Share

PART 4-EIGHT, TEN YEARS AGO

                                                   Mapait na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Lizzie nang magbalik sa kasalukuyan ang diwa niya. Wala sa loob na napasulyap siya sa drawer na nasa gawing kaliwa ng kama niya. Sa pinakasulok niyon ay naroon ang bracelet na ibinigay ni Giac sa kanya.

Mahigit sampung taon na siguro mula nang huli niyang isuot iyon. Ilang beses na nga rin niyang tinangkang ibenta iyon o isangla, lalo na noong kapos na kapos siya sa pera matapos siyang itakwil at pabayaang mag-isa ng ama niya. Subalit palagi na ay may pumipigil sa kanya.

Naupo siya sa gitna ng kama niya. Dinampot niya mula sa ibabaw ng bedside table ang librong binabasa niya bago matulog. Pilit iwanawaglit sa isipan ang mga nangungulit na alaala sa isip niya.

 &n

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status