“Lizzie, I’m sorry. Hindi ko intensyong paasahin ka. I did all those things kasi gusto kong maging masaya ang Pasko mo dito sa amin. I was just trying to cheer you up dahil alam kong ito ang unang Pasko mong wala na ang Mama mo. Akala ko alam mo ang tungkol sa---sa girlfriend kong si Shaina.’’
Natulig siya sa lahat ng sinabi nito. Pero ang pinaka-sumabog sa tainga niya ay ang huling pangungusap nito. May nobya na ito?!
“Lizzie---“
Tinangka nitong hawakan ang kamay niya.
PRESENT TIME. Humihikab pa si Giac nang lumabas ng guestroom at humakbang patungo sa kusina. Bloody hell! He should not even be awake at this hour! Normally, pauwi pa lang siya ng bahay niya sa ganitong oras mula sa magdamag na pagpa-party.At ang ideyang gumising siya nang ganito kaaga para magluto ng almusal para sa diktador niyang “amo” ay lubhang katawa-tawa. Pero ano bang maggagawa niya? He needed his grandfather’s money to back his new business. And more importantly, kailangan ng bagong building ng orphanage na sinusuportahan niya sa Bicol. Nadoble kasi ngayong taon ang mga batang dinala doon sanhi ng bagyong nanalasa sa probinsya n
Napakunot-noo si Giac. Hindi siya sang-ayon sa ginagawang iyon ni Elizabeth. Mula pagkabata ay hindi talaga mahilig kumain ito. Mukhang hanggang ngayon ay ganoon pa rin ito. “Okay, I can do that. How about you? Ano’ng inaalmusal mo?”“Sinangag, itlog at beef tapa po kung minsan. Pwede ding hotdog, bacon at tinapay. O kaya pancakes at nilagang itlog.”Tumangu-tango siya. The kid has a healthy appetite. That’s good. Pareho silang tatlo nito at ni Curt. Hindi kuntento na kape o gatas o juice lang sa umaga. At sa palagay niya hindi rin masama na impluwensyahan niyang bigatan ni Elizabeth ang
Eksasperadong napabuga ng hangin si Elizabeth. Sa hitsura ni Giac ay hindi talaga nito natatandaan ang commercial model na halos hindi nito hiniwalayan sa buong durasyon ng shooting para sa bagong commercial ad ng Scrummy three years ago. Dumating ito sa shooting ng commercial ad dahil sa biglang pagba-back-out ng lalaking model dapat nila. Ito ang humalili sa naturang model. “Willa, the commercial model you dated three years ago pagkatapos niyang lumabas sa isang ad ng Scrummy!” “Oh, that Willa. Yes, I remember her now. She’s got the big---“
“’Yung tricycle, Giacomo!” impit na tili ni Elizabeth sa nagmamaneho ng kotse niyang binata. Muntik na nitong mahagip ang sinusundan nilang tricycle nang bigla nito iyong i-overtake. Madasalin siyang tao pero ngayon lang yata niya naranasang madasalan lahat ng santo sa loob ng kalahating minuto. Sa uri kasi ng pagmamaneho ni Giac, may kutob siyang hindi sila makakarating ng alas-otso sa opisina. Makakarating sila ng alas-otso uno sa morge matapos sila nitong mapatay pareho sa uri ng pagmamaneho nito. Madulas pa naman ang kalsada dahil sa pabugso-bugsong ulan.
“Whoa! Wait, wait! Are you really serious about this?!” sambit ni GIAC.“About not wanting you to drive for me again? Yes! Dahil ayoko pang mamatay bago ako mag-treinta!”“No!” bulalas nito. Nangunot ang noo at minasdan siya na animo nayayamot na. “Ang ibig kong sabihin seryoso ka talagang susundin ang utos ni Lolo Nemo word for word? Kahit ang tungkol sa hindi ako pwedeng gumastos mula sa sarili kong pera sa loob ng tatlong buwan?! Come on, Lizzie! “Makipag-cooperate ka naman sa akin. I can’t survive on that measly salary you’re going to give me! Lolo Nemo will not
“No, no, no! Giac, hindi higante ang mga pakakainin mo. Liitan mo lang ang hiwa sa mga patatas,” umiiling-iling na utos ni Elizabeth sa binata nang makita niya ang malalaking piraso ng patatas na hiniwa nito para sa menudong iluluto niya. “Paano ba?” untag nito na ipinaubaya sa kanya ang kutsilyo at pumwesto sa tabi niya upang mamasdang maige ang tamang hiwang gusto niyang gawin nito sa mga patatas. “Ganito lang kaliliit. Pati ‘yung mga carrots, ganito lang din ang size,” aniya dito habang ini-slice ang mga patatas.
Bahagyang tumawa si Giac pero kahit sa tainga ni ELIZABETH, halata niya ang pagiging pilit niyon. Lumingon ito sa pamangkin niya. “Daily routine na iyon ng Tita mo, ang awayin ako. Anyway, kung gusto ninyo talagang tumulong, why don’t you guys set the table?” anito na inginuso ang dining room. “No!” malakas na protesta niya. Nang makita ang nagtatakang tingin sa kanya nina Sam at Curt dahil sa diin ng pag-hindi niya ay pinilit niyang ngumiti at tapunan ng sulyap si Giac.“Giac, you set the table. Boys, just go back to whateve
“Bloody hell! Seryoso ka ba, Pauleen?! Talagang inimbitahan niya lahat ng mga babaeng empleyado ng AserCo?!” hindik na hindik ang tinig at ekspresyon ni Giac habang kausap nito sa cellphone ang pinsan nito. Nagtatakang nagkatinginan tuloy sina Elizabeth at Sam bago sabay na sumulyap sa nakatayong pigura ng binata sa tapat ng pinto ng sala. Kasalukuyan silang nanonood ng DVD nang matanggap nito ang tawag ng pinsan nito. Mahigit dalawang buwan na itong nagtatrabaho under niya. Pero ngayon ay nagtatrabaho n