Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Kabanata 741 - Kabanata 750

Lahat ng Kabanata ng Ang Maalindog na Charlie Wade: Kabanata 741 - Kabanata 750

5609 Kabanata

Kabanata 741

Hindi lang si Donald ang nagalit!Kahit si Sean ay galit nang sobra sa sandaling ito!Iniinsulto talaga at tinatapakan nina Cain at Marcus ang buong pamilya Webb sa pamamagitan ng pagpost ng kanilang ‘stand-up comedy’ sa internet. Talagang napahiya sila dito!Bukod dito, iniinsulto pa rin sila ng mag-ama pagkatapos ng lahat ng kahihiyan na naranasan nila!Talagang hindi ito katanggap-tanggap!Pinost talaga ng mag-ama ang video ng ‘stand-up comedy’ nila sa publiko sa Internet!Ang pamilya Webb ang pinakamataas at pinaka maimpluwensyang pamilya sa buong South Region. Kaya, mayroong malaking reputasyon at respeto sila sa buong bansa. Ang video ay nilalait, ginagalit at iniinsulto sa publiko ang buong pamilya Webb! Bukod dito, sumisikat ang video sa mga netizen!Sa kabilang dako, nausisa nang sobra ang mga netizen sa pinagmulan ng dalawang lalaking ito na may nakaukit sa kanilang noo. Sino sila? Paano sila naging tanga? Bakit sobrang tapang nila at talagang ininsulto nila nang ganit
last updateHuling Na-update : 2021-09-30
Magbasa pa

Kabanata 742

Gayunpaman, nang naging isa’t kalahating milyon na ang like ng video, biglang may lumabas na paunawa sa TikTok account, ‘Your account has been permanently suspended for posting illegal contents!’Kumunot ang noo ni Charlie nang mabasa niya ito.Ano?Permanenteng nasuspende?Agad nilabas ni Charlie ang sarili niyang cellphone at sinubukang hanapin ang video ng stand-up comedy nina Cain at Marcus. Sa sandaling ito, nalaman niya na natanggal na ang buong video sa Internet!Doon napagtanto ni Charlie na siguradong si Donald ang may kagagawan nito. Marahil ay gumastos siya para ayusin ito!Sa totoo lang, hindi inaakala ni Charlie na gagamitin ni Donald ang paraan na ito para pigilan ang pagkalat ng video. Nainis siya nang kaunti sa sandaling ito.Pagkatapos niya itong pag-isipan, ginamit ni Charlie ang kanyang cellphone para tawagan si Stephen Thompson na nasa Eastcliff.Si Isaac Cameron ay isa sa mga maraming tagapagsalita ng pamilya Wade, pero si Stephen Thompson ang nag-iisang ka
last updateHuling Na-update : 2021-09-30
Magbasa pa

Kabanata 743

Habang huminga na nang maluwag si Donald dahil natanggal na ang video sa TikTok, hinding-hindi niya aakalain na nakumpleto na ng pamilya Wade sa Eastcliff ang transaksyon nila sa plataporma ng TikTok.Sa sandaling ito, pagmamay-ari na ng pamilya Wade sa Eastcliff ang TikTok at nabili nila ito sa halagang walumpu’t limang bilyong dolyar.Bago pa ilabas ang opisyal na balita, sinimulan na ng pamilya Wade na pamahalaan ang mga operasyon sa plataporma ng TikTok.Ang una nilang ginawa ay ibalik ang naburang account ni Marcus. Sa parehong oras, ibinalik din nila ang naburang video.Pagkatapos, agad inayos ito ng mga technician para lumitaw ang video na ito direkta sa home screen ng lahat ng gumagamit ng TikTok sa buong bansa!Hindi alam ni Donald na nabaliktad na ang lahat sa puntong ito. Habang hinihintay niyang dumating ang helicopter, bigla siyang nakatanggap ng tawag kay Kian.Nagpapanic si Kian habang sumisigaw siya sa cellphone, “Pa, anong nangyayari?! Bakit lumitaw ang video sa
last updateHuling Na-update : 2021-09-30
Magbasa pa

Kabanata 744

Kahit na may mga asset din ang pamilya Wade na nagkakahalagang dalawang bilyong dolyar, wala silang masyadong perang hawak. Ang pera nila siguro ay wala pa sa sampung bilyong dolyar.Ang isang sambahayan ay parang isang pamilya. Kung may dalawang milyong dolyar ang pamilya, hindi ibig sabihin nito ay may dalawang milyong dolyar na pera sila. Marahil ay may bahay sila na may halagang isang milyon at tatlong daang libong dolyar, isang kotse na dalawang daang libong dolyar, at ibang gamit na may halagang dalawang daang libong dolyar. Sa huli, may dalawang daang libong dolyar na pera sila.Sa ganitong paraan, kapag pinagsama-sama ang lahat ng asset nila at pera, magiging dalawang milyong dolyar ito. Kaya, kahit na may kayamanan ang pamilya Webb na dalawang daang bilyong dolyar, wala silang masyadong perang hawak.Kung gusto nilang bilhin ang TikTok sa halagang walumpu’t limang bilyong dolyar, kailangan nilang ibenta ang kalahati ng mga asset nila.Pero, iba ang pamilya Wade.Walang
last updateHuling Na-update : 2021-09-30
Magbasa pa

Kabanata 745

Naramdaman ni Donald na parang babagsak na siya!Nasa itaas na nila ang helicopter. Kung hahayaan lang ni Isaac na bumaba dito ang helicopter, matutulungan ng taong nasa loob ang mag-ama na ipasok ang limang walang kwentang lalaki sa helicopter. Pagkatapos, makakalipad na sila at makakaalis pabalik sa Sudbury sa loob ng sampung minuto! Maiuuwi na niya ang anak niya sa sandaling iyon.Pero, hindi man lang pumayag si Isaac na ibigay ang kalayaan na ito sa kanya!Sa sandaling ito, nagmakaawa nang mabilis si Donald, “Mr. Cameron, sobrang miserable na ng kalagayan namin ng anak ko. Sana ay maging maawain ka at dakila. Pakiusap, pwede mo bang hayaang bumaba ang helicopter para makapasok kami at makabalik agad sa Sudbury! Hinding-hindi ko kakalimutan ang kabaitan mo!”Suminghal nang malamig si Isaac, “Sa tingin mo ba ay malapit ka sa akin? Sa tingin mo ba talaga ay karapat-dapat kang kaawaan at bigyan ng kabaitan?”Pagkatapos niyang magsalita, iwinagayway ni Isaac ang kanyang kamay at si
last updateHuling Na-update : 2021-09-30
Magbasa pa

Kabanata 746

Tumalikod si Isaac at umalis sa sandaling natapos siyang magsalita.Umupo si Donald at tinakpan ang kanyang mukha habang tahimik siyang umiyak.Ang lahat ng dignidad niya ay tinapakan ngayong araw!Ano pang punto na mabuhay nang ganito?Ang pangunahing punto ay hinding-hindi niya matatalo ang pamilya Wade. Kahit na may malalim siyang poot sa kanila ngayon, hinding-hindi niya mapaghihiganti ang kanyang sarili o ang kanyang pamilya. Hindi niya man lang ito maisip...May mas masakit pa ba dito?Oo, mayroon!Ang video ng stand-up comedy ni Cain at ng anak niya, si Marcus, ay kumakalat pa rin na parang apoy sa Internet. Mahigit tatlong milyong likes na ang mayroon ito sa TikTok. Grabe talaga ito!Pagkalipas ng sampung minuto, sa wakas ay dumating na ang dalawang piloto at ang mekaniko ng helicopter sa Shangri-La.Sa sandaling nakita niya sila, naramdaman ni Donald na tila ba nakita na niya ang tagapagligtas niya.Tinulungan ng tatlo si Donald at ang anak niya, si Sean, na pumasok
last updateHuling Na-update : 2021-09-30
Magbasa pa

Kabanata 747

Bago pa matapos si Charlie sa paghahanda ng hapunan, tinawagan na siya ni Stephen para ipaalam na nabili na nila ang TikTok.Binuksan ni Charlie ang TikTok at nakita niya na naibalik na ang video. Bukod dito, ang video ng standup comedy ang unang video na lalabas sa home screen ng lahat ng gumagamit nito. Mabilis na dumami ang likes at lampas limang milyon na ito.Naging sobrang saya ni Charlie at nakuntento.Sa tingin ba talaga ni Donald ay magagamit niya ang pera para tanggalin ang video ng TikTok? Kaya, nagulantang ba si Donald ngayong binili na niya ang plataporma ng TikTok?Ito talaga ang habol niya!Mukhang sobrang sama na ng posisyon ng pamilya Webb ngayon.Siguradong matagal na mananatili ang video sa TikTok. Kahit na sobrang balisa at sama ng loob ng pamilya Webb, wala silang magagawa dito.Pagkatapos niyang maghanda ng hapunan, itinabi ni Charlie ang kanyang cellphone bago niya nilabas ang mga pagkain sa kusina. Doon niya lang nadiskubre na ang kanyang asawa, s Claire,
last updateHuling Na-update : 2021-09-30
Magbasa pa

Kabanata 748

Habang nagsasalita siya, sinabi ulit ni Charlie, “Kaya, hindi ba’t talagang imposible na maging interesado ang young lady ng pamilya Moore sa isang walang kwentang tao na tulad ko?”Hindi maiwasang sabihin ni Claire, “Pero… pero naramdaman ko na nirerespeto ka niya talaga! Nagkusa pa siya na lumabas ng kotse para lang buksan ang pinto ng kotse para sa’yo!”Suminghal si Charlie bago sinabi, “Ang tanging dahilan lang kung bakit niya ako nirerespeto ay dahil naniniwala talaga ang lolo niya sa akin. Tumatanda na ang lolo niya. Kaya, nagsisimula na siyang maniwala nang sobra sa Feng Shui at kapalaran. Dahil may tiwala talaga siya sa’kin, syempre nirerespeto niya ako. Iyon ang dahilan kung bakit sobrang galang din ng apong babae niya sa akin. Kung pababayaan niya ako, sisisihin siya ng lolo niya dahil dito. Sa sandaling iyon, siguradong siya ang magiging malas.”Tumango nang marahan si Claire.Mukhang walang mali sa paliwanag ni Charlie.At saka, ang lahat ay napaliwanag, at ang lahat a
last updateHuling Na-update : 2021-10-01
Magbasa pa

Kabanata 749

Sa totoo lang, ang dahilan kung bakit tinanong ni Jacob ang tungkol sa villa ay dahil gusto niyang tulungan si Charlie.Alam niya ang ugali ng asawa niya sa mga nakaraang araw at naramdaman niya na mas lalong inaatake ni Elaine si Charlie. Kaya, natatakot si Jacob na patuloy na magiging sarkastiko si Elaine habang patuloy niyang inaatake si Charlie.Sa mga mata ni Jacob, maraming beses nang niligtas ng manugang na ito ang kanyang buhay. Kaya, talagang tinrato na niya si Charlie bilang kanyang mahalagang manugang ngayon.Tulad sa kasabihan, ang isang manugang ay kalahati rin na totoong anak. Hindi mapigilang maawa nang kaunti ni Jacob sa kanyang manugang nang makita niya na pinapagalitan si Charlie.Gayunpaman, nang biglang binanggit ni Jacob ang tungkol sa villa, agad naiba ang atensyon ni Elaine!Tumingin si Elaine kay Charlie bago sinabi, “Oo, kailan matatapos ang renovation ng villa? Kailan tayo makakalipat sa villa? Pagkatapos nating lumipat sa villa, gusto kong mag-iwan ng is
last updateHuling Na-update : 2021-10-01
Magbasa pa

Kabanata 750

”Ano?” Nabalisa nang sobra si Elaine at sinabi niya, “Anong klaseng tao siya? Paano niya babawiin ang isang bagay na naibigay niya na?”Binuka ni Charlie ang kanyang kamay bago sinabi, “Dahil, ito ay regalo ng iba. Kahit na bawiin ng taong iyon ang mga sinabi niya at gustong bawiin ang villa, wala na tayong magagawa. Paano natin malalabanan ang pamilya White?”Nainis nang sobra si Elaine at sinabi, “Paano nangyari ito? Paano niya tayo binigyan ng villa na walang kahit anong kagamitan? Siya na talaga ang pinakamalalang tao!”Sinabi ni Jacob, “Okay! Tama na! Dapat ay makuntento na lang tayo. Dapat nating gamitin ang pera ng pamilya natin para bumili ng mga gamit bukas! Pagkatapos bumili ng mga gamit, hahanap tayo ng moving company para ilipat ang mga kagamitan sa villa sa susunod na linggo!”Nag-panic si Elaine at sinabi, “Hindi! Hindi tayo lilipat sa villa kung hindi natin maaayos ngayong araw ang tungkol sa pagbili ng mga gamit!”“Ano pang pag-uusapan natin?” Sumimangot si Jacob a
last updateHuling Na-update : 2021-10-01
Magbasa pa
PREV
1
...
7374757677
...
561
DMCA.com Protection Status