Ang daming tao sa istasyon. Alas singko na ng hapon at rush hour. Kasalukuyan siyang nag-aabang sa gilid ng may masasakyang taxi.
Ilang minuto pa ay may huminto na sa tapat niya. Lumabas ang matipunong lalaki na mukhang ka edad niya lang. Impyernes, medyo pogi ito.
Ngumiti ito habang lumalapit sa kanya. Kilala niya ba ako o talagang nahuhumaling lang siya sa ganda ko? Chos. Baka ganito lang talaga siya sa mga potensyal na pasahero.
Nang patuloy lang ang pagtitig niya sa lalaki ay napakamot ito sa kanyang noo.
“Betsy, ikaw nga. Ako 'to, si Kanor!” pagpapakilala nito.
Kanor? Kilala ko ba ang mala-Luis Manzanong lalaking ito? Baka naman ma-iskam ako nito, ah.
Sinubukan niyang suriin sa memorya kung may kilala ba siyang Kanor ang pangalan. Kaagad siyang nahinto sa pag-iisip nang bigla na lamang itong napakembot nang may buong sigla sa harap niya.
“Ay! Kanor KulangKulang!’ singhap niya. “Ikaw pala. Kamusta ka na?” magalak niyang pagbati nang sa wakas ay naalala na ito. Salamat na lang sa pagkembot nito.
Si Kanor ang naging first ever boyfriend niya noong nasa first year pa lang siya sa high school. Ang sabi nga ng mga tsismosa niyang kapitbahay na puwede ng maging CCTV, ang aga niya raw kumirengkeng. Muntikan pa siyang makalbo ng kanyang Tatang noon dahil sa maagang pagbo-boyfriend. Mabuti na lang at napurnada dahil nakalimutang hasain ni Lolo June ang gunting gamit ang batong panghilod niya sa araw na iyon.
Muli niyang pinagmasdan ang lalaki na nasa harap niya. Malaki na ang ipinagbago ni Kanor. Patpatin ito noon at kulang na lang ay mapalid ng bentilador. At oo, KulangKulang talaga ang apelyido niya.
“Heto, pogi pa rin,” pabiro nitong sagot. “Sumakay ka na sa akin at nang maihatid kita.”
“Aba! Hindi ko yata alam na may gulong ka na ngayon at pupuwede ka ng sakyan!”
Napakamot si Kanor sa batok sabay ngisi. “Ikaw talaga, hindi ka na nagbago. Palabiro ka pa rin. Sumakay ka na sa taxi ko.”
“Sige ba,” sagot niya naman.
Binuhat nito ang maletang dala niya at inilagay ito sa may bandang likuran ng taxi. Pumasok na rin siya sa loob, sa may backseat. Nang makaupo na sila ay pinaandar na ni Kanor ang sasakyan.
“Kumusta ka na?” pagpapatuloy nito habang nagmamaneho. Nasa kalsada lang ang tingin.
“Heto, busy sa pagkayod. Ikaw? Nag-asawa ka na?” usyoso ni Betsy.
“Oo, may lima na nga kaming anak eh he he,” magalak na tugon ni Kanor.
“Wow, masyadong abala ah.”
“Ikaw? Balita ko abala ka raw sa trabaho. Milyonarya ka na siguro,” pang-aasar nito sa kanya.
“Ay hindi pa. Kulang na lang ng sampung piso,” biro niya naman pabalik.
Bumunghalit ito sa tawa at nang maging kalmando na ay nagpatuloy sa pagtatanong. “Kamusta ang lablayp natin? May masuwerting lalaki na ba?”
Maypagka Boy Abunda talaga itong si Kanor. Kaya hindi na niya ikinuwento na iniwan siya ng walanghiya niyang ex-boyfriend dahil daw magpa-pari ito. Pero isang araw, nakita niya na lang na may ka-kissing scene ng iba. Ang masaklap pa nito, isa ring fafa. At hayun ang confidence niya, nag-impake at namundok na sa Mount Everest.
“Wala sa ngayon. Magwa-walong buwan na,” sagot niya na lang.
“Weh? Sa ganda mong 'yan?”
Napahaplos siya sa mahaba niyang wavy at maitim na buhok. “Hendenemen mesyedow.”
Umaalik-ik na lang si Kanor dahil sa inasal ni Betsy.
Dahil sa napasarap ang usapan nila, hindi niya na napansin na huminto na pala ang sasakyan sa tapat ng bakal nilang gate. Bumaba na siya ng sasakyan at kinuha naman ni Kanor ang maleta niya na nasa likod ng sasakyan.
Matapos niyang magbayad ng pamasahe na umabot pa ng halos kalahating oras dahil noong una ay ayaw pa nitong tanggapin, pero dahil sa pamimilit niya ay nagbukas din ito ng palad, nagpaalam na siya sa first love kuno niya.
Nang makaandar na ang taxi paalis ay pumasok na rin siya ng gate. Tumambad sa kanya sa may batalan ang tatay niyang si Kulas na naka-shades sa alas singko ng hapon. Abot hanggang balikat ang buhok nito. Nagfe-feeling rakstar kasi. Kaloka talaga.
Naghihimas ito sa manok nitong panabong at halatang kinakausap na naman nito ang manok. Pokus na pokus ito sa ginagawa kaya marahil hindi nito namamalayan ang pagdating niya.
“Mananalo raw ba siya, Tang?” intrada niya.
Inangat nito ang tingin mula sa manok papunta sa kanya at awtomatikong ngumiti.
“Betsy! Ba't di mo sinabi na uuwi ka? Nasundo sana kita,” natutuwang sambit ng kanyang Tatang at humakbang patungo sa kanya. Tuluyan na nitong inabandona ang manok. Parang may humawak sa puso niya nang mapagtantong nangunguna pa rin pala siya sa ranking at nanatiling pangalawa lang ang manok sa puso ng ama.
“Para naman hong may sasakyan kayo, Tang. Saka na ho kapag pupuwede ng sakyan 'yang manok panabong ninyo,” tugon niya.
Umiling lamang ito at kinuha ang maletang hila niya.
Pumasok na sila sa loob ng bahay. Maaliwalas talaga ito kumpara sa apartment na tinutuluyan niya sa Maynila. Malaki ang espasyo at medyo makaluma ang disenyo. Isang masayang lugar. dahil na siguro sa kulay dilaw na pinta. Bago kasi namaalam ang kanyang Nanang sampong taon na ang nakalilipas dahil sa sakit sa puso, inihabilin nito na pinturahan ng dilaw ang buong bahay. Kaya para tuloy silang nakatira sa isang balat ng saging. Mabuti nga at hinog na.
“Si Lolo June ho?” tanong ni Betsy na tinutukoy ang nuwebenta- anyos niyang lolo na ulyanin na.
“Nasa kusina. Binabantayan ang sinasaing niyang bigas,” sagot ng kanyang Tatang habang inilalapag ang maleta niya sa may gilid ng aparador.
Pansamantala niyang iniwanan ang sala upang magtungo sa kusina. Sumunod na rin sa kanya ang kanyang Tatang. Talaga namang naabutan nila si Lolo June na hinihipan ang apoy. Gumagamit na naman ito ng panggatong. Napatingin ito kay Betsy, umaliwalas ang mukha, at ngumiti.
“Oy, may magandang dilag pala tayong bisita,” wika nito na maluha-luha pa ang mga mata dahil sa usok. Halatang hindi siya nakikilala pero hindi naman sumama ang pakiramdam niya dahil nasanay na rin.
“Lo, ba't diyan na naman kayo nagsaing? 'Di ba may rice cooker naman o di kaya'y kalan?” sabi niya sabay kuha sa kamay nito para magmano.
“Betsy! Ikaw pala. Haha!” Tumaas ang boses nito sa galak habang hinahawakan ang magkabilang balikat niya. Mabuti at sa wakas ay nakikilala na rin siya.
Niyakap niya nang mahigpit ang Lolo June niya kahit na nangangamoy usok ito. Na-miss niya talaga ito. Magtatatlong buwan na rin siyang hindi umuuwi. Matapos nilang magyakapan ay pinunasan niya ang luhang kusa na lamang tumulo mula sa kanyang mga mata.
Nagdadrama na naman ang lola!
Ibinaling niya ang tingin sa Tatang niya na halatang na awkward. Hindi rin ito ma-emosyonal na tao. Siyempre ayaw nitong masira ang image bilang isang trying really hard rockstar.
Lumapit siya sa kanyang ama at pasekretong bumulong. “Tang, 'di ba sabi ko sa inyo na 'wag hayaang gumamit si lolo ng panggatong para 'di na mahirapan.”
“Kilala mo naman ang Lolo June mo. Kailan ba 'yan nakinig sa'kin!?” depensa ng kanyang ama.
“Bakit pa ba kayo nagbubulungan diyan eh dinig na dinig ko naman kayo? Ulyanin nga ako pero hindi ako bingi,” may pagka-inis na komento ng kanyang Lolo habang tinititigan sila.
Hindi na sila nakapagsalita ng Tatang niya kaya nagsimulang kumulansing ang kanyang Lolo June.
“Noong panahon ko pa, nangunguha lang kami ng panggatong sa bukirin. Pa ray-rice cooker pa kayo eh nakakatamad lang naman 'yan. Nakakapag-iba pa ng lasa ng kanin. Lasang mapait!” ratsada nito.
Magkasabay silang napabuntong hininga ng kanyang Tatang. Paano ba naman, itong si Lolo June niya, napakatradisyunal. Dalawa o tatlong beses nga nang magsaing siya noon gamit ang rice cooker, kinailangan pa niyang ilipat ang lutong kanin sa loob ng kaldero para hindi mahalata ni Lolo June. Para tuloy siyang isang kriminal noon na takot mahuli.
“Oh siya, sige. May dala nga pala akong mga pasalubong galing Amerika,” pag-iiba na lamang niya ng usapan. “Nasa loob ng maleta at bukas ay bibilhan na kita ng bago mong pustiso, Lo.”
Alam na rin ng mga ito ang pagpunta niya ng New York noong nakaraang linggo. Ang sabi niya sa kanila ay pinapunta siya roon ng kanyang kompanya para maging isang representanti. Hindi na niya sinabi ang totoo na nagpanggap siya bilang ibang tao dahil natitiyak niyang hindi nila ito magugustuhan.
“Talaga? May kalamay ba?!” sabik na tanong ng Tatang niya sabay palakpak ng mga kamay.
Hay, ito talagang Tatang niya. Kahit saang lupalop siya manggaling, kalamay pa rin ang inaasahang pasalubong na madadala niya.
“Tsokolate po. Hayaan niyo po, sa susunod na pagpunta ko ng Estados Unidos eh, sasabihan ko po si Tom Cruise na bumili,” masarkasmong tugon niya sabay hakbang papuntang sala.
“Tom Krus?? Bago mo na namang boypren?” anito na biglang tumaas ang boses. Sumunod pala ito sa kanya sa may sala.
“Oho, ikakasal na nga ho kami.” Ngumisi siya sa out of this world imagination niya.
Sinimulan niya na ang pagbubukas ng maleta. Halos hindi niya mabuksan ang zipper nito dahil sa sikip.
“Anong ikakasal?!” halos pasinghal na pagkakasabi ng kanyang ama. “ 'Di ba sinabi ko na sa'yo, Betsy na dapat ay ipapakilala mo muna sa'kin ang pakakasalan mo nang malitis ko. Paano na lang kung mandurugas o walang hiya pala . . ."
Nagpatuloy sa pagbubunganga ang kanyang Tatang. Manang-mana talaga kay Lolo June. Huminto lamang ito matapos niyang maisaayos ang mga pasalubong na kinuha niya galing sa maleta. Natapos na rin ang pagsasaing ni Lolo June at nakasama na nila ito sa sala.
Matapos niyang ipamigay ang mga pasalubong sa dalawa ay naghapunan na sila. Nagkuwentuhan sila habang kumakain. Ito talaga ang pinakapaborito niyang gawin sa tuwing umuuwi siya ng probinsya. Babalik na naman siya sa trabaho sa Lunes kaya ay sinulit niya na ang panahong kasama ang dalawa.
Lunes na Lunes ay imbiyerna ang bungad ng gabi niya papasok ng trabaho. Kumaripas siya sa pagtakbo nang makalabas na ng elevator. Natuntong na niya ang ika-sampung palapag ng gusali ng Global Bank. Magsasampung minuto na siyang late sa trabaho. Paano ba naman, nakatulog siya sa kama. Alas tres ng hapon na siya bumalik ng Maynila galing Calamba.
Time check 7:40 pm!
Pansin niyang abalang-abala ang ibang empleyado. May tumpok ng supervisors ng iba-ibang departamento ang masinsinang nag-uusap sa may sulok. Nang nasa tapat na siya ng pintuan ng opisina ay nakasalubong niya ang papalabas at tila tarantang naglalakad nilang TL na si Patis. May hawak-hawak itong isang puting folder. Nagdilim siguro ang paningin nito nang makita siya. Bigla itong huminto sa mismong harap niya.
“Betsy Makabayan, you're ten minutes late!” anito sabay duro sa kanya.
Lintik!Nahuli ako ni terminator!Monitor talaga ng bakla ang iskedyul ng bawat isa.
Binigyan niya ito ng matamis na ngiti. Pa-inosente kumbaga.
“Ah eh. It was because I helped an old woman earlier on my way here, Pat. She was having trouble carrying her bag of groceries,” pagsisinungaling niya with matsing fingers crossed sa likod.
Nakatiim ang bagang at nakakuyom ang mga palad ni Pat habang tinititigan lang ang mukha niya.
Ek! Wa epek. Kamyas!
“Excuses!” singhal nito. “Go inside and take your calls! Our very important visitor will come in a few minutes. Now!” utos ni Patis na nag-uusok ang ilong. Parang Mayon lang na paputok na.
Nagmadali si Betsy sa pagtakbo papasok ng opisina. Napuna niyang abala ang lahat sa pagtatanggap ng mga tawag, ni wala man lang pumansin sa pagpasok niya. Lahat ay nakaupo nang deretso. Nakakapanibago dahil wala man lang ni isang nangungulangot. Kahit si Tonyo a.k.a Toyo ay hindi nagke-candy crush.
Nasa tamang departamento ba ako?!
Nawala ang pagka-aburido niya nang makita si Pam na naka-upo na at may kausap sa kabilang linya ng telepono. Pati ito ay deretso ang upo gayong parati naman itong nakadungo. Kalmado na niyang tinungo ang kyubikel at naupo na sa swivel chair. Binalingan niya ulit ang mga kasamahan. Nagtataka talaga siya dahil masyadong seryoso ang mga ito.
Si Hitler ba ang bisita namin ngayon?
Hindi pa man lang siya nagsisimulang tumanggap ng tawag ay bigla na lang bumukas ang pinto at pumasok ang kanilang supervisor na si Benny kasama ang isang Amerikanong nakasuot ng kulay itim na tailored suit. Napabaling kaagad siya sa porener na siguro ay ang inaabangan na bisita. Maaliwalas ang ngiti nito. Guwapo. Maitim ang budhi— este buhok. Tanned ang balat, matangkad, matipuno, matangos ang ilong, strong chiseled face.
Aba, parang pang nobela na ito ah!
At napaka-asul na mga mata.
Asul na mga mata!
Jusko po, Lord!
Kilala ko 'tong mga matang to!
Ano'ng ginagawa rito ng may-ari ng panulat?
Pakiramdam niya ay nakalutang siya sa kawalan habang pinagmamasdan ang napakapamilyar na kano na nasa harapan. Kinurot niya ang kaliwang braso para ma-check kung nananaginip lang ba siya ng gising o ano. Habang ginagawa ito ay nawindang na lang siya nang may kumurot din pabalik sa kabilang braso niya. Luminga siya at nakita si Pam na kunot ang noong nakatitig sa kabilang brasong kinukurot niya.“Anong nangyayari sa'yo, Betsin? Bakit nagse-self abuse ka?” pabulong na pagkakatanong nito.Akma niya na sanang ibubuka ang bibig upang sagutin ang kaibigan kaya lang natutop niya ang sasabihin dahil sa muling pagsasalita ng kanilang supervisor sa harapan. Sabay silang napabaling ng tingin dito.“Excuse me, everyone! Finish your current calls and then take the aux,” pahayag ni Benny sa napakapormal na tono.Napatingin ang mga kasamahan niyang katatapos lang ang tawag sakanilang supervisor at sa porener na lalaking bisita
Hindi niya inasahan ang naging tanong ni Jack sa kanya. Ang akala niyang sasabihin nito ay “Oh, it’s not Yuri Haruko?” o hindi kaya “What are you doing here, you liar?” Pansin niya rin ang pinaghalong pagkabigla at pagtataka ng lahat. Alam niya na kahit nakawiwindang man ang tanong nito lalo na at para sa kanya ay may lihim na agenda kailangan niya pa ring sumagot dahil naghihintay ang lahat. “Well, I-I think . . . they're great people!” aniya na pilit isinasalba ang sarili. Misteryosong kumurba paitaas ang sulok ng labi ni Jack. Umayos ito sa pagkakaupo at isinandal ang likod sa back rest ng swivel chair na inuupuan. “Of course,” tila ba kaswal na pagsang-ayon pa nito. “How about their language?” “I. Ah. I.” Pilit ang ginawang pangangapa ni Betsy sa isasagot dito. Mukhang alam niya na kung saan patungo ang usapan. “I'm sorry,” sambit ni Jack. “I know it's a random question. I just remembered this Japanese woman who taught me so
Nalaboan siya sa sinabi ni Jack. Kahit na ang dali lang naman intindihin ng sinabi nito, hindi pa rin ito rumehistro sa pang-unawa niya. “Ho? Ano what? I don't understand.” Nalilito si Betsy sa nangyayari. “I'm not Jack Wills,” pag-uulit ni Jack na mas lalo lang nagpagulo sa isipan niya. Sa pag-aakalang nagbibiro ito ay tumawa nang malakas si Betsy habang hinahawakan ang kanyang tiyan. Nang muli niya itong tiningnan ay natigilan siya. Napuna niyang seryoso pala talaga si Jack. “I . . . don't get it.” Naging matabang na ang ginawa niyang pagtawa. “Jack Wills is my brother. My twin brother,” paliwanag nito. Napagiwang si Betsy sa kinatatayuan. Mabuti na lang at nakahawak siya sa backrest ng silya na nakalagay sa harap ng mesa nito. Hindi niya napaghandaan ang naging rebelasyon nito. Pinagmasdan ni Jack ang reaksiyon niya. Parang nanuyo ang lalamunan niya. Unti-unti siyang napaupo sa silya. Dumapo ang kanyang tingin sa mesa
Kung nakakangawit ang pagsusuot ng heels, mas nakakangawit sa pwet ang maupo nang matagal. Dalawampung minuto ng nakaupo si Betsy sa loob ng restawrant habang naghihintay kay Jack Wills o kung ano man ang totoong pangalan nito. Alam niya naman na hindi itodatepero umuwi pa talaga siya ng apartment matapos ang shift para magpalit ng suot. Hindi na siya si Angel Locsin kundi si Alyana ng Probinsyano. Paano ba naman kasi, naka off-shoulder siya na floral dress at straps sandals. Ilang minuto pa ang lumipas at sa wakas ay dumating na rin si Jack. Napansin niyang ang tangkad pala talaga nito. Kaswal lang ang suot nito. Naka itim na T-shirt at itim na jeans. Terno sana sila kung hindi lang siya nagbihis. “I'm sorry to have kept you waiting. There was just an emergency which I had to attend to,” wika nito nang makaupo na sa tapat niya. “Oh no. I just got here,” pagsisinungaling ni Betsy. Ayaw niya namang isipin nito na nag
Si Devyn Wills ay isang sculptor. Hindi lang basta iskultor kundi kilala sa larangan ng sining. Ilan sa mga nagawa niya ay naidisplay na sa sikat na mga art galleries. Kabilang na rito ang New York, London, Paris, Singapore, at bansang Japan. Nakapangalumbaba si Betsy habang binabasa ang article patungkol kay Devyn Wills. Dahil sa nabasa niya ay nakumpirma niya na talaga na hindi panaginip ang mga nangyari at hindi isang prank ang sekretong ibinunyag sa kanya ni Jack—este Devyn pala. “Ano 'yang binabasa mo? Bakit mukha kang seryoso?” bulong ng boses na nagmumula sa kanang tainga niya. “Ay kambing!” bulalas niya sabay hawak sa dibdib dahil sa gulat. Lumingon siya at nakita ang kaibigang si Pam sa kanyang likod. “Pam, naman nanggugulat ka.” “Kanina pa kita tinatawag. Hindi mo ako pinapansin. Ano ba 'yan? Blind item sa showbiz article?” anito sabay sulyap sa computer. Mabilisan niyang isinara ang page at hinarap na si Pam. “Hmp. Wa
“Bloody hell. That was . . . shit," usal ni Devyn matapos halos mapabuga. Pinunasan nito ang bibig gamit ang likod ng kamay. Halata ang pamumutla ng pisngi nito. Nagsalin uli si Betsy sa baso at inangat ito para ialok kay Devyn. “Do you want some more?” Mabilis ang ginawa nitong pag-iling. Hindi pa rin maipinta ang hitsura nito kaya kinuha ni Betsy ang baso at siya na lang ang lumagok ng laman nito. “Your loss. It's our famous local liquor,” pagmamayabang niya. “Are you planning to get drunk . . . at this hour?” anito sabay sulyap sa suot nitong Rolex na relo. “Probably, unless you summon us to show at work.” Ibinaba na ni Betsy ang baso at nagsalin uli saka uminom. Sinusundan nito ng tingin ang bawat paggalaw ng mga kamay niya. Naniningkit ang mga mata ni Devyn habang pinagmamasdan siya. “Actually, I already sent a memo to the admin to let the agents take the night off." Inilapag ni Betsy ang bas
“Thank you for calling Global Bank. This is Betsy. How can I help?” madulas niyang bungad sa caller na nasa kabilang linya. Pang-huling caller na niya ito bago ang lunch break niya sa trabaho na kahit gabi lunch break pa rin ang tawag. Siyempre, literal nilang ginagawang araw ang gabi dahil sa pagkakaiba ng time zones. “Hi, Betsy. My girlfriend just broke up with me. What shall I do?” pambungad ng lalaking caller niya gamit ang mangiyak-ngiyak na boses sa kabilang linya. “Hindi ho ako dj sa radyo.” “What did you say?” Halos mapatampal siya sa mukha. Napalakas niya pala ang pagkakasabi noon. “I mean did you do something wrong to upset her?” “Well I just went out with my friends! What is wrong with that?”Halos suminghal na ito sa pagiging high blood. “Hmp. So what do you want to do on your account, sir?" “Oh yes.” Bahagya na itong kumalma. “ Uh . . . I would like to hav
Multo, bampira, tiktik, madre, white lady, at sandamakmak na superheroes. Sila ang bumungad sa kanya pagpasok niya sa loob ng gusali. Day-off niya sana ngayon pero pumasok na lang siya dahil sa most awaited na Halloween party. Nagbabakasakali rin siyang manalo sa pa-contest ng costumes para pandagdag kita. Pumasok na siya sa loob ng elevator para makarating sa tenth floor. Nakasabay niya sa pagsakay sina Jon Snow, at si Batman. Nag-uusap ang dalawa at tumango ang dalawa nang makita siya. “Onyok, sama ka sa amin sa inuman mamaya ah,” pag-iimbita ni Jon Snow sabay pangungulangot. “Sure, bro. Nang maka-iskor naman ako kay April,” tugon ni Batman habang pakamot-kamot sa pwet. Napailing na lang si Betsy sa sulok. Ilang sandali pa ay pumasok si Valak na nakasuot ng red heels at halatang may kausap sa cellphone. “ . . . kasi wala nga akong datong. Naiskam nga ako sa puchang sisiw na 'yon,” sabi nito sa kausap na nasa kabilang linya.
Special Chapter “Basically, our market is expected to benefit from the increasing focus . . . to survive the constantly changing business dynamics. . .” Okay. Nasaan na nga ba sila at ano na ba ang dini-discuss? Tahimik na tanong ni Betsy sa sarili habang pinagmamasdan ang mga kasamahan niya sa loob ng conference room sa New York na tila ba nagdedebate na. Karamihan ng mga kasama niya ay mga lalaki.Napakaseryoso nito sa usapin patungkol sa kompanya. “So we can focus on core competencies, even generating avenues for market growth,” sabad ng isa pang miyembro ng board. Dumapo ang tingin ni Betsy sa malaking tiyan nito. “Well, I guess we can also focus on reducing the cost of business for global resources in order for us to meet the growing industry demand,” suhestiyon naman ng isa pa. Napakapit nang mahigpit si Betsy sa ilalim ng mesa nang balingan siya nito. “What's your opinon, Mrs. Wills?”
Masigabong palakpakan ang ibinigay nina Betsy, Ashley at Pam matapos mapanood ang palabas kung saan isa sa mga bida si Sue. Sa apartment ng magkapatid na Pam at Sue sila nanonood nito. Nakatingin pa rin sila sa flat screen tv habang pinagmamasdan ang pag-roll ng credits ng palabas. “Wow! Ang galing mo, Sue!” tili ni Ashley sabay tulak kay Sue na nakaupo sa tabi nito sa sofa. “ ‘Yong iyak mo ro’n, grabe! Parang sinabihan ka lang ng direktor niyo na magiging single na forever!” “Uh. . . Sakto lang naman,” nahihiyang tugon ni Sue at bumalik na sa pagkakaupo. “Dahil lang naman iyan sa acting workshops ko.” “Congratulations ulit, Sue,” bati naman ni Betsy. Masayang-masaya siya sa success ng nakababatang kapatid ni Pam. “Nakuha mo na talaga ang break mo sa showbiz.” Tiningnan siya ni Sue at ngumiti ito. “Thank you, Betsy. Congrats din sa engagement mo.” Uminit ang pisngi ni Betsy at ngayon ay sa kanya na nakabaling ang atensiyon ng ta
Magkasama nilang ipinagdiriwang ang pasko sa Calamba. Si Betsy, Devyn, Nanay G at Tatang. Nanay G na ang tawag niya sa balong si Aling Gloria dahil tuluyan na ngang naging official ang dalawa. Masaya naman si Betsy dahil may kasama na ang kanyang Tatang sa bahay at napapanatag din siya dahil alam niyang masayang-masaya ang kanyang ama. Nakita niya rin kung gaano kabuting tao si Aling Gloria at sobra naman talaga itong maalaga sa Tatang niya. Malaki ang ngiti ng bawat isa nang magbukas na ng regalo. Nangawit pa sila dahil ang dami naman kasing ipinamigay na regalo ni Devyn. Kahapon pa ito dumating mula sa New York at si Betsy na ang sumundo rito sa airport. Bumalik si Devyn sa New York upang asikasuhin ang naging krisis sa kompanya. Pinanatag din ni Devyn ang loob ni Betsy na magiging okay din ang lahat. Habang nagkukwentuhan ang tatlo sa may sala ay nagpunta muna si Betsy sa kuwarto ng kanyang Lolo June. Nang nasa tapat na siya ng pinto ng kuwarto nito
“Ano bang ginagawa natin dito sa salon?” nagtatakang tanong ni Pam. “Iinom ng beer,” sarkastikong tugon ni Ashley. “Ano pa ba, eh 'di magpapaayos! Magme-make over ka para sa revenge mo.” “A-Ayaw ko ng maghigante, Asin,” giit ni Pam. “Pwes kami gusto!” Hinawakan siya sa may braso ni Ashley at hinila na papasok ng hair salon. Tahimik namang nakasunod lang sa kanila si Betsy sa likod. Walang nagawa si Pam at nagpatianod na lamang. Umupo na ito at hindi nagtagal ay nilapitan din ng baklang hairstylist. Naupo naman sina Betsy at Ashley sa sofa. “Anong gusto mong hairstyle, sis?” anang bakla kay Pam. “'Yong babagay sa kanya at mas gaganda pa siya!” si Ashley ang sumagot. Tumango ang bakla at pinagtuonan na ng atensiyon si Pam. Hindi na nito ginupitan si Pam dahil mas bagay daw dito ang may mahabang buhok. Kinulot lang nito ang dulo ng buhok ni Pam at nilagyan ng highlights. Sa huli ay naging mat
Iba talaga ang nagagawa ng pagkakaroon ng isang masayang love life. Napatunayan ito ni Betsy dahil habang tumatanggap ng mga tawag sa kanyang trabaho at maski iritado ang kanyang mga caller ay hindi pa rin ito nakaapekto sa magandang performance niya. Mahaba pa rin ang naibigay niyang pasensiya sa kanila. Matapos maibaba ang huling tawag niya bago ang kanyang break ay muli siyang napatingin sa bakanteng upuan ni Pam. Naninibago siya dahil absent ang matalik na kaibigan gayong napaka-workaholic naman nito. Tinanggal niya ang suot na headset at inilapag ito sa ibabaw ng kanyang desk. Tumayo na siya at insakto naman ang ginawang pagdaan ni Ashley sa likod niya. "Bakit absent daw si Pam?" tanong niya na nagpahinto naman nito sa paglalakad. "Ewan. Hindi naman nagsabi sa'kin," kibit-balikat na sagot ni Ashley. "Tinanong nga ako ni Patis kanina, eh kasi hindi raw nag-call in si Pam." Nagpakawala ng mababaw na buntonghininga s
Magkahawak ang kamay nina Betsy at Devyn habang papasok sila sa bahay nina Betsy sa Laguna. Naghihintay na sa kanila sa loob ang kanyang Tatang. Bago pa man buksan ni Betsy ang pinto ay binalingan niya ng tingin si Devyn. “Are you nervous?” “No. I’m cool,” tugon ni Devyn at pagkatapos ay binalingan ng tingin ang saradong pinto. “He’s not . . . he isn’t mad at me, right?” Napangiwi si Betsy. Muli niyang naalala ang naging babala ng kanyang Tatang noong sinabihan niya ito sa plano ni Devyn na mag-live in sila. “I think . . . not.” Alam naman ni Betsy na masama ang magsinungaling pero sa pagkakataong ito ay gusto niya lang naman na hindi mag-alala si Devyn. At siguro naman nasa good mood ang kanyang Tatang dahil sa masayang love life nito. “Right.” Nagpakawala ng panatag na buntonghininga si Devyn at umayos na ng tayo. Binuksan na ni Betsy ang pinto at pumasok sila sa loob. Hindi nga siya nagkakamali at nakitang naghihintay
Bumagsak ang balikat niya dahil sa pagiging dismayado. Nagsisimula na siyang panghinaan ng loob. “Oh. Do you know where he's going?” Nagkibit ng balikat si Rudy. May tingin ng simpatyang dumaan sa mga mata nito. “I don't have any idea. I can call him if you want.” “No thanks. Never mind.” Nasabi na lamang ni Betsy. Ayaw niya naman kasing ipaalam kay Devyn ang pagpunta niya sa New York. Baka kasi iwasan lang siya nito bago pa man siya makita o magkaroon ng pagkakataon upang makausap ito. Nagpaalam na si Betsy kay Rudy. Bigo siyang umalis at tinungo ang taxi na talaga namang hinihintay pa siya. Wala siyang imik na pumasok sa loob at naupo sa harapan. “Didn't go well then,” tahimik na puna ni Steve sabay lingon sa kanya. “So, where do we go next?” “To the Philippines,” wala sa sariling sagot ni Betsy. Mahinang natawa si Steve. “Well, that's really far away. How about somewhere much nearer?” Napapalakpak si Betsy at
Bumagsak ang panga ni Betsy at makailang beses pa siyang napakusot sa kanyang mga mata. Ano'ng ginagawa ng haponesa rito sa harap niya? At paano siya nito natunton? “Ms. Haruko? What are you doing here?”pagsasatinig niya sa tanong na nasa isipan. Nagkibit ng balikat si Miss Haruko sabay kalmanteng sulyap sa paligid. “I was in the neighborhood.” Mabilis na napalingap si Betsy sa 'neighborhood' na tinutukoy ni Miss Haruko at nahagilap ang mga barung-barong na mga tirahan. May umiihi pa nga sa may gilid ng poste. Napakamot na lang siya sa batok at ibinaling muli ang atensyon sa haponesa. “What can I do for you this time?” tanong niya. Nasisiguro niyang may sadya ang haponesa sa kanya. Umiling si Miss Haruko. Naba-bother talaga si Betsy sa laki ng sombrero na suot nito. Kasya yata siya sa loob. “It's not what you can do for me. It's whatIcan do for you,” misteryoso nitong sinabi. N
“Don't wanna feel another touch! Don't wanna start another fire! Don't wanna know another kiss! I'll never love again. I'll never love agaiiiiiiiin! Ooohhhh. Okay! Next song! Helloooo from the other siiiiide! I wish I can say that I've tried. To tell you I'm sorry for breaking your heaaaaart. Sayang na sayang talaga! Sayang na sayang talaga! 'Wag kang susuko. Wag kang susuko!” Hay. Nakakapagod naman talaga ang kumanta ng medley. Lalong-lalo na kapag acapela. Talo pa yata ni Betsy si Manang Adele sa pagkanta. Malat na malat na ang boses niya at kaboses niya na yata si Inday Garutay. Nagsalin siya ng beer sa baso at lumagok. Hindi niya na mabilang kung ilang bote ng beer na ang kanyang naubos. Lugmok na lugmok siya dahil sa nangyari sa kanila ni Devyn. Iinumin niya na sana ang beer mula sa baso pero nabitin sa ere ang pagkakahawak niya nito dahil sa naririnig niya na namang katok sa may pintuan. Marahil si Aling Petra na naman ito. Babal