Pagkatapos sumuko ni Donald, desperadong sinubukan ng mag-ama na buhayin si Johnny at ang apat na bodyguard palabas sa Shangri-La hotel.Pilay na silang dalawa, pero mas miserable ang kalagayan ni Sean. Mayroong siyang pilay na kamay at baldadong binti. Kaya, sobrang hirap para sa kanya na buhatin ang limang lalaki palabas sa hotel.Ginamit ng mag-ama ang buong lakas nila para kaladkarin palabas si Johnny. Hindi nila mapigilang maghingal sa pagod sa tuwing humahakbang sila.Hindi lang sila sobrang pagod, ngunit sobrang sakit din ng baldadong binti nila.Sa sandaling ito, walang nangahas sa kanila na magsalita o gumawa ng kahit anong ingay. Kinagat na lang nila ang kanilang ngipin habang nagsumikap silang kaladkarin ang limang lalaki palabas.Nakahalukipkip si Isaac, tila ba nasisiyahan siya sa magandang palabas sa harap niya. Pinanood niya lang ang mag-ama na kinakaladkad ang limang lalaki papunta sa pasukan ng Shangri-La hotel.Umupo lang si Donald sa sahig habang itinaas niya a
Sa sandaling ito, si Kian, na nasa mansyon ng pamilya Webb sa Sudbury, ay biglang tumawag kay Donald.Kagigising niya lang pagkatapos kaining ang kanyang sobrang pagkain. Tinawagan niya pa rin ni Kian ang kanyang ama kahit na sobrang baho ng bibig niya.Hindi inaasahan ni Donald na makakatanggap siya ng tawag sa kanyang bunsong anak sa sandaling ito.Dahil, sobrang lungkot ng batang ito sa mga nakaraang araw. Sa tuwing natatapos siyang kumain, nararamdaman niya na parang gusto na niyang magpakamatay. Sobrang sira ng kalagayan niya, at ayaw niyang makipagkita o makipag-usap sa kahit sino.Hindi maintindihan ni Donald kung bakit siya tinatawagan ng bunsong anak niya sa sandaling ito.Maaari bang narinig ni Kian ang nangyari sa kanya at sa pinakamatandang anak niya? Tumawag ba si Kian para pagaanin ang pakiramdam niya?Hindi mapigilang guminhawa ng pakiramdam ni Donald nang maisi pniya ito.Gayunpaman, sa sandaling sinagot niya ang tawag, narinig niya ang sobrang balisang boses ni
Hindi lang si Donald ang nagalit!Kahit si Sean ay galit nang sobra sa sandaling ito!Iniinsulto talaga at tinatapakan nina Cain at Marcus ang buong pamilya Webb sa pamamagitan ng pagpost ng kanilang ‘stand-up comedy’ sa internet. Talagang napahiya sila dito!Bukod dito, iniinsulto pa rin sila ng mag-ama pagkatapos ng lahat ng kahihiyan na naranasan nila!Talagang hindi ito katanggap-tanggap!Pinost talaga ng mag-ama ang video ng ‘stand-up comedy’ nila sa publiko sa Internet!Ang pamilya Webb ang pinakamataas at pinaka maimpluwensyang pamilya sa buong South Region. Kaya, mayroong malaking reputasyon at respeto sila sa buong bansa. Ang video ay nilalait, ginagalit at iniinsulto sa publiko ang buong pamilya Webb! Bukod dito, sumisikat ang video sa mga netizen!Sa kabilang dako, nausisa nang sobra ang mga netizen sa pinagmulan ng dalawang lalaking ito na may nakaukit sa kanilang noo. Sino sila? Paano sila naging tanga? Bakit sobrang tapang nila at talagang ininsulto nila nang ganit
Gayunpaman, nang naging isa’t kalahating milyon na ang like ng video, biglang may lumabas na paunawa sa TikTok account, ‘Your account has been permanently suspended for posting illegal contents!’Kumunot ang noo ni Charlie nang mabasa niya ito.Ano?Permanenteng nasuspende?Agad nilabas ni Charlie ang sarili niyang cellphone at sinubukang hanapin ang video ng stand-up comedy nina Cain at Marcus. Sa sandaling ito, nalaman niya na natanggal na ang buong video sa Internet!Doon napagtanto ni Charlie na siguradong si Donald ang may kagagawan nito. Marahil ay gumastos siya para ayusin ito!Sa totoo lang, hindi inaakala ni Charlie na gagamitin ni Donald ang paraan na ito para pigilan ang pagkalat ng video. Nainis siya nang kaunti sa sandaling ito.Pagkatapos niya itong pag-isipan, ginamit ni Charlie ang kanyang cellphone para tawagan si Stephen Thompson na nasa Eastcliff.Si Isaac Cameron ay isa sa mga maraming tagapagsalita ng pamilya Wade, pero si Stephen Thompson ang nag-iisang ka
Habang huminga na nang maluwag si Donald dahil natanggal na ang video sa TikTok, hinding-hindi niya aakalain na nakumpleto na ng pamilya Wade sa Eastcliff ang transaksyon nila sa plataporma ng TikTok.Sa sandaling ito, pagmamay-ari na ng pamilya Wade sa Eastcliff ang TikTok at nabili nila ito sa halagang walumpu’t limang bilyong dolyar.Bago pa ilabas ang opisyal na balita, sinimulan na ng pamilya Wade na pamahalaan ang mga operasyon sa plataporma ng TikTok.Ang una nilang ginawa ay ibalik ang naburang account ni Marcus. Sa parehong oras, ibinalik din nila ang naburang video.Pagkatapos, agad inayos ito ng mga technician para lumitaw ang video na ito direkta sa home screen ng lahat ng gumagamit ng TikTok sa buong bansa!Hindi alam ni Donald na nabaliktad na ang lahat sa puntong ito. Habang hinihintay niyang dumating ang helicopter, bigla siyang nakatanggap ng tawag kay Kian.Nagpapanic si Kian habang sumisigaw siya sa cellphone, “Pa, anong nangyayari?! Bakit lumitaw ang video sa
Kahit na may mga asset din ang pamilya Wade na nagkakahalagang dalawang bilyong dolyar, wala silang masyadong perang hawak. Ang pera nila siguro ay wala pa sa sampung bilyong dolyar.Ang isang sambahayan ay parang isang pamilya. Kung may dalawang milyong dolyar ang pamilya, hindi ibig sabihin nito ay may dalawang milyong dolyar na pera sila. Marahil ay may bahay sila na may halagang isang milyon at tatlong daang libong dolyar, isang kotse na dalawang daang libong dolyar, at ibang gamit na may halagang dalawang daang libong dolyar. Sa huli, may dalawang daang libong dolyar na pera sila.Sa ganitong paraan, kapag pinagsama-sama ang lahat ng asset nila at pera, magiging dalawang milyong dolyar ito. Kaya, kahit na may kayamanan ang pamilya Webb na dalawang daang bilyong dolyar, wala silang masyadong perang hawak.Kung gusto nilang bilhin ang TikTok sa halagang walumpu’t limang bilyong dolyar, kailangan nilang ibenta ang kalahati ng mga asset nila.Pero, iba ang pamilya Wade.Walang
Naramdaman ni Donald na parang babagsak na siya!Nasa itaas na nila ang helicopter. Kung hahayaan lang ni Isaac na bumaba dito ang helicopter, matutulungan ng taong nasa loob ang mag-ama na ipasok ang limang walang kwentang lalaki sa helicopter. Pagkatapos, makakalipad na sila at makakaalis pabalik sa Sudbury sa loob ng sampung minuto! Maiuuwi na niya ang anak niya sa sandaling iyon.Pero, hindi man lang pumayag si Isaac na ibigay ang kalayaan na ito sa kanya!Sa sandaling ito, nagmakaawa nang mabilis si Donald, “Mr. Cameron, sobrang miserable na ng kalagayan namin ng anak ko. Sana ay maging maawain ka at dakila. Pakiusap, pwede mo bang hayaang bumaba ang helicopter para makapasok kami at makabalik agad sa Sudbury! Hinding-hindi ko kakalimutan ang kabaitan mo!”Suminghal nang malamig si Isaac, “Sa tingin mo ba ay malapit ka sa akin? Sa tingin mo ba talaga ay karapat-dapat kang kaawaan at bigyan ng kabaitan?”Pagkatapos niyang magsalita, iwinagayway ni Isaac ang kanyang kamay at si
Tumalikod si Isaac at umalis sa sandaling natapos siyang magsalita.Umupo si Donald at tinakpan ang kanyang mukha habang tahimik siyang umiyak.Ang lahat ng dignidad niya ay tinapakan ngayong araw!Ano pang punto na mabuhay nang ganito?Ang pangunahing punto ay hinding-hindi niya matatalo ang pamilya Wade. Kahit na may malalim siyang poot sa kanila ngayon, hinding-hindi niya mapaghihiganti ang kanyang sarili o ang kanyang pamilya. Hindi niya man lang ito maisip...May mas masakit pa ba dito?Oo, mayroon!Ang video ng stand-up comedy ni Cain at ng anak niya, si Marcus, ay kumakalat pa rin na parang apoy sa Internet. Mahigit tatlong milyong likes na ang mayroon ito sa TikTok. Grabe talaga ito!Pagkalipas ng sampung minuto, sa wakas ay dumating na ang dalawang piloto at ang mekaniko ng helicopter sa Shangri-La.Sa sandaling nakita niya sila, naramdaman ni Donald na tila ba nakita na niya ang tagapagligtas niya.Tinulungan ng tatlo si Donald at ang anak niya, si Sean, na pumasok
Sinabi ni Janus, "Hindi pa. Nagmamadali kasi ako ngayon kaya hindi ko siya nasabihan. Baka kasi hindi rin ako makahanap ng oras para makadalaw sa kanya, kaya hindi ko na sinabi."Ngumiti si Charlie at sinabi, "Kung ganoon, huwag mo na siyang tawagan. Puntahan na lang natin siya para sorpresahin.""Okay!" Agad pumayag si Janus, kitang-kita ang pananabik sa mukha niya. Hindi niya napigilang sabihin kay Charlie, "Young Master, sa totoo lang, itinuring ko nang parang tunay na anak si Angus. Matagal na rin mula nang huli ko siyang makita, kaya miss na miss ko na talaga siya."Lubos na naunawaan iyon ni Charlie.Mahirap ang naging buhay ni Janus sa United States noon. Sa mga unang taon, kahit papaano ay medyo magaan ito dahil sa pag-alalay ni Jenna na naging kaagapay niya sa mga pagsubok. Pero matapos umalis si Jenna, naiwan siyang mag-isa, pinatatakbo ang roasted goose stall habang illegal immigrant pa ang katayuan niya. Talagang naging mabigat at walang pag-asa ang buhay na iyon para s
Gabi na sa Qi Temple.Sa isang liblib na meditation room na sarado para sa publiko, nakaupo ang isang magandang babae sa isang upuang gawa sa rattan habang nakatingala sa mabituing kalangitan ng taglagas. Lumapit ang isang matandang kalbong babae at inilagay ang kumot sa mga binti ng babae, sabay sinabi nang may paggalang, “Madam, nakalipad na po ang eroplano ni Young Master.”“Umalis na siya?” tanong ng magandang babae habang lumilingon sa direksyon ng airport nang marinig iyon.Nang makita niya ang ilang kumikislap na ilaw sa malayo sa kalangitan, napabuntong-hininga siya at sinabi, “Alin kaya sa mga kumikislap na ilaw na iyon ang eroplano na sinasakyan ng anak ko?”Tinanong niya ang matandang babae, “Kasama ba ni Charlie si Janus?”Ang magandang babaeng ito ay si Ashley, ang ina ni Charlie. Ang matandang babae sa tabi niya ay si Jade Sun, ang nagkunwaring madre. Matagal nang nagsisilbi si Jade kay Ashley bilang isang tagapamahala ng bahay.Sinabi ni Jade kay Ashley, “Madam, ma
Hindi naging komportable si Jacob nang makita niyang umakyat si Charlie, at mas lalo siyang nawalan ng gana mabuhay nang makita ang ngiting panalo ni Elaine.Habang umaakyat si Charlie, hindi niya maiwasan na bumuntong hininga at isipin kung kailan matatalo ng biyenan niyang lalaki ang pag-aalinlangan at kahinaan at mabuhay talaga sa gusto niyang buhay.-Pagkatapos iimpake ang lahat, umalis si Charlie nang mag-isa sa gabi balak magmaneho papunta sa airport. Nang makababa siya sa elevator sa unang palapag, nakita niya si Jacob na may hawak na sigarilyo na tumayo sa sofa at ngumiti, sinasabi, “Mahal kong manugang, aalis ka na ba ngayon?”Tumango nang bahagya si Charlie at sinabi, “Oo, Pa. Pupunta na ako sa airport ngayon.”Pinagkuskos ni Jacob ang kanyang mga kamay at magsasalita na sana nang biglang bumaba si Elaine na pilay ang lakad at malakas na sinabi, “Oh, mahal kong manugang, hayaan mong ihatid kita!”Pareho sina Elaine, na nakatanggap ng isang milyong dolyar, at si Jacob,
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl