PAGKAGALING kina Beberly ay dumiretso ako sa condo ni Molly. Nagulat pa nga ito ng makita ako.
"Hey kuya! How are you?" Ani Molly na puno ng pag-aalala sa tinig.
"Okay lang ako. Where is Matthew?"
"Nasa kuwarto, kasama ni Iñigo. Halika nga, mag-usap muna tayo." Sumunod naman ako sa kanya at tahimik lang akong nakinig sa mga sinasabi niya.
"After ng birthday celebration ni Matthew ay dumiretso ako sa kompanya kahapon. Nagkausap rin kami ng isang janitor doon at sinabi niyang nasa hospital ka raw." Tiningnan ko si Molly ngunit hindi ako sumagot.
"Balak sana kitang puntahan subalit sinabi ni Mang Joaquin na lalabas ka na raw kaya't hindi na ako tumuloy. Kinuwento niya rin sa'kin ang nangyari sa kanyang anak. Kaya't walang katapusan na naman ang pasasalamat ng matanda.'' Patuloy na pagku
HABOL-hininga ako nang magising kinabukasan. Mabuti na lang at biglang pumasok sa kuwarto si Juliet at may dala itong isang basong tubig. Dahilan upang mahimasmasan kaagad ako. Sinalat ko pa ang aking noo na ngayon ay butil-butil na ang pawis na naroon."Hey! Okay ka na ba?" Puno ng pag-alala sa tinig nito. "Naririnig kita'ng sumisigaw kaya't tumakbo ako rito. At ng masilip kong nananaginip ka na naman ay bumaba ako at kumuha ng tubig.""Salamat. Napanaginipan ko na naman kasi si Thana." Wala sa sariling sambit ko.Umupo sa tabi ko si Juliet at ginulo ang aking buhok. ''Marahil ay senyales na 'yan na malapit ka ng makaalala." Nakangiting sambit nito."Baka nga." Tanging nasabi ko na lang."Dadalhin ko ba rito ang almusal mo o ikaw na-""Ako na lang." Kaagad kong dugtong sa iba pa niyang sasabihin."Okay. Maiwan na kita, ihahanda ko lang ang almusal mo. Tawagin
"IT'S getting late na ah!" Ani Juliet pagdating ko sa condo. Hindi ko inaasahan'g gising pa pala ito gayo'ng alas diyes na ng makauwi ako. Pa'no kasi ay nagpumilit pa si Tita Bratrice na hintayin ko ang niluluto niyang pansit kaya't natagalan ako bago nakauwi. "Yeah, I know. Isinabay ko na kasi si Beberly pauwi kaya't natagalan ako sa bahay nila." "Oh, I see. Mabuti pa si Beberly pinaglalaanan mo ng oras at panahon, samantalang kami ng anak mo rito ay hindi mo man lang maalala." "Ano ba'ng sinasabi mo?"naiiritang singhal ko rito. Bago pa man siya nakasagot ay dumiretso na ako sa sala at doon ay umuupo ako sa couch. Kapagkuwa'y tinanggal ko ang aking sapatos. "You always like this!"Patuloy na daldal ni Juliet. "Puro na lang si Beberly!" Singhal niya sa'kin, dahilan upang bigla akong tumayo. At sa sobrang pagkainis ko sa bungang
ILANG araw ng hindi kami nagpapansinan ni Juliet buhat no'ng kamuntik ng may nangyari sa'min saaking silid.Sa totoo lang ay wala akong lakas ng loob na kausapin siya lalo pa't kasalanan ko ang lahat. Gaya ng mga nakaraang araw ay ang aga ko na naman'g nagising para lang hindi kami magkita. Sa gabi naman ay tinatantiya ko muna kung pareho na silang tulog ni Matthew bago ako uuwi."Hey, pansin ko napapadalas yata ang pagpasok mo ng maaga ah." Ani Beberly na maaga rin'g pumasok."Yeah. Mas gusto ko kasi rito mag-stay, tahimik ang paligid." Pagdadahilan ko, ngunit hindi naman siya nakumbinsi."Oh? Really?" nakataas pa ang kabilang kilay nito habang magkakrus ang mga braso. "Hindi kaya, may problema kayo ni Juliet kaya sinisipag ka'ng pumasok?" Pangungulit pa nito."Beberly, bakit ang galing mo manghula?" Napakamot na lang ako sa aking ulo
KINABUKASAN ay halos mabiyak ang ulo ko dahil sa sobrang sakit nito. Dahan-dahan akong dumilat at napabalikwas pa ako ng bangon nang makita kong nakaupo si Beberly sa may gilid ng aking kama habang nakapikit at nakasandal sa dingding ng aking silid.May hawak pa itong bimpo at may maliit na planggana'ng nakapatong sa side table.Bahagya akong nakaramdam ng pagkahabag sa kanya. Dahil sa kabila ng hindi kanais-nais na ginagawa at ipinaparamdam ko sa kanya ay nariyan pa rin siya at patuloy na nagmamalasakit saakin.Dahan-dahan akong tumayo at nilapitan ko siya. Humihilik pa ito. Marahil ay dala 'yon ng sobrang pagod at puyat.Balak ko sana'ng buhatin ito at i-ayos ng higa sa aking kama ngunit eksaktong paghinto ko sa kanyang harapan ay siya naman'g pagdilat ng kanyang mga mata."Oh, gising ka na pala." Umayos i
PAGKATAPOS ng meeting ay bumalik kaagad ako sa aking opisina. Eksaktong pag-upo ko ay siya naman'g pagtunog ng aking cellphone. Dinampot ko iyon ng masulyapan ko sa screen ang pangalan ni Juliet. "Yes, Juliet?" "Uhm...naistorbo ba kita Simoune?" "Huh? Hi-hindi naman. Actually, kakatapos lang ng meeting ko." "Oh, I see Pasensiya na huh! Si Matthew kasi ay kanina pa paulit-ulit sa kakasigaw ng daddy. Kaya naisipan kong tawagan ka." "Yeah, that's okay. Where is he? Can i talk to him?" " 'Nak, say hi to daddy!" Dinig kong sambit ni Juliet. "Hi."Mahinang usal ni Matthew. "How's my baby?" "Dad-dy! "Yes, what is it baby?" "Uwi na! Dad-dy!" Muling sambit ni Matthew. Dinig kong tinuturuan ito ni Juliet ng sasabihin kaya't lihim akong napangiti. Isang taon at isang buwan pa 'lang si Matthew pero magaling na siya
NAKALABAS din kaagad ng hospital si Matthew. Kaya't habang nasa biyahe ay pareho kaming walang kibo ni Juliet. Marahil ay masama pa rin ang loob nito saakin. Aminado akong naging padalus-dalos ako sa aking mga sinabi ngunit hindi ko kayang pigilan ang aking sarili lalo pa't si Matthew ang pinag-uusapan dito.Nang makarating na kami sa condo ay walang imik pa rin na binuhat nito ang aking anak. Nagpatiuna na lang ako sa paglalakad at ipinagbukas siya ng pintuan.Dumiretso siya sa aking silid na siyang ipinagtaka ko. Doon ay maingat niyang inilapag si Matthew habang mahimbing itong natutulog.Kapagkuwa'y iniwanan niya ito at nagmamadaling lumabas ng aking silid. Mariin kong hinablot ang kanyang braso at lakas loob ko siyang pinaharap saakin."Let's talk!"ma-awtoridad na sambit ko."Wala na tayong dapat na pag-usapan pa Simoune. Malinaw na saakin ang lahat at sigur
Five years ago... "HAPPY 6TH BIRTHDAY Baby Matthew!" tumitiling sigaw ni Beberly at tumatakbo pa nitong nilapitan ang aking anak."Thank you po mommy ganda!" Ani Matthew na ngayon ay pinupog pa ng halik sa pisngi si Beberly at halatang miss na miss nga nila ang isa't-isa. Palibhasa ay napalapit na rin sa kanya si Matthew kaya kung iyong pagmamasdan ay parang mag-nanay sila habang naglalambingan.Kakarating lang kasi ni Beberly galing sa London. Pagkatapos kasi ng break-up nila ni Wesley ay nagpaalam siya sa'kin na aalis siya ng bansa para makapag-move on at para na rin matupad niya na ang kanyang pangarap na maging isang chef.Sa wakas, ay natupad niya nga 'yon at ngayon ay may sarili na rin siyang restaurant dito sa Pilipinas.Sumunod naman na nagsidatingan sina Aston at Iñigo. Kasa
KINABUKASAN ay parang binibiyak ang aking ulo dahil sa sobrang sakit. Palibhasa ay umaga na rin kami natapos sa pag-iinuman kaya't hindi pa ako gaanong nahimasmasan. Pakiramdam ko nga ay lasing pa ako eh.Tinatamad na bumangon ako matapos kong masulyapan ang wall clock. Patakbong tinungo ko ang banyo at dali-dali akong naligo.Naalala kong may meeting nga pala ako ng alas diyes kaya't kailangan kong makarating agad sa kompanya.Ni-hindi ko na nagawa pang mag-almusal. Hindi ko na rin sinilip si Matthew sa kanyang silid dahil alas nuwebe na at idagdag pa ang buhol-buhol na trapik mamaya.Pagkabihis ko ay dumiretso agad ako sa parking lot at kaagad ko ng pinaharurot ang aking sasakyan.Late na ako ng fifteen minutes nang pumasok ako sa conference room. Mabuti na lang at matino naman ang nakuha kong sekretarya kaya't hindi ako gaanong nahirapan lalo na no'ng mangibang ban
DAHAN-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Kapagkuwa'y nagpalinga-linga ako sa paligid. At nang mapagtanto kong nakahiga ako sa hospital bed ay pilit akong bumangon. Ngunit muli rin akong napahiga matapos kong maramdaman'g kumirot sa may bandang likuran ko. Impit akong napadaing sa sakit kaya naman hinayaan ko na lamang ang aking sarili na mahigang muli. Maya-maya ay bumukas ang pinto ng ward at iniluwa no'n sina Molly at Matthew. Muli akong bumangon ngunit, mukha yatang mas lumala ang sakit na nararamdaman ng aking likod. "Oops...mahiga ka na lang kuya. Bawal ka pang bumangon dahil sariwa pa ang sugat sa likod mo." Ani Molly nang tuluyan ng makalapit saakin. "Daddy ko!" Tumatakbong lumapit sa'kin si Matthew."Miss na miss na kita daddy. Akala ko po mamamatay ka na kasi po hindi ka na sumasagot no'ng tinatawag kita. Tapos po nakit
HALOS isang oras na akong nagmamaneho subalit hindi ko pa rin natatagpuan sina Juliet at ang aking anak. Malapit na rin'g dumilim kaya mas lalo lang akong mahihirapan'g maghanap.Tinawagan ko si Margaret upang alamin kung may update na ba'ng ibinigay sa kanya ang mga pulis ngunit wala rin akong mabuting napala. Muli kong tinawagan si Molly ngunit panay ring lang ng cellphone nito. I also tried to call Iñigo but just like Molly, hindi rin siya sumasagot.Kaya't naiinis na ibinalibag ko sa upuan ang aking cellphone.Maya-maya ay tumunog ito ngunit hindi naman nakarehistro ang numero ng tumatawag kaya't tinitigan ko lang ito habang patuloy na tumutunog.Kalauna'y nagsawa rin ang caller kaya't ipinagpatuloy ko na ang pagmamaneho. Itinuon ko na lang sa unahan ang aking paningin ngunit muli na naman'g tumunog ang aking cellphone. At sa pagkakata
"ARE you out of your mind kuya?" Nanggagalaiting singhal saakin ni Molly matapos kong sabihin sa kanya na ini-urong ko na ang aking demanda laban kay Juliet."Alam mo, ikaw 'tong gumagawa ng paraan eh para sa ikakapahamak ng pamilya mo!" Giit pa niya."Huminahon ka nga! Molly, naging biktima lang tayo, pero hindi tayo masamang tao. May malinis pa rin naman tayo'ng konsensiya di'ba?""Hindi 'yan ang ipinupunto ko kuya! Wise na tao si Juliet, at wala akong tiwala sa taong 'yon. Nagawa ka nga niyang lokohin sa unang pagkakataon, malamang hindi na rin siya mangingiming ulitin pa 'yon." Patuloy na panggagalaiti ng aking kapatid."May sakit siya, marahil ay hindi niya na pagtutuonan ng oras at panahon ang paghihiganti saakin.""Hindi tayo nakakasiguro. Paano kung gamitin niya ang
KINABUKASAN ay maaga kong pinuntahan ang ina ni Juliet. Pagdating ko roon ay kakagising lamang nito kaya't natagalan pa ang paghihintay ko sa kanya."Naku, pasensiya ka na iho. Hindi ko kasi alam na masyado mo pa 'lang aagahan ang pagpunta rito." Hinging paumanhin ng ginang."Okay lang po 'yon. Maghihintay na lang po ako rito sa sala.""Maiwan na kita huh! Tatapusin ko lang ang niluluto ko sa kusina. Siya nga pala, nag-almusal ka na ba?""Opo." Tipid kong sagot.Iniwan na nga ako nito kaya't muli komg inabala ang sarili ko sa pagmamasid sa mga antigo niyang kagamitan.Nakaagaw ng pansin ko ang isang flower vase na may nakaukit na pangalan ni Juliet. Nilapitan ko iyon at pinakatitigan kong maigi."Siguro ay pamana ito ng mga lolo't lola ni Juliet para sa kanya." Wala sa sariling naisatinig ko."Tama ka! Regalo 'yan kay Juliet ng yumao niyang lola no'ng i
ALAS tres na ng madaling araw ay hindi pa rin ako magawang dalawin ng antok kaya naman naiinis na bumangon ako.Binuksan ko ang aking laptop at Sinearch ko ang ibang personal information patungkol kay Juliet.Hindi ko maintindihan ang aking sarili kung bakit ko nga ba ginagawa ito.Hanggang sa kusa na lamang na kumilos ang aking mga daliri. Hindi ko namalayan na tina-type ko na pala ang pangalan ng kanyang ina.Hinanap ko pa ang pangalan nito at kaagad ko naman'g nakita. Inalam ko kung saan nga ba ito nakatira.Hindi ko namalayan ang oras.Hindi na pala ulit ako nakatulog. Tirik na tirik na ang araw sa labas nang sinubukan kong sumilip sa bintana ng aking silid. Kaya naman, nagmamadaling tinungo ko na ang banyo at mabilis akong naligo.Kapagkuwa'y isinulat ko ang address ng ina ni Juliet at pagkatapos ay para akong baliw na hindi magkandaugaga sa paghahanap no
KINABUKASAN ay nagising ako na yakap ko pa rin ang larawan namin ni Thana."Good morning daddy!" masiglang bati saakin ng aking anak."Good morning din baby! How's your sleep?""Okay na okay po daddy! Maaga po akong pinatulog ni yaya kaya mahaba po ang oras na itinulog ko.""Wow, that's nice. Halika na, ipagluluto kita ng almusal para maaga kang makapasok sa school.""Yehey! Thanks daddy!"Magkapanabay kami'ng bumaba at dali-dali akong nagluto. Maya-maya pa ay hinatid ko na sila sa school. Binilinan ko rin si Margaret na hintayin ako mamaya dahil ako na rin ang susundo sa kanila."Bye daddy!"Pahabol na sigaw ni Matthew."Bye! Galingan mo ah!" Nakangiting tumango naman ito at sinabayan pa ng pagkaway.Dumiretso na ako sa aking kompanya matapos kong ihatid sina Matthew. Nakakatuwa lang na ang mga dating empleyado ni Juliet ay m
ISANG linggo ng nakakulong si Juliet. Isang linggo na rin simula ng magsara ang kanilang kompanya at lumipat na rin sa'kin ang mga investors niya.Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na, magtatagumpay ang mga plano namin ni Molly. Subalit sa kabila ng lahat ay hindi ko pa rin makapa ang saya sa aking dibdib. May mga oras na napapaisip ako, lalo pa't hanggang ngayon ay paulit-ulit pa rin na sinasabi ni Juliet na maghihiganti siya sa ginawa ko sa kanya."Posible kaya na makatakas pa siya sa bilangguan?" wala sa sariling naibulalas ko.Ngayon ay naisipan ko siyang dalawin ngunit bago pa man ako makaalis ng condo ay sunod-sunod ng katok sa pintuan ang nagpagulantang saakin."Sino na naman kaya ang mga 'to?" muling naibulalas ko."Surprise!" sabay-sabay na sigaw ng mg
TANGHALI na ng magising ako kinabukasan. Kaya naman tinatamad na bumangon ako.Dumiretso ako sa banyo para maligo at pagkatapos ay nagmamadaling nagluto ako ng almusal para kay Matthew.Abala ako sa paghahanda ng pagkain nang biglang tumunog ang aking cellphone. Sinilip ko iyon at si Patricia pala ang tumatawag."Pat.""Sir, na-nasaan na po ba kayo?"Ani Patricia na gumagaralgal ang tinig."Nasa bahay. Bakit anong nangyari?""Nandito si Maam Juliet. Kinakausap niya ang mga investors mo, pati na rin ang buong staff mo. Sinasabi niya na siya na raw ang may-ari ng kompanya mo!''"Wow! Good to know that Pat. Hayaan mo lang siya, tatawag na ako sa police station at isasama ko sila papunta diyan.""Thank you sir. Pakibilisan po at pinapahakot niya na palabas ng office ang mga gamit mo.""As in, feel na feel niya na talaga ang maging bagong owner!
HALOS mapunit ang reseta ng doctor dahil sa mahigpit kong pagkakahawak dito."Sir, okay ka lang po?" Nababahalang tanong sa'kin ni Margaret.Nang mga sandaling 'yon ay bigla kong naalala si Justin at hindi ko namalayam'g tumutulo na pala ang aking luha."Sir, bakit po kayo umiiyak?" muling tanong ni Margaret.Mabilis kong pinunas ang aking mga luha. Kapagkuwa'y ibinalik ko kay Margaret ang reseta ng doctor."Puntahan mo na si Matthew. Alagaan mo siyang mabuti huh! Hindi baleng wala ka'ng ibang magawa dito sa loob ng bahay. Ang mahalaga ay maalagaan mo lang ng maayos ang anak ko. Huwag mo rin'g kakaligtaan ang pagpapainom sa kanya ng mga gamot at vitamins na 'yan." Habilin ko kay Margaret."Sir, may sakit po ba si Matthew?" Patuloy na usisa nito kaya't napipilitan akong sagutin siya."Hindi normal ang blood cells ni Matthew. Mas mataas ang white blood cells niya kumpa