Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Kabanata 5211 - Kabanata 5220

Lahat ng Kabanata ng Ang Maalindog na Charlie Wade: Kabanata 5211 - Kabanata 5220

5605 Kabanata

Kabanata 5211

Kahit na niligtas ni Charlie si Lady Jenson at ang anak niya, nagpapasalamat pa rin siya kay Lady Jenson.Ito ay dahil binigay niya sa kanya ang Phoenixica bracelet niya nang walang pag-aatubili. Sa una ay akala ni Charlie na alam ng matandang babae na ang Phoenixica bracelet ay pinamana sa kanya ng mga ninuno niya at gawa sa bihirang materyales, pero marahil ay hindi niya alam kung gaano kabihira o kahalaga ito.Pero, pagkatapos nilang magkita, napagtanto ni Charlie na may malinaw talagang pagkakaintindi si Lady Jenson sa halaga ng Phoenixica bracelet.Dati, si Marcius, ang benefactor ng pamilya Jenson, ay kinuha ang isa sa mga Phoenixica bracelet mula sa ninuno ni Fumiko, pinanatili ang ninuno ni Fumiko sa tabi niya ng deka-dekada, at binigyan ap siya ng dalawang Rejuvenating Pill.Hindi lang iyon, pero nangakot pa si Marcius na bibigyan niya ang ninuno ni Fumiko ng pagkakataon kung makakahanap siya ng paraan para mabuhay nang matagal sa hinaharap bago nakipaghiwalay sa kanya.
last updateHuling Na-update : 2024-08-24
Magbasa pa

Kabanata 5212

Pagkatapos itong hangaan nang matagal, nang irorolyo na ulit ni Charlie ang painting, bigla niyang naramdaman na may kaunting paggalaw ng Reiki sa painting.Nagulat siya dito!Ayon kay Lady Jenson, ang ninuno niya ang nagpinta sa painting na ito sa matandang edad niya.Dahil matanda na siya, siguradong matagal na siyang nagpaalam kay Marcius.Hindi na-master ng ninuno ni Fumiko ang Reiki, kaya bukod sa mahabang buhay kumpara sa ordinaryong tao dahil sa dalawang Rejuvenating Pill, imposible para sa kanya na magkaroon ng Reiki.Ang ibig sabihin din nito ay dapat walang laman na Reiki ang ginawa niyang painting sa matandang edad.Pero, mayroon ngang sobrang tagong bakas ng Reiki sa painting na ito. Hindi mapigilan na isipin ni Charlie, ‘Maaari ba na si Marcius ang nag-iwan ng Reiki sa painting na ito?! Marahil ay bumalik si Marcius sa tiyak na panahon nang hindi nalalaman ng pamilya Jenson!’Kumalma agad si Charli nang maisip niya ito. Nagpadala siya ng kaunting Reiki at maingat na
last updateHuling Na-update : 2024-08-25
Magbasa pa

Kabanata 5213

Isang middle-age na lalaki na may suot na berdeng damit ang pumasok sa matunog na paraan. Ang mga damit at hitsura ng lalaking ito ay katulad sa portrait ni Marcius, pero mukhang mas bata siya sa Marcius na nasa portrait.Nakikita ni Charlie na si Marcius ang taong ito.Huminto si Marcius sa harap ng tatlong painting nang matagal at tumingin sa matandang self-portrait ng ninuno ni Fumiko sa kanan bago bumuntong hininga at sinabi, “Wala ka na… Micah, kung nahintay mo ako ng tatlong araw pa, matutupad ko ang pangako ko sayo. Ngayong wala ka na, dapat kong ibigay ang pagkakataon na ito sa anak mo, pero nadismaya ako nang sobra sa mga sinabi at kilos niya. Kaya, hindi ko ipapasa ang pagkakataon na ito sa kanya.”Pagkatapos itong sabihin, itinaas niya ang kanyang kamay at tinapik ang portrait niya nang marahan habang binulong, “Iiwan ko ang memorya na ito sa likod ng painting na ito. Malalaman ng mga inapo mo ang dahilan pagkatapos akong sisihin ng mga inapo mo sa hinaharap at punitin an
last updateHuling Na-update : 2024-08-25
Magbasa pa

Kabanata 5214

Nawala rin ang nakatagong Reiki sa painting nang nawala ang imahe, pero nang tiningnan ulit ni Charlie ang painting, hindi niya mapigilan na iugnay ito sa imahe ni Marcius. Bigla niyang naramdaman na mukhang mas masigla at malinaw si Marcius sa portrait.Hindi niya mapigilan na isipin kung ano ang naging buhay ni Marcius pagkatapos umalis sa nayon sa bundok.Kahit na humaba ang buhay niya, mukhang walang mahalagang tao sa buhay niya. Matagal nang pumanaw ang asawa at anak niya, at ang natitirang disipulo niya na parang isang anak ay pumanaw na rin. Siya na lang ang nag-iisang taong nanatiling buhay.Sa pagkahumaling niya sa cultivation at paghihirap para sa haba ng buhay, marahil ay pipiliin niya pa ring bumalik sa kuweba niya kung saan at patuloy na tumira nang mag-isa para mag-cultivate pagkatapos umalis sa nayon. Marahil ay alam niya lang ang pagsikat ng araw at ang paglubog ng araw simula noon, pero hindi ang tungkol sa kung anong taon, buwan, o henerasyon na sa labas ng mund
last updateHuling Na-update : 2024-08-25
Magbasa pa

Kabanata 5215

Kahit na alam din ng mga miyembro ng pamilya niya ang tungkol sa villa, dahil ang mga upgraded na door lock ay nakabase na sa facial at fingerprint recognition, siya lang ang kayang magbukas sa kanila kaya hindi niya kailangan mag-alala na malalaman ng pamilya niya ang tungkol dito.Nang marinig ni Isaac na pupunta siya sa Champs Elys hot spring villa, sinabi niya nang nagmamadali, “Kung gano’n, ihahatid kita doon!”Umiling si Charlie at sinabi, “Hindi na. Nagsumikap ka buong araw, kaya bumalik ka muna at magpahinga. Kaya kong pumunta doon nang mag-isa.”Nang makita ni Isaac ang pagpupumilit ni Charlie, tumango siya agad, sumenyas sa tauhan niya para ibigay kay Charlie ang susi ng isa sa mga Rolls-Royce, at sinabi nang magalang, “Young Master, tawagan mo sana ako sa kahit anong oras kung may kailangan ka!”“Okay.” Kinuha ni Charli ang susi ng kotse at sinabi sa kanya, “Kung gano’n, pupunta muna ako doon.”Pagkatapos makipaghiwalay kay Isaac, nagmaneho nang mag-isa si Charlie papun
last updateHuling Na-update : 2024-08-25
Magbasa pa

Kabanata 5216

Dahil alam din ng mahalagang tao sa Aurous University na nasa Hong Kong si Marianne, inayos niya ang schedule ng interview ni Marianne sa alas tres ng hapon. Sa ganitong paraan, may sapat na oras si Marianne at hindi siya masyadong magmamadali kahit na pumunta siya sa Aurous Hill bago isang araw bago ang interview o sa araw ng interview.Nag-book na rin ng return ticket si Marianne sa Hong Kong ng alas nuwebe y media ayon sa oras na ito. Sa normal na sitwasyon, siguradong matatapos ang interview bago mag alas sais ng hapon. Kahit na makuha niya ang mga resulta na gusto niya o hindi, balak niyang bumalik muna sa Hong Kong para hindi siya makita ni Charlie.Ito rin ang dahilan kung bakit nagsuot ng isang facemask at isang pares ng salamin si Marianne sa buong flight.Makalipas ang sampung minuto, lumabas na si Marianne sa airport at naghandang sumakay sa taxi papunta sa Aurous University. Kahit na naka-set sa hapon ang interview, gustong samanatalhin ni Marianne ang natitirang oras pa
last updateHuling Na-update : 2024-08-26
Magbasa pa

Kabanata 5217

Gumaan ang pakiramdam ni Marianne nang marinig ang mga sinabi ni Shawn.Hindi niya mapigilang sabihin, “Pa, bakit hindi mo sinabi sa akin nang maaga na nandito sina Mr. at Mrs. Carrick? Kung gano’n, nakapaghanda ako ng ilang regalo para sa kanila. Hindi angkop para sa akin na bisitahin sila nang walang dala ngayon…”Ngumiti si Shawn at sinabi, “Sa ugali mo, kung sinabi ko ito sayo, siguradong hindi mo gugustuhin na pumunta. Siguradong sasabihin mo na pupunta ka lang para sa interview at mas mabuti na huwag abalahin ang iba. Uutusan mo rin ako na huwag sabihin sa kahit sino ang tungkol dito. Ako ang iyong ama, kaya hindi ba’t kilala nakita?”Walang masabi si Marianne nang ilang sandali. Pakiramdam niya na makatwiran ang sinabi ng kanyang ama. Mahirap para sa kanya na makasundo ang kanyang ama dahil sa ugali niya, kaya kung ito sa kanya ng kanyang ama, marahil ay nagtalo pa sila.Kaya, sinabi niya, ‘Okay, bibisitahin ko muna sina Mr. at Mrs. Carrick, kung gano’n.”Sinabi ni Shawn na
last updateHuling Na-update : 2024-08-26
Magbasa pa

Kabanata 5218

Pero, palaging ginagawa ni Marianne ang napagpasyahan na niya bago ito pag-usapan. Hindi niya istilo na pag-usapan ito nang hindi ginagawa.Pero, nag-aatubili pa rin si Marianne na sabihin ang totoo, kaya sinabi niya kay Madam Marilyn, “Medyo matagal na akong nanatili sa Hong Kong. Medyo mabilis ang mga first-tier city sa Oskia, kaya pinili ko ang Aurous Hill dahil gusto kong maghanda ng medyo komportableng siyudad.”Tumango si Madam Marilyn sa pagsang-ayon at sinabi nang nakangiti, “Ang bilis ng buhay sa Aurous Hill ay mas mabagal nga kumpara sa mga first-tier city, at medyo komportable rin ang kapaligiran dito. Maraming taon na ako dito, at mas nagugustuhan ko pa ito. Naniniwala ako na mararamdaman mo rin ito kapag nanatili ka dito nang matagal.”Pagkatapos itong sabihin, idinagdag ni Madam Marilyn, “Kung nagpasya kang manatili sa Aurous Hill para magpaunlad sa hinaharap, malaya kang tawagan ako sa kahit anong oras kung kailangan mo ng tulong sa kahit ano.”Pagkasabi nito, ibinig
last updateHuling Na-update : 2024-08-26
Magbasa pa

Kabanata 5219

Sinabi nang mapagpakumbaba ni Madam Marilyn, “Tsismis lang ang alam ko. Kung gusto talaga itong malaman ng ordinaryong tao, kailangan lang nilang magbigay atensyon. Huli talaga ako kumpara sa mga academic elite na tulad mo…”Pagkasabi nito, idinagdag ni Madam Marilyn, “Kung kukunin ka ng Aurous University, bilang isang estudyante na may doctorate mula sa Hong Kong University, marahil ay direka o hindi direkta mong madadala ang ilang student resources sa Aurous University mula sa Hong Kong sa hinaharap, ang pinaka pinapahalagahan ng Aurous University. Ayon sa kombinasyon ng mga rason na ito, kaya kong sabihin na siguradong mapapasa mo ang interview na ito.”May napagtanto si Marianne at tumango siya nang marinig ito.Kahit kailan ay hindi siya lumayo masyado sa Hong Kong, at wala siyang masyadong pakialam sa mga bagay-bagay na walang kinalaman sa kanya, kaya kahit kailan ay hindi nagkaroon ng masyadong pang-unawa si Marianne sa tinutukoy ni Madam Marilyn.Biglang nagkaroon ng mas ma
last updateHuling Na-update : 2024-08-26
Magbasa pa

Kabanata 5220

Inayos niya muna ang upuan na gawa sa kawayan at pagkatapos ay umupo sa harap ni Vera habang sinabi nang magalang, “Miss, ganito kasi. May… May apong babae ako na nagkataon na pupunta sa Aurous Hill para pumunta sa isang job interview, kaya inimbita ko siyang maging bisita sa manor para makakain siya kasama natin dito. Kaninang umaga ko lang ito nalaman, kaya hindi ko ito inulat sayo nang maaga. Huwag ka sanang magalit sa akin.”Kumuha si Vera ng isang bagong tasa, hinugasan ito gamit ang tubig, at sinabi nang nakangiti, “Manor mo ito, at ikaw ang host. Bakit kailangan mong iulat sa akin ang kahit ano kung gusto mong magdaos ng isang handaan? Isa lang ako sa mga bisita mo.”Sinabi ni Logan nang walang pag-aatubili, “Miss, ito ang pangalawang bagay na gusto kong sabihin sayo. Bihira na gusto mo ang lugar na ito, at tumatanda na rin ako, kaya natatakot ako na hindi na ulit ako makakapunta dito pagkatapos ng pagbisita na ito. Kaya, gusto kong ibigay ang Scarlet Pinnacle Manor na ito say
last updateHuling Na-update : 2024-08-27
Magbasa pa
PREV
1
...
520521522523524
...
561
DMCA.com Protection Status