bandang likuran ko. Impit akong napadaing sa sakit kaya naman hinayaan ko na lamang ang aking sarili na mahigang muli. Maya-maya ay bumukas ang pinto ng ward at iniluwa no'n sina Molly at Matthew. Muli akong bumangon ngunit, mukha yatang mas lumala ang sakit na nararamdaman ng aking likod. "Oops...mahiga ka na lang kuya. Bawal ka pang bumangon dahil sariwa pa ang sugat sa likod mo." Ani Molly nang tuluyan ng makalapit saakin. "Daddy ko!" Tumatakbong lumapit sa'kin si Matthew."Miss na miss na kita daddy. Akala ko po mamamatay ka na kasi po hindi ka na sumasagot no'ng tinatawag kita. Tapos po nakit
HALOS isang oras na akong nagmamaneho subalit hindi ko pa rin natatagpuan sina Juliet at ang aking anak. Malapit na rin'g dumilim kaya mas lalo lang akong mahihirapan'g maghanap.Tinawagan ko si Margaret upang alamin kung may update na ba'ng ibinigay sa kanya ang mga pulis ngunit wala rin akong mabuting napala. Muli kong tinawagan si Molly ngunit panay ring lang ng cellphone nito. I also tried to call Iñigo but just like Molly, hindi rin siya sumasagot.Kaya't naiinis na ibinalibag ko sa upuan ang aking cellphone.Maya-maya ay tumunog ito ngunit hindi naman nakarehistro ang numero ng tumatawag kaya't tinitigan ko lang ito habang patuloy na tumutunog.Kalauna'y nagsawa rin ang caller kaya't ipinagpatuloy ko na ang pagmamaneho. Itinuon ko na lang sa unahan ang aking paningin ngunit muli na naman'g tumunog ang aking cellphone. At sa pagkakata
"ARE you out of your mind kuya?" Nanggagalaiting singhal saakin ni Molly matapos kong sabihin sa kanya na ini-urong ko na ang aking demanda laban kay Juliet."Alam mo, ikaw 'tong gumagawa ng paraan eh para sa ikakapahamak ng pamilya mo!" Giit pa niya."Huminahon ka nga! Molly, naging biktima lang tayo, pero hindi tayo masamang tao. May malinis pa rin naman tayo'ng konsensiya di'ba?""Hindi 'yan ang ipinupunto ko kuya! Wise na tao si Juliet, at wala akong tiwala sa taong 'yon. Nagawa ka nga niyang lokohin sa unang pagkakataon, malamang hindi na rin siya mangingiming ulitin pa 'yon." Patuloy na panggagalaiti ng aking kapatid."May sakit siya, marahil ay hindi niya na pagtutuonan ng oras at panahon ang paghihiganti saakin.""Hindi tayo nakakasiguro. Paano kung gamitin niya ang
KINABUKASAN ay maaga kong pinuntahan ang ina ni Juliet. Pagdating ko roon ay kakagising lamang nito kaya't natagalan pa ang paghihintay ko sa kanya."Naku, pasensiya ka na iho. Hindi ko kasi alam na masyado mo pa 'lang aagahan ang pagpunta rito." Hinging paumanhin ng ginang."Okay lang po 'yon. Maghihintay na lang po ako rito sa sala.""Maiwan na kita huh! Tatapusin ko lang ang niluluto ko sa kusina. Siya nga pala, nag-almusal ka na ba?""Opo." Tipid kong sagot.Iniwan na nga ako nito kaya't muli komg inabala ang sarili ko sa pagmamasid sa mga antigo niyang kagamitan.Nakaagaw ng pansin ko ang isang flower vase na may nakaukit na pangalan ni Juliet. Nilapitan ko iyon at pinakatitigan kong maigi."Siguro ay pamana ito ng mga lolo't lola ni Juliet para sa kanya." Wala sa sariling naisatinig ko."Tama ka! Regalo 'yan kay Juliet ng yumao niyang lola no'ng i
ALAS tres na ng madaling araw ay hindi pa rin ako magawang dalawin ng antok kaya naman naiinis na bumangon ako.Binuksan ko ang aking laptop at Sinearch ko ang ibang personal information patungkol kay Juliet.Hindi ko maintindihan ang aking sarili kung bakit ko nga ba ginagawa ito.Hanggang sa kusa na lamang na kumilos ang aking mga daliri. Hindi ko namalayan na tina-type ko na pala ang pangalan ng kanyang ina.Hinanap ko pa ang pangalan nito at kaagad ko naman'g nakita. Inalam ko kung saan nga ba ito nakatira.Hindi ko namalayan ang oras.Hindi na pala ulit ako nakatulog. Tirik na tirik na ang araw sa labas nang sinubukan kong sumilip sa bintana ng aking silid. Kaya naman, nagmamadaling tinungo ko na ang banyo at mabilis akong naligo.Kapagkuwa'y isinulat ko ang address ng ina ni Juliet at pagkatapos ay para akong baliw na hindi magkandaugaga sa paghahanap no
KINABUKASAN ay nagising ako na yakap ko pa rin ang larawan namin ni Thana."Good morning daddy!" masiglang bati saakin ng aking anak."Good morning din baby! How's your sleep?""Okay na okay po daddy! Maaga po akong pinatulog ni yaya kaya mahaba po ang oras na itinulog ko.""Wow, that's nice. Halika na, ipagluluto kita ng almusal para maaga kang makapasok sa school.""Yehey! Thanks daddy!"Magkapanabay kami'ng bumaba at dali-dali akong nagluto. Maya-maya pa ay hinatid ko na sila sa school. Binilinan ko rin si Margaret na hintayin ako mamaya dahil ako na rin ang susundo sa kanila."Bye daddy!"Pahabol na sigaw ni Matthew."Bye! Galingan mo ah!" Nakangiting tumango naman ito at sinabayan pa ng pagkaway.Dumiretso na ako sa aking kompanya matapos kong ihatid sina Matthew. Nakakatuwa lang na ang mga dating empleyado ni Juliet ay m
ISANG linggo ng nakakulong si Juliet. Isang linggo na rin simula ng magsara ang kanilang kompanya at lumipat na rin sa'kin ang mga investors niya.Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na, magtatagumpay ang mga plano namin ni Molly. Subalit sa kabila ng lahat ay hindi ko pa rin makapa ang saya sa aking dibdib. May mga oras na napapaisip ako, lalo pa't hanggang ngayon ay paulit-ulit pa rin na sinasabi ni Juliet na maghihiganti siya sa ginawa ko sa kanya."Posible kaya na makatakas pa siya sa bilangguan?" wala sa sariling naibulalas ko.Ngayon ay naisipan ko siyang dalawin ngunit bago pa man ako makaalis ng condo ay sunod-sunod ng katok sa pintuan ang nagpagulantang saakin."Sino na naman kaya ang mga 'to?" muling naibulalas ko."Surprise!" sabay-sabay na sigaw ng mg
TANGHALI na ng magising ako kinabukasan. Kaya naman tinatamad na bumangon ako.Dumiretso ako sa banyo para maligo at pagkatapos ay nagmamadaling nagluto ako ng almusal para kay Matthew.Abala ako sa paghahanda ng pagkain nang biglang tumunog ang aking cellphone. Sinilip ko iyon at si Patricia pala ang tumatawag."Pat.""Sir, na-nasaan na po ba kayo?"Ani Patricia na gumagaralgal ang tinig."Nasa bahay. Bakit anong nangyari?""Nandito si Maam Juliet. Kinakausap niya ang mga investors mo, pati na rin ang buong staff mo. Sinasabi niya na siya na raw ang may-ari ng kompanya mo!''"Wow! Good to know that Pat. Hayaan mo lang siya, tatawag na ako sa police station at isasama ko sila papunta diyan.""Thank you sir. Pakibilisan po at pinapahakot niya na palabas ng office ang mga gamit mo.""As in, feel na feel niya na talaga ang maging bagong owner!
HALOS mapunit ang reseta ng doctor dahil sa mahigpit kong pagkakahawak dito."Sir, okay ka lang po?" Nababahalang tanong sa'kin ni Margaret.Nang mga sandaling 'yon ay bigla kong naalala si Justin at hindi ko namalayam'g tumutulo na pala ang aking luha."Sir, bakit po kayo umiiyak?" muling tanong ni Margaret.Mabilis kong pinunas ang aking mga luha. Kapagkuwa'y ibinalik ko kay Margaret ang reseta ng doctor."Puntahan mo na si Matthew. Alagaan mo siyang mabuti huh! Hindi baleng wala ka'ng ibang magawa dito sa loob ng bahay. Ang mahalaga ay maalagaan mo lang ng maayos ang anak ko. Huwag mo rin'g kakaligtaan ang pagpapainom sa kanya ng mga gamot at vitamins na 'yan." Habilin ko kay Margaret."Sir, may sakit po ba si Matthew?" Patuloy na usisa nito kaya't napipilitan akong sagutin siya."Hindi normal ang blood cells ni Matthew. Mas mataas ang white blood cells niya kumpa