Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Chapter 721 - Chapter 730

All Chapters of Ang Maalindog na Charlie Wade: Chapter 721 - Chapter 730

5609 Chapters

Kabanata 721

Pagkatapos manahimik ni Johnny, kinaladkad ni Albert ang pangatlong lalaki at tinanong, “Master Wade, paano naman ang taong ito?”“Mandarambong ng pwet si Sean Webb.”Tumango si Albert. Nirelax niya ang kanyang kamay at inukit ang anim na salita sa mukha ng lalaki.Pagkatapos, ang pang-apat na lalaki na.“Master Wade, pitong salita na ito.”“Hmm… ‘Sobrang hina sa kama si Donald Webb.’”Hindi mapigilang humagikgik ni Albert at sinabi niya, “Master Wade, bakit hindi tayo maging direkto? Sabihin na lang natin na impotent siya o may erectile dysfunction.”Iwinagayway ni Charlie ang kanyang kamay. “Sobrang sensitibo nito, hindi natin ito pwedeng sabihin nang direkta, mamumula ang mga mukha ng babae kapag nakita nila ito.”Mabilis na inukit ito ni Albert.Ang huling natira ay si Johnny.Tumingin nang takot si Johnny sa mga kasama niya at sa mga madugong mukha nila.Sobrang mapagmataaas siya at mayabang. Dahil sa hindi kapani-paniwalang lakas at kapangyarihan niya, inisip niya na s
last updateLast Updated : 2021-09-27
Read more

Kabanata 722

Pero sinong nakakaalam kung nagsasabi ba sila ng totoo o nagsisinungaling?Nainis na nang kaunti si Albert ngayon. Sinampal niya si Johnny sa inis at sumigaw, “Manahimik na lang, okay? Kung may maririnig pa akong isang ungol, iuukit ko ang isang play ni William Shakespeare sa buong katawan mo!”Sa sobrang lakas ng sampal, naging blanko ang paningin ni Johnny nang ilang sandali. Hindi na siya nangahas na magsalita ngayon, kaya umiyak na lang siya habang tinitiis ang matalas na patalim na sumasayaw sa kanyang mukha.Nararamdaman niya ang paghiwa ng patalim sa balat ng kanyang noo. Halos himatayin na siya sa sobrang sakit at patuloy na tumutulo ang dugo sa kanyang noo kaya hindi niya mabuksan ang kanyang mga mata.Pinagsisisihan niya ang lahat ng ginawa niya ngayong araw. Kung alam niya lang kung anong klaseng miserableng sitwasyon ang kahihinatnan niya, hinding-hindi siya papayag na patayin si Albert kahit gaano pa kalaki ang ibayad sa kanya ni Donald...Sa kasamaang palad, walang r
last updateLast Updated : 2021-09-27
Read more

Kabanata 723

Tahimik na nanonood si Jacob sa sulok habang binabaliktad ng manugang niya ang mga bagay-bagay at nagdala ng malaking pagbabago, binaliktad niya ang mga mangyayari. Nagulat siya nang sobra.Hindi niya maintindihan kung paano naging sobrang lakas ni Charlie at kung bakit may malakas na aura siya sa paligid niya.Talagang iba ang Charlie na ito sa Charlie na palaging sinisigawan at pinapagalitan ni Elaine sa bahay.Sa sandaling ito, umabante si Charlie at tinanong, “Pa, ayos ka lang ba?”Umiling nang nagmamadali si Jacob at sinabi, “Oo, ayos lang ako. Buti na lang, dumating ka sa oras. Kung hindi, sobrang sama na ng kinahinatnan ko.”Bahagyang ngumiti si Charlie at sinabi, “Pa, talagang nagpapasalamat ako at ayos ka lang. Tinuruan ko na ng leksyon ang mga taong iyon. Kuntento ka na ba ngayon?”“Kuntento! Sobrang kuntento!” Tumango nang paulit-ulit si Jacob. Pagkatapos, tinanong niya habang may nag-aalalang ekspresyon sa kanyang mukha, “Charlie, hindi ba’t masyado kang malupit kanin
last updateLast Updated : 2021-09-27
Read more

Kabanata 724

Hindi na nangahas magsalita ng ina ni Marcus pagkatapos niya itong marinig. Alam niya na sobrang seryoso ng sitwasyon. Kaya, nagmamadali siyang nag-impake.Tinanong ni Cain si Marcus, “Tingnan mo ang sitwasyon sa TikTok. Inupload na ba ni Charlie ang video natin sa TikTok?”Itinaas ni Marcus ang kanyang kamay at sinabi, “Nakay Charlie ang cellphone ko. Ginamit niya ang cellphone ko para kunin ang video.”“P*ta.” Nilabas nang nagmamadali ni Cain ang kanyang cellphone at tinapon niya ito kay Marcus habang sinabi, “Bilisan mo at tingnan mo ang sitwasyon sa TikTok!”Sinalo ni Marcusa ng cellphone ng kanyang ama bago siya nag-download ng TikTok sa cellphone.Nag-scroll siya sa ilang video sa TikTok at napagtanto niya na wala pa ang video ng stand-up comedy nila ng ama niya. Naluwagan siya nang kaunti at sinabi niya nang mabilis sa kanyang ama, “Hindi pa ata pino-post ni Charlie ang video sa TikTok.”“Mabuti naman.” Bahagyang tumango si Cain, “Hindi na dapat natin ito patagalin. Bilisa
last updateLast Updated : 2021-09-27
Read more

Kabanata 725

Sa wakas ay dumating na ang kotse sa Shangri-La.Pero, hindi man lang mabuksan ng limang lalaki ang pinto ng kotse.Karaniwan, minamaliit ng mga staff ng Shangri-La ang mga nirerentahang kotse. Kaya, bihira lang nilang buksan ang pinto ng kotse para sa kahit sinong bisita na dumating sa hotel gamit ang taxi. Nang makita nila ang taxi, sinadya nilang magpanggap na tila ba hindi nila nakikita ang kotse, ayaw nilang umabante para buksan ang pinto para sa kanila.May isang sandali na nakakahiyang katahimikan sa kotse. Sa sandaling ito, biglang sinigawan ni Johnny ang driver ng taxi, “P*ta! Bulag ka ba?! Hindi mo ba alam kung paano buksan ang pinto ng kotse para sa amin?”Nainis nang kaunti ang driver ng taxi, at sinabi, “Kung gano’n, magbayad ka muna. Sinabi mo sa’kin na babayaran mo ako ng sampung libong dolyar.”Sumagot si Johnny, “Tulungan mo muna akong buksan ang pinto ng kotse. Pagkatapos kong makalabas, pwede mong kunin ang pera sa bulsa ko. Hindi ko magalaw ang mga braso ko nga
last updateLast Updated : 2021-09-27
Read more

Kabanata 726

Nang makita ng pinuno ng security team ng Shangri-La ang eksenang ito, mabilis siyang nagdala ng isang grupo ng mga lalaki habang nagmadali silang pumunta para pigilan sila. Pagkatapos ay sinabi niya nang malamig, “Huwag kayong gumawa ng gulo sa pasukan ng Shangri-La Hotel. Kung hindi, huwag niyo akong sisihin dahil naging bastos ako!”Alam ni Johnny na si Isaac Cameron, ang boss ng Shangri-La, ay may napakalakas at maimpluwensyang pinagmulan. Kaya, mabilis niyang pinigilan ang mga tauhan niya at sinabi sa driver ng tai, “Sobrang swerte mo ngayong araw! Maging mas maingat ka sa hinaharap. Kung hindi, papatayin kita!”Pagkatapos niyang magsalita, umabante siya at sinubukan niyang dalhin papasok ang mga tauhan niya sa Shangri-La.Nang papasok na sila, mabilis na lumapit ang mga security guard para pigilan sila. Pagkatapos, nagmamadaling pumunta ang lobby manager sa kanila at sinabi, “Pasensya na, mga ginoo. Hindi maayos ang mga pananamit niyo at hindi maayos ang hitsura niyo. Ayon sa
last updateLast Updated : 2021-09-27
Read more

Kabanata 727

Pagkatapos umalis ni Johnny at ng apat na bodyguard, sobrang gulo ng eksena sa lobby.Nakahandusay ang lobby manager ng Shangri-La at ang grupo ng mga security guard sa sahig at may malalang sugat sila. Namamaga nang sobra ang mga mukha at ilong nila, at mukhang sobrang miserable nila sa sandaling ito.Tumayo nang nahihirapan ang isang security guard habang nagmadali siyang pumunta sa lobby manger para tulungan siyang tumayo. Hindi niya mapigilang itanong, “Manager, ano nang gagawin natin?”Mabilis na sumagot ang lobby manager habang may malamig na ekspresyon sa kanyang mukha, “Bilisan mo at dalhin mo agad ang lahat ng tauhan natin sa hospital. Pupunta ako para hanapin si Mr. Cameron! Sigurado ako na hindi sila pagbibigyan nang madali ni Mr. Cameron dahil nangahas talaga silang gumawa ng gulo sa Shangri-La!”Pagkatapos, naglakad nang ika-ika ang lobby manager papunta sa opisina ni Isaac.Sa sandaling ito, ang mag-ama, sina Donald at Sean, ay naghihintay pa rin sa presidential suit
last updateLast Updated : 2021-09-28
Read more

Kabanata 728

Humakbang paatras si Sean nang hindi nag-iisip. Pagkatapos, tinipon ni Johnny at ng mga tauhan niya ang lahat ng tapang nila para pumasok sa presidential suite na may nanghihinang ekspresyon sa kanilang mukha na parang mga talunang aso habang nakayuko at bali ang mga braso!Nagulantang si Donald nang makita niyang pumasok ang limang lalaki. Nawala ang kapit niya sa baso ng tsaa at nabitawan ito sa gulat...Tumingin nang gulat si Donald sa limang lalaki at nagulantang siya. “Kayo… kayo… anong nangyari?! Anong nangyari sa mga noo niyo? Bakit nagdurugo ito at puno ng dugo? Ito… bakit parang may nagsulat ng salita sa mga noo niyo?”Dahil nakayuko ang limang lalaki, nahirapan si Donal na basahin ang mga nakaukit sa noo nila.Agad umabante si Johnny at lumuhod sa sahig sa harap ni Donald at sinabi nang tapat, “Mr. Webb, patawarin mo ako at hindi ko nagawa inutos mo! Mangyaring bigyan mo ako ng parusa na sa tingin mo ay nararapat!”Hindi maiwasang magulat nang sobra si Donald at kilabuta
last updateLast Updated : 2021-09-28
Read more

Kabanata 729

Sa sandaling ito, ang lobby manager na pinagsisipa ni Johnny ay nag-ika-ika papunta sa opisina ni Isaac gamit ang tulong ng ilang empleyado.Binuksan ng lobby manager ang pinto ng opisina. Sa sandaling pumasok ang lobby manager sa opisina ni Isaac, agad nakita ni Isaac na puno siya ng sugat. Sinabi niya, “Mr. Zelmer, anong nangyari?!”Sinabi nang galit ni Mr. Zelmer, “Mr. Cameron, ang ilang bodyguard na nagtatrabaho para sa pamilya Webb ng Sudbury ay pwersahang pumasok sa hotel natin! Binugbog pa nila ako at ang grupo ng security guard sa lobby ng hotel!”“Ano?!” Sumimangot si Isaac at tinanong, “Ano ang eksaktong nangyari? Nananatili si Donald Webb at ang anak niya sa presidential suite ng Shangri-La. Ang ibig sabihin ay nananatili rin sa presidential suite ang mga bodyguard nila kasama sila. Kaya, bakit kailangan nilang makipaglaban at bugbugin kayong lahat para pwersahan na makapasok sa hotel?””Nagpaliwanag nang nagmamadali si Mr. Zelmer, “Medyo kumplikado ang sitwasyon. Mukhan
last updateLast Updated : 2021-09-28
Read more

Kabanata 730

Tumango nang bahagyan si Charlie.Pagkatapos, lumabas ang biyenan na lalaki niya at nanigarlyo. Kaya, umupo si Charlie sa kotse habang sinagot niya ang tawag.Pagkatapos kumonekta ng tawag, sinabi nang nagmamadali ni Isaac, “Mr. Wade, narinig ko na may hidwaan ka sa mga bodyguard ng pamilya Webb?”Tumango nang bahagya si Charlie at sinabi, “Medyo mabilis talaga ang impormasyon mo!”Sumagot nang nagmamadali ni Isaac, “Mr. Wade, narinig ko na gumawa ng eksena at gulo ang limang taong ito sa Shangri-La. Nalaman ko lang ang tungkol dito pagkatapos ko itong ipaimbestiga sa isang tao.”Pagkatapos, mabilis na ipinaliwanag ni Isaac ang nangyari nang dumating si Johnny at ang ibang bodyguard sa Shangri-La.Pagkatapos makinig kay Isaac, sumagot nang malamig si Charlie, “Ang limang aso na iyon. Hindi ko inaakala na hindi nila matututunan ang leksyon nila. Akala ko ay natuto na sila at susubukan muna nilang magpigil sa hinaharap. Pero, hindi ko talaga inaasahan na gagamitin nila ang mga bint
last updateLast Updated : 2021-09-28
Read more
PREV
1
...
7172737475
...
561
DMCA.com Protection Status