Pakiramdam niya ay nakalutang siya sa kawalan habang pinagmamasdan ang napakapamilyar na kano na nasa harapan. Kinurot niya ang kaliwang braso para ma-check kung nananaginip lang ba siya ng gising o ano. Habang ginagawa ito ay nawindang na lang siya nang may kumurot din pabalik sa kabilang braso niya. Luminga siya at nakita si Pam na kunot ang noong nakatitig sa kabilang brasong kinukurot niya.
“Anong nangyayari sa'yo, Betsin? Bakit nagse-self abuse ka?” pabulong na pagkakatanong nito.
Akma niya na sanang ibubuka ang bibig upang sagutin ang kaibigan kaya lang natutop niya ang sasabihin dahil sa muling pagsasalita ng kanilang supervisor sa harapan. Sabay silang napabaling ng tingin dito.
“Excuse me, everyone! Finish your current calls and then take the aux,” pahayag ni Benny sa napakapormal na tono.
Napatingin ang mga kasamahan niyang katatapos lang ang tawag sa kanilang supervisor at sa porener na lalaking bisita na nakatayo sa harap. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig na may kasamang yelo mula Antarctica.
Dahil sa takot at panginginig ay hindi niya na namamalayan na unti-unti na pala niyang iniyuyuko ang ulo at isinisiksik ang sarili sa katabing si Pam na titig na titig naman sa bisita.
“Anyare sa'yo, Betsin? Nilalamig ka ba?” may pagtatakang tanong nito nang mapansin ang ginagawa niya.
Umiling-iling lang siya at mas isiniksik pa ang sarili sa kutson— este sa kaibigan! May pagtataka man sa hitsura nito habang tinitingnan siya ay inignora na siya nito at ipinagpatuloy ang pagtitig sa bisita.
May ibinulong si Benny sa bisita at tumango ito sabay tingin sa paligid hanggang sa dumako na nga ang mapanuring tingin nito sa kanila na mga empleyado. Mabuti na lang at nakukubli siya ng katawan ni Pam.
Stay busog, bes! Cheer niya sa isipan.
Nang halos lahat ay nakatuon na ang atensyon sa kanila dahil tapos na sa kanya-kanyang tawag, nagpatuloy si Benny sa pagsasalita.
“Hello everybody! I'd like you to officially meet the founding partner of Global Bank, Mr. Jack Wills!”
Putobungbong! Siya nga talaga!
Tipid na ngumiti si Jack at tumango sa ginagawang pagpapakilala sa kanya ni Benny sa lahat.
“Mr. Jack Wills will be staying with us for a week to check our operation in here. Let's show him how hardworking we are,” pagpapatuloy ng litanya ng kanilang supervisor.
Pasadyang umubo si Jack Wills at pagkatapos ay nagsalita. Tipid itong ngumiti.
“Thank you, Benny. I'll be hanging around here so don't mind me. Just pretend I'm a bug,” pagbibiro nito pero wala ni isa ang natawa. Patuloy lang ang seryosong pagtitig sa kanya.
Sumenyas si Benny sa kanina pa pa lang nasa gilid na si Patrick. Kaagad nitong naintindihan ang gustong mangyari ng kanilang supervisor kaya mabilis itong umaksiyon at kumuha ng upuan para ibigay kay Jack. Halatang-halata pa na nahihirapan ito sa pagbubuhat. Mas mabigat pa kasi ang silya sa kanya. The struggle is real.
Tanging tunog lang ng hinihilang upuan ang namayani sa buong paligid. Pakiramdam tuloy ni Betsy para silang nanonood ng palabas na cartoon. Nang mapansin ni Jack na naghihingalo na ang kanilang TL, tinulungan niya ito sa pagbubuhat ng silya. At walang kahirap-hirap niya itong nabuhat.
Nakabibingi ang katahimikan ng paligid. Mas napaunat ang pagkakaupo ng lahat. Nagtinginan ang bawat isa. Hindi inaasahan na magpipirmi pala ang bisita sa loob ng opisina. Para silang mga estudyanteng binisita ng prinsipal sa silid.
“You may continue taking calls now,” utos ni Jack Wills matapos makaupo na nang komportable sa silya.
Pinagpatuloy na ng lahat ang trabaho. Nanginginig pa rin ang mga labi ni Betsy dahil sa kasalukuyang nangyayari. Para siyang wala sa sarili. Nag-aalala siya na baka tumaas pa ang AHT niya at masira ang with flying colorful birds na record dahil sa pagiging kabado!
Pabalik-balik ang sekretong pagsulyap niya kay Jack. Masinsinan itong nakikipag-usap lang kay Benny. Minsan tumatango lang ito habang nakikinig sa sinasabi ng kanilang supervisor na pansin naman ni Betsy ay habang tumatagal padikit nang padikit kay Jack. At paminsan-minsan naman ay sumasabad si Jack dito.
Makalipas ang kalahating oras ay tumayo na si Jack at lumabas ng opisina kasama ni Benny. Akala niya ay iyon na 'yon. Ngunit biglang lumabas ang kaluluwa niya nang mabasa ang nag pop up na mensahe sa group chat ng kanilang team.
Conference Room with Jack Wills in ten minutes!
Hindi siya mapalagay. Habang patuloy lang sa pakikipag-usap si Pam sa customer nito ay ni-mute niya naman ang sa kanya. Nakatitig lang siya sa oras na nasa computer ko.
Anim na minuto.
Pito.
Walo
Siyam----
“Hoy, Betsin! Halika na,” tawag sa kanya ni Pam.
Napakurap pa siya ng ilang beses habang tinitingala ang kaibigan na nakatayo na pala sa gilid niya. Nakakunot ang noo ni Pam habang pinagmamasdan siya.
“Saan?”
“Sa Conference Room.” Iminuwestra ni Pam ang computer ko at nagtaas ng isang kilay. “Hindi mo ba nabasa ang mensahe sa banking team?”
Napipi si Betsy. Baka mahuli siya ni Jack at patalsikin sa kompanya. Saan na siya nito pupulutin? Paano na lang sina Tatang at Lolo June? Eh kung pumasok na lang kaya siya sa showbiz tutal magaling naman siyang artista? Pero baka kapag pumasok siya ay ma-l**k siya kaagad kay Paolo Avelino. Ayaw pa naman niya ng isyu! Harujusko!
Mas lalong dumiin ang pagdikit ng pwet niya sa upuan dahil sa lahat ng tumatakbo sa isipan niya na puweding mangyari kapag tuluyan na siyang mabisto.
“Halika na. Ano ba ang nangyayari sa'yo? Kanina ka pa ganyan,” ani Pam habang hinihila na siya mula sa upuan.
Pilit niyang idinikit ang pwet sa upuan at hindi nagpatinag. Pakiramdam niya ay para na siyang kinakabagan sa matinding kaba. Sa upuan na yata nakasalalay ang kaligtasan niya.
“Hindi na lang ako pupunta. Natatae ako. Kailangan ko magbanyo!” desperadang palusot niya sa determinadong kaibigan.
Napatingin sa kanya ang iba niya pang kasamahan na parang iniisip na nasisiraan na siya ng tuktok. Umasim ang mukha ni Pam habang tinititigan siya. Ilang segundo nitong sinuri gamit ang naninimbang na tingin ang bawat sulok ng mukha niya.
“Tumigil ka. Mataba nga ako pero hindi ako bobita,” ani Pam. “Kilala kita, girl, at hindi ganyan ang mukha mo kapag taeng-tae ka na.”
“Huh? Bakit? Paano ba ang hitsura ko?” seryosong tanong ni Betsy sabay higpit ng hawak sa likod ng swivel chair. Parang naging lifeline niya na talaga ito.
“Ganito.” Ipinikit ni Pam ang kanyang mga mata at nagpalabas ng malalim na hinga na parang nanganganak. Namumula pa ang mukha nito habang lumulubo dahil sa hangin ang magkabilang pisngi.
“Paminta, ilabas mo 'yan. Baka magka-cancer ka,” patutsada ni Tonyo nang madaan sa harap nila.
Pansamantala siyang binitiwan ni Pam upang batukan si Tonyo. Namumula na ang mukha ni Tonyo dahil sa madiing pagpilipit ni Pam sa kanyang braso sa leeg nito. Bago pa man tuluyang mag ala-sumo wrestler ang kaibigan niya at mapatay ang kawawang si Tonyo ay inawat niya na. Napansin kaagad ng kanilang team leader ang kaguluhan na nangyayari sa gawi nila kaya lumapit ito.
Tumigil ito sa tapat nila kaya sabay silang napatuwid ng tayo. Lumaki na naman ang butas ng ilong ng kanilang team leader na akala mo ay nag-uusok.
“Why are the three of you still here? The others are in the conference room already.” Napansin siguro nito na sa ilong niya lang nakatitig sina Bersy, mas lalo tuloy itong na high blood.
“What are you waiting for? Christmas?! Move!” singhal nito.
Matulin silang napatakbo palabas ng opisina. Wala na siyang nagawa kundi sumama kaysa naman matsugi pa sa mga kamay ni Patis.
Sila na lang pala ang nahuling pumasok sa loob ng conference room. Ang ibang kasamahan nila ay nakaupo na maliban kay Sue na lumiban. Ang rason nito ay natrangkaso raw, eh ang totoo nag-audition sa Star Hunt.
Umupo na rin si Betsy at patuloy pa rin na nakadikit kay Pam. Mistulan na silang conjugal twins kung titingnan dahil sa sobrang lapit nila sa isa’t-isa. Kabado niyang iginala ang tingin sa mga taong nasa loob ng silid. Napuna niya na wala pa sa loob ang Amerikano kaya panandalian siyang nakahinga ng maluwag.
Kung alam niya lang sana na ito pala ang bisita ay nagpamake-over na siya. Nagpa-bob haircut with matching fringe bangs para hindi makilala. Paano na lang kung mamukhaan siya nito at maalala ang kabalastugan na ginawa niya noon sa New York? Napuno ng pangamba ang isipan niya.
Paglaon ng ilang segundo ay bumukas ang pinto. Pumasok si Benny, Patrick, at walang iba kundi si Jack Wills. Nagtama kaagad ang tingin nilang dalawa. Biglang natigil sa paglalakad si Jack. Bakat ang sorpresa sa mukha nito ngunit madali naman itong nakabawi at nagpatuloy na sa paglalakad. Napansin ni Betsy ang bahagyang pag-iling ni Jack Wills.
Nang makaupo na ito sa silya ay muli niyang sinulyaan si Betsy. Nagpirmi ng ilang segundo ang deretsong titig nito sa kanya. Hindi na tuloy naiwasan ni Betsy ang panginginig ng kanyang tuhod. Kitang-kita siguro nito ang pamumutla niya. Pasimple nitong iniwas ang tingin at binalingan na ang lahat ng empleyadong nakapalibot sa malaking mesa.
“I apologize for this inconvenience. I requested a conference to assess any difficulties you have in some areas,” deretsahan at tuloy-tuloy na pagsalaysay ni Jack.
Naghintay muna ito ng ilang segundo para siguro sa reaksyon ng mga empleyado. Nang mapansin nitong tahimik ang lahat ay nagpatuloy ito.
“Are you always this quiet? Don't be afraid. I don't bite,” anito sa magaang boses sabay kindat.
Napatawa naman ang lahat at medyo nakabawas ito sa nararamdamang nerbiyos o baka naman si Betsy lang 'yon.
“Ha!” halatang pilit na pagtawa ni Betsy na umalingawngaw pala dahil napalingon ang lahat sa kanya. Mabilis niyang itinikom ang bibig at unti-unting yumuko.
Bigla na lang itinaas ni Ashley ang kanan nitong kamay kaya nawala rin ang atensiyon ng lahat kay Betsy.
“I have some concerns, Mr. Wills," apila ni Ashley.
Mula kay Betsy ay inilipat ni Jack ang tingin kay Ashley.
“Oh. Please, just call me Jack. And you are?” tanong ni Jack.
Gumikgik ang queen bee at umakto pang nag-iipit ng tikwas na buhok sa likod ng tainga kahit wala naman dahil mahigpit ang high ponytail niya. Echosera!
“I'm Ashley. You can call me anytime— I mean Ash.”
Isang beses na tumango si Jack. “Well, before we do that, I want to know everybody's names first. Just to get the feel of things.”
Bigla nabilaokan si Betsy sa kinauupuan niya. Mabibisto na talaga siya nito!
“I think we should start with the team leader,” suhestiyon ni Benny na nakatayo na parang guwardiya sa gilid ni Jack. Tipid na tinanguan nito si Pat na nakaupo sa kanang bahagi bilang hudyat na magsimula na.
“Hi, Jack. I'm Patrick Gomez,” pagpapakilala ng kanilang TL na may ngising aso pa. First time yatang nakita ni Betsy at ng kanyang mga kasamahan ang ngiti nito.
Sumunod naman ang tuwid na tuwid na nakaupo sa gilid nitong si Tonyo.
“I'm Tonyo Makabagbag, Sir. It's a great pleasure to meet you! We all know that you're a legend in the business and truly I am so—“
Natigil sa kadadaldal si Tonyo dahil sa marahas na pasadyang pagtikhim ni Benny. Iminuwestra nito ang kasunod na empleyado.
“Jerry Manlatay,” deretsong pagpapakilala ng katabi ni Tonyo.
Nagpatuloy sa pagpapakilala ang iba pa. Nakayuko lamang si Betsy at kinilabutan nang marinig na nagpapakilala na rin si Pam. Halos mapairap pa siya kundi lang dahil sa nerbyos sa paraan ng pagpapakilala ni Pam sa sarili. Masyado kasing mahinhin na parang isang boses ng dalaga na kabababa lang ng bundok. Ano na ba ang nangyayari sa mga kasamahan niya? Bakit hindi na ito umaastang normal?
“And you are?”
Napaigtad siya matapos marinig ang hindi maipagkakailang baritonong boses ni Jack. Pag-angat niya ng tingin ay tumambad sa kanya ang napaka-asul nitong mga mata. Tila may kuryente na dumadaloy mula sa kalingkingan ng mga paa niya hanggang sa tuhod. Pagtingin niya sa ibaba ay mayroon pa lang charger ng cellphone na naiwang nakasaksak.
Kabote!
Inangat niyang muli ang tingin. Nagsitayuan ang balahibo niya nang mapansing nanatili pa rin ang titig ni Jack sa kanya. Pilit niyang binubuksan ang bibig pero parang may sarili itong utak at ayaw makipag-cooperate sa kanya.
“What's your name?” pag-uulit na naman ni Jack. May kakaibang kislap sa mga mata nito na hindi maintindihan ni Betsy kung ano at para saan.
“I'm Betsy. Betsy Makabayan,” sagot niya sabay lagok. Halos hindi niya na makilala ang sariling boses. Tunog naiipit na daga ito. Ramdam niya na ang pawis na marahang tumutulo mula sa likod ng tainga niya pababa sa leeg.
“Betsy. Ah.” Binigkas ni Jack ang pangalan niya na para bagang sinusubukan itong ipamilyar. Pinalandas nito sa kanyang baba ang hintuturo. Pinilig din nito ang ulo habang tinititigan si Betsy.
Nakatingin lang si Betsy rito na para bang naghihintay ng kanyang kapalaran. Hindi niya maintindihan kung bakit hindi niya magawang mag-iwas ng tingin sa kabila ng puwedeng mangyari. May tsansa pa naman siguro na hindi siya nito nakikilala.
Umaasa si Betsy na nakalimutan na nito ang nangyari noon sa New York.
Gumuho ang mundo niya nang muli itong magsalita.
“So . . . Betsy, what are your thoughts about Japanese?” nakangising tanong ni Jack sa kanya.
Hindi niya inasahan ang naging tanong ni Jack sa kanya. Ang akala niyang sasabihin nito ay “Oh, it’s not Yuri Haruko?” o hindi kaya “What are you doing here, you liar?” Pansin niya rin ang pinaghalong pagkabigla at pagtataka ng lahat. Alam niya na kahit nakawiwindang man ang tanong nito lalo na at para sa kanya ay may lihim na agenda kailangan niya pa ring sumagot dahil naghihintay ang lahat. “Well, I-I think . . . they're great people!” aniya na pilit isinasalba ang sarili. Misteryosong kumurba paitaas ang sulok ng labi ni Jack. Umayos ito sa pagkakaupo at isinandal ang likod sa back rest ng swivel chair na inuupuan. “Of course,” tila ba kaswal na pagsang-ayon pa nito. “How about their language?” “I. Ah. I.” Pilit ang ginawang pangangapa ni Betsy sa isasagot dito. Mukhang alam niya na kung saan patungo ang usapan. “I'm sorry,” sambit ni Jack. “I know it's a random question. I just remembered this Japanese woman who taught me so
Nalaboan siya sa sinabi ni Jack. Kahit na ang dali lang naman intindihin ng sinabi nito, hindi pa rin ito rumehistro sa pang-unawa niya. “Ho? Ano what? I don't understand.” Nalilito si Betsy sa nangyayari. “I'm not Jack Wills,” pag-uulit ni Jack na mas lalo lang nagpagulo sa isipan niya. Sa pag-aakalang nagbibiro ito ay tumawa nang malakas si Betsy habang hinahawakan ang kanyang tiyan. Nang muli niya itong tiningnan ay natigilan siya. Napuna niyang seryoso pala talaga si Jack. “I . . . don't get it.” Naging matabang na ang ginawa niyang pagtawa. “Jack Wills is my brother. My twin brother,” paliwanag nito. Napagiwang si Betsy sa kinatatayuan. Mabuti na lang at nakahawak siya sa backrest ng silya na nakalagay sa harap ng mesa nito. Hindi niya napaghandaan ang naging rebelasyon nito. Pinagmasdan ni Jack ang reaksiyon niya. Parang nanuyo ang lalamunan niya. Unti-unti siyang napaupo sa silya. Dumapo ang kanyang tingin sa mesa
Kung nakakangawit ang pagsusuot ng heels, mas nakakangawit sa pwet ang maupo nang matagal. Dalawampung minuto ng nakaupo si Betsy sa loob ng restawrant habang naghihintay kay Jack Wills o kung ano man ang totoong pangalan nito. Alam niya naman na hindi itodatepero umuwi pa talaga siya ng apartment matapos ang shift para magpalit ng suot. Hindi na siya si Angel Locsin kundi si Alyana ng Probinsyano. Paano ba naman kasi, naka off-shoulder siya na floral dress at straps sandals. Ilang minuto pa ang lumipas at sa wakas ay dumating na rin si Jack. Napansin niyang ang tangkad pala talaga nito. Kaswal lang ang suot nito. Naka itim na T-shirt at itim na jeans. Terno sana sila kung hindi lang siya nagbihis. “I'm sorry to have kept you waiting. There was just an emergency which I had to attend to,” wika nito nang makaupo na sa tapat niya. “Oh no. I just got here,” pagsisinungaling ni Betsy. Ayaw niya namang isipin nito na nag
Si Devyn Wills ay isang sculptor. Hindi lang basta iskultor kundi kilala sa larangan ng sining. Ilan sa mga nagawa niya ay naidisplay na sa sikat na mga art galleries. Kabilang na rito ang New York, London, Paris, Singapore, at bansang Japan. Nakapangalumbaba si Betsy habang binabasa ang article patungkol kay Devyn Wills. Dahil sa nabasa niya ay nakumpirma niya na talaga na hindi panaginip ang mga nangyari at hindi isang prank ang sekretong ibinunyag sa kanya ni Jack—este Devyn pala. “Ano 'yang binabasa mo? Bakit mukha kang seryoso?” bulong ng boses na nagmumula sa kanang tainga niya. “Ay kambing!” bulalas niya sabay hawak sa dibdib dahil sa gulat. Lumingon siya at nakita ang kaibigang si Pam sa kanyang likod. “Pam, naman nanggugulat ka.” “Kanina pa kita tinatawag. Hindi mo ako pinapansin. Ano ba 'yan? Blind item sa showbiz article?” anito sabay sulyap sa computer. Mabilisan niyang isinara ang page at hinarap na si Pam. “Hmp. Wa
“Bloody hell. That was . . . shit," usal ni Devyn matapos halos mapabuga. Pinunasan nito ang bibig gamit ang likod ng kamay. Halata ang pamumutla ng pisngi nito. Nagsalin uli si Betsy sa baso at inangat ito para ialok kay Devyn. “Do you want some more?” Mabilis ang ginawa nitong pag-iling. Hindi pa rin maipinta ang hitsura nito kaya kinuha ni Betsy ang baso at siya na lang ang lumagok ng laman nito. “Your loss. It's our famous local liquor,” pagmamayabang niya. “Are you planning to get drunk . . . at this hour?” anito sabay sulyap sa suot nitong Rolex na relo. “Probably, unless you summon us to show at work.” Ibinaba na ni Betsy ang baso at nagsalin uli saka uminom. Sinusundan nito ng tingin ang bawat paggalaw ng mga kamay niya. Naniningkit ang mga mata ni Devyn habang pinagmamasdan siya. “Actually, I already sent a memo to the admin to let the agents take the night off." Inilapag ni Betsy ang bas
“Thank you for calling Global Bank. This is Betsy. How can I help?” madulas niyang bungad sa caller na nasa kabilang linya. Pang-huling caller na niya ito bago ang lunch break niya sa trabaho na kahit gabi lunch break pa rin ang tawag. Siyempre, literal nilang ginagawang araw ang gabi dahil sa pagkakaiba ng time zones. “Hi, Betsy. My girlfriend just broke up with me. What shall I do?” pambungad ng lalaking caller niya gamit ang mangiyak-ngiyak na boses sa kabilang linya. “Hindi ho ako dj sa radyo.” “What did you say?” Halos mapatampal siya sa mukha. Napalakas niya pala ang pagkakasabi noon. “I mean did you do something wrong to upset her?” “Well I just went out with my friends! What is wrong with that?”Halos suminghal na ito sa pagiging high blood. “Hmp. So what do you want to do on your account, sir?" “Oh yes.” Bahagya na itong kumalma. “ Uh . . . I would like to hav
Multo, bampira, tiktik, madre, white lady, at sandamakmak na superheroes. Sila ang bumungad sa kanya pagpasok niya sa loob ng gusali. Day-off niya sana ngayon pero pumasok na lang siya dahil sa most awaited na Halloween party. Nagbabakasakali rin siyang manalo sa pa-contest ng costumes para pandagdag kita. Pumasok na siya sa loob ng elevator para makarating sa tenth floor. Nakasabay niya sa pagsakay sina Jon Snow, at si Batman. Nag-uusap ang dalawa at tumango ang dalawa nang makita siya. “Onyok, sama ka sa amin sa inuman mamaya ah,” pag-iimbita ni Jon Snow sabay pangungulangot. “Sure, bro. Nang maka-iskor naman ako kay April,” tugon ni Batman habang pakamot-kamot sa pwet. Napailing na lang si Betsy sa sulok. Ilang sandali pa ay pumasok si Valak na nakasuot ng red heels at halatang may kausap sa cellphone. “ . . . kasi wala nga akong datong. Naiskam nga ako sa puchang sisiw na 'yon,” sabi nito sa kausap na nasa kabilang linya.
Dinaganan ng ten wheeler truck. Ito ang pakiramdam ni Betsy habang wala sa sariling nakasakay ng bus pauwi ng Calamba. Wala nga siyang ni isang bitbit na dala maliban sa maliit na sling bag. Matapos kasi ang tawag ng kanyang Tatang ay manhid siyang naligo, nagbihis at umalis ng apartment.Wala na si Lolo June. Ito lang ang paulit-ulit na mantra ng isipan niya. Naghahangad na sana ay magbago at masamang panaginip lang ang lahat. Sa sakit ay hindi niya na namalayan na nasa terminal na pala siya.Matapos huminto ng bus ay bumaba na siya. Naghintay siya ng taxi na masasakyan sa may kanto. Nang may taxi na huminto sa tapat ay wala siyang imik na pumasok sa loob. Pagkatapos maupo ay walang kabuhay-buhay niya nang sinabisa drayber ang kanyang address.Nang makarating siya sa bahay ay pansin niya ang kanilang mga kapitbahay sa loob ng gate. Hindi niya naramdaman ang pag-apak ng mga paa niya sa lupa papasok ng gate. Mistulan siyang
Special Chapter “Basically, our market is expected to benefit from the increasing focus . . . to survive the constantly changing business dynamics. . .” Okay. Nasaan na nga ba sila at ano na ba ang dini-discuss? Tahimik na tanong ni Betsy sa sarili habang pinagmamasdan ang mga kasamahan niya sa loob ng conference room sa New York na tila ba nagdedebate na. Karamihan ng mga kasama niya ay mga lalaki.Napakaseryoso nito sa usapin patungkol sa kompanya. “So we can focus on core competencies, even generating avenues for market growth,” sabad ng isa pang miyembro ng board. Dumapo ang tingin ni Betsy sa malaking tiyan nito. “Well, I guess we can also focus on reducing the cost of business for global resources in order for us to meet the growing industry demand,” suhestiyon naman ng isa pa. Napakapit nang mahigpit si Betsy sa ilalim ng mesa nang balingan siya nito. “What's your opinon, Mrs. Wills?”
Masigabong palakpakan ang ibinigay nina Betsy, Ashley at Pam matapos mapanood ang palabas kung saan isa sa mga bida si Sue. Sa apartment ng magkapatid na Pam at Sue sila nanonood nito. Nakatingin pa rin sila sa flat screen tv habang pinagmamasdan ang pag-roll ng credits ng palabas. “Wow! Ang galing mo, Sue!” tili ni Ashley sabay tulak kay Sue na nakaupo sa tabi nito sa sofa. “ ‘Yong iyak mo ro’n, grabe! Parang sinabihan ka lang ng direktor niyo na magiging single na forever!” “Uh. . . Sakto lang naman,” nahihiyang tugon ni Sue at bumalik na sa pagkakaupo. “Dahil lang naman iyan sa acting workshops ko.” “Congratulations ulit, Sue,” bati naman ni Betsy. Masayang-masaya siya sa success ng nakababatang kapatid ni Pam. “Nakuha mo na talaga ang break mo sa showbiz.” Tiningnan siya ni Sue at ngumiti ito. “Thank you, Betsy. Congrats din sa engagement mo.” Uminit ang pisngi ni Betsy at ngayon ay sa kanya na nakabaling ang atensiyon ng ta
Magkasama nilang ipinagdiriwang ang pasko sa Calamba. Si Betsy, Devyn, Nanay G at Tatang. Nanay G na ang tawag niya sa balong si Aling Gloria dahil tuluyan na ngang naging official ang dalawa. Masaya naman si Betsy dahil may kasama na ang kanyang Tatang sa bahay at napapanatag din siya dahil alam niyang masayang-masaya ang kanyang ama. Nakita niya rin kung gaano kabuting tao si Aling Gloria at sobra naman talaga itong maalaga sa Tatang niya. Malaki ang ngiti ng bawat isa nang magbukas na ng regalo. Nangawit pa sila dahil ang dami naman kasing ipinamigay na regalo ni Devyn. Kahapon pa ito dumating mula sa New York at si Betsy na ang sumundo rito sa airport. Bumalik si Devyn sa New York upang asikasuhin ang naging krisis sa kompanya. Pinanatag din ni Devyn ang loob ni Betsy na magiging okay din ang lahat. Habang nagkukwentuhan ang tatlo sa may sala ay nagpunta muna si Betsy sa kuwarto ng kanyang Lolo June. Nang nasa tapat na siya ng pinto ng kuwarto nito
“Ano bang ginagawa natin dito sa salon?” nagtatakang tanong ni Pam. “Iinom ng beer,” sarkastikong tugon ni Ashley. “Ano pa ba, eh 'di magpapaayos! Magme-make over ka para sa revenge mo.” “A-Ayaw ko ng maghigante, Asin,” giit ni Pam. “Pwes kami gusto!” Hinawakan siya sa may braso ni Ashley at hinila na papasok ng hair salon. Tahimik namang nakasunod lang sa kanila si Betsy sa likod. Walang nagawa si Pam at nagpatianod na lamang. Umupo na ito at hindi nagtagal ay nilapitan din ng baklang hairstylist. Naupo naman sina Betsy at Ashley sa sofa. “Anong gusto mong hairstyle, sis?” anang bakla kay Pam. “'Yong babagay sa kanya at mas gaganda pa siya!” si Ashley ang sumagot. Tumango ang bakla at pinagtuonan na ng atensiyon si Pam. Hindi na nito ginupitan si Pam dahil mas bagay daw dito ang may mahabang buhok. Kinulot lang nito ang dulo ng buhok ni Pam at nilagyan ng highlights. Sa huli ay naging mat
Iba talaga ang nagagawa ng pagkakaroon ng isang masayang love life. Napatunayan ito ni Betsy dahil habang tumatanggap ng mga tawag sa kanyang trabaho at maski iritado ang kanyang mga caller ay hindi pa rin ito nakaapekto sa magandang performance niya. Mahaba pa rin ang naibigay niyang pasensiya sa kanila. Matapos maibaba ang huling tawag niya bago ang kanyang break ay muli siyang napatingin sa bakanteng upuan ni Pam. Naninibago siya dahil absent ang matalik na kaibigan gayong napaka-workaholic naman nito. Tinanggal niya ang suot na headset at inilapag ito sa ibabaw ng kanyang desk. Tumayo na siya at insakto naman ang ginawang pagdaan ni Ashley sa likod niya. "Bakit absent daw si Pam?" tanong niya na nagpahinto naman nito sa paglalakad. "Ewan. Hindi naman nagsabi sa'kin," kibit-balikat na sagot ni Ashley. "Tinanong nga ako ni Patis kanina, eh kasi hindi raw nag-call in si Pam." Nagpakawala ng mababaw na buntonghininga s
Magkahawak ang kamay nina Betsy at Devyn habang papasok sila sa bahay nina Betsy sa Laguna. Naghihintay na sa kanila sa loob ang kanyang Tatang. Bago pa man buksan ni Betsy ang pinto ay binalingan niya ng tingin si Devyn. “Are you nervous?” “No. I’m cool,” tugon ni Devyn at pagkatapos ay binalingan ng tingin ang saradong pinto. “He’s not . . . he isn’t mad at me, right?” Napangiwi si Betsy. Muli niyang naalala ang naging babala ng kanyang Tatang noong sinabihan niya ito sa plano ni Devyn na mag-live in sila. “I think . . . not.” Alam naman ni Betsy na masama ang magsinungaling pero sa pagkakataong ito ay gusto niya lang naman na hindi mag-alala si Devyn. At siguro naman nasa good mood ang kanyang Tatang dahil sa masayang love life nito. “Right.” Nagpakawala ng panatag na buntonghininga si Devyn at umayos na ng tayo. Binuksan na ni Betsy ang pinto at pumasok sila sa loob. Hindi nga siya nagkakamali at nakitang naghihintay
Bumagsak ang balikat niya dahil sa pagiging dismayado. Nagsisimula na siyang panghinaan ng loob. “Oh. Do you know where he's going?” Nagkibit ng balikat si Rudy. May tingin ng simpatyang dumaan sa mga mata nito. “I don't have any idea. I can call him if you want.” “No thanks. Never mind.” Nasabi na lamang ni Betsy. Ayaw niya naman kasing ipaalam kay Devyn ang pagpunta niya sa New York. Baka kasi iwasan lang siya nito bago pa man siya makita o magkaroon ng pagkakataon upang makausap ito. Nagpaalam na si Betsy kay Rudy. Bigo siyang umalis at tinungo ang taxi na talaga namang hinihintay pa siya. Wala siyang imik na pumasok sa loob at naupo sa harapan. “Didn't go well then,” tahimik na puna ni Steve sabay lingon sa kanya. “So, where do we go next?” “To the Philippines,” wala sa sariling sagot ni Betsy. Mahinang natawa si Steve. “Well, that's really far away. How about somewhere much nearer?” Napapalakpak si Betsy at
Bumagsak ang panga ni Betsy at makailang beses pa siyang napakusot sa kanyang mga mata. Ano'ng ginagawa ng haponesa rito sa harap niya? At paano siya nito natunton? “Ms. Haruko? What are you doing here?”pagsasatinig niya sa tanong na nasa isipan. Nagkibit ng balikat si Miss Haruko sabay kalmanteng sulyap sa paligid. “I was in the neighborhood.” Mabilis na napalingap si Betsy sa 'neighborhood' na tinutukoy ni Miss Haruko at nahagilap ang mga barung-barong na mga tirahan. May umiihi pa nga sa may gilid ng poste. Napakamot na lang siya sa batok at ibinaling muli ang atensyon sa haponesa. “What can I do for you this time?” tanong niya. Nasisiguro niyang may sadya ang haponesa sa kanya. Umiling si Miss Haruko. Naba-bother talaga si Betsy sa laki ng sombrero na suot nito. Kasya yata siya sa loob. “It's not what you can do for me. It's whatIcan do for you,” misteryoso nitong sinabi. N
“Don't wanna feel another touch! Don't wanna start another fire! Don't wanna know another kiss! I'll never love again. I'll never love agaiiiiiiiin! Ooohhhh. Okay! Next song! Helloooo from the other siiiiide! I wish I can say that I've tried. To tell you I'm sorry for breaking your heaaaaart. Sayang na sayang talaga! Sayang na sayang talaga! 'Wag kang susuko. Wag kang susuko!” Hay. Nakakapagod naman talaga ang kumanta ng medley. Lalong-lalo na kapag acapela. Talo pa yata ni Betsy si Manang Adele sa pagkanta. Malat na malat na ang boses niya at kaboses niya na yata si Inday Garutay. Nagsalin siya ng beer sa baso at lumagok. Hindi niya na mabilang kung ilang bote ng beer na ang kanyang naubos. Lugmok na lugmok siya dahil sa nangyari sa kanila ni Devyn. Iinumin niya na sana ang beer mula sa baso pero nabitin sa ere ang pagkakahawak niya nito dahil sa naririnig niya na namang katok sa may pintuan. Marahil si Aling Petra na naman ito. Babal