Share

Chapter Sixty Seven

Author: eZymSeXy_05
last update Last Updated: 2021-09-09 05:35:23

            ALAS tres na ng madaling araw ay hindi pa rin ako dalawin ng antok. Naubos ko na rin ang isang bote ng wine na naroon sa refrigerator, ngunit hindi man lang iyon tumalab saakin.

Ilang beses na rin akong nagpalakad-lakad  sa loob ng aking silid. Hanggang sa napagod na lang ako. Muli akong humiga at ipinikit ko ang aking mga mata. Kalahating oras na rin ang lumipas ngunit nanatiling gising pa rin ang aking diwa.

Muli akong dumilat at mariin kong tinitigan ang kisame na para ba'ng sa gano'ng paraan ay aantukin ako. Ngunit pagkabigo lamang ang aking natamo.

Naiinis na bumangon ako at kaagad kong dinampot ang aking cellphone. Wala sa sariling hinanap ko ang numero ni Juliet at dali-dali'ng tinawagan ko 'yon.

Nagulat pa nga ako ng sagutin niya kaagad. "Yes, Mr. Buenaflor?" maangas na sambit  nito sa kabilang linya.

"Uhm... Ju-juliet, so-sorry k

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

  • TEAM SAWI Series One: One Last Cry   Chapter Sixty Eight

    GABI na ng magpasya kami'ng lisanin ang lugar na 'yon. Hinatid ko na rin si Beberly sa bahay nila. Kaya't alas nuwebe na ng makauwi ako sa aking condo."Where have you been?" Nagulat ako ng pagbukas ko ng pintuan ay biglang bumungad saakin ang seryosong mukha ni Juliet. Ilang beses pa akong napakurap para lang masigurong siya nga talaga ang sumalubong saakin."Bumalik ka na?" bulalas ko. At sa sobrang pagkagulat ko ay hindi sinasadyang nayakap ko siya. "Oh, i'm sorry." Ako rin mismo ang unang kumalas at napayuko na lang ako dulot ng pagkapahiya."Tsk...hindi mo pa sinasagot ang tanong ko." Nagulat pa ako sa ginawa niyang pag-irap saakin."Uhm...ga-galing ako sa puntod ni Thana. Dinalaw ko siya.""Ah okay. Halika na nga! Nakahain na ang pagkain eh." Halos kaladkarin pa ako nito papunta sa hapag kainan."Sandali, kailangan ko muna'ng hubarin ang aking sapatos."

    Last Updated : 2021-09-10
  • TEAM SAWI Series One: One Last Cry   Chapter Sixty Nine

    NASA kalagitnaan ako ng meeting nang bigla na lang akong istorbohin ni Beberly."Sir, may bisita ka. Ang kulit eh. Ayaw papigil." Bulong pa nito sa'kin."Sino?""Basta! Re-schedule mo na lang ulit ang meeting. Medyo hindi ko kasi gusto ang eksena niya sa office mo." Dagdag pa ni Beberly, dahilan upang mapilitan akong magpaalam sa mga investor.Nagmamadaling lumabas ako ng conference room, kasunod si Beberly. "Sino ba kasi ang bisita ko?" Pangungulit ko pa sa kanya."Sino nga ba ang inaasahan mo'ng dadalaw sa'yo?" Balik tanong nito sa'kin."Tsk...kaya nga ako nagtatanong sa'yo dahil wala akong ideya." Puno ng iritasyon ang aking tinig."Malamang si Juliet!"Halatang nanggigigil ito.Bahagya pa akong natawa, matapos kong masulyapan ang kanyang mukha. "Oh, bakit ganyan ang hitsura mo, akala ko ba kaibigan mo si Juliet?""Duh! Hindi!" Giit niya

    Last Updated : 2021-09-11
  • TEAM SAWI Series One: One Last Cry   Chapter Seventy

    "FIRST birthday na bukas ni Matthew, ano na ang plano mo kuya?" Ani Molly ng magkasabay kami sa isang cafeteria."Sinabihan ko na si Juliet na siya na lang ang bahalang mag-asikaso."Tila wala sa sariling naisagot ko."Tsk...si Juliet na naman! Pansin kong puro si Juliet na lang ang bukang bibig mo nitong mga nakaraang buwan ah." Nakangising sambit nito na may halong pang-aasar ang tinig."So, iba na naman ang iniisip mo? Napakamalisyosa mo talaga kahit kailan."Napakamot na lang ako sa aking batok matapos kong mapagtanto ang iniisip ni Molly."Kuya, wala naman'g masama kung sakali man na mahulog nga ang loob niyo sa isa't-isa. Pareho naman kayo'ng single eh." Kumindat pa ito dahilan upang mas lalo akong maasar."Bahala ka nga diyan!" naiinis na bulalas ko. Kaagad akong tumayo at iniwanan siya."Kuya, sandali! Sabay na tayo oh!" Sigaw niya ngunit hindi ko na ito pinans

    Last Updated : 2021-09-12
  • TEAM SAWI Series One: One Last Cry   Chapter Seventy One

    HINATID ako ni Mang Joaquin sa aking condo matapos akong pahintulutan ng doctor na lumabas ng hospital. Kinakabahan'g binuksan ko ang pintuan ng aking condo at si Juliet kaagad ang sumalubong sa'kin."Oh my God! Where have you been?" Namilog pa ang mga mata nito at kapagkuwa'y sinugod ako ng isang mahigpit na yakap. "At saka bakit 'yong janitor ang naghatid sa'yo?""Uhm..mawalang galang na po Sir Simoune, maiwan ko na po kayo ni ma'am. Kailangan ko pa kasi'ng ihatid sa school ang anak ko eh." Sabad ni Mang Joaquin na agad ko naman'g tinanguan at tinapik sa balikat.Hindi ko pinansin ang mga tanong ni Juliet. Sa halip ay nilampasan ko siya at hinanap ko si Matthew. "Where is my son?""Wa-wala siya rito. Nando'n siya kay Molly simula pa no'ng isang araw. Hindi ba't sinabihan naman kita na first birthday celebration niya dapat kahapon. Pero nasaan ka? Wala

    Last Updated : 2021-09-13
  • TEAM SAWI Series One: One Last Cry   Chapter Seventy Two

    PAGKAGALING kina Beberly ay dumiretso ako sa condo ni Molly. Nagulat pa nga ito ng makita ako."Hey kuya! How are you?" Ani Molly na puno ng pag-aalala sa tinig."Okay lang ako. Where is Matthew?""Nasa kuwarto, kasama ni Iñigo. Halika nga, mag-usap muna tayo." Sumunod naman ako sa kanya at tahimik lang akong nakinig sa mga sinasabi niya."After ng birthday celebration ni Matthew ay dumiretso ako sa kompanya kahapon. Nagkausap rin kami ng isang janitor doon at sinabi niyang nasa hospital ka raw." Tiningnan ko si Molly ngunit hindi ako sumagot."Balak sana kitang puntahan subalit sinabi ni Mang Joaquin na lalabas ka na raw kaya't hindi na ako tumuloy. Kinuwento niya rin sa'kin ang nangyari sa kanyang anak. Kaya't walang katapusan na naman ang pasasalamat ng matanda.'' Patuloy na pagku

    Last Updated : 2021-09-14
  • TEAM SAWI Series One: One Last Cry   Chapter Seventy Three

    HABOL-hininga ako nang magising kinabukasan. Mabuti na lang at biglang pumasok sa kuwarto si Juliet at may dala itong isang basong tubig. Dahilan upang mahimasmasan kaagad ako. Sinalat ko pa ang aking noo na ngayon ay butil-butil na ang pawis na naroon."Hey! Okay ka na ba?" Puno ng pag-alala sa tinig nito. "Naririnig kita'ng sumisigaw kaya't tumakbo ako rito. At ng masilip kong nananaginip ka na naman ay bumaba ako at kumuha ng tubig.""Salamat. Napanaginipan ko na naman kasi si Thana." Wala sa sariling sambit ko.Umupo sa tabi ko si Juliet at ginulo ang aking buhok. ''Marahil ay senyales na 'yan na malapit ka ng makaalala." Nakangiting sambit nito."Baka nga." Tanging nasabi ko na lang."Dadalhin ko ba rito ang almusal mo o ikaw na-""Ako na lang." Kaagad kong dugtong sa iba pa niyang sasabihin."Okay. Maiwan na kita, ihahanda ko lang ang almusal mo. Tawagin

    Last Updated : 2021-09-15
  • TEAM SAWI Series One: One Last Cry   Chapter Seventy Four

    "IT'S getting late na ah!" Ani Juliet pagdating ko sa condo. Hindi ko inaasahan'g gising pa pala ito gayo'ng alas diyes na ng makauwi ako. Pa'no kasi ay nagpumilit pa si Tita Bratrice na hintayin ko ang niluluto niyang pansit kaya't natagalan ako bago nakauwi. "Yeah, I know. Isinabay ko na kasi si Beberly pauwi kaya't natagalan ako sa bahay nila." "Oh, I see. Mabuti pa si Beberly pinaglalaanan mo ng oras at panahon, samantalang kami ng anak mo rito ay hindi mo man lang maalala." "Ano ba'ng sinasabi mo?"naiiritang singhal ko rito. Bago pa man siya nakasagot ay dumiretso na ako sa sala at doon ay umuupo ako sa couch. Kapagkuwa'y tinanggal ko ang aking sapatos. "You always like this!"Patuloy na daldal ni Juliet. "Puro na lang si Beberly!" Singhal niya sa'kin, dahilan upang bigla akong tumayo. At sa sobrang pagkainis ko sa bungang

    Last Updated : 2021-09-15
  • TEAM SAWI Series One: One Last Cry   Chapter Seventy Five

    ILANG araw ng hindi kami nagpapansinan ni Juliet buhat no'ng kamuntik ng may nangyari sa'min saaking silid.Sa totoo lang ay wala akong lakas ng loob na kausapin siya lalo pa't kasalanan ko ang lahat. Gaya ng mga nakaraang araw ay ang aga ko na naman'g nagising para lang hindi kami magkita. Sa gabi naman ay tinatantiya ko muna kung pareho na silang tulog ni Matthew bago ako uuwi."Hey, pansin ko napapadalas yata ang pagpasok mo ng maaga ah." Ani Beberly na maaga rin'g pumasok."Yeah. Mas gusto ko kasi rito mag-stay, tahimik ang paligid." Pagdadahilan ko, ngunit hindi naman siya nakumbinsi."Oh? Really?" nakataas pa ang kabilang kilay nito habang magkakrus ang mga braso. "Hindi kaya, may problema kayo ni Juliet kaya sinisipag ka'ng pumasok?" Pangungulit pa nito."Beberly, bakit ang galing mo manghula?" Napakamot na lang ako sa aking ulo

    Last Updated : 2021-09-16

Latest chapter

  • TEAM SAWI Series One: One Last Cry   Epilogue

    DAHAN-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Kapagkuwa'y nagpalinga-linga ako sa paligid. At nang mapagtanto kong nakahiga ako sa hospital bed ay pilit akong bumangon. Ngunit muli rin akong napahiga matapos kong maramdaman'g kumirot sa may bandang likuran ko. Impit akong napadaing sa sakit kaya naman hinayaan ko na lamang ang aking sarili na mahigang muli. Maya-maya ay bumukas ang pinto ng ward at iniluwa no'n sina Molly at Matthew. Muli akong bumangon ngunit, mukha yatang mas lumala ang sakit na nararamdaman ng aking likod. "Oops...mahiga ka na lang kuya. Bawal ka pang bumangon dahil sariwa pa ang sugat sa likod mo." Ani Molly nang tuluyan ng makalapit saakin. "Daddy ko!" Tumatakbong lumapit sa'kin si Matthew."Miss na miss na kita daddy. Akala ko po mamamatay ka na kasi po hindi ka na sumasagot no'ng tinatawag kita. Tapos po nakit

  • TEAM SAWI Series One: One Last Cry   Chapter Ninety Four (Finale)

    HALOS isang oras na akong nagmamaneho subalit hindi ko pa rin natatagpuan sina Juliet at ang aking anak. Malapit na rin'g dumilim kaya mas lalo lang akong mahihirapan'g maghanap.Tinawagan ko si Margaret upang alamin kung may update na ba'ng ibinigay sa kanya ang mga pulis ngunit wala rin akong mabuting napala. Muli kong tinawagan si Molly ngunit panay ring lang ng cellphone nito. I also tried to call Iñigo but just like Molly, hindi rin siya sumasagot.Kaya't naiinis na ibinalibag ko sa upuan ang aking cellphone.Maya-maya ay tumunog ito ngunit hindi naman nakarehistro ang numero ng tumatawag kaya't tinitigan ko lang ito habang patuloy na tumutunog.Kalauna'y nagsawa rin ang caller kaya't ipinagpatuloy ko na ang pagmamaneho. Itinuon ko na lang sa unahan ang aking paningin ngunit muli na naman'g tumunog ang aking cellphone. At sa pagkakata

  • TEAM SAWI Series One: One Last Cry   Chapter Ninety Three

    "ARE you out of your mind kuya?" Nanggagalaiting singhal saakin ni Molly matapos kong sabihin sa kanya na ini-urong ko na ang aking demanda laban kay Juliet."Alam mo, ikaw 'tong gumagawa ng paraan eh para sa ikakapahamak ng pamilya mo!" Giit pa niya."Huminahon ka nga! Molly, naging biktima lang tayo, pero hindi tayo masamang tao. May malinis pa rin naman tayo'ng konsensiya di'ba?""Hindi 'yan ang ipinupunto ko kuya! Wise na tao si Juliet, at wala akong tiwala sa taong 'yon. Nagawa ka nga niyang lokohin sa unang pagkakataon, malamang hindi na rin siya mangingiming ulitin pa 'yon." Patuloy na panggagalaiti ng aking kapatid."May sakit siya, marahil ay hindi niya na pagtutuonan ng oras at panahon ang paghihiganti saakin.""Hindi tayo nakakasiguro. Paano kung gamitin niya ang

  • TEAM SAWI Series One: One Last Cry   Chapter Ninety Two

    KINABUKASAN ay maaga kong pinuntahan ang ina ni Juliet. Pagdating ko roon ay kakagising lamang nito kaya't natagalan pa ang paghihintay ko sa kanya."Naku, pasensiya ka na iho. Hindi ko kasi alam na masyado mo pa 'lang aagahan ang pagpunta rito." Hinging paumanhin ng ginang."Okay lang po 'yon. Maghihintay na lang po ako rito sa sala.""Maiwan na kita huh! Tatapusin ko lang ang niluluto ko sa kusina. Siya nga pala, nag-almusal ka na ba?""Opo." Tipid kong sagot.Iniwan na nga ako nito kaya't muli komg inabala ang sarili ko sa pagmamasid sa mga antigo niyang kagamitan.Nakaagaw ng pansin ko ang isang flower vase na may nakaukit na pangalan ni Juliet. Nilapitan ko iyon at pinakatitigan kong maigi."Siguro ay pamana ito ng mga lolo't lola ni Juliet para sa kanya." Wala sa sariling naisatinig ko."Tama ka! Regalo 'yan kay Juliet ng yumao niyang lola no'ng i

  • TEAM SAWI Series One: One Last Cry   Chapter Ninety One

    ALAS tres na ng madaling araw ay hindi pa rin ako magawang dalawin ng antok kaya naman naiinis na bumangon ako.Binuksan ko ang aking laptop at Sinearch ko ang ibang personal information patungkol kay Juliet.Hindi ko maintindihan ang aking sarili kung bakit ko nga ba ginagawa ito.Hanggang sa kusa na lamang na kumilos ang aking mga daliri. Hindi ko namalayan na tina-type ko na pala ang pangalan ng kanyang ina.Hinanap ko pa ang pangalan nito at kaagad ko naman'g nakita. Inalam ko kung saan nga ba ito nakatira.Hindi ko namalayan ang oras.Hindi na pala ulit ako nakatulog. Tirik na tirik na ang araw sa labas nang sinubukan kong sumilip sa bintana ng aking silid. Kaya naman, nagmamadaling tinungo ko na ang banyo at mabilis akong naligo.Kapagkuwa'y isinulat ko ang address ng ina ni Juliet at pagkatapos ay para akong baliw na hindi magkandaugaga sa paghahanap no

  • TEAM SAWI Series One: One Last Cry   Chapter Ninety

    KINABUKASAN ay nagising ako na yakap ko pa rin ang larawan namin ni Thana."Good morning daddy!" masiglang bati saakin ng aking anak."Good morning din baby! How's your sleep?""Okay na okay po daddy! Maaga po akong pinatulog ni yaya kaya mahaba po ang oras na itinulog ko.""Wow, that's nice. Halika na, ipagluluto kita ng almusal para maaga kang makapasok sa school.""Yehey! Thanks daddy!"Magkapanabay kami'ng bumaba at dali-dali akong nagluto. Maya-maya pa ay hinatid ko na sila sa school. Binilinan ko rin si Margaret na hintayin ako mamaya dahil ako na rin ang susundo sa kanila."Bye daddy!"Pahabol na sigaw ni Matthew."Bye! Galingan mo ah!" Nakangiting tumango naman ito at sinabayan pa ng pagkaway.Dumiretso na ako sa aking kompanya matapos kong ihatid sina Matthew. Nakakatuwa lang na ang mga dating empleyado ni Juliet ay m

  • TEAM SAWI Series One: One Last Cry   Chapter Eighty Nine

    ISANG linggo ng nakakulong si Juliet. Isang linggo na rin simula ng magsara ang kanilang kompanya at lumipat na rin sa'kin ang mga investors niya.Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na, magtatagumpay ang mga plano namin ni Molly. Subalit sa kabila ng lahat ay hindi ko pa rin makapa ang saya sa aking dibdib. May mga oras na napapaisip ako, lalo pa't hanggang ngayon ay paulit-ulit pa rin na sinasabi ni Juliet na maghihiganti siya sa ginawa ko sa kanya."Posible kaya na makatakas pa siya sa bilangguan?" wala sa sariling naibulalas ko.Ngayon ay naisipan ko siyang dalawin ngunit bago pa man ako makaalis ng condo ay sunod-sunod ng katok sa pintuan ang nagpagulantang saakin."Sino na naman kaya ang mga 'to?" muling naibulalas ko."Surprise!" sabay-sabay na sigaw ng mg

  • TEAM SAWI Series One: One Last Cry   Chapter Eighty Eight

    TANGHALI na ng magising ako kinabukasan. Kaya naman tinatamad na bumangon ako.Dumiretso ako sa banyo para maligo at pagkatapos ay nagmamadaling nagluto ako ng almusal para kay Matthew.Abala ako sa paghahanda ng pagkain nang biglang tumunog ang aking cellphone. Sinilip ko iyon at si Patricia pala ang tumatawag."Pat.""Sir, na-nasaan na po ba kayo?"Ani Patricia na gumagaralgal ang tinig."Nasa bahay. Bakit anong nangyari?""Nandito si Maam Juliet. Kinakausap niya ang mga investors mo, pati na rin ang buong staff mo. Sinasabi niya na siya na raw ang may-ari ng kompanya mo!''"Wow! Good to know that Pat. Hayaan mo lang siya, tatawag na ako sa police station at isasama ko sila papunta diyan.""Thank you sir. Pakibilisan po at pinapahakot niya na palabas ng office ang mga gamit mo.""As in, feel na feel niya na talaga ang maging bagong owner!

  • TEAM SAWI Series One: One Last Cry   Chapter Eighty Seven

    HALOS mapunit ang reseta ng doctor dahil sa mahigpit kong pagkakahawak dito."Sir, okay ka lang po?" Nababahalang tanong sa'kin ni Margaret.Nang mga sandaling 'yon ay bigla kong naalala si Justin at hindi ko namalayam'g tumutulo na pala ang aking luha."Sir, bakit po kayo umiiyak?" muling tanong ni Margaret.Mabilis kong pinunas ang aking mga luha. Kapagkuwa'y ibinalik ko kay Margaret ang reseta ng doctor."Puntahan mo na si Matthew. Alagaan mo siyang mabuti huh! Hindi baleng wala ka'ng ibang magawa dito sa loob ng bahay. Ang mahalaga ay maalagaan mo lang ng maayos ang anak ko. Huwag mo rin'g kakaligtaan ang pagpapainom sa kanya ng mga gamot at vitamins na 'yan." Habilin ko kay Margaret."Sir, may sakit po ba si Matthew?" Patuloy na usisa nito kaya't napipilitan akong sagutin siya."Hindi normal ang blood cells ni Matthew. Mas mataas ang white blood cells niya kumpa

DMCA.com Protection Status