Chasing Betsy

Chasing Betsy

last updateПоследнее обновление : 2021-07-25
От :  LadyClarita  Полный текст
Язык: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
4 Рейтинг. 4 Отзывы
40Главы
6.9KКол-во прочтений
Читать
Добавить в мою библиотеку

Share:  

Report
Aннотация
Каталог
Пишите ваше обозрение в приложении

Betsy Makabayan is your 'not so' typical bente-singko anyos raketera girl. Paano ba naman kasi maliban sa pagiging isang call center agent at sa iba-ibang raket na pinapatos niya, isa rin siyang magaling na artista. Isang araw, hiningan siya ng pabor ng isang babaeng haponesa, sa sa mga naging clients niya. Kapalit ng malaking halaga, si Betsy ay pumunta ng New York at nagpanggap bilang si Yuri Haruko. Kahit na walang kaalam-alam sa business world, naglakas loob lamang siyang magtungo doon. There she met Jack Wills, an American rugged looking guy who's convinced that Betsy is not the person who she said she is.

Узнайте больше

Latest chapter

Бесплатный предварительный просмотр

Chapter 1

Okay. Kalma ka lang, Betsy. Hingang malalim. Inhale. Exhale. Remember, isa kang sophisticated businesswoman. Kanina pa niya pinapakalma ang sarili habang namumuo ang butil ng pawis sa kanyang noo.Paano nga ba siya napunta sa sitwasyong ito?Ay, oo nga pala. Bayarin na ng upa. Para maiwasan na naman ang ratsada ng bunganga ng magaling niyang landlady na si Aling Petra. At saka para na rin sa bagong pustiso ng kanyang Lolo June.Kaya heto siya ngayon, nasa loob ng malaking conference room na puti ang kulay ng pinta. Nakaupo siya sa isang silya sa likod ng mesa. Sa harap niya sa may hindi kalayuan ay ang isang malaking projector, kasinglaki ng kanyang pasensiya. Dito sa loob ng hotel sa siyudad ng New York. At ah ah. Hindi New York Cubao kundi sa ibang bansa.“. . . so basically the length of development . . .’’“ . . . logistics . . . data . . . management . . .”

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Комментарии

user avatar
Ychin Remaxia
nice one so beautiful story
2022-02-11 16:56:13
0
default avatar
ali93791803
i like your novel. it's nice and funny
2021-06-29 13:01:54
2
user avatar
WhenAutumnFalls
A must read novel I say. It's a fun field book that can make you laugh and at the same time feel the drama of life.
2021-06-29 12:39:37
2
user avatar
Rosella Pen
This book is an outstanding romcom! Worth your every penny!
2021-06-29 12:23:43
3
40

Chapter 1

 Okay. Kalma ka lang, Betsy. Hingang malalim. Inhale. Exhale. Remember, isa kang sophisticated businesswoman. Kanina pa niya pinapakalma ang sarili habang namumuo ang butil ng pawis sa kanyang noo.Paano nga ba siya napunta sa sitwasyong ito?Ay, oo nga pala. Bayarin na ng upa. Para maiwasan na naman ang ratsada ng bunganga ng magaling niyang landlady na si Aling Petra. At saka para na rin sa bagong pustiso ng kanyang Lolo June.Kaya heto siya ngayon, nasa loob ng malaking conference room na puti ang kulay ng pinta. Nakaupo siya sa isang silya sa likod ng mesa. Sa harap niya sa may hindi kalayuan ay ang isang malaking projector, kasinglaki ng kanyang pasensiya. Dito sa loob ng hotel sa siyudad ng New York. At ah ah. Hindi New York Cubao kundi sa ibang bansa.“. . . so basically the length of development . . .’’“ . . . logistics . . . data . . . management . . .”
Читайте больше

Chapter 2

 Pinagmasdan niya ang reaksiyon ng mga ito. Namilog ang mga mata ni Amanda at napanganga ito habang ang kano naman na si Jack ay nakatitig sa kanya. Titig na may halong kuryusidad. Hindi niya ito nagustuhan sapagkat para siyang nalulunod sa kulay asul nitong mga mata.Ang buong akala niya ay lalamunin na siya ng lupa ng buong New York sa kahinhintay sa magiging komento nila. Mabuti na lang at sa mga sandaling iyon ay napakli ito ni Amanda.“Oh my God! That is so cool. So what does it mean?” usyuso nito sabay palakpak ng isang beses. Napalingon pa tuloy sa gawi nila ang ibang naroroon.Bumaling siya ng tingin rito at pasimpleng hinaplos ang kanyang buhok.“It means My God,” madulas na tugon ni Betsy.Ang mahalaga kasing aral na natutunan niya sa pagpapanggap ay dapat malapit pa rin sa katotohanan. Upang kung magkamatayan man, hindi masyadong mapipiktosan.Sa tingin niya naman ay napahanga niya si blandina
Читайте больше

Chapter 3

 “Pssst . . . Betsin! Psssst . . .” paninitsit ng engkanto niyang katabi. Iniwas ni Betsy ang kanyang ulo sa kabilang banda. Pinipilit niyang hagilapin ang naudlot na magandang panaginip dahil sa nang-iistorbong engkanto. Nasa kalagitnaan na siya ng pagbibilang ng maraming pera nang marinig na naman niya ang paninitsit nito sa kanang tainga niya.“Beeeeetsin … Hoy!” Naging agresibo na nga ang engkanto.Unti-unti siyang dumilat. Nakaidlip pala siya ng sandali sa kinalalagyan niyang kyubikel. Inangat niya nang bahagya ang ulo mula sa pagkakasampa nito sa ibabaw ng mesa. Pinukol niya ng masamang tingin ang kanina pa na nang-iistorbo sa kanya. “Bakit ba, Paminta?” iritado niyang tugon sa malusog na matalik niyang kaibigang si Pam. Magkatabi lang sila ng kyubikel kaya madali lang siya nitong naiistorbo.Paminta ang tawag nila kay Pam at Betsin naman ang tawag nila kay Betsy. Ganito ka kalog
Читайте больше

Chapter 4

  Tagaktak ang pawis niya nang makababa na siya ng bus. Basang-basa na rin ng pawis ang dilaw na blusang suot niya. Buti na lang at nakapantalon siya, pakiramdam niya ay mas komportable. Paano ba naman, siksikan ang tao, Biyernes kasi. Mabigat pa naman ang maletang kulay pink na dala niya. Tiis lang talaga nang makauwi ng Calamba. Ang daming tao sa istasyon. Alas singko na ng hapon at rush hour. Kasalukuyan siyang nag-aabang sa gilid ng may masasakyang taxi. Ilang minuto pa ay may huminto na sa tapat niya. Lumabas ang matipunong lalaki na mukhang ka edad niya lang. Impyernes, medyo pogi ito. Ngumiti ito habang lumalapit sa kanya. Kilala niya ba ako o talagang nahuhumaling lang siya sa ganda ko? Chos. Baka ganito lang talaga siya sa mga potensyal na pasahero. Nang patuloy lang ang pagtitig niya sa lalaki ay napakamot ito sa kanyang noo. “Betsy, ikaw nga. Ako 'to, si Kanor!” pagpapakilala nito. Kanor? K
Читайте больше

Chapter 5

 Pakiramdam niya ay nakalutang siya sa kawalan habang pinagmamasdan ang napakapamilyar na kano na nasa harapan. Kinurot niya ang kaliwang braso para ma-check kung nananaginip lang ba siya ng gising o ano. Habang ginagawa ito ay nawindang na lang siya nang may kumurot din pabalik sa kabilang braso niya. Luminga siya at nakita si Pam na kunot ang noong nakatitig sa kabilang brasong kinukurot niya.“Anong nangyayari sa'yo, Betsin? Bakit nagse-self abuse ka?” pabulong na pagkakatanong nito.Akma niya na sanang ibubuka ang bibig upang sagutin ang kaibigan kaya lang natutop niya ang sasabihin dahil sa muling pagsasalita ng kanilang supervisor sa harapan. Sabay silang napabaling ng tingin dito.“Excuse me, everyone! Finish your current calls and then take the aux,” pahayag ni Benny sa napakapormal na tono.Napatingin ang mga kasamahan niyang katatapos lang ang tawag sa kanilang supervisor at sa porener na lalaking bisita
Читайте больше

Chapter 6

  Hindi niya inasahan ang naging tanong ni Jack sa kanya. Ang akala niyang sasabihin nito ay “Oh, it’s not Yuri Haruko?” o hindi kaya “What are you doing here, you liar?” Pansin niya rin ang pinaghalong pagkabigla at pagtataka ng lahat. Alam niya na kahit nakawiwindang man ang tanong nito lalo na at para sa kanya ay may lihim na agenda kailangan niya pa ring sumagot dahil naghihintay ang lahat. “Well, I-I think . . . they're great people!” aniya na pilit isinasalba ang sarili. Misteryosong kumurba paitaas ang sulok ng labi ni Jack. Umayos ito sa pagkakaupo at isinandal ang likod sa back rest ng swivel chair na inuupuan. “Of course,” tila ba kaswal na pagsang-ayon pa nito. “How about their language?” “I. Ah. I.” Pilit ang ginawang pangangapa ni Betsy sa isasagot dito. Mukhang alam niya na kung saan patungo ang usapan. “I'm sorry,” sambit ni Jack. “I know it's a random question. I just remembered this Japanese woman who taught me so
Читайте больше

Chapter 7

  Nalaboan siya sa sinabi ni Jack. Kahit na ang dali lang naman intindihin ng sinabi nito, hindi pa rin ito rumehistro sa pang-unawa niya. “Ho? Ano what? I don't understand.” Nalilito si Betsy sa nangyayari. “I'm not Jack Wills,” pag-uulit ni Jack na mas lalo lang nagpagulo sa isipan niya. Sa pag-aakalang nagbibiro ito ay tumawa nang malakas si Betsy habang hinahawakan ang kanyang tiyan. Nang muli niya itong tiningnan ay natigilan siya. Napuna niyang seryoso pala talaga si Jack. “I . . . don't get it.” Naging matabang na ang ginawa niyang pagtawa. “Jack Wills is my brother. My twin brother,” paliwanag nito. Napagiwang si Betsy sa kinatatayuan. Mabuti na lang at nakahawak siya sa backrest ng silya na nakalagay sa harap ng mesa nito. Hindi niya napaghandaan ang naging rebelasyon nito. Pinagmasdan ni Jack ang reaksiyon niya. Parang nanuyo ang lalamunan niya. Unti-unti siyang napaupo sa silya. Dumapo ang kanyang tingin sa mesa
Читайте больше

Chapter 8

  Kung nakakangawit ang pagsusuot ng heels, mas nakakangawit sa pwet ang maupo nang matagal. Dalawampung minuto ng nakaupo si Betsy sa loob ng restawrant habang naghihintay kay Jack Wills o kung ano man ang totoong pangalan nito. Alam niya naman na hindi ito date pero umuwi pa talaga siya ng apartment matapos ang shift para magpalit ng suot. Hindi na siya si Angel Locsin kundi si Alyana ng Probinsyano. Paano ba naman kasi, naka off-shoulder siya na floral dress at straps sandals. Ilang minuto pa ang lumipas at sa wakas ay dumating na rin si Jack. Napansin niyang ang tangkad pala talaga nito. Kaswal lang ang suot nito. Naka itim na T-shirt at itim na jeans. Terno sana sila kung hindi lang siya nagbihis. “I'm sorry to have kept you waiting. There was just an emergency which I had to attend to,” wika nito nang makaupo na sa tapat niya. “Oh no. I just got here,” pagsisinungaling ni Betsy. Ayaw niya namang isipin nito na nag
Читайте больше

Chapter 9

  Si Devyn Wills ay isang sculptor. Hindi lang basta iskultor kundi kilala sa larangan ng sining. Ilan sa mga nagawa niya ay naidisplay na sa sikat na mga art galleries. Kabilang na rito ang New York, London, Paris, Singapore, at bansang Japan. Nakapangalumbaba si Betsy habang binabasa ang article patungkol kay Devyn Wills. Dahil sa nabasa niya ay nakumpirma niya na talaga na hindi panaginip ang mga nangyari at hindi isang prank ang sekretong ibinunyag sa kanya ni Jack—este Devyn pala. “Ano 'yang binabasa mo? Bakit mukha kang seryoso?” bulong ng boses na nagmumula sa kanang tainga niya. “Ay kambing!” bulalas niya sabay hawak sa dibdib dahil sa gulat. Lumingon siya at nakita ang kaibigang si Pam sa kanyang likod. “Pam, naman nanggugulat ka.” “Kanina pa kita tinatawag. Hindi mo ako pinapansin. Ano ba 'yan? Blind item sa showbiz article?” anito sabay sulyap sa computer. Mabilisan niyang isinara ang page at hinarap na si Pam. “Hmp. Wa
Читайте больше

Chapter 10

  “Bloody hell. That was . . . shit," usal ni Devyn matapos halos mapabuga. Pinunasan nito ang bibig gamit ang likod ng kamay. Halata ang pamumutla ng pisngi nito. Nagsalin uli si Betsy sa baso at inangat ito para ialok kay Devyn. “Do you want some more?” Mabilis ang ginawa nitong pag-iling. Hindi pa rin maipinta ang hitsura nito kaya kinuha ni Betsy ang baso at siya na lang ang lumagok ng laman nito. “Your loss. It's our famous local liquor,” pagmamayabang niya. “Are you planning to get drunk . . . at this hour?” anito sabay sulyap sa suot nitong Rolex na relo. “Probably, unless you summon us to show at work.” Ibinaba na ni Betsy ang baso at nagsalin uli saka uminom. Sinusundan nito ng tingin ang bawat paggalaw ng mga kamay niya. Naniningkit ang mga mata ni Devyn habang pinagmamasdan siya. “Actually, I already sent a memo to the admin to let the agents take the night off." Inilapag ni Betsy ang bas
Читайте больше
DMCA.com Protection Status