Home / All / Aseron Weddings / Chapter 71 - Chapter 80

All Chapters of Aseron Weddings: Chapter 71 - Chapter 80

97 Chapters

PART 4-ONE, NEVER LIZZIE

ISLA FUEGO.                                               Mabibilis ang mga hakbang ni Elizabeth ‘never Lizzie’ Ocampo habang binabagtas niya ang mahabang hallway ng Castillo Aseron. Kung tutuusin, hindi naman niya lolo sa dugo ang patriyarka ng mga Aseron na si Lolo Nemesio “Nemo” Aseron.       Kapit-lupain lang nila ang Aseron Farms na pag-aari nito noong bago ibenta ng kanyang ama dito ang lupain nila dati. At bagamat ito pa rin ang tumatayong CEO ng Aseron Corporation na sakop ang pinagtatrabahuhan niya ngayong fastfood chain, ang anak nitong si Gerard Aseron ang immediate boss niya.    
last updateLast Updated : 2021-06-19
Read more

PART 4-TWO, TEACH HIM

                                                                  SI LOLO NEMO kasi, bagamat pormal nang ipinasa sa anak nitong si Uncle Donato ang pagiging CEO at presidente ng Aseron Corporation ay aktibo pa ring nangingialam sa mga desisyon ng kompanya nitong mahigit anim na dekada nitong pinagharian.“But I’m afraid Giac is not yet ready to fill in his father’s shoes at Scrummy. Wala siyang ideya sa kung paano umaandar ang operasyon niyon. Oo, matalino nga siya sa negosyo. Mistula siyang si Midas na lahat ng mahawakan ay nagiging ginto base na rin sa iba’t ibang negosyong sinimulan niya at pinalago. Mahusay at maparaan siya, walang duda doon,” pagpapatuloy nito.       Sinikap niyang huwag magpakita ng
last updateLast Updated : 2021-06-19
Read more

PART 4-THREE, MISS KNOW-IT-ALL

Pero ang lingid sa kaalaman ng marami, mas sa mga sinusuportahan niyang foundations nadi-drain ang pera niya.Sapagkat ibitin man siya ng patiwarik o ipapapak sa sangkatutak na hantik, hinding-hindi siya aamin na isa siyang pilantropo! Bloody hell, it would ruin his image as the Casanova Aseron! A man who lives for expensive Italian suits, vintage wines, fast cars and faster women is not supposed to support the SAVE THE WHALES MOVEMENT or AFRICA’S TOMORROW ORGANIZATION. Sapat nang alam ng mundo na ang ina niya ay kahilera nina Reina at Bradley Townsend sa pagiging mga pilantropong milyonaryo. Hindi na niya kailangang maki-like mom like son pa dito.Kaya nga kailangan niyang manghiram sa lolo niya ng pera sanhi ng matinding pangangailangan niya ng pang-puhunan para sa bagong itatayong negosyo niya. Dahil hindi niya bala
last updateLast Updated : 2021-06-19
Read more

PART 4-FOUR, SAY THAT AGAIN

                                                                    Pinutol ng malakas na halakhak ni Giac ang panunudyo at masyadong halatang pambubuyo ng kapatid.“Mas nauna akong lumipat doon kaysa sa kanya, Ate Giselle. Baka kamo siya ang nanadyang umupa ng bahay doon para mapalapit sa akin.”Ang kapatid naman niya ang natawa. Tawang parang nagdududa sa katinuan niya. Teka nga, sino ba ang kapatid nito? Siya o si Lizzie? Bakit hindi ito naniniwalang posibleng may lihim na pagtingin sa kanya ang kaibigan nito?Umiling-iling pa ito at tinignan siya na para bang sinasabing mangarap siya.“Never mind. Ang sinasabi ko ay tutal, may experience ka naman sa pakikisal
last updateLast Updated : 2021-06-19
Read more

PART 4-FIVE, BIGGEST MISTAKE

                                                Gigil na kumuyom naman ang mga kamay ni Lizzie. Pero bubuka pa lang ang bibig niya upang paulanan ito ng mas sarcastic na mga salita ay muli na naman itong nagsalita.“Alam kong ang agreement ninyo ni Lolo Nemo ay ako lang ang gagawin mong aliping sagigilid slash aliping namamahay. Kaya hindi mo pwedeng apihin pati ang pamangkin ko, okay? He’s just staying with me for the next two weeks. Nag-second honeymoon kasi sina Pedrico at Mely. Alangan namang iwan ko siya sa bahay ko mag-isa. Kaya isinama ko na rin siya dito.”       Marahang tinanguan lang niya si Curt na magalang na bumati sa kanya. Saka siya muling bumaling sa tiyuhin nito.“That still does not explain
last updateLast Updated : 2021-06-19
Read more

PART 4-SIX, I DEMAND A KISS

                                                                Bumakas na sa pagkakataong iyon ang pag-aalinlangan nito. At animo pisikal na binantaan na niya itong kusang napaatras ito palayo sa kanya. He suddenly looked like a man who just realized he was caught in a trap that he himself created.Matamis na ngumiti naman siya. Matamis iyon para sa kanya. Pero para dito, nasisiguro niyang ngiti ng isang piranha ang nakikita nitong nakapaskil sa mga labi niya.“Probably because you really did make the biggest mistake of your life. I will enjoy making you suffer for the next coming three months, Giacomo,” mariing pangako niya dito. -----------------------------------------------------------------
last updateLast Updated : 2021-06-19
Read more

PART 4-SEVEN, BITTERSWEET MEMORIES

                                                               “Paano mo nakalimutan ang pagkakaibigan natin noon?! I’m hurt, Lizzie! Deeply hurt! I’m so hurt I think I want to commit suicide!” madramang bulalas nito. May pasapu-sapo pa sa dibdib nito ito. Nalukot ang mukha bilang panggagaya sa mukha ng isang labis na nagdadalamhating tao.Gustong isipin ni Elizabeth na purong arte lang ang lungkot na narinig niya sa boses ni Giac pati na ang mabilis na dumaang panghihinayang sa mga mata nito. Pero sa loob ng isang kispamata, animo saglit na sinadya nitong hubarin ang kadalasan ay mapang-asar na maskarang ihinaharap palagi sa kanya. Walang takot sa maari niyang gawing pananamantala sa kahinaan nitong ipinakita nito sa kanya ang lahat ng naipong p
last updateLast Updated : 2021-06-19
Read more

PART 4-EIGHT, TEN YEARS AGO

                                                   Mapait na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Lizzie nang magbalik sa kasalukuyan ang diwa niya. Wala sa loob na napasulyap siya sa drawer na nasa gawing kaliwa ng kama niya. Sa pinakasulok niyon ay naroon ang bracelet na ibinigay ni Giac sa kanya.Mahigit sampung taon na siguro mula nang huli niyang isuot iyon. Ilang beses na nga rin niyang tinangkang ibenta iyon o isangla, lalo na noong kapos na kapos siya sa pera matapos siyang itakwil at pabayaang mag-isa ng ama niya. Subalit palagi na ay may pumipigil sa kanya.Naupo siya sa gitna ng kama niya. Dinampot niya mula sa ibabaw ng bedside table ang librong binabasa niya bago matulog. Pilit iwanawaglit sa isipan ang mga nangungulit na alaala sa isip niya. &n
last updateLast Updated : 2021-06-19
Read more

PART 4-NINE, AS A FRIEND

                                                                       “Lizzie, I’m sorry. Hindi ko intensyong paasahin ka. I did all those things kasi gusto kong maging masaya ang Pasko mo dito sa amin. I was just trying to cheer you up dahil alam kong ito ang unang Pasko mong wala na ang Mama mo. Akala ko alam mo ang tungkol sa---sa girlfriend kong si Shaina.’’       Natulig siya sa lahat ng sinabi nito. Pero ang pinaka-sumabog sa tainga niya ay ang huling pangungusap nito. May nobya na ito?!       “Lizzie---“       Tinangka nitong hawakan ang kamay niya.
last updateLast Updated : 2021-06-19
Read more

PART 4-TEN, THE PRESENT

PRESENT TIME.                                        Humihikab pa si Giac nang lumabas ng guestroom at humakbang patungo sa kusina. Bloody hell! He should not even be awake at this hour! Normally, pauwi pa lang siya ng bahay niya sa ganitong oras mula sa magdamag na pagpa-party.At ang ideyang gumising siya nang ganito kaaga para magluto ng almusal para sa diktador niyang “amo” ay lubhang katawa-tawa. Pero ano bang maggagawa niya? He needed his grandfather’s money to back his new business. And more importantly, kailangan ng bagong building ng orphanage na sinusuportahan niya sa Bicol. Nadoble kasi ngayong taon ang mga batang dinala doon sanhi ng bagyong nanalasa sa probinsya n
last updateLast Updated : 2021-06-19
Read more
PREV
1
...
5678910
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status