Tagaktak ang pawis niya nang makababa na siya ng bus. Basang-basa na rin ng pawis ang dilaw na blusang suot niya. Buti na lang at nakapantalon siya, pakiramdam niya ay mas komportable. Paano ba naman, siksikan ang tao, Biyernes kasi. Mabigat pa naman ang maletang kulay pink na dala niya. Tiis lang talaga nang makauwi ng Calamba. Ang daming tao sa istasyon. Alas singko na ng hapon at rush hour. Kasalukuyan siyang nag-aabang sa gilid ng may masasakyang taxi. Ilang minuto pa ay may huminto na sa tapat niya. Lumabas ang matipunong lalaki na mukhang ka edad niya lang. Impyernes, medyo pogi ito. Ngumiti ito habang lumalapit sa kanya. Kilala niya ba ako o talagang nahuhumaling lang siya sa ganda ko? Chos. Baka ganito lang talaga siya sa mga potensyal na pasahero. Nang patuloy lang ang pagtitig niya sa lalaki ay napakamot ito sa kanyang noo. “Betsy, ikaw nga. Ako 'to, si Kanor!” pagpapakilala nito. Kanor? K
Last Updated : 2021-06-22 Read more