Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Chapter 731 - Chapter 740

All Chapters of Ang Maalindog na Charlie Wade: Chapter 731 - Chapter 740

5609 Chapters

Kabanata 731

Kahit na bilyonaryo si Donald, hindi siya mapagbigay na tao.Sa ibang salita, sa mga mata niya, hindi dapat siyang magsayang o gumastos ng pera na hindi dapat gagastusin.Ganito ang naramdaman niya habang nakatingin siya kay Johnny at sa apat na lalaki.Bali na ang mga braso nila at hindi man lang nila mabuksan ang pinto ng kotse nang sarili nila. Ano pang gagawin nila kung mananatili sila sa tabi niya?Sobrang taas na ng sahod nila. Kung mananatili pa rin sila, parang nagkawangga na siya kung papakainin niya sila hanggang tumanda sila.Kaya, naramdaman ni Donald na palayuin niya dapat sila hangga’t maaari, sa lalong madaling panahon.Ang mas malayo, mas mabuti para sa kanya.Sa totoo lang, hindi rin gusto ni Donald na bayaran sila ng tig-limang daang libong dolyar bilang bayad sa pagsisilbi nila.Kaya, hindi niya mapigilang maramdaman na nagiging sobrang mapagbigay na siya sa kanila.Gayunpaman, hindi ganito ang naramdaman ni Johnny at ng ibang bodyguard!Wala na silang kwen
last updateLast Updated : 2021-09-28
Read more

Kabanata 732

Sumigaw sa sakit si Donald habang bumagsak siya sa sahig. Hindi niya mapigilang mag-panic sa puso niya.Si Sean, na nakatayo sa tabi niya, ay sumigaw nang hindi nag-iisip, “Hoy! Sinong nagbigay sa’yo ng karapatan na saktan ang ama ko?”Lumapit si Isaac kay Sean bago niya siya sinuntok direkta sa ilong. Pagkatapos mabalot ng dugo ang mukha ni Sean, sumigaw si Isaac, “Kahit ang ama mo ay kailangang maging magalang sa akin. Sino ka ba sa tingin mo? Talagang nangahas kang kausapin ako nang ganito?! Pagod ka na bang mabuhay? Naniniwala ka ba na kaya kitang patayin ngayon?”“Talagang gusto mo nang mamatay!” Sobrang tagal nang nabubuhay si Sean, at hindi pa niya nararanasang mabugbog o mapagalitan. Pero, dalawang beses na siyang nabugbog ngayong araw.Una, binali ni Charlie ang isa sa mga kamay niya. Ngayon, binasag talaga ni Isaac ang kanyang ilong gamit ang isang suntok.Isa siyang laki sa layaw at mayabang na lalaki simula pa noong bata pa siya. Dahil dito, paano niya matitiis ito?S
last updateLast Updated : 2021-09-28
Read more

Kabanata 733

Nagalit nang sobra si Donald habang nakatingin siya nang masama sa limang lalaking nakaluhod sa sahig bago niya tinanong nang malamig, “Sino sa inyo ang gumawa nito? O ginawa niyo ba ito nang magkakasama?”Natakot agad si Johnny nang makita niya ang nakamamatay na mga mata ni Donald. Sinabi niya nang nagmamadali, “Mr. Webb, hindi mo kami pwedeng sisihin sa bagay na ito! Sinubukan na naming ipaliwanag sa lobby manager at sa mga security guard na nagtatrabaho kami para sa pamilya Webb. Pero, pinilit nila na hindi maayos ang pananamit namin at sinabi na hindi kami pwedeng pumasok sa Shangri-La. Nabalisa lang ako nang sobra na pumunta at mag-ulat sa’yo. Iyon ang dahilan kung bakit kami nakipaglaban sa mga security guards at pwersahang pumasok sa hotel…”Nagalit nang sobra si Donald nang marinig niya ang paliwanag ni Johnny. Sinampal niya siya nang malakas sa mukha at sinabi, “Mga wala kayong kwenta! Sa tingin niyo ba ay ang Shangri-La hotel ay isang lugar na pwede niyong pasukin nang pwe
last updateLast Updated : 2021-09-28
Read more

Kabanata 734

Pagkatapos niyang magsalita, sinabi nang nagmamadali ni Donald, “Mr. Cameron, paano mo gustong ayusin ang bagay na ito? Hangga’t may solusyon ka tungkol dito, siguradong gagawin ko ang lahat ng inuutos mo!”Mayroong sobrang lamin na ekspresyon si Isaac sa kanyang mukha habang nakatingin siya nang masama kay Donald. Hindi maiwasang maramdaman ni Isaac na ang pangalawang henerasyon na tagapagmana ng pamilya Webb ay talagang matalas at handang magbigay at tumanggap. Mukhang malakas ang kagustuhan niyang mabuhay.Pero, dahil kinalaban niya ang young master ng pamilya Wade, imposible na makaalis siya sa bagay na ito nang walang sugat!Kung hindi dahil sa utos ng young master, pinatay na sila ni Isaac!Suminghal nang malamig si Isaac at sinabi, “Pasensya na pero hindi ko matatanggap ang paghingi mo ng tawad! Sa tingin ko ay hindi rin tatanggapin ito ng pamilya Wade!”Pinigilan ni Donald ang kanyang galit bago niya tinanong sa mababang boses, “Mr. Cameron, paano mo gustong ayusin ang bag
last updateLast Updated : 2021-09-29
Read more

Kabanata 735

Bago pa maintindihan ni Donald ang kahulugan ng mga sinabi ni Isaac, kumilos na ang mga tauhan ni Isaac.Sobrang galing kilala at magaling din makipaglaban ang mga tauhan ni Isaac. Marahil ay hindi silang kasing lakas o kasing galing ni Johnny.Pero, dahil kalahating patay na si Johnny ngayon. Kaya niya pang talunin ang kahit sinong ordinaryong tao, pero hindi niya kakayanin ang isang tao na magaling makipaglaban.Kaya, walang pagkakataon si Johnny na lumaban o magpumiglas kaharap ang mga tauhan ni Isaac.Pinlano na ni Charlie ang kapalaran niya!Hindi maiwasan ni Johnny na maging desperado at walang magawa sa sandaling ito.Hinding-hindi niya inaakala na ganito ang kahihinatnan niya!Kung mababali talaga ang mga binti niya, hindi ba’t magiging walang kwentang tao na siya sa buong buhay niya?Kapag dumating ang oras na iyon, isa na lang siyang walang saysay na tao na bali ang mga kamay at binti. Makakahiga lang siya sa kama, hindi makakagalaw, at hindi niya man lang maaalagaan
last updateLast Updated : 2021-09-29
Read more

Kabanata 736

Ngumiti nang mapaglaro si Isaac habang sinabi, “Gusto mong malaman kung sinong nagbigay sa akin ng tapang na gawin ito? Pasensya na, pero inutos sa akin ito ng young mater ng pamilya Wade!”Kung sa ordinaryong pangyayari, bilang tagapagsalita ng pamilya Wade, syempre ay hindi direktang lalabanan ni Isaac ang pamilya Webb gamit ang pangalan ng pamilya Wade. Paano siya magkakaron ng tapang na baliin ang binti ng mag-ama ng pamilya Webb?Pero, hindi siya ang gumawa ng desisyon ngayong araw, ngunit isa itong utos na binigay mismo ng kanyang young master!Kung sinabi ng young master ng pamilya Wade na gusto niyang mamatay ang mag-ama, gagawin agad ito ni Isaac nang walang pag-aalangan. Bukod dito, siguradong susuportahan siya ng pamilya Wade at bibigyan siya ng proteksyon!Kaya, walang problema si Isaac sa kanyang kilos.Nagulantang talaga si Donald at ang anak niya!Gusto silang turuan ng leksyon ng young master ng pamilya Wade?Pero, kailan pa nila ginalit ang young master ng pamil
last updateLast Updated : 2021-09-29
Read more

Kabanata 737

Malapit nang mabaliw si Donald!Alam niya na talagang wala na siyang magagawa ngayon! Pagkatapos pumunta sa Aurous Hill, hindi niya lang hindi nahanap ang salarin na nanakit sa pangalawang anak niya. Sa halip, nawalan pa ng tig-isang binti silang mag-ama...Sa sandaling ito, lumapit na ang mga tauhan ni Isaac kay Donald at sinunggaban ang kanang paa niya, direktang sinuntok ang tuhod niya...Nakaramdam ng isang matalas na sakit si Donald sa kanyang kanang tuhod, at naramdaman niya na malapit na siyang himatayin sa sakit.Kinagat niya ang kanyang ngipin para pigilan niya ang sarili niya na sumigaw nang malakas sa sakit. Pero, sampung segundo niya lang natiis ang sakit at naglabas siya ng kakila-kilabot na sigaw!Tumingin nang masama at malamig si Isaac kay Donald bago siya suminghal nang mapanghamak. “Sino ba sa tingin niyo ang pamilya Webb? Talagang may lakas ng loob kayo na maging mabangis sa teritoryo ng pamilya Wade? Maliit na parusa lang ito para turuan kayo ng leksyon! Kung m
last updateLast Updated : 2021-09-29
Read more

Kabanata 738

Nanginig sa takot si Donald bago siya tumalikod at tinanong nang kinakabahan, “Mr. Cameron, may ibang utos ka pa po ba sa amin?”Tinuro ni Isaac si Johnny at ang apat na lalaki na nakahandusay sa sahig bago niya sinabi nang malamig, “Gusto kong kaladkarin niyo ang limang aso na ito palabas dito! Ayoko nang dumihan nila ang Shangri-La!”“Ako…” Nabalisa nang sobra si Donald at naramdaman niya na susuka na siya ng dugo!Ilang sandali ang tinagal bago siya bumalik sa kanyang diwa at sinabi, “Mr. Cameron, sinabi ko na sa iyo na wala na silang kinalaman sa pamilya Webb. Pwede mong gawin ang kahit anong gusto mo sa kanila. Pwede mo pa silang patayin kung gusto mo.”Sumagot nang malamig si Isaac, “Nakalimutan mo na ba ang sinabi ko sa’yo kanina? May likhang sining ang limang ito sa mga noo nila. Gusto kong ibalik mo sila sa mansyon ng pamilya Webb kasama niyo. Gusto kong siguraduhin mo na aalagaan mo sila sa buong buhay nila. Hindi mo sila pwedeng hayaan na mamatay, lalo na ang tanggalin a
last updateLast Updated : 2021-09-29
Read more

Kabanata 739

Pagkatapos sumuko ni Donald, desperadong sinubukan ng mag-ama na buhayin si Johnny at ang apat na bodyguard palabas sa Shangri-La hotel.Pilay na silang dalawa, pero mas miserable ang kalagayan ni Sean. Mayroong siyang pilay na kamay at baldadong binti. Kaya, sobrang hirap para sa kanya na buhatin ang limang lalaki palabas sa hotel.Ginamit ng mag-ama ang buong lakas nila para kaladkarin palabas si Johnny. Hindi nila mapigilang maghingal sa pagod sa tuwing humahakbang sila.Hindi lang sila sobrang pagod, ngunit sobrang sakit din ng baldadong binti nila.Sa sandaling ito, walang nangahas sa kanila na magsalita o gumawa ng kahit anong ingay. Kinagat na lang nila ang kanilang ngipin habang nagsumikap silang kaladkarin ang limang lalaki palabas.Nakahalukipkip si Isaac, tila ba nasisiyahan siya sa magandang palabas sa harap niya. Pinanood niya lang ang mag-ama na kinakaladkad ang limang lalaki papunta sa pasukan ng Shangri-La hotel.Umupo lang si Donald sa sahig habang itinaas niya a
last updateLast Updated : 2021-09-29
Read more

Kabanata 740

Sa sandaling ito, si Kian, na nasa mansyon ng pamilya Webb sa Sudbury, ay biglang tumawag kay Donald.Kagigising niya lang pagkatapos kaining ang kanyang sobrang pagkain. Tinawagan niya pa rin ni Kian ang kanyang ama kahit na sobrang baho ng bibig niya.Hindi inaasahan ni Donald na makakatanggap siya ng tawag sa kanyang bunsong anak sa sandaling ito.Dahil, sobrang lungkot ng batang ito sa mga nakaraang araw. Sa tuwing natatapos siyang kumain, nararamdaman niya na parang gusto na niyang magpakamatay. Sobrang sira ng kalagayan niya, at ayaw niyang makipagkita o makipag-usap sa kahit sino.Hindi maintindihan ni Donald kung bakit siya tinatawagan ng bunsong anak niya sa sandaling ito.Maaari bang narinig ni Kian ang nangyari sa kanya at sa pinakamatandang anak niya? Tumawag ba si Kian para pagaanin ang pakiramdam niya?Hindi mapigilang guminhawa ng pakiramdam ni Donald nang maisi pniya ito.Gayunpaman, sa sandaling sinagot niya ang tawag, narinig niya ang sobrang balisang boses ni
last updateLast Updated : 2021-09-29
Read more
PREV
1
...
7273747576
...
561
DMCA.com Protection Status