Malapit nang mabaliw si Donald!Alam niya na talagang wala na siyang magagawa ngayon! Pagkatapos pumunta sa Aurous Hill, hindi niya lang hindi nahanap ang salarin na nanakit sa pangalawang anak niya. Sa halip, nawalan pa ng tig-isang binti silang mag-ama...Sa sandaling ito, lumapit na ang mga tauhan ni Isaac kay Donald at sinunggaban ang kanang paa niya, direktang sinuntok ang tuhod niya...Nakaramdam ng isang matalas na sakit si Donald sa kanyang kanang tuhod, at naramdaman niya na malapit na siyang himatayin sa sakit.Kinagat niya ang kanyang ngipin para pigilan niya ang sarili niya na sumigaw nang malakas sa sakit. Pero, sampung segundo niya lang natiis ang sakit at naglabas siya ng kakila-kilabot na sigaw!Tumingin nang masama at malamig si Isaac kay Donald bago siya suminghal nang mapanghamak. “Sino ba sa tingin niyo ang pamilya Webb? Talagang may lakas ng loob kayo na maging mabangis sa teritoryo ng pamilya Wade? Maliit na parusa lang ito para turuan kayo ng leksyon! Kung m
Nanginig sa takot si Donald bago siya tumalikod at tinanong nang kinakabahan, “Mr. Cameron, may ibang utos ka pa po ba sa amin?”Tinuro ni Isaac si Johnny at ang apat na lalaki na nakahandusay sa sahig bago niya sinabi nang malamig, “Gusto kong kaladkarin niyo ang limang aso na ito palabas dito! Ayoko nang dumihan nila ang Shangri-La!”“Ako…” Nabalisa nang sobra si Donald at naramdaman niya na susuka na siya ng dugo!Ilang sandali ang tinagal bago siya bumalik sa kanyang diwa at sinabi, “Mr. Cameron, sinabi ko na sa iyo na wala na silang kinalaman sa pamilya Webb. Pwede mong gawin ang kahit anong gusto mo sa kanila. Pwede mo pa silang patayin kung gusto mo.”Sumagot nang malamig si Isaac, “Nakalimutan mo na ba ang sinabi ko sa’yo kanina? May likhang sining ang limang ito sa mga noo nila. Gusto kong ibalik mo sila sa mansyon ng pamilya Webb kasama niyo. Gusto kong siguraduhin mo na aalagaan mo sila sa buong buhay nila. Hindi mo sila pwedeng hayaan na mamatay, lalo na ang tanggalin a
Pagkatapos sumuko ni Donald, desperadong sinubukan ng mag-ama na buhayin si Johnny at ang apat na bodyguard palabas sa Shangri-La hotel.Pilay na silang dalawa, pero mas miserable ang kalagayan ni Sean. Mayroong siyang pilay na kamay at baldadong binti. Kaya, sobrang hirap para sa kanya na buhatin ang limang lalaki palabas sa hotel.Ginamit ng mag-ama ang buong lakas nila para kaladkarin palabas si Johnny. Hindi nila mapigilang maghingal sa pagod sa tuwing humahakbang sila.Hindi lang sila sobrang pagod, ngunit sobrang sakit din ng baldadong binti nila.Sa sandaling ito, walang nangahas sa kanila na magsalita o gumawa ng kahit anong ingay. Kinagat na lang nila ang kanilang ngipin habang nagsumikap silang kaladkarin ang limang lalaki palabas.Nakahalukipkip si Isaac, tila ba nasisiyahan siya sa magandang palabas sa harap niya. Pinanood niya lang ang mag-ama na kinakaladkad ang limang lalaki papunta sa pasukan ng Shangri-La hotel.Umupo lang si Donald sa sahig habang itinaas niya a
Sa sandaling ito, si Kian, na nasa mansyon ng pamilya Webb sa Sudbury, ay biglang tumawag kay Donald.Kagigising niya lang pagkatapos kaining ang kanyang sobrang pagkain. Tinawagan niya pa rin ni Kian ang kanyang ama kahit na sobrang baho ng bibig niya.Hindi inaasahan ni Donald na makakatanggap siya ng tawag sa kanyang bunsong anak sa sandaling ito.Dahil, sobrang lungkot ng batang ito sa mga nakaraang araw. Sa tuwing natatapos siyang kumain, nararamdaman niya na parang gusto na niyang magpakamatay. Sobrang sira ng kalagayan niya, at ayaw niyang makipagkita o makipag-usap sa kahit sino.Hindi maintindihan ni Donald kung bakit siya tinatawagan ng bunsong anak niya sa sandaling ito.Maaari bang narinig ni Kian ang nangyari sa kanya at sa pinakamatandang anak niya? Tumawag ba si Kian para pagaanin ang pakiramdam niya?Hindi mapigilang guminhawa ng pakiramdam ni Donald nang maisi pniya ito.Gayunpaman, sa sandaling sinagot niya ang tawag, narinig niya ang sobrang balisang boses ni
Hindi lang si Donald ang nagalit!Kahit si Sean ay galit nang sobra sa sandaling ito!Iniinsulto talaga at tinatapakan nina Cain at Marcus ang buong pamilya Webb sa pamamagitan ng pagpost ng kanilang ‘stand-up comedy’ sa internet. Talagang napahiya sila dito!Bukod dito, iniinsulto pa rin sila ng mag-ama pagkatapos ng lahat ng kahihiyan na naranasan nila!Talagang hindi ito katanggap-tanggap!Pinost talaga ng mag-ama ang video ng ‘stand-up comedy’ nila sa publiko sa Internet!Ang pamilya Webb ang pinakamataas at pinaka maimpluwensyang pamilya sa buong South Region. Kaya, mayroong malaking reputasyon at respeto sila sa buong bansa. Ang video ay nilalait, ginagalit at iniinsulto sa publiko ang buong pamilya Webb! Bukod dito, sumisikat ang video sa mga netizen!Sa kabilang dako, nausisa nang sobra ang mga netizen sa pinagmulan ng dalawang lalaking ito na may nakaukit sa kanilang noo. Sino sila? Paano sila naging tanga? Bakit sobrang tapang nila at talagang ininsulto nila nang ganit
Gayunpaman, nang naging isa’t kalahating milyon na ang like ng video, biglang may lumabas na paunawa sa TikTok account, ‘Your account has been permanently suspended for posting illegal contents!’Kumunot ang noo ni Charlie nang mabasa niya ito.Ano?Permanenteng nasuspende?Agad nilabas ni Charlie ang sarili niyang cellphone at sinubukang hanapin ang video ng stand-up comedy nina Cain at Marcus. Sa sandaling ito, nalaman niya na natanggal na ang buong video sa Internet!Doon napagtanto ni Charlie na siguradong si Donald ang may kagagawan nito. Marahil ay gumastos siya para ayusin ito!Sa totoo lang, hindi inaakala ni Charlie na gagamitin ni Donald ang paraan na ito para pigilan ang pagkalat ng video. Nainis siya nang kaunti sa sandaling ito.Pagkatapos niya itong pag-isipan, ginamit ni Charlie ang kanyang cellphone para tawagan si Stephen Thompson na nasa Eastcliff.Si Isaac Cameron ay isa sa mga maraming tagapagsalita ng pamilya Wade, pero si Stephen Thompson ang nag-iisang ka
Habang huminga na nang maluwag si Donald dahil natanggal na ang video sa TikTok, hinding-hindi niya aakalain na nakumpleto na ng pamilya Wade sa Eastcliff ang transaksyon nila sa plataporma ng TikTok.Sa sandaling ito, pagmamay-ari na ng pamilya Wade sa Eastcliff ang TikTok at nabili nila ito sa halagang walumpu’t limang bilyong dolyar.Bago pa ilabas ang opisyal na balita, sinimulan na ng pamilya Wade na pamahalaan ang mga operasyon sa plataporma ng TikTok.Ang una nilang ginawa ay ibalik ang naburang account ni Marcus. Sa parehong oras, ibinalik din nila ang naburang video.Pagkatapos, agad inayos ito ng mga technician para lumitaw ang video na ito direkta sa home screen ng lahat ng gumagamit ng TikTok sa buong bansa!Hindi alam ni Donald na nabaliktad na ang lahat sa puntong ito. Habang hinihintay niyang dumating ang helicopter, bigla siyang nakatanggap ng tawag kay Kian.Nagpapanic si Kian habang sumisigaw siya sa cellphone, “Pa, anong nangyayari?! Bakit lumitaw ang video sa
Kahit na may mga asset din ang pamilya Wade na nagkakahalagang dalawang bilyong dolyar, wala silang masyadong perang hawak. Ang pera nila siguro ay wala pa sa sampung bilyong dolyar.Ang isang sambahayan ay parang isang pamilya. Kung may dalawang milyong dolyar ang pamilya, hindi ibig sabihin nito ay may dalawang milyong dolyar na pera sila. Marahil ay may bahay sila na may halagang isang milyon at tatlong daang libong dolyar, isang kotse na dalawang daang libong dolyar, at ibang gamit na may halagang dalawang daang libong dolyar. Sa huli, may dalawang daang libong dolyar na pera sila.Sa ganitong paraan, kapag pinagsama-sama ang lahat ng asset nila at pera, magiging dalawang milyong dolyar ito. Kaya, kahit na may kayamanan ang pamilya Webb na dalawang daang bilyong dolyar, wala silang masyadong perang hawak.Kung gusto nilang bilhin ang TikTok sa halagang walumpu’t limang bilyong dolyar, kailangan nilang ibenta ang kalahati ng mga asset nila.Pero, iba ang pamilya Wade.Walang
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl
Alam ni Charlie na may pambihirang impluwensya si Emmett sa Eastcliff. Kaya sa tulong niya, siguradong magiging matagumpay ang mungkahi ni Vera. Bukod pa roon, mataas din ang posibilidad na maisakatuparan ang plano ni Vera. Basta’t suportado ito ng mga nasa kapangyarihan at ipakita lang nila na seryoso sila sa mga Acker, magiging ligtas na ang mga Acker sa Oskia.Kahit gaano pa katapang at kapusok si Fleur, hindi niya kakayaning labanan nang lantaran ang isang bansa, maliban na lang kung sawa na talaga siyang mabuhay, dahil apat na raang taon na siyang nabubuhay.Ngunit ayon sa pagkakaintindi ni Charlie, habang tumatagal ang buhay ng isang tao, lalo niyang pinapahalagahan ang buhay niya at mas natatakot sa kamatayan. At si Fleur, na apat na raang taon nang nabubuhay, ay siguradong takot na takot mamatay. Kung hindi, hindi sana siya tumakas mula sa bundok sa ganoong kahabag-habag na kalagayan.Nang makita ni Vera na wala namang tutol si Charlie sa mungkahi niya, agad niyang tinawagan
Inutusan ni Charlie si Shawn sa tawag na ayusin ang isang private plane para sunduin si Janus papuntang Aurous Hill ngayong alas-nuwebe ng gabi at humiling ng convoy mula sa bahay ni Janus papuntang airport. Kahit na hindi natuwa si Shawn dito, hindi siya naglakas-loob na kumontra at napilitan na lang siyang sumang-ayon habang pilit na nakangiti.Pagkatapos, nagpaalam sina Charlie at Vera sa lolo ni Charlie na si Jeremiah.Sa eroplano, tinanong ni Vera si Charlie, “Young Master, hindi ba masyadong minamadali kung pupunta ka ng New York ngayong gabi? Magkakaroon ka lang ng nasa mahigit sa sampung oras sa Aurous Hill.”Umiling si Charlie at sinabi, “Bukod sa pagpunta ko sa lolo at lola ko at pagbibigay ng balita sa mga nangyari kailan lang, gusto ko ring alamin kung may maiisip silang anumang mahalagang impormasyon. At saka gusto ko ring bumisita sa mga biyenan ko bago umalis.”Tumango si Vera at sinabi nang malambot, “Muntik ko nang makalimutan na nasa United States din ang asawa mo.
Ipinadala ni Charlie ang litrato kay Janus sa WhatsApp at nagpadala ng isang voice message: ‘Uncle Janus, pwedeng mo ba akong tulungan at tingnan kung kilala mo ang taong ito sa tabi ng aking ama?’Mabilis na sumagot si Janus gamit ang voice message: ‘Young Master, nakita ko na ang taong ito sa litrato. Ang pangalan niya ay Biden Cole, pero hindi ako masyadong pamilyar sa kanya. Ang alam ko lang ay isa siyang Oskian na antique dealer na may malapit na ugnayan sa iyong tatay.’Nang marinig ni Charlie na kilala ni Janus ang taong ito, agad niyang tinawagan si Janus. Pagkakonekta ng tawag, sabik niyang tinanong, “Uncle Janus, pwedeng mo bang sabihin sa akin ang tungkol kay Biden Cole nang detalyado?”Sinabi ni Janus, “Ang pamilya ni Biden ay matagal nang nakikibahagi sa negosyo ng mga antiques sa ibang bansa, karamihan ay nakatutok sa Europe at America. Bukod sa United States, may negosyo rin sila sa England at France. May reputasyon ang pamilya niya sa industriya ng mga antique sa Euro