Okay. Kalma ka lang, Betsy. Hingang malalim. Inhale. Exhale. Remember, isa kang sophisticated businesswoman. Kanina pa niya pinapakalma ang sarili habang namumuo ang butil ng pawis sa kanyang noo.
Paano nga ba siya napunta sa sitwasyong ito?
Ay, oo nga pala. Bayarin na ng upa. Para maiwasan na naman ang ratsada ng bunganga ng magaling niyang landlady na si Aling Petra. At saka para na rin sa bagong pustiso ng kanyang Lolo June.
Kaya heto siya ngayon, nasa loob ng malaking conference room na puti ang kulay ng pinta. Nakaupo siya sa isang silya sa likod ng mesa. Sa harap niya sa may hindi kalayuan ay ang isang malaking projector, kasinglaki ng kanyang pasensiya. Dito sa loob ng hotel sa siyudad ng New York. At ah ah. Hindi New York Cubao kundi sa ibang bansa.
“. . . so basically the length of development . . .’’
“ . . . logistics . . . data . . . management . . .”
Ay ano raw te? Ewan niya lang talaga. Kahit ipaikot-ikot pa sa washing machine, pigain, at isampay sa Mars itong utak niya, wala talaga siyang na-gets sa lalaking nakasuot ng salamin na mukhang trenta anyos na hilaw na ito.
Basta tango lang nang tango. Sabayan pa ng ngiting propesyunal. Kumbaga interesado at himay na niya ang kalakaran sa larangan ng negosyo. Siya mismo ay napapabilib sa sariling aktingan. Road to Hollywood!
Teka lang muna. Bakit parang busy itong mga 'to? Natigil siya nang makita ang sabay-sabay na pagyuko ng mga kasamahan niya sa silid. Nakita niyang tila ba naka-focus ang lahat sa kani-kanilang mga laptop sa mesa.
Ay lintik! Tahimik siyang napamura. Bakit hindi yata siya nasabihan na kailangan pa lang may laptop na dala? Nakakahiya naman ito. Parang abalang-abala sila sa kapipindot. Parang siya lang ang walang gadget na nakatuntong sa mesa.
Puwera na lang sa lalaking nakaupo sa may gawing kanan niya, isang lumang kuwaderno ang dala. Nakasandal lang ang likod nito sa upuan na parang bagot. Mas mukha pa nga itong hindi handa kaysa sa kanya, eh. Kung titingnan nga ang pormahan nito ay mukhang gusgusin. Akalain niya ba namang naka T-shirt at pantalon na maong lang. Butas pa sa may tuhod. Kaloka!
Ni mukhang nakalimutan pa nga nitong mag-ahit eh. At ang mga mata . . .Ack! Nakatitig ang asul na mga mata ni manong sa kanya!
Aba aba, tinaasan pa siya ng kaliwang kilay nito!
Ibinaling na lang ulit ni Betsy ang atensiyon sa nagsasalitang hilaw sa harapan at napaubo pa siya dahil sa pagkakasamid sa sariling laway.
Okay. Ano kaya ang pwede niyang gawin upang hindi naman magmukhang tanga? Tama! 'Yong cellphone niya. Nakaisip kaagad siya ng magandang ideya kaya naman ay mabilis niyang kinuha ang kanyang cellphone mula sa bag at nagsimula na siya sa pagpipindot nito. See? Sa huli hindi siya tanga. Medyo lang!
Medyo gumaang na rin ang pakiramdam niya nang mayroon na siyang napipindot. Pero nagulantang na lamang siya nang makita sa screen ng kanyang cellphone ang naitipa niya. Para naman siyang may ka-chat na alien o hindi kaya ay nakaupo sa keyboard dahil sa natitipa. Fffggghhioo
Delete!
Huminga siya ng malalim at naisipan na maglista na lang ng mga kailangan niyang bilhin pag-uwi niya ng Pilipinas.
Anak ng tokwa! Biglang tumunog nang malakas ang ringtone ng cellphone niya sa kantang ‘Buwan’ ni JK Labajo.
Gaga! May tumatawag pala!
Nagsilingunan ang mga kasamahan niya at halatang hinahanap ng mga ito ang salarin ng ingay. Nang matagpuan nilang sa cellphone niya nagmula ang ingay ay nakita niyang bakas sa mga mukha nito ang pagkairita. Kaya naman ay dali-dali niyang pinatay ang cellphone at uminit ang magkabilang pisngi niya sa labis na kahihiyan. Bahagya siyang napayuko at pumikit nang mariin na para bang maitatago pa ang sarili. Gusto niya na lang kainin ng lupa!
Maya-maya pa ay nagpatuloy ang talakayan at saka pa lamang siya nakahinga nang maluwag. Palibhasa ay pinatay na niya ang cellphone, ibinalik na lamang din niya ito sa loob ng bag. Bigo siyang bumuntonghininga at binalingan na muli ang mesa. Nawindang na lamang siya sa nakitang isang halatang pinunit mula sa kuwaderno na piraso ng papel sa kanyang harapan.
Sa mga sandaling iyon ay hindi na siya nagtaka kung kanino ito nanggaling dahil alam niyang lahat ay laptop ang dala maliban sa lalaking katabi niya sa kanang bahagi. Unti-unti siyang napasulyap sa lalaki at nakaramdam ng kahihiyan dahil sa mga hindi kaaya-ayang naisip tungkol dito kanina. Ngunit hindi nagtagpo ang kanilang mga mata na parang eksena sa pelikula dahil nakatutok nang deretso ang tingin at atensiyon nito sa presentasyon na nasa harapan.
Napakagat siya sa kanyang ibabang labi at ibinaba ang tingin sa mesang nasa tapat nito. Marahil ay napansin ng lalaki ang kanina pa niyang malagkit na pagtitig sa panulat na nakalatag katabi ng kuwaderno nito. Bigla nitong ibinaling ang tingin sa kanya at nagsalita gamit ang malalim at mala-musikang boses.
“Do you need a pen with that?” tanong nito sa kanya na may halong lihim na tawa ang mga mata. Napaisip tuloy siya kung pinagtatawan ba siya ng lalaki.
Siyempre, napalunok siya dahil sa kaba. Bigla na lang bumilis ang pintig ng puso niya na para bang nagmamadali. Parang may lakad! Tsar!
Matapos ang ilang segundong pagiging tanga na naman ay nahanap din niya ang sariling boses at nagsalita na.
“Su--sure,” tugon niya gamit ang boses na parang pumiyok na kambing. Siguro napa-facepalm na lang ang guardian angel niya sa hiya, kung mayroon man.
Walang anu-ano ay inilatag ng lalaki ang panulat katabi ng piraso ng papel. At shocks! Nagulantang na lamang siya. Cartier pen pala ito kaya nakasisiguro siyang mamahalin ito. Kaya na sigurong pakainin ang street children. Marahil ay wala itong maayos na mga damit dahil naubos ang pera sa kabibili ng mamahaling panulat. Koleksyon kumbaga.
Kahit may halong kahihiyan man ay pilit niyang ginamit ang ipinahiram sa kanya ni Kuyang Pantalon.
Feeling tuloy ni Betsy ay isa siyang charity case.
Bumawi siya at ipinagpatuloy ang paglilista ng mga bibilhin gamit ang donasyon ng lalaki sa kanya. Pakiwari naman niya ay walang makakahalata sa mga ipinagsusulat niya.
Makalipas ang ilang oras ay nagsalita ang isa sa mga nag-oorganisa ng nasabing pagtitipon, isang Amerikanong lalaki na patpatin at may boses bungisngis ngunit mukhang may alam naman.
“All right folks! This time, I want you to share your ideas with one another. Don’t be shy . . .”
Anak ng tipaklong!
Bigla siyang tahimik na napamura sa kinauupuan. Sa pagiging abala niya sa paglilista ay hindi na niya nasubaybayan pa ang mga pinagsasabi nito. Hindi niya inaasahan na may ganito pa lang magaganap. Hindi siya ready!
“ . . . groupmates . . .”
“. . . people sitting next to you . . .” pagpapatuloy ni patpat.
Lumakas ang kabog ng dibdib ni Betsy. Ano ba namang ideya ang maibabahagi niya eh isa lamang siyang hamak na impostora? Lahat na lang ng santo na kilala niya ay natawag na niya, mga bale lima siguro. Ay wait, santo ba si Fred?
Mas naging balisa siya nang mapunang nagsimula ng maghila ang katabi niya sa kaliwang bahagi ng inuupuan nito, isang blandinang unat na unat ang buhok. Sumunod na rin ang gusgusin na lalaking nasa kanan niya. Halatang maski ito ay iritado sa pangyayari. Nagsimula na rin siyang kumilos upang hindi naman siya masabihang bakal-ulo.
Matapos ang hilahan ng kani-kaniyang upuan, nabuo na ang kanilang prayer meeting- este grupo. Siya, si blandinang unat, at si gusgusin.
“So, should we introduce ourselves first?” pagsisimula ni blandina na may halong ngiting hanggang tainga. “I'm Amanda Waring, executive assistant of Global World."
“Jack Wills,” matipid naman na pagpapakilala ni gusgusin.
"Bet—Yuri Haruko, junior managing director of Kazumi Enterprises," medyo kayas na pagsisinungaling niya. Ilang beses na yata niya itong na-practice sa Pilipinas para lang sa pagkakataon na ito.
“Oh! You're Japanese then. I love Japan though I've never been there.” Biglang kumunot ang noo ng nagpakilalang Amanda kanina habang tinititigan ang bawat sulok ng mukha niya.
“You don't look like Japanese though,” puna nito.
Dahil sa kapa ni Betsy na hinahamon ang kasanayan niya sa pagpapanggap, niliitan niya ang kanyang mga mata na para bagang siya ay nasisilawan sa sikat ng araw. Medyo pinaliit niya rin ng kaunti ang mapupula niyang mga labi.
Bigla na lang napanganga si Amanda at hindi nakapagsalita. Batid niya ang matinding pagkamangha nito kaya naman ay mas pinag-igihan pa niya ang ginagawa. Hanggang umabot sa puntong halos wala na nga siyang makita.
“Are you all right?” tanong ni gusgusin— este Jack Wills. Sinusuri pa nito ang mukha niya habang tinititigan ang bawat sulok na para bang may hinahanap siyang kung ano.
Nang mapagtanto niyang siya pala ang tinatanong nito at sa kanya pala ito nakatingin ay ibinalik na ni Betsy ang kanyang hitsura sa normal.
“Of course!” mariin niyang tugon.
“Are you sure?” Halata ang hindi nito pagiging kumbinsido dahil hindi pa rin siya nito nilulubayan ng tingin.
“Uh huh!” Isang beses itong mabilis na tinanguan ni Betsy sabay iwas ng tingin dahil nababalisa talaga siya sa paraan ng pagtitig nito.
“Can you tell us some Japanese words? Well, aside from ‘Arigato’ of course because that's all I know! Ha ha," madaldal na pagpapatuloy ni Amanda.
Pisti! Napamura na naman siya. Paano ba ito? Iyon lang din ang alam niya! Ingles lang naman ang ginagamit nila ng kliyente niyang haponesa kapag nag-uusap sila. Ipapahamak pa talaga siya ng unat nato. Piktosan ko ‘to sa matres eh. Nasa isip niya.
Pansin niya pa rin ang paghihintay ni blandina sa isasagot niya. Nang pasimple niyang sinulyapan ang amerikanong gusgusin na si Jack Wills ay nakita niyang naghihintay rin ito. Mas lalo siyang pinagpawisan. Nanuyo ang mga gilagid niya. Sa mga oras na ito ay isinaBatman niya na lang kung ano man ang lalabas sa bibig niya at nagsalita gamit ang tinig na ako mismo ay hindi nakakakilala.
“Harujusko!”
Pinagmasdan niya ang reaksiyon ng mga ito. Namilog ang mga mata ni Amanda at napanganga ito habang ang kano naman na si Jack ay nakatitig sa kanya. Titig na may halong kuryusidad. Hindi niya ito nagustuhan sapagkat para siyang nalulunod sa kulay asul nitong mga mata.Ang buong akala niya ay lalamunin na siya ng lupa ng buong New York sa kahinhintay sa magiging komento nila. Mabuti na lang at sa mga sandaling iyon ay napakli ito ni Amanda.“Oh my God! That is so cool. So what does it mean?” usyuso nito sabay palakpak ng isang beses. Napalingon pa tuloy sa gawi nila ang ibang naroroon.Bumaling siya ng tingin rito at pasimpleng hinaplos ang kanyang buhok.“It means My God,” madulas na tugon ni Betsy.Ang mahalaga kasing aral na natutunan niya sa pagpapanggap ay dapat malapit pa rin sa katotohanan. Upang kung magkamatayan man, hindi masyadong mapipiktosan.Sa tingin niya naman ay napahanga niya si blandina
“Pssst . . . Betsin! Psssst . . .” paninitsit ng engkanto niyang katabi. Iniwas ni Betsy ang kanyang ulo sa kabilang banda. Pinipilit niyang hagilapin ang naudlot na magandang panaginip dahil sa nang-iistorbong engkanto. Nasa kalagitnaan na siya ng pagbibilang ng maraming pera nang marinig na naman niya ang paninitsit nito sa kanang tainga niya.“Beeeeetsin … Hoy!” Naging agresibo na nga ang engkanto.Unti-unti siyang dumilat. Nakaidlip pala siya ng sandali sa kinalalagyan niyang kyubikel. Inangat niya nang bahagya ang ulo mula sa pagkakasampa nito sa ibabaw ng mesa. Pinukol niya ng masamang tingin ang kanina pa na nang-iistorbo sa kanya.“Bakit ba, Paminta?” iritado niyang tugon sa malusog na matalik niyang kaibigang si Pam. Magkatabi lang sila ng kyubikel kaya madali lang siya nitong naiistorbo.Paminta ang tawag nila kay Pam at Betsin naman ang tawag nila kay Betsy. Ganito ka kalog
Tagaktak ang pawis niya nang makababa na siya ng bus. Basang-basa na rin ng pawis ang dilaw na blusang suot niya. Buti na lang at nakapantalon siya, pakiramdam niya ay mas komportable. Paano ba naman, siksikan ang tao, Biyernes kasi. Mabigat pa naman ang maletang kulay pink na dala niya. Tiis lang talaga nang makauwi ng Calamba. Ang daming tao sa istasyon. Alas singko na ng hapon at rush hour. Kasalukuyan siyang nag-aabang sa gilid ng may masasakyang taxi. Ilang minuto pa ay may huminto na sa tapat niya. Lumabas ang matipunong lalaki na mukhang ka edad niya lang. Impyernes, medyo pogi ito. Ngumiti ito habang lumalapit sa kanya. Kilala niya ba ako o talagang nahuhumaling lang siya sa ganda ko? Chos. Baka ganito lang talaga siya sa mga potensyal na pasahero. Nang patuloy lang ang pagtitig niya sa lalaki ay napakamot ito sa kanyang noo. “Betsy, ikaw nga. Ako 'to, si Kanor!” pagpapakilala nito. Kanor?K
Pakiramdam niya ay nakalutang siya sa kawalan habang pinagmamasdan ang napakapamilyar na kano na nasa harapan. Kinurot niya ang kaliwang braso para ma-check kung nananaginip lang ba siya ng gising o ano. Habang ginagawa ito ay nawindang na lang siya nang may kumurot din pabalik sa kabilang braso niya. Luminga siya at nakita si Pam na kunot ang noong nakatitig sa kabilang brasong kinukurot niya.“Anong nangyayari sa'yo, Betsin? Bakit nagse-self abuse ka?” pabulong na pagkakatanong nito.Akma niya na sanang ibubuka ang bibig upang sagutin ang kaibigan kaya lang natutop niya ang sasabihin dahil sa muling pagsasalita ng kanilang supervisor sa harapan. Sabay silang napabaling ng tingin dito.“Excuse me, everyone! Finish your current calls and then take the aux,” pahayag ni Benny sa napakapormal na tono.Napatingin ang mga kasamahan niyang katatapos lang ang tawag sakanilang supervisor at sa porener na lalaking bisita
Hindi niya inasahan ang naging tanong ni Jack sa kanya. Ang akala niyang sasabihin nito ay “Oh, it’s not Yuri Haruko?” o hindi kaya “What are you doing here, you liar?” Pansin niya rin ang pinaghalong pagkabigla at pagtataka ng lahat. Alam niya na kahit nakawiwindang man ang tanong nito lalo na at para sa kanya ay may lihim na agenda kailangan niya pa ring sumagot dahil naghihintay ang lahat. “Well, I-I think . . . they're great people!” aniya na pilit isinasalba ang sarili. Misteryosong kumurba paitaas ang sulok ng labi ni Jack. Umayos ito sa pagkakaupo at isinandal ang likod sa back rest ng swivel chair na inuupuan. “Of course,” tila ba kaswal na pagsang-ayon pa nito. “How about their language?” “I. Ah. I.” Pilit ang ginawang pangangapa ni Betsy sa isasagot dito. Mukhang alam niya na kung saan patungo ang usapan. “I'm sorry,” sambit ni Jack. “I know it's a random question. I just remembered this Japanese woman who taught me so
Nalaboan siya sa sinabi ni Jack. Kahit na ang dali lang naman intindihin ng sinabi nito, hindi pa rin ito rumehistro sa pang-unawa niya. “Ho? Ano what? I don't understand.” Nalilito si Betsy sa nangyayari. “I'm not Jack Wills,” pag-uulit ni Jack na mas lalo lang nagpagulo sa isipan niya. Sa pag-aakalang nagbibiro ito ay tumawa nang malakas si Betsy habang hinahawakan ang kanyang tiyan. Nang muli niya itong tiningnan ay natigilan siya. Napuna niyang seryoso pala talaga si Jack. “I . . . don't get it.” Naging matabang na ang ginawa niyang pagtawa. “Jack Wills is my brother. My twin brother,” paliwanag nito. Napagiwang si Betsy sa kinatatayuan. Mabuti na lang at nakahawak siya sa backrest ng silya na nakalagay sa harap ng mesa nito. Hindi niya napaghandaan ang naging rebelasyon nito. Pinagmasdan ni Jack ang reaksiyon niya. Parang nanuyo ang lalamunan niya. Unti-unti siyang napaupo sa silya. Dumapo ang kanyang tingin sa mesa
Kung nakakangawit ang pagsusuot ng heels, mas nakakangawit sa pwet ang maupo nang matagal. Dalawampung minuto ng nakaupo si Betsy sa loob ng restawrant habang naghihintay kay Jack Wills o kung ano man ang totoong pangalan nito. Alam niya naman na hindi itodatepero umuwi pa talaga siya ng apartment matapos ang shift para magpalit ng suot. Hindi na siya si Angel Locsin kundi si Alyana ng Probinsyano. Paano ba naman kasi, naka off-shoulder siya na floral dress at straps sandals. Ilang minuto pa ang lumipas at sa wakas ay dumating na rin si Jack. Napansin niyang ang tangkad pala talaga nito. Kaswal lang ang suot nito. Naka itim na T-shirt at itim na jeans. Terno sana sila kung hindi lang siya nagbihis. “I'm sorry to have kept you waiting. There was just an emergency which I had to attend to,” wika nito nang makaupo na sa tapat niya. “Oh no. I just got here,” pagsisinungaling ni Betsy. Ayaw niya namang isipin nito na nag
Si Devyn Wills ay isang sculptor. Hindi lang basta iskultor kundi kilala sa larangan ng sining. Ilan sa mga nagawa niya ay naidisplay na sa sikat na mga art galleries. Kabilang na rito ang New York, London, Paris, Singapore, at bansang Japan. Nakapangalumbaba si Betsy habang binabasa ang article patungkol kay Devyn Wills. Dahil sa nabasa niya ay nakumpirma niya na talaga na hindi panaginip ang mga nangyari at hindi isang prank ang sekretong ibinunyag sa kanya ni Jack—este Devyn pala. “Ano 'yang binabasa mo? Bakit mukha kang seryoso?” bulong ng boses na nagmumula sa kanang tainga niya. “Ay kambing!” bulalas niya sabay hawak sa dibdib dahil sa gulat. Lumingon siya at nakita ang kaibigang si Pam sa kanyang likod. “Pam, naman nanggugulat ka.” “Kanina pa kita tinatawag. Hindi mo ako pinapansin. Ano ba 'yan? Blind item sa showbiz article?” anito sabay sulyap sa computer. Mabilisan niyang isinara ang page at hinarap na si Pam. “Hmp. Wa
Special Chapter “Basically, our market is expected to benefit from the increasing focus . . . to survive the constantly changing business dynamics. . .” Okay. Nasaan na nga ba sila at ano na ba ang dini-discuss? Tahimik na tanong ni Betsy sa sarili habang pinagmamasdan ang mga kasamahan niya sa loob ng conference room sa New York na tila ba nagdedebate na. Karamihan ng mga kasama niya ay mga lalaki.Napakaseryoso nito sa usapin patungkol sa kompanya. “So we can focus on core competencies, even generating avenues for market growth,” sabad ng isa pang miyembro ng board. Dumapo ang tingin ni Betsy sa malaking tiyan nito. “Well, I guess we can also focus on reducing the cost of business for global resources in order for us to meet the growing industry demand,” suhestiyon naman ng isa pa. Napakapit nang mahigpit si Betsy sa ilalim ng mesa nang balingan siya nito. “What's your opinon, Mrs. Wills?”
Masigabong palakpakan ang ibinigay nina Betsy, Ashley at Pam matapos mapanood ang palabas kung saan isa sa mga bida si Sue. Sa apartment ng magkapatid na Pam at Sue sila nanonood nito. Nakatingin pa rin sila sa flat screen tv habang pinagmamasdan ang pag-roll ng credits ng palabas. “Wow! Ang galing mo, Sue!” tili ni Ashley sabay tulak kay Sue na nakaupo sa tabi nito sa sofa. “ ‘Yong iyak mo ro’n, grabe! Parang sinabihan ka lang ng direktor niyo na magiging single na forever!” “Uh. . . Sakto lang naman,” nahihiyang tugon ni Sue at bumalik na sa pagkakaupo. “Dahil lang naman iyan sa acting workshops ko.” “Congratulations ulit, Sue,” bati naman ni Betsy. Masayang-masaya siya sa success ng nakababatang kapatid ni Pam. “Nakuha mo na talaga ang break mo sa showbiz.” Tiningnan siya ni Sue at ngumiti ito. “Thank you, Betsy. Congrats din sa engagement mo.” Uminit ang pisngi ni Betsy at ngayon ay sa kanya na nakabaling ang atensiyon ng ta
Magkasama nilang ipinagdiriwang ang pasko sa Calamba. Si Betsy, Devyn, Nanay G at Tatang. Nanay G na ang tawag niya sa balong si Aling Gloria dahil tuluyan na ngang naging official ang dalawa. Masaya naman si Betsy dahil may kasama na ang kanyang Tatang sa bahay at napapanatag din siya dahil alam niyang masayang-masaya ang kanyang ama. Nakita niya rin kung gaano kabuting tao si Aling Gloria at sobra naman talaga itong maalaga sa Tatang niya. Malaki ang ngiti ng bawat isa nang magbukas na ng regalo. Nangawit pa sila dahil ang dami naman kasing ipinamigay na regalo ni Devyn. Kahapon pa ito dumating mula sa New York at si Betsy na ang sumundo rito sa airport. Bumalik si Devyn sa New York upang asikasuhin ang naging krisis sa kompanya. Pinanatag din ni Devyn ang loob ni Betsy na magiging okay din ang lahat. Habang nagkukwentuhan ang tatlo sa may sala ay nagpunta muna si Betsy sa kuwarto ng kanyang Lolo June. Nang nasa tapat na siya ng pinto ng kuwarto nito
“Ano bang ginagawa natin dito sa salon?” nagtatakang tanong ni Pam. “Iinom ng beer,” sarkastikong tugon ni Ashley. “Ano pa ba, eh 'di magpapaayos! Magme-make over ka para sa revenge mo.” “A-Ayaw ko ng maghigante, Asin,” giit ni Pam. “Pwes kami gusto!” Hinawakan siya sa may braso ni Ashley at hinila na papasok ng hair salon. Tahimik namang nakasunod lang sa kanila si Betsy sa likod. Walang nagawa si Pam at nagpatianod na lamang. Umupo na ito at hindi nagtagal ay nilapitan din ng baklang hairstylist. Naupo naman sina Betsy at Ashley sa sofa. “Anong gusto mong hairstyle, sis?” anang bakla kay Pam. “'Yong babagay sa kanya at mas gaganda pa siya!” si Ashley ang sumagot. Tumango ang bakla at pinagtuonan na ng atensiyon si Pam. Hindi na nito ginupitan si Pam dahil mas bagay daw dito ang may mahabang buhok. Kinulot lang nito ang dulo ng buhok ni Pam at nilagyan ng highlights. Sa huli ay naging mat
Iba talaga ang nagagawa ng pagkakaroon ng isang masayang love life. Napatunayan ito ni Betsy dahil habang tumatanggap ng mga tawag sa kanyang trabaho at maski iritado ang kanyang mga caller ay hindi pa rin ito nakaapekto sa magandang performance niya. Mahaba pa rin ang naibigay niyang pasensiya sa kanila. Matapos maibaba ang huling tawag niya bago ang kanyang break ay muli siyang napatingin sa bakanteng upuan ni Pam. Naninibago siya dahil absent ang matalik na kaibigan gayong napaka-workaholic naman nito. Tinanggal niya ang suot na headset at inilapag ito sa ibabaw ng kanyang desk. Tumayo na siya at insakto naman ang ginawang pagdaan ni Ashley sa likod niya. "Bakit absent daw si Pam?" tanong niya na nagpahinto naman nito sa paglalakad. "Ewan. Hindi naman nagsabi sa'kin," kibit-balikat na sagot ni Ashley. "Tinanong nga ako ni Patis kanina, eh kasi hindi raw nag-call in si Pam." Nagpakawala ng mababaw na buntonghininga s
Magkahawak ang kamay nina Betsy at Devyn habang papasok sila sa bahay nina Betsy sa Laguna. Naghihintay na sa kanila sa loob ang kanyang Tatang. Bago pa man buksan ni Betsy ang pinto ay binalingan niya ng tingin si Devyn. “Are you nervous?” “No. I’m cool,” tugon ni Devyn at pagkatapos ay binalingan ng tingin ang saradong pinto. “He’s not . . . he isn’t mad at me, right?” Napangiwi si Betsy. Muli niyang naalala ang naging babala ng kanyang Tatang noong sinabihan niya ito sa plano ni Devyn na mag-live in sila. “I think . . . not.” Alam naman ni Betsy na masama ang magsinungaling pero sa pagkakataong ito ay gusto niya lang naman na hindi mag-alala si Devyn. At siguro naman nasa good mood ang kanyang Tatang dahil sa masayang love life nito. “Right.” Nagpakawala ng panatag na buntonghininga si Devyn at umayos na ng tayo. Binuksan na ni Betsy ang pinto at pumasok sila sa loob. Hindi nga siya nagkakamali at nakitang naghihintay
Bumagsak ang balikat niya dahil sa pagiging dismayado. Nagsisimula na siyang panghinaan ng loob. “Oh. Do you know where he's going?” Nagkibit ng balikat si Rudy. May tingin ng simpatyang dumaan sa mga mata nito. “I don't have any idea. I can call him if you want.” “No thanks. Never mind.” Nasabi na lamang ni Betsy. Ayaw niya naman kasing ipaalam kay Devyn ang pagpunta niya sa New York. Baka kasi iwasan lang siya nito bago pa man siya makita o magkaroon ng pagkakataon upang makausap ito. Nagpaalam na si Betsy kay Rudy. Bigo siyang umalis at tinungo ang taxi na talaga namang hinihintay pa siya. Wala siyang imik na pumasok sa loob at naupo sa harapan. “Didn't go well then,” tahimik na puna ni Steve sabay lingon sa kanya. “So, where do we go next?” “To the Philippines,” wala sa sariling sagot ni Betsy. Mahinang natawa si Steve. “Well, that's really far away. How about somewhere much nearer?” Napapalakpak si Betsy at
Bumagsak ang panga ni Betsy at makailang beses pa siyang napakusot sa kanyang mga mata. Ano'ng ginagawa ng haponesa rito sa harap niya? At paano siya nito natunton? “Ms. Haruko? What are you doing here?”pagsasatinig niya sa tanong na nasa isipan. Nagkibit ng balikat si Miss Haruko sabay kalmanteng sulyap sa paligid. “I was in the neighborhood.” Mabilis na napalingap si Betsy sa 'neighborhood' na tinutukoy ni Miss Haruko at nahagilap ang mga barung-barong na mga tirahan. May umiihi pa nga sa may gilid ng poste. Napakamot na lang siya sa batok at ibinaling muli ang atensyon sa haponesa. “What can I do for you this time?” tanong niya. Nasisiguro niyang may sadya ang haponesa sa kanya. Umiling si Miss Haruko. Naba-bother talaga si Betsy sa laki ng sombrero na suot nito. Kasya yata siya sa loob. “It's not what you can do for me. It's whatIcan do for you,” misteryoso nitong sinabi. N
“Don't wanna feel another touch! Don't wanna start another fire! Don't wanna know another kiss! I'll never love again. I'll never love agaiiiiiiiin! Ooohhhh. Okay! Next song! Helloooo from the other siiiiide! I wish I can say that I've tried. To tell you I'm sorry for breaking your heaaaaart. Sayang na sayang talaga! Sayang na sayang talaga! 'Wag kang susuko. Wag kang susuko!” Hay. Nakakapagod naman talaga ang kumanta ng medley. Lalong-lalo na kapag acapela. Talo pa yata ni Betsy si Manang Adele sa pagkanta. Malat na malat na ang boses niya at kaboses niya na yata si Inday Garutay. Nagsalin siya ng beer sa baso at lumagok. Hindi niya na mabilang kung ilang bote ng beer na ang kanyang naubos. Lugmok na lugmok siya dahil sa nangyari sa kanila ni Devyn. Iinumin niya na sana ang beer mula sa baso pero nabitin sa ere ang pagkakahawak niya nito dahil sa naririnig niya na namang katok sa may pintuan. Marahil si Aling Petra na naman ito. Babal