Humakbang paatras si Sean nang hindi nag-iisip. Pagkatapos, tinipon ni Johnny at ng mga tauhan niya ang lahat ng tapang nila para pumasok sa presidential suite na may nanghihinang ekspresyon sa kanilang mukha na parang mga talunang aso habang nakayuko at bali ang mga braso!Nagulantang si Donald nang makita niyang pumasok ang limang lalaki. Nawala ang kapit niya sa baso ng tsaa at nabitawan ito sa gulat...Tumingin nang gulat si Donald sa limang lalaki at nagulantang siya. “Kayo… kayo… anong nangyari?! Anong nangyari sa mga noo niyo? Bakit nagdurugo ito at puno ng dugo? Ito… bakit parang may nagsulat ng salita sa mga noo niyo?”Dahil nakayuko ang limang lalaki, nahirapan si Donal na basahin ang mga nakaukit sa noo nila.Agad umabante si Johnny at lumuhod sa sahig sa harap ni Donald at sinabi nang tapat, “Mr. Webb, patawarin mo ako at hindi ko nagawa inutos mo! Mangyaring bigyan mo ako ng parusa na sa tingin mo ay nararapat!”Hindi maiwasang magulat nang sobra si Donald at kilabuta
Sa sandaling ito, ang lobby manager na pinagsisipa ni Johnny ay nag-ika-ika papunta sa opisina ni Isaac gamit ang tulong ng ilang empleyado.Binuksan ng lobby manager ang pinto ng opisina. Sa sandaling pumasok ang lobby manager sa opisina ni Isaac, agad nakita ni Isaac na puno siya ng sugat. Sinabi niya, “Mr. Zelmer, anong nangyari?!”Sinabi nang galit ni Mr. Zelmer, “Mr. Cameron, ang ilang bodyguard na nagtatrabaho para sa pamilya Webb ng Sudbury ay pwersahang pumasok sa hotel natin! Binugbog pa nila ako at ang grupo ng security guard sa lobby ng hotel!”“Ano?!” Sumimangot si Isaac at tinanong, “Ano ang eksaktong nangyari? Nananatili si Donald Webb at ang anak niya sa presidential suite ng Shangri-La. Ang ibig sabihin ay nananatili rin sa presidential suite ang mga bodyguard nila kasama sila. Kaya, bakit kailangan nilang makipaglaban at bugbugin kayong lahat para pwersahan na makapasok sa hotel?””Nagpaliwanag nang nagmamadali si Mr. Zelmer, “Medyo kumplikado ang sitwasyon. Mukhan
Tumango nang bahagyan si Charlie.Pagkatapos, lumabas ang biyenan na lalaki niya at nanigarlyo. Kaya, umupo si Charlie sa kotse habang sinagot niya ang tawag.Pagkatapos kumonekta ng tawag, sinabi nang nagmamadali ni Isaac, “Mr. Wade, narinig ko na may hidwaan ka sa mga bodyguard ng pamilya Webb?”Tumango nang bahagya si Charlie at sinabi, “Medyo mabilis talaga ang impormasyon mo!”Sumagot nang nagmamadali ni Isaac, “Mr. Wade, narinig ko na gumawa ng eksena at gulo ang limang taong ito sa Shangri-La. Nalaman ko lang ang tungkol dito pagkatapos ko itong ipaimbestiga sa isang tao.”Pagkatapos, mabilis na ipinaliwanag ni Isaac ang nangyari nang dumating si Johnny at ang ibang bodyguard sa Shangri-La.Pagkatapos makinig kay Isaac, sumagot nang malamig si Charlie, “Ang limang aso na iyon. Hindi ko inaakala na hindi nila matututunan ang leksyon nila. Akala ko ay natuto na sila at susubukan muna nilang magpigil sa hinaharap. Pero, hindi ko talaga inaasahan na gagamitin nila ang mga bint
Kahit na bilyonaryo si Donald, hindi siya mapagbigay na tao.Sa ibang salita, sa mga mata niya, hindi dapat siyang magsayang o gumastos ng pera na hindi dapat gagastusin.Ganito ang naramdaman niya habang nakatingin siya kay Johnny at sa apat na lalaki.Bali na ang mga braso nila at hindi man lang nila mabuksan ang pinto ng kotse nang sarili nila. Ano pang gagawin nila kung mananatili sila sa tabi niya?Sobrang taas na ng sahod nila. Kung mananatili pa rin sila, parang nagkawangga na siya kung papakainin niya sila hanggang tumanda sila.Kaya, naramdaman ni Donald na palayuin niya dapat sila hangga’t maaari, sa lalong madaling panahon.Ang mas malayo, mas mabuti para sa kanya.Sa totoo lang, hindi rin gusto ni Donald na bayaran sila ng tig-limang daang libong dolyar bilang bayad sa pagsisilbi nila.Kaya, hindi niya mapigilang maramdaman na nagiging sobrang mapagbigay na siya sa kanila.Gayunpaman, hindi ganito ang naramdaman ni Johnny at ng ibang bodyguard!Wala na silang kwen
Sumigaw sa sakit si Donald habang bumagsak siya sa sahig. Hindi niya mapigilang mag-panic sa puso niya.Si Sean, na nakatayo sa tabi niya, ay sumigaw nang hindi nag-iisip, “Hoy! Sinong nagbigay sa’yo ng karapatan na saktan ang ama ko?”Lumapit si Isaac kay Sean bago niya siya sinuntok direkta sa ilong. Pagkatapos mabalot ng dugo ang mukha ni Sean, sumigaw si Isaac, “Kahit ang ama mo ay kailangang maging magalang sa akin. Sino ka ba sa tingin mo? Talagang nangahas kang kausapin ako nang ganito?! Pagod ka na bang mabuhay? Naniniwala ka ba na kaya kitang patayin ngayon?”“Talagang gusto mo nang mamatay!” Sobrang tagal nang nabubuhay si Sean, at hindi pa niya nararanasang mabugbog o mapagalitan. Pero, dalawang beses na siyang nabugbog ngayong araw.Una, binali ni Charlie ang isa sa mga kamay niya. Ngayon, binasag talaga ni Isaac ang kanyang ilong gamit ang isang suntok.Isa siyang laki sa layaw at mayabang na lalaki simula pa noong bata pa siya. Dahil dito, paano niya matitiis ito?S
Nagalit nang sobra si Donald habang nakatingin siya nang masama sa limang lalaking nakaluhod sa sahig bago niya tinanong nang malamig, “Sino sa inyo ang gumawa nito? O ginawa niyo ba ito nang magkakasama?”Natakot agad si Johnny nang makita niya ang nakamamatay na mga mata ni Donald. Sinabi niya nang nagmamadali, “Mr. Webb, hindi mo kami pwedeng sisihin sa bagay na ito! Sinubukan na naming ipaliwanag sa lobby manager at sa mga security guard na nagtatrabaho kami para sa pamilya Webb. Pero, pinilit nila na hindi maayos ang pananamit namin at sinabi na hindi kami pwedeng pumasok sa Shangri-La. Nabalisa lang ako nang sobra na pumunta at mag-ulat sa’yo. Iyon ang dahilan kung bakit kami nakipaglaban sa mga security guards at pwersahang pumasok sa hotel…”Nagalit nang sobra si Donald nang marinig niya ang paliwanag ni Johnny. Sinampal niya siya nang malakas sa mukha at sinabi, “Mga wala kayong kwenta! Sa tingin niyo ba ay ang Shangri-La hotel ay isang lugar na pwede niyong pasukin nang pwe
Pagkatapos niyang magsalita, sinabi nang nagmamadali ni Donald, “Mr. Cameron, paano mo gustong ayusin ang bagay na ito? Hangga’t may solusyon ka tungkol dito, siguradong gagawin ko ang lahat ng inuutos mo!”Mayroong sobrang lamin na ekspresyon si Isaac sa kanyang mukha habang nakatingin siya nang masama kay Donald. Hindi maiwasang maramdaman ni Isaac na ang pangalawang henerasyon na tagapagmana ng pamilya Webb ay talagang matalas at handang magbigay at tumanggap. Mukhang malakas ang kagustuhan niyang mabuhay.Pero, dahil kinalaban niya ang young master ng pamilya Wade, imposible na makaalis siya sa bagay na ito nang walang sugat!Kung hindi dahil sa utos ng young master, pinatay na sila ni Isaac!Suminghal nang malamig si Isaac at sinabi, “Pasensya na pero hindi ko matatanggap ang paghingi mo ng tawad! Sa tingin ko ay hindi rin tatanggapin ito ng pamilya Wade!”Pinigilan ni Donald ang kanyang galit bago niya tinanong sa mababang boses, “Mr. Cameron, paano mo gustong ayusin ang bag
Bago pa maintindihan ni Donald ang kahulugan ng mga sinabi ni Isaac, kumilos na ang mga tauhan ni Isaac.Sobrang galing kilala at magaling din makipaglaban ang mga tauhan ni Isaac. Marahil ay hindi silang kasing lakas o kasing galing ni Johnny.Pero, dahil kalahating patay na si Johnny ngayon. Kaya niya pang talunin ang kahit sinong ordinaryong tao, pero hindi niya kakayanin ang isang tao na magaling makipaglaban.Kaya, walang pagkakataon si Johnny na lumaban o magpumiglas kaharap ang mga tauhan ni Isaac.Pinlano na ni Charlie ang kapalaran niya!Hindi maiwasan ni Johnny na maging desperado at walang magawa sa sandaling ito.Hinding-hindi niya inaakala na ganito ang kahihinatnan niya!Kung mababali talaga ang mga binti niya, hindi ba’t magiging walang kwentang tao na siya sa buong buhay niya?Kapag dumating ang oras na iyon, isa na lang siyang walang saysay na tao na bali ang mga kamay at binti. Makakahiga lang siya sa kama, hindi makakagalaw, at hindi niya man lang maaalagaan
Bukod dito, pupunta siya sa Aurous Hill para bantayan si Mr. Chardon. Ang ibig sabihin ay wala siyang pagkakataon na maging tamad sa mga darating na araw. Kahit na ayaw niya, hindi siya nangahas na antalain ito at mabilis na umalis sa ilalim ng gabi.Nagbayad siya ng malaki para bumili ng isang kotse mula sa hotel owner at naglakbay mula sa maliit na siyudad papunta sa siyudad ng Yakutsk sa Russian Far East.Samantala, dinala ni Zachary ang isa pang jade ring na kinuha niya kay Terry at isang bank card na may mahigit one million US dollars para magsaya sa pinakamalaking nightclub sa Aurous Hill. Napapalibutan siya ng mga magagandang dalaga habang nag-eenjoy siya habang umiinom hanggang makuntento siya.May mga mahal na alak sa harap ni Zachary na may isang bote ng champagne na mahigit 10 o 20 thousand dollars. Ang mas maganda dito ay lampas 1000 thousand dollars.Bukod dito, ilang maganda at dalagang babae ang nakapalibot kay Zachary, pinupuri siya sa lahat ng posibleng paraan. Ang
Naing malungkot nang sobra ang kalooban ni Ruby nang marinig ang mga sinabi ng British Lord.Totoo, tulad nga ito ng hula niya. Palaging alam ng British Lord ang lokasyon ng mga great earl. Ang mas nakakatakot pa ay kayang analisahin ng British Lord ang kilos ng lahat ayon sa oras, lokasyon, at impormasyon na mayroon sa lokal na internet.Ang ibig sabihin ay sa buong buhay niya, marahil ay hindi niya matakasan ang kontrol ng British Lord.Kahit na ginagawa ng mga great earl ang mga misyon sa matagal na panahon nang hindi nag-uulat, may lason pa rin sila na ginawa ng British Lord sa katawan nila.Pero, ang mga tao tulad nila ay may mas mahabang buhay, kaya nagtakda ang British Lord ng mas mahabang oras para inumin nila ang antidote. Habang ang iba ay kailangan uminom ng antidote kada dalawang linggo, tatlong buwan, o kalahating taon, ang mga great earl ay kailangan lang inumin ang antidote kada tatlong taon.Pero anong pagkakaiba ang kayang gawin ng tatlong taon? Kung mga saranggol
Mabilis na pinindot ni Ruby ang answer button at sinabi nang magalang, “Hello, British Lord!”Nagsalita ang British Lord sa medyo marahan na tono sa kabilang dulo ng linya at sinabi, “Ruby, nasaan ka ngayon?”Kumunot ang noo ni Ruby. Alam niya na kapag dala-dala niya ang cellphone ng British Lord, kaya niya siyang tawagan sa kahit anong oras, dalawampu’t apat na oras, at siguradong alam niya ang lokasyon niya. Pero, kahit na alam niya ang lokasyon niya, dumaan pa rin ang British Lord sa pormalidad na magsimula ng isang kaswal na pag-uusap sa kanya. Mukhang gusto niyang mapalapit sa kanya.Nang maisip ito, sinabi nang magalang ni Ruby, “Sa ngayon ay nasa Far East pa rin ako.”Humuni ang British Lord bilang sagot at tinanong siya, “Nakahanap ka ba ng kahit anong bakas sa Far East na kaugnay kay Vera?”Mabilis na sumagot si Ruby, “British Lord, hindi sapat ang kakayahan ko at hindi pa ako nakakahanap ng kahit anong impormasyon na kaugnay kay Vera.”Ngumiti ang British Lord at sinabi
Alam ni Mr. Chardon na hindi na niya pwede pang suwayin ang mga utos nang walang angkop na dahilan dahil sinuway na niya ang mga utos dati at inantala ang pagpunta niya sa Aurous Hill.Ang ibig sabihin ng hindi pagsuway sa utos ay kailangan niyang pumunta agad sa Willow Manor at patayin ang mga miyembro ng pamilya Acker na natutulog, kasama na ang lahat ng pumoprotekta sa kanila. Siguradong magugulat ang buong mundo sa isang napakalaking operasyon.Madaling mahulaan na bilang lugar ng pangyayari, siguradong magkakaroon ng martial law ang Aurous Hill. Kung mangyayari iyon, paano niya masusundan ang mga bakas ni Zachary at ng boss niya?Kaya, ang pinakamagandang paraan para antalain ang operasyon ay kusang sabihin ang tungkol sa mahiwagang instrumento. Dahil, hindi lang mahalaga sa kanya ang mahiwagang instrumento, ngunit mahalaga rin ito sa British Lord.Naisip ni Mr. Chardon na itago ang Thunder Order na kayang magtawag ng kidlat, nilabas ang jade ring, at ginamit ito para hikayati
Sa kalagitnaan ng pag-iisip, bigla siyang nakatanggap ng online call mula sa British Lord. Nagbago sa sorpresa ang ekspresyon niya, at mabilis niyang sinagot ang tawag, sinabi nang magalang, “Hello, British Lord.”Sa kabilang dulo ng tawag, tinanong nang mahigpit ng malamig na boses, “Mr. Chardon, kailan ka dumating sa Aurous Hill?”Sumagot nang nagmamadali si Mr. Chardon, “British Lord, dumating ako sa Aurous Hill kaninang umaga.”Nagpatuloy ang British Lord, “Gabi na siguro diyan. Mahigit labinlimang oras ka na nasa Aurous Hill, kaya bakit hindi mo pa pinapatay ang mga Acker?”Tumibok nang malakas ang puso ni Mr. Chardon, at sinabi niya, “British Lord, kadarating ko lang sa Aurous Hill ngayong araw at hindi pa ako pamilyar sa kapaligiran…”Idiniin ng British Lord, “Hindi ba’t sinabi ko na sayo na nakatira sa villa ng Willow Manor ang mga Acker? Kailangan mo lang pumunta sa Willow Manor ng gabi at patayin silang lahat para maiwasan ang kahit anong problema sa hinaharap. Simpleng
Hindi katagalan, huminto ang Rolls-Royce na minamaneho ni Madam Marilyn sa loob ng courtyard ng Scarlet Pinnacle Manor.Si Vera na ang nagbukas ng pinto nang hindi hinihintay si Madam Marilyn, lumabas sa kotse, at naglakad papunta sa top-floor na courtyard niya. Nang hindi lumilingon, sinabi niya, “Madam Marilyn, simula ngayong araw, hindi ako aalis sa bahay. Ilagay mo lang ang tatlong pagkain ko sa labas ng pinto ng courtyard, kumatok, at maaari ka nang umalis.”Nasorpresa si Madam Marilyn. Naintindihan niya na ayaw sumali ni Vera sa orientation, pero hindi niya maintindihan kung bakit gustong manatili ni Vera sa loob nang hindi umaalis sa bahay.Bilang isang kasambahay, alam niya na mas mabuting huwag magtanong ng mga hindi kailangan na tanong, kaya sinabi niya nang walang pag-aatubili, “Okay, Miss Lavor, naiintindihan ko! May mga espesyal na hiling ka ba para sa mga pagkain mo?”Sumagot nang kaswal si Vera, “Ayos lang ang kahit ano. Ikaw na ang bahala dito.”Pagkatapos itong sa
Natatakot siya na konektado kay Charlie ang kulog kanina lang, kaya patuloy niyang binulong, “Sagutin mo nang mabilis ang tawag… Sagutin mo nang mabilis ang tawag…”Makalipas ang ilang sandali, kumonekta ang tawag, at narinig ang boses ni Charlie, “Veron, may kailangan ka ba?”Nang marinig ang boses ni Charlie, agad huminga nang maluwag si Vera at sinabi nang nagmamadali, “Charlie, nagpapasalamat ako para sa nangyari dati, kaya gusto kitang tanungin kung kailan ka libre. Gusto kitang imbitahin na kumain.”Humagikgik si Charlie, “Pag-usapan natin ito pagkatapos ng orientation mo. Sa ngayon, manatili ka lang sa school at huwag kang pumunta kahit saan.”Habang nagsasalita siya, may naalala si Charlie at tinanong siya, “Siya nga pala, nasa kalagitnaan ka pa rin dapat ng orientation mo, tama? Paano ka nagkaroon ng oras na tawagan ako?”Sadyang nagsinungaling si Vera, “Biglang kumulog kanina lang, at para bang uulan. Kaya, sinabihan kami ng instructor na magpahinga at suriin ang panahon
Samantala, sa Aurous University, libo-libong freshman mula sa iba’t ibang departamento ang nahati sa iba’t ibang pormasyon sa field para sa 14-day orientation.Ngayong araw pa lang ang simula, at maraming freshmen ang hindi sanay sa mahigpit na quasi-military orientation. Mahirap na nga tiisin ang sobrang init na araw, at dahil sa mahabang manggas na camouflage uniform at tuloy-tuloy na paglalakad, parang pinahihirapan nang sobra ang mga freshmen.Isang nakabibinging tunog ang biglang narinig sa timog-kanluran, nagulat ang lahat ng estudyante. Palihim na nagsasaya ang mga estudyante habang nakatingin sa mga madilim na ulap sa timog-kanluran, umaasa sila na biglang uulan.Karamihan ng mga estudyante ay inisip na kung biglang uulan, marahil ay masusupende ang orientation. Kung gano’n, sa wakas ay makakahinga na nang maluwag ang lahat. Kahit na hindi masuspende ang orientation, mas komportable na magsanay sa ulan kaysa tiisin ang mainit na araw.Kaya, halos lahat ng estudyante ay sa
Hindi lang dinurog ng kidlat ng Thunder Order ang malaking bato, ngunit gumawa rin ito ng isang malaking hukay sa lupa sa ilalim nito. Nanabik nang sobra si Mr. Chardon sa nakakatakot na lakas nito sa punto na halos napasigaw siya sa langit.Hindi siya makapaniwala na ang Thunderstrike wood ay isa palang mahiwagang instrumento na kayang magtawag ng kidlat. Bukod dito, ang lakas ng kidlat na ito ay maikukumpara sa isang heavy artillery shell, na lampas sa kahoy na ispada na binigay sa kanya ng British Lord.Habang puno ng sabik, tumayo si Mr. Chardon sa tabi ng malaking hukay, nakatingin sa buong Thunder Order, at binulong sa sarili niya, “Nakakatakot talaga ang lakas ng kidlat na ito! Gamit ito, kahit na may nakatagpo akong kalaban na mas malakas sa akin, kaya kong lumaban. Mukhang sobrang swerte ko sa pagpunta ko sa Aurous Hill ngayon!”Nang maisip ito, bumuntong hininga si Mr. Chardon, “Pero, malaki ang ginagamit na Reiki ng bagay na ito. Para lang mapagana ito ng isang beses, nau