Tumalikod si Isaac at umalis sa sandaling natapos siyang magsalita.Umupo si Donald at tinakpan ang kanyang mukha habang tahimik siyang umiyak.Ang lahat ng dignidad niya ay tinapakan ngayong araw!Ano pang punto na mabuhay nang ganito?Ang pangunahing punto ay hinding-hindi niya matatalo ang pamilya Wade. Kahit na may malalim siyang poot sa kanila ngayon, hinding-hindi niya mapaghihiganti ang kanyang sarili o ang kanyang pamilya. Hindi niya man lang ito maisip...May mas masakit pa ba dito?Oo, mayroon!Ang video ng stand-up comedy ni Cain at ng anak niya, si Marcus, ay kumakalat pa rin na parang apoy sa Internet. Mahigit tatlong milyong likes na ang mayroon ito sa TikTok. Grabe talaga ito!Pagkalipas ng sampung minuto, sa wakas ay dumating na ang dalawang piloto at ang mekaniko ng helicopter sa Shangri-La.Sa sandaling nakita niya sila, naramdaman ni Donald na tila ba nakita na niya ang tagapagligtas niya.Tinulungan ng tatlo si Donald at ang anak niya, si Sean, na pumasok
Bago pa matapos si Charlie sa paghahanda ng hapunan, tinawagan na siya ni Stephen para ipaalam na nabili na nila ang TikTok.Binuksan ni Charlie ang TikTok at nakita niya na naibalik na ang video. Bukod dito, ang video ng standup comedy ang unang video na lalabas sa home screen ng lahat ng gumagamit nito. Mabilis na dumami ang likes at lampas limang milyon na ito.Naging sobrang saya ni Charlie at nakuntento.Sa tingin ba talaga ni Donald ay magagamit niya ang pera para tanggalin ang video ng TikTok? Kaya, nagulantang ba si Donald ngayong binili na niya ang plataporma ng TikTok?Ito talaga ang habol niya!Mukhang sobrang sama na ng posisyon ng pamilya Webb ngayon.Siguradong matagal na mananatili ang video sa TikTok. Kahit na sobrang balisa at sama ng loob ng pamilya Webb, wala silang magagawa dito.Pagkatapos niyang maghanda ng hapunan, itinabi ni Charlie ang kanyang cellphone bago niya nilabas ang mga pagkain sa kusina. Doon niya lang nadiskubre na ang kanyang asawa, s Claire,
Habang nagsasalita siya, sinabi ulit ni Charlie, “Kaya, hindi ba’t talagang imposible na maging interesado ang young lady ng pamilya Moore sa isang walang kwentang tao na tulad ko?”Hindi maiwasang sabihin ni Claire, “Pero… pero naramdaman ko na nirerespeto ka niya talaga! Nagkusa pa siya na lumabas ng kotse para lang buksan ang pinto ng kotse para sa’yo!”Suminghal si Charlie bago sinabi, “Ang tanging dahilan lang kung bakit niya ako nirerespeto ay dahil naniniwala talaga ang lolo niya sa akin. Tumatanda na ang lolo niya. Kaya, nagsisimula na siyang maniwala nang sobra sa Feng Shui at kapalaran. Dahil may tiwala talaga siya sa’kin, syempre nirerespeto niya ako. Iyon ang dahilan kung bakit sobrang galang din ng apong babae niya sa akin. Kung pababayaan niya ako, sisisihin siya ng lolo niya dahil dito. Sa sandaling iyon, siguradong siya ang magiging malas.”Tumango nang marahan si Claire.Mukhang walang mali sa paliwanag ni Charlie.At saka, ang lahat ay napaliwanag, at ang lahat a
Sa totoo lang, ang dahilan kung bakit tinanong ni Jacob ang tungkol sa villa ay dahil gusto niyang tulungan si Charlie.Alam niya ang ugali ng asawa niya sa mga nakaraang araw at naramdaman niya na mas lalong inaatake ni Elaine si Charlie. Kaya, natatakot si Jacob na patuloy na magiging sarkastiko si Elaine habang patuloy niyang inaatake si Charlie.Sa mga mata ni Jacob, maraming beses nang niligtas ng manugang na ito ang kanyang buhay. Kaya, talagang tinrato na niya si Charlie bilang kanyang mahalagang manugang ngayon.Tulad sa kasabihan, ang isang manugang ay kalahati rin na totoong anak. Hindi mapigilang maawa nang kaunti ni Jacob sa kanyang manugang nang makita niya na pinapagalitan si Charlie.Gayunpaman, nang biglang binanggit ni Jacob ang tungkol sa villa, agad naiba ang atensyon ni Elaine!Tumingin si Elaine kay Charlie bago sinabi, “Oo, kailan matatapos ang renovation ng villa? Kailan tayo makakalipat sa villa? Pagkatapos nating lumipat sa villa, gusto kong mag-iwan ng is
”Ano?” Nabalisa nang sobra si Elaine at sinabi niya, “Anong klaseng tao siya? Paano niya babawiin ang isang bagay na naibigay niya na?”Binuka ni Charlie ang kanyang kamay bago sinabi, “Dahil, ito ay regalo ng iba. Kahit na bawiin ng taong iyon ang mga sinabi niya at gustong bawiin ang villa, wala na tayong magagawa. Paano natin malalabanan ang pamilya White?”Nainis nang sobra si Elaine at sinabi, “Paano nangyari ito? Paano niya tayo binigyan ng villa na walang kahit anong kagamitan? Siya na talaga ang pinakamalalang tao!”Sinabi ni Jacob, “Okay! Tama na! Dapat ay makuntento na lang tayo. Dapat nating gamitin ang pera ng pamilya natin para bumili ng mga gamit bukas! Pagkatapos bumili ng mga gamit, hahanap tayo ng moving company para ilipat ang mga kagamitan sa villa sa susunod na linggo!”Nag-panic si Elaine at sinabi, “Hindi! Hindi tayo lilipat sa villa kung hindi natin maaayos ngayong araw ang tungkol sa pagbili ng mga gamit!”“Ano pang pag-uusapan natin?” Sumimangot si Jacob a
Kahit na walang kwenta si Jacob, hindi siya tanga.Sa pamilyang ito, silang dalawa ng asawa niya, si Elaine, ay mayabang.Pero, ang kayabangan ni Elaine ay sampung libong mas malala kaysa sa kayabangan niya!Sa totoo lang, si Elaine ang tipo ng tao na talagang minamahal lang sarili niyang dangal, at sobrang lala ng kayabangan niya!Paano posible na may karapatan si Elaine na sabihin na puno siya ng kayabang?! Talaga bang gano’n kawalang hiya ang babaeng ito?Habang nagalit siya nang sobra at naiinis, hindi maiwasang maramdaman ni Jacob na may mali.Palaging pinapangarap ni Elaine na lumipat sa villa ng Thompson First. Inisip niya pa na lumipat sa villa bago pa makumpleto ang renovation. Hindi lamang iyon, ilang beses pa siyang kinaladkad ni Elaine sa villa para tingnan ang progreso ng renovation. Nang binisita nila ang villa, pinaplano pa ni Elaine kung anong kagamitan ang dapat nilang bilhin para sa sala. Pinag-uusapan nila kung anong klaseng sofa ang dapat nilang bilhin para sa
Habang nagsasalita siya, tumingin nang masama si Jacob kay Elaine bago snabi, “Inilagay namin ang dalawang milyong dolyar sa pangangalaga mo. Kapag dumating ang oras, idedemanda kita at hihilingin ko ang kalahati ng pera sa korte! Ayon sa batas, magiging responsable ka kung hindi mo malalabas ang pera sa sandaling iyon!”“Ikaw…” Hindi talaga inaasahan ni Elaine na magiging walang awa at malupit si Jacob!Talaga bang hihiwalayan niya siya at hihilhingin na hatiin ang pag-aari nila? Anong gagawin niya kung idedemanda niya talaga siya para sa pera?Matanda na siya at wala siyang pera. Paano siya patuloy na mabubuhay kung hihiwalayan talaga siya ni Jacob?Hindi maiwasang mabalisa nang kaunti ni Elaine at kabahan nang maisip niya ito.Pinalambot niya agad ang kanyang boses at sinabi nang nagmamadali, “Ah, mahal kong asawa, bakit sobrang galit ka sa akin? Dalawampung taon na tayong nagtiis ng maraming paghihirap nang magkasama. Talaga bang tatalikuran mo na ako ngayon?”Sumagot nang se
Nagulat nang sobra si Elaine sa paos na sigaw ni Jacob!Alam niya na, sa sandaling ito, hindi na niya maililihim ito, kaya sinabi niya sa mahina at nanginginig na boses, “Mahal, patawad, naubos ko ang lahat ng pera natin sa mahjong…”Hindi siya naglakas-loob na sabihin ang katotohanan na si Hannah ang may pakana ng scam, dahil alam niya na kung malalaman ng pamilya Wilson na kasangkot siya sa scam kahit na siya ang biktima, pupuntahan nila siya dahil hinahanap nila nang balisa si Hannah.Syempre, hindi niya ito ginagawa para protektahan si Charlie, ayaw niya lang na mag-imbita ng gulo para sa sarili niya. Ang lahat ng taong iyon ay inulat na nawawalang tao pagkatapos silang ipadala ni Albert sa minahan ng uling, natatakot siya na madadamay siya sa gulong ito kung iimbestigahan ang pagkawala nila.Kaya, maaari niya lang sabihin na nawala ang pera sa sugal pero hindi ang tungkol sa scam.Nagalit nang sobra si Jacob sa pag-amin niya na nawala ang mahigit dalawang milyon sa mahjong at
Bukod dito, pupunta siya sa Aurous Hill para bantayan si Mr. Chardon. Ang ibig sabihin ay wala siyang pagkakataon na maging tamad sa mga darating na araw. Kahit na ayaw niya, hindi siya nangahas na antalain ito at mabilis na umalis sa ilalim ng gabi.Nagbayad siya ng malaki para bumili ng isang kotse mula sa hotel owner at naglakbay mula sa maliit na siyudad papunta sa siyudad ng Yakutsk sa Russian Far East.Samantala, dinala ni Zachary ang isa pang jade ring na kinuha niya kay Terry at isang bank card na may mahigit one million US dollars para magsaya sa pinakamalaking nightclub sa Aurous Hill. Napapalibutan siya ng mga magagandang dalaga habang nag-eenjoy siya habang umiinom hanggang makuntento siya.May mga mahal na alak sa harap ni Zachary na may isang bote ng champagne na mahigit 10 o 20 thousand dollars. Ang mas maganda dito ay lampas 1000 thousand dollars.Bukod dito, ilang maganda at dalagang babae ang nakapalibot kay Zachary, pinupuri siya sa lahat ng posibleng paraan. Ang
Naing malungkot nang sobra ang kalooban ni Ruby nang marinig ang mga sinabi ng British Lord.Totoo, tulad nga ito ng hula niya. Palaging alam ng British Lord ang lokasyon ng mga great earl. Ang mas nakakatakot pa ay kayang analisahin ng British Lord ang kilos ng lahat ayon sa oras, lokasyon, at impormasyon na mayroon sa lokal na internet.Ang ibig sabihin ay sa buong buhay niya, marahil ay hindi niya matakasan ang kontrol ng British Lord.Kahit na ginagawa ng mga great earl ang mga misyon sa matagal na panahon nang hindi nag-uulat, may lason pa rin sila na ginawa ng British Lord sa katawan nila.Pero, ang mga tao tulad nila ay may mas mahabang buhay, kaya nagtakda ang British Lord ng mas mahabang oras para inumin nila ang antidote. Habang ang iba ay kailangan uminom ng antidote kada dalawang linggo, tatlong buwan, o kalahating taon, ang mga great earl ay kailangan lang inumin ang antidote kada tatlong taon.Pero anong pagkakaiba ang kayang gawin ng tatlong taon? Kung mga saranggol
Mabilis na pinindot ni Ruby ang answer button at sinabi nang magalang, “Hello, British Lord!”Nagsalita ang British Lord sa medyo marahan na tono sa kabilang dulo ng linya at sinabi, “Ruby, nasaan ka ngayon?”Kumunot ang noo ni Ruby. Alam niya na kapag dala-dala niya ang cellphone ng British Lord, kaya niya siyang tawagan sa kahit anong oras, dalawampu’t apat na oras, at siguradong alam niya ang lokasyon niya. Pero, kahit na alam niya ang lokasyon niya, dumaan pa rin ang British Lord sa pormalidad na magsimula ng isang kaswal na pag-uusap sa kanya. Mukhang gusto niyang mapalapit sa kanya.Nang maisip ito, sinabi nang magalang ni Ruby, “Sa ngayon ay nasa Far East pa rin ako.”Humuni ang British Lord bilang sagot at tinanong siya, “Nakahanap ka ba ng kahit anong bakas sa Far East na kaugnay kay Vera?”Mabilis na sumagot si Ruby, “British Lord, hindi sapat ang kakayahan ko at hindi pa ako nakakahanap ng kahit anong impormasyon na kaugnay kay Vera.”Ngumiti ang British Lord at sinabi
Alam ni Mr. Chardon na hindi na niya pwede pang suwayin ang mga utos nang walang angkop na dahilan dahil sinuway na niya ang mga utos dati at inantala ang pagpunta niya sa Aurous Hill.Ang ibig sabihin ng hindi pagsuway sa utos ay kailangan niyang pumunta agad sa Willow Manor at patayin ang mga miyembro ng pamilya Acker na natutulog, kasama na ang lahat ng pumoprotekta sa kanila. Siguradong magugulat ang buong mundo sa isang napakalaking operasyon.Madaling mahulaan na bilang lugar ng pangyayari, siguradong magkakaroon ng martial law ang Aurous Hill. Kung mangyayari iyon, paano niya masusundan ang mga bakas ni Zachary at ng boss niya?Kaya, ang pinakamagandang paraan para antalain ang operasyon ay kusang sabihin ang tungkol sa mahiwagang instrumento. Dahil, hindi lang mahalaga sa kanya ang mahiwagang instrumento, ngunit mahalaga rin ito sa British Lord.Naisip ni Mr. Chardon na itago ang Thunder Order na kayang magtawag ng kidlat, nilabas ang jade ring, at ginamit ito para hikayati
Sa kalagitnaan ng pag-iisip, bigla siyang nakatanggap ng online call mula sa British Lord. Nagbago sa sorpresa ang ekspresyon niya, at mabilis niyang sinagot ang tawag, sinabi nang magalang, “Hello, British Lord.”Sa kabilang dulo ng tawag, tinanong nang mahigpit ng malamig na boses, “Mr. Chardon, kailan ka dumating sa Aurous Hill?”Sumagot nang nagmamadali si Mr. Chardon, “British Lord, dumating ako sa Aurous Hill kaninang umaga.”Nagpatuloy ang British Lord, “Gabi na siguro diyan. Mahigit labinlimang oras ka na nasa Aurous Hill, kaya bakit hindi mo pa pinapatay ang mga Acker?”Tumibok nang malakas ang puso ni Mr. Chardon, at sinabi niya, “British Lord, kadarating ko lang sa Aurous Hill ngayong araw at hindi pa ako pamilyar sa kapaligiran…”Idiniin ng British Lord, “Hindi ba’t sinabi ko na sayo na nakatira sa villa ng Willow Manor ang mga Acker? Kailangan mo lang pumunta sa Willow Manor ng gabi at patayin silang lahat para maiwasan ang kahit anong problema sa hinaharap. Simpleng
Hindi katagalan, huminto ang Rolls-Royce na minamaneho ni Madam Marilyn sa loob ng courtyard ng Scarlet Pinnacle Manor.Si Vera na ang nagbukas ng pinto nang hindi hinihintay si Madam Marilyn, lumabas sa kotse, at naglakad papunta sa top-floor na courtyard niya. Nang hindi lumilingon, sinabi niya, “Madam Marilyn, simula ngayong araw, hindi ako aalis sa bahay. Ilagay mo lang ang tatlong pagkain ko sa labas ng pinto ng courtyard, kumatok, at maaari ka nang umalis.”Nasorpresa si Madam Marilyn. Naintindihan niya na ayaw sumali ni Vera sa orientation, pero hindi niya maintindihan kung bakit gustong manatili ni Vera sa loob nang hindi umaalis sa bahay.Bilang isang kasambahay, alam niya na mas mabuting huwag magtanong ng mga hindi kailangan na tanong, kaya sinabi niya nang walang pag-aatubili, “Okay, Miss Lavor, naiintindihan ko! May mga espesyal na hiling ka ba para sa mga pagkain mo?”Sumagot nang kaswal si Vera, “Ayos lang ang kahit ano. Ikaw na ang bahala dito.”Pagkatapos itong sa
Natatakot siya na konektado kay Charlie ang kulog kanina lang, kaya patuloy niyang binulong, “Sagutin mo nang mabilis ang tawag… Sagutin mo nang mabilis ang tawag…”Makalipas ang ilang sandali, kumonekta ang tawag, at narinig ang boses ni Charlie, “Veron, may kailangan ka ba?”Nang marinig ang boses ni Charlie, agad huminga nang maluwag si Vera at sinabi nang nagmamadali, “Charlie, nagpapasalamat ako para sa nangyari dati, kaya gusto kitang tanungin kung kailan ka libre. Gusto kitang imbitahin na kumain.”Humagikgik si Charlie, “Pag-usapan natin ito pagkatapos ng orientation mo. Sa ngayon, manatili ka lang sa school at huwag kang pumunta kahit saan.”Habang nagsasalita siya, may naalala si Charlie at tinanong siya, “Siya nga pala, nasa kalagitnaan ka pa rin dapat ng orientation mo, tama? Paano ka nagkaroon ng oras na tawagan ako?”Sadyang nagsinungaling si Vera, “Biglang kumulog kanina lang, at para bang uulan. Kaya, sinabihan kami ng instructor na magpahinga at suriin ang panahon
Samantala, sa Aurous University, libo-libong freshman mula sa iba’t ibang departamento ang nahati sa iba’t ibang pormasyon sa field para sa 14-day orientation.Ngayong araw pa lang ang simula, at maraming freshmen ang hindi sanay sa mahigpit na quasi-military orientation. Mahirap na nga tiisin ang sobrang init na araw, at dahil sa mahabang manggas na camouflage uniform at tuloy-tuloy na paglalakad, parang pinahihirapan nang sobra ang mga freshmen.Isang nakabibinging tunog ang biglang narinig sa timog-kanluran, nagulat ang lahat ng estudyante. Palihim na nagsasaya ang mga estudyante habang nakatingin sa mga madilim na ulap sa timog-kanluran, umaasa sila na biglang uulan.Karamihan ng mga estudyante ay inisip na kung biglang uulan, marahil ay masusupende ang orientation. Kung gano’n, sa wakas ay makakahinga na nang maluwag ang lahat. Kahit na hindi masuspende ang orientation, mas komportable na magsanay sa ulan kaysa tiisin ang mainit na araw.Kaya, halos lahat ng estudyante ay sa
Hindi lang dinurog ng kidlat ng Thunder Order ang malaking bato, ngunit gumawa rin ito ng isang malaking hukay sa lupa sa ilalim nito. Nanabik nang sobra si Mr. Chardon sa nakakatakot na lakas nito sa punto na halos napasigaw siya sa langit.Hindi siya makapaniwala na ang Thunderstrike wood ay isa palang mahiwagang instrumento na kayang magtawag ng kidlat. Bukod dito, ang lakas ng kidlat na ito ay maikukumpara sa isang heavy artillery shell, na lampas sa kahoy na ispada na binigay sa kanya ng British Lord.Habang puno ng sabik, tumayo si Mr. Chardon sa tabi ng malaking hukay, nakatingin sa buong Thunder Order, at binulong sa sarili niya, “Nakakatakot talaga ang lakas ng kidlat na ito! Gamit ito, kahit na may nakatagpo akong kalaban na mas malakas sa akin, kaya kong lumaban. Mukhang sobrang swerte ko sa pagpunta ko sa Aurous Hill ngayon!”Nang maisip ito, bumuntong hininga si Mr. Chardon, “Pero, malaki ang ginagamit na Reiki ng bagay na ito. Para lang mapagana ito ng isang beses, nau