Share

Chapter 3

Author: LadyClarita
last update Last Updated: 2021-05-14 19:01:12

“Pssst . . . Betsin! Psssst . . .” paninitsit ng engkanto niyang katabi. Iniwas ni Betsy ang kanyang ulo sa kabilang banda. Pinipilit niyang hagilapin ang naudlot na magandang panaginip dahil sa nang-iistorbong engkanto. Nasa kalagitnaan na siya ng pagbibilang ng maraming pera nang marinig na naman niya ang paninitsit nito sa kanang tainga niya.

“Beeeeetsin … Hoy!” Naging agresibo na nga ang engkanto.

Unti-unti siyang dumilat. Nakaidlip pala siya ng sandali sa kinalalagyan niyang kyubikel. Inangat niya nang bahagya ang ulo mula sa pagkakasampa nito sa ibabaw ng mesa. Pinukol niya ng masamang tingin ang kanina pa na nang-iistorbo sa kanya.

“Bakit ba, Paminta?” iritado niyang tugon sa malusog na matalik niyang kaibigang si Pam. Magkatabi lang sila ng kyubikel kaya madali lang siya nitong naiistorbo.

Paminta ang tawag nila kay Pam at Betsin naman ang tawag nila kay Betsy. Ganito ka kalog ang mga miyembro ng kanyang team sa call center agency na pinagtatrabahuhan niya. May kanya-kanya silang palayaw. TeamPla ang tawag sa kanilang team.

“Gala tayo mamaya sa may Alabang pagkatapos ng shift. May bagong bukas na restawrant do’n. Check natin pagkain nila,” pag-imbita ni Pam habang may nginunguyang malutong.

Nagtagpo ang kilay ni Betsy at mariin itong pinagmamsdan.

“Kumakain ka na naman? Baka pag nabisto ka ni Patis eh, parusa na naman ang aabutin mo. Hindi ka na talaga nadala.”

Ang tinutukoy niyang Patis ay ang baklang TL o Team Leader naming si Patrick.

“Tse, alam mo namang inggit lang 'yang patis na ‘yan kasi kahit anong kain niya, hindi pa rin siya tatablan,” pabirong pangungutya ng kanyang kaibigan sa payat ngunit ubod ng istrikto nilang TL.

Umismid si Betsy at umayos na sa pagkakaupo. Idinampi niyaang isang palad sa bibig para ma-check kung may laway ba o ano. Inikot niya nang kaonti ang inuupuang swivel chair para maharap si Pam nang maayos.

“Alam mo namang bawal kumain sa loob at saka pa'no mo ba naipasok ‘yan?" tanong niya sabay turo sa hawak nitong chicharon. Mariin na ipinagbabawal ang pagdadala ng pagkain sa loob ng opisina dahil siyempre maraming computer equipments sa loob nito.

Ngumisi si Pam sabay turo sa sariling dibdib.

“Susmaryusep! Napakabalahura mo talaga!” Humagikgik na si Betsy.

Mas lalo lang na lumapad ang ngisi ng kanyang kaibigan at nagpagpag pa ito ng kamay sa harap niya.

“So, gala tayo mamaya? Critical condition tayo sa food, fifty-fifty dahil malayo pa ang petsa trenta. Libre ko na pamasahe ng taxi pauwi.”

“Hindi ako pwede mamaya,” pagtanggi ni Betsy at napahikab. Kulang talaga ang trenta minutos nilang break time.

Bakas ang kaguluhan sa hitsura ni Pam. “Bakit? May raket ka na naman? ‘Di ba kagagaling mo lang sa New York no’ng isang linggo para

Mas mabilis pa sa kidlat ang ginawang pagtakip ni Betsy sa bibig ni Pam gamit ang kanyang palad. Salamat na lang sa gulong ng swivel chair at mabilis siyang nakalapit nang husto rito.

“Shh . . . Sabi ko naman sa'yo na ‘wag na ‘wag mong babanggitin ang bagay na ‘yan.  Alam mong ilegal yo’n!” matinis na bulong niya sabay tingin sa paligid kung may nakikinig ba. Mainam na lang at pansin niyang masyadong abala ang karamihan sa pagtatanggap ng tawag mula sa foreign clients. Hindi rin sila pinapansin.

Itinaas ni Pam ang dalawang kamay sa ere. Parehong nakabukas ang mga palad nito na mistulang anyo ng pagsuko. Sa huli ay tinanggal na ni Betsy ang palad mula sa pagkakalapat sa bibig nito.

“Sorry naman, girl,” anas nito. “Kung makapag-react naman ‘to, akala mo naman may teammate na taga NBI!”

“Ewan ko sa’yo. Uuwi akong probinsya. Para naman maibigay ko 'yong mga pasalubong na pinamili ko,” pagpapaliwanag niya sa kalmanteng boses. Ramdam niya pa sa palad ang lagkit dahil sa kaonting piraso ng natirang chicharon ni Pam na dumikit dito.

Humihingal man si Pam ay nakuha niya pa ring irapan si Betsy. “Kagaya ng pasalubong na bigay mo sa’kin? Isang sabon na Dove?!”

“Hoy, bruha! Imported kaya ‘yon,” depensa ni Betsy. Sosyal kaya iyon dahil sa convenience store sa New York niya nabili. At ah ah ulit, hindi New York Cubao kundi sa ibang bansa.

“Puwede naman akong bumili no’n sa tindahan nila Aling Mersing!” banat ni Pam.

“Sige gawin mo!  Basta isoli mo na lang ‘yong sabon,” hamon ni Betsy rito.

“Ay, no return no exchange policy tayo alam mo 'yan. At saka nagamit ko na, gaga! Aylabyu, Betsin . . . ," pa-sweet nitong pagdadahilan. Halatang bumabawi lang sa pang-aasar.

Maya-maya pa ay nahinto rin sila sa usapan dahil tinapik si Pam sa balikat ng kanyang kapatid na si Sue. Nakaupo naman ito sa kabilang kyubikel sa gawing kanan niya.

 “Oh, Sueka? Bakit?” may bahid na pag-alalang tugon ni Pam sa nakababatang kapatid.

Kung ano ang inilusog ni Pam ay siya rin namang kabaligtaran ng pangangatawan ng kapatid niya. Baguhan pa lamang ito sa trabaho. Suwerte at napasama sa team nila na banking ang account.

“The client just called me dumb,” pahikbing pagsusumbong ni Sue.

“Eh ‘di sabihan mo ng ‘thank you!’” sarkastikong tugon ni Pam na mas lalo lang nagpa-iyak sa kapatid niya. Palihim siyang sinundot ni Betsy sa tagiliran at binalingan niya ng tingin si Sue.

“Sueka, ganyan talaga 'yang mga ‘yan. Masanay ka na. Iritado kasi kapag tungkol sa pera lalo na kung overdraft ang pinag-uusapan,” marahang pagpapaliwanag ni Betsy.

“I can't take this anymore! I can't!” Mala-Vilma Santos ang pagdadabog nito. Ito na yata ang pang-sampong beses na reklamo niya. Hanggang reklamo lang talaga dahil wala naman siyang ibang aksiyon na ginagawa kundi ang magtiis at magdabog na parang aktres sa isang heavy drama na pelikula.

Mahal man ni Betsy si Pam at ang kapatid nitong Inglesera kesyo call center agent daw, minsan talaga ay nauubusan din siya ng pasensiya pagdating sa dramatic session nito na kadalasan ay pang-road to walling na. Hinayaan niya na lang si Pam na pakalmahin ang kapatid na si Sue at pinigilan ang sarili na mag-offer ng sedative o hindi kaya ay tranquilizer.

Ilang sandali pa ay nagsimula ng tumanggap ng tawag si Betsy. Naging sunod-sunod ang mga tawag na natatanggap niya dahil queuing. Paano ba naman, nasa opening ang shift siya. Nakakalula talaga minsan ang trabahong pinapasukan niya. Minsan mapapanganga na lang siya kapag may nakikitang malaking pera mula sa account ng kliyente. Perang kailanman ay hindi magiging sa kanya kahit gaano pa karaming raket ang mayroon siya.

Gumaan ang pakiramdam niya nang nasa panghuling tawag na siya. Nagtanong lang ang customer tungkol sa recent deposit sa account at kung ito ba ay posted na.

Patayo na sana siya mula sa kinauupuan nang may biglang sumitsit na naman sa kanya. Maysa engkanto talaga itong mga kasamahan niya.

“Psst! Betsin! Pasa ko sa’yo customer ko ah?” paalam sa kanya ni Ashley a.ka. Asin. Ang nagfe-feeling queen bee sa kanilang grupo. Pinaglihi siguro sa pukyutan, na hindi naman sa panlalait eh kilalang pagmemake-up lang ang alam. Nakapuwesto ito sa tapat ng kyubikel niya.

“Tapos na shift ko. Uwi na ako.” Tanggi ni Betsy kaagad dito.

“Bigyan kita bente,” pabebeng handog ni Ashley naman. Alam niya na kasi ang kalakaran.

Ngumiwi siya. “Ano 'yan, saan aabot ang bente pesos mo? Isang daan.”

“Kuwarenta,” kuripot na tawad nito.

“Singkuwenta,” tugon ni Betsy para lang matapos ang tawaran at baka abutin pa sila ng siyam-siyam.

“Deal!” Ngumisi ito.

Bumuntonghininga si Betsy at tinungo na ang kyubikel ni Ashley. Tinanggap niya ang iniabot nitong telepono at ibinalik ang ni-hold nitong tawag. Sa totoo lang, bawal talaga ang ginagawa nila. Forward or transfer of call dapat ang ginagawa ng isang agent kapag ayaw niyang kausapin ang client o hindi niya na ito ma-handle. Nga lang, makikita kasi ito sa record of calls kaya hindi talaga maiiwasan ang pumuslit paminsan-minsan.

“Hello, Ma'am?” untag niya sa caller na nasa kabilang linya.

“Oh … Dear, finally. I've been in here for like . . . twenty minutes!" sagot ng boses matandang babae na halatang balisa. Mabilisan niyang sinulyapan ang naka-display sa monitor ng computer na impormasyon tungkol sa kliyente. Eighty years old na pala ang matanda.

Binigyan niya ng masamang tingin si Ashley na ngayon ay abalang nakatuon ang tingin sa mga patay nitong kuko.

“I apologize, Ma'am. I'm here to help you now,” malumanay na sagot niya.

Pinakaimportante sa isang call center agent ang mayroong empathy sa callers. Kailangan din naman na maramdaman ng mga kliyente na may care ang agents sa kanila. Tulad na lang ng linya sa pelikula na, “I care about my job, Sir! And I care about you!” Hay naku. Miss niya na tuloy ang mag-movie marathon ulit.

Napailing siya sa paglipad na naman ng isip niya sa kung saan at ibinalik ang atensiyon sa matandang naghihintay sa kabilang linya. Hindi niya man lang namamalayan na kanina pa pala ito nagsasalita!

“Well as I've told you, I'm having a difficulty in this online thing. Ooh, I don't know what to do," mangiyak-ngiyak na sabi ng matanda.

“Don't worry, Ma'am. I'll walk you through it. Are you in front of your computer, laptop or smartphone?"

“Oh yes!  It's laptop, dear," singhap nito.

“Okay. Have you keyed in your account number?”

“What? . . . Wait … What account number, dear?” Dinig niya ang kalituhan sa likod ng boses ng caller.

“It's on the back of your card, Ma'am,” pasensyoso pa ring sagot ni Betsy. Agent of the Month kaya siya at inaamin niya rin na may soft spot talaga sa puso niya ang mga matatanda. Kung parang sa pila lang, priority lane, gano’n.

“Oh! Oh yes, yes. Of course!” Napangiti tuloy siya. Naalala niya si Lolo June sa matanda.

Unti-unti rin naman nitong nakuha ang gagawin. Ipinaintindi ni Betsy rito nang marahan ang pagdadaanang proseso hanggang sa wakas ay natapos din ang krisis ng matanda. Nakangiti niyang ibinaba ang telepono. Matapos iabot ni Ashley sa kanya  ang singkwenta pesos ay bumalik na siya sa kyubikel para magpaalam kay Pam na kasalukuyan ay may kausap pa sa telepono.

Bigla na lang bumukas ang glass door ng opisina. Iniluwa ng pinto ang supervisor nilang guwapo ngunit binabaeng si Benny. May hawak itong folder sa isang kamay. Pustorang- pustora ito sa suot na red stripe longsleeves at dark pants. Pansin rin ni Betsy ang makintab nitong kulay itim na sapatos na siguro ay pati langaw madudulas. Huminto ito sa bukana ng pintuan at isang beses na pumalakpak para kunin ang atensiyon ng lahat.

“Listen up, everyone! Two days from now, the founding partner of Global Bank will be visiting the Philippine branch. Meaning, our branch!” sabik na anunsyo nito. “So I want all of you to straighten up. We have to impress him. Are we clear on that?” Isa-isa sila nitong tiningnan sa mga mata.

“Yes!” sabay-sabay na sagot nilang lahat.

Pagkatapos mag-anunsiyo ay umalis na rin ito. Dinig ni Betsy ang mahinang pagbuntonghininga ng nasa gilid niyang si Pam. Tiningan niya ito at nakitang nakatitig pa rin sa ngayon ay papalayo ng likod ni Benny.

“Hay . . . Ang guwapo niya talaga, nga lang guwapo rin ang hanap niya.”

Napangiwi siya nang may maalala sa sinabi ni Pam. Marahil ay mabilis itong napansin ni Pam kaya agaran siya nitong binalingan.

Suminghap si Pam. “Ay sorry, Betsin! Ang daldal ko talaga. Si Benny kasi, eh . . .”

Kalmado siyang tinapik ni Betsy sa kanyang balikat. “Akala ko ba tulad ni Asin, eh naka-move on ka na kay Benny?”

Tuso itong ngumisi. “Saka na kapag may ibang guwapo na akong makita.”

Tumango lang si Betsy. “Ipagdasal mo sa lahat ng santo. Ilan na nga ulit ang kilala mo?”

Mayabang siyang nginisihan ni Pamela. “Sampo. Mas marami pa kaysa sa kilala mo, girl!”

“Eh ‘di wow.”

Humagkgik ito at pagkatapos ay nagkaroon ng kakaibang kislap ang mga mata.

“Tingin mo may pa-party pagdating no’ng bisita?" excited na tanong ni Pam. Siguro pagkain na naman ang nasa isipan.

“Ewan.” Nagkibit ng balikat si Betsy. Dinudukot na niya ang mga barya mula sa bulsa ng suot na skirt bilang paghahanda ng baryang ipambabayad sa jeep mamaya pag-uwi.

“I don't think so,” sabat naman ni Sue na naging kalmado na. “I've read from an article he's like sixty years old. He's just probably gonna visit and then lie down quickly.” Hindi man lang napansin ni Betsy na kanina pa pala itong tahimik na nakikinig lang sa usapan nila.

“So walang party,” dismayadong sabi ni Pam. Pabagsak itong naupo sa kanyang swivel chair at nagsimula nang magpaikot-ikot nito.

“Mayro’n kaya,” sambit ni Betsy.

Madali itong huminto sa pag-ikot at tumingin sa kanya. “Talaga?”

“Talaga. Kung sixty years old na siya, may party pa rin.” Umangat ang sulok ng labi niya. “Pajama with arinola party.”

Umasim ang mukha ng kanyang kaibigan at nagpatuloy na sa pag-papaikot ng upuan. Bago pa tuluyang malula sa kamamasid sa kanya sa ginagawa ay nagsimula nang magpaalam ulit si Betsy.

“Hm … Sige na, mauna na ako at baka maabutan pa ako ng traffic,” paalam niya. Tinalikuran na niya silang dalawa ni Sue at naglakad na siya patungo sa pintuan.

“By the way, Betsy.” Panandalian siyang napahinto dahil sa pagtawag ni Sue sa kanya. “Thank you for the Cartier pen. I loved it!”

Kumaway lang si Betsy habang nakatalikod at nagpatuloy na sa paglalakd. Bigla niyang naalala ang gusgusin na may-ari ng panulat na kailanman ay hindi niya na makikita.

Related chapters

  • Chasing Betsy   Chapter 4

    Tagaktak ang pawis niya nang makababa na siya ng bus. Basang-basa na rin ng pawis ang dilaw na blusang suot niya. Buti na lang at nakapantalon siya, pakiramdam niya ay mas komportable. Paano ba naman, siksikan ang tao, Biyernes kasi. Mabigat pa naman ang maletang kulay pink na dala niya. Tiis lang talaga nang makauwi ng Calamba. Ang daming tao sa istasyon. Alas singko na ng hapon at rush hour. Kasalukuyan siyang nag-aabang sa gilid ng may masasakyang taxi. Ilang minuto pa ay may huminto na sa tapat niya. Lumabas ang matipunong lalaki na mukhang ka edad niya lang. Impyernes, medyo pogi ito. Ngumiti ito habang lumalapit sa kanya. Kilala niya ba ako o talagang nahuhumaling lang siya sa ganda ko? Chos. Baka ganito lang talaga siya sa mga potensyal na pasahero. Nang patuloy lang ang pagtitig niya sa lalaki ay napakamot ito sa kanyang noo. “Betsy, ikaw nga. Ako 'to, si Kanor!” pagpapakilala nito. Kanor?K

    Last Updated : 2021-06-22
  • Chasing Betsy   Chapter 5

    Pakiramdam niya ay nakalutang siya sa kawalan habang pinagmamasdan ang napakapamilyar na kano na nasa harapan. Kinurot niya ang kaliwang braso para ma-check kung nananaginip lang ba siya ng gising o ano. Habang ginagawa ito ay nawindang na lang siya nang may kumurot din pabalik sa kabilang braso niya. Luminga siya at nakita si Pam na kunot ang noong nakatitig sa kabilang brasong kinukurot niya.“Anong nangyayari sa'yo, Betsin? Bakit nagse-self abuse ka?” pabulong na pagkakatanong nito.Akma niya na sanang ibubuka ang bibig upang sagutin ang kaibigan kaya lang natutop niya ang sasabihin dahil sa muling pagsasalita ng kanilang supervisor sa harapan. Sabay silang napabaling ng tingin dito.“Excuse me, everyone! Finish your current calls and then take the aux,” pahayag ni Benny sa napakapormal na tono.Napatingin ang mga kasamahan niyang katatapos lang ang tawag sakanilang supervisor at sa porener na lalaking bisita

    Last Updated : 2021-06-22
  • Chasing Betsy   Chapter 6

    Hindi niya inasahan ang naging tanong ni Jack sa kanya. Ang akala niyang sasabihin nito ay “Oh, it’s not Yuri Haruko?” o hindi kaya “What are you doing here, you liar?” Pansin niya rin ang pinaghalong pagkabigla at pagtataka ng lahat. Alam niya na kahit nakawiwindang man ang tanong nito lalo na at para sa kanya ay may lihim na agenda kailangan niya pa ring sumagot dahil naghihintay ang lahat. “Well, I-I think . . . they're great people!” aniya na pilit isinasalba ang sarili. Misteryosong kumurba paitaas ang sulok ng labi ni Jack. Umayos ito sa pagkakaupo at isinandal ang likod sa back rest ng swivel chair na inuupuan. “Of course,” tila ba kaswal na pagsang-ayon pa nito. “How about their language?” “I. Ah. I.” Pilit ang ginawang pangangapa ni Betsy sa isasagot dito. Mukhang alam niya na kung saan patungo ang usapan. “I'm sorry,” sambit ni Jack. “I know it's a random question. I just remembered this Japanese woman who taught me so

    Last Updated : 2021-06-23
  • Chasing Betsy   Chapter 7

    Nalaboan siya sa sinabi ni Jack. Kahit na ang dali lang naman intindihin ng sinabi nito, hindi pa rin ito rumehistro sa pang-unawa niya. “Ho? Ano what? I don't understand.” Nalilito si Betsy sa nangyayari. “I'm not Jack Wills,” pag-uulit ni Jack na mas lalo lang nagpagulo sa isipan niya. Sa pag-aakalang nagbibiro ito ay tumawa nang malakas si Betsy habang hinahawakan ang kanyang tiyan. Nang muli niya itong tiningnan ay natigilan siya. Napuna niyang seryoso pala talaga si Jack. “I . . . don't get it.” Naging matabang na ang ginawa niyang pagtawa. “Jack Wills is my brother. My twin brother,” paliwanag nito. Napagiwang si Betsy sa kinatatayuan. Mabuti na lang at nakahawak siya sa backrest ng silya na nakalagay sa harap ng mesa nito. Hindi niya napaghandaan ang naging rebelasyon nito. Pinagmasdan ni Jack ang reaksiyon niya. Parang nanuyo ang lalamunan niya. Unti-unti siyang napaupo sa silya. Dumapo ang kanyang tingin sa mesa

    Last Updated : 2021-06-24
  • Chasing Betsy   Chapter 8

    Kung nakakangawit ang pagsusuot ng heels, mas nakakangawit sa pwet ang maupo nang matagal. Dalawampung minuto ng nakaupo si Betsy sa loob ng restawrant habang naghihintay kay Jack Wills o kung ano man ang totoong pangalan nito. Alam niya naman na hindi itodatepero umuwi pa talaga siya ng apartment matapos ang shift para magpalit ng suot. Hindi na siya si Angel Locsin kundi si Alyana ng Probinsyano. Paano ba naman kasi, naka off-shoulder siya na floral dress at straps sandals. Ilang minuto pa ang lumipas at sa wakas ay dumating na rin si Jack. Napansin niyang ang tangkad pala talaga nito. Kaswal lang ang suot nito. Naka itim na T-shirt at itim na jeans. Terno sana sila kung hindi lang siya nagbihis. “I'm sorry to have kept you waiting. There was just an emergency which I had to attend to,” wika nito nang makaupo na sa tapat niya. “Oh no. I just got here,” pagsisinungaling ni Betsy. Ayaw niya namang isipin nito na nag

    Last Updated : 2021-06-24
  • Chasing Betsy   Chapter 9

    Si Devyn Wills ay isang sculptor. Hindi lang basta iskultor kundi kilala sa larangan ng sining. Ilan sa mga nagawa niya ay naidisplay na sa sikat na mga art galleries. Kabilang na rito ang New York, London, Paris, Singapore, at bansang Japan. Nakapangalumbaba si Betsy habang binabasa ang article patungkol kay Devyn Wills. Dahil sa nabasa niya ay nakumpirma niya na talaga na hindi panaginip ang mga nangyari at hindi isang prank ang sekretong ibinunyag sa kanya ni Jack—este Devyn pala. “Ano 'yang binabasa mo? Bakit mukha kang seryoso?” bulong ng boses na nagmumula sa kanang tainga niya. “Ay kambing!” bulalas niya sabay hawak sa dibdib dahil sa gulat. Lumingon siya at nakita ang kaibigang si Pam sa kanyang likod. “Pam, naman nanggugulat ka.” “Kanina pa kita tinatawag. Hindi mo ako pinapansin. Ano ba 'yan? Blind item sa showbiz article?” anito sabay sulyap sa computer. Mabilisan niyang isinara ang page at hinarap na si Pam. “Hmp. Wa

    Last Updated : 2021-06-25
  • Chasing Betsy   Chapter 10

    “Bloody hell. That was . . . shit," usal ni Devyn matapos halos mapabuga. Pinunasan nito ang bibig gamit ang likod ng kamay. Halata ang pamumutla ng pisngi nito. Nagsalin uli si Betsy sa baso at inangat ito para ialok kay Devyn. “Do you want some more?” Mabilis ang ginawa nitong pag-iling. Hindi pa rin maipinta ang hitsura nito kaya kinuha ni Betsy ang baso at siya na lang ang lumagok ng laman nito. “Your loss. It's our famous local liquor,” pagmamayabang niya. “Are you planning to get drunk . . . at this hour?” anito sabay sulyap sa suot nitong Rolex na relo. “Probably, unless you summon us to show at work.” Ibinaba na ni Betsy ang baso at nagsalin uli saka uminom. Sinusundan nito ng tingin ang bawat paggalaw ng mga kamay niya. Naniningkit ang mga mata ni Devyn habang pinagmamasdan siya. “Actually, I already sent a memo to the admin to let the agents take the night off." Inilapag ni Betsy ang bas

    Last Updated : 2021-06-25
  • Chasing Betsy   Chapter 11

    “Thank you for calling Global Bank. This is Betsy. How can I help?” madulas niyang bungad sa caller na nasa kabilang linya. Pang-huling caller na niya ito bago ang lunch break niya sa trabaho na kahit gabi lunch break pa rin ang tawag. Siyempre, literal nilang ginagawang araw ang gabi dahil sa pagkakaiba ng time zones. “Hi, Betsy. My girlfriend just broke up with me. What shall I do?” pambungad ng lalaking caller niya gamit ang mangiyak-ngiyak na boses sa kabilang linya. “Hindi ho ako dj sa radyo.” “What did you say?” Halos mapatampal siya sa mukha. Napalakas niya pala ang pagkakasabi noon. “I mean did you do something wrong to upset her?” “Well I just went out with my friends! What is wrong with that?”Halos suminghal na ito sa pagiging high blood. “Hmp. So what do you want to do on your account, sir?" “Oh yes.” Bahagya na itong kumalma. “ Uh . . . I would like to hav

    Last Updated : 2021-06-26

Latest chapter

  • Chasing Betsy   Chapter 40

    Special Chapter “Basically, our market is expected to benefit from the increasing focus . . . to survive the constantly changing business dynamics. . .” Okay. Nasaan na nga ba sila at ano na ba ang dini-discuss? Tahimik na tanong ni Betsy sa sarili habang pinagmamasdan ang mga kasamahan niya sa loob ng conference room sa New York na tila ba nagdedebate na. Karamihan ng mga kasama niya ay mga lalaki.Napakaseryoso nito sa usapin patungkol sa kompanya. “So we can focus on core competencies, even generating avenues for market growth,” sabad ng isa pang miyembro ng board. Dumapo ang tingin ni Betsy sa malaking tiyan nito. “Well, I guess we can also focus on reducing the cost of business for global resources in order for us to meet the growing industry demand,” suhestiyon naman ng isa pa. Napakapit nang mahigpit si Betsy sa ilalim ng mesa nang balingan siya nito. “What's your opinon, Mrs. Wills?”

  • Chasing Betsy   Chapter 39

    Masigabong palakpakan ang ibinigay nina Betsy, Ashley at Pam matapos mapanood ang palabas kung saan isa sa mga bida si Sue. Sa apartment ng magkapatid na Pam at Sue sila nanonood nito. Nakatingin pa rin sila sa flat screen tv habang pinagmamasdan ang pag-roll ng credits ng palabas. “Wow! Ang galing mo, Sue!” tili ni Ashley sabay tulak kay Sue na nakaupo sa tabi nito sa sofa. “ ‘Yong iyak mo ro’n, grabe! Parang sinabihan ka lang ng direktor niyo na magiging single na forever!” “Uh. . . Sakto lang naman,” nahihiyang tugon ni Sue at bumalik na sa pagkakaupo. “Dahil lang naman iyan sa acting workshops ko.” “Congratulations ulit, Sue,” bati naman ni Betsy. Masayang-masaya siya sa success ng nakababatang kapatid ni Pam. “Nakuha mo na talaga ang break mo sa showbiz.” Tiningnan siya ni Sue at ngumiti ito. “Thank you, Betsy. Congrats din sa engagement mo.” Uminit ang pisngi ni Betsy at ngayon ay sa kanya na nakabaling ang atensiyon ng ta

  • Chasing Betsy   Chapter 38

    Magkasama nilang ipinagdiriwang ang pasko sa Calamba. Si Betsy, Devyn, Nanay G at Tatang. Nanay G na ang tawag niya sa balong si Aling Gloria dahil tuluyan na ngang naging official ang dalawa. Masaya naman si Betsy dahil may kasama na ang kanyang Tatang sa bahay at napapanatag din siya dahil alam niyang masayang-masaya ang kanyang ama. Nakita niya rin kung gaano kabuting tao si Aling Gloria at sobra naman talaga itong maalaga sa Tatang niya. Malaki ang ngiti ng bawat isa nang magbukas na ng regalo. Nangawit pa sila dahil ang dami naman kasing ipinamigay na regalo ni Devyn. Kahapon pa ito dumating mula sa New York at si Betsy na ang sumundo rito sa airport. Bumalik si Devyn sa New York upang asikasuhin ang naging krisis sa kompanya. Pinanatag din ni Devyn ang loob ni Betsy na magiging okay din ang lahat. Habang nagkukwentuhan ang tatlo sa may sala ay nagpunta muna si Betsy sa kuwarto ng kanyang Lolo June. Nang nasa tapat na siya ng pinto ng kuwarto nito

  • Chasing Betsy   Chapter 37

    “Ano bang ginagawa natin dito sa salon?” nagtatakang tanong ni Pam. “Iinom ng beer,” sarkastikong tugon ni Ashley. “Ano pa ba, eh 'di magpapaayos! Magme-make over ka para sa revenge mo.” “A-Ayaw ko ng maghigante, Asin,” giit ni Pam. “Pwes kami gusto!” Hinawakan siya sa may braso ni Ashley at hinila na papasok ng hair salon. Tahimik namang nakasunod lang sa kanila si Betsy sa likod. Walang nagawa si Pam at nagpatianod na lamang. Umupo na ito at hindi nagtagal ay nilapitan din ng baklang hairstylist. Naupo naman sina Betsy at Ashley sa sofa. “Anong gusto mong hairstyle, sis?” anang bakla kay Pam. “'Yong babagay sa kanya at mas gaganda pa siya!” si Ashley ang sumagot. Tumango ang bakla at pinagtuonan na ng atensiyon si Pam. Hindi na nito ginupitan si Pam dahil mas bagay daw dito ang may mahabang buhok. Kinulot lang nito ang dulo ng buhok ni Pam at nilagyan ng highlights. Sa huli ay naging mat

  • Chasing Betsy   Chapter 36

    Iba talaga ang nagagawa ng pagkakaroon ng isang masayang love life. Napatunayan ito ni Betsy dahil habang tumatanggap ng mga tawag sa kanyang trabaho at maski iritado ang kanyang mga caller ay hindi pa rin ito nakaapekto sa magandang performance niya. Mahaba pa rin ang naibigay niyang pasensiya sa kanila. Matapos maibaba ang huling tawag niya bago ang kanyang break ay muli siyang napatingin sa bakanteng upuan ni Pam. Naninibago siya dahil absent ang matalik na kaibigan gayong napaka-workaholic naman nito. Tinanggal niya ang suot na headset at inilapag ito sa ibabaw ng kanyang desk. Tumayo na siya at insakto naman ang ginawang pagdaan ni Ashley sa likod niya. "Bakit absent daw si Pam?" tanong niya na nagpahinto naman nito sa paglalakad. "Ewan. Hindi naman nagsabi sa'kin," kibit-balikat na sagot ni Ashley. "Tinanong nga ako ni Patis kanina, eh kasi hindi raw nag-call in si Pam." Nagpakawala ng mababaw na buntonghininga s

  • Chasing Betsy   Chapter 35

    Magkahawak ang kamay nina Betsy at Devyn habang papasok sila sa bahay nina Betsy sa Laguna. Naghihintay na sa kanila sa loob ang kanyang Tatang. Bago pa man buksan ni Betsy ang pinto ay binalingan niya ng tingin si Devyn. “Are you nervous?” “No. I’m cool,” tugon ni Devyn at pagkatapos ay binalingan ng tingin ang saradong pinto. “He’s not . . . he isn’t mad at me, right?” Napangiwi si Betsy. Muli niyang naalala ang naging babala ng kanyang Tatang noong sinabihan niya ito sa plano ni Devyn na mag-live in sila. “I think . . . not.” Alam naman ni Betsy na masama ang magsinungaling pero sa pagkakataong ito ay gusto niya lang naman na hindi mag-alala si Devyn. At siguro naman nasa good mood ang kanyang Tatang dahil sa masayang love life nito. “Right.” Nagpakawala ng panatag na buntonghininga si Devyn at umayos na ng tayo. Binuksan na ni Betsy ang pinto at pumasok sila sa loob. Hindi nga siya nagkakamali at nakitang naghihintay

  • Chasing Betsy   Chapter 34

    Bumagsak ang balikat niya dahil sa pagiging dismayado. Nagsisimula na siyang panghinaan ng loob. “Oh. Do you know where he's going?” Nagkibit ng balikat si Rudy. May tingin ng simpatyang dumaan sa mga mata nito. “I don't have any idea. I can call him if you want.” “No thanks. Never mind.” Nasabi na lamang ni Betsy. Ayaw niya naman kasing ipaalam kay Devyn ang pagpunta niya sa New York. Baka kasi iwasan lang siya nito bago pa man siya makita o magkaroon ng pagkakataon upang makausap ito. Nagpaalam na si Betsy kay Rudy. Bigo siyang umalis at tinungo ang taxi na talaga namang hinihintay pa siya. Wala siyang imik na pumasok sa loob at naupo sa harapan. “Didn't go well then,” tahimik na puna ni Steve sabay lingon sa kanya. “So, where do we go next?” “To the Philippines,” wala sa sariling sagot ni Betsy. Mahinang natawa si Steve. “Well, that's really far away. How about somewhere much nearer?” Napapalakpak si Betsy at

  • Chasing Betsy   Chapter 33

    Bumagsak ang panga ni Betsy at makailang beses pa siyang napakusot sa kanyang mga mata. Ano'ng ginagawa ng haponesa rito sa harap niya? At paano siya nito natunton? “Ms. Haruko? What are you doing here?”pagsasatinig niya sa tanong na nasa isipan. Nagkibit ng balikat si Miss Haruko sabay kalmanteng sulyap sa paligid. “I was in the neighborhood.” Mabilis na napalingap si Betsy sa 'neighborhood' na tinutukoy ni Miss Haruko at nahagilap ang mga barung-barong na mga tirahan. May umiihi pa nga sa may gilid ng poste. Napakamot na lang siya sa batok at ibinaling muli ang atensyon sa haponesa. “What can I do for you this time?” tanong niya. Nasisiguro niyang may sadya ang haponesa sa kanya. Umiling si Miss Haruko. Naba-bother talaga si Betsy sa laki ng sombrero na suot nito. Kasya yata siya sa loob. “It's not what you can do for me. It's whatIcan do for you,” misteryoso nitong sinabi. N

  • Chasing Betsy   Chapter 32

    “Don't wanna feel another touch! Don't wanna start another fire! Don't wanna know another kiss! I'll never love again. I'll never love agaiiiiiiiin! Ooohhhh. Okay! Next song! Helloooo from the other siiiiide! I wish I can say that I've tried. To tell you I'm sorry for breaking your heaaaaart. Sayang na sayang talaga! Sayang na sayang talaga! 'Wag kang susuko. Wag kang susuko!” Hay. Nakakapagod naman talaga ang kumanta ng medley. Lalong-lalo na kapag acapela. Talo pa yata ni Betsy si Manang Adele sa pagkanta. Malat na malat na ang boses niya at kaboses niya na yata si Inday Garutay. Nagsalin siya ng beer sa baso at lumagok. Hindi niya na mabilang kung ilang bote ng beer na ang kanyang naubos. Lugmok na lugmok siya dahil sa nangyari sa kanila ni Devyn. Iinumin niya na sana ang beer mula sa baso pero nabitin sa ere ang pagkakahawak niya nito dahil sa naririnig niya na namang katok sa may pintuan. Marahil si Aling Petra na naman ito. Babal

DMCA.com Protection Status